Kailangan ng pagtutuwid at hindi hahayaan na ang kamalian ang mangibabaw. Upang huwag humigit sa Katotohanan. Kailangan itama para huwag makahatak ng iba na magsasapanganib na mapahamak sa mga mahihinang umunawa. Kaya nga lagi tayong nagpapaalaala sa mga nagku-komento kung hindi rin lang nauunawaan ang sinasabi mabuting aralin ng makailang ulit ang bibitawan na salita kung magiging kapakinabangan ba ng nagbabasa, o magtatanyag lang sa kanya subalit ikamamatay naman ng pananampalataya ng iba. Kaya nga pinag-iingat tayo sa pagbibitaw ng mga termino o salita lalo na nakaabang lang ang diablo kung mapahintulutan mong papasukin siya dahil sa kawalang ingat na pagpapahayag na isinabay ang damdamin na naghihimagsik sa kapwa ay doon masaya siyang mamamahay sa damdamin na mahina.
Kaya daigin natin ang masama piliin natin ang mahanay tayo sa mga may mahihinahong pag-iisip na hindi nakikipagtagisan sa sinuman kundi ang nangingbabaw ay ang damdaming mabuti na maghahatak sa nagtataglay ng kahinahunan, kababaang loob at mabait sa lahat. Kung nagagawa muna ito nakapag-aambag ka sa mga nakababasa ng iyong pagpapahayag ng hindi nakapipinsala ng iba sa halip nag-iiwan ng pag-asa may ngiti pang kasama.
Kapatid hindi mali ang dereksyon.. dahil ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS ang nagtakda ng dako at ng dereksyon. Isaias 35 :8 At magkakaroon doon ng isang lansangan, na tatawaging Daan ng Kabanalan. Ang marumi ay hindi maglalakbay roon; ito ay para lamang sa mga lumalakad sa nasabing Daan; ang masasama’t mga mangmang ay di maglalakad doon Malinaw na sa pagdadalhan sa Babae (Iglesia) doon sa ilang na hindi makadaraan ang marumi. Kaya madaling unawain kapatid ko na hindi makapaglalakbay doon ang marumi. Kung hindi marumi ano ang tawag doon? Nangangahulugan lang na dapat malinis, kaya hindi totoong hindi malilinis, tama ba kapatid? May mahalagang dapat pa na gawin yan ay ayon sa sinasabi mong pag-aralan ngunit hindi lang ang mga Hinirang na patuloy na talagang mga nagsisipag-aral na nag-uukol ng masinsin na pag-aaral. Sinisikap nila na maunawaan ang mga Katotohanag nababasa sa Blog at kanilang iniwawangis ang mga sagot sa inyong mga katanungan na nababasa nila sa Blog ng Iglesia ni Cristo … Hinirang.
Dahil sa pagkakilala sa tulong na magagawa ng DAKILANG AMANG BANAL sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo. Silang lahat na mga Hinirang na walang anumang reserbasyon, o anumang iniisip para itanyag ang kanilang mga sarili, ay nagiging kaaliwan ko silang lahat, dahil hayag kung nasasaksihan na pawang kinalulugdan sila ng PANGINOONG DIYOS kung kaya buong giting na nakapaninindigan sa kanilang mga natutunan sa ibinabahagi sa kanilang kaalaman. Dahil diyan lalo pa silang sumulong sa Karunungang ipinahihiram ng DAKILANG AMANG BANAL na napagtagumpayan ng Panginoong Jesu-Cristo na ipinahihiram naman sa kanilang lahat sa patnubay ng Banal na Espiritung gumagabay sa kanila at sa aba ninyong kapatid na napahintulutan lamang. Kung kaya naman alang-alang sa Kapurihan, Kaluwalhatian at Kadakilaan ng PANGINOONG DIYOS at ng Panginoong Jesu-Cristo ay boluntaryong nagpapatuloy silang lahat na ipinagmamalasakit ang Banal na Gawain. Kanilang buong sikap at sipag na mga gumagawa maitaguyod lamang ang Banal na Gawaing ipinagkatiwala at inihabilin sa kanilang kapatid na Elias Arkanghel habang ito ay abala naman sa pagsasaayos sa iba pang gawain. Kaya patuloy naming ipinag-aanyaya na magsuri, mag-aral at maging matalino naman sa pagpapahayag ng komento, kung mayroon hindi nauunawaan ay magaan ang pagtatanong. Sa gayun ay huwag mawalang kabuluhan ang naging pagsusuri at pag-aaral ng hindi mahanay sa mga hindi nakauunawa sa aming mga ipinapahayag, na matulad naman sa mga mangmang na gaya ng nagbitaw ng mga masasamang termino na ipinauunawa sa talata ng BIBLIA na ating binasa sa itaas na bahagi. Patungkol sa gawain ni Elias na yung pinatutungkulan halos pakikinggan na lamang o babasahin at uunawain na lamang ang mga kaugnay sayong itinatanong. Hindi mo mauunawaan kapatid kung limitado ang iyong pagbabasa at pakikinig. Sa huling bahagi ng iyong pagtatanong tanging ang PANGINOONG DIYOS lamang ang nakakaalam ng hangganan na gagawin ng Elias na iyong pinatutungkulan.
PITONG URI NG PAGKAPANGANAK
Ang panganganak ng Babae (Iglesia) na binabanggit ay hindi literal na pagkapanganak na inaakala ng iba. Ito ay ipinatutungkol sa pagkakapitan ng Gampaning Espiritual. Ngunit para sa ikaunawa ay may 7 (pito) na uri ng pagkapanganak. 1) Una mula sa sinapupunan ng Ina ay iluwal ang bata, yun ang pagkapanganak na literal. 2) Ikalawa ng ikaw ay maaralan at ganap na sumampalataya, naitakda na ikaw ay mabautismuhan, ikaw ay tinatawag na isa ng bagong nilalang, yun ang isa sa pagkapanganak na binabanggit. 3) Ikatlo ng ikaw ay kilalanin ng iyong mga magulang at tanggapin ang kanilang basbas bilang magulang lalo na sa hanay ng mga papasok sa panibagong yugto ng buhay, yun ay pagkapanganak ding matatawag. 4) Ika-apat ng atangan ng tungkulin sa pamamagitan ng panunumpa sa harap ng kapulungan yun ay matatawag din na pagkapanganak 5) Ika-lima ng atangan ka ng mataas na responsibilidad na may panunumpa sa harap ng karamihan na nakapatong ang kamay sa BIBLIA yun man din ay panganganak sapagkat pagtahak sa bagong yugto ng panunungkulan. 6) Ika-anim ng tanggapin mo ang basbas sa patong ng kamay ng Matatanda o pangunahing lider matapos na ihanay ang mga Gabay ng Karunungan na nakasulat sa Banal na Kasulatan o BIBLIA. 7) At ang ika-pito hindi pa eksistido, nasa Diwa pa lang ng PANGINOONG DIYOS, sinubaybayan hanggang sa bahay bata ng iyong Ina ay inatangan ka na ng PANGINOONG DIYOS ng Gampanin, sa pamamagitan ng KANYANG unang pahayag na ipinangangako na ikaw ay KANIYANG isusugo sa takdang panahon ay lilitaw ka sa bisa ng mga hula na pinatototohanan ng mga Propeta, yun ang sa Espiritual na pagkapanganak o ipanganganak pa lang sa Ikaluluwalhati ng DAKILANG AMANG BANAL na pinatutungkol sa ipanganganak ng Babae. At ang isa sa pangunahing kinatuparan ay ang ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo subalit iba sa ipanganganak ng Babae na tinutukoy sa Apocalipsis o Pahayag . Kaya nga Mateo 1 : 18 – 25 NPV 18 Ganito ang pagkapanganak kay Cristo. Si Maria ay nakatakdang pakasal kay Jose. Ngunit bago sila nagsama, nagdalang-tao si Maria sa pamamagitan ng Espiritu Santo. 19 Si Jose naman, palibhasa’y matuwid, ay nagpasyang hiwalayan si Maria sa tahimik na paraan pagkat ayaw niya itong ibilad sa kahihiyan. 20 Ngunit matapos bulayin ni Jose ang pangyayari, napakita sa kanya ang isang anghel ng Panginoon sa pamamagitan ng panaginip. “Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria bilang asawa. Ang dinadala niya sa sinapupunan ay mula sa Espiritu Santo,” sabi nito. 21 “Lalaki ang magiging anak niya. JESUS ang ipapangalan mo sa kanya pagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang kasalanan.” 22 Nangyari nga ang lahat ng ito upang maganap ang ipinahayag ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: 23“Ang dalaga’y magdadalang-tao at manganganak ng lalaki; tatawagin itong Emmanuel” (Ibig sabihi’y, “Kasama natin ang Dios.”) 24 Nagbangon si Jose at ginawa ang ayon sa sinabi ng anghel ng Panginoon. Tinanggap niya si Maria bilang asawa. 25 Hindi niya sinipingan ang asawa hanggang sa maisilang ang anak na pinangalanan niyang JESUS.
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#accessthetruth #inc101 #onewithevm #1withevm #net25 #eduardomanalo #gliceriosantosjr #jojodeguzman #antoniodeguzman#antonioebangelista #radelcortez#arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #iglesianicristo #1with25 #inc100#inccentennial#centennial #inc4life #incootd#incfashion #incmedianews #inctv #incmedia #AMONEWITHEVM #PASAKOPAKOSAPAMAMAHALA
#FIGHTFORMYFAITH #SOLIDINCFOREVER
MAGANDANG HAPON PO KA. ELIAS ARKANGHEL,
MAGANDANG HAPON DIN PO SA LAHAT NG MGA TUNAY NA HINIRANG.
NAIS KO LAMANG PO NA MALAMN KUNG KAYO PO BA ANG SYANG TUNAY NA NAG-EMAIL SAKIN AT NAG ANYAYA UPANG MAKADALO PO AKO SA TUNAY NA PAGTITIPON NA INYONG ISINASAGAWA O E-MAIL LAMANG PO NG ISANG NAGKUKUNWARI UPANG PUMUKSA SA MGA NANININDIGAN SA ARAL / KATOTOHANAN? KUNG TUNAY NGANG KAYO PO AY NAIS KO LAMANG PONG DITO NA RIN MALAMAN ANG INYONG SAGOT.
NANANABIK PO AKONG MAKASAMA SA PAGTITIPON NA INYONG ISINASAGAWA, AT KUNG MAAARI AY DOON NA LAMANG PO AKO MAGPAPAKILALA SA INYO.
MARAMING SALAMAT PO KA. ELIAS ARKANGHEL.
NAWA’Y MANATILI ANG INYONG KALUSUGAN AT KALIGTASAN SA MGA TAONG MASASAMA.
ANG INYONG KAPATID SA PANGINOON,
GREGORIO PILAR
LikeLike
Ako mismo mahal kong kapatid! Magandang gabi sayo!
LikeLike
Hi Ka Gregorio, pakipm po ako sa FB ko Lina Castillo. Kasama na po ba namin kayo sa grupo ng hinirang?
LikeLike
MAGANDANG ARAW PO KA. ELIAS ARKANGHEL.
LAGI KO PONG SUSUNDIN ANG INYONG MGA TAGUBILIN.
AT ITATAKWIL KO ANG MGA ARAL AT UTOS NG TAO NA SYANG GAGAMITING KASANGKAPAN NG DIABLO UPANG MAILIGAW ANG MARAMI.
PATULOY PO AKONG SUMUSUBAYBAY SA INYONG MGA MENSAHE SA PAMAMAGITAN NG BLOG SITE NA ITO. PARA PO HINDI AKO MALIGAW NG MGA BULAANG GURO NA NAGTUTURO NG MGA KALOOBAN AT UTOS NG TAO. DAHIL SA HINDI NILA NAUNAWAAN ANG MGA ARAL NA TUNAY NGANG NAKALIHIM SA HIWAGA NA KAHIT KANILANG ARALIN AY HINDI NILA MAUUNAWA MALIBAN LAMANG SA PINAGKALOOBAN NA MAKAALAM NITO.
SA TOTOO LANG PO KUNG HINDI KO KAYO NAKILALA SA BLOG NA ITO AY WALA SANA AKO SA TAMANG PAGKAUNAWA NG MGA NAGAGANAP AT MAGAGANAP PA SA IGLESIA NI CRISTO.
HANGAD KO PO LAGI ANG INYONG KALUSUGAN AT KALIGTASAN SA MGA MASASAMA.
ANG INYONG KAPATID SA PANGINOON
GREGORIO.PILAR
LikeLiked by 1 person