ISAIAS 48: 6 “Lahat ng pahayag ko ay pawang natupad, inyo nang kilalanin ang katotohanan nito. Ngayo’y may ihahayag akong bago, mga bagay na hindi ko inihayag noon. 7 Ngayon ko pa lamang ito gagawin; wala pang pangyayaring katulad nito noon para hindi ninyo masabing ito’y alam na ninyo
Dito marami ang naipagkakanulo ng mga kapatid nating ministro at mga kakapatid sa Iglesia ni Cristo ang kanilang sarili dahil sa hindi pagkilala sa katotohanan. Sapagkat hindi nila matanggap na may ganito pang aral silang masusumpungan. Walang pagkakaiba ng dumating ang Panginoong Jesu-Cristo sa Kanyang kapanahunan ay binantayan na ang lahat ng Kanyang sasabihin at gagawin. Kung paano kabilis noon ay gayun din ngayon kabilis kung sila ay humatol at manghusga kaalinsabay nito na bababalaan ang mga kakapatid na kontra at laban sa aral ng Diyos sa sinasampalatayan ng Iglesia ni Cristo ang Blog site natin na kanilang pinatutungkulan. Totoo nga ba na kontra at laban sa aral ng PANGINOONG DIYOS natin ang mga ipinapahayag sa Blog ng Iglesia ni Cristo Hinirang? Dahil hindi naituro ng Sugong Lider ng kapatid na Felix Y. Manalo at ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng kapatid na Erano G. Manalo ang mga naipapahayag natin kung kaya may mga ganito silang pagpapalagay na kontra na di umano at laban sa aral na ating sinasampalatayanan.
Mga mahal kong kapatid, wala naman tayong kinokontra sa mga tamang aral kundi nagpapahayag lamang tayo kung ano ang ipinag-uutos ng PANGINOONG DIYOS na iparating sa lahat ng Iglesia ni Cristo at maging sa mga hindi pa kapananampalataya para maipaunawa sa kanilang lahat kung bakit napahihintulutan na mangyari ang lahat ng kaganapan ngayon sa loob ng Iglesia ni Cristo. Wala tayong hinahatulan! Ang PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo kung kaya naisagawa ang pagtitiwalag sa kanila sa Udyok ng Banal na Espiritu. Bakit kailangan maitiwalag ang mga pinatutungkulan? Upang maisakatuparan ang paunang pahayag na Kalooban ng PANGINOONG DIYOS na mangyari. Kaya hindi ko kagustuhan kundi kagustuhan ng PANGINOONG DIYOS dahil may nakalaang pangako ang PANGINOONG DIYOS sa lahat ng magtatagumpay.
ISAIAS 48: 6 “Lahat ng pahayag ko ay pawang natupad, inyo nang kilalanin ang katotohanan nito. Ngayo’y may ihahayag akong bago, mga bagay na hindi ko inihayag noon. 7 Ngayon ko pa lamang ito gagawin; wala pang pangyayaring katulad nito noon para hindi ninyo masabing ito’y alam na ninyo
Ang mga talatang nabanggit ay hindi maaaring tutulan o ituwid pa ng may matinong pag-iisip. Sapagkat mula ito sa pahayag mismo ng PANGINOONG DIYOS na ihahayag NIYA na bagong bagay na hindi inihayag noon. Kaya huwag nilang ipagpilitan na nahayag na ang lahat at ang pagbabalik na lang ng Panginoong Jesu-Cristo ang hinihintay at paghuhukom na. Paano yung hindi ipinahintulot na malaman ni Propeta Daniel na mananatiling lihim hanggang sa huling araw. DANIEL 12: 5-9 na may napakalaking kinalaman sa ating panahon na dito kabahagi ang sinasabi na gagawin pa lang yan ng PANGINOONG DIYOS paunang pahayag at wala pang pangyayaring katulad nito noon para masabing ito’y alam niyo na.
KUNG MAYROON KAYO MGA MAHAL KONG KAPATID NA SARILING PALIWANAG SA DANIEL 12: 5-9 AT SA ISANG BAHAGI NG PAHINA NG BIBLIA SA AKLAT DIN NI DANIEL NA NASA GAWING IBABA NA MAIUUGNAY NINYO SA MGA NAGANAP NA, AYON SA ITINURO SA INYO AT ITO AY ANGKOP NA ANGKOP SA KASAGUTAN NINYO, AY MATATANGGAP KONG KAYO NGA ANG NAPAHINTULUTAN NA MAPAG-UNAWAAN NG IPINASARA NOON KAY PROPETA DANIEL. SUBALIT KUNG HINDI NINYO MAIBIBIGAY ANG PALIWANAG NANGANGAHULUGAN LANG NA KAYO AY NASASAKLAWAN NG PAGLILIHIM NG PANGINOONG DIYOS AT AKO NA PANGKARANIWANG KAPATID LAMANG ANG NAPAHINTULUTAN NA MAGHAYAG SA INYO HINDI DAHIL IPINILIT KO ANG AKING SARILI KUNDI GINAWA KO ANG IPINAG-UUTOS NG PANGINOONG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG PANGINOONG JESU-CRISTO DAHIL LIHITIMONG BAHAGI AKO NG KANYANG KATAWAN NA NAUDYUKAN NG BANAL NA ESPIRITU NA TURUAN KAYO NA MARURUNONG NG ISANG WALANG ALAM. WALA AKONG ALAM. YAN ANG TOTOO! ANG PANGINOONG DIYOS ANG MAY ALAM SIYA ANG MAY UTOS MULA SA KARUNUNGANG BIGAY NIYA SA ATING PANGINOONG JESU-CRISTO. SA KANYA NAGMUMULA ANG MGA IPINAHAHAYAG KO. NGAYON IKA-25 NG AGOSTO 2016 1:11 NG MADALING ARAW PINAHIHINTULUTAN NA NG PANGINOONG DIYOS NA LAHAT KAYO AY HAMUNIN UPANG MABIGYAN NG PATOTOO ANG MGA KAPATID NA BUMABASA DITO KUNG SINO SA INYO ANG MAY PAGKASI PA NG BANAL NA ESPIRITU. – Elias Arkanghel
Subalit sa kabila ng lahat may mga patotoong hindi na mapipigil ang Gawain ng PANGINOONG DIYOS. Magkabi-kabila man ang paninira, paghamak, at panlalait ng mga tila nangungutyang sumasagot sa mga komento ay may napakagandang balita. Magandang umaga, araw, hapon at gabi sa inyong lahat mga mahal kong kapatid. Napakaganda ng resulta ng mga tumatangkilik sa ating Blog na IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG. Ito ay kahayagan ng pagtulong, patnubay at paggabay sa atin ng DAKILANG AMANG BANAL at ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Ibinabalita ko sa inyo para sa kabatiran ninyong lahat … 100% X 53 … Ibig sabihin natumbasan nito ang huli ng 53 X na 100% na bumabasa sa kasalukuyan ng mga ipinapahayag sa Blog .. Mga mahal kong kapatid … Hindi na natin ipakikita ang kabuuang bilang sa halip ang bahagdan na lamang ng kasalukuyang mga nagbabasa at tumatangkilik ay sapat na. Upang huwag tayong lumabas na nagmamalaki sa halip ipaunawa lamang ang tunay na kalagayan ng Blog sa kasalukuyan. Malinaw na ito ang tulong ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS at Panginoong Jesu-Cristo sa atin dahil sa KASIPAGAN ninyo mga mahal na mahal kong mga kapatid na HINIRANG na tumutulong sa Banal na Gawaing ito ng ating PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo para sa KANILANG Kapurihan at ganap na Kaluwalhatian.
Kaya anuman ang panlalait ng mga nagko-komento ay ipaubaya natin sila sa PANGINOONG DIYOS sapagkat totoo na gaya na ng inyong nalalaman wala sa atin ang karapatang hatulan sila.. sa halip tulad ng inyong natutunan at ginagawa niyo na ay ipanalangin natin sila maging ang lahat ng patuloy na nagbabasa at namamahagi para ipabatid din sa iba ang mga katotohanang nabasa. Sapagkat yan naman talaga ang ibig natin ang makabahagi sila ng mga Kaalaman at Karunungan mula sa mga Lihim na Panukala ng ating PANGINOONG DIYOS, sa panahon ni Propeta Daniel na hindi naihayag sa kanya, sa panahon ng mga Apostol ay walang napaghayagan sa kanila, sa panahon ng kapatid na Felix Y. Manalo ang Sugong Lider ay hindi naihayag sa kanya. At maging sa panahon ng pinakamabuting Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo sa ating panahon sa kapatid na Erano G. Manalo ay hindi rin naihayag sa kanya, hanggang sa papagpahingahin na sila ng ating PANGINOONG DIYOS namalaging lihim ang ipinapahayag sa aklat ng DANIEL na may malaking kaugnayan sa ating kapanahunan bago ang takdang araw ng PAGLALAKBAY ng mga HINIRANG ng PANGINOONG DIYOS at ng Panginoong Jesu-Cristo sa Dakong Banal.
Doon ay pansamantalang maninirahan sa loob ng tatlong taon at kalahati batay sa nakasulat sa BIBLIA hanggang maisagawa ang nakatakdang PAGKAWASAK hindi pa KAWAKASAN na binabanggit sa BIBLIA na noon pa ipinangangalandakan na ang hinihintay na lang natin ay ang Panginoong Jesu-Cristo kaalinsabay ang paghuhukom. Kaya napakapalad ng lahat ng ganap na makauunawa at tatanggap sa ipinag-uutos sa atin ng ating Panginoong Jesu-Cristo na maipahayag sa lahat, sapagkat may malaking kaugnayan naman sa dakong paroroonan para sa ikaliligtas sa kawasakang darating na may kaugnayan sa ikatlong pagkaaba na ang naituro lamang ng kapatid na Erano G. Manalo ang ikalawang pagkaaba na naganap taong 2004 ng yanigin ng lindol ang halos magkakalapit na bansa sa asya na natalang may 7,000 ang namatay sa unang bugso ng balita.
Muli para sa kabatiran ng lahat sa panahon nating ito ipinahintulot na maipaunawa sa ating lahat kung sino ang tuwirang pinatutungkulan na inyong nababasa sa mga ipinapahayag sa Blog. Marahil itatanong ninyo kung anong kahalalan mayron ang dapat taglayin ng isang inaakala ninyo na walang karapatan? PAKIBASA NINYO ANG BAHAGING ITO NA NASA BLOG UPANG MAPAG-UNAWA NINYO ANG KAIBAHAN SA PINAG-ARALAN NG MAHABANG PANAHON SA MINISTERYO KAYSA SA KALOOB NG PANGINOONG DIYOS PARA TAWAGING KANYANG MINISTRO NA GAWA NG KANIYANG KAPANGYARIHAN. LAKIP NA PAG-AARALAN KUNG KANINO IPINAHINTULOT NG PANGINOONG DIYOS NA TAYO AY MAGING KATIWALA SA KAGANAPAN NG PANAHON KUNG KAYA MAY KABATIRAN SA MGA KAGANAPAN MALIBAN LANG SA HINDI IPINAALAM NG PANGINOONG DIYOS KUNG KAILAN ANG TAKDANG PAGHUHUKOM.
TAGA-EFESO 1 : 7 Na dito’y ginawa akong ministro, ayon sa kaloob ng biyayang yaon ng Dios na sa akin ay ibinigay ayon sa paggawa ng kaniyang kapangyarihan. ANG PAGHAHALAL NG ATING PANGINOONG DIYOS SA PAGIGING MINISTRO SA PAMAMAGITAN NG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO AY IBA SA PAGKA-MINISTRO NG MGA NANGAGSIPAG-ARAL SA MINISTERYO. SAPAGKAT ANG BUNGA NG KANILANG KAALAMAN AY LIMITADO PA NA KAILANGAN PANG GUGULAN NG MAHABANG PANAHON UPANG MAGTAMO NG KARUNUNGANG ESPIRITUAL. SAMANTALANG ANG KALOOB NA PAGHAHALAL AY HINDI MATUTUMBASAN NG ANUMANG KAALAMAN PANLUPA SAPAGKAT NAGBUHAT ITO SA DAKILANG DIYOS NA PAGHAHALAL SA PAMAMAGITAN NG KAPANGYARIHAN NG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO NA IBINIGAY SA KANYA NG ATING DAKILANG AMANG BANAL. 8 Sa akin, na ako ang kaba-bababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal, ay ibinigay ang biyayang ito, upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga kayamanan ni Cristo; 9 At maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios na lumalang ng lahat ng mga bagay; 10 Upang ngayo’y sa pamamagitan ng iglesia, ay maipakikilala sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios, 11 Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin: 12 Na sa kaniya’y mayroon tayong lakas ng loob at pagpasok na may pagasa sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa kaniya. ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT KAILANGAN NATING MAGPAHAYAG SAPAGKAT ANG PAG-UUTOS AY HINDI KUNG KANI-KANINO NAGMULA LAMANG. YAMANG NAPAHINTULUTAN TAYO BILANG KATIWALA SA KAGANAPAN NG PANAHON AY GAMPANIN NAMAN NATIN NA IPANGARAL ITO AYON SA IBIG NG MAY AKDA NG LAHAT NG ITO.. SA ATING PANGINOONG DIYOS NA PINAGMULANG NG KANYANG PINAKA-LIHIM NA MGA PANUKALA. ANG PINAKATAMPOK NITO AY UPANG MAIPAUNAWA SA LAHAT NG MGA KINAUUKULANG TINATAWAGAN NG PANSIN, ANG MGA PAMUNUAN AT SA MGA NASA KAPANGYARIHAN, NA ITO AY GAWA NG PINAKA-MAKAPANGYARIHANG PANGINOONG DIYOS NATIN NA PUSPOS NG KARUNUNGAN NA WALANG HANGGANG IPINANUKALA SA ATING MAHAL NA PANGINOONG JESU-CRISTO.
– Elias Arkanghel
Ako na si Elias Arkanghel ay simpleng tao lamang, hindi ministro, hindi nakapag-aral o nakatuntong sa Ministeryo, namamalaging nakatala sa Lokal na aking kinatatalaan, mahirap lamang at walang anumang maipagmamalaking pagkakakilanlan tulad ng mga tunay na marurunong. Subalit paulit-ulit kong ipauunawa sa inyong lahat, ako ay napahintulutan lamang maipahayag ang mga bagay na kamangha-mangha sa Udyok ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng Diwa ng Panginoong Jesu-Cristo sa tulong ng PANGINOONG DIYOS kung kaya ako nakapagpapahayag ng may kahusayan. Hindi sa aking sarili kundi sa tulong NILA. Hindi ako naghahanap ng sariling kapurihan Sapagkat lagi kong iniisip na yan ay para sa ating PANGINOONG DIYOS lamang at sa Panginoong Jesu-Cristo. Sapagkat kailanman ay hindi ko hinahangad yan. Kundi magawa ko lamang ang Kalooban ng aking PANGINOONG DIYOS na inyong PANGINOONG DIYOS.
- “ISAIAS 49: 1-26 … ANG KASULATANG ITO HABANG INYONG BINABASA AY NAGANAP NGAYON!” – ELIAS ARKANGHEL April 12, 2016
https://www.facebook.com/profile.php?id=100010316404723&sk=videos
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#accessthetruth #inc101 #onewithevm #1withevm #net25 #eduardomanalo #gliceriosantosjr #jojodeguzman #antoniodeguzman#antonioebangelista #radelcortez#arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #iglesianicristo #1with25 #inc100#inccentennial#centennial #inc4life #incootd#incfashion #incmedianews #inctv #incmedia #AMONEWITHEVM #PASAKOPAKOSAPAMAMAHALA
#FIGHTFORMYFAITH #SOLIDINCFOREVER
Ka Elias sabik na sabik na po akong muli kayong makausap sa zoom natin. Damang dama ko po Espiritu Santo pag binabasa ko mga sinusulat nyo. Patnubayan po sana kyo lagi ng AMA at Panginoong Jesus. Salamat po.
LikeLiked by 1 person
Ako man mahal kong kapatid ang pananabik ko na muli ko kayong makita at makasama man lang kahit sa Zoom. Lamang dahil sa dami nga aking mga ginagawa, paglalakbay at pagtugon sa mga sumusulat sa atin ay hindi pa matapus-tapos sa halip nagpapatuloy pa ang iyong kapatid. Nawa sa mga susunod na mga araw ay mapahintulutan tayo. Maraming salamat! Hanggang sa muli! Magandang gabi.
LikeLike
MARAMING SALAMAT PO KA. ELIAS SA KABUTIHANG LOOB NG ATING PANGINOONG DIOS NA LUMALANG NG LAHAT NG MGA BAGAY.
LikeLike