KA JON JIMENEZ HINDI NAGING TAPAT NAGAWANG MANUBOK PA. SUBALIT HINAYAG NG SARILING BIBIG NAUWI SA MALAKING KAHIHIYAN …
Mga mahal kong kapatid, bilang mamamayan ay may mahalagang kaukulan tayo sa ating kapwa kababayan. At sa larangan ng pakikitungo sa kapwa tao saan mang tayo naroroon kasama ng ibang lahi, anumang nasyon sila nabibilang ay may mga obligasyon pa rin tayo na dapat na maipakita sa isa’t-isa na ibig ng PANGINOONG DIYOS na naipaglilingkod natin ng walang halong anumang pagkukunwari upang tayo ay kanilang kagiliwan. E ‘di lalo na nga sa mga kapatid pa natin sa laman at sa kakapatid natin sa IGLESIA NI CRISTO hindi ba dapat higit na lalong napakahalaga ang kakitaan tayo ng pagiging tapat na pakikitungo natin sa kanilang lahat. Kung bakit? Deuteronomio 25:16 NPV 16 Sapagkat nasusuklam ang PANGINOON ninyong Dios sa mga taong gumagawa ng ganito, sa sinumang hindi tapat makitungo sa kapwa. Kaya kung hindi natin pipiliin ang maging tapat sa kapwa, sa lihim man at sa hayag ay pinipili o ibinibilang na ang sinumang gumagawa nito sa mga kinasusuklaman na ng PANGINOONG DIYOS. At kapag nasuklam ang PANGINOONG DIYOS natin, tinitiyak sa Banal na Kasulatan na Kawikaan 12:19 MB 19 Ang tapat na labi ay mananatili kailanman, Ngunit ang dilang sinungaling ay hindi magtatagal. Kaya mahirap ang mahirati sa pagsisinungaling. Subalit Awit 125:4 MB 4 Ang mga mabait na tapat sumunod sa ‘yong kautusan, Sana’y pagpalain Mo sila, O Yahweh, sa kanilang buhay. Napakapalad ng mga tapat na sumusunod pagpapala sa buhay ang aanihin. Kaya piliin natin ang maging mabuti kapag mayroon tayong gustong gawin. Upang makatiyak nga tayong pagpapalain ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS natin sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na naghahangad na makita tayo sa matapat na layunin sa ating kapwa.
Kapatid na Jon Jimenez ngayon ay malinaw na sayo kung ibig mong makapanatili tulad ng binabanggit sa Banal na Kasulatan huwag ng nagsisinungaling sa halip maging tapat ka sa iyong pagsasaysay sa kapwa. Hindi dahil sa kagustuhan mo lang na sukatin ang kakayahan ng iyong kakapatid ay buong kaamuan kang maghahanay at kunwang kikilalanin ang isang ito hihingiin mo ang maitutulong sayo. Subalit kapag napakain ka na ng Mabuting Balita, ay saka mo iluluwa at isusuka para itapal o ipanlait sayong kapwa.
Dumating na Ka Jon Jimenez ang takdang panahon na malantad ka bunga ng iyong mapaminsalang nagawa sa sarili mong kapatid pa man din sa laman. Nasilo ka at nahayag naman dahil sa ginawa mo sa akin sa kabila ng mga mabubuting paghahanay ko sayo. Hindi ka naging tapat kapatid, dahil hindi naging mabuti ang iyong layunin. Tulad ng ipinauunawa Kawikaan 10:9 BMBB 9 Ang namumuhay nang tapat ay pinaghaharian ng kapayapaan, ngunit ang may likong landas ay malalantad balang araw. Binabagabag ka kapatid ko ng iyong sariling konsensiya, pinaghaharian ka nito kaya walang kapayapaang nakikita sayo pati na sa paraan ng paghahanay mo. Pagkatapos ay ipakikilala mo ang iyong sarili na may mabuti at may maganda kang hangarin sa lahat at yayain mo at hihikayatin na ikaw na ang paniwalaan at kilalanin. Subalit nahayag ka nagmula mismo sa sariling bibig mo nang inamin mo ang pinsalang ginawa mo na nalihim na sa matagal na panahon pero ikaw pa rin ang nagbukas sa madla. Ito na nga kapatid na Jon Jimenez ang ipinauunawa ng PANGINOONG DIYOS na malalantad ka balang araw. Na ano? Na ikaw ay may pagkakahalintulad kay Cain. Handa kang pumatay ng kapatid mo dahil maaga mo syang hinatulan na walang pagkakaiba sa ginagawa mo ngayon sa amin. At ibig mo pang pangunahan ang PANGINOONG DIYOS para kunin ang buhay ng kapatid mo dahil lamang sa simbuyo ng iyong damdamin. Subalit hindi na pumayag ang PANGINOONG DIYOS na may isa pang Abel na kakilakilabot na mapapatay ng isa pang Cain sa katauhan mo. Dahil sa hayag na hayag na pagmamahal ng PANGINOONG DIYOS sa kapatid mo hindi NIYA pinahintulutang mamatay sa halip nagpatotoo lang ang PANGINOONG DIYOS sayo na ang hindi mo ukol ay huwag mong pangangahasan sapagkat bibiguin ka NIYA. Kaya mali ang interpretasyon mo na ginabayan ng PANGINOONG DIYOS ang bala mo. Malaking pagkakamali dahil hindi ka aayunan ng PANGINOONG DIYOS sa kinatha ng isip mo na pumatay! Hindi mo ba alam na nakakahiyang isipin na isangkot mo ang PANGINOONG DIYOS sa pangyayaring yun! Para ano kamo? “Para matupad ang pangyayaring iyon na iniuugnay mo sa panaginip mo!” Hindi ba’t isang malaking katampalasanan dahil sa kagustuhan mo lang na tama ka sa pagkaunawa mo sa pagpapakahulugan sa ipinapanaginip sayo gusto mo pang isangkot ang PANGINOONG DIYOS na ginabayan NIYA ang bala mo para pumatay ng tao. Tama ba ako Ka Jon Jimenez na yan ang sinabi mo? Letra por letra yan din ang nababasa ng maraming mga bumabasa sa Blog na ito. Hindi ko kagustuhan na hiyain ka! Subalit nasasaklawan ka na rin ng bilin ng PANGINOONG DIYOS sa mga nabibilang na dapat mailantad ang mga kasuklam-suklam na gawain.
Ang totoo kahit alam kong iba ang itinatakbo ng isip mo pinili kong gawan ka ng mabuti. Nagpahayag ako ng mabuting pagkakilala sayo sa hangarin kong mabigyan daan na mapabuti ka. Subalit sa kabila ng lahat para mong binalikan ang sarili mong suka at muling kainin ang mga maling pagkaunawa mo para ipukol at ibato sa amin ang higit na nakararaming malalansa, maanghang na pahayag na umaalingasaw na kahihiyan ang ibinubunga nito sayo. Ibig ko lang ipaunawa sayo kapatid na Jon Jimenez walang mali sa ibinigay ng PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo sa udyok ng Banal NILANG Espiritu na paliwanag at pakahulugan sa naging panaginip mo. Kung kailan napahintulot na maitawid ito, ay yaon ang tamang panahong kaukulan ng bawat ipinapanaginip ng PANGINOONG DIYOS sa inyo. Napapanahon kaya hindi na ito kauri ng matalinhagang salita na mahirap unawain ng napahintulutang maipaliwanag ang Espiritual na kahulugan nito. Nawa sa halip na galit ang ibunga nito sayo ay hangad ko pa rin ang pagbabago mo.
MATAPAT KUNG PAGSUNOD SA BANAL NA ESPIRITUNG NAG-UUDYOK SA AKIN MAGPAHAYAG NG MGA DAPAT KONG GAWIN AT ANG MGA SALITANG ITO NG DAKILANG PANGINOONG DIYOS NATIN ANG IPINAG-UUTOS NA IPAHAYAG KO.
Ezekiel 3:17-27 NPV 17 “Tao, ginawa kitang bantay sa sambahayan ng Israel; kaya makinig ka sa sasabihin ko at ipaabot mo sa kanila ang babala buhat sa akin. 18 Kapag sinabi ko sa masamang tao, ‘Tiyak na mamamatay ka,’ at hindi mo siya binabalaan o hindi ka magsalita para sawayin siya sa masama niyang gawain upang mailigtas ang kanyang buhay, mamamatay ang taong iyon dahil sa kanyang kasalanan, ngunit pananagutin kita sa kanyang dugo. 19 Kapag binabalaan mo ang masamang tao at hindi niya tinalikdan ang kanyang kasamaan o ang masasama niyang gawain, mamamatay siya sa kanyang kasalanan; ngunit iniligtas mo ang iyong sarili. 20 “Muli, kapag tinalikdan ng isang taong matuwid ang kanyang katuwiran at gumawa ng kasamaan, at nilagyan ko siya ng katitisuran sa harapan niya, mamamatay siya sapagkat hindi mo siya binabalaan, mamamatay siya sa kanyang kasalanan. Malilimutan na ang mabubuting ginawa niya, at pananagutin kita sa kanyang dugo. 21 Ngunit kapag binabalaan mo ang taong matuwid upang hindi magkasala at di nga nagkasala, tiyak siyang mabubuhay, sapagkat tumanggap siya ng babala, at nailigtas mo ang iyong sarili.” 22 Ang kamay ng PANGINOON ay sumasakin doon, at sinabi niya sa akin, “Tumindig ka at magpunta sa kapatagan, at doon ako magsasalita sa iyo.” 23 Kaya tumayo ako at nagpunta sa kapatagan. Ang kaluwalhatian ng PANGINOON ay nakatayo roon, tulad ng kaluwalhatiang nakita ko sa tabi ng Ilog Kebar. At nagpatirapa ako. 24 Nang magkagayon, dumating sa akin ang Espiritu at itinayo ako. Sinabi niya sa akin: “Humayo ka at magkulong sa iyong tahanan. 25 At ikaw, tao, ay gagapusin nila ng mga lubid para hindi ka makapunta sa gitna ng bayan. 26 Padidikitin ko ang dila mo sa iyong ngalangala upang tumahimik ka at hindi mo sila mapagsabihan, sila na mapaghimagsik na sambahayan. 27 Ngunit pag nagsalita ako sa iyo, bubuksan ko ang iyong bibig, at sasabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinasabi ng Kataastaasang PANGINOON,’ Sinumang ibig makinig ay makinig, at ang aayaw ay huwag makinig; sapagkat sila’y isang sambahayang mapaghimagsik.
Kaya bilang naatasang magbantay gusto NILA na mangibabaw ang pagmamahal, pagmamalasakit at pag-ibig NILA sa inyong lahat na tumutuya sa Banal NILANG Gawaing ito. Sapagkat bawa’t puna ninyo bawat salitang masama na ipupukol ninyo ay lilikha sa inyo ng nakasusugat na Tabak ng Salita ng PANGINOON mula sa mga Katotohanang nakasulat sa BIBLIA na iwawasiwas sa inyo mula sa mga ipinapahayag gamit ang magkabilang talim ng Tabak ng Katwiran ng PANGINOONG DIYOS na ipinaglilingkod ipinauunawa NILA sa inyo.
Narito ako laging nagkukulong sa aking kinaroroonan. Gustuhin ko man na magpunta ng gitna ng Bayan, Sentro o CENTRAL hindi pa ako pinahihintulutan. Iginapos ako ng Katwiran. Kung kaya naman minsan wala akong mga ipinapahayag ang pananahimik ko’y pagsunod sa KANIYANG Kalooban upang ang sambahayang mapaghimagsik na pinatutungkulan ay hindi ko mapagsabihan ng anumang masasakit na pahayag na iniuudyok ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng Diwa ng Panginoong Jesu-Cristo, na ito ay sa Kalooban at kagustuhan ng PANGINOONG DIYOS, na pinanggagalingan ng Banal na Atas para sila at kayo ay mapagsabihan sa panahong ibig NIYA. Ang Batas ng PANGINOONG DIYOS na hindi batas ng sinumang tao dito sa mundo. Dahil masisira ang batas ng tao dito sa lupa kung ito ang magiging hadlang at makasisira sa Banal na Gawaing NILA na sa Takdang Panahon na aking ipakikilala ang nakahihigit sa akin. Sa mga susunod na pahayag mapag-uunawa ninyo ang aking pinatutungkulan. Sapagkat dito malulubos ang aking mga ipinapahayag para sa KANILANG Kapurihan, Kadakilaan at ganap na Kaluwalhatian.
– Elias Arkanghel
“Kuya ko daw po si Ka Eduardo Manalo”
Basahin po ninyo ang katawa-tawang interpretasyong ginawa ni Elias Arkanghel tungkol sa aking Panaginip nang siya’y subukin ko at mapatunayang wala sa kanya ang Espiritu ng Diyos, Sumpain nawa siya ng Dakilang Diyos sa kanyang Kapangahasan pati na nang buo niyang Sambahayan at buong Angkan na lumalaban sa Pamamahala….
Malaking bagay po ito upang mapatunayan lalo na ng mga sumusunod sa kanya kung meron man, Na magpasyang wala sa Bulaang Elias na ito ang kanyang ipinagmamalaking nasa kanya daw itiniwala ang Espiritu ng Diyos….
Magsi-alis po kayo sa kanya upang huwag po kayong madamay sa Sumpa…

Jimenez Ka Jon Lina Castillo, Ferdinand Alvarado, ibahagi nyu rin po sa iba pa ninyong kasamahan ang mensahe ko kay Elias…
narito po ang aking naging sulat sa kanya pakibasa po ninyo…
Ang akin pong panaganip na ibinahagi ko po sa inyo ay naganap tatlong taon na po ang nakakalipas, Ang totoo matapos mangyari ang panaginip ko ay naging isa ako sa grupo ng mga taong nagbibigay din ng mga paliwanag tungkol sa mga panaginip sa mga website at mga page sa internet bilang si Galdwill
Subalit ang panaginip ko po ay natupad sa hindi malirip na katalinuhan at karunungan ng Diyos makalipas ang humigit kumulang isang taon matapos mangyari ang panaginip
Ayoko po kayong mapahamak kaibigan Kaya’t Purihin ang Diyos sapagkat niloob niya na ang akin pong Panaginip ay mangyari at magkarun ng katuparan upang Buksan ang inyong mga isipan at palayain kayo mula sa kamay ng Kadiliman na umaalipin sa inyo….
Kaya hayaan po ninyong ipagtapat ko sa inyo kung anu ang naging katuparan ng aking Panaginip…
…..Matapos ang humigit kumulang isang taon,,, Ang aking Panaginip na nag-iwan po sa akin ng isang malalim na kaisipan ay naganap sa tunay na buhay kung saan Totoong Patay na dapat ang kuya ko…
Sa kabila ng lahat ng pang-unawa at Pagmamahal ko sa kanya, ay dko ko po aakalain na mag-aaway kami at hahantong sa isang Patayan,
Hawak ko pong lagi ang baril ko, 45 caliber pistol, at dahil nagpanic na ako, binaril ko ng malapitan sa ulo ang kuya ko ng dalawang beses, take note sa ulo ko po binaril ang kuya ko at 45 caliber po ang baril ko, the most superior and strongest pistol in the world, at hindi lang po isang putok kundi dalawa, at hindi rin by chance ang pagkakatama dahil sa sobrang lapit ko po sa kanya ay halos isang metro lang po ang layo namin sa isa’t isa, kaya wala na pong makapag-akala na mabubuhay pa siya na parang walang nangyari
At ang lumabas sa x-ray ay tila parang iniwasan ng bala ko yung mga vital points na maaaring ikamatay niya, at kung babasahin pa po natin ng malalim ang pangyayari ay talagang iyon ay isang “himala” at walang dudang ginabayan ng Diyos ang bala ko para matupad ang pangyayaring iyon sa hindi ko po malamang dahilan….
Sapagkat noon akala ko po ay ganito ang ibig sabihin ng Panaginip ko…
Adik kc kuya ko, at yung metaphor form na binabanggit sa panaginip ko na namatay siya ay tungkol sa gawang mga patay or mga kasalanan, at yung metaphor form na maraming nakakita at nakasaksi na nabuhay siya ay Magbabagong buhay siya at maaakay ko siya sa Iglesia, kaya lahat ng pang-unawa pagmamahal bilang kapatid at higit sa lahat ako bilang isang Iglesia Ni Cristo ginawa ko para sa kanya sapagkat akala ko Maliwanag ang mga tanda at halos walang kahirap hirap na napadoktrinahan ko kuya ko at pinasamba at kamuntik na mabautismuhan kung hindi ko lang sana napabayaan, Subalit dahil sa nangyari napakalaki ng panlulumo ko dahil akala ko napatay ko kuya ko at hindi totoo yung Panaginip ko…
Mga ilang sandali matapos ang insidente kumontak sa akin ang kapatid kong babae at sinabi niya na buhay ang kuya ko at lilinisin lang daw ang sugat, Kaya nabigla po kaming lahat subalit bahagya lang ang sa akin, at dun ko na ipinagtapat sa kanila ang lahat kasama ng Pastor namin, (bagama’t nauna ko na rin pong nasabi sa kaisa-isang tao na napagkwentuhan ko na noon pa mga anim na buwan muna bago ang insidente sa pang apat na PD sa lokal ng Magsaysay Ka Orlando Pagar….)
Yan po ang dahilan kaya napadpad po ako rito sa Bulacan, at kung Mag-iimbistiga pa po kayo naroon ang kuya ko sa amin 463 Barrio Magsaysay Brgy 107 Tondo Maynila na parang walang nangyari, at alam po yan ng lahat ng aming mga Kapitbahay
Kaibigan Buhay ang Panginoong Diyos, Maliwanag na naganap ang Panaginip ko hindi para sa sarili kong kapritsuhan lamang, kungdi upang ibaba ang lahat ng mga Pagmamataas, Bilang Babala At Pag-ibig ng Diyos sa inyo, na kanyang pinatutunayan sa gitna ninyo Na Wala kay Elias Arkanghel ang Espiritu ng Diyos na tulad ng kanyang ipinagmamapuri sa kanyang Sarili Laban sa mga Kaitaasang itinatag ng Diyos sa Lupa, Ang Pamamahala niya sa Iglesia….
Bumalikwas na kayong madali at ihayag ninyo ang lahat ng uri ng Pagmamataas ni Elias kung sinu man siya, kayo ang magpakasangkapan sa Diyos kaibigan, Ginamit ni Elias ang lahat ng kapangyarihan ng mga talata laban sa lahat ng mga Kaitasan, Sa Kalangitan, Sa Pamamahala, Sa Mga Pamunuang Mga Ministro ng Ministeryo nang parang tulad nang sa Sugo….
Kayo ang makapaghahayag niyan sapagkat tulad ng Nasasaad, hindi magaganap ang lahat ng Panukala ng Diyos hanggang hindi nahahayag ang Paghihigmagsik na walang katulad, kayo lamang ang makagagawa nito para sa Iglesia at sa lahat ng mga kapatid na umaasa sa Pangako ng Diyos kaya’t gawin ninyo ang inyong bahagi at patnubayan kayo ng Diyos…
Hindi ko alam kung sinu ang Elias subalit kailangan ko ding masabihan ang iba pa sa grupo ninyo, maaaring isa sa masabihan ko ay si Elias mismo, ikaw ang mas higit na nakaka-alam, sa aking pananaw mas maiging huwag na niyang ipakilala pa ang kanyang sarili at talikuran na lamang ang pagiging Elias at maghayag ng buong katotohanan upang ipakita ang pagsisisi, sapagkat ang Pahayag kong ito ay isang Malaking Sugat sa kanyang Ulo, ….Huwag na po kayong magtaka, sapagkat nasusulat “Kung anu ang ginamit mong panukat ay siya ring panukat ang gagamitin sa iyo ng Diyos…..”
Pagkatapos ay bubuuin natin ang aking aklat upang pakinabangan ang buong potential nitong kapangyarihan, didigmain natin ang mga Espiritung may kapangyarihan sa kadiliman sa Pamamagitan ni Cristo kasama ng kanyang mga Anghel sa langit, Nakahanda ang kanilang hukbo at tayo lang ang kanilang inaantay Sa pamamagitan ng Panalangin sa Diyos na tulad ng sinabi ko na sa inyo “hilinging dumating na ang kaligtasan sapagkat yun din ang simula ng pagsakdal ng lahat,,, Sa gayon ay ibibigay ng Diyos ang lahat ng ating Panganga-ilangan ukol sa ikaliligtas at ikapagtatagumpay, anupat hindi nga tayo makikipaglaban na tayo lang hanggang sa maigapos na si Satanas tulad ng nasusulat…..
Lina Castillo Nahiya nalang po kayo dahil po nabuko po kayo gustong gusto niyong malaman ang meaning ng panaginip ninyo. Ang mahalaga naitawid ang mensahe. Ang tungkol sa kwento niyo ay walang biblical basis, ang turo ng propeta ay mayron. Iniudyok po sa inyo na ito ay ibahagi sa amin upang makarating ang napapanahong mensahe.

Jimenez Ka Jon It doesn’t really make sense na yan lang ang sagot mo sa sa post kong ito…
Walang kwenta yan at isang irrelevant issue yung caption mo…
Isa
Eliseo Elias Isa….sa galit mo po ba ay naputol-putol ang mensahe…sa galit mo po ba ay ang post…naging poste???? hahahaha…iisang ACCOUNT ANG NAGPAPATAKBO…hahahaha nahulog ang ANGHEL..o bumaba..o PINABABA..ano ba talaga…SUGO o SUGUGUAN..
MGA KAPATID ANG ISANG diakonong nagmataas INGATAN PO NATING LAHAT …
ANG AHAS ANG PINAKATUSONG HAYUP SA LAHAT!
Jimenez Ka Jon Walang Panaginip na merong Dalawang Kahulugan…
Elias Aminin mo nang wala sa iyo ang Espiritu ng Panginoon tulad ng Pagtatanyag mo sa iyong Sarili….
Malapit nang dumating sa iyo ang Paghihiganti ng Panginoon, dahil sa iyong kapalaluan at kalapastanganan….
Jimenez Ka Jon Hindi rin naman nalihim ang Pagiging Sinungaling at PagkaBulaan ng inyong Propeta….
Nakaumang na sa inyo ang Tabak… Malapit na ninyong maranasan ang Saro ng paghihiganti ng Panginoon, Magbago kayo baka sakaling iurong pa ng Diyos ang Kanyang Tabak laban sa inyo….
Eliseo Elias Nakita mo ang PUSO ng magpapababa ng anghel ka Lina Castillo nagkanda mali-mali sa pagtype ….IISANG ACCOUNT LANG DAW TAYO…hahahaha…
Ang diakonong nagpapaliwanag ng sariling paliwanag sa sarili din niyang panaginip….
Ang diakonong NANINIPA matapos magpapababa,bababa, bumalik at bababa muli ang ANGHEL NYA AY NAHILO…hindi na alam kung ano pang KONTRA-KONTRA …tinalo ang BULAANG MANGANGARAL ng Apalit..KAHIT PATAY ANG ILAW O MADILIM KAYANG KAYANG MAGBASA NG BIBLIA…ang diakonong magpapababa ng anghel na naninipa…HINDI NA KAILANGAN NG TALATA yun aklat lang niya at mula sa KUWENTO ni NARUTO…ipinagaanyaya pa na basahin…ng itinanong ko nasa BOOKSTORE NA BA? Hindi pa pala tapos yung aklat…KONTRA-KONTRA…
Jimenez Ka Jon May Nakalagay ba sa talata na kapag Mali na ay hindi ka na Pasasakop???
Wala!!! …See More
Eliseo Elias Unawain po natin ang naging tugon po ng kapatid na Elias Arkanghel sa masamang intensiyon ni JimenezKaJon:
Hayaan muna Kapatid na Eliseo … ang mapaminsala ganyan talaga mandaya… Pero hindi niya alam higit na naitawid ang totoong paliwanag sa mensahe na napapanahon. Hindi kamo natin itinuturing na kamalian … kundi patotoo sa patotoo lang na umaayon sa panahon, pagkakataon ang ipinapanaginip sa kanya kaugnay sa kasalukuyang mga pangyayari. Kaya kung dinaya niya tayo para subukin ang Banal na Espiritu ay hindi tayo pahihintulutang magkamali. Kaya kung hindi niya tinatanggap ang paunawa sa atin sa udyok ng Banal na Espiritu ay sa PANGINOONG DIYOS na siya mananagot. Subalit kung ako ang tatanungin ipinagpapasalamat ko sa AMANG BANAL at sa Panginoong Jesu-Cristo na ang pagkakataong kaalinsabay ng gusto niyang ipapaliwanag kaugnay sa kaniyang panaginip iba man ang layunin niya upang tayo ay dayain ay hindi tayo ang kaniyang dinadaya kundi ang PANGINOONG DIYOS na nag-uudyok sa atin ng KANIYANG isinusugong Banal na Espiritu na nagbigay pa rin sa atin ng pinaka-angkop na paliwanag. – Elias Arkanghel.
Jimenez Ka Jon Brad walang isang panaginip na merong dalawang kahulugan, yan ang matibay na Patotoo na Hindi Kinasihan ng Banal na Espiritu si Elias Arkanghel tulad ng Pagtatanyag niya sa kanyang Sarili….
Simple lang ang punto, Kaluluwa ang pinag-uusapan dito, Nangangayag kayo ng mga tao na Paniwalaan kayong nasa inyo ang Espiritu Santo, anu katunayang Nasa inyo nga???
Iyan lang ang kaisa-isang paraan namin para magawa naming subuking nagsasabi kayong katotohanan, tapos gusto nyu pa ring ipagkait sa amin??? E di Wow!!!
Sumpain si Elias ng Panginoon sa kanyang Kalapastanganan sa Pamamahala, at kayo pati na nang buo ninyong lahi na nagsisilaban sa Pamamahala Sumpain kayo kung hindi kayo Magbabagong Espiritu na walang pagpipitagan sa Kapatid na Eduardo Manalo at sa kanyang Kahalalan….
Jimenez Ka Jon Hindi sa akin Nanggaling ang Kahulugan, Dahil tulad ng sinabi ko sa aking Mensahe
Ako Man ay Nagkamali din sa pagbibigay ng kahulugan niyon…
Kaya kailanman ay hindi ninyo Mapapabulaanan ang Pangyayari…
At kahit sabihin pang may iba akong layunin, granting without conceding, Ang punto rito sabi nyu Nasa kanya ang Espiritu ng Panginoon, kaya Dapat lang na sa umpisa pa lang Nalaman na niya ang layunin ko, dahil sa Espiritung Taglay niya….
Unti-unti mararamdaman na ninyo ang Sumpa ng Panginoon laban sa inyo, dahil sa kaapihang ginawa ninyo sa kanyang Pamamahala at hindi magtatagal ay malilipol na kayo pati na nang buong Angkan ninyo na patuloy na lumalapastangan sa Pamamahala….
Jimenez Ka Jon Pasensiya na rin kasi may Hatol na sa inyo ang Diyos at Nahayag na ang mga Kabulaanan ninyo….
MAGHINTAY NA LAMANG KAYO SA PAGHIHIGANTI SA INYO NG PANGINOON….
Jimenez Ka Jon Lumapastangan kayo sa Pamamahala kaya nakaumang sa inyo ang Tabak
Ang puso ninyo ang inyong bulayin at magsisi sa ginawang pagkukunwari…
Wag po kayong Mabibigla po hah”’
Sabi Ni Elias Arkanghel.
Kuya ko daw si Ka Eduardo Manalo.
Ibig ba sabihin sa TS ako Nakatira???

Pakiexplain ang pagkakaroon ng dalawang dila.

Danilo MadriagaPakamay naman jimenez ka Jon Sikat ka po pala hahahaha.
Patawa talaga itong so Elias paki kalabit po baka binabangungot pa.
Laging nananaginip yan. Kaya akala niya sogo este sugo na sya.
Grena GodonghaeHAHAHAHAHA nasiraan na ng bait 😂 husay mag explain ha? Pwede mag teacher at mag abogado.
Swerte nyan, napapansin pa 😂
😂
😂 walang kakwenta kwenta sinasabi e tinatawanan lang kaya viral.

Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#accessthetruth #inc101 #onewithevm #1withevm #net25 #eduardomanalo #gliceriosantosjr #jojodeguzman #antoniodeguzman#antonioebangelista #radelcortez#arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #iglesianicristo #1with25 #inc100#inccentennial#centennial #inc4life #incootd#incfashion #incmedianews #inctv #incmedia #AMONEWITHEVM #PASAKOPAKOSAPAMAMAHALA
#FIGHTFORMYFAITH #SOLIDINCFOREVER
Paulit ulit lang na pinapatunayan nitong Ka Jon Jimenez na hindi siya totoo at isa siyang manloloko. Pesensiya po pero, I will not waste my precious time reading any more of your fables.
LikeLike