Nakarating po sa aming kaalaman na may isa na namang kinikilalang kapatid po na ministro mula sa defenders ang pinagbabawalan ang ibang kapatid natin na sumubaybay dito sa gawain ng hinirang. Kami po ay pinaparatangan na nagsasamantala sa sitwasyon ng Iglesia ngayon at pinaiiwas po kami sa mga kapatid natin lalo na sa mga defenders na nag-iinterest na magbasa sa mga post sa blog ni Ka Elias maging sa mga pinopost po namin dito sa social media.
MGA PARATANG..
1. Kami daw po ay sa grupo ni Mario Evangelista na itiniwalag dati ni Ka Erdy.
2. Kami daw po ay tulad ni satanas na nagkukunwaring anghel sa kaliwanagan upang makalinlang. Iniba lang ang estilo ng pakikipaglaban, na gumagamit ng verses at hindi gumagamit ng mga masasamang salita upang makaakit.
3. Wala daw pong karapatang magpahayag si Ka Elias Arkanghel at maging kami na katuwang niya sapagkat hindi naman isinugo
4. Pinapangahasan daw po namin na ihayag ang mga misteryo sa biblia na hindi naman maunawaan, sapagkat ang pagpapaliwanag niyan ay para lang sa inatasan ng Diyos.
===================================================
>
UNANG-UNA po ay kaanib po ang karamihan sa amin sa loob ng Iglesia. May iilan lamang pong naitiwalag na sapagkat naiulat na sumusubaybay sa gawain at nagsishare ng mga post. Hindi po sila nagpadaig sa utos ng Central na tigilan ang pagsuporta sa blog ni Ka Elias. Karamihan ay maytungkulin sa pananalapi, mang-aawit, guro at iba pa. At tungkol po kay Ka Elias ay hindi po kami basta basta maniniwala kung hindi po kami nagsuri. Siya po ay isang masiglang kaanib sa Iglesia, napuntahan na po namin ang kanyang lokal at kilalang kilala siya ng mga ministro sa kanilang lokal. Lingid sa kaalaman niya ay tinanong ko po ang isang maytungkulin upang malaman kung dun nga inihandog si Ka Elias at ang sabi ay pareho sila at pareho silang maytungkulin simula sa pnk years nila. Wala pong alam ang mga kalokal niya sa pagsusulat niya sa blog bilang Elias Arkaghel. Ang kinatatalaang lokal ay kinatuparan din ng hula sa Daniel 12 “DULO NG PAMPANG NG ILOG”. Kaya tigilan na po ang pagsasabing kami ay sa grupo ni Mario Evangelista sapagkat iba po ang turo ni Mario Ebangelista sa turo ni Ka Elias. Bulaang guro po yun na nagtuturong siya ang Ama na nagkatawang tao, may asawa ang Diyos, isa pang sinisintang anak na tulad ng Panginoong JesuCristo at si Ka Erdy daw po ang 666. At ang tagasunod ni Mario Evangelista ay nagkunwaring kasama namin sa nakaraan upang may maakit subalit hindi po siya umubra sa may mga malalakas ang pananampalataya. Kailanman ay hindi po pwedeng mabuwag ang gawain ng Diyos. Nakasulat din po yang ganyang mangyayari sa mga hinirang ng Diyos. Marami pong nangyaring pagsubok sa amin subalit nanatili kaming matatag at payapa sa aming pananampalataya biglang Iglesia ni Cristo.
KATUNAYANG LABAN KAMI SA ARAL NI MARIO EVANGELISTA
https://web.facebook.com/photo.php?fbid=285331615154050&set=a.108590799494800.1073741828.100010316404723&type=3&theater
===================================================
>
PANGALAWA, sabi po sa biblia ay hindi magtatagumpay ang paggamit ng sariling lakas. Masama po ba ang magtiwala sa Salita ng Diyos at ito ang gawing panlupig sa gawang masama ng mga namiminuno ngayon sa Iglesia? Nakasulat po sa Efeso 6 na gamitin ang salita po ng Diyos at ang katotohanan gamit ang TABAK NG SALITA.
Efeso 6
14Kaya’t maging handa kayo. Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng katotohanan, at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran; 15isuot ninyo ang sandalyas ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapayapaan. 16Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo. 17Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan, at gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos.
>
——————————————————————————————
AYAW PO NG DIYOS ANG PANANALIG SA KAPWA TAO NG HIGIT SA KANYANG MAGAGAWA
>
1 Samuel 2
9 “Papatnubayan mo ang tapat sa iyo,
ngunit ang masasama ay isasadlak sa karimlan.
WALANG SINUMANG MAGTATAGUMPAY SA SARILING LAKAS
>
Jeremias 17
5Sinasabi ni Yahweh,
“Susumpain ko ang sinumang tumatalikod sa akin,
at NAGTITIWALA SA KANYANG KAPWA-TAO, SA LAKAS NG MGA TAONG MAY HANGGANAN ANG BUHAY.
>
——————————————————————————————
KUNG NAKIKITA MAN PO NINYO NA ANG GAMIT NAMIN SA PAKIKIPAGLABAN AY ANG KAHINAHUNAN, KAPAYAPAAN AT PAGPIPIGIL SA SARILI AY SAPAGKAT SINUSUNOD PO NAMIN ANG BUNGA NG ESPIRITU NA DAPAT MAKITA SA ATING MGA NABAUTISMUHAN SA LOOB NG IGLESIA
Galacia 5
22Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito. 24At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang makasariling pagkatao, pati na ang mga masasamang hilig nito. 25Kung ang Espiritu ang nagbibigay-buhay sa atin, siya na rin ang paghariin natin sa ating buhay. 26Huwag na tayong maging palalo, huwag na nating galitin ang isa’t isa, at huwag na rin tayong mag-inggitan.
——————————————————————————————
HINDI PO MARAPAT SA ATIN ANG GAWANG NASA LAMAN
Galacia 5
19Hindi maikakaila ang mga HILIG NG LAMAN: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; 20pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, PAGKAPOOT sa isa’t isa, PAG-AAWAY-AWAY, pagseselos, PAGKAKAGALIT at kasakiman, PAGKAKAMPI-KAMPI at PAGKABAHA-BAHAGI
===================================================
>
PANGATLO, paano po ninyo nasigurong walang karapatang magpahayag si Ka Elias Arkanghel? Binasa na po ba ninyo ang kabuuang isinulat niya sa blog? Sinuri niyo napo ang katotohanan tungkol sa mga isinulat niya sa mga talata ng biblia, sa mga bible scholars, sa pangyayari? Bakit nangyayari ito sa Iglesia? Paano ito matatapos?
NARITO PO ANG MGA NAGING PAGSUSURI NAMIN TUNGKOL SA ELIAS, SA PROPETANG INILAGAY SA KATAWAN, SA PROPETANG ISINUGO NG PANGINOON SA PANAHON NG
ANG ISUSUGONG ELIAS SA HULING PANAHON PARA MAGSAAYOS. NG LAHAT NG BAGAY
https://web.facebook.com/photo.php?fbid=311403639213514&set=a.108590799494800.1073741828.100010316404723&type=3&theater&__mref=message
DAPAT MUNA NATING AYUSIN ANG IGLESIA BAGO SI CRISTO AY BUMABA MULA SA LANGIT
https://web.facebook.com/permalink.php?story_fbid=313744682312743&id=100010316404723&__mref=message
MANGYAYARI ANG NAKATAKDA!
https://web.facebook.com/permalink.php?story_fbid=315476465472898&id=100010316404723&__mref=message
ANG PAGSASAAYOS NA GAGAWIN NG ELIAS
https://web.facebook.com/permalink.php?story_fbid=312316499122228&id=100010316404723&__mref=message
>>>>>
Hindi po ba tinuruan tayong magwangis?
1 Cor 2 13“Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; NA IWINAWANGIS NATIN ANG MGA BAGAY NA AYON SA ESPIRITU SA MGA PANANALITANG AYON SA ESPIRITU.”
>>>
2 Cor 214Sapagkat ang taong di pinapanahanan ng Espiritu ay ayaw tumanggap ng mga kaloob mula sa Espiritu ng Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon at di nila nauunawaan, sapagkat ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraang espirituwal. 15SINISIYASAT NG TAONG PINAPANAHANAN NG ESPIRITU ANG LAHAT NG BAGAY, ngunit walang sinumang makakasiyasat sa kanya.
>>>
——————————————————————————————
MAY KARAPATAN DIN PO KAMING MAGPAHAYAG BILANG MGA ANAK NG DIYOS SA HULING ARAW NA ITO
Gawa 2
16Ang nakikita ninyo’y katuparan ng ipinahayag ni Propeta Joel,
17‘ITO ANG GAGAWIN KO SA MGA HULING ARAW,’ SABI NG DIYOS,
‘Ipagkakaloob ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao;
IPAPAHAYAG NG IYONG MGA ANAK NA LALAKI AT BABAE ANG AKING MENSAHE.
Ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga PANGITAIN,
at ang inyong matatandang lalaki ay magkakaroon ng mga PANAGINIP.
18SA PANAHONG IYON, IBUBUHOS KO RIN ANG AKING ESPIRITU, SA AKING MGA ALIPIN, MAGING LALAKI AT MAGING BABAE, AT IPAPAHAYAG NILA ANG AKING MENSAHE.
>
PALATANDAAN SA HULING PANAHON
https://web.facebook.com/permalink.php?story_fbid=264338287253383&id=100010316404723
PAGDATING SUWAIL AT ANG PAGDATING NG ELIAS BAGO ANG KAKILA-KILABOT NA WAKAS NG MUNDO.
http://i.cubeupload.com/tbOEWl.png
===================================================
IKAAPAT, hindi po namin pinapangahasan na magpahayag sa mga bagay po na hindi namin nauunawaan sapagkat kami po ay nagsuri muna bago po nagpahayag dito at naging malalim din po ang aming pagsusuri. Kayo po bago kayo nanghusga ay sinuri niyo ba ang katotohanan? Paano niyo po nasabing kami ay nagsasamantala lang para makaakit ng kapatid para sa ibang relihiyon? Hindi niyo po ba alam na ang Elias ay magmumula sa bayan mismo ng Diyos? Na naglagay ang Diyos ng propeta sa loob mismo ng katawan ng Panginoong JesuCristo? Na kikilos lang ang Ama kung maipahayag na niya ang KANYANG lihim sa kanyang napiling propeta? Na ang babae o Iglesia ay ihaharap lang sa takdang panahon sa kordero kung malinis na ang kanyang damit? Na ang parang sabong tagapagpaputi ay ang Elias na kanyang isusugo? Kung walang Elias na magpapaputi sa damit ng babae ay kusa lang bang puputi ang damit ng babae? (Malakias 3:1-2, Malakias 4:5-6, Pahayag 19:7-9)
>>
Amos 3 7Tunay na ANG PANGINOONG DIYOS AY WALANG GAGAWIN, KUNDI KANIYANG IHAHAYAG ANG KANYANG LIHIM SA KANIYANG MGA LINGKOD NA MGA PROPETA.
eut 29
29ANG MGA BAGAY NA LIHIM AY NAUUKOL SA PANGINOON NATING DIYOS: nguni’t ang mga bagay na hayag ay nauukol sa atin at sa ating mga anak magpakailan man, upang ating magawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito.
======================================================================================================
MAPAPATUNAYAN KUNG NASA INYO ANG ESPIRITU NG PAKIKIPAGLABAN PARA SA KALINISAN NG IGLESIA …
1. Ang Diyos ay hindi Diyos ng kaguluhan kung hindi kapayapaan 1 Cor 14:33 – PAYAPA PO BA KAYO o baka baka naman kayo ay nagkakagatan kaya kayo ay halos maubos na (Gal 5:13-15).
2. Ang gamit ng tunay na hinirang ay tabak ng Salita (Efeso 6:10-17) – ganyan po ba ang gamit niyo sa pakikipaglaban? o baka naman gumagamit kayo ng sariling lakas at nagtitiwala kayo sa kapwa niyo lang tao? (1 Samuel 2:9, Jeremias 17:5).
3. Ang pakikipaglaban ng mga anghel ng Panginoon ay may pagtatagumpay (Pahayag 12:7-9) – nagtatagumpay po ba kayo sa inyong laban? O baka po puro sugat ng damdamin lang ang inyong nakakamit at kawalang pag-asa? Kumusta po ang kalagayan ng pamilyang inyong ipinaglalaban? Payapa po ba ang kanilang kalagayan o lalo silang nasasadlak sa kaligaligan?
Kaming nasa hinirang simula ng harapin namin ang mandirigmang OWE na gamit ang Salita ng Diyos sa pakikipaglaban ay nakaramdam na kami ng unti-unting pagtatagumpay. Matindi man ang kanilang pagmumura ay nagtiis kami at hindi gumanti ng masakit, ginamit namin ang salita ng Diyos at sila ay BINUWAG. Ibinilin ni Ka Angelo Manalo na siya na lamang ang magmomonitor sa Defender’s page at pinaalis ang maraming mandirigma sa page na yun at nawala narin ang kanilang solidong samahan. May mangilan ngilan na lamang na matitigas ang ulo ang sumusulpot sa page ngunit hindi rin naman sila nagtatagal. Habang ang pahayag namin ay kinakalaban nila ay lalo lang nahahayag ang masama nilang gawa.
Mula din po ng ihayag namin ang tungkol sa tatak sa pangunguna ng Ka Elias ay unti-unti ng ipinalimot ng mga namiminuno ngayon sa Iglesia ang One with EVM na thumbmak, bagkus ay naglagay sila ng bagong pasisikatin na “Ikinararangal kong ako ay Iglesia ni Cristo” . Ginawa nila ito sapagkat nalalantad ang sa lahat lalo ang kanilang kamalian sa paggamit namin ng tabak ng salita.
Natupad ang isang bahagi na kinatatakutan sa nakasulat sa Apocalipsis o Pahayag ang pamamayagpag ng tatak na nasa bahagi ng kanang kamay – Elias arkanghel
https://iglesianicristohinirang.wordpress.com/…/ang-banal-…/
ANG HALIMAW AT ANG TATAK
https://web.facebook.com/photo.php?fbid=297356747284870&set=a.108590799494800.1073741828.100010316404723&type=3&theater
ANG TATAK SA APOCALIPSIS
https://web.facebook.com/photo.php?fbid=299331950420683&set=a.108590799494800.1073741828.100010316404723&type=3&theater
===================================================
ANG SUSI NG TAGUMPAY
2 Cronica 20 20Kinabukasan, maaga silang lumabas patungo sa ilang ng Tekoa. Ngunit bago sila umalis, sinabi sa kanila ni Jehoshafat, “Makinig kayo, mga taga-Juda at Jerusalem. MAGTIWALA KAYO SA DIYOS NINYONG SI YAHWEH AT MAGIGING MATATAG KAYO. MANIWALA KAYO SA KANYANG MGA PROPETA AT MAGTATAGUMPAY KAYO.”
===================================================
MARAMING HUMADLANG SA GAWAIN SUBALIT HINDI NAGTAGUMPAY. IWASAN NA PO NATIN ANG PARATANGAN KAMI NG MASAMA LALO NA ANG PROPETANG IPINADALA NG PANGINOON SA PANAHON NA ITO. LAHAT NG NAGTATANGKANG MASAMA SA GAWAIN AY NAGKAROON NG MATITINDING PAGSUBOK SA BUHAY NILA. ALAM ITO NG LAHAT NG LUMAPASTANGAN SA GAWAIN MULA’T MULA PA. HAYAAN PO NATING MAGSURI ANG MGA KAPATID.


Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#accessthetruth#inc101#onewithevm #1withevm #net25#eduardomanalo #gliceriosantosjr#jojodeguzman#antoniodeguzman#antonioebangelista#radelcortez#arneltumanan #incdefenders#iamonewithevm #eaglenews#iglesianicristo#1with25#inc100#inccentennial#centennial#inc4life#incootd#incfashion #incmedianews#inctv#incmedia#AMONEWITHEVM #PASAKOPAKOSAPAMAMAHALA
#FIGHTFORMYFAITH#SOLIDINCFOREVER
Ka elias ngayon lang po ako naglakas loob na sumulat po sa inyo dahilan sa takot po ako..mula pa nung lumitaw ang ae hanggang sa madako ako sa wall ng ka lina..ganyan na rin po ako katagal sumusubay bay sa inyong blog..at hindi ko mawari ang pakiramdam ko pag nagbabasa ako ng payo nyo dahil kusa na lang nangingilid ang luha ko..na gusto kong maiyak..minsan na rin akong nanaginip na andun si ka lottie , ka beth, ka mark, at ka angel..hindi ko lang po maalala na sa tagal po..sa ngayon po nagkakasya na lang po ako na araw araw sumusubaybay sa mga post po ng ka lina po at nag ppm po ako sa kanya…salamat po ng marami dahil sa mga payo nyo natuturuan nyo po kami na magpatuloy at magpapakatatag lagi sa anuman pagsubok…
LikeLiked by 1 person
Mahal kong kapatid na Lyndon salamat sayong pagkakilala. Hayaan mong yakapin ka ng AMANG BANAL at ng ating Panginoong Jesu-Cristo sayong kababaang loob matapos mong maglambing sa panalangin mo sa KANILA. Mahalaga ka sa KANILA kaya ganyan na lang ang damdamin mo. Hangad kong makilala kita at makasama. Muli kang makipag-ugnayan sa kapatid na Lina. Sabihin mo ang sinabi ko sayo dito at may ipagagawa siya sayo na iuugnay niya sakin ang lahat ng sasabihin mo. Maraming salamat mahal kong kapatid. Nawa patuloy kang tumibay sa pagkakilala sa Banal na Gawaing ito. Diyan ka NILA pagpapalain dahil pinili mo SILA na makasama. Muli maraming salamat sayo. – Elias Arkanghel
LikeLiked by 1 person