Lupang Pangako… palasak na nating naririnig na ikinakapit sa Mindanao. Alam niyo bang hindi lang ang Mindanao ang tinutukoy na Lupang Pangako? Sa BIBLIA kung tukuyin ito ay “sa mga pulo ng dagat” ang dereksyon na may tuwirang ipinag-uutos ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa mga tao na Isaias 24: 15 Kaya’t luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga’y ang pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa mga pulo ng dagat. Natitiyak natin na Pilipinas ang pinatutungkulan sa hula sapagkat binanggit ang dako na silanganan o malayong silangan, na dito tuwiran tinukoy sa mga pulo ng dagat na magbibigay luwalhati sa KANYA kung saan muling bumangon ang Iglesia ni Cristo. Kaya nga napakapalad ng bansang ito na kilala sa kasalukuyang tawag na Pilipinas. Kaya ibig naming isaayos, ipaunawa, ituwid ang maling pagkaunawa na hindi lang ang Mindanao ang “Lupang Pangako” kundi ang Pilipinas sa kabuuan ang pinatutungkulan na Lupang Pangako, ang Lupa ng mga Hinirang na tinatawag ding Maluwalhating Lupain na nasa Silanganan, Maharlika, LuzViMinda, Lemuria, Far East, Malayong Silangan o Dulong Silangan, ang Mutya ng Dagat na ito rin ang Perlas sa Dulong Silangan.
Pagmasdan ninyo ang larawan ng kabuuan ng mapa ng Pilipinas, kung sa anong anyong maamong alagain ito itinulad. Sa “batang maamong tupa” ang kawangis ng ating Bayang nakalulugod sa Mata ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS, na tahanan ng KANIYANG mga Hinirang kung saan sila naroroon na magbibigay luwalhati sa ating DAKILANG AMANG BANAL at sa ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo.
Ang Pilipinas na KANIYANG Bayan na nababalot ng mga hiwaga at ng mga kamangha-manghang gawa ng KANIYANG Makapangyarihang Kamay ay maliit lamang na bansa kung ikukumpara sa mga naglalakihang teritoryo na nasasakupang kalapit bansa. Subalit maliit man ang munting bayan ay pinasagana ito ng PANGINOONG DIYOS ng Kayamanang Espiritual at Kayamanang Materyal na pawang nasasaklawan ng KANYANG BATAS ESPIRITUWAL.
Ang Pilipinas ay halos punuin ng PANGINOONG DIYOS ng yaman sa kagandahan ng kalikasan, ng yaman sa kagandahan ng karagatan.. ng yaman sa kalupaan na dito ay makukuha ang ibat-ibang uri ng mga mahahalagang materyal na bagay. At ang kamangha-mangha narito sa Pilipinas ang hindi masukat, mabilang na mga kayamanang halos hindi kilala sa terminong naririnig na natin na natipon sa Lupa ng mga Hinirang sa hindi mapag-unawa, maipaliwanag ng iba kung paanong naugnay ang Pilipinas sa lahat ng kayamanang nagpangalat mula pa noon, buhat ng pasimula ay matipon sa maliit na bansang ito.
Ang kamangha-mangha ay narito sa Pilipinas ang Banal na Dako kung saan narooon ang Paraiso. Kung sa atin manggagaling ang pagpapahayag ay hindi magiging katanggap-tanggap sa mga mahihina ang pang-unawa at kulang sa pananampalataya. Subalit hindi kataka-taka kung paano nagpapahayag ang ating Panginoong Jesu-Cristo ng mga kamangha-manghang bagay patungkol sa Kaniya JUAN 10: 19 Dahil sa mga pananalitang ito, hindi na naman nagkaisa ng palagay ang mga Judio. 20 Marami sa kanila ang nagsabi, Sinasapian siya ng demonyo at nababaliw! Bakit kayo makikinig sa kanya? 21 Sinabi naman ng iba, Hindi makakapagsalita nang ganoon ang isang sinasapian ng demonyo! Nakapagpapagaling ba ng bulag ang demonyo? Kaya hindi na bagong bagay na pagwikaan man tayo ng mga panlalait sa tuwing mayroon tayong ipinapahayag na iba sa pagkaunawa nila at mayroon silang sariling pagkaunawa at paliwanag doon. Kaya kailanman hindi ako kailanman makahihigit na abang lingkod lamang ng ating Panginoon. Kung paano ang Panginoong Jesu-Cristo na mismo ay nilait ng kanyang kapwa Judio, ay gayundin ang ipinapalagay natin. Lalo na ang mga ipinapahayag ay hindi katanggap-tanggap sa kanila.
Kaya bahagi ng pag-aaral mula sa Karunungan ng PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa patnubay ng Banal na Espiritu isang malalim na bahagi ng Lihim na Panukala ng PANGINOONG DIYOS ay ngayon ay inihahayag. SAAN NGA BA NAROROON ANG PARAISO NG PANGINOONG DIYOS, NA YAON DIN ANG HARDIN NG EDEN NA PINABABANTAYAN NG PANGINOONG DIYOS SA KERUBIN NA ITINALAGA NA MAGBANTAY NG ITABOY SI ADAN AT EVA? EZEKIEL 28 : 13 Tulad mo’y nasa paraiso ng Diyos, sa hardin ng Eden. Nababalot ka ng iba’t ibang uri ng batong mamahalin: sardiyo, topaz at diyamanteng nagniningning; berilo, onise at jasper na walang kahambing; safiro, esmeralda at karbungko. Ginto ang iyong enggasto. At ang pagkaukit dito ay inihanda noong una pa, nang isilang ka sa mundo. 14 Kerubin ang itinalaga kong magbabantay sa iyo. Nasa ituktok ka ng aking banal na bundok. Ang nilalakaran mo’y mga batong kumikinang. Hindi kayo dinadaya ng inyong mga mata sapagkat mula sa Banal na Kasulatan ang inyong nabasa. Malinaw na ang Paraiso ng PANGINOONG DIYOS, na ito rin ang Hardin ng Eden ay nasa KANYANG Banal na Bundok. Napakahalaga ng tamang dako at kung maiba sa dereksyon na ayon sa ipinaunawa sa inyong abang lingkod ay walang katiyakang kaligtasan doon kung maiba ang Banal na Dako na ipaunawa sa inyo ng mga nagsasabing nalalaman nila. Kaya kung ibig ninyong makarating sa pinatutungkulan Banal na Dako ay huwag na kayong bumaling sa pakikinig sa iba para angkinin na nalalaman nila ang ipinaunawa na sa atin. Doon namin kayo ihahatid sa kapahintulutan ng ating DAKILANG AMANG BANAL. Naghihintay na ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS natin na kayo ay matunghayan NIYA na lahat kayo ay naroroon.. na mga tunay na mabibibigay Luwalhati, Pagdakila, Pagsamba sa KANYA at sa KANYANG sinisintang anak na walang iba ang ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo.
Matapos ninyo itong mapag-unawa hinihiling ko sa lahat ng makababasa. Ako na abang lingkod ng PANGINOON na napahintulutan lamang. Ginagawa ko lamang ang Kalooban ng aking PANGINOON. PURIHIN NINYO PASALAMATAN ANG DAKILANG PANGINOONG DIYOS AT ANG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO NA NAGBIGAY SA ATIN NG MGA PATOTOONG ITO SA DEREKSYONG PATUTUNGUHAN NG LAHAT NG SASAMA SA BANAL NA DAKO. KUNG SAAN IBIG NILA KAYONG MAIHATID UPANG KAMTIN ANG GANTIMPALANG LAAN SA MAHABANG PANAHONG INYONG PAGLALAKBAY ANG PAGAL NINYONG PUSO, ISIP, KATAWAN AT KALULUWA AY MAGKAKAROON NA NG KAPAHINGAHAN SA PILING NG AMANG BANAL AT PANGINOONG JESU-CRISTO NA DOON MADARAMA NA NATIN AT MAKAKASAMA PAMALAGIAN ANG KANILANG KAPANGYARIHAN. HANGGANG SA PAGBABALIK NG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO AT IGAWAD NAMAN NA NG PANGINOONG DIYOS ANG MARAPAT NA PAGHATOL SA ARAW NG PAGHUHUKOM. – Elias Arkanghel
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#accessthetruth #inc101 #onewithevm #1withevm #net25 #eduardomanalo #gliceriosantosjr #jojodeguzman #antoniodeguzman#antonioebangelista #radelcortez#arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #iglesianicristo #1with25 #inc100#inccentennial#centennial #inc4life #incootd#incfashion #incmedianews #inctv #incmedia #AMONEWITHEVM #PASAKOPAKOSAPAMAMAHALA
#FIGHTFORMYFAITH #SOLIDINCFOREVER
One thought on “PARAISO NG PANGINOONG DIYOS, SA HARDIN NG EDEN … “LUPANG PANGAKO” ANG KABUUAN NG PILIPINAS ANG PINATUTUNGKULAN… – Elias Arkanghel”