ANG PAGKAWASAK NG EFRAIM
HOSEAS 13: 1- MB 1 Noong una, kapag nagsalita si Efraim, ang mga tao ay nanginginig sa takot, SA PANAHON DIN NATIN NGAYON MAY KINATATAKUTAN DIN ANG MGA KAPATID. KAPAG NAGSASALITA NA SIYA GAMIT ANG AUTHORITY NIYA NA MULA SA NAGBIGAY NITO SA KANIYA. HINDI MULA SA PANGINOONG DIYOS ANG KANIYANG KAHALALAN. ITO AY NILINAW NA NATIN SA MGA PAHAYAG NATIN DITO SA BLOG. KAYA SINO SI EFRAIM SA ATING PANAHON? PAANO SIYA MAKIKILALA? sapagkat siya ay pinaparangalan sa Israel. ANG ISRAEL (Anak) NGAYON SA ESPIRITUAL AY GAYA NG LAGING ITINUTURO SA MGA PAGSAMBA AY ANG IGLESIA NI CRISTO NGAYON NA KABAHAGI SA PINAKA ISRAEL (Sapagkat may dalawang sambahayan na binabanggit na napapaloob sa ISRAEL; Sambahayan ng Juda at ang Sambahayan ng Israel) TULAD NG ITINATANONG SINO ANG KUMAKATAWAN KAY EFRAIM? SIYA AY KINIKILALA NGAYON AT IPINAGBUBUNYI NG MGA KAPATID. PINARARANGALAN ANG PANGALAN NIYA SA HALIP NA PANGALAN NG PANGINOONG DIYOS AT PANGALAN NG PANGINOONG JESU-CRISTO ANG PINARARANGALAN. MAPAG-UUNAWA NIYO AT KAPANSIN-PANSIN NA HIGIT ANG LAKI NG PAGKAKAGAWA NG KANIYANG PANGALAN NA NAMAMAYAGPAG SA MGA TARPAULIN SA BAWAT LOKAL. NAROON DIN ANG KANIYANG MALALAKING LARAWAN. Ngunit nagkasala siya YAN ANG ISA SA MABIGAT NA PINAGKASALAAN NIYA at nahatulang mamatay KAYA JULY 27, 2015 SA UDYOK NG BANAL NA ESPIRITU AY NAHATULAN SIYANG MAMATAY SA KARAPATAN, IBIG SABIHIN ITINIWALAG. BAKIT? dahil sa pagsamba kay Baal. PAANO NIYA NAGAWA? ANG PATULOY NA PAGTANGKILIK SA PHILIPPINE ARENA NA MAY ANYONG BAAL. 2 Hanggang ngayo’y patuloy sila sa paggawa ng kasalanan. NAGPAPATULOY! PAANO NILA NAIPAGPAPATULOY? Tinutunaw ang mga pilak SAAN NAPATUTUNGKOL ANG PILAK? SA SALAPI PAANO TINUTUNAW? GINAGAMIT NILA SA KAUKULAN NA MAIBIGAN NILA. SAAN PA NILA NAGAGAMIT? at ginagawang diyus-diyosan. SA DINIDIYOS NA NILA. PAANO NILA NAGAGAWA? KAPAG HINDI NA NAPATUTUNGKOL SA PANGINOONG DIYOS AT SA PANSARILI NA LANG NILANG MGA KAPRITSO AT KAGUSTUHAN. TANONG, SA PANGINOONG DIYOS PA RIN BA YUN? TIYAK NA ANG INYONG KASAGUTAN NA HINDI NA!
Pagkatapos ay sinasabi, “Maghandog kayo rito! TOTOONG-TOTOO HINDI PARATANG … YAN NA NGA ANG MADALAS NA NARIRINIG NATIN NGAYON NA LAGING IPINAAALALA NILA SA TUWING MAY MGA PAGKAKATIPON? BUWAN-BUWAN NAG-IISIP SILA NG MGA IBAT-IBANG KAUKULAN NG TANGING HANDUGAN DIUMANO GAGAMITIN SA IBAT-IBANG MGA BINANGGIT NILANG AKTIBIDAD. PAGKATAPOS MAGHANDOG AY ANO PA PINAGAGAWA? At halikan ninyo ang mga guyang ito. PINAHAHALIKAN YUNG MGA GUYANG PINATUTUNGKULAN NA KAPWA MAY KAPANGYARIHAN. SAAN SILA NAGPAPAHALIK? SA KAMAY BILANG PAGKILALA AT PAGGALANG DIUMANO SA KANILA. ISANG NAPAKALAKING KABAWALAN NA KUNG IPAGPAPATULOY PA SA KABILA NG PAGSUWAY AT PAGPAPAUNAWA AY SAAN NA SILA MATUTULAD AT MAKARARATING? “3 Kaya nga, matutulad sila sa mga ulap sa umaga o sa hamog na madaling naglalaho; gaya ng ipa na inililipad ng hangin, gaya ng usok na tinatangay sa malayo. KUNG SAAN MAN ITINULAD AY TINIYAK SA BANAL NA KASULATAN NA MAGLALAHO AT MALALAYO NA. SAAN MALALAYO? SA BANAL NA KATWIRAN NG PANGINOONG DIYOS AT NG PANGINOONG JESU-CRISTO. 4 Sinabi ni Yahweh, “Ako si Yahweh na inyong Diyos. Ako ang nagpalaya sa inyo sa Egipto. Noon, wala kayong ibang Diyos kundi ako, at walang ibang tagapagligtas maliban sa akin. IPINAAALAALA NG PANGINOONG DIYOS ANG GINAWA NIYANG PAGLIGTAS AT PAGPAPALAYA NIYA SA KAMAY NG MAPANIIL NA KAPANGYARIHAN, KAPANGYARIHANG HINDI MULA SA PANGINOONG DIYOS. 5 Kinalinga ko kayo sa ilang, sa lupaing tuyo at tigang. INILALARAWAN ANG PAGMAMAHAL AT PAGMAMALASAKIT NG PANGINOONG DIYOS NA NAPAKALAKING UTANG NA LOOB NATIN SA KANIYA. SUBALIT SA KABILA NG LAHAT 6 Ngunit nang kayo’y mabusog ay naging palalo; at kinalimutan na ninyo ako. KAYA NGA DAHIL SA PAGMAMALABIS AT PANANAMANTALA AYNASISAGANA NA KAYO AT NALIMUTAN NINYO ANG MGA BANAL NIYANG SALITA AT NGAYON NAGMAMALABIS NA KAYO SA PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN NINYO KUNG KAYA ANG IBA AY LALO PANG NAGING MGA PALALO. ANO NGAYON ANG IBIG NG PANGINOONG MANGYARI SA KANILA? 7 Kaya naman, kayo’y lalapain kong gaya ng leon, gaya ng isang leopardong nag-aabang sa tabing daan. 8 Susunggaban ko kayo, gaya ng osong inagawan ng anak, lalapain ko kayo gaya ng isang leon, gaya ng paglapa ng isang hayop na mabangis. AT ANG NAKAPANGINGILABOT NA GAGAWIN NG PANGINOONG DIYOS SA SAMBAHAYAN NA MAHINA NA ANG PUNDASYON 9 Wawasakin, kita Israel; MAGIGING KAAWA-AWA ANG KANIYANG PAGKAKA-BAGSAK GAYA NG NAGING BAHAGI NG PAGTUTURO KAMAKAILAN AY WASAK NA WASAK! sino ang sasaklolo sa iyo? KUNG MALAYO NA SILA SA BANAL NIYANG KATWIRAN AT INIWAN NA NILA ANG KATOTOHANAN, SINO ANG HANDANG SILA AY TULUNGAN KUNG ANG PINAKAMAKAPANGYARIHANG PANGINOONG DIYOS NATIN AY TULUYAN NG LALAYO SA KANILA DAHIL NA RIN SA KALABISAN. AT 11 Sa galit ko sa inyo’y binibigyan ko kayo ng mga hari at dahil din sa aking poot, sila’y inaalis ko. NAGLAGAY MAN SIYA NG MGA NANGANGASIWA AY INALIS NA RIN NIYA 12 Inilista ko ang ginagawang kalikuan ni Efraim, KAYA MISMO ANG PANGINOONG DIYOS ANG NAGTALA NG GINAWA NIYANG KALIKUAN.. LAHAT NAKATALA KAYA WALANG MAILILIHIM AT TIYAK NA MABUBUNYAG SA TAKDANG PANAHON NA IHAYAG NA ANG KASAMAAN SA MATA NG MGA NAPAGLALANGAN NIYA. tinatandaan kong mabuti para sa araw ng paniningil. KAYA PAANO MALILIMOT KUNG MALINAW NA NAKATATAK NA. MASASAKSIHAN PA NG LAHAT. KAYA HINDI TALAGA MAKAIIWAS SA PANININGIL SA KANILA DAHIL SA MGA TAGONG PAGKAKAUTANG SA MALALAKING BANGKO NA MAILIHIM MAN SA KAPULUNGAN NG MGA KAPATID SUBALIT HINDI MAITATAGO SA MATA NG DAKILANG PANGINOONG DIYOS.
NAPAKABAIT AT NAPAKA MAPAGPAHINUHOD NG PANGINOONG DIYOS. BAKIT? 13 Ang Israel ay binigyan ko ng pagkakataong magbagong buhay, ngunit tinanggihan. SA KABILA NA BINIGYAN NG PAGKAKATAON NA MAGBAGONG BUHAY, SUBALIT Para siyang batang ayaw lumabas sa sinapupunan. NAKALULUNGKOT PARANG AYAW NIYA NG BAGONG BUHAY TULAD NG ISANG SANGGOL. KAYA SAAN SIYA ITINULAD? Siya’y anak na suwail at mangmang! PANSININ NINYO ANG PANGHALIP NA GINAMIT. PANG-ISAHAN! KANINO PINATUTUNGKOL? SA SUWAIL. BAKIT SINABI NA MANGMANG? IBA ANG PINILI NIYA… HIGIT NIYANG PINILI NA PARANGALAN ANG KANIYANG PAGKATAO AT SIYA ANG PAGLINGKURAN. PATI ANG PAGGALANG SA MAGULANG AY ITINAKWIL NIYA ANG KATURUANG ITO. PATI NA ANG PAGKILALA SA MGA KAPATID SA LAMAN WINALANG PAGPAPAHALAGA NIYA RIN ITO. KAYA NGA KUNG SARILING MGA MAHAL NIYA SA BUHAY AY HINDI NIYA KINILALA E PAANO NIYA MAGAGAWANG MAKAGAWA NG MABUTI SA IBA? ANO NGAYON ANG DAMDAMIN SA KANYA NG PANGINOONG DIYOS? 14 Hindi ko sila paliligtasin sa impiyerno. Hindi ko sila ililigtas sa kamatayan. MULING PANSININ ANG PANGHALIP PANAO NA GINAGAMIT. HINDI NA SIYA KUNDI SILA NA! PANGMARAMIHAN NA MAY MGA KASAMA NA SIYA. KAYA Kamatayan, pahirapan mo sila. Impiyerno, parusahan mo sila. Wala na akong nalalabing awa sa kanila. NAKALULUNGKOT MAHAL KONG KAPATID. LIKAS KA NA BANG MASAMA? HABANG MAY PAGKAKATAON PA HABANG IPINAUUNAWA PA SAYO AT SA MGA NAPANIWALA MONG WALA KANG GINAGAWANG PINSALA SA LOOB NG IGLESIA. MAKIPAGKASUNDO KA NA SA PANGINOONG DIYOS AT ISUKO ANG IYONG SARILI, MAKIPAGKASUNDO NA KAYONG LAHAT. KAHIT SA HULING PAGKAKATAON MAKABALIKWAS NA. BAGO NIYA ILAPAT ANG LUBOS NA KAPARUSAHAN SA INYO. PILIIN NIYO ANG BUHAY! HUWAG ANG MAKAPAMUHAY NA NAKA DEPENDE SA MGA BAGAY NA PAWANG LILIPAS DIN. KAPATID DAHIL PAG-IBIG ANG PANGINOONG DIYOS MAY PAGKAKATAON PA…SAMANTALAHING MAKAGAWA NG MABUTI. BANTAYAN NATING LAHAT KUNG PAANO TAYO MANGUSAP SA KAPATID MAN O SA ATIN KAPWA. KUNG PAANO TAYO MAG-ISIP AT GUMAWA. MAY IPINAUUNAWA PA ANG PANGINOONG DIYOS. 15 Bagaman siya’y lumagong gaya ng tambo, TOTOO NADAGDAGAN MAN ANG BILANG SA MGA NAKARAAN darating ang hinga ni Yahweh, ang hanging silangan na nagmumula sa ilang, ITO ANG HININGA O TINIG NG PANGINOONG DIYOS MAGMUMULA SA DULONG SILANGAN NA NGAYON AY NAPAHIHITULUTANG MAGPAHAYAG tutuyuin ang kanyang mga batis at aagawin ang kanyang kayamanan. PAGPAPALANG NAKAMTAN SA KABUUAN AY MULING KUKUNIN SA INYO NA INAAKALA NA INYO NG PAGMAMAY-ARI. DAHIL 16 Parurusahan ang Samaria TINULARAN ANG SAMARIA NG MGA SASERDOTE NA SUMASAMBA SA DIYUS-DIYOSAN. sapagkat nagkasala siya, siya’y naghimagsik laban sa Diyos. TINIYAK NG BANAL NA KASULATAN NA NAGKASALA NAGHIMAGSIK NA SIYA NA PINATUTUNGKULAN. KAYA Mamamatay sa tabak ANG TABAK NA ITO AY ANG MGA BANAL NA SALITA NG PANGINOONG DIYOS AT NG PANGINOONG JESU-CRISTO. ang mga mamamayan niya, NA IPINAUUNAWA SA TALATA NG BANAL NA KASULATAN NA KASAMANG MAPARURUSAHAN NG KAMATAYAN ANG MGA MAMAMAYAN NIYANG KUMIKILALA SA KANIYA ipaghahampasan sa lupa ang kanyang mga sanggol, ANG MGA SANGGOL NA NAKIKISALO SA PAG-INOM NG GATAS SA DIBDIB NIYA, O PAWANG MGA NAKIKINABANG SA KANIYA KUNG KAYA at lalaslasin ang tiyan ng mga nagdadalantao.” NA ANG MGA TUWIRANG PINATUTUNGKULAN ANG MGA NAKISAMA SA KANIYANG MASASAMANG GAWA NA NGAYON AY PAWANG NAGBUNGA, MANGANGANAK NA RIN NG KASALANAN KUNG KAYA SUSUPILIN NA RIN NG PANGINOONG DIYOS NA KUNG HINDI NGA MAGBABAGO ANG PATUTUNGUHAN NILA AY IMPYERNO.
KAYA HABANG MAY NALALABING AWA PA AT NASA ESTADO PA NG PAGBIBIGAY NG PAGKAKATAON ANG PANGINOONG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG PANGINOONG JESU-CRISTO AY PILIIN NG MAKAPAGSISI AT MULING MAKISAMA SA PALATUNTUNAN NG PANGINOONG DIYOS. SA GAYUN MABIGYAN NA NG DAAN ANG PANUNUMBALIK NG KAPAYAPAAN SA PAGLILINGKOD. AT KUNG YAN AY MAISAGAWA MGA MAHAL KONG KAPATID HANDA NG IPAGKALOOB NG PANGINOONG DIYOS ANG MGA PAGPAPALANG ESPIRITUAL. AT KUNG LUBOS NG MAKASUNOD WALA NG DAHILAN PA KUNDI TAYONG LAHAT AY MAGKASAMA-SAMANG MAGTAMO NG MGA PAGPAPALANG MATERYAL. – Elias Arkanghel 05152017M2327
MULING BASAHIN ANG KABUUAN NA BERSIKULO 13 ISANG PAHINA NG AKLAT HOSEAS NA TINALAKAY NGAYON SA BLOG.
ANG PAGKAWASAK NG EFRAIM
HOSEA 13: 1-9 BMBB 1 Noong una, kapag nagsalita si Efraim,ang mga tao ay nanginginig sa takot, sapagkat siya ay pinaparangalan sa Israel. Ngunit nagkasala siya at nahatulang mamatay dahil sa pagsamba kay Baal. 2 Hanggang ngayo’y patuloy sila sa paggawa ng kasalanan. Tinutunaw ang mga pilak at ginagawang diyus-diyosan. Pagkatapos ay sinasabi, “Maghandog kayo rito! At halikan ninyo ang mga guyang ito.” 3 Kaya nga, matutulad sila sa mga ulap sa umaga o sa hamog na madaling naglalaho; gaya ng ipa na inililipad ng hangin,gaya ng usok na tinatangay sa malayo. 4 Sinabi ni Yahweh, “Ako si Yahweh na inyong Diyos. Ako ang nagpalaya sa inyo sa Egipto. Noon, wala kayong ibang Diyos kundi ako, at walang ibang tagapagligtas maliban sa akin. 5 Kinalinga ko kayo sa ilang, sa lupaing tuyo at tigang. 6 Ngunit nang kayo’y mabusog ay naging palalo; at kinalimutan na ninyo ako. 7 Kaya naman, kayo’y lalapain kong gaya ng leon, gaya ng isang leopardong nag-aabang sa tabing daan. 8 Susunggaban ko kayo, gaya ng osong inagawan ng anak, lalapain ko kayo gaya ng isang leon,gaya ng paglapa ng isang hayop na mabangis. 9 Wawasakin, kita Israel; sino ang sasaklolo sa iyo?
HOSEA 13: 10 – 16 MB 10 Nasaan ngayon ang iyong hari na magliligtas sa iyo? Nasaan ang lahat ng pinunong magtatanggol sa iyo? 11 Sa galit ko sa inyo’y binibigyan ko kayo ng mga hari at dahil din sa aking poot, sila’y inaalis ko. 12 Inilista ko ang ginagawang kalikuan ni Efraim, tinatandaan kong mabuti para sa araw ng paniningil. 13 Ang Israel ay binigyan ko ng pagkakataong magbagong buhay, ngunit tinanggihan. Para siyang batang ayaw lumabas sa sinapupunan. Siya’y anak na suwail at mangmang! 14 Hindi ko sila paliligtasin sa impiyerno. Hindi ko sila ililigtas sa kamatayan. Kamatayan, pahirapan mo sila. Impiyerno, parusahan mo sila. Wala na akong nalalabing awa sa kanila. 15 Bagaman siya’y lumagong gaya ng tambo, darating ang hinga ni Yahweh, ang hanging silangan na nagmumula sa ilang, tutuyuin ang kanyang mga batis at aagawin ang kanyang kayamanan. 16 Parurusahan ang Samaria sapagkat nagkasala siya, siya’y naghimagsik laban sa Diyos. Mamamatay sa tabak ang mga mamamayan niya, ipaghahampasan sa lupa ang kanyang mga sanggol, at lalaslasin ang tiyan ng mga nagdadalantao.”
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore
Kapag tiwalag na o hiwalay na sa Iglesia ay wala nang karapatan pa sa kaligtasan kundi parurusahan sila sa pamamagitan ng apoy sa Araw ng Paghuhukom (Juan 15: Apoc. 21:8).
[ F A ]
Zosima Hernandez-Ogorman Pielah Garcia Lina Castillo Gregorio Pilar Ferdinand Alvarado etc..wl mga paniki yan ang everlasting life ..gift ninyo sa profeta ninyo! 😂
😂
😂
Nakakalaan sa inyong Mga TIWALAG yn👇
👇
👇



Datupuwat hindi kayo nasisampalataya,sapagkat hindi kayo sa aking mga tupa..At ang hindi nanampalataya sa panginoon jesucristo mga sinungaling at tulisan
1 juan 5.10.
Ang sumampalataya kay cristo yung kaanib lamang sa kanyang mga tupa.o Iglesia Ni Cristo.
Maliwanag yn na wala na kayo sa kawan kc nga tiwalag na kau Lina Castillo ..


Datupuwat hindi kayo nasisampalataya,sapagkat hindi kayo sa aking mga tupa..…See More
Lina Castillo Gumawa po kayo ng sariling pakahulugan kapatid 😦 Ibig sabihin ay tulisan ang tawag sa nagtatanggol para sa ikababanal ng mga kapatid at ang mga nagtataguyod nitong kalayawan? ay mga tupa ng Panginoon?

Magandang araw po sa inyo mahal naming Ka. Elias Arkanghel…
at sa lahat ng mga kapatid namin sa loob ng Iglesia Ni Cristo.
Nagpapasalamat po ako ng marami sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo sa patuloy na paggabay po nila sa ating mahal na kapatid Elias Arkanghel.
Maraming salamat po sa inyo mahal naming kapatid Elias Arkanghel, sa inyong walang maliw na Pag-ibig at pagmamalasakit na mula sa kalooban ating PANGINOONG DIYOS, sa patuloy na pagbibigay ng “UNAWA” na mula din naman sa mga minsahe/kalooban ng ating PANGINOONG DIOS.
“SINO ANG HIGIT NA PINATUTUNGKULAN SA HOSEAS 13:14 SINO SIYA AT SILA NA NAKATAKDANG PAHIHIRAPAN SA IMPYERNO? BAGO MAGING HULI ANG LAHAT MAKABALIKWAS ANG MGA PINATUTUNGKULAN SA ATING PANAHON – Elias Arkanghel ”
Ito din naman ang Pag-asa ng mga hinirang na laging makabahagi sa biyayang ito at maging sa lahat na mapapahintulutan pa na makaunawa sa udyok ng Banal na Espiritu na mula sa ating PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo, upang makapagbalik-loob sa ating PANGINOONG DIYOS at upang makasama doon sa Banal na Dako na inilalaan sa lahat ng mga Hinirang.
Mahal naming ka. Elias Arkanghel, hangad palagi ng mga hinirang na namamalagi ang kalusugan ng inyong katawang laman at ligtas sa lahat ng masamang tao lalo na sa suwail at sa mga nasa ilalim ng kanyang masamang pamamahala na gumagawa ng kasamaan na taglay ang espiritu ng diablo na ating kaaway.
Ang inyong kapatid sa Panginoon,
Gregorio Pilar
LikeLiked by 1 person