Nasa kinikilalang lugar po tayo, pagtatagpo po natin, tapos kaming dalawa po nasa labas pa ng gate nandun din po sila Ka Eduardo at mga Sanggunian meron din pong pagtitipon pero malayo sa atin, tapos nakita po ng hub ko si Ka Erdy na papunta sa dereksyun po namin, nagtanong po ngayun ang hub ko pero gusto ko po syang pigilan dahil baka ano masabi nya, kaya nagtanong pa rin po sya “Ka Erdy bakit po kayo nandito di ba po patay na kayo? Tapos ang sagot po nya “Di ba ang sabi ko dati babangon ako at aayusin ang Iglesia” tapos tinanong ko po sya kung si Ka Eduardo ba po ang nilagay nyang Tagapamahala tapos sumagot po sya Oo. Tinanong ko po sya ulit na, maraming kapatid, na ang gusto si ka Angel mamahala? Pero hindi na po sya sumagot at tumalikod. Papunta sa kinalalagyan nila ka Eduardo po. lumapit po sya sa gate may bantay na scan at may lamesa may nakapatong na baril submachine gun ito ay kinuha nya at pumasok sa loob habang nagkakatipon mga kapatid pinaputok nya ang baril ng rapid fire pero sa lupa nya lang po pinatama. May nadaplisang kapatid sa paa kaya nagkagulo humahangos si Ka Eduardo kasama ang ilang ministro at mga security pinoprotektahan sya. Habang nagkakagulo dumating din mga pulis, umalis si Ka Erdy ng hindi napapansin at ang Ka Hinirang po lamang po ang nakakita tapos nagmukhang manequin daw po ang ka Erdy na naglalakad palayo dala pa rin ang baril. – Kapatid na Hinirang
============================================================================
ANG PANAGINIP NG MAHAL NATING KAPATID NA HINIRANG AY MAY TATLONG BAHAGI.
UNANG BAHAGI : “Ka Erdy bakit po kayo nandito di ba po patay na kayo? Nasagot na ito kaugnay sa panaginip ni Ka Aiza na nasa Blog kaugnay sa “Di ba ang sabi ko dati babangon ako at aayusin ang Iglesia”
PANAGINIP #0002 NAPANAGINIPAN BUMANGON ANG KA ERDY?
========================================================================
IKALAWANG BAHAGI : ang gusto si ka Angel mamahala ay nasagot na rin yung pag-asang inaasam din ng mga kapatid sa panaginip din ng kapatid na Aiza ay may paliwanag na rin na nasa Blog na rin. https://iglesianicristohinirang.blog/2015/06/24/panaginip-0003-ka-angel-papalit-na-pamamahala/ NAIS IPAUNAWA: Kung ang Kapatid na Angel ang uupong Pamamahala mga kapatid taglay ba niya ang pagiging Suwail na uupo sa Templo? Kaya hindi niya ito tinaglay ang kapatid na Eduardo V. Manalo ang malinaw na kumakatawan sa Pamamahalang kinatuparan sa paunang pahayag o bahagi ng hula na nakasulat sa aklat ni Propeta DANIEL 9: na ipinanganak taong 1955.
PANAGINIP #0003 KA ANGEL …. PAPALIT NA PAMAMAHALA?!
TRAHEDYANG NAGBABADYA KUNG SAAN NAROON ANG KAPATID NA EDUARDO MANALO AT ANG KANYANG MGA KATUWANG NA SANGGUNIAN INILARAWAN NA MAGAGANAP ITO SA ISANG MALAKING PAGTITIPON… GAGAMIT NG SUBMACHINE GUN … PAPAANO? SINO ANG GAGAWA?
IKATLONG BAHAGI: naglalarawan na may nagbabadyang trahedya na magaganap na darating kay Ka Eduardo at sa mga nasa hanay ng Sanggunian na waring galit na galit ang gagawa nito. Alalahanin ninyo patay na ang Tatay Erdy wala ng magagawa ang patay kung kaya hindi na si Tatay Erdy ang gagawa niyon. Bakit si Tatay Erdy ang pinakita sa tagpong yun sa panaginip? May gusto lang ipaunawa sa atin ang PANGINOONG DIYOS na may kakatawan! Ang tanong sinong maka- Tatay Erdy o kumikilala kay Tatay Erdy na siyang kakatawan sa nakitang magpapaputok at handang mamaril na magaganap sa isang pagkakataon sa isang malaking aktibidad na gaganapin? MAHALAGANG PAUNAWA: Mga mahal kong kapatid may gusto lang akong muling ipaunawa at kasunod ay ipapuna sa inyo. Bagamat sa panaginip ang Kapatid na Erano G. Manalo ang ipinakita ay hindi si Tatay Erdy ang gagawa na niyon. May kumakatawan sa kanya. Kung ano ang posisyon o katayuan ng Tatay Erdy ay nangangahulugang nasa hanay ng mga Ministro at may mataas na posisyon. Bakit natin nasabi? Unawain ninyo na yung kumakatawan kay Tatay Erdy ay malayang makalalapit doon sa lamesa sa hanay ng mga nasa Seguridad. Nangangahulugan lang na talagang kinikilala! Ano ang ibig sabihin? Hindi nila mamamalayan kung sino sa nakakasama nila ngayon ang gagawa nito sa kanila.
Mga mahal kong kapatid muli ipagmamalasakit natin na maipaunawa. JOB 33: 14-18 NPV 14 Pagkat ang Dios ay nagsasalita – ngayon ay sa ganitong paraan, mamaya ay sa iba naman – bagaman maaaring hindi iyon naunawaan ng tao. 15 Sa isang panaginip, sa isang pangitain sa gabi, kapag ang mga tao ay nahihimbing sa pagtulog samantalang nagpapahingalay sa kanilang higaan, 16 maaari siyang mangusap sa kanilang mga tainga at takutin sila ng mga babala, 17 upang manumbalik sila mula sa paggawa ng masama at ilayo siya sa pagpapalalo, 18 upang iligtas ang kanyang kaluluwa mula sa hukay, ang kanyang buhay mula sa pagkitil ng tabak. Malinaw ang PANGINOONG DIYOS ang nagsasalita sa isang panaginip at isang pangitain. Kailan? Sa panahong mahimbing sa pagtulog. Bakit ginagawa ito ng PANGINOONG DIYOS? Para magbigay ng babala! Ano pa? Ibig niyang manumbalik at muling gumawa ng mabuti ang pinagpapaabutan NIYA ng Mensahe gaya ng sabi, sa ganitong paraan na pinatutugkulan sa mismong nakapanaginip, (paki-unawa) mamaya sa iba naman o sa totoong pinatutungkulan na bagaman hindi napag-uunawa ng mismong nakapanaginip ay isasangguni niya nga ito sa binigyan ng makaunawang makapagpaliwanag ng kaniyang panaginip…. Bakit kailangan sumangguni? Para alamin ang kahulugan ng kaniyang panaginip na hindi nauunawaan ng tao. Mga mahal kong kapatid malinaw na hindi nauunawaan ng tao kung kaya kailangan talagang sumangguni doon sa inuudyukan ng Banal na Espiritu ng PANGINOONG DIYOS na may Gabay ng Karunungang ibinigay sa Panginoong Jesu-Cristo na magpapaunawa sa kahulugan ng panaginip ng tao. Kaya napakamahalagang kilalanin natin na nangungusap ang PANGINOONG DIYOS. Para ano? Upang magligtas ng kaluluwa tulad ng inilalarawan sa panaginip ng ating mahal na kapatid patungkol sa trahedyang magaganap na maiwasan ng mga pinatutungkulang binanggit na naroroon sa panaginip, na sila ay huwag madala sa hukay, at ang kanilang buhay maiwasang makitil ng tabak o ng sandatang gagamitin na binanggit sa panaginip. Hindi ba’t malinaw na umaayon sa kabuuang hanay ng talata ang kabuuang inihanay na panaginip ng mahal nating kapatid? Dapat ba itong ipawalang bahala o pahalagahan ang mahalagang bilin? Unawain ang kasunod na hanay na mga talata.
ISAIAS 30: 8 MBB 8 Halika, at isulat mo sa isang aklat, Kung anong uri ng mga tao sila; Upang maging tagapaggunita magpakailanman, Kung gaano kalaki ang kanilang kasamaan. 9 Pagkat sila’y lahing matigas ang ulo Mapaghimagsik at sinungaling, Ayaw makinig sa aral ni Yahweh. 10 Sinasabi nila sa mga lingkod ng Diyos, “Huwag kayong huhula ng tapat.” At sa mga propeta, “Huwag kayong magsasalita ng tumpak. Ang inyong banggitin sa ami’y Mga salitang kawili-wili At ang mga hulang hindi mangyayari. 11 Lumihis kayo sa tunay na daan, At ang Banal ng Israel ay ayaw na naming mapakinggan.” 12 Kaya ito ang sinasabi ng Banal ng Israel: “Tinanggihan mo ang aking salita, At sa pang-aalipi’t kalikuan ka nagtiwala. 13 Kaya darating sa iyo ang malagim na wakas, Tulad ng pagguho ng isang marupok na muog Na walang anu-ano’y bumabagsak. 14 Madudurog kang parang palayok Na ibinagsak nang walang awa; Wala ni pirasong malalagyan ng apoy, Ni maisasalok man ng tubig sa balon.” 15 Sinabi pa ni Yahweh, ang Banal ng Israel: “Magbalik-loob kayo at muling magtiwala sa akin At kayo ay lalakas at tatatag.” Ngunit kayo’y tumanggi.
Inilarawan pa rin ng Banal na Kasulatan kung anong pakikitungo ang sa atin ay gagawin. Batid ng PANGINOONG DIYOS na matitigas ang kanilang ulo, mga mapaghimagsik at sinungaling. Tatanggihan pa rin ang Salita ng PANGINOONG DIYOS. Subalit;
Dakila ang Pag-ibig ng ating PANGINOONG DIYOS na lalong nahahayag sa pamamagitan pa rin ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kung ang mga taong hayag na sa KANIYA na may kasuklam-suklam ng ginagawang pinsala sa Banal na Iglesia na may mga kasuklam-suklam ng ginagawa na kamakailan ay ipinamumukha na sa kanila ng PANGINOONG DIYOS ay nagpapaabot pa rin SIYA ng Mensahe sa panaginip sa mga Hinirang para huwag mapinsala ang buhay nila na mga pinaaalalahanan. Pagkat ibig pa ring bigyan nga NIYA ng pagkakataon pang makapumbalik mula sa masama nilang ginagawa. Mga paunang babala na inibig NIYANG maitawid ang Mensahe at maipaunawa naman NIYA sa napahihintulutang makapagpaliwanag ng panaginip sa gayun maiparating sa mga kinauukulang dadalo ang pag-iingat bago maganap ang nasabing napipintong malaking pagtitipon. MANALANGIN KAYO MGA MAHAL KONG KAPATID NA ISA MAN SA INYO AY HUWAG MADAMAY. – Elias Arkanghel
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore
Magandang araw po sa inyo mahal naming Ka. Elias Arkanghel…
at sa lahat ng mga kapatid namin sa loob ng Iglesia Ni Cristo.
Nagpapasalamat po ako ng marami sa ating DAKILANG PANGINOONG DIOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo sa patuloy na paggabay nila sa gawaing ipinagkatiwala sa ating mahal na kapatid Elias Arkanghel.
Maraming salamat po sa inyo mahal naming kapatid Elias Arkanghel, sa inyong walang maliw na karunungan na biyayang mula sa ating PANGINOON sa pagbibigay ng unawa sa mga minsahe ng ating PANGINOONG DIOS sa pamamagitan ng Panaginip at Pangitain (Job 33:14-18) na dyan ay patuloy nyang ipinamamalas ang Dakilang Pag-Ibig niya sa lahat, “upang manumbalik sila mula sa paggawa ng masama at ilayo sila sa pagpapalalo, upang iligtas ang kanilang kaluluwa mula sa hukay, ang kanilang buhay mula sa pagkitil ng tabak.” Ito din naman ang Pag-asa na inyong inilalapit sa lahat ng mga hinirang at sa lahat na mapapahintulutan pa sa udyok ng Banal na Espiritu na mula sa ating PANGINOONG DIOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo, upang makapagbalik-loob sa kanya at upang makasama doon sa Banal na Dako na itinakda.
Nawa’y mamalagi ang kalusugan ng inyong katawang laman at ligtas sa lahat ng masamang tao na gumagawa na kasama ng diablo na ating kaaway.
Ang inyong kapatid sa Panginoon,
Gregorio Pilar
LikeLiked by 1 person