Muli nating gugunitain ang ika-31 ng Agosto taong 2009. Ito ang petsa at taon ng kamatayan ng kapatid na Erano G. Manalo. Kaya pagsapit ng ika- 31 ng Agosto 2016, ang ika-pitong taon anibersaryo ng kanyang kamatayan ay ito na rin ang ika-pitong taon na Pamamahala ng Ka. Eduardo V. Manalo kasama ng kanyang mga kinakatulong na nasa hanay ng Sanggunian. Pangunahin ang tatlo sa mga kasama ng Ka Eduardo ang Ka. Glicerio B. Santos, Jr., Ka. Radel G. Cortez, at Ka. Bienvenido C. Santiago ang lihitimong mga pangalan, ang lihitimong apat na tao na may malaking kaukulan sa mga kaganapan at pangyayaring inilalarawan sa Banal na Kasulatan.
Walang kamalay-malay ang karamihan sa mga kapatid sa loob ng Iglesia ni Cristo na may mga kaguluhang nangyayari. Nabibigyan lamang ng kaalaman ang mga kapatid dahil sila mismo ang nakaririnig na madalas tinatalakay ng mga nangangasiwa sa Pagsamba na may mga bumabangong paninira sa Pamamahala at sa Iglesia. Kaalinsabay nito ang pagbabawal sa mga kapatid na gumamit ng internet at bigyang diin ng nagpapahayag na babalaan ang sinumang susuway ay maihahanay sa mga sunud-sunod na mga pangalang itinitiwalag na ang iba ay kinikilalang mga pangunahing ministro ng Iglesia ni Cristo sa CENTRAL at ang iba ay mga kinikilalang kapatid na pangunahing maytungkulin sa mga lokal na kinatiwalagan pa nila ang mga naulinigan na ngang mga itiniwalag. Lalo pang naging nakatawag ng pansin at naging palaisipan sa mga kakapatid na tumitindi ang kaguluhang isinasangkot inuubliga na ang mga kapatid sa mga hindi pangkaraniwang panawagan na pagpapakilos gamit muli sa nakaraan ang mga pangunahing daan sa Pilipinas ang EDSA. Nakakaalarma ang mga balita na lantarang ginagamit na ang mga kapatid na Iglesia ni Cristo na derektang pinupuna ang mga ahensya ng gobyerno ng Pilipinas sa pakikialam diumano nito sa panloob na suliranin ng Iglesia at pakikiayon sa mga kapatid natin na ministrong itiniwalag dahil paglaban na sa Pamamahala. Kaya lalong nagdududa na ang iba dahil nababasa sa pahayagan, naririnig sa radyo, napapanood sa telebisyon at napag-uusapan sa Social Media ang mga walang tigil na pasaring ng isa’t-isa laban sa kapwa kapatid pa man din sa Iglesia. Nagtatanong na ang karamihang pangkaraniwang kapatid kung sino ba ang kanilang papaniwalaan at kung sino ang nasa panig ng katotohanan? Dahil ipinagbawal din ang pagtatanong at ayaw ng iba na mabilang sa mga itiniwalag bunga lang ng pagtatanong kung kaya sila na ang humanap ng dahilan kung bakit nangyayari ito at kung ano nga ba ang pinag-uugatan ng mga kaguluhan. Kaya naman, sa halip na papigil ang mga kapatid ay lihim na ring nagbabasa at nakasubaybay sa mga pangyayari sa Social Media partikular na ang paggamit ng Facebook na binibigyang diin na huwag magbabasa.
Subalit lumalalim ang pagtatanong ng iba bakit pawang mga ministro pa ng Iglesia ang pinanggagalingan ng mga ipinapahayag na paglalantad? Mga punang nakababahala sapagkat may pagmamalabis na nga raw nagaganap lalo na sa pananalapi ng Iglesia na hindi na ito yung dating kinakikitaan ng maayos na napangangasiwaan sapagkat hayag na may mga pamamaraan na ring binago at mga tuntunin na inalis at ipasok ang mga pamamaraang humihigit na sa aral, doktrinang Banal na ipinatutupad sa Iglesia ni Cristo mula pa noon sa panahon ng kapatid na Felix Y. Manalo at kapatid na Erano G. Manalo ay mahigpit na ipinatutupad at itinataguyod. Lamang naririnig na nila sa mga Pagsamba na maagap ang mga nangangasiwa na agad na maitanggi ang lahat ng pangyayari ay gawa-gawa lang di umano ng mga naninira lamang sa Pamamahala ng Ka. Eduardo V. Manalo. Tunay gamit ang Banal na Tribuna sa panahon ng mga Pagsamba naipagtatanggol nila ang Ka Eduardo at ang Sanggunian na tuwirang binabato ng mga puna kaugnay sa mga pangyayari. Ang kaguluhang ito ay umabot na sa ibat-ibang panig ng mga lokal maging sa ibayong dagat. Subalit napagtatakpan ang mga kaguluhang bumabangon na hayag sa mga kapatid na hindi matanggap ang mga kalakarang pagbabago sa loob ng Iglesia ni Cristo ngayon buhat ng pumanaw ang kapatid na Erano G. Manalo at pamahalaan na ito ng Ka. Eduardo nauulinigan nga nila na marami ng nalabag na tuntunin sa Kautusan ng PANGINOONG DIYOS.
Subalit ikubli man nila ito sa mga kapatid at sa mga taong nakababalita at nakakakita sa mga pangyayari ay hindi nila ito maipagkakaila, maitatanggi sa PANGINOONG DIYOS sapagkat walang makapaglilihim sa KANYA. At maging ang Panginoong Jesu-Cristo ang Pangulo ng Katawan na nagtatag nito sa Kanyang sarili. Sapagkat bahagi ng Kanyang Katawan ang napinsala mararamdaman talaga ito ng pinaka-Pangulo. Kaya paano maitatanggi at maipagkakaila sa Kanya? At ang Banal na Espiritu na nagsasaliksik ng bawat laman ng ating puso kailanman ay hindi makapagkukunwari kahit gaano man yan kaliit na suliranin o kalaking pinsala. Kaya ang mga kaguluhan at kapinsalaan sa loob ng Iglesia ni Cristo ay totoo! Syento por syento, 100% may katotohanan. Sino ang may sabi? Si Elias Arkanghel ba na inyong kakapatid sa Iglesia ni Cristo? Ang mga kapwa Hinirang ba na katuwang ko sa Banal na Gawaing ito? Hindi ako mga mahal kong kapatid! Hindi rin ang sinumang kapatid na Hinirang o sinuman. Kung ganun ay sino? Mga kapatid, may paunang pahayag ang PANGINOONG DIYOS mismo na nakasulat sa Banal na Kasulatan yan ang ating pag-aaralan. Ngunit mahalagang matiyak muna natin na ito bang ating pag-aaralan ay napapanahon o nakaukol sa panahon ayon sa iniisip ng mga nagsasariling palagay lamang? Mabuting bago natin ilahad ang kabuuang talata ay sipiin natin yung bahaging magpapatotoo sa ating sinasabi. Mahirap kasi na ipilit natin kung hindi naman nauukol sa panahon natin. Dahil kung hindi ukol ay huwag nating pakialaman. Subalit kung nauukol at napapanahon, mga mahal kong kapatid napakasarap sa damdamin dahil nabibilang sa panahon natin at tayo ang mga kumakatawan sa pinatutungkulang tauhin sa kabuuang talata.
Sa Kapahintulutan ng PANGINOONG DIYOS sa inyong abang kapatid, sa pamamagitan ng Diwa ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay muling isinusugo ang Banal na Espiritu ng Katotohanan na ngayon ay gumagabay sa ating pag-aaral. Muli kong dalangin sa AMANG BANAL at sa Panginoong Jesu-Cristo nawa sa lahat ng mga mag-uukol ng panahon na basahin at unawain ang kabuuan, ay muli kayong balutin ng KANILANG Kapangyarihan na yayakap sa inyong buong pagkatao, na madama ninyo na SILA na nasa tabi niyo lang, nakamasid, nakatunghay sa lahat, habang hinahagod ang inyong uluhan ng Makapangyarihan NILANG Kamay bilang pagpapadama muli sa inyong lahat na ikaw, sambahayan mo, at mga mahal sa buhay ay patuloy na dadaluyan ng KANILANG mahalagang basbas, biyaya’t pagpapala na may kapayapaan nakapamumuhay, nababakuran ng pag-iingat, tulad ko kung paano laging ligtas sa lahat ng mga nakaumang na banta ng mga kumakaaway gayun din naman kayo sa mga Gabay na Anghel na KANILANG itinalaga para sa isa’t-isa ay maihabilin NILA. Batid kong mahal na mahal kayo ng ating PANGINOONG DIYOS na laging nagmamalasakit sa inyo na makaalam ng Hiwaga ng KANYANG mga Lihim na Panukala upang magtamo kayo ng ganap ng unawa at pananampalataya na maghahatid sa ating ganap na kaligtasan. Nawa ay maipagmalasakit ninyo rin sa iba sa pamamagitan ng mga kopyang maaari ninyong maipagkaloob sa kanila. Dahil diyan mga mahal kong kapatid maipagmamalasakit na rin ninyo sila na maipaunawa sa kanilang lahat na may nakatakdang PAGLALAKBAY patungo sa Dakong Banal sa nakaambang kawasakan bago ang kawakasan.
( PAKISUBAYBAYAN MGA MAHAL KONG KAPATID … ihahanay ang mga susunod na hindi pangkaraniwang mga pangyayaring naganap na at magaganap pa lang. Ngunit ipinagpapauna huwag magagalit sa sinuman lalo na sa lahat ng mga kapatid pa rin natin na may matitinding pagsubok na kanilang kinakaharap. At sa mga waring itiniwalag, maging sa mga kapatid na nagpapatuloy pa rin. Wala tayong ituturing sinuman sa kanila na kaaway kahit may panlalait man na pahayag sa atin… sapagkat ang pag-ibig natin sa kanilang lahat ay pagmamahal na rin natin sa ating Katawan na kinaroroonang lahat. Marami kayong mauunawaan .. lalo na patungkol sa talatang ito JUAN 10: 9 Ako nga ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko’y maliligtas. Papasok siya’t lalabas, at makakatagpo ng pastulan.)
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#accessthetruth #inc101 #onewithevm #1withevm #net25 #eduardomanalo #gliceriosantosjr #jojodeguzman #antoniodeguzman#antonioebangelista #radelcortez#arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #iglesianicristo #1with25 #inc100#inccentennial#centennial #inc4life #incootd#incfashion #incmedianews #inctv #incmedia #AMONEWITHEVM #PASAKOPAKOSAPAMAMAHALA
#FIGHTFORMYFAITH #SOLIDINCFOREVER
One thought on “SUBAYBAYAN # 001: MGA KATUPARAN SA AKLAT NI PROPETA DANIEL … SA KAPAHINTULUTAN AY BINIBIGYANG DAAN NA NG PANGINOONG DIYOS MAIPALIWANAG … BAHAGI SA KANYANG MGA LIHIM NA PANUKALA KAUGNAY SA MGA KAGANAPAN AT PANGYAYARI SA KASALUKUYAN SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO… ANONG KAUGNAYAN NG PITONG TAON MULA Agosto 31, 2009 at Agosto 31, 2016? ANONG BABALA SA MGA PIPIGIL HAHADLANG AT SA MAPAGPANGGAP?”