SINONG KATUPARAN NG PAGPAPATIGIL SA PAGHAHANDOG NA BINABANGGIT SA DANIEL 12:11 ? PAKIUNAWA KAPATID NA EDUARDO AT NG IYONG SANGGUNIAN…
Ang BIBLIA o Banal na Kasulatan ay pawang naglalaman ng mga Salita ng PANGINOONG DIYOS. Nakapaloob ang mga kamangha-manghang gawa ng MAKAPANGYARIHANG KAMAY ng DAKILANG AMANG BANAL. Inilalarawan sa Banal na Aklat ang DAKILANG PAGTULONG NIYA sa lahat ng KANIYANG mga Hinirang. Wala SIYANG naging anumang nagawang pagkukulang sa lahat ng tao na maaaring maisumbat sa KANIYA mula pa man noon at magpahanggang ngayon sa pangkasalukuyan. Inilarawan sa BIBLIA o Banal na Kasulatan ang KANIYANG mga ipinag-uutos ay pawang sa ikabubuti ng lahat ng tao lalo na sa tapat na susunod lamang sa KANIYA. Lahat ng ipinahayag ng KANIYANG mga Unang Lingkod na ipinag-uutos NIYA ay sa kanilang ikaliligtas at ikabubuti ng kapalaran. Nagpapatotoo na sa mga mga Hinirang ang KANIYANG MAKAPANGYARIHANG MAHIMALANG mga ginawa sa panahon ng mga KANIYANG mga Unang Lingkod, sa panahon ng mga Propeta hanggang sa panahon ng Panginoong Jesu-Cristo at ng mga Apostol, hanggang sa mga Huling araw o panahong ito sa panahon ng kinikilalang Sugong Lider kapatid na Felix Y. Manalo at ng Tagapamahalang Pangkalahatan kapatid na Erano G. Manalo hindi nakaiwas ang lahat na pagtawanan, dumanas ng panlalait, siniraang puri, hamakin ang pagkatao, sisihin, itakwil, pag-aalimurahin, usigin, at marami pang ibang katulad nito kung kaya namamalaging may pagkakahalintulad man sa nakaraang mga pangyayari sa unang panahon nauulit lang hanggang ngayon. Tunay at totoo na dinaranas man yan ngayon, ng KANIYANG mga Lingkod na Hinirang subalit tapat ang nangako at kailanman hinding-hindi NIYA pababayaan lalo na ang Huling Banal na Gawain sa HULING ARAW matapos ang huling bahagi ng MGA HULING ARAW. Kaya wala ng kabiguan pang darating kundi pawang pagtatagumpay dahil sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo pa rin, ang gumagawa ngayon ay ang PINAKA MAKAPANGYARIHANG PANGINOONG DIYOS na natin mismo.
Ngayon ang BIBLIA ay may pandaigdigang kopya na ang bawat bansang hindi ipinagbabawal na magkaroon nito sa kanilang bansa. Nakalimbag sa mga salitang hindi agad na mauunawaan ng sinuman lalo na nga hindi gayun kadaling maunawaan ang mga simbolikal na pinatutungkulan sa Espiritual na pagpapaliwanag. Sapagkat sadyang may mga inilihim pa na kahit pa nga mga kinikilalang historyador, dalubhasa sa BIBLIA, nakapag-aral pa sa Ministeryo ay napagkakaitan pa ng mga pagkaunawa ng PANGINOONG DIYOS sa mga misteryosong mga pahayag. Sapagkat noon pa man may mga nauna ng ipinapahayag na naisulat sa Banal na Kasulatan subalit nauukol sa ating panahon ang pinatutungkulan kaya maging sa mga pangunahing lingkod na ng PANGINOONG DIYOS ay nababalutan na sila ng mga Hiwaga. Napakarami pang nakalihim sa Hiwaga ng PANGINOONG DIYOS ang mababasa sa BIBLIA. Alin ang isa sa bahagi ng Banal na Kasulatan ang nakalihim sa hiwaga at may mababasa na pinatatakan at pinasara sa kanyang panahon ngunit tuwirang tinukoy na ang lahat ng yaon ay sa hinaharap sa huling panahon magaganap? Ang tugon ay ang aklat ng kinikilalang Sugo o Propeta tulad ni Propeta Daniel na may angking galing, husay o Kaloob sa pagpapaliwanag ng mga pangitain at panaginip sa kanyang kapanahunan subalit napagkaitan din ng ipag-utos ni Arkanghel Gabriel ang Anghel ng PANGINOON na Daniel 12 : 9-11 MBB 9 Sinabi niya sa akin, tumahimik ka na, Daniel. Ang kahulugan nito’y mananatiling lihim hanggang sa huling araw. 10 Magpapakabuti ang marami at maglilinis ng kanilang sarili. Ngunit magpapakasama pa ang masama, at isa man sa kanila’y di aabot sa pagkaunawa sa mga bagay na mauunawaan ng marurunong. 11 Pararaanin ang 1,290 araw mula sa pagpapatigil sa paghahandog araw-araw at sa paghahalili rito ng Kalapastanganang Walang Kapantay na siyang dahilan ng mga kahirapan.
SINO ANG KATUPARAN NG PAGPAPATIGIL SA PAGHAHANDOG?
Marahil maitatanong niyo rin ang makailang ulit ng itinatanong sa inyong kapatid na; Sino nga ba kapatid na Elias Arkanghel ang katuparan ng pagpapatigil sa paghahandog? Hindi mo pwedeng sabihin ang pamamahala ng Ka Eduardo at ang kanyang Sanggunian sapagkat masigasig nga sila sa walang patid na panawagan para sa paghahandugan. Nangangahulugan bang hindi sila ang katuparan ng sinasabi mo sa nakasulat sa aklat ng Daniel 12:11? Ang malinaw na sagot! Walang iba siya nga at sila ang katuparan! Narinig niyo rin marahil ang termino na “WALA MUNA TAYONG HANDUGAN SA LOKAL!” (Nangangahulugan ay pagpapatigil) GAMITIN ANG SOBRE SA LINGAP! Kaya yung pagpapatigil AY NATUPAD AT NAGANAP NA! Ginagawa nila yun para sumentro muna sa handugan sa maibigan nila na paggugugulan nila kaya tinatakdaan ang bawat Distrito at Lokal. May isa pang mahalagang katanungan. Ano kaya ang iniisip ninyo sa tuwing lilikumin ang mga abuluyan o Tanging handugan sa panahong Webex online na pinangangasiwaan ng kapatid na Eduardo na hindi nabasbasan? Yun ba ay masasabi bang nakapagbibigay lugod sa PANGINOONG DIYOS at sa Panginoong Jesu-Cristo? Gayung dama ng lahat na wala ng kaayusan ang nasabing mga Pagsamba kapag sa Webex Online nagmumula ang kabuuan ng panahon ng Pagsamba! At ang basbas na tinatanggap maging sa abuluyan at handugan ay nakaukol lamang sa Pagsambang pinagdausan. Lamang hindi dinaramay ng PANGINOONG DIYOS at ng Panginoong Jesu-Cristo ang mga may bagbag na kalooban at taimtim na nananalangin sa KANILA sa panahong isinasagawa ang Webex online. Sila ang mga higit na mapapalad ang nagkaroon ng pagkakataong paging dapatin ang iginayak nilang araw para SILA ay Sambahin. Ngunit sa panig ng Ka Eduardo kahit pa anong gawin ninyo sa aming mga kusang handog sa lahat ng yan ay sa PANGINOONG DIYOS na kayo mananagot. Hindi kami sa inyo naglilingkod. Ang taimtim naming Pagsamba at pananalangin doon kami nagtatamo ng pagkalinga ng PANGINOONG DIYOS at ng Panginoong Jesu-Cristo. Kami ang nakadarama ng pagsusugo NILA ng Banal na Espiritu. Ibig lang namin malaman ninyo na hindi namin kayo tinuruan ng pamiminsala o kaya kinukunsinti dahil habang nag-aabuloy pa kami. Ginagawa namin ang Kalooban ng PANGINOONG DIYOS at ng Panginoong Jesu-Cristo at SILA ang tuwirang binibigyan namin ng Kaluwalhatian at hindi kayo na iba ang inyong sinasabi sa mga ginagawa ninyo. Ang ibig namin ay gamitin ninyo sa mabuting kaukulan at hinihiling din namin na mamulat na kayo sa Katotohanan! Subalit sa kabila ng lahat at sa iba pa rin ninyo gagamitin ang aming mga kusang loob na handog ay kayo ang nag-isip niyan at may kagustuhan kaya kayo ang humahanap na ng inyong sariling mga kahatulan. Ang mahalaga nagawa na naming magkakapatid piling Hinirang sa Iglesia ni Cristo ang makapagbigay ayon sa pasya ng aming puso II Corinto 9 : 7 MB 7 Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa sariling pasiya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat ang ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob. Mga mahal kong kapatid, pagkatapos nating magawa ang kusang pagkakaloob ayon sa sariling pasya na masaya nating inihandog gaano man ang halaga niyan na hindi nabibigatan ang ating loob magalak ka sapagkat nagawa munang makasunod sa KANILANG Kalooban. At dahil diyan ano ang mabuting mensahe naman sa atin ng PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa katuruan ng mga Apostol na nakasulat sa Banal na Kasulatan? Ipagpatuloy lang natin ang pagbasa sa gayun ding aklat 8 Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay higit pa sa inyong pangangailangan upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa. 9 Gaya nga ng sinasabi ng Kasulatan: “Siya’y namudmod sa mga dukha; Walang hanggan ang kanyang kabutihan.” 10 Ang Diyos na nagbibigay ng binhing ihahasik at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi at magpapalago nito upang mamunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob. 11 Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay para lalo kayong makatulong sa marami. Sa gayo’y dadami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin ko sa kanila. 12 Ang pagtulong ninyong ito sa mga kapatid ay hindi lamang makatutugon sa kanilang pangangailangan kundi magiging dahilan pa ng walang hanggang pagpapasalamat mula sa Diyos. 13 Ang bukas-palad ninyong pagbibigay ay magpapatunay sa kanila na matapat ninyong tinatalima ang Mabuting Balita ni Cristo. Dahil diyan, magpupuri sila sa Diyos. 14 Kayat buong pagmamahal nila kayong idadalangin, dahil sa dakilang kaloob ng Diyos sa inyo. 15 Salamat sa Diyos dahil sa kaloob niyang walang kapantay!
Mga mahal kong kapatid, hayag ang kagandahang loob ng PANGINOONG DIYOS at ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo. Kung kaya walang dahilan para tigilan natin ang paghahandog. Gaano man ang halaga kung yan ang magaan sa kalooban ninyo ay gawin ninyo. Huwag kayong padadala sa simbuyo ng damdamin ninyo. Kung nagagalit man kayo sa mga kinikilala nating nangangasiwa at namamahala sa atin dahil sa kawalan na nila ng paggalang sa mga abuluyan at handugan natin ay huwag madamay ang PANGINOONG DIYOS at ang Panginoong Jesu-Cristo natin. Alalahanin ninyo nakamasid SILA sa atin at alam na alam NILA kung ano ang mga hinanakit natin. Ipaubaya na ninyo ang inyong mga damdamin sa ating AMANG BANAL at sa ating Panginoong Jesu-Cristo ang lahat. Mahal na mahal NILA kayo kung kaya hindi kawalan o kakulangan ang magawa ninyo ang inyong bahaging kaukulan sa mga abuluyan at handugan sa tuwing may takda tayong mga Pagsamba. Hindi ba’t ang sabi handa kayong pasaganain sa lahat ng bagay higit pa sa inyong pangangailangan. Kaya hindi sila hadlang para magtamo tayo ng mga pagpapala. Tuluy-tuloy ang pagkakaloob NILA ng mga biyaya. Ipagkatiwala natin sa KANILA ang anumang nakapagpapabigat sa inyong kalooban. Sa halip pumanatag kayo dahil hindi nagpapabaya ang PANGINOONG DIYOS at ang Panginoong Jesu-Cristo natin. Ang pinakamainam ay isama ninyo sila sa inyong mga pananalangin at hilingin din ang makapagpapanumbalik sa kanila ng Banal na takot at mapanauli ang pag-iibigan nating magkakapatid.
SINO ANG HUMALILI NA GUMAWA NG KALAPASTANGANANG WALANG KAPANTAY?
(May Karugtong na bahagi …)
One thought on “SINONG KATUPARAN NG PAGPAPATIGIL SA PAGHAHANDOG NA BINABANGGIT SA DANIEL 12:11 ? PAKIUNAWA KAPATID NA EDUARDO AT NG IYONG SANGGUNIAN.”