Enero 2, 2017 ang araw na ito ay napakahalaga sa ating mga Iglesia ni Cristo. Ipinagpapasalamat natin sa PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo ang hayag na pagtulong sa kapatid na Erano G. Manalo. Kaya tuwing sasapit ang araw na ito ginugunita natin ang kanyang kaarawan. Hinding-hindi malilimot ng lahat ng mga kapatid ang napakaraming naiambag niya na pagtatagumpay sa Iglesia ni Cristo sa buong panahon ng kanyang pangunguna sa atin ng siya ay nabubuhay pa. Hinding-hindi rin maisasantabi sa mga kaibayo man sa pananampalataya ang pagkilala sa kanya bilang mahusay na Lider at bilang mabuting Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo. Sa buong panahon ng kanyang buhay, masinop niyang napangangasiwaan ang lahat; sa pananalapi na walang pagkakautang ni isang kusing para maisumbat sa kanyang pangunguna. Sa pangangalaga sa lahat ng kapatid at maging sa hindi kapananampalataya naipadama at naipakita ang tunay na pagpapahalaga sa damdamin ng kapwa at maipagkaloob ang tulong na pangangailangan na hindi sapilitang inaatangan pa ang iba. Sa pagpapatibay hindi siya nagkulang naipagmalasakit niya sa lahat ng mga Iglesia ni Cristo na Hinirang para sa Kapurihan at Kadakilaan ng PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Ang kapatid na Erano G. Manalo lubos na iginagalang at minahal ng mga kapatid, at hinangaan naman ng mga kaibayo sa pananampalataya sa kanyang pagiging isang totoong Lider na ang mabuting kapakanan ng lahat ang iniisip. Isang mabuting Lider na buong tapang at giting na itinutuwid ang mga kamaliang nasusumpungan sa mga Manggagawa at mga Ministro na may nagawang paglabag agad niyang nilalapatan ng disiplina upang maayos na nakapaglilingkod sa mga kapatid at gawin kung ano pinaka-mabuti nilang kaukulan sa Iglesia. Hayag at kitang-kita sa kanya ang lahat ng natutunan niya sa Sugong Lider ng Iglesia ni Cristo sa kapatid na Felix Y. Manalo. Kaya ang pananaw ng marami sa kanya tunay na pinananahanan ng Banal na Espiritu ng PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo ang kanyang mabuting pangunguna sa Iglesia ni Cristo at ang kanyang pagiging Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo na titulong para sa kanya lamang ay kanyang naingatan lubos. Kung kaya sa ating mga tunay na Iglesia ni Cristo … mga Hinirang ng ating PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo nauunawaan natin ang mga aral at katuruan lalo na kapag ginagamit ang Banal na Tribuna at mga talata ng BIBLIA pa man din ang inihahanay para ipaunawa lamang sa atin sa huling bahagi ng Pagsamba December 30, 2016 araw ng biyernes ang talata sa FILIPOS 3: 13 Mga kapatid, hindi ko ipinalalagay na natupad ko na ang mga bagay na ito. Ang ginagawa ko ngayo’y nililimot ang nakaraan at sinisikap na makamtan ang nasa hinaharap. Paulit-ulit na binibigyan diin na “dapat ng limutin ang nakaraan.” Kung kaya madarama mo ang takot nilang bumati sa paggunita sa kaarawan ng kapatid na Erano G. Manalo sa pangambang maaksyunan. Maliban na lang sa mga napahintulutan magpahayag ng pahapyaw na pagbati masabi lang na kumikilala pa rin. Mga mahal kong kapatid may pinahihintulutan na limutin ang nakaraan, ito ang dating pamumuhay at masamang pagkatao natin. Subalit hindi ang paglimot sa mabuting Lider ng Iglesia ni Cristo. Tularan natin ang kapatid na Erano G. Manalo, gawin nating halimbawa ang lahat ng mabubuting ginawa niya sa Iglesia ng siya ay nabubuhay pa. Kaya nga
FILIPOS 3 : 1 – 21 MB 1 Sa wakas, mga kapatid, magalak kayo sa Panginoon. Hindi kaabalahan sa akin na ulit-uliting isulat sa inyo ang mga bagay na ito, at ito nama’y sa ikabubuti ninyo. Kaya huwag masumpungang nanghihimagod sa pagbabasa lalo na nga ang mga naihahanay ay para sa ikatataas ng uri ng pananampalataya. 2 Mag-ingat kayo sa mga taong asal-hayop, mahihilig sa paggawa ng masama, at nagpupungos ng maselang bahagi ng katawan Pag-ingatan natin kung sino sa panahon naman natin ang pinatutungkulan 3 Alalahanin ninyong hindi sila kundi tayo ang tunay na tuli, sapagkat hindi tayo nanghahawak sa mga panlabas na tuntunin. Makikilala ang mga may masasamang ginagawa na pinatutungkulan ay dahil ang kanilang tuntunin ay gawang makasanlibutan. Ang pagsamba natin sa Diyos ay sa Espiritu at na kay Cristo Jesus ang ating kagalakan. Kaya huwag tayong tumulad sa kanila sapagkat nahahalintulad na sila sa pagsamba kay baal at hindi na sa PANGINOONG DIYOS at hindi na ang Panginoong Jesu-Cristo ang kanilang kagalakan sa halip tumulad ng nagsasapanginoon naghahangad na ng kapurihang para sa kanya at hindi na sa Panginoong Jesu-Cristo at sa PANGINOONG DIYOS naipatutungkol. 4 Kung sabagay, mayroon akong sapat na dahilan upang manghawak sa mga panlabas na tuntunin. Kung iniisip ninuman na may katwiran siyang magtiwala sa ganitong gawain, lalo na ako. 5 Tinuli ako sa ikawalong araw mula nang ako’y isilang. Ako’y katutubong Hebreo, tunay na Israelita, buhat sa angkan ni Benjamin. Kung pagsunod sa kautusan ang pag-uusapan, ako’y Pariseo. 6 At sa sigasig ng aking pagsunod, inusig ko ang iglesya. Kung sa pagiging matuwid naman ayon sa kautusan, walang maipipintas sa akin. Kaya naghanay ang Apostol Pablo patungkol sa nakaraang buhay niya ang mga pansanlibutang katauhan niya ay inilalarawan niya pa, ang dating pagkatao at ang malupit na pang-uusig sa Iglesia ng hindi pa siya tinatawag sa Banal na Gawaing ito. 7 Ngunit dahil kay Cristo, ang mga bagay na maaari kong ibilang na pakinabang ay inari kong kalugihan. Hindi na niya nililingon ang nakaraan niya ng siya ay nasa kalagayang maalwan pa gayundin naman sana tayo 8 Oo, inari kong kalugihan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan makamtan ko lamang si Cristo, ang pagpili ng Apostol Pablo sa mga bagay na nakikita na pakinabang ay mas pinili niya ang ating PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na ang kanyang pag-asa at pananampalataya ay nakatuon sa hinaharap sa mga bagay na darating bagamat hindi nakikita ay yun ang kanyang mas pinahalagahan dahil sa pag-ibig niya sa kanyang kahahlalan 9 at lubos na makiisa sa kanya. Hindi ko na hangad na maging matuwid sa pamamagitan ng kautusan kundi sa pananalig kay Cristo. Ang pagiging matuwid ko ngayon ay kaloob ng Diyos batay sa pananampalataya. Kaya kahanga-hanga Lider si Apostol Pablo tulad ng ginawa sa atin ng kapatid na Erano G. Manalo yung tunay at totoong pakikiisa nila sa Panginoong Jesu-Cristo ay hayag na hayag sa kanilang pag-iisip, sa pananalita at sa paggawa na mas pinili nila at inangkop nila ang kanilang pangunguna na ayon lamang at nakabatay sa Kalooban ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS na ang ginawang magandang halimbawa at tinularan ay ang nakita nila ang pangunguna at pagmamalasakit ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa Banal na Iglesia na Siya rin ang tinularan nila upang magawa ng kanilang mga pinangungunahan ang katampatang Pagsamba sa PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo. 10 Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang pagkabuhay na mag-uli, makihati sa kanyang mga hirap, at matulad sa kanya-pati sa kanyang kamatayan-Kaya nga dahil pinili rin natin na mag-Iglesia ni Cristo ay hindi marapat na mabigatan tayo sa pagdadala nito kung ibig nati makabahagi sa paghihirap Niya 11 sa pag-asang ako ma’y muling bubuhayin. 12 Hindi sa nakamtan ko na ang mga bagay na ito. Hindi rin sa ako’y ganap na, ngunit sinisikap kong maisakatuparan ang layunin ni Cristo Jesus nang tawagin niya ako. 13 Mga kapatid, hindi ko ipinalalagay na natupad ko na ang mga bagay na ito. Ang ginagawa ko ngayo’y nalilimot ang nakaraan at sinisikap na makamtan ang nasa hinaharap. At yan ang gusto ng Apostol Pablo na limutin na ang napatutungkol sa dating kalagayan ng buhay niya na nakapipinsala pa siya noon sa Iglesia bunga ng matinding pag-uusig niya sa mga kapatid ng hindi pa siya natatawag sa Banal na Gawaing pinangungunahan niya bilang Apostol. At ang mga nakaraang pinsala na naganap noon sa panahon ng kapatid na Erano sa kanilang klase ay yun din sana ang pinalilimot na rin niya.. na bago nga siya pinagpahinga ng PANGINOONG DIYOS ay may naging pahayag pa siya sa panahong Anibersaryo sa Iglesia na tinatawagan ang pansin ng mga Mangagawa, Ministro at mga nangangasiwa na “WALA SANANG MAGTATALUSIRA SA INYO” 14 Nagpapatuloy nga ako tungo sa hangganan upang kamtan ng gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na hahantong sa langit. Na itong pagkakatawag sa atin sa pagiging Iglesia ni Cristo dapat hangarin natin ang mapahintulutan tayong makarating sa langit. Hindi marapat na makita sa kawalan ng pag-asa habang buhay na makapagsasagawa pa ng pagpupuri, pagdakila at pagpaparangal sa ating PANGINOOG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Ikaw man ay pinagkaitan na huwag ng makaSamba sa iyong Lokal, humanap ng ibang Lokal na kung saan may kalayaan kang makaSamba. Kung makilala ka man sabihin mong nasa proseso ka na ng pagbabalik-loob o kung hindi man pansamantala ay sayong sariling tahanan na laging nananalangin para sa kaayusan ng Iglesia, sundin ang katuruan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na idalangin ang mga umuusig, nang-uupat, umaaway sayo 15 Ganyan ang dapat na maging isipan ng mga matatag na sa pananampalataya. Kung hindi ganito ang inyong paniniwala, ito’y ipauunawa sa inyo ng Diyos. Kaya nga tayo naririto ang KANILANG mga pagpapalakas at pagpapatibay ang ating hinahanay na mula din sa KANILA ang mga ipinapahayag natin sa Blog na nakaukol sa Banal na Gawain NILA. Sa gayun tumaas ang uri ng pananampalataya ng indibidwal na kapatid 16 Ang kailangan lamang ay ipagpatuloy natin ang ating mga natutuhan. 17 Mga kapatid, magkaisa kayong tumulad sa halimbawang ipinakita ko sa inyo. Kami ang gawin ninyong huwaran. Masdan ninyo ang lahat ng sumusunod sa mga halimbawang ito. 18 Tulad ng malimit kong sabihin sa inyo- at ngayo’y luhaang inuulit ko-marami ang namumuhay bilang mga kaaway ng krus ni Cristo. Kung bakit yan ang nasasabi ng Apostol Pablo noon ay hindi kataka-taka na muling nauulit ngayon sa ating panahon, ang maraming namumuhay bilang mga kaaway ng mga katuruan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Subalit ano ang pagtitiyak na kanilang kahihinatnan kung hindi babalikwas? 19 Kapahamakan ang kahihinatnan nila sapagkat ang dinidiyos nila ay ang hilig ng kanilang katawan. Ikinararangal nila ang mga bagay na dapat sana nilang ikahiya at ang pinag-uukulan lang nila ng pansin ay ang mga bagay na panlupa. 20 Sa kabilang dako, ang langit ang tunay nating bayan. Mula roo’y hinihintay nating may pananabik ang Panginoong Jesu-Cristo, ang ating Tagapagligtas. Yan ngayon ang ating pag-asa sa kabilang dako may bagong Langit … nawa mapahintulutang doon tayo makapanirahan 21 Pagdating ng araw na yaon, babaguhin niya ang ating katawang-lupa at gagawing maluwalhati, tulad ng kanyang katawan, sa pamamagitan ng kapangyarihang ginamit niya sa pagpapasuko sa lahat ng bagay. Sa araw na yun matatapos na ang lahat wala na rin ang inyong mga dala-dalang alalahanin.
Nawa ang paggunita natin sa kaarawan ng kapatid na Erano G. Manalo ay hindi pa tapos dahil hindi matatapos ang ating pasasalamat sa ating DAKILANG AMANG BANAL at sa ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo na SILA ang kumilala sa kanya bilang halal na Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo ng siya ay nabubuhay pa.
Mahal kong kapatid, dumaranas ka ba ngayon ng mga pagluha dahil sa tindi ng pagsubok na kinakaharap mo? At dahil dito nagkakagulu-gulo pati na kayo na mga mga mahal mo sa buhay, na ngayon ay apektado dahil magkakaiba-iba ang pananaw ninyo sa mga pangyayari sa loob ng Iglesia ni Cristo. Dahil ba diyan nababagabag ka baka hindi ka makatagal maging ikaw man ay bumigay at mawalan na rin ng pag-asa. Huwag magkamaling akala … ang totoo hindi nawawala hindi lumalayo ang PANGINOONG DIYOS at ang Panginoong Jesu-Cristo sa puso ng tapat na indibidwal na Iglesia ni Cristo. Yung karapatan mo bilang Hinirang gamitin mo … naghihintay lang naman SILA ng paglalambing mo. Akala mo ng mangyari ang lahat biglang gumulo ay naidamay ka na sa sumpa! Isasama ka ba NILA gayung yung katapatan mo bilang Iglesia ni Cristo ay nagpapatotoo sa buhay mo. Kapatid SILA ang nasa tabi niyo na kapag nananalangin kayo gumigitna SILA sa inyo. Nararamdaman mo ba ang pagsama at pagyakap NILA sa inyo? Yan ang lagi mong hilingin na huwag NILA kayong iiwan. Sa panahong ito sabihin mo AMANG BANAL kailangan namin ng masasandalan.. AMANG BANAL kailangan namin ng lakas … gusto naming tumibay sa pagkakilalang ibig NINYO na makita sa amin. AMA o AMANG BANAL maaari po ba .. sige na po may mahal kaming umiiba ng pananaw… humihiwalay na sa aming natutunan… paki-kabig mo po… Panginoong Jesus tulungan NIYO po kami … KAYO na po ng AMANG BANAL at kumarga sa kanila pabalik sa tabi namin …. Iluluha namin ito at ipagpapasalamat ng tuluy-tuloy huwag lang pong mawalay sa Iglesia ni Cristo ang sinuman sa mga mahal namin sa buhay. Kung maari po ..kung mapahihintulutan NIYO….. isama ng lahat ng aming mga mahal sa buhay na magtamo ng kaligtasan at makapanirahang magkakasama sa Bayan ng mga Banal. Amen – Elias Arkanghel
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#accessthetruth #inc101 #onewithevm #1withevm #net25 #eduardomanalo #gliceriosantosjr #jojodeguzman #antoniodeguzman#antonioebangelista #radelcortez#arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #iglesianicristo #1with25 #inc100#inccentennial#centennial #inc4life #incootd#incfashion #incmedianews #inctv #incmedia #AMONEWITHEVM #PASAKOPAKOSAPAMAMAHALA
#FIGHTFORMYFAITH #SOLIDINCFOREVER
Maraming salamat po kapatid na Elias Arkanghel sa mga patuloy mong paggabay sa amin. Totoong ramdam namin ang iyong pagmamalasakit at pagmamahal sa aming lahat. Patuloy po sana kaming kasama sa iyong mga panalangin. Take care po and God bless you always.
LikeLike