NANAY TENNY, KA ANGEL, KA LOTTIE, KA MARCO et al. BAKIT NGA BA KAYO PINABAYAAN NG KA EDUARDO? BAKIT KATITING NA PAHAYAG NA PAGMAMAHAL AY HINDI NIYA MAIPADAMA SA INYO? NI HIKAYATIN NA MAGBALIK LOOB KAYO AY WALA, BAKIT? – Elias Arkanghel
PINAGBABAWALAN AT PINAGKAKAITANG MAGBASA SA SOCIAL MEDIA BAKIT KAYA?
Mga mahal kong kapatid marahil sa lawak na rin ng inyong pagkaunawa ay hindi na rin sa inyo nalilingid ang mga paulit-ulit na panawagan ng mga ministrong nangangasiwa sa panahon ng Banal na pagkakatipon o Pagsamba. Masigasig na kayo ay pinagbabawalan at pinagkakaitang magbasa sa Social Media ng anumang mga pangyayari na may kaugnayan sa mga kaganapan sa loob ng Iglesia. Pinaiiwasan magsiyasat lalo na nga kung magagawi kayo sa hanay pa man din ng mga pumupuna sa kanila na waring isang malaking banta sa kanila kung makaunawa at mabuksan din ang inyong kamalayan. Sa bawat pagkakataon na naisisingit nila ito sa halip na sumentro lang sa paksang tinatalakay ay tila umaagaw na ito ng pagiging solemnidad ng pagkakatipon. Sapagkat nababago ang damdamin ng nagtuturo. Ang dating maamo at mahinahong tinig ay nagsasatinig na rin ng pagbabanta. Kaya nga hindi matapos-tapos sa bawat buwan na lumilipas ay muling makaririnig na naman tayo na binabasa sa kapulungan ng mga pangalan ng mga itinitiwalag na di umano ay kumakalaban daw sa Pamamahala. At ang nakalulungkot pa nito ay hindi lang indibidwal ang binabasa. Pami-pamilya, buong sambahayan. Matapos na basahin ay ang mga kabawalan na anyong pagbabanta na paghihigpit na huwag na huwag kakausapin o magbibigay ng anumang simpatya sa mga personalidad na binasang itiniwalag. Marami ang nagugulumihanan! Kaya dumating na rin sa kanila ang pagtatanong sa kanilang sarili na kung bakit nga ba nangyayari ang lahat ng ito sa Iglesia? Dahil diyan nag-aanyaya na rin sa iba na tuklasin at alamin na rin talaga kung ano nga ba ang pina-iiwasan ng mga nangangasiwa kung kaya sa tuwing may pagtitipon ay naririnig ang mga kabawalan, Ano nga ba talaga ang natatagong lihim na ayaw nilang mahayag sa mga kapatid? Na kung nasa panig naman talaga sila na walang ginagawang anomalya o pinsala ay ano ang katatakutan nila? Manapa ay lalong mangingibabaw ang katotohanan at darami ang bilang na magtatanggol sa kanila kapag napatunayan nila na paninira nga lamang ang kumakalat sa Social Media. Subalit ang buong katotohanan ay hindi nga gayon ang mangyayari. Ang takot ay dumarating na din sa kanila. Alam nila iilan pa lang ang bilang ng mga tuwirang pumupuna ng nakauunawa ng nagagawa nila, ay humihina na ang lahat at naapektuhan ang higit nilang inaasahan. Gaano pa kaya kung hindi nila maaawat? Kaya patuloy nilang pinaaalalahanan ang mga mangangasiwa sa bawat Lokal ay hikayatin ang mga nasasakupang mga kapatid na huwag ng magbasa ng mga pahayag di umano ng mga tiwalag at lahat lang daw ng yun ay paninira lamang. Upang lalo pang umigting ang takot sa mga kapatid na matiwalag ay ang buwan-buwan na may mababasa silang mga itinitiwalag na binabasa sa pambuong mundong pagtitipon.
NANAY TENNY, KA ANGEL, KA LOTTIE, KA MARCO et al. BAKIT NGA BA KAYO PINABAYAAN NG KA EDUARDO? BAKIT KATITING NA PAHAYAG NA PAGMAMAHAL AY HINDI NIYA MAIPADAMA SA INYO? NI HIKAYATIN NA MAGBALIK LOOB NA KAYO AY WALA?
Marami ang nagugulat lalo na nga kilalang personalidad ang mga itiniwalag. At nakakaalarma lalo pa sa panig ng nakakikilalang personal sa itiniwalag ay sariling kapatid pa nito sa laman ang nauulinigan niyang naging dahilan ng pag-uulat. Dapat nga ba tayong magtaka? Kaugnay diyan mga mahal kong kapatid ang ipauunawa mismo ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo. Kaya nga ipinagpauna na Niya na MATEO 10: 21 MB 21 Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang kapatid upang ipapatay; gayon din ang gagawin ng ama sa kanyang anak. Lalabanan ng mga anak ang kanilang mga magulang, at ipapapatay. Tupad na tupad! Hindi natin ito opinyon o sariling kuru-kuro ng kahit sinupaman. Malinaw na nakasulat sa Banal na Kasulatan. Higit sa lahat Paunang Pahayag pa ng Panginoong Jesu-Cristo. Kaya hindi maitatanggi, Hindi maikakaila. Sino sa palagay ninyo sa ating panahon ang tuwirang nakagawa nito. Ang Ka Eduardo ang pangunahing gumawa nito sa kaniyang mga kapatid sa katauhan ng kapatid na Felix Nathaniel II o mas kilala sa tawag na Ka Angel na kaawa-awang pininsala sa nakaraan at kinargahan ng kaso at pilit na ipaako pa ang pagkadami-daming nakuhang baril at bala na tila wala ng plano pang palayain talaga (at iugnay si Cpt. Nicanor E. Faeldon ng Bureau of Customs .. bakit kaya? Tax? Philippine Arena?) ni hindi man lang nakita ang anino ng Ka Eduardo na dalawin ang Ka Angel sa piitan lalo na nga’t kapatid niya ito sa laman na dapat kakitaan man lang siya kahit ng kaunting pagpapahalaga. Subalit pinagmatigas ang kaniyang kalooban. Bakit nga kaya? Ang Kapatid na Lolita na lihitimong nagmamay-ari ng kinatitirikang bahay base sa dokumentong kaniyang inilatag na pinalsipika ang lagda ng asawa nito na namayapa para umayon sa kagustuhan ng Pangangasiwa ng Iglesia ay hindi rin nagtamo ng makatwirang legalidad ng kaniyang karapatan. Ang nakalulungkot ay pwersahang giniba ang kaniyang tahanan habang naroroon sila. Mga mahal kong kapatid ang pinakapalaisipan! Bakit ang kapatid na Marco Erano na wala namang kinalaman sa pagkalat ng video sa Youtube na sinasabi nilang paglaban ay isinama ng Ka Eduardo sa mga itiniwalag na mga kapatid at Ina. Hindi ba’t malinaw lang na may personal na galit ang Ka Eduardo sa kanila at kay Ka Marco Erano. Kung wala ay bakit sa kabila na pananahimik nito ay pilit na kinakargahan ng kung anu-anong mga isyu? Ano bang kasalanan sayo ng Ka Marco Erano? Higit sa lahat ang pinaka-nakikilala nating napakabait na Ina, na sa mahabang panahon na nakasama ng Tatay Erdy, ay ang Nanay Tenny na humihingi lamang ng tulong seguridad at pakiusap na tulong din sa mga ministrong nawawala ng panahong yaon ay itiniwalag na wala ng pasabi o pagpapayong bilin. Yun nga ba ang talagang dahilan o may mas napakalalim pang dahilan kung bakit niya ito nagawa sa kaniyang Ina? Wala na bang pagkakataon maipanauli mo ito mahal naming kapatid na Eduardo V. Manalo?
SA PALAGAY BA NINYO MAILILIHIM NINYO KUNG SINO ANG PUMATAY KAY KAPATID NA LITO DE LUNA FRUTO PARA PANGUNAHAN NIYO ANG PANGINOONG DIYOS NA KUNIN ANG KANIYANG BUHAY? NASAAN ANG KAPATID NA DANILO PATUNGAN? NASAAN ANG KAPATID NA FELIX VILLOCINO?
Wala na kayong pinipili. Maging ang mga kapatid naming ministro, ang lahat ng mga kapatid sa Iglesia na nagkakasimpatya sa kalagayan ng pamilya ng Tatay Erdy ay napagdiskitahan niyo na, na gawan ng mga pamiminsala, panliligalig at patuloy na sirain ang integridad mula ng inyo silang maitiwalag. Ngunit ang kalagim-lagim pa nito. Magtatanong lang ako. Sinu-sino sa inyo ang may kinalaman sa pagpatay kay kapatid na Lito Deluna Fruto? Ngayon sa araw na ito nais kong ipaalam sa inyo, sila ay inuusig na ng PANGINOONG DIYOS. “O AMA kong DAKILA gawin mong nararapat.” Kaya sila-sila rin ang magtuturuan at maghahayag ng lahat ng pangyayari. Hindi sila patutulugin at patatahimikin hanggang hindi nila nagagawang aminin. Nasaan ang kapatid na Danilo Patungan at ang kapatid na Felix Villocino? Ang tatlong yan tutumbasan ng aking PANGINOON ng patotoong bilang upang sapat na ikabagsak ninyo. Huwag ninyong iisipin na mag-aani ng mabuti ang masamang ginawa ng sinumang puminsala. Ang lundo ng kanilang ginawa ay ikapapahamak din naman nila. Subalit kung papanig sa mabuti bago maging huli ang lahat ay mapalad kayong matuturing sapagkat mabibigyang daan para kayo ay patawarin at hindi na masama sa mga nakatakdang singilin ng aking PANGINOON.
KAKALAGAN SA LUPA, KAKALAGAN SA LANGIT.. PAGTITIBAYIN? KAILANMAN HINDI LIKO ANG PANGINOONG DIYOS NA PATUTUKSONG PANIGAN ANG MASAMA.
Huwag ninyong ipilit dahil sinalita ng Ka Eduardo ay dapat na bang talian ng PANGINOONG DIYOS sa Langit ang lahat ng penekeng ulatan, talaan ng mga akay at misyon na inyong pinadodoktrinahan sa mga Lokal? Subalit kung hahanapin ay wala naman. Huwag ninyong sabihing na pinasyahan ng Ka Eduardo na kaniyang itiwalag ay kakalagan na rin ng PANGINOONG DIYOS ang maibigan ninyong kalagan dito sa lupa para pagtitibayin sa Langit? Subalit kung sisiyasatin ay hindi naging makatarungan pagpapasya na bunga lamang ng galit at hinanakit. Hindi liko ang PANGINOON. Hindi SIYA patutukso kaninuman para akitin ninyong panigan ang anumang maibigan ninyong gawin na nindi NIYA Kalooban. – Elias Arkanghel
KAYONG TAGAPAGTURO NG BANAL NA KASULATAN ANONG PAGKAUNAWA NINYO SA SALITANG PAG-IBIG? NASA INYO PA BANG ESPIRITU NG PAG-IBIG?
Kapuna-puna ang inyong paghihimagsik. Hindi na nagiging angkop ang inyong pakikitungo sa mga kapatid na hindi nakagagawa ng pabor sa inyo. Kahit nagsasabi na ng Buong Katotohanan ay ipatitiwalag pa rin ninyo. Matatalim na kayong mangusap lalo na sa panig ng mga nagtatanong lamang, dahil sa kanilang kalituhan. Nawala na ang katutubong pag-iibigang magkakapatid na nakusulat sa BIBLIA na hinubog sa pagtuturo sa atin noon ng kapatid na Felix Y. Manalo ang Sugong Lider sa mga Huling Araw at ang Lihitimong Tagapamahalang Pangkalahatan ang kapatid na Erano G. Manalo. Itinuturo mo sa amin na aming gawin ang turo ng Sugong Lider subalit ikaw ang hindi nanghawak. Ikaw ang gumiba ikaw ang hindi nakasunod. Ibang-iba kaysa sa kanilang kapanahunan ang turingan sa mga magkakapatid sa Iglesia, kaysa sa kapanahunan mo ngayon kapatid na Eduardo V. Manalo. Malinaw sa panahon mo namamayagpag ang inilalarawan pahayag ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Nasa sariling sambahayan ang kaguluhan! Nag-aaway-away na ang magulang laban sa anak. Hanggang sa ang kapatid na mismo ang nagiging sanhi ng pagpatay sa karapatan ng kapwa niya kapatid para ipagkanulo ito at ipatiwalag. Kaya buong katotohanan kapatid na Eduardo V. Manalo kayo ang nagbubunsod ng himagsikan at kaguluhan para maglaban-laban ang magkakapatid sa Iglesia. Sa PANIG NA NG MASAMA. Kaya nawala ang kapayapaan. Nawala ang paggagalangan. Nawala ang pagmamahalan at ang PAG-IBIG na ipinag-uutos na marapat sundin ay bukang bibig na lamang ninyo na inyong iniibig ang nagsisiibig na lamang sa inyo. Ang PAG-IBIG ay winalan ninyo ng halaga bunsod ng kaguluhang nilikha ninyong pamiminsala sa mga kapatid sa Iglesia kung kaya napahintulutang maipamukha pa rin sa inyo ng PANGINOONG DIYOS ang mga kasuklam-suklam ninyong mga gawa. Mga mahal kong kapatid, anong aral at katuruan ang higit na pinipinsala na ninyo? Dapat ninyong maunawaan yung PAG-IBIG na pinakamahalaga sa lahat! Bakit buong giting na ipinahihintulot na maituro ninyo ito sa kapulungan ng Pagsamba nito lamang huling Pagsamba na may petsang ika- 24, 25 ng buwan ng Mayo taong 2017? Bakit nga kaya? Dahil ang totoo, ang pinaka-totoo kayo ang tunay na pinaaalalahanan ng PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kung bakit? Inaalis ninyo ito sa mga magkakapatid. Inaalis ninyo ito sa mga magulang at mga anak. Inaalis ninyo ito sa bawat sambahayan. Inaalis ninyo ito sa aming lahat na magkakapatid sa Iglesia ni Cristo. Gusto pa ninyo kaming turuan na maging suwail sa aming mga magulang. Subalit hindi mangyayari yun. Dahil mayroon mang nakagawa niyon sa panig ng mga nakalimot lamang, at yan ay dahil na rin sa udyok ninyo sa kanila sa pamamagitan ng kakaibang mga tagubilin. Dahil sa pag-ibig ang PANGINOONG DIYOS at ang Panginoong Jesu-Cristo ay ibinabalik na ng PANGINOONG DIYOS yan sa bawat sambahayan ng mga tapat na Iglesia ni Cristo. Isinasaayos na ang mga damdamin nila. Dahil mulat sila sa katotohanan na hindi mabuting nagkakagulu-gulo sila dahil sa pagsunod lamang sa katuruan pantao. Dahil napag-uunawa na nila ang Pamamahalang totoong mula sa PANGINOONG DIYOS ay nagmamalasakit at lumilingap sa sariling sambahayan, puspos ng pagmamahal at pag-ibig sa kaniyang mga pinangungunahan. Kaya tinatawagan na kayo ng pansin ng ating PANGINOONG DIYOS mga kapatid hindi na mabuti ang pamamaraan ninyo sa pagpapatibay.
Mga mahal kong kapatid, dahil sa pinili natin yung pinaka-mabuti. Dahil hindi natin ginagawa ang ibig nilang mga ipagawa sa atin na hindi na Kalooban ng PANGINOONG DIYOS kaya ano ang magiging damdamin nila sa inyo? Tiyak ng magagalit at kapag nalaman nilang sinusuway ninyo ang kanilang mga tagubilin na huwag magkakaroon ng simpatya sa mga mahal ninyo sa buhay na kanilang itiniwalag…. ay ibibilang na rin nila kayo sa mga ibig nilang mangatiwalag. Kaya dahil diyan 22 Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin; ngunit ang manatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas. Mahalaga ang kaligtasan natin kung kaya hindi natin ipagpapalit dahil lamang sa pagsunod na naayon sa kalooban na lamang nila na hindi na Kalooban ng ating PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang mga ipinasusunod nila sa atin. Kaya nga sa panig ng mga Hinirang huwag kayong magtaka kung nanggagalaiti at nagagalit sila sa atin. Alam ninyo kung bakit mga mahal kong kapatid? Dahil taglay natin ang pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Ang IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG na inaakala nila na tayo ay nag-aangkin na subalit ang buong Katotohanan ay ito pa rin IGLESIA NI CRISTO na mamamalaging hindi matitinag ng anumang pamiminsala nila. Kaya nga ang bilin 23 Kapag inuusig nila kayo sa isang bayan, tumakas kayo sa kasunod. Ang pahayag na ito ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay punung-puno ng pagmamalasakit kaya’t inyong dinggin mga mahal kong kapatid. Napahihintulutan kayong dumalo ng Pagsamba sa kabilang bayan o mga Lokal na hindi kayo magagambala para matakasan ang kanilang pamiminsala at panggugulo. Sinasabi ko sa inyo: hindi pa ninyo napupuntahan ang lahat ng bayan ng Israel ay darating na ang Anak ng Tao. Tumagal man na magkagayon kayo sa kalagayan, ay tinitiyak ng Panginoong Jesu-Cristo na hindi na ninyo mapupuntahan ang lahat ng bayan o Lokal sapagkat tulad ng Kaniyang sinabi ay darating na ang Anak ng Tao. 24 Walang alagad na higit kaysa kanyang guro, at walang aliping higit sa kanyang panginoon. Batid ninyo ang sakripisyo ng ating Panginoon. Hindi man natin danasin ang naging karanasan Niya na paghihirap at kapighatiang sinapit ay nakabahagi na kayo ng Kaniyang pagsasakit. 25 Masiyahan ang alagad na matulad sa kanyang guro, at ang alipin na matulad sa kanyang panginoon. Kaya nga hindi matutumbasan ang kasiyahan natin bagama’t alipin lamang sa piling ng Panginoon na Siyang MABUTING GURO ay sa Kaniyang mga katuruan na tayo manghahawak . Kaya nga Kung ang puno ng sambahayan ay tinawag nilang Beelzebub, lalo na nilang aalimurahin ang kanyang mga kasambahay! Kaya hindi kataka-taka na tayo na kaniyang mga Hinirang ay akusahang sa diablo din raw ang ating ginagawa. Hindi pala iba sa iniisip nila sa ating Panginoong Jesu-Cristo noon. 26 Kaya huwag kayong matakot sa kanila. Walang natatago na di malalantad, o nalilihim na di mabubunyag. Kaya maipagkakaila man nila ito sa buong kapatiran ng Iglesia ni Cristo kahit ang pinaka-tagu-tago nila subalit tiniyak ng Panginoong Jesu-Cristo na malalantad at mabubunyag ang pinaka-lihim-lihim ninyong lahat. Kaya ang karagdagang bilin ng Panginoong Jesu-Cristo ay 27 Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim, ulitin ninyo sa liwanag; at ang ibinulong sa inyo ay inyong ipagsigawan. Ito ang kasalukuyan nating ipinagmamalasakit ngayon ipinararating hindi lang sa pinagdidimlan ng pag-iisip kaya ibinabahagi din sa mga nasa maliwanag pa ang kaisipan. Tinanggap ninyo ito sa kaparaanan kayu-kayo lang subalit ipasisigawan o ipapaalam natin sa lahat. Kaya ipagmalasakit ninyo mga mahal kong kapatid 28 Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi nakapapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo’y ang nakapapatay ng kaluluwa at katawan sa impiyerno. Malinaw na nababanaagan ng ating Panginoong Jesu-Cristo may magaganap na pagpatay tulad ng ginawa kay kapatid na Lito De Luna Fruto. Alam na alam ng ating Panginoon darating ang panahong ito na may magsasagawa talaga sa kanila ng pagpatay. Sino ba ang mainit sa mga Apostol ng panahong yan ng itinuturo ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang mga binabasa nating hanay ng mga talata na nakasulat sa Banal na Kasulatan? HUWAG SILANG KATAKUTAN! 29 Hindi ba ipinagbibili ang maya nang dalawa isang pera? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. 30 Maging ang buhok ninyo’y bilang na lahat. 31 Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa libu-libong maya.” Higit na mahalaga. Ang mga katagang ito ang mapanghahawakan nating lahat kaya walang dapat na ikatakot ang tapat na mga Hinirang. Ang kahalagahan natin sa KANILA kung ikaw ay nasa panig NILA ay sinong laban sayo. 32 Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Kaya kung kinikilala natin ang ating Panginoong Jesu-Cristo makita sa atin ang pagpapahalaga natin sa ating pagiging Iglesia ni Cristo. Kung nagpapahalaga tayo sa ating kahalalan ay matapat nating sinusunod ang KANILANG Kalooban. Kung matapat nating sinusunod ang KANILANG Kalooban ay pahalagahan natin ang pag-ibig sa ating kapwa. At kung taglay mo ang Pag-ibig na pinakamahalaga kaysa sa pag-asa at pananampalataya sapagkat ang pag-big ang mananatili magpakailan-kailanman. Hanggang saan? Hanggang doon sa Bayang Banal ay mapalad kang maihaharap Niya sa ating DAKILANG AMANG BANAL. 33 Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit.” Kaya nagagawang maitatwa kung hindi makita sa atin ang lahat ng mga mabuti Niyang katuruan sa atin. Dahil diyan inilalarawan ang kahalagahan talaga ng PAG-BIG sa Kaniyang utos. Anong magagawa nito? Mapatutunayan natin ang ating katapatan sa DAKILANG PANGINOONG DIYOS kung taglay natin ang salitang PAG-IBIG na hayag sa iniisip, sinasabi at ginagawa natin na pawang nakabatay ang lahat sa Banal NILANG Kautusan na nakasulat sa Banal na Kasulatan.
MATEO 22: 35-40 MB 35 At isa sa kanila, isang dalubhasa sa Kautusan, ang nagtanong kay Jesus upang subukin ito: 36 Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan? 37 Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. 38 Ito ang pinakamahalagang utos. 39 Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. 40 Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.”
Ang PAG-IBIG na ito kapatid na Eduardo ang mahalagang masangkap sayo. Para maipaglingkod mo na maituro sa lahat. Pinakamahalagang kautusan para malunasan ang kawalang kapayapaan sa loob ng Iglesia. Kilalanin mo ang mga nagbibigay payo sayo. Sa bawat pagpapayong ibinibigay nila sayo ay timbangin at aralin mo na sangkapan ng PAG-IBIG bilang pagpapahalaga mo sa Banal na Kautusan ng PANGINOONG DIYOS at ng Panginoong Jesu-Cristo. Muli mong kilalanin ang iyong Ina, ang iyong mga kapatid, lalo na ang Ka Angel, Ka Lottie at Ka Mark. Muli mong ibalik ang pagmamahal mo sa lahat ng mga nagmamalasakit lamang sa kanila. Muli mong pairalin ang PAG-IBIG sa lahat ng mga ministrong inalisan ninyo ng karapatan. Bigyan ng pagkakataon ang lahat! Ayusin mo ang IGLESIA. Anomang mga pagkakautang mo ang PANGINOONG DIYOS na ang maniningil nito sayo. Kaya anuman ang mangyari ang KANIYANG Kalooban ang mapangyayari hindi ang kagustuhan ng tao.
Kung napatawad ka na nga ng PANGINOONG DIYOS. Ipakita mong dapat ka ngang tawaging Lider o Pamamahala na may matibay at matuwid na desisyon na hindi napadadala sa iba. Ibalik mo ang lahat… marami ang muling gagalang at kikilala sayo. Anuman ang naging pagkukulang mo sa mga kapatid ay mapupunan na ng PAG-IBIG mo sa lahat. Muli mong hingin sa PANGINOONG DIYOS at sa Panginoong Jesu-Cristo ang tulong NILA. Walang dahilan para ipagkait pa sayo. Dahil nakatitiyak ang PANGINOONG DIYOS at ang Panginoong Jesu-Cristo na ikaw ay ganap na ngang nagbabago at nagsisisi ng totoo. Mapag-uunawa ng lahat ang anumang sigalutan ay mapapalitan na ng Kapayapaan. Dahil mauunawaan na rin ng lahat ang PAG-IBIG ANG LUNAS na siyang pinakamahalagang masangkap sa lahat ng tao. – Elias Arkanghel
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap #PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa #ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap
#SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM #PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa
#INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever #IamTheOneWithEVM
Marami pong salamat mahal naming kapatid sa mga patuloy mo pong pagmamahal at paalala sa lahat. Patuloy po sana kaming kasama sa inyong mga panalangin para mapagtagumpayan ang mga matitinding pagsubok sa buhay. ❤
LikeLike