Naranasan ko na po ito..
Minsan nakapagtanong ako sa ministro, ang tanong ko ganito… “BAKIT PO HINDI MALILIGTAS ANG SANGGOL NA KINALIMUTANG IHANDOG NG MAGULANG E HINDI NAMAN PO KASALANAN NG SANGGOL YUN? ANG KASALANAN PO BA NG MAGULANG AY KASALANAN NG ANAK? Then sagot po niya… “Yun kasi talaga ang aral eh”, then tanong ko po ulit…”DI PO BA MAY NAGTANONG NARIN DATI AT MAY NAITEXTO NARIN DATI ABOUT SA MGA HINDI NARATNAN NG ARAL NI KA FELIX, TULAD NI RIZAL. TAMA PO ANG IPINAGLALABAN NIYA NGUNIT HINDI NAKAABOT SA ARAL NG IGLESIA”, then sagot po niya.. “E kase sakop siya kung ano ang naging kautusan sa panahon niya base sa tuntunin ng Ama.
Then ang tanda ko parang ito po ang binigay na talata…
————-
Roma 2
12 Ang lahat ng nagkakasala na hindi saklaw ng Kautusan ni Moises ay paparusahan, ngunit hindi batay sa Kautusang iyon. Subalit ang lahat naman ng nagkakasala na saklaw ng Kautusan ay hahatulan batay sa Kautusan. 13 Sapagkat hindi ang mga nakikinig sa Kautusan, kundi ang sumusunod dito, ang siyang pawawalang-sala ng Diyos.
14 Kapag ang mga Hentil na hindi saklaw ng Kautusan ay gumagawa batay sa panuntunan nito ayon sa kanilang likas na pag-iisip, ito’y nagiging kautusan na para sa kanila. 15 Ipinapakita ng kanilang mga gawa na nakasulat sa kanilang puso ang panuntunan ng Kautusan. Pinapatunayan din ito ng kanilang budhi, sapagkat kung minsan sila’y sinusumbatan nito; at kung minsan naman, sila’y ipinagtatanggol nito sa kanilang isipan.
—————-
So para narin po niyang sinabi na pwedeng maligtas si Dr. Jose Rizal kahit di naratnan ng aral. Kaya po nagtanong ako ulit… “EH DI PO BA ANG SANGGOL NA WALANG MALAY PARANG KATULAD NARIN NI RIZAL NA HINDI NARATNAN NG ARAL? WALA PA PONG MUWANG AT KASALANAN YUN BAKIT PO IPINANGANGARAL NATIN NA HINDI SIYA MALILIGTAS? Dito na po siya nagsuplado, sabi niya “ANG MGA LIHIM SA HIWAGA KAPATID AY HINDI NA NATIN DAPAT PINAKIKIALAMAN. HINDI NA NATIN SAKOP YUN” Napansin ko pong nagalit siya dahil nga hindi rin naman niya matapatan ng talata ang tanong ko kung bakit hindi maliligtas ang sanggol na walang muwang na hindi rin naman nadatnan ng aral, ni walang kasalanan ang bata.
May isang pagkakataon din po na naitanong ko rin sa ibang ministro naman.. tanong ko “ANO PO ANG IBIG SABIHIN NG 1,000 YEARS SA APOCALIPSIS? ARAW PO BA NG TAO YUN O ARAW NG DIYOS? ITINETEXTO PO KASI SA PAGSAMBA NA MAGHUHUKOM NA PAGKATAPOS NG ISANG LIBONG TAON. KASE KUNG ARAW NG TAO EDI DAPAT PO TAPOS NA ANG MUNDO? ILANG LIBONG TAON NA PO ANG MUNDO DI PO BA? KUNG ARAW NAMAN NG DIYOS YAN AY NAKU EDI NAPAKATAGAL PA PO NG PAGHUHUKOM KUNG IKOCONVERT MO SA TAON NG TAO? Medyo nagsuplado din po.. sabi niya “MAY MGA LIHIM SA BIBLIA NA HINDI NATIN DAPAT PANG PINANGHIHIMASUKAN. KASALANAN SA DIYOS NA PANGHIMASUKAN ANG MGA LIHIM NA BAGAY”
====================================================
Ngayon ko po nauunawaan lahat kung bakit po sila nagagalit kapag nakapagtanong ka ng mga bagay na hindi rin nila maunawaan. Kumbaga po kasi PRIDE, tingin po kasi natin sa ating mga ministro ay alam na lahat ang nakasulat sa biblia dahil nga nag-aral sila sa iba’t ibang salin ng biblia. Hindi po nila matanggap na may mga bagay sa biblia na hindi nila pwedeng sagutin.
Sa mga pagsusuri ko po sa blog ni Ka Elias ay marami akong natutunan na nakapagbigay sa akin ng kapayapaan at karunungang espirituwal. May dahilan ang lahat. May mga lihim po na mabubuksan lang sa huling panahon bago ang kakila-kilabot na wakas ng mundo, hindi ito naipagkaloob sa iba kung hindi sa itinakda lang ng Ama. Maging kay Propeta Daniel ay inilihim dito po ito. ito po ay nakasulat sa Daniel.
Daniel 12
8 Hindi ko naunawaan ang kanyang sagot, kaya’t ako’y nagtanong, “Ginoo, ano po ba ang kahihinatnan ng lahat ng ito?”
9 Sinabi niya sa akin, “MAKAKAALIS KA NA, DANIEL. ANG KAHULUGAN NITO’Y MANANATILING LIHIM HANGGANG DUMATING ANG WAKAS. 10Marami ang dadalisayin at mapapatunayang may malinis na kalooban. Ngunit MAGPAPAKASAMA PA ANG MASASAMA, AT WALA ISA MAN SA KANILA ANG MAKAKAUNAWA SA MGA BAGAY NA MAUUNAWAAN NG MGA MARURUNONG.
———————————————————————————–
Kapag naturuan ka ni Ka Elias ay marami ka ng mauunawaan na hindi mo naunawaan dati. Tulad ng sa sanggol, bakit po mapaparusahan ang isang batang walang muwang sa kasalanan ng magulang?
Sa malalim na pagsasaliksik ko po sa mga turo ni Ka Elias ay nakatagpo ako ng kayamanang espiritual.
Deut 24
16 “HINDI DAPAT PARUSAHAN NG KAMATAYAN ang mga magulang dahil sa krimeng nagawa ng anak ni ANG ANAK DAHIL SA KRIMENG NAGAWA NG MAGULANG; ANG MISMONG MAY SALA LAMANG ANG SIYANG DAPAT PATAYIN.
Jeremias 31
Sa halip, KUNGSINO ANG KUMAIN NG MAASIM NA UBAS ANG SIYANG MANGINGILO; mamamatay ang isang tao dahil sa kanyang kasalanan.”
===================================================
Tunay ngang ipinadala ang Elias upang ayusin po ang lahat ng bagay, maging ang mga pinakamalalim na lihim ay mabubuksan sa pamamagitan niya.
Matthew 17:
King James Bible
11 And Jesus answered and said unto them, Elias truly shall first come, and restore all things.
====================================================
KAYA PO KAMING MGA NASA HINIRANG AY UMAASA SA SALITA NG PROPETA. DITO PO KAMI NANANANGAN SA SALITA NG AMA NA DALA DALA NIYA. MABAGAL MAN SA PANINGIN NG IBA ANG MGA KATUGUNAN AY TIYAK NA MANGYAYARI KUNG ANO ANG ISINALITA.
Habakuk 2
3 Isulat mo ito sapagkat hindi pa panahon upang ito ay maganap.
Ngunit mabilis na lilipas ang panahon,
at mangyayari ang ipinakita ko sa iyo.
BAGAMA’T PARANG MABAGAL ITO, HINTAYIN MO.
TIYAK NA MANGYAYARI AT HINDI MAAANTALA ITO.
4 Ito ang mensahe: “ANG HAMBOG AY MABIBIGO SA KANYANG PAGMAMATAAS,
ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.”
Newman SanJuanEliseo Elias Maria Centenero Zosima Hernandez-OgormanZosima Hernandez-Ogorman Dawit Irko Heijboer Arleth Heijboer Arleth HeijboerJosefina Babao-PistoriusNorma F DiagAlexandra YumikoLenlen SungaBaldomero DinerosRosa RosalJoly JolyAmoro CincoDivine Kaye FerrerKirsten RabidaPsyche PsycheNestor Magno Angelica ThomasDaniela GabrielLovely SimoneRuth ReyesEve Angelynn Antonio Tesalonica TesalonicaReeko PerezLian HoJustine Cruz Cristel CruzTeTantz RanesesKirsten RabidaAmoro Cinco Yamamoto Makunachi Batch Eightythree A OwePielah Garcia Garcia Danielle GarciaStephen SommersSophia TaylorJomary VenturaGerlie Ewayan Salvador BandilanMariya RioBayang Hinirang
