ANG PAG-IBIG NG MGA HINIRANG SA LAHAT… NA PAGIGING DAPATIN NG ATING PANGINOONG DIYOS AT NG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO.
1 Corinto 13: 1-13BMBB1 Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang umaalingawngaw o pompiyang na kumakalampag. Mga mahal kong kapatid, binigyan man tayo ng Kaloob para makapangaral sa panig ng mga Hinirang gayundin sa panig din naman ng mga talagang nakapag-aral sa Ministeryo na nakapaghahanay at nakapagpapahayag ng mga mabubuting salita mula sa Banal na Kasulatan, na naibabahagi natin sa mga kapatid sa wika na nauunawaan ng mga tao, ngunit kung walang pag-ibig ay wala ring kabuluhan. Kahit Anghel pa nga ang katulad sa paglalarawan na may anyong kabanalan nakapagpapahayag, subalit walang pag-ibig, ay wala rin talagang kabuluhan. Kaya marahil naihalintulad lang sa kampana o pompiyang na may kakayahang makatawag pansin lamang…
View original post 1,172 more words