Ngayon ay ika-27 ng Hulyo 2016 sumapit na sa Ika-isandaan dalawang taon anibersaryo ang Iglesia ni Cristo mula ng ito ay muling bumangon sa Pilipinas na natala sa kasaysayan ika- 27 ng Hulyo 1914. Ipinaaabot naming lahat ang maligayang kaarawang pagbati sa lahat ng mga kapatid naming Iglesia ni Cristo saan man panig ng mundo kayo ngayon naroroon. Ngayon ay araw ng PASASALAMAT SA PANGINOONG DIYOS na taun-taon nating ginugunita upang pasalamatan ang DAKILANG AMANG BANAL at ang ating Panginoong Jesu-Cristo sa patuloy na pag-ibig at pagmamahal NILA sa ating lahat. Pinasasalamatan natin ang patuloy na paglingap at pag-aaruga NILA sa ating lahat kung kaya nakapamamalagi tayong mga buhay, na nakapagpapatuloy nakapamumuhay sa piling NILA hanggang ngayon na hindi tayo pinababayaan. Pinasasalamatan natin ang ating PANGINOONG DIYOS at ang ating Panginoong Jesu-Cristo na nagkakaloob ng mga biyaya at pagpapala; pagpapahiram sa atin ng Karunungan at mga pagkaunawa; at pagpapatawad na rin NILA sa mga pagkukulang natin, pagpapahinuhod sa mga nagawa nating sala.
“Oh maraming-maraming maraming salamat po AMANG BANAL! Maraming-maraming salamat po Panginoong Jesu-Cristo. Minsan pa kaming lahat na mga tao sa daigdig na nagtatamo ng INYONG awa at habag. Nagpupuri, Sumasamba, Dumadakila, Lumuluwalhati sa Banal NINYONG harapan. Nagpapasalamat sa lahat, lahat, lahat ng INYO pong walang katumbas na Kabutihan na puspos ng inyong pag-ibig at pagmamahal. Lahat kami nakikinabang oh DAKILA NAMING PANGINOONG DIYOS sa lahat ng gawa ng IYO pong Makapangyarihang Kamay sa mga pagpapalang Espiritual at pagpapalang Materyal, nagsusumigaw ang aming mga kaluluwa, taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng IYO pong kagandahang loob na ipinamamalas mo sa lahat ng iyong mga nilalang, pangunahin na sa mga Hinirang MO pong minamahal. Hinding-hindi namin malilimutan ng kapwa kami pangunahan ng Sugong Lider at Tagapamahalang Pangkalahatan, sa katauhan ng kagalang-galang kapita-pitagang kapatid na Felix Y. Manalo at kapatid na Erano G. Manalo na kapwa man pinagpahinga muna, ay nagpapatuloy pa rin ang Iglesia ni Cristo, na ngayon ang bawat indibidwal, kaming lahat ng mga magkakapatid ay nakasalang sa apoy ng pagsubok upang lalo MO pong makilala ang bawat isa sa amin. Tulad ng ginto nakadarang man sa apoy ng pagsubok ay hindi KA nag-iisip na maging latak kahit isa man sa amin pagkat Dakila ang IYO pong pag-ibig at pagmamahal. Ang patotoo at patunay, ikaw ang may ibig, IYONG Kalooban, buhay Niya ibinigay, alang-alang sa aming kaligtasan tinubos kami sa salang walang kapatawaran para makasama sa Kaniyang mga Hinirang na minamahal. Kaya hinding-hindi matatapos ang aming pasasalamat SAYO dahil ang aming Panginoong Jesu-Cristo ang kinalulugdan mo, sinisinta MO pong Anak na Siyang kalarawan MO sa Kabanalan na ibig MO po na aming tularan kung paano Siya nagtagumpay, gayun mo rin ibig kaming magtagumpay. Muli po maraming-maraming salamat sa aming pagiging Iglesia ni Cristo … Hinirang mo upang maging Banal sa pag-iisip, Banal sa pagsasalita at Banal sa anumang paggawa. At kung pagiging dapatin MO po kami AMANG BANAL, mapahihintulutan ang IYONG kinakasangkapan na ang maghahatid sa amin sa Banal na Dako sa nalalapit at takdang paglalakbay!”
Kaya bilang PASASALAMAT mga mahal kong kapatid… ibabahagi pa rin natin habang naririto pa tayo sa kapatagan, ang aral at doktrinang kinamulatan. Kung may kapintasan man silang nakikitang hayag sa Iglesia ni Cristo ay nasa indibidwal lang at hindi ng kabuuan kaya namamalagi ang kabanalan nito. Higit sa lahat dapat na malaman nila, dahil nasa pagsubok ang lahat.. ang PANGINOONG DIYOS ang kasalukuyang Namamahala sa Iglesia ni Cristo at Nangangalaga sa Kawan sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo pa rin. Ipamamalita natin ang kaligtasang dala-dala natin ang tanging daan patungo sa Bayang Banal. Yan ang Iglesia ni Cristo sa bisa ng hula ng ating Panginoong Jesu-Cristo JUAN 10:16 At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila’y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila’y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor.. Ang hulang ito ang lalong nagpapatotoo na ang Iglesia ni Cristo ang may matibay na pinanghahawakan mula sa paunang pahayag ng ating Panginoong Jesu-Cristo na Siya ay magkakaroon ng isang kawan pa, na hindi iba sa kawan ng Kanyang kapanahunan na pinangungunahan. Sapagkat malinaw na kinikilala Niya na Kanyang mga tupa o mga Hinirang na diringgin ang Kanyang tinig. At hindi mahirap unawain na Siya rin ang nananagot sa mga Hinirang magpahanggang ngayon sa ating kapanahunan dahil sa pagmamahal Niya sa Kanyang sariling katawan. Kaya bilang bahagi ng Kanyang Katawan at Siya ang Ulo nito o Pangulo, dahil nasa Langit na ang ating Panginoong Jesu-Cristo sa piling ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS, kaya ang Kanyang Diwa ang Siya rin nag-uudyok sa Kanyang Anghel o lingkod na napili na napahihintulutang magpahayag ng Kanyang ipinag-uutos gaya ng inyong mababasa sa PAHAYAG 1 : 1-3 NPV 1 Ang pahayag ni Jesu-Cristo na ibinigay sa kanya ng Dios upang ipakita sa kanyang mga lingkod ang mga bagay na malapit nang maganap. Inihayag niya ito nang kanyang suguin ang anghel sa lingkod niyang si Juan, 2 na siyang nagpapatotoo sa lahat ng bagay na kanyang nakita – samakatuwid baga’y ang salita ng Dios at ang patotoo ni Jesu-Cristo. 3 Mapalad ang bumabasa sa mga salita ng pahayag na ito, ang mga nakikinig nito, at buong pusong tumutupad sa nasusulat dito pagkat malapit na ang panahon. Ang Panginoong Jesu-Cristo ang nagpapahayag upang ipakita sa mga lingkod, sa mga hinirang ang mga kaganapan. Kaya kung napakalaki ng inyong pananampalataya ay hindi kayo magkakaroon ng pag-aalinlangan sa napatutungkulan na tutupad na magpapahayag ng mga patotoo ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kailangan maisagawa ito para masunod ang Kalooban ng ating PANGINOONG DIYOS lalo na nga malapit na ang kaganapan na pinatutungkulan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. EXODO 23 : 20 “Magpapadala ako ng anghel na mangunguna sa inyo. Pangangalagaan niya kayo sa inyong paglalakbay at papatnubayan hanggang sa lupaing inihanda ko sa inyo. 21 Papakinggan ninyo siya at susundin ang lahat ng sasabihin niya sa inyo. Huwag ninyo siyang susuwayin sapagkat lahat ng ginagawa niya’y sa pangalan ko at hindi niya kayo patatawarin kapag nagrebelde kayo sa kanya. 22 Kung susundin ninyo siya at gagawin ninyo ang mga sinasabi ko, ipaglalaban ko kayo sa inyong mga kaaway Kaya kung ibig nating mapabuti at makarating sa lupaing inihahanda… sundin natin ang Kalooban ng PANGINOONG DIYOS hindi ang ibig natin, ang ibig ng tao, ang ibig ng iba ang masunod. Sapagkat may magsasagawa ng KANYANG Kalooban. Ang PANGINOONG DIYOS pa rin ang nagsasabi kung paano maisasagawa ang pagsunod. Susundin ang sasabihin ng napahihintulutan, hindi susuwayin ang lahat ng sasabihin sapagkat hindi mula sa kanya ang kanyang sasalitain at sasabihin. Kanino manggagaling? Sa PANGINOONG DIYOS na magsusugo sa kanya na mangunguna sa paglalakbay. Kaya mga mahal na kapatid. Igayak natin ang ating mga sarili, ang ating sambahayan. Alisin na natin ang galit sa sinuman. Ipaubaya natin ang lahat sa PANGINOONG DIYOS sapagkat Kalooban NIYA ang lahat ng nagyayari upang subukin lamang ang ating damdamin at pagka-Iglesia ni Cristo. – Elias Arkanghel
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#accessthetruth #inc101 #onewithevm #1withevm #net25 #eduardomanalo #gliceriosantosjr #jojodeguzman #antoniodeguzman#antonioebangelista #radelcortez#arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #iglesianicristo #1with25 #inc100#inccentennial#centennial #inc4life #incootd#incfashion #incmedianews #inctv #incmedia #AMONEWITHEVM #PASAKOPAKOSAPAMAMAHALA
#FIGHTFORMYFAITH #SOLIDINCFOREVER
MAGANDANG ARAW PO SA INYONG LAHAT MGA MAHAL NA KATID SA PANGINOON,
ANO PO ANG MAGANDANG BALITA SA BUWAN NG AUGUST 2016? SAPAGKAT NAG HIHINTAY PO AKO NG MGA SALITA NA SYANG MAGBIBIGAY NG MATIBAY NA PAG-ASA SA DARATING NA MGA ARAW, BUWAN AT TAON.
– KA. GREGORIO PILAR
LikeLike
MALIGAYANG KAARAWAN SA BAYAN NG PANGINOONG DIOS, NAMAMALAGI ANG PAGKALINGA NYA SA KANYANG BAYAN SA PAMAMAGITAN NG KANYANG MGA PANUKALA NA HINDI KAILANMAN IPINAGKALOOB ANG UNAWA SA SINUMAN KUNDI ANG KANYANG TANGING PINAGKALOOBAN UPANG PANGUNAHAN ANG MGA HINIRANG SA KASAKDALAN NG PAGLILINGKOD NA HINAHANAP NG DAKILANG DIOS NA MANLALALANG.
LikeLiked by 1 person
KUMUSTA NA PO KAYO KA. ELIAS! AT SA MGA MAHAL NA KAPATID?
LikeLike