PANGKALAHATANG PANAWAGAN: MGA MAHAL KONG KAPATID SA IGLESIA NI CRISTO SA MGA NAPAHIHINTULUTAN PANG TUMANGGAP NG BANAL NA HAPUNAN 2017… MAGPATULOY KAYO!
PANGKALAHATANG PANAWAGAN: Sa mga napahihintulutan pang tumanggap ng Banal na Hapunan mga mahal kong kapatid. Magpatuloy kayo! Hindi marapat na madamay ito sapagkat wala namang kinalaman ito sa mga pinsalang ginagawa ng kasalukuyang mga namamahala sa Iglesia. Higit na dapat ngang mapagtuunan ng pagpapahalaga at tayong mga napahihintulutan ang dapat na kakitaan ng masidhing pananabik sa pag-alaala sa pagsasakit Niya sa kamatayan sa krus at pagsalo natin sa dulang ng Panginoong Jesu-Cristo.
Lucas 22 : 14-19 NPV 14 Nang dumating na ang oras, si Jesus at ang mga alagad niya ay humilig sa tabi ng hapag. 15 Sinabi niya, “Inaasam-asam ko ang sandaling ito na makasalo ko kayo sa Hapunang Pampaskuwa bago ako magbata ng hirap. 16 Sapagkat sinasabi ko sa inyo, hindi na ako kakain nito hanggang sa maganap ito sa kaharian ng Dios.” 17 Kinuha niya ang saro at nagpasalamat. Sinabi pagkatapos, “Kunin ninyo ito at paghati-hatian. 18 Sapagkat sinasabi ko sa inyo, hindi na ako muling iinom ng katas ng ubas hanggat hindi dumarating ang kaharian ng Dios.” 19 Dumampot siya ng tinapay at matapos magpasalamat sa Dios, ibinigay ito sa kanila, na sinasabi, “Ito ang aking katawan na ibinibigay sa inyo; gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin.”
Kaya nga kung uunawain ninyo inaasam-asam ng Panginoong Jesu-Cristo na makasalo o makasama tayo sa Banal na Hapunan. Kung gagawin natin na makapag Banal na Hapunan ay inaalaala natin ang kaniyang pagbabata ng hirap para sa ating katubusan at kaligtasan natin. Mga mahal kong kapatid buhay ang ipinuhunan ng Panginoong Jesu-Cristo, paghihirap, matinding pagsasakit, tapos damdaming tao lang ang magiging dahilan para hindi na tayo tatanggap ng Banal na Hapunan?! Huwag huwag mahal kong kapatid ko! Hindi na ang mga nakalimot ang may magagawang pagkukulang kundi ang indibidwal na kung sasadyain na natin na huwag tumanggap. Wala na silang pananagutan doon kung hindi naman nila tayo pinagbabawalan at sinabihan na huwag ng tatanggap ng Banal na Hapunan. Samakatuwid may kalayaan pang tumanggap! Kaya nagpapaalaala lang ako mga mahal kong kapatid kung hindi kayo tatanggap … ang sinunod niyo ay ang damdaming tao. Subalit kung tatanggap kayo, nagawa ninyong sundin ang pinaka-huling bilin ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo “Ito ang aking katawan na ibinibigay sa inyo; gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin.”
Mga mahal kong kapatid kung dahil sa panggigipit ang iba ay inalisan nila ng karapatan … sila ay walang magagawang anumang pagkukulang sapagkat inalis lamang sa kanila ang karapatang tumanggap ng Banal na Hapunan mula ng itiwalag sila ng wala sa Banal na Katwiran. Subalit sa atin na napahihintulutan … kung idaramay ninyo ang pagtanggap ng Banal na Hapunan dahil sa nananaig ang damdaming tao at hindi damdaming Espiritual.. Mahahapis .. iiyak ang Panginoong Jesu-Cristo… Hindi makabubuti sa inyo. Kaya ako na inyong kapatid sa Iglesia ni Cristo nananawagang huwag ninyong idaramay ang mga Banal nating pagtitipun-tipon at mga Banal na Kaukulan na ipinatutungkol natin sa Kapurihan, Kadakilaan at Kaluwalhatian ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng ating mahal na Panginooon Jesu-Cristo. Sapagkat sa KANILA natin ipinatutungkol at hindi sa tao na nakalimot lamang. Huwag kayong maghihimagsik ipaubaya ninyo sa PANGINOONG DIYOS ang lahat.
Kaya nga isang napakagandang pagkakataon ang Banal na Hapunan. Sapagkat dumarating din sa mga nakapinsala ang pagsisising lubos.. lumuluha din sila, iniiyak din naman nila ang mga kaguluhang pangyayari. Alam din naman talaga nila ang kanilang mga nagagawang mga pinsala. Kaya nga samantalahin ninyo habang nagsisisi rin sila… ay hilingin din ninyo sa inyong mga panalangin na lubusan na silang mangagbagong-buhay at manumbalik sa dati nilang pagkatao na puspos ng Banal na takot at panaulian ng pagpapahalaga sa mga Hinirang ng PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo. – Elias Arkanghel
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#accessthetruth #inc101 #onewithevm #1withevm #net25 #eduardomanalo #gliceriosantosjr #jojodeguzman #antoniodeguzman#antonioebangelista #radelcortez#arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #iglesianicristo #1with25 #inc100#inccentennial#centennial #inc4life #incootd#incfashion #incmedianews #inctv #incmedia #AMONEWITHEVM #PASAKOPAKOSAPAMAMAHALA
#FIGHTFORMYFAITH #SOLIDINCFOREVER