UPDATED 03162017: KAPATID NA EDUARDO V. MANALO SA BANAL NA KASULATAN MAY PAUNANG PAHAYAG SAYO NA MADARAKIP KA SA IBANG BANSA. MAHALAGANG BILIN NG PANGINOONG DIYOS”…IPAMUKHA MO SA KANILA ANG KASUKLAM-SUKLAM NILANG MGA MASAMA NILANG GAWAIN.” KAYA MALAPIT NA KAYONG MAGKAWATAK-WATAK NG MGA PINATUTUNGKULAN. BAGO MAGING HULI ANG LAHAT. MAGBAGONG ISIP AT MAKIPAGKASUNDO NA SA PANGINOONG DIYOS … MANGYAYARI NA ANG AYON SA KANIYANG KALOOBAN! – Elias Arkanghel

5 thoughts on “UPDATED 03162017: KAPATID NA EDUARDO V. MANALO SA BANAL NA KASULATAN MAY PAUNANG PAHAYAG SAYO NA MADARAKIP KA SA IBANG BANSA. MAHALAGANG BILIN NG PANGINOONG DIYOS”…IPAMUKHA MO SA KANILA ANG KASUKLAM-SUKLAM NILANG MGA MASAMA NILANG GAWAIN.” KAYA MALAPIT NA KAYONG MAGKAWATAK-WATAK NG MGA PINATUTUNGKULAN. BAGO MAGING HULI ANG LAHAT. MAGBAGONG ISIP AT MAKIPAGKASUNDO NA SA PANGINOONG DIYOS … MANGYAYARI NA ANG AYON SA KANIYANG KALOOBAN! – Elias Arkanghel”

  1. Maraming salamat sa PANGINOONG DIYOS at sa Panginoong Jesu-Cristo. Kapwa NILA kayo inilapit mga mahal kong kapatid na Ferdinand, Kapatid na Greg at kapatid na Hope sa Banal NILA na Gawaing ito. Ang Paghahayag nating ito ay pagsunod sa Dakilang Kalooban ng ating PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo upang ang lahat ng mga pinatutungkulan ay malikhaan ng Banal na takot. Sa gayun sa halip na ikapahamak nila ay maipagmalasakit silang makaunawa at makaiwas sa tiyak na parusa ng AMANG BANAL sa anumang ipahahayag ng abang lingkod lamang ng PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo na napahintulutang maganapat mpangyari sa kanila bago NILA pagtibayin sa Langit. – Elias Arkanghel

    Like

  2. Kapatid na Elias, marami akong nababasa sa ibang mga blogs ng mga parunggit at pag-alipusta sa iyong pagkatao. Isa ito sa hindi ko maunawaan kung bakit may mga taong napakakitid ang pag-iisip. Sa halip na talakayin nila ang mensaheng ipinaaabot mo, ang iyong pagkatao ang kanilang sinisiraan. Ang sabi nga sa Ingles, “another instance of shooting the messenger”. Sa ganang akin, I try to keep an open mind lalu pa’t ang layunin ko ay maingatan ang dakilang kahalalang bigay ng Diyos na maging tagapaglingkod Niya. Maraming salamat sa mga inihanay mong mga talata mula sa Banal na Kasulatan na nagbibigay liwanag sa akin sa mga nagaganap sa Iglesia. Ito naman ang laging itinuturo ng Sugo at ng Ka Erdy na laging manghawak, hindi sa sariling kaalaman, kungdi sa mga Salita ng Diyos na nasa Bibliya at sa mga doktrinang naunang naituro sa atin. Sana ay patuloy kang kasangkapanin ng Ama hanggang sa tuluyang maisaayos ang Iglesia at makapanumbalik sa wasto, payapa at makabuluhang paglilingkod sa Ama at Panginoong HesuKristo.

    Like

  3. Mahal na kapatid sa Panginoon,
    Mahal na Kapatid,
    ELias Arkanghel,

    Salamat po ng marami una sa ating Dakilang Panginoong DIOS at sa ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo!
    Salamat din po sa inyo sa walang sawang pagpapayo sa amin lalo na sa mga kapatid na batbat ng kalungkutan at kapighatian na dulot ng masamang kaganapan sa ilalim ng mga masasamang pinuno na hinulaang nauupo sa Templo ng Panginoong DIOS sa loob ng mahal nating Bayan na ito ang Iglesia Ni Cristo sa huling panahon na ating kinabibilangan. Gayunpaman ay kanyang ipinaunawa sa pamamagitan ng kanyang pinagkaloobang magpahayag ng kanyang mga lihim na panukala na mangyayari sa yugto ng panahon natin ngayon na walang iba kundi kaw po (Ka. Elias Arkanghel), ikaw na itinakda sa gawaing ito ng Panginoong DIOS “bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon” ay upang “papagbabaliking-loob ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang;”. Sa pamamagitan nito ay muling sumibol ang panibagong pag-asa at liwanag sa mga kapatid na nagdadalamhati, mga may kalungkutan at kapighatian sa mga piniling hinirang na pinagkaloobang makaunawa sa mga kaganapang itinakda sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita na ipinauunawa, upang lalong tumibay at manghawak sa kaligtasang kanyang inilalaan san lahat ng makapagtitiis at makapanghawak ng kanyang mga kalooban.

    Muli, salamat po ng marami sa iyo mahal naming kapatid sa Panginoon ka. Elias Arkanghel.
    Ang kapurihan po ay namamalaging sa ating mahal na Panginoong DIOS na lumalang ng lahat ng bagay, at purihin din natin ang ating Panginoong Jesu-Cristo na ayon din sa kalooban ng ating Dakilang Panginoong DIOS.

    Mahal naming kapatid, nawa’y mamalagi po sa inyo ang kalusugan ng katawang laman at malayo sa anumang kapinsalaan at higit sa lahat po ay mamalagi ang pag-iingat sa inyo ng ating mahal na Panginoon DIOS.

    Ang inyong kapatid sa Panginoon,
    Gregorio Pilar

    Like

  4. Maraming maraming salamat po mahal naming kapatid na Elias Arkanghel…sa mga pahayag mong ito sa BAYAN totoong kailangan namin ang mga patotoo mong ito mula sa Banal na Aklat o Kasulatan patungkol sa mga pinuno ng bayan na sumalaula sa kautusan ng Panginoong Diyos at pagsira nila sa BAYAN o katawan ng Panginoong Jesu-Cristo. Marami na po ang lubos na nalilito kung ano ba talaga ang totoo sa mga balita kasi di nila malaman kung ano ang paniniwalaan dahil nga sa pagtatakip ng pamamahala sa mga kaganapan. Ngayon ewan po namin kung ano na namang kasinungalingan ang isasagot nila sa mga pahayag mong ito po mahal naming kapatid. Ano na naman kaya ang ipagsisinungaling nilang gagawin sa mga talata na salita na mismo ng Panginoong Diyos natin? Sana nga po mula sa patay na pananampalataya ng marami kakapatid ngayon ay mabuhay na sila sa mga katotohanan na inihayag po ninyo ngayon, na tunay na hayag na hayag ang mga ginawa ng pamamahala at mga pumanig po sa kanya. Sana nga po bumalikwas na sila….. MARSO na 2017….. NAG-UUMPISA NA NGA ANG PANGINOONG DIYOS SA PAGPAPARUSA SA MGA GUMAWA NG WALANG KAPANTAY NA KATAMPALASANAN SA BAYAN ……. Maraming maraming salamat po mahal naming ka Elias sa lahat ng iyong mga pahayag mula pa noong una tupad na tupad po ang mga ito…….. Naganap… Nagaganap.. At magaganap pa.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s