“KUNG BAKIT ANG PAGPAPALANG MATERYAL AY HINDI PA IPINAGKAKALOOB? SINO ANG PHARAON O NAGIGING MGA HADLANG? MAY MAHALAGANG BILIN BA NA DAPAT MASUNOD KUNG IBIG NA NG SINUMAN ANG PAGTATAGUMPAY? KUNG IPAGKAKALOOB NA NG ATING PANGINOON NAKAHANDA NA BA KAYONG LAHAT NA SUMUNOD? TINATAWAGAN NG PANSIN ANG LAHAT NG KINAUUKULAN SA PAMBUONG DAIGDIG NA PANAWAGAN, AKO ANG TINIG NG ARKANGHEL NG PANGINOON MAY DALA NG MABUTING BALITA TAGLAY ANG PAGPAPALANG ESPIRITUAL PAKINGGAN NINYO AKO BAGO DUMATING ANG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO NA SIYANG MARAPAT TUMANGGAP NG PAPURI AT PARANGAL NA NGAYON AY INIHAHAYAG KO SA INYO PARA SA GANAP NA KAPURIHAN AT KALUWALHATIAN NG DAKILANG PANGINOONG DIYOS NA PINAGMULAN NG LAHAT NG YAMAN NA SA INYO’Y INIHABILIN LAMANG” (Unang Bahagi)
“O DAKILANG PANGINOONG DIYOS nang likhain mo ang sandaidigan mula sa wala, ay kahayagan na ng IYONG NAPAKADAKILANG GAWA NG IYONG MAKAPANGYARIHANG KAMAY. Jeremias 51:15 NPV 15“Sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan ay nilikha niya ang daigdig; itinatag niya ang mundo sa pamamagitan ng kanyang karunungan at iniladlad ang langit sa pamamagitan ng kanyang kaunawaan. Apocalipsis 4:11 NPV 11“Aming Panginoon at aming Dios, karapat-dapat kang tumanggap ng parangal, papuri at kapangyarihan, pagkat nilikha mo ang lahat ng bagay, at ayon sa iyong kalooban, sila ay nalikha.” Kanino KA ihahalintulad? kanino KA ihahanay upang masabing may nakahihigit pa SAYO? Wala na nga po, o wala na nga! IKAW ang dapat na pinasasalamatan ng lahat. IKAW po ang marapat na Sinasamba, Pinupuri, Dinadakila, Niluluwalhati na makilala na maylalang sa lahat! Hindi ang ibang pinaglilingkuran, sinasamba at kanilang niluluhuran na pawang nilikha MO lamang. IKAW ang DAKILA namin na AMANG BANAL na marapat pag-ukulan ng mataas na paggalang.
Ang PANGINOONG DIYOS na hindi marapat na inuutusan, hindi sinisigawan, hindi kinukundisyon, hindi kinukwestyun, hindi sinusukat ang Kakayahan, hindi sinusubok ang Kapangyarihan, hindi sinasagut-sagot ng pabalang, hindi pinagtataguan, hindi pinagtataksilan, hindi ipinagpapalit sa iba, hindi pinaglilihiman, hindi tinatalikuran, hindi itinatakwil at hindi pinagsisinungalingan. Sapagkat IKAW lang ang PANGINOONG DIYOS ang PINAKAMABUTI SA LAHAT na puspos ng pag-ibig at pagmamahal sa lahat-lahat ng IYONG mga nilalang, na buhat pa ng pasimula matapos MO likhain ang mga materyal na bagay ang tao naman ang IYONG nilalang na binigyan MO ng mga pagpapalang materyal, binigyan ng karapatan na mamahala, binigyan ng kapangyarihan. GENESIS 1 : 26 – 28 BMBB 26 Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.” 27 Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila’y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae, 28 at sila’y pinagpala niya. Sinabi niya, “Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak ang buong daigdig, at kayo ang mamahala nito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa tubig, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa.
Napakapalad ng tao sa pasimula pa lang GENESIS 2 : 15 NPV 15 Ang tao ay inilagay ng PANGINOONG Dios sa Hardin ng Eden upang pangalagaan at pagyamanin ito. Dinala at sininop pa ng PANGINOONG DIYOS sa pinakamainam na dako sa Halamanan ng Eden na nagsilbing tahanan ng tao. Naroon na ang lahat, halos wala ng hahanapin pa sapagkat hindi kukulangin sasapat ang lahat ng kakailanganin at kakainin upang masaganang makapamuhay kung pangangalagaan nila ito at kanilang pagyayamanin na inaasahan sa kanila ng ating PANGINOONG DIYOS.
Ang pagmamalasakit ng PANGINOONG DIYOS sa tao ay hayag na ayaw NIYA na mapahamak sa pasimula pa lang, kaya GENESIS 2 : 16-17 BMBB 16 Sinabi niya sa tao, “Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan, 17 maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay mamamatay ka.” Bahagi na ito sa ating pinag-aralan sa nakaraan, na ang kahinaan ng tao ay nahayag na hindi talaga kuntento sa bagay na mayron na para sa kanila na kahalitulad ng mga nagaganap sa kasalukuyan sa loob ng IGLESIA. Masasabing mapalad na rin sana, bunga ng kanilang pagkilala at pananampalataya ay nakahanay na rin sa may pangakong kaligtasan na may karapatan mamuhay sa Bayang Banal na inilalaan ng PANGINOONG DIYOS sa lahat ng magtatagumpay pagdating ng takdang pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Subalit natukso pa sila sa kaway ng mapaminsalang diablo, kung paano nilinlang din nito si Eva na ikinapahamak na rin ni Adan. Alin yun? Ang materyal na bagay na kaakit-akit sa mata kaya nasunod ang pagnanasa ng laman. Dahil sa udyok na rin ng tusong ahas kinain at pinakialaman nila ang bagay na hindi ukol para sa kanila, kahit may mahigpit na bilin ang PANGINOONG DIYOS na huwag na huwag nilang kakainin subalit nasilaw sila na ito ay pakialaman. Dahil doon kapwa nahulog ang mag-asawa sa pagkakasala. Kaya kung paano naganap noon sa panahon ni Eva at ni Adan ang alisin sa kanila ang karapatan na manirahan sa Halamanan ng Eden dahil sa pakikialam sa bunga ng punong kahoy na nasa uring materyal na bagay nang kanila itong kainin, ay gayundin ang naging pagpapasya ng PANGINOONG DIYOS sa panahon naman natin sa udyok ng Banal na Espiritu ay itiwalag silang lahat na napadaya sa tusong diablo, kaya inalis na rin sa kanilang lahat ang karapatan na makapanirahan sa Bayang Banal at alisin din ang kanilang mga pangalan sa hanay na maliligtas. Kung bakit? Mula rin ng pakialaman nila ang materyal na bagay na hindi ukol sa kanila. Paano nila ito kinain? Nang tanggapin nila ang ukol materyal na paglilingkod samantalang sila ay ukol sa Espiritual na paglilingkod bilang mga ministro sa pakikipagkasundo. II Corinto 5 : 18 ADB 18 Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay sa amin ang ministerio sa pagkakasundo. Kaya hindi lingid sa kanila na ang lahat ng bagay ay pawang sa PANGINOONG DIYOS. Subalit batid din naman nila na sila ay mga ministro na ang ibinigay sa kanila ng PANGINOONG DIYOS ay ang pagka ministro sa pakikipagkasundo sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Nagpumilit kayong akuin ang hindi ninyo kaukulan na wala sa inyo ang karapatan, na kailan lamang ipinarehistro ang FYM Foundation upang gamitin at iugnay ito sa pinakasusi sa Programa ng PANGINOONG DIYOS na hinahanap ng buong mundo. Kung buhay ang kapatid na Felix Y. Manalo at kapatid na Erano G. Manalo ay hindi nila kapwa pahihintulutan ito ayon sa pinaplano ninyo. Hindi yan ang Mother Control na binabanggit. Mismo ang Panginoong Jesu-Cristo ang tuwirang tinutukoy sa programa. Ako na lingkod ng PANGINOON ang maghahayag nito sa inyo. Wala sa inyo ang karapatan, yan ang totoo! Ito ang ibinigay Niya sa inyong lingkod, ang kasagutan sa lahat ng problemang kinakaharap ninyo sa pagkakasangla ng lahat ng ari-arian ng IGLESIA NI CRISTO ay muling tutubusin nating lahat. Tanungin ninyo ako paano natin magagawa ang lahat ng ito at magtapatan na tayo! Magtulungan! Igayak ninyo ang Banal na Iglesia! Igayak ninyo ang lahat ng mga kapatid. Isasaayos na natin ito. Huwag na kayong magsumbatan! Huwag na kayong magturuan! Huwag na kayong magsisihan! ISASAAYOS NA ANG KABUUAN NG IGLESIA NI CRISTO pati na ang damdamin ninyo na mga ministro bilang magulang sa karapatan at ang damdamin ng inyong mga anak na kabilang sa mga kaanib sa bawat lokal. Ibabalik natin ang pag-iibigang magkakapatid, aayusin na natin ang lahat ng wala ng anumang pangangatwiran pang gagawin … Kaalinsabay nito ang mga nasa labas ng IGLESIA NI CRISTO ang isasaayos ko sa tulong muli ng PANGINOONG DIYOS, sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo sa pagsusugo sa Banal na Espiritu… Walang itatanging relihiyon, lahi, nasyon, bayan, institusyon, organisasyon o sinumang indibidwal. Walang isasantabi sa inyong lahat, walang iiwan, walang pababayaan, sapagkat pag-ibig ang dala-dala na aking inaalok sa inyo na ito ay mula sa aking Panginoong Jesu-Cristo na nagsugo sa akin upang magpatooo sa Kanya. Isa akong Anghel ng PANGINOON hindi ako nag-iisa. Kaya matapos ninyong mabasa ang lahat ng ito ay manalangin kayo inaanyayahan ko kayong manalangin na bagbag ang puso at kalooban, na nawa patawarin kayo ng PANGINOONG DIYOS at ng Panginoong Jesu-Cristo sa lahat ng anumang pagkukulang at pagkakasalang nagawa sa inyong kakapatid at kapwa. Panahon ng Pagbabagumbuhay! Panahon ng Pagpapala! Lahat bibigyan ng pagkakataon mabuti at masama ito na ang inyong pagkakataon piliin ang mabuti. LAHAT makikipagkasundo sa PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo. Ihanda ninyo ang natatanging araw ng aking pakikiharap sa inyo sapagkat ako ay darating kasama ko ang PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo na lulukob sa aking pagkatao ang Banal na Espiritung magsasaysay sa inyo ng ating pinakamabuting gagawin sa pagsasaayos sa pangkalahatan. Ito ang inyong kapatid sa IGLESIA NI CRISTO. – Elias Arkanghel
(Inaanyayahan ang mga lengguwistika na may kakayahan na isalin sa lengguwahe na maiintindihan ng lahat ng kinauukulan ang pahayag na ito, upang anumang lahi o nasyon nabibilang ay makaunawa sa pandaigdigang imbitasyon na para sa lahat.)
I Tesalonica 4: 16-18 NPV 16 Sapagkat ang Panginoon ay bababa mula sa langit na kasabay ng malakas na utos, may tinig ng arkanghel, at may tunog ng trompeta ng Dios, ang lahat ng namatay kay Cristo ang unang bubuhayin. 17 Pagkatapos nito, tayong mga buhay pa ay titipunin sa ulap at isasama sa mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa papawirin. Sa gayon, makakapiling tayo ng Panginoon magpakailanman. 18 Kaya nga, mag-aliwan kayo sa pamamagitan ng mga salitang ito.
At kapag naisaayos na ang lahat ng ito ay matatapos na rin ang paghihirap ng Bayan ng PANGINOONG DIYOS at magaganap na ang mga pangitain at ang kaugnay sa ikatlong taon at kalahati na paggagayak at paghahanda ng babae (Iglesia) patungo sa Ilang. – Elias Arkanghel
MAGANDANG ARAW PO SA INYO KA. ELIAS ARKANGHEL,
MARAMING SALAMAT PO SA PAGHAHATID NYO MG MENSAHE NA MULA SA MGA BANAL NA KASULATAN PATUNGKOL SA NALALAPIT NA ARAW NG PANGINOON. DAHIL DITO LABIS AKONG NASASABIK NA MASAKSIHAN LAHAT NG MAGIGING KAGANAPAN NG LIHIM NA PANUKALA NG DAKILANG DIOS AT SANA’Y KAAWAAN PO NYA AKO AT PAGING DAPATIN NA MAKASAMA SA KANYANG GAGAWING PAGLILIGTAS SAPAGKAT SA GANANG AKING SARILI’Y TOTOONG AKO’Y WALANG MAGAGAWA.
MARAMING SALAMAT PO, SAPAGKAT DAHIL SAYO’Y PINALALAKAS MO ANG AMING PANANAMPALATAYA AT PAG-ASA NA MAKAMIT ANG KALIGTASANG MALAON NG HINIHINTAY NG LAHAT NG MGA TUNAY NA HINIRANG SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO. TOTOONG SABIK NA SABIK KAMI SA PAGKALINGA TULAD NG PAGKALINGA NA IPINAMALAS NG PANGINOONG JESU-CRISTO SA KANYANG MGA TUPA.
NAWA’Y MANATILI SA INYO ANG KALUSUGAN NG PANGANGATAWAN AT MAIKUBLI SA MAPAMINSALANG TAO AT MAPANGANIB NA KAPALIGIRAN.
gregorio.pilar_01
LikeLike