Nakabahagi ka na ba ng ipinagpaunang pahayag ng PANGINOONG DIYOS? Ikaw ba ay isa na sa KANIYANG mga Hinirang na may mga Paunang Pahayag o Mensahe ng tinatanggap? Kanino NIYA ito itatawid? Kailan NIYA ito gagawin? Mahalagang maunawaan ang talatang ipaglilingkod sa inyo na nakasulat sa
Gawa 2:17 ‘Ito ang gagawin ko sa mga huling araw,’ sabi ng Diyos. ‘Ipagkakaloob ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao; ipahahayag ng inyong mga anak na lalaki at babae ang aking mensahe. Ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain, at ang inyong mga matatandang lalaki ay magkakaroon ng panaginip. 18 Sa panahong iyon, ibubuhos ko rin ang ang aking Espiritu sa aking mga alipin, maging lalaki at maging babae at ipahahayag nila ang aking mensahe.
Kung kailan? Malinaw na sa mga Huling Araw. Sa ating panahon ang higit na pinatutungkulan. Kung bakit natin natitiyak? Sapagkat ngayon lalong higit na nakararami ang nagpapatotoo sa ating panahon ang mga tumanggap ng Kaloob na ito na ipinagpaunang pahayag ng PANGINOONG DIYOS. Kaya naman kung kayo ay ganap na sumasampalataya sa nagkaloob nito marapat lang na kilalanin ang napagkalooban nito.
======================================================================
Salamat po ng marami sa pagpapalakas ng loob. Ang ate ko po nakapanaginip nung isang araw. Ewan ko po kung nasabi niya sa inyo. Gusto ko pong malaman ang ibig sabihin nito.
magkasama daw po kaming naglalakad at may gusto daw po kaming tawirin ngunit may isang malaking parang kanal sa bandang harapan namin na hindi basta basta pwedeng hakbangan. Nasa kabilang banda po ang isang ate ko at may iba po siyang kasama at ayaw daw po kaming tulungan. May nakita daw ibang tao yung isang ate ko naman at pumunta daw po kami banda sa kabila at sumama banda dun sa nilakaran nila para makatawid. Habang tumatawid daw po kami ay nahulog daw po ako sa isang butas at naumpog po ang ulo at nangingisay na daw po akong namamatay. Madami daw pong dugo at iyak na daw po siya ng iyak at bumaba dun. Dun na daw po natapos ang panaginip niya.
======================================================================
SALAMAT SA PANGINOONG DIYOS NA MULING NANGUSAP SA PANAGINIP AT NAGTAWID NG PAUNANG PAHAYAG O MENSAHE AT NAPAHINTULOT NAMANG MAIPAUNAWA SA PAMAMAGITAN NG DIWA NG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO SA UDYOK NG BANAL NA ESPIRITU SA KANILANG NAPAHINTULUTAN NILANG ABANG LINGKOD.
Mahal kong kapatid, narito ang tugon sa panaginip ng Ate Joly mo. Ito ay paglalarawan lang ng pag-iingat sa atin. PAUNANG PAHAYAG o MENSAHE! Bawat hakbang o pagpapasyang gagawin ay matiyak na hindi maglalagay satin sa panganib. Sapagkat napakamasalimuot ng bawat ating ginagalawan ngayon bunga nga kaganapan sa ating pali-paligid sa loob ng Iglesia. Malaking pagsubok kasi ang tatawiran o kakaharapin natin na inilalarawan ng malaking parang kanal sa bandang harapan na binabanggit sa panaginip. Kaya nga may ipinauunawa ang PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Diwa ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa udyok ng Banal na Espiritu ay ibig NILA na matiyak na ang mga magkakasama na pinatutungkulan sa panaginip ay walang iba kundi ang mga mahal nating kapatid na Hinirang, ay talagang dapat lang na ganap na nagkakaunawaan, nagkakaisa na lapat ang mga damdamin, at lubos na nagkakatulungan. Dahil kung mababaling pa sa iba na hindi naman natin lubos pang mga nakikilala pagkatapos ay iiwan ang hanay ng mga Hinirang na natuksong pang humanap ng ibang pakikitunguhan o pakikisamahan sa kadahilanang hindi na nga masaya sa pakikitungo ng iba kung kaya tatawid na sa iba. Oo nga’t bagamat kapatid din naman sa paglilingkod ang kakilala sa kabila na pinatutungkulan, … subalit pawang nakikipagsapalaran lang din… sa masalimuot na tinatahak na daan… Kaya nga lang tiniyak sa panaginip na may nakaambang panganib na magiging sanhi ng pagkapahamak ng higit na pinatutungkulan. Ikaw, doon mahal kong kapatid sa panaginip ni Ate mo ay kumakatawan lang sa mga kapatid na Hinirang na pinaaalalahanan ng PANGINOONG DIYOS na huwag nang mabaling sa iba ang atensyon. Kasi sa isang butas o patibong na gagawin ng mga totoong mapaminsala ay ipinauunawang magiging dahilan ng kaniyang pagkapahamak. Kaya nga sa paglalarawan ng siya ay magpasyang doon na makisama at sumabay na sa kanilang inihahakbang o ginagawa… sa huli nauntog o nagising din uli sa Katotohananan subalit huli na… hindi na lubusang nakabalikwas kaya doon na rin namatay o mapapahamak ng lubusan. Kaya hindi mabuti kung mayroon man kakatawan sa pinatutungkulan ng PANGINOONG DIYOS na hihiwalay pa ay agad ng makapag-isip-isip dahil sa KANILANG PAUNANG PAHAYAG o MENSAHE na inihahabilin NILA sa panaginip ng Ate mo itinawid naman sa abang lingkod naman NILA na napahintulutang magpaunawa. At ang mga Ate mo naman ay kumakatawan sa mga kakapatid natin din sa Iglesia ni Cristo na kapwa nga lang may magkakaibang pananaw o pinaninindiganan na dinadala. Yung isa ay pumapanig sa atin at yung isa naman ay nasa panig naman ng kabila. Kaya ang Mensahe ay huwag ng padadala o pahahatak ang damdamin na mabaling pa sa iba. Maging panatag na lang ang lahat ng mga Ka Hinirang yaman din lang na nakarating na sa higit na pagkaunawa sa mga Katotohanang maghahatid doon sa tiyak na ligtas na dako na pawang nakasulat sa Banal na Kasulatan kung kaya maging panatag na lang sa pagiging Hinirang ng ating PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo na dito ay hindi tayo nakikipagsapalaran sapagkat ang Banal na Gawaing ito ng DAKILANG AMANG BANAL at ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay naririto ang nakalaang Putong ng Buhay na inilalaan NILA sa lahat ng mga magtatagumpay na maninirahan sa Bayang Banal. – Elias Arkanghel W05172017PT730AM
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #accessthetruth #inc101 #onewithevm #1withevm #eduardomanalo #gliceriosantosjr #jojodeguzman #antoniodeguzman #antonioebangelista #radelcortez #arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #iglesianicristo #1with25 #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #incmedianews #inctv #incmedia
MAGANDANG ARAW PO SA INYO MAHAL NAMING KA. ELIAS ARKANGHEL.
SA PAMAMAGITAN NG KATANGIANG KALOOB PO SA INYO NG PANGINOONG DIYOS NA MAGPAUNAWA NG MGA PANAGINIP AT PANGITAIN NA TOTOONG GINAGAWA NG PANGINOONG DIYOS SA YUGTO NG PANAHON NATIN NGAYON (“MGA HULING ARAW”) SA KANYANG MGA PINILI O HINIRANG
______________________________________________________________________________________________________
Mga Gawa 2:17-18 (RTPV05)
‘Ito ang gagawin ko sa mga huling araw,’ sabi ng Diyos, ‘Ipagkakaloob ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao; ipahahayag ng inyong mga anak na lalaki at babae ang aking mensahe. Ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain, at ang inyong matatandang lalaki ay magkakaroon ng mga panaginip.
Sa panahong iyon, ibubuhos ko rin ang aking Espiritu, sa aking mga alipin, maging lalaki at maging babae, at ipahahayag nila ang aking mensahe.
_____________________________________________________________________________________________________
AY NAITATAWID SA AMIN NG MALINAW ANG MGA MAHAHALAGANG MINSAHE (BABALA) NG ATING DAKILANG PANGINOONG DIYOS. UPANG MAINGATAN ANG AMING PAGKAHIRANG AT MANATILING MATATAG SA MGA GINAGAWA NATING PAGSUNOD SA MGA KALOOBAN NYA NA UMIBIG SA ATIN.
MARAMING SALAMAT PO SA INYO MAHAL NAMING KA. ELIAS ARKANGHEL, SA INYONG PAGTITIYAGA AT WALANG SAWA NA MAIPAUNAWA SA LAHAT NG MGA HINIRANG ANG MGA MAHAHALAGANG MINSAHE (BABALA) NG ATING MAHAL NA PANGINOONG DIYOS.
NAWA’Y MAMALAGING MALAKAS ANG INYONG PANGANGATAWAN AT LIGTAS SA MABIBIGAT NA KARAMDAMAN LALO NA SA MGA MASASAMANG TAO NA WALANG TIGIL SA PAG-IISIP AT PAGPAPLANO NG KASAMAAN.
ANG INYONG KAPATID SA PANGINOON,
GREGORIO PILAR
LikeLike