PANAGINIP NG KAPATID NA SANTY SANTIAGO
Ang tagpo ay magkasama kaming mag-asawa at hinahanap ang tahanan ng isang kapatid upang dalawin di po namin matandaan ang dating lugar kaya nagtanong kami at itinuro sa amin ang bahay ng kapatid biglang may dumaan na sasakyan ng sasakay na ang asawa ko sabi ko sa kanya malapit na lang naman lakarin na lang natin sa sasakyan ay nakita niyang nakasakay ang isang estyudante na anak ng isang maytungkulin na hindi naka uniporme ngunit nakakapasok may ibinigay na pagkain sa kanya habang daan ay kumakain ang asawa ko di niya nakita ang isang hukay kaya nahulog siya at ang hukay ay may malalim na tubig nakita ko siyang lumubog at nagmamakaawang humihingi ng tulong upang huwag malunod pinilit ko siyang abutin ng isa kong kamay at sa paglutang niya ay iniaabot niya ang kamay niya at naiahon ko siya sa hirap na kalagayan niya ako ay naawa at nagsabi sa kanya na mag ingat sa paglakad at sumagot siya na “ako na ang muntik na mamatay at nasaktan ikaw pa ang nagagalit” sinabi ko sa kanya sinong hindi masasaktan kung namatay ka? Doon na po ako nagising…
Salamat po kapatid na Elias Arkanghel
NARITO MAHAL NA KAPATID NA SANTY ANG TUGON SAYONG PANAGINIP :
08 16 2016
Maraming salamat mahal kong kapatid. May mga panaginip na napapanahon na agad sagutin, at may mga panaginip na hindi pa napapanahon sagutin. Kaya hinihintay natin na ipaunawa na sa akin ng PANGINOONG DIYOS ang mga kasagutan na ipinatutungkol sa kaukulan ng mga kaganapan sa kasalukuyan at magaganap pa lang sa hinaharap. Tulad ng lagi kong iPinauunawa… wala akong sariling kaisipan. Ang Banal na Espiritu ang nagbibigay unawa sakin ng mga panaginip at pangitaing hinahanay ng mga kapatid tulad ng ipinakita sayo. Yan ay sa pamamagitan pa rin ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo at sa Kanya at sa PANGINOONG DIYOS ko laging ibinabalik ang marapat na Kapurihan, Kadakilaan at Kaluwalhatian.
Mahalagang malaman bagama’t kayo ang nasa panaginip hindi ngangahulugan na sa inyo lamang ito napatutungkol. Sapagkat mahal kong kapatid malawak ang nais patungkulan nito o sa derektang paliwanag, ito ay napatutungkol sa lahat. Sa daan ng paglalakbay mag-ingat sapagkat sa pana-panahon ay may nag-aalok ng ibat-ibang aral, pagpapayo o pagkain sa paglalarawan sayong panaginip. Na pakiwari ng iba na tumatanggap, lahat ng pagkain ay makapapawi ng gutom, lahat ng payo o aral na inaalok ng iba ay maituturing na makabubuti o matuwid na makapagliligtas dahil gumagamit din ng BIBLIA. Kahit ang nag-alok ay anak pa ng kapatid o maytungkulin. Bihis man na nag-aaral sa nilalarawan kung isang Ministro o manggagawa ngunit may ibang doktrinang dala-dala na nasa madilim na tagasunod sa nagpapasunod din sa kanya kalinsabay sa pagsubok sa Banal na Iglesia ni Cristo ay hindi mapanghahawakan ngayon. Nangangahulugan dahil maraming binagong tuntunin na sapilitang pagpapasunod sa atin o katumbas na pilit na isinusubo at ipinapakain sa atin. Sa iba ay mabilis na tinatanggap dahil itinuturing nila na makabubuti naman dahil kilala na kapatid na magaling magpayo at mangaral. Subalit nasa uri ng may paglabag na tumutulad na sa may masamang mga kaisipan sinusunud na lang din nila. Kaya dahil diyan sa halip patungo sa pagkaligtas ay sa pagkapahamak na ang mga nadadayang mga kapatid dahil KAWIKAAN 14 : 12 May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunit kamatayan ang dulo nito. yan ang inakala nila na mabuti pa yun pala ay may panganib na sa dinadaraan din nila. Dahil dito hindi namamalayan ng iba na nilatagan lang sila ng mga katitisuran na kapag nadapa sila doon, tila malalim na hukay ang kalalagpakan at talagang lulubog ang kanilang buhay at ikinabubuhay. Tiyak na ngang hindi na makakawala sa tanikala dahil sa pagkaing tinanggap ng iba na pikit matang tinanggap kaya nga hindi na namamalayan na mapapahamak na pala sila. Ngunit dahil may nagmamalasakit, sa awa ay pilit pa ring inaagaw natin sila sa kamatayan dahil sa kanilang kasasadlakan kung hindi sasagipin ang kanyang kaluluwa, malinaw na ikamamatay na ng pananampalataya.
Dahil doon inaakala ng iba yung pagsagip natin sa kanila ay pakikialam natin sa kanila… kaya nagagalit sila sa atin kahit ipinagmamalasakit na natin sila na huwag malugmok sa maling pagkakilala. Inaakala nila ay matatag pa ang kanilang kinatatayuan dahil binibigyan pa din ng katwiran ng ibang lider na kinikilala na sapat ang itinuturo sa kanila. Yun pala ay kaisa na sila sa kumunoy ng pasubok na kung hindi sila paaagapay at hahayaan lang sila mahirati sa pagsasalita ng masama, mula sa ipinakaing unawa sa kanila, ay mauuwi sila sa kamatayan sa pag-asang inaakala nilang makapagtatamo pa ng kaligtasan ina-asam-asam nila. Yun pala ay kamatayan na ang kanilang nakakain na ibinubuhay na nila kahit wala na sa Banal na Katwiran ng ating PANGINOONG DIYOS dahil pinili nila na kainin yung pagkaing napapanis, hindi ang pagkaing inaalok ng ating Panginoong Jesu-Cristo na pagkaing walang kasiraan na magdadala sa atin sa Bayang Banal. JUAN 6 : 27 Huwag ang pagkaing nasisira ang inyong pagsikapang kamtan, kundi ang pagkaing hindi nasisira at nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Iyan ang ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat siya ang binigyan ng Diyos Ama ng ganitong karapatan.
Muli kong ipinauunawa sa inyong lahat, sa PANGINOONG DIYOS ang Karunungan, na ipinauunawa lamang sakin sa pamamagitan ng Diwa ng Panginoong Jesu-Cristo, sa patnubay ng Banal na Espiritung gumagabay sa akin kaya nagawang maipaliwanag ang inyong mga panaginip. Ako ay napahintulutan lamang. Purihin at Pasalamatan natin SILA. – Elias Arkanghel
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#accessthetruth #inc101 #onewithevm #1withevm #net25 #eduardomanalo #gliceriosantosjr #jojodeguzman #antoniodeguzman#antonioebangelista #radelcortez#arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #iglesianicristo #1with25 #inc100#inccentennial#centennial #inc4life #incootd#incfashion #incmedianews #inctv #incmedia #AMONEWITHEVM #PASAKOPAKOSAPAMAMAHALA
#FIGHTFORMYFAITH #SOLIDINCFOREVER
@ ANONYMOUS, SANG-AYON PO AKO SA INYONG PAHAYAG MAHAL NA KAPATID. MAS PIPILIIN KO NA LAMANG PO NA SA INYO ANG PAGTUTURO PARA SA MGA NAGSIPANGALAT NA TUPA NG PANGINOON NA SA PANAHONG ITO KAILANGAN ANG PAGKALINGA UPANG MULING MATIPON SA BANAL NYANG BAYAN NA DATI’Y KASAMA NATIN SILANG NAGLILINGKOD SA ATING PANGINOONG DIOS NGUNIT SILA’Y IPINAGTITIWALAG DI UMANO NA SANHI NG PAGKAWATAK-WATAK, NGUNIT MALINAW NAMAN SA ATIN NA HINDI SANG-AYON SA MGA TUNTUNIN AT KALOOBAN NG ATING PANGINOONG DIOS ANG KANILANG NAGING BATAYAN AT MALINAW DIN NA ANG LAHAT AY AYON LAMANG SA KANILANG KAGUSTUHAN (KAGUSTUHAN LAMANG NG TAO) UPANG PILIT MAPAGTAKPAN ANG KANILANG NAGAWANG MGA PAGLABAG (KATIWALIAN) SA BANAL NA TUNTUNIN O ARAL MULA MGA BANAL NA KASULATAN.
NGUNIT ANG LAHAT NG ITO AY UPANG MATUPAD ANG MGA SINALITA NA NG ATING PANGINOONG DIOS, AT DAHIL DITO AY NALALAMAN NATIN NA MULA SA PAGHAHANAY NG ATING MAHAL NA KAPATID NA SI ELIAS ARKANGHEL AY KASALUKUYANG NATUTUPAD ANG MGA SALITA NG ATING PANGINOONG DIOS PATUNGKOL SA MGA HULING ARAW NA MALAPIT NA. AT SUMASAMPALATAYA AKO NA SA KANYA IPINAGKATIWALA NA MAKAALAM NG MGA HIWAGA NA IPINATUTUNGKOL MULA SA AKLAT NI PROPETA DANIEL NA KAHIT SYA MAN AY HINDI RIN IPINAHINTULOT ANG PAGKAALAM NIYAON KUNDI SA ITINAKDA AYON NA RIN SA KARUNUNGAN NG ATING PANGINOONG DIOS UPANG SA KANYANG MINAMAHAL NA BAYAN NA ITO ANG BANAL NA ANAK NA BABAE NG SION SA MGA HULING ARAW IPINATUTUNGKOL.
ISA PO AKO SA NASASABIK NA MAKABASA AT MAKAALAM SA MGA MABUTI AT MAGANDANG BALITA NA IHAHAYAG SA ATIN SA PAMAMAGITAN PO NG ATING MAHAL NA KAPATID NA SI KA. ELIAS ARKANGHEL.
NAWA’Y MAMALAGI ANG KANYANG MABUTING KASULUGAN AT MALAYO SA MASASAMANG TAO.
“ANG DIOS ANG GUMAGAWA AT WALANG SINUMANG MAKAKAPIGIL….”
– RM “GREGORIO PILAR”
LikeLike
Tunay ngang ang PAG-IBIG NG PANGINOONG DIYOS AY NANANGAN SA IYO MAHAL NA KAPATID NA ELIAS… SINO PA BA ANG NAKAPAGBIBIGAY NG GANITONG PAGPAPAYO AT PAGMAMAHAL…. WALA NA PO KUNG INYONG TIGNAN ANG SA PAMAMAHALA AY WALA NA GINAGAMIT NA NGA LANG ANG BIBLIA PARA PANGLINGLANG SA MGA KAKAPATID AT ITO’Y SUNOD SUNURAN NA NGA LANG SILA DITO KAHIT KITANG KITA NA NILA ANG DAMI NG BINAGO NA TUNTUNIN… KAYA KAMI’Y NAGPAPASALAMAT MAY ISINUGO NG PANGINOONG DIYOS NA ELIAS NA SIYANG MAGSASAAYOS NG LAHAT NG BAGAY… DALANGIN NAMIN NA KAYO’Y PATNUBAYAN AT INGATAN LAGI NG AMANG BANAL… DAHIL MARAMI ANG GUSTONG MAKITA AT MAKILALA KAYO DI DAHIL GUSTO NILANG MAKAUNWA KUNDI PARA LUPIGIN ….. PERO SINO SILA PARA MAGWAGI PA DI NA SILA MAGWAWAGI DAHIL SINABI NG HULA KAYO ANG MAGSASAAYOS NG LAHAT NG BAGAY BAGO ANG IKALAWANG PAGBABALIK NG PANGINOONG JESU-CRISTO…. SO SINO ANG MAKAKAPIGIL SA GAWAIN NG PANGINOON?… NA ITO ANG KANYANG HIWAGA AT LIHIM NA PANUKALA…..
LikeLiked by 1 person