Mapayapa at Mapagpalang Bagong Taon sa ating lahat mga mahal kong kapatid! 2017 na! Ipinagpapasalamat natin ang lumipas na taon 2016 sa ating DAKILANG AMANG BANAL at sa ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo. Iba’t-iba man ang ating naging buhay, pamumuhay at kapalaran sa taong 2016, magkahalong tuwa, saya, lungkot at hapis man dahil ang PANGINOONG DIYOS ang nagtakda ng ating kapalaran, magaan nating tinatanggap ang lahat anuman ang ating naging kalalagayan sa buhay sa nakaraan. Ang napakahalaga naisagawa natin ang makapagpasalamat sa lahat ng KANIYANG Kabutihan na maipagmalasakit ang lahat ng tao, tayong mga Iglesia ni Cristo at ng mga hinirang NILA..
Mga mahal kong kapatid sa pananampalataya, ngayon ay sinasalubong naman natin ang 2017. Ito ay bahagi sa taon ng PANGINOON para sa pagpapanibagong yugto ng ating buhay na tayo ang muling pinapipili. Dahil ang buhay mula sa KANILA ang ating pinili, marapat lang na ilagak natin sa DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang ating kapalaran. Ipagkakatiwala muli natin sa KANILA ang ating buhay upang patuloy na mapangalagaan at maingatan ang ating kahalalan. Muli rin nating ihahabilin sa KANILA ang lahat ng ating mga sarili at mga mahal sa buhay sa gayun nagagabayan NILA at nababantayan tayo upang katiyakan naman natin, na walang anumang pinsalang darating sa atin habang nasa paglalakbay pa tayo sa taong ito, sa darating, hanggang mapahintulutan na tayo na maalagaan sa loob ng tatlong taon at kalahati sa Dakong Banal ayon sa nakasulat sa Banal na Kasulatan o BIBLIA..
Kaya naman EFESO 1 :3-14 BBMB 3 Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal at makalangit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo. 4 Bago pa likhain ang sanlibutan, pinili na niya tayo upang maging kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo, upang tayo’y maging banal at walang kapintasan sa harap niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, 5 tayo’y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. 6
Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak! 7 Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo, at sa gayon ay pinatawad na ang ating mga kasalanan. Ganoon kadakila ang kanyang kagandahang-loob 8 na ibinigay sa atin. Sa pamamagitan ng kanyang karunungan at kaalaman, 9 ipinaunawa sa atin ng Diyos ang hiwaga ng kanyang kalooban na isasakatuparan sa pamamagitan ni Cristo 10 pagdating ng takdang panahon. Layunin niyang tipunin ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa, at ipasailalim ang mga ito kay Cristo.
11 Dahil kay Cristo, tayo rin ay naging pag-aari ng Diyos na siyang nagsagawa ng lahat ng bagay ayon sa layunin ng kanyang kalooban. 12 Tayong mga unang umasa sa kanya ay pinili niya upang parangalan ang kanyang kaluwalhatian.13 Kayo man ay naging bayan ng Diyos matapos ninyong marinig ang salita ng katotohanan, ang Magandang Balita na nagdudulot ng kaligtasan. Sumampalataya kayo kay Cristo, kaya’t ipinagkaloob sa inyo ang Espiritu Santo na ipinangako ng Diyos bilang tatak ng pagkahirang sa inyo. 14 Ang Espiritu ang katibayan na makakamit natin ang mga pangako ng Diyos para sa atin, hanggang sa makamtan natin ang lubos na kaligtasan. Purihin natin ang kanyang kaluwalhatian!
Hindi ba’t napakaganda ng kapalaran ng mga Hinirang? Natamo natin ang mga pagpapalang Espirituwal sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo mula ng makipag-isa tayo sa Kanya at maging bahagi ng Banal Niyang Katawan na yan ang Kanyang Iglesia. Lahat tayo ay Kanyang inaring ganap kahit may sala man ang lahat at hindi karapat-dapat ay minarapat na lang ng PANGINOONG DIYOS alang-alang sa pagmamahal NILA sa ating lahat, at ang kamatayan ng Panginoong Jesu-Cristo ang naging kapalit para sa ating katubusan.
Kaya dahil naman diyan, napanghahawakan natin ang pangako ng Kanyang kaisa-isang sinisintang Anak ng PANGINOONG DIYOS, walang ibang dapat na ipinakikilala pa na dapat pang humigit na pagpupuring nauukol lamang sa Kanya. Tunay sa ating Panginoong Jesu-Cristo pa rin na Pinakamahalagang Tao sa daigdig sapagkat nilalang Niya ang Kanyang sarili na isang Taong bago na ang Kanyang buong pagkatao sa Espiritual ay nasa mga tao, nasa daigdig pa rin na ito at yan ang IGLESIA na Kanyang Katawan. Kaya siya pa rin ang pinakaminamahal natin sa lahat alang-alang sa paghihirap niya hanggang sa kamatayan sa krus para lamang sa ating katubusan. Siya ang ganap na nakapagbibigay lugod at luwalhati sa ating PANGINOONG DIYOS.
Dahil naka-ugnay nasa Langit man Siya bilang Pangulo at ang Kanyang Katawan ang nasa daigdig ay hindi nila mapipinsala kailanman ang Katawan o ang Banal na Iglesia. Posible at maaaring mapinsala ang indibidwal na kapatid subalit hindi ang Katawan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Batid ng may Katawan napababayaan sa ngayon ang Kanyang mga Hinirang kaya hindi Niya hahayaang ang may buktot na pananaw ang mangunguna at hindi niya rin hahayaang pangasiwaan pa ng mga walang habag, na naalis sa kanila ang katutubong pag-ibig sa mga kapatid na kanilang mga pinangangasiwaan. Kaya naman tumindig sa gitna ng kaguluhan ang Panginoong Jesu-Cristo na walang sinumang maaaring mag-angkin at magsabing sila ang makaaayos sa loob ng kaguluhan sa loob ng Iglesia. Dahil ang gumagawa at kumikilos ngayon ay ang mismong DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo para muling isaayos ang kaisipan ng Kanyang Bayan dahil dito muling isinusugo ang Banal na Espiritung mag-uudyok para maisakatuparan ang KANILANG pag-uutos na “MAGPAHAYAG KA.”
Dumaraing ang maraming mga kapatid lalo na ang mga dumaranas ng matinding pang-aapi. Naghuhumiyaw sa pagsamo ang mga kapatid sa pagdalangin sa KANILA upang maipagtanggol lamang sila sa pamiminsala sa kanilang buhay at pamumuhay ng mga pastol pa man din ng Kawan. Walang naililingid sa Kanya! Walang maitatago! Subalit likas na mapagmahal sa lahat hangad pa rin Niya na walang maiwan ni isa sa Kanyang pinuhunanan ng Kanyang buhay … lahat ay handa Niyang maipagmalasakit na maibalik sa pagkaunawa, mabigyan ng pagkakataon. Sa Langit na Kanyang tahanan nakamasid sa mga patuloy na paglalabanan at pagkakampi-kampihan. Kung kaya nagpangalat ang Kanyang mga Hinirang mula ng bulabugin ng ganid na lobo na lihim na nakapasok at nakiayon ang mga matatandang tupa na nag-anyong ganid na lobo na rin. Subalit lahat ay inaalok Niya ng pagbalikwas sapagkat lahat ay kinahahabagan din naman ng matuksong madaya ang kanilang puso at alipinin ng isip ng mapaminsala. Ito ay sa panig ng iilan sa kanila na tinatalo pa ng kanilang budhi kung kaya naririnig din ang kanilang mga pagdaing. Subalit sa mga nagpipilit pa rin dayain ang kanilang sarili at patuloy na gawan ng pinsala ang Banal na Katawan dahil sa pansariling mga interes at ang pawang mga iniisip ay makapanlamang dahil sa pakinabang, kailanman wala silang magiging tagumpay. Anumang pagtatakip ang kanilang gawin ilalantad na ng PANGINOONG DIYOS ang kanilang matinding pinsala. Ang bahagi ng katawang ito kung saan Siya inulos at sinugatan na pilit nila na muling ipinapako sa krus ang ating Panginoon? Malalantad na sa karamihan sa mata ng mga kapatid pati na sa mata ng mga kaibayo sa pananampalataya, na pilit itinago tinatakpan ng bendang puti ang sugat na nilikha nila na nagpapahabag sa ibang mga kapatid gamit ang Banal na Tribuna kung kaya nakahihingi pa ng simpatya para paniwalaan sila. Kung kaya nagagawa pa nilang gipitin ang iba palibhasa nahirati na sa pamiminsala ang iba.
Kaya nga may mga nag-akalang naitaboy na nila sa labas ang mga Hinirang ang mga tunay na Lingkod ng PANGINOONG DIYOS at ng Panginoong Jesu-Cristo. Ang mga kamaliang yan ay maipaliliwanag sa mga susunod na bahagi ng pahayag. Lilinawin kung makatwitran ba ang naging pagpapasya ng maitiwalag sila. Patutunayan na proseso ng tao lamang ang naisagawa at hindi pinagtibay sa Langit. Ano kung gayun ang buong katotohanan? Ang nagawa nila ay nailabas lamang sila sa lugar na bahaging may pinsala sa loob ng Banal na Katawan at nailugar lamang sila sa mas angkop na dapat kalagyan nila upang doon sila mapabuti at huwag mahalo sa mga may sakit na bahagi ng katawan na bahaging isinasaayos na ng PANGINOONG DIYOS. (May karugtong na bahagi … )
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#accessthetruth #inc101 #onewithevm #1withevm #net25 #eduardomanalo #gliceriosantosjr #jojodeguzman #antoniodeguzman#antonioebangelista #radelcortez#arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #iglesianicristo #1with25 #inc100#inccentennial#centennial #inc4life #incootd#incfashion #incmedianews #inctv #incmedia #AMONEWITHEVM #PASAKOPAKOSAPAMAMAHALA
#FIGHTFORMYFAITH #SOLIDINCFOREVER