SA ATING PANAHON ANG IGLESIA NI CRISTO ANG MOTHER ISRAEL AT ANG TATLONG BAHAGI ANG JERUSALEM, ISRAEL AT JUDA SA ESPIRITUAL SA ATING PANAHON NGAYON AY SINU-SINO KAYA?
Mga mahal kong kapatid, hindi layunin ng Blog ang manira .. ang ipinag-utos ay “magpahayag ka“… Ang IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG ay hindi panibagong tatag na relihiyon. Namamalaging IGLESIA NI CRISTO sapagkat hindi naman ako hiwalay o tiwalag na IGLESIA NI CRISTO. Lihitimong nakatala pa rin ako sa Lokal na aking kinatatalaan. Kaya huwag naman ninyong iisipin kayong mga tinatawag na Defenders na dahil ipinagkanulo na ako ng ilan… subalit sa kabila ng lahat ay hindi pa rin ako natitiwalag at dahil doon nagbigay na kayo ng sarili ninyong espikulasyon na sa pagkaunawa ninyo ako ay nabibilang na sa hanay ng mga STF na pinupuna ninyo o inuusig.. na nasa hanay ng Ka Eduardo V. Manalo. Nagpapatotoo lang ang tulong na iingatan ako ng PANGINOONG DIYOS sa paglilingkod yun ay hindi NILA sa akin ipinagkait. SALAMAT PO! Subalit sa hanay naman ng o sa panig naman ng nagtatanggol sa Pamamahala ng Ka Eduardo ay inuugnay naman ninyo kami sa hanay ng mga sinasabi ninyong tiwalag sa grupo ng Ka Angel Manalo. Hindi mga kapatid! Ikinalulungkot kong sabihin na nagkakamali kayo ng paratang sa akin at sa mga kapatid na katuwang ko sa Banal na Gawaing ito.
Sa magkabilang panig ang isa sa ikatlong bahagi na inilalarawan sa Banal na Kasulatan ang JERUSALEM sa Espiritual na paglilingkod ngayon ay sa hanay ng mga kumikilala na nasa CENTRAL Office na nagpapasaring sa hanay ng pamilya ng kapatid na Erano G. Manalo (Ka Angel, Ka Marc at Ka Lottie);
at ang isa rin sa ikatlong bahagi ay ang ISRAEL sa Espiritual na paglilingkod naman ngayon ay ang nasa hanay naman ng mga nagpapasaring sa Pamamahala ng Ka Eduardo at ng kanyang Sanggunian at kasama ang kani-kanilang mga katuwang na nasa Distrito at mga Lokal ng IGLESIA NI CRISTO sa buong mundo.
Mga mahal kong kapatid, ibinabahagi ko sa inyong kaalaman.. paunawa sakin ng PANGINOONG DIYOS, sa diwa ng Panginoong Jesu-Cristo na tayong lahat ay kabilang sa pinaka- MOTHER ISRAEL sa Espiritual na paglilingkod ngayon ay may kani-kaniyang bahaging ginagalawan… na kung nangyari man ang kaguluhang nagaganap ay upang subukin lamang tayo. Pamimili ng sinuman sa atin kung saan at kanino tayo papanig?
Subalit ako ay nasa hanay ng JUDA sa Espiritual na paglilingkod ngayon na isa sa ikatlong bahagi. Kaya sa atas ng PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo ang inyong abang lingkod napahintulutan lamang at ginawang bantay ngayon sa kabuuan ng pinaka-MOTHER ISRAEL sa Espiritual na paglilingkod upang magpahayag ng pagsaway, magbigay ng babala sa mga nagpapatuloy sa paggawa ng pamiminsala. At magbigay naman ng ikatitibay, ikatatag, ikasisigla at palakasin ang mga nalalabing mga hinirang na nawawalan ng pag-asa. Ang lahat ng ito ang mabuting kaparaanan ng pagsasaayos ng PANGINOONG DIYOS. Kaya; 17“Tao, ginawa kitang bantay sa sambahayan ng Israel; kaya makinig ka sa sasabihin ko at ipaabot mo sa kanila ang babala buhat sa akin. 18 Kapag sinabi ko sa masamang tao, ‘Tiyak na mamamatay ka,’ at hindi mo siya binabalaan o hindi ka magsalita para sawayin siya sa masama niyang gawain upang mailigtas ang kanyang buhay, mamamatay ang taong iyon dahil sa kanyang kasalanan, ngunit pananagutin kita sa kanyang dugo. 19 Kapag binabalaan mo ang masamang tao at hindi niya tinalikdan ang kanyang kasamaan o ang masasama niyang gawain, mamamatay siya sa kanyang kasalanan; ngunit iniligtas mo ang iyong sarili. 20 “Muli, kapag tinalikdan ng isang taong matuwid ang kanyang katuwiran at gumawa ng kasamaan, at nilagyan ko siya ng katitisuran sa harapan niya, mamamatay siya sapagkat hindi mo siya binabalaan, mamamatay siya sa kanyang kasalanan. Malilimutan na ang mabubuting ginawa niya, at pananagutin kita sa kanyang dugo. 21 Ngunit kapag binabalaan mo ang taong matuwid upang hindi magkasala at di nga nagkasala, tiyak siyang mabubuhay, sapagkat tumanggap siya ng babala, at nailigtas mo ang iyong sarili.” 22 Ang kamay ng PANGINOON ay sumasakin doon, at sinabi niya sa akin, “Tumindig ka at magpunta sa kapatagan, at doon ako magsasalita sa iyo.” 23 Kaya tumayo ako at nagpunta sa kapatagan. Ang kaluwalhatian ng PANGINOON ay nakatayo roon, tulad ng kaluwalhatiang nakita ko sa tabi ng Ilog Kebar. At nagpatirapa ako. 24 Nang magkagayon, dumating sa akin ang Espiritu at itinayo ako. Sinabi niya sa akin: “Humayo ka at magkulong sa iyong tahanan. 25 At ikaw, tao, ay gagapusin nila ng mga lubid para hindi ka makapunta sa gitna ng bayan. 26 Padidikitin ko ang dila mo sa iyong ngalangala upang tumahimik ka at hindi mo sila mapagsabihan, sila na mapaghimagsik na sambahayan. 27 Ngunit pag nagsalita ako sa iyo, bubuksan ko ang iyong bibig, at sasabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinasabi ng Kataastaasang PANGINOON,’ Sinumang ibig makinig ay makinig, at ang aayaw ay huwag makinig; sapagkat sila’y isang sambahayang mapaghimagsik.
Ang mga pahayag na ito ay Banal na Kasulatan ang panggagalingan. Hawak ko ang BIBLIA na naglalaman ng 39 na kalipunan ng mga aklat kung tawagin ay Lumang Tipan, at 27 na kalipunan ng mga aklat naman ang kabuuan ng Bagong Tipan….?.. Ipinahintulot na magpahayag ng paghatol sa Udyok ng Banal na Espiritu subalit hindi sa pansariling kalooban. Kaya may mga panahon naman ng aking pananahimik at hindi paggawa ng pahayag dahil sa Kalooban din ng ating PANGINOONG DIYOS natin. Ito ang pagsunod ko na hindi sa kagustuhan ng tao. Kaya ako ay gagawa at magpapahayag lamang sa panahon gustuhin ng PANGINOONG DIYOS sa diwang inuudyukan na ako ng Banal na Espiritu na mula sa ating Panginoong Jesu-Cristo na magpahayag na ang utos na may paghatol at pagpapasya. Kaya sa panahong inuusig ninyo ako, ay hindi ako ang inyong inuusig… ang ating Panginoong Jesu-Cristo na pinanggagalingan ng Diwang nag-uutos sa akin na mula naman sa PANGINOONG DIYOS natin na nagbigay ng utos at may Akda ng lahat ng ito.
Tulad ng paulit-ulit kunang sinasabi ay isa lamang ako na pangkaraniwan kapatid ninyo sa IGLESIA NI CRISTO. Namamalaging lihitimong kapatid pa rin sa loob ng IGLESIA NI CRISTO hindi tiwalag gaya ng ipinaparatang ng iba. Hindi ako ministro na mula sa Ministeryal ng ating tanggapan na nasa Central Office na may Pamamahalang napahintulutan na kinilala ko pati na ang nais ipaunawa ng kaguluhang naghahari sa kasalukuyan na lingid lang sa kaalaman ng marami.. Subalit ang aking kahalalan na napahintulutan lamang ay mula sa PAMAMAHALA ng PANGINOONG DIYOS. Kaya ginagawa ko ito hindi pansariling kalooban. Ito ay atas ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo sa Dakilang Kalooban ng PANGINOONG DIYOS. Kung ako man ay nakapagpapahayag ng may Karunungan yan ay sa Udyok ng Banal na Espiritu. Hindi ko sariling kaisipan. Ang Diwa ng Panginoong Jesu-Cristo ang nagpapakilos sa aking kaisipan dahil bahagi lamang ako ng Kanyang Katawan, yan ang Iglesia. Pahayag 19 :10 BMBB 10 Nagpatirapa ako sa kanyang paanan upang sambahin siya, ngunit sinabi niya sa akin, “Huwag! Ako ma’y alipin ding tulad mo at tulad ng ibang mga mananampalatayang nagpatotoo tungkol kay Jesus. Ang Diyos ang sambahin mo, sapagkat ang katotohanang ipinahayag ni Jesus ay siyang diwa ng lahat ng ipinahayag ng mga propeta!” Ang lahat ng mga naipahayag ko at maipapahayag ko pa ay nagmumula sa Banal na Kasulatan at ipinag-uutos ng PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Nalalapit na ang mga araw na ating hinihintay. Ang lahat ng ginagawa natin ngayon ay paghahanda sa literal na “Paglalakbay”. Kaya nga ibig kong lawakan natin ang ating mga kaisipan, pairalin natin ang pag-uunawaan. Kung nagkakaroon man tayo ng mga pagpapalitan ng ayon sa ating mga nauunawaan ay maging mahinahon ang isa’t-isa. Ang pagsasaayos ay magmumula sa PANGINOONG DIYOS. Kung kami namang mga nasa hanay ng mga Hinirang ay nagpapatotoo sa aming mga ipinapahayag ay huwag ninyong aakalain na inaangkin namin ang pagka-Hinirang sa kabuuan. Dahil sa kabuuan ng IGLESIA NI CRISTO kinikilala kong lahat ay Hinirang … lamang ang pagkakaiba ay kung paano masasabing tapat na Hinirang na KANILANG kinalulugdan. II Corinto 12: 19 BMBB 19 Akala ba ninyo’y ipinagtatanggol namin ang aming sarili? Hindi! Nagsasalita kami sa harapan ng Diyos ayon sa kalooban ni Cristo. Mga minamahal, lahat ng ginagawa namin ay para sa ikabubuti ninyo. 20 Nangangamba akong baka pagpunta ko riyan ay may makita ako sa inyong hindi ko magustuhan, at kayo naman ay may makita sa aking hindi ninyo magustuhan. Baka ang matagpuan ko’y pag-aaway-away, pag-iinggitan, pag-aalitan, pagmamaramot, pagsisiraan, pagtsitsismisan, pagmamataas at kaguluhan. 21 Nangangamba ako na pagpunta kong muli riyan, hiyain ako ng aking Diyos sa harapan ninyo, at itatangis ko ang karumihan, pakikiapid at kahalayang hindi pa ninyo pinagsisiha’t tinatalikuran.
Kaya nga hinahanapan tayo ng mabubuting katangian bilang isang Iglesia ni Cristo… Hinirang ng ating Panginoong Jesu-Cristo na bigay sa Kanya ng ating AMANG BANAL para sa KANILANG Kapurihan, Kaluwalhatian at Kadakilaan. Mga mahal kong kapatid hindi ko layunin manira kung ako man ay may mga paghahanay lalo na patungkol ito sa Hiwaga bahagi sa mg Lihim na Panukala ng PANGINOONG DIYOS na mahirap maunawaan ng hindi inuunawa. Subalit madali naman sa magaang pinag-aaralang sinasaliksik ang mga Katotohanang aking inihahayag sa Udyok ng Banal na Espiritu. Kaya anuman ang aking mga ipinapahayag ay pag-aralan ninyo kung ito ba ay ayon lamang sa aking pang-unawa o tunay na may pagbabatayan dahil nakasulat sa Banal na Kasulatan. Subalit higit na pinakamainam ninyong gawin ay manalangin ng taimtim at hingin sa PANGINOONG DIYOS natin ang pang-unawa at pagkaalam sa lalim ng Hiwaga upang kamtan ang unawang kailangan na maghahatid sa ating lahat para makarating doon sa Dakong Banal sapagkat ang katapusan ng ating lubusang paglalakbay bago ang panibagong yugto ng panahon ay doon magpapatuloy hanggang maisakatuparan gawa ng MAKAPANGYARIHANG KAMAY ng PANGINOONG DIYOS ang anyo ng kabuuan ng Lupa ng mga Hinirang ayon sa anyo na binabanggit sa Banal na Kasulatan.
Mateo 25 : 31 BMBB 31 “Darating ang Anak ng Tao sa kanyang kaluwalhatian, kasama ang kanyang mga anghel, at luluklok sa kanyang makalangit na trono. 32 Titipunin niya ang lahat ng tao at pagbubukud-bukurin, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga kambing. 33 Ilalagay niya sa kanan ang mga tupa, at sa kaliwa ang mga kambing. 34 “At sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan, ‘Halikayo, mga pinagpala ng aking ama. Manahin ninyo ang kahariang inihanda sa inyo mula pa nang likhain ang sanlibutan. 35 Ako’y nagutom, at inyo akong pinakain; nauhaw at inyong pinainom; taga-ibang bayan at inyong pinatuloy. 36 Ako’y naging hubad at inyong pinaramtan; nagkasakit at inyong dinalaw; nabilanggo at inyong pinuntahan.’ 37 “Itatanong ng mga matuwid, ‘Panginoon, kailan po kayo nagutom na ming pinakain, nauhaw at pinainom? 38 Kailan kayo naging taga-ibang bayan na ating pinatuloy, walang maisuot na aming pinaramtan? 39 Kailan kayo nagkasakit o nabilanggo na aming dinalaw? 40“Sasagot ang Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, anumang gawin ninyo sa isa sa pinakahamak kong kapatid ay sa akin ninyo ginawa.’ 41 “Sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, ‘Lumayo kayo sa akin, mga sinumpa. Doon kayo sa apoy na hindi mamamatay na inihanda sa diyablo at sa mga kampon nito. 42 Ako’y nagutom, ngunit hindi ninyo pinakain, nauhaw at hindi ninyo pinainom. 43 Ako’y naging taga-ibang bayan at hindi ninyo pinatuloy, walang maisuot ngunit hindi ninyo pinaramtan, maysakit at nabilanggo ngunit hindi ninyo dinalaw. 44 “Sila’y sasagot, Panginoon, kailan ka nagutom, nauhaw, taga-ibang bayan, walang maisuot, maysakit, o nabilanggo na hindi namin pinaglingkuran?’ 45 “Sasabihin sa kanila ng Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, anumang dapat gawin na hindi ginawa sa isa sa maliliit na ito ay sa akin ninyo hindi ginawa. 46 “Ang mga ito’y itataboy sa walang hanggang kaparusahan, ngunit ang mga matuwid ay sa walang hanggang buhay.”
Matagal at mahabang panahon na rin ang ating nagugol sa paglalakbay natin sa mundong ito. Subalit dahil lamang ba sa galit na hindi naman dapat manaig sa ating damdamin, ay hahayaan na lamang ba ninyong pinaghaharian niyan kayo. Huwag naman mahal kong kapatid. Higit na mahalaga pa rin ang ating pagka- IGLESIA NI CRISTO. Yung hinanakit, galit at poot ay hindi sa PANGINOONG DIYOS yan. Huwag nating hayaang mawala pa sa atin ang ating kahalalan. Mula ngayon alisin na ninyo ang anumang makahahadlang para magkamit tayo ng gantimpala sa ating PANGINOONG DIYOS na napagtagumpayan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Siya ang gawin nating modelo sa kagandahang loob, sa kababaang loob. Hindi naman masamang isuko na natin sa PANGINOONG DIYOS ang ating sarili at lubusan na nating ialay sa paglilingkod. Paano ba ang paghahandog na nakalulugod.
MATIYAGA NINYONG BASAHIN NA IPALAGAY NINYO SA INYONG SARILI NA IKAW MISMO ANG KAUSAP NG APOSTOL. PABLO
1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako’y nakikiusap na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buhay, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. KAYA MGA MAHAL KONG KAPATID LALO NA SA HANAY NG MGA ITINIWALAG DAHIL LAMANG SA PASYANG HINDI PINAGTITIBAY SA LANGIT DAHIL PROSESO LAMANG NG TAO ANG UMIRAL AY HUWAG KAYONG MAWALAN NG PAG-ASA. YUNG KATAMPATANG PAGSAMBA NA IALAY NINYO ANG INYONG SARILI SA PAGLILINGKOD HINDI MAN KAYO NAKAKASAMBA DAHIL IPINAGKAIT NA SA INYO. ANG LAGING PANANALANGIN NINYO DAHIL SA MASAGANANG PAGMAMAHAL NG PANGINOONG DIYOS AY PAGIGING DAPATIN KAYO DAHIL IBINIBILANG NA PAGSAMBA NIYO SA KANILA ANG PANANALANGIN. AT SA PANIG NG NAHIHIRAPAN NA MAUNAWAAN ANG ATING IPINAPAHAYAG PAKIUSAP LANG MGA MAHAL KONG KAPATID 2 Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.
3 Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa inyo. 4 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi, at magkakaiba ng gawain ang bawat isa, 5 gayundin naman, kahit na tayo’y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat ay bahagi ng isa’t isa. 6 Tumanggap tayo ng iba’t ibang kaloob ayon sa kagandahang-loob ng Diyos, kaya’t gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos, magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya. 7 Kung paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng kaloob sa pagtuturo. 8 Magpalakas ng loob ang may kaloob sa pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak.
9 Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang tunay na magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11 Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon. 12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin. 13 Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatiran at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar.
14 Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis. 16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha.
17 Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal. 18 Hangga’t maaari, makisama kayo nang mapayapa sa lahat ng tao. 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Subalit, “Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo.” 21 Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#accessthetruth #inc101 #onewithevm #1withevm #net25 #eduardomanalo #gliceriosantosjr #jojodeguzman #antoniodeguzman#antonioebangelista #radelcortez#arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #iglesianicristo #1with25 #inc100#inccentennial#centennial #inc4life #incootd#incfashion #incmedianews #inctv #incmedia #AMONEWITHEVM #PASAKOPAKOSAPAMAMAHALA
#FIGHTFORMYFAITH #SOLIDINCFOREVERNewman SanJuanEliseo Elias Maria Centenero Zosima Hernandez-OgormanZosima Hernandez-Ogorman Dawit Irko Heijboer Arleth Heijboer Arleth HeijboerJosefina Babao-PistoriusNorma F DiagAlexandra YumikoLenlen SungaBaldomero DinerosRosa RosalJoly JolyAmoro CincoDivine Kaye FerrerKirsten RabidaPsyche PsycheNestor Magno Angelica ThomasDaniela GabrielLovely SimoneRuth ReyesEve Angelynn Antonio Tesalonica TesalonicaReeko PerezLian HoJustine Cruz Cristel CruzTeTantz RanesesKirsten RabidaAmoro Cinco Yamamoto Makunachi Pielah Garcia Danielle GarciaStephen SommersSophia TaylorJomary VenturaGerlie Ewayan Salvador BandilanMariya RioBayang Hinirang
Sa mga katulad namin na inalis ng mga nag-aakalang naghahandog ng mga paglilingkod sa ating Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo, Napakasaya ko po dahil ipinasumpong pa rin ako ng pastulan para maa -akay, maalagaan at ng di mapabayaan o mapahamak….
SALAMAT NG MARAMING MARAMI KAPATID NA ELIAS ARKANGHEL SA WALANG SAWANG PAGPAPAYO, PAGPAPAALALA AT PAGBIBIGAY NG MGA BABALA PARA KAMI’Y MAINGATAN PO…
Juan 10:9 Ako ang pintuan; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya’y maliligtas, at papasok at lalabas, at makasusumpong ng pastulan.
SALAMAT SA DIYOS AT IBINUKAS IPINAUUNAWA DIN SA AMIN ANG HIWAGA AT LIHIM NA PANUKALA SA PAMAMAGITAN NINYO MAHAL NA KAPATID……. ANG LAHAT AY SA KAPURIHAN NG ATING DAKILANG PANGINOONG DIYOS AT SA ATING MAHAL NA PANGINOONG JESU-CRISTO😊❤❤❤
LikeLike
Kapatid na Ferdinand, kapatid na Gregorio at sa lahat ng mga Hinirang na mga tapat na Iglesia ni Cristo, Mga mahal kong kapatid … mahalaga kayo sa ating PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil kayo ang nagpapahalaga sa KANILANG mga utos. Kaya minarapat NILA na kayo ay ipagmalasakit, gabayan, patnubayan, pagkalooban ng mga natatanging pagpapala sa buhay upang mamalagi kayo na nasa KANILANG pag-iingat pati na ang inyong mga mahal sa buhay… (may karugtong sa mensahe ng Ka Gregorio Pilar…) …
LikeLike
Magandang Gabi po Ka. Elias Arkanghel,
Maraming SALAMAT po sa inyong WALANG sawa na PAGPATNUBAY sa amin… Sa pamamagitan po ng inyong mga PAGPAPAYO mula sa WALANG HANGGANG PAG-IBIG ng ating Dakilang DIOS at ng Panginoong Jesus ay LALO pong TUMITIBAY ang aking PAG-ASA na sana’y MAKASAMA ako sa KALIGTASANG INILAAN ng ating DIOS..
Iba’t ibang PAGSUBOK ang dumarating sa aking BUHAY na kung MANANANGAN lamang po ako sa aking SARILI ay tyak ang aking KAPAHAMAKAN…… Ngunit dahil sa HABAG at PAG-IBIG NIYA ay NAGKAROON muli ako ng PANIBAGONG PAG-ASA sa kabila ng mga MATINDING PAGSUBOK na DINARANAS ngayon ng KANYANG BAYAN na ito’y BAHAGI rin ng KANYANG PAGSUBOK upang maging SAKDAL at KANYA rin namang INAASAHAN na ito’y ating MAPAGTAGUMPAYAN… Salamat sa DIOS ng MARAMI sapagkat HINDI NIYA ako IBINILANG sa PARUSANG INILAAN.
At ang aking laging hangad para sa inyo Ka. Elias, sana’y namamalagi rin po ang inyong KALUSUGAN at manatili ang inyong KALIGTASAN ARAW-ARAW ng inyong PAMUMUHAY..!
Ang inyong Kapatid sa PANGINOON
Gregorio Pilar
LikeLike
(karugtong na bahagi sa tugon mula sa kapatid na Ferdinand Alvarado) Hinding-hindi NILA kayo pagkakaitan. Anuman ang ipaglambing ninyo sa ating DAKILANG AMANG BANAL sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo dahil sa KANILANG pagmamahal sa inyo lalo na nga namamalagi NILA kayong kinalulugdan dahil sa pagmamalasakit ninyo sa kapatiran sa tulong ng ating Blog IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG. Inilalapit ninyo sa KANILANG pangangalaga ang mga Hinirang na tapat sa KANILA … ang pananampalataya at pananalig sa KANILANG magagawa ay hindi nababago sa kabila ng napakatinding mga kaganapan sa loob ng Iglesia ni Cristo. Kaya habang ang bawat indibidwal at ang kabuuan ng Iglesia ni Cristo ay nakasalang sa pagsubok sa layuning NILANG dalisayin ang mga tunay na sumusunod sa KANILANG mga ipinag-uutos na nalalakipan ng mga batas Espiritual na nakasulat sa Banal na Kasulatan ay may sapat SILA na magiging batayan na tayo ay isama, mapabilang sa mapahihintulutang makararating sa Dakong Banal … at makapanirahan sa ipinangako NILA na BAYANG BANAL. – Elias Arkanghel
LikeLike