TAGAPAGTANGGOL NG KA EDUARDO V. MANALO MAY MAHALAGANG MENSAHE NA TINANGGAP MULA SA PANGINOONG DIYOS HUMINGI NG PALIWANAG …
Mga mahal kong kapatid napakabait ng PANGINOONG DIYOS … maging ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kung sino pa ang inaakala ng iba na maituturing ng matinding umuusig sa Banal na Gawain ay siya pang pinahintulutan ng PANGINOONG DIYOS para magpatotoo at tumanggap ng KANIYANG Mensahe na nais ipagpauna na may patotoo sa Banal na Kasulatan.
Magandang umaga po ka Elias Arkanghel.
Nais pong ihingi ng paliwanag ang IBINIGAY NA PANAGINIP ni kapatid na Jon ngayon lang nya po na ipm.. Narito po ang kanyang panaginip.
mayron po akong ibig itanung kay elias tungkol po sa aking panaginip
dito po sa pangyayaring ito ay medyu naging mahaba po ang tulog ko at sa tingin ko malapit na akong magising sapagkat sa tagpo pong ito ay ramdam ko na po yung mga nangyayari sa realidad gayunpaman ay isang panaginip pa rin ang pumasok nung halos nag-aagaw na sa akin yung kamalayan habang nananaginip…
ayon po sa panaginip ko, ay napadaan po ako sa isang tambakan ng basura sa smokey mountain kung saan ay maraming tao po dun ang nag-uumpukan at meron po silang tinitingnan sa basurahan na medyu kakaiba ang kanilang sinasabi…
at dahil sa kakaiba nilang sinasabi ay naagaw po nila ang atensyon ko, kaya sinubukan kong dumaan kung saan ay makakalapit ako sa kanila at the same time ay maintindihan kong mabuti kung anu po ang kanilang pinag-uusapan
at nung maliwanag ko na pong napapakinggan ang sinasabi nila ay ganito po ang mga narinig ko….
may patay na nabuhay halos pasigaw na sabi nung isa sa mga nag-uusyuso doon…
at dahil totoong kakaiba nga yung sinasabi nila at dahil sa paglapit ko ay naiintindihan ko na kaya lumapit pa po ako at dumukwang para makita ko yung sinasabi nilang Patay na Nabuhay anila
at dahil nag-aagaw na rin po sa akin yung kamalayan kaya halos parang alam ko na rin na nananaginip lang ako nung time na yun gayunpaman tiningnan ko pa rin yung sinasabi po nilang patay na Nabuhay at pagkakita ko dun sa Nabuhay na patay na sinasabi nila ay walang iba kungdi yung kuya ko na panganay sa amin, pagkatapos ay nagising na po ako
parang inantay lang na mabuo ko yung panaginip na yun bago ako magising at maiwan sa aking isipan kung bakit o anu kaya ang ibig sabihin ng panaginip kong iyon…
anu po kaya ang masasabi ng Propetang si Elias sa panaginip ko pong iyon?
– Ka Jon
————————————————————————
Mahal kong kapatid na Jon mahal ka ng PANGINOONG DIYOS dahil sa may malaki kang kaukulan sa tunay na paglilingkod kaya’t sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay napahintulutan ka NIYA na tawiran ng Mensaheng hindi agad mapag-uunawa kung hindi maisasangguni sa napahihintulutan na makapagbigay paliwanag sa bawat panaginip o pangitain. JOB 33: 14-18 NPV 14 Pagkat ang Dios ay nagsasalita – ngayon ay sa ganitong paraan, mamaya ay sa iba naman – bagaman maaaring hindi iyon naunawaan ng tao. 15 Sa isang panaginip, sa isang pangitain sa gabi, kapag ang mga tao ay nahihimbing sa pagtulog samantalang nagpapahingalay sa kanilang higaan, 16 maaari siyang mangusap sa kanilang mga tainga at takutin sila ng mga babala, 17 upang manumbalik sila mula sa paggawa ng masama at ilayo siya sa pagpapalalo, 18 upang iligtas ang kanyang kaluluwa mula sa hukay, ang kanyang buhay mula sa pagkitil ng tabak.
KAYA kapatid na Jon bawat panaginip ng mga kapatid nating Iglesia ni Cristo ay mula sa ating PANGINOONG DIYOS laging may kaugnayan sa mga pangyayari at kaganapan sa loob Iglesia ni Cristo. Bagama’t ikaw ang naroroon sayong panaginip subalit mayroon kang kinakatawan. Umpisahan muna natin sa Mountain…. yan ang CENTRAL … ” Kung Saan May Usok, (smokey) May Apoy” May mga nagaganap na kapinsalaan na lingid sa kaalaman ng maraming mga kapatid sa loob ng Iglesia… Subalit sa PANGINOONG DIYOS ito ang KANIYANG ipinag-utos sa kanilang abang lingkod na ipamukha sa kanila ang masasama nilang gawain na ito ay nakapaloob sa pinakatampok na naipahayag sa Blog ng IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG. Bagama’t pangunahing pinatutungkulan ang kapatid na Eduardo V. Manalo sa pinupuna at inihahayag hindi nangangahulugang hindi na siya mahal ng PANGINOONG DIYOS kaya nga sinasaway nagbababala at nagpapaalaala. Kailangan kasing gawin itong mga pagpapahayag at ang mga nakahanay pa patungkol sa kanya para magamot ang pinsalang naidulot sa loob ng Iglesia. Yun ang Dakilang Pag-ibig, pagmamahal at pagmamalasakit ng PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo para siya ay mabuhay. May kabagsikan man, may kabigatan man ang pahayag lalo na sa mga susunod na nakahanay subalit kung yun ang sasapat para magising siya o mabuhay yan ang hinihingi natin ang pang-unawa ng lahat hindi sa kalooban ng tao ang ating mga ipinapahayag sapagkat wala akong sariling anumang kaisipan ni humahanap ng sariling kapurihan. Sapagkat ang Diwa ng Panginoong Jesu-Cristo ang nagdidikta ng mga aking ipinapahayag na mula sa mga Salita ng PANGINOONG DIYOS. Sapagkat tulad ng lagi kunang ipinauunawa. Wala akong sariling galing, husay sa pagsasalita o pakikipag-debate man lang dahil ang totoo pangkaraniwang kapatid lamang ako at kinikilala kong napahihintulutan lamang ako. Bagaman hindi ako ministro o naging guro sa PNK para makaunawa sa paghahanay sa Banal na Kasulatan ay napahihintulutan lamang NILA. Kaya ginagawa ko ito hindi para sa kapurihan ng sarili ko o maging ng sinuman. Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa Kapurihan, Kaluwalhatian at Kadakilaan ng PANGINOONG DIYOS at ng Panginoong Jesu-Cristo. Kaya mahal kong kapatid mangyari ang ayon sa Kalooban ng PANGINOONG DIYOS at ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo. Sayong panaginip ang kapatid na Eduardo V. Manalo ang pinatutungkulang Kuya mo na nabuhay. At ikaw naman ay kumakatawan isa sa mga kumikilala sa kanya at tumatawag na Kuya. Paanong pagkabuhay? Sugatan siya sa dami rin ng mga tinamong hasiwas ng Tabak ng PANGINOON o Salita ng PANGINOONG DIYOS na kaniyang ikinamatay July 27, 2015 pinasyahan siyang itiwalag sa udyok ng Banal na Espiritu. Kaya ang Tabak na ginamit natin ay ang mga Salita ng PANGINOONG DIYOS ito ang patuloy kong ipinaglilingkod sa mga pahayag na nakasulat sa Blog ng IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG. Tulad ng inyong mababasa sa:
PAHAYAG 13 : 11 BMBB 11 At nakita ko ang isa pang halimaw na lumitaw sa lupa. May dalawang sungay ito na tulad ng mga sungay ng isang batang tupa, ngunit ang kanyang tinig ay parang tinig ng dragon. IPINAUNAWA NA NATIN SA NAKARAAN SA BLOG PATUNGKOL SA DALAWANG SUNGAY O KAPANGYARIHAN NA KAY KA EDUARDO NGAYON. ANG KARAPATAN NG KAPATID NA FELIX Y. MANALO, SUGONG LIDER NG PANGINOONG DIYOS SA MGA HULING ARAW. AT ANG KARAPATAN NG KAPATID NA ERANO G. MANALO, TAGAPAMAHALANG PANGKAHALATAN NG IGLESIA NI CRISTO NG SILA AY PAWANG MGA NABUBUHAY PA. KUNG BAKIT GAYUN NA LAMANG INILALARAWAN ANG KANIYANG TINIG AY PARANG SA TINIG NG DRAGON AY SAPAGKAT NAPAKAMAKAPANGYARIHAN. 12 Ginamit niya ang lahat ng kapangyarihan ng unang halimaw upang ipatupad ang kagustuhan nito. Ang lahat ng tao sa lupa ay pinilit niyang sumamba sa unang halimaw na nasugatan nang malubha ngunit gumaling na. ANG PAGGALING AY KATUMBAS NG KANIYANG PAGKABUHAY.
13 Kahanga-hanga ang mga kababalaghang ginawa ng pangalawang halimaw, nagpaulan siya ng apoy mula sa langit, at ito’y nasaksihan ng mga tao. NAGANAP ITO SA PHILIPPINE ARENA NG ITALAGA ITO MARAMING NAPAILANLANG SA KALANGITAN NG MGA URI NG KWITIS O PAPUTOK KATUMBAS NG NAGPAULAN NG APOY 14 Nalinlang niya ang lahat ng tao sa lupa sa pamamagitan ng mga kababalaghang kanyang ginawa sa harapan ng unang halimaw. Nahikayat niya ang mga taong gumawa ng isang larawan ng unang halimaw na nasugatan ng tabak ngunit muling gumaling. DAHIL SA KANILANG SABWATAN NI KAPATID NA GLICERIO B. SANTOS, JR. ANG MAY KONTROL SA LAHAT NG PANANALAPI NG IGLESIA UPANG MAKONTROL ANG KAISIPAN NG STF NA GAWING BATA ANG LAHAT NG MGA MINISTRO NA PINANGUNGUNAHAN NG KA EDUARDO AT SILANG MGA MATATANDA NA NASA SANGGUNIAN AY MAWALA KUNG KAYA PILIT NILANG HINANAP ANG PUMIPINSALA SA KANILA NA TUMATANGGAP NG MGA MASESELANG DOKUMENTO NG STF NG KANIYANG KABABATANG SI KAPATID NA JOJO DE GUZMAN NA PINABAYAAN NA RIN NG STF LUMAYO PARA MABALIWALA ANG KASONG ISINAMPA SA KA EDUARDO AT LUMABAS NA NOT GUILTY 15 Ipinahintulot din sa kanya na bigyan niya ng buhay ang larawan ng unang halimaw. ITO ANG HALOS BINABANDILA IPINAMUDMOD SA MGA LOKAL NA LARAWAN NG KA EDUARDO V. MANALO Kaya’t nakapagsalita ang larawan at ipinapatay nito ang lahat ng ayaw sumamba sa kanya. YUNG HINDI MGA KUMILALA SA KANYA AY PINAGPAPATAY SA KARAPATAN O IPINATIWALAG 16 Sapilitang pinatatakan ng ikalawang halimaw ang lahat ng tao sa kanilang kanang kamay o sa noo, YAN ANG SIMBULO NG THUMBMARK NA IPINAGAWA. PILIT NA PINASADIWA O ITINATAK SA NOO NG MGA INDIBIDWAL NA KAANIB NA KILALANIN YUN AT BUMILI ILAGAY SA BAWAT UNIPORME NG MGA MAYTUNGKULIN maging sila’y dakila o hamak, mayaman o mahirap, alipin o malaya. WALANG NAKA-IWAS MAYAYAMAN MAN O MAHIHIRAP 17 At walang maaaring magtinda o bumili malibang sila’y may tatak ng pangalan ng halimaw o ng bilang na katumbas niyon. KAYA KUNG IKAW AY HINDI KABILANG SA UNLAD O KUMIKILALA SA KANILA AY HINDI KA NILA PAGBIBILIHAN 18 Kailangan dito ang karunungan: maaaring malaman ng sinumang matalino ang kahulugan ng bilang ng halimaw, sapagkat ito’y bilang ng isang tao. Ang bilang ay 666.
ISAIAS 61: 1-3 BMBB 1 Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin sapagkat ako’y kanyang hinirang; sinugo niya ako upang dalhin ang Magandang Balita sa mga inaapi, upang pagalingin ang mga sugatang-puso, upang ipahayag sa mga bihag at sa mga bilanggo na sila’y lalaya. 2 Sinugo niya ako upang ipahayag na darating na ang panahon ng pagliligtas ni Yahweh; at ang paghihiganti ng Diyos laban sa kanyang mga kaaway; sinugo niya ako upang aliwin ang mga nagluluksa; 3 upang pasayahin ang mga tumatangis sa Zion, kaligayahan sa halip na bigyan ng kapighatian, awit ng kagalakan sa halip na kalungkutan; matutulad sila sa mga punong itinanim ni Yahweh,na ginagawa kung ano ang makatuwiran, at maluluwalhati ang Diyos dahil sa kanilang ginawa..
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#accessthetruth #inc101 #onewithevm #1withevm #net25 #eduardomanalo #gliceriosantosjr #jojodeguzman #antoniodeguzman#antonioebangelista #radelcortez#arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #iglesianicristo #1with25 #inc100#inccentennial#centennial #inc4life #incootd#incfashion #incmedianews #inctv #incmedia #AMONEWITHEVM #PASAKOPAKOSAPAMAMAHALA
#FIGHTFORMYFAITH #SOLIDINCFOREVER
One thought on “TAGAPAGTANGGOL NG PAMAMAHALA MAY MAHALAGANG MENSAHE NA TINANGGAP MULA SA PANGINOONG DIYOS HUMINGI NG PALIWANAG … MAHALAGANG MALAMAN NG LAHAT! – Elias Arkanghel”