KANINO KUMAKATAWAN ANG OCTOPUS NA IPINAPANAGINIP NG PANGINOONG DIYOS SA ISANG HINIRANG? ANONG NAIS IPAUNAWA? ISANG ULO NA NAGMAMANDO SA LAHAT. WALONG GALAMAY NA TAPAT SA PINAKAPINUNO. AT ANG MARAMING NAKAKAPIT NA MGA SIPSIP SA GALAMAY. SINU-SINO ANG PINATUTUNGKULAN? ANO ANG MAITIM NILANG PLANO NA HINAYAG NG PANGINOONG DIYOS? – Elias Arkanghel
Nasa isang lugar daw po ako tapos po may mga kasama ako mga kapatid din ang panahon po noon ay makulimlim pero hindi po naulan. Araw po noon ng pagsamba may diakono at manggawa sa Tribuna. Ngunit nagtaka ako dahil ang tumayo sa tribuna ay babae medyo nagtawanan pa po ang ibang kapatid dahil maliit sya, Ibinaba nya ang mic para makapagsalita. Tapos po nag-umpisa na sya magtexto. Ang texto po niya tungkol sa mangyayaring paggunaw may tsunami raw at magkakaroon ng isang napakalaking octopus na syang aagaw daw po sa mga kayamanan ng Panginoon. Isang term niya na ginamit po niya sa salitang octupus ay iba po. Ipinagtanong ko nalang po kung anu ba yung tinutukoy niya? Pagkalabas po namin may napansin akong daan sa kaliwa ang sabi ko po “Oh! May daan pala ditong mas malapit at madali bakit hindi tayo dito dumaan? “Kasi po may daan sa bandang kanan pero medyo malubak at malayo po, yung sa kaliwa po ay patag.
– Kapatid na Justine
=======00000000000000000OOOOOOOOOO0000000000000000000000========
Narito mahal kong kapatid ang tulong na ipinaunawa ng PANGINOONG DIYOS sa panaginip ng kapatid na Justine: Nakatakda ng maging mapanglaw ang kalagayan ng Iglesia sa hinaharap. Sa tagpong yan hindi pa dumarating ang sunud-sunod na pagsubok na sumasagisag sa ulan. Huwag mabibigla ang lahat huwag kayong magtataka sa mga Pagsambang darating sa hinaharap may magtuturo ngang kababaihan tulad ng ipinauunawa ng PANGINOONG DIYOS sa pinapanaginip NIYA sayo. Kaya pinahintulutang maipakitang muli dahil kaugnay na rin ito sa ipinakita rin sa panaginip ng isa sa ating mga Ka Hinirang na may nagtuturong babae sa panahon ng pagkakatipon. Patotoo lamang ito sa patotoo ng PANGINOONG DIYOS na mayroon ngang magaganap nito sa Iglesia sa hinaharap. Ipinauunawang pangangatwiranan nga nila na kung ang mga babaeng guro nga sa Pagsamba ng Kabataan ay napahihintulutan nila, bakit ang babae sa pangangaral sa kapulungan ng mga Pagsamba ay walang dahilan para hindi pahintulutan sa ikagagaan ng gawain ng Iglesia. Ngunit iba ang totoong layunin. Sa panahong yaon ang babaeng nagtuturo ay may mas higit pang mataas sa karapatan kaysa sa manggagawa na naroroon lamang. Maipangangasiwa nga nila ang nalalapit na araw ng pagkagunaw o sa higit sa pinatutungkulang Pagkawasak. Pagkawasak ng Sambahayang itinatayo nila sa buhanginan na ang pundasyong ginamit ay mahina at marupok. Ang pagkawasak ay magmumula sa Octopus na pinatutungkulan na kung hindi tayo gagabayan ng Banal na Espiritu ay hindi natin mapag-uunawa kung saan ito sumisimbulo. Isang uri ito ng halimaw kung banggitin na nasa karagatan. Mayroon itong isang ulo o namamahala sa buong katawan nito, na may walong galamay na inilalarawan na sa kaniya ay sunud-sunuran. (Kung bakit walo (8) na lang ang tapat, sa kabila na sampu (10) sila kasama ang Pinuno sa bilang ay nangangahulugang may isa na kabilang sa siyam (9) na kasama nila ang inaakala nila na tapat pa sa kanila subalit lihim na silang minamatyagan na hindi nila matutukoy kung sinuman sa kanila ang isang pinatutungkulan … Siya ang gagamiting bibig ng PANGINOONG DIYOS sa hinaharap para patotohanan ang mga mapaminsalang ginawa nila sa Iglesia. Siya rin marahil ang parang Uzi ang bibig na magpapahayag ng laban sa kanila sa takdang panahon na uudyukan ng PANGINOONG DIYOS upang ihayag na sila.) … maitim ang tinta nitong Octopus na kapag sumaklob sa buong paligid halos wala ka ng makikita. Ngunit higit na mapanganib ang laway nito na nagmumula sa bibig kapag nakagat ka. Itinuturing nilang lason na pipinsala sa sinumang makagat nito. Yan ang panganib at malaking pinsala na magagawa ng dambuhalang halimaw sa karagatan. Kaya itinuring na nating dambuhala dahil napakalawak na ng kapangyarihan ng pinatutungkulan na kayang impluwensyahan ang sinuman. Ang pugita o Octopus na ito na ipinapanaginip ng PANGINOONG DIYOS ay may mga taong pinatutungkulan na nabibilang sa isang kalipunan o grupo lamang na ang PANGINOONG DIYOS din ang may ibig na unawain nating mabuti ang Mensaheng napapaloob sa pinatutungkulan..
IPINAUUNAWA KUNG SINU-SINO ANG NAPAPALOOB SA OCTOPUS
Ang Octopus na ito ay ipinauunawa sa atin ng PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Diwa ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa udyok ng Banal na Espiritu ay ang Ka Eduardo mismo na siyang kumakatawan sa pinaka-ulo. At ang walo sa kaniyang mga katuwang na Sanggunian ang sumasagisag na pinaka-galamay. At ang bawat galamay o Sanggunian ay may mga bilog na kumakatawan naman sa mga sipsip na Tagapangasiwa o mga sunud-sunuran na mga ministro na derektang naka-ugnay din sa pinaka-ulo. Sila ang bumubuo sa Octopus na pinatutungkulan sa panaginip ng isang Kapatid na Hinirang. ( Kaya kawawa ang mga mabubuti pang ministro o manggagawa na hapis na hapis na sa kanilang kalagayan na hindi lang magawang kumawala sa pangangasiwa ng Ka Eduardo dahil sa takot na wala na silang mapupuntahan at kung iiwan ang kanilang karapatan ay maaari pang ikatiwalag nila kasama ang kanilang sambahayan. Kung mamasamain pa kung anu-anong akusasyon pa ang gagawin sa kanila at pagbibintangan ding kumakalaban sa kanila kasunod ay walang katapusang kaligaligan kahit saan ay susundan ng panggugulo at pamiminsala sa kanila. )
ANO ANG MASAMANG PLANO NILA KA EDUARDO NA INIHAYAG NG PANGINOONG DIYOS?
Kaya nga, ang Octopus na ito ipinakilala sa atin ay nagtataglay ng masamang kaisipan tulad ng inilalarawan sa panaginip na plano na nilang agawan ng kayamanan ang PANGINOON DIYOS. Papayag ba ang DAKILANG PANGINOON natin? Alam natin na hindi papayagan ng PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS na sila ay magtagumpay sa anumang masamang naisinin nila. Kung kaya muling nangusap ang PANGINOONG DIYOS natin sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa Udyok ng Banal na Espiritu sa panaginip ng isang Ka Hinirang at maging sa iba pang kinalulugdang NIYA na indibidwal na Hinirang sa Banal na Gawain NILANG ito, sa panahong mahimbing at habang nasa kalaliman at kasarapan na ng tulog ang isa’t-isa upang alarmahan tayo sa napipintong lalo pang pamiminsala nila. Ibig tayong tawiran ng PANGINOONG DIYOS ng mga mahahalagang Mensahe NIYA para tayong mga Hinirang NILA ay maipagmalasakit ng hindi magiba ang ating pag-asa, pananampalataya at pag-ibig natin sa KANILA. Kung bakit mayroong mga ganito ay upang kahandaan sa mga kaganapan sa pangkasalukuyan ay may mga pag-iingat na dapat maisaalang-alang. Gayundin naman, maipaunawa sa lahat ng kinauukulan pinatutungkulan maituwid ang mga kamalian at ipaunawa ang marapat at tama nilang gawin. Sapagkat ninanais ng PANGINOONG DIYOS na sila ay bigyan muli ng paunang babala upang huwag silang tuluyang mapahamak partikular na sa mga higit na pinatutungkulan NIYA sa panaginip na itinulad sa Octopus. Pag-ibig at pagmamalasakit pa rin ng PANGINOONG DIYOS at ng Panginoong Jesu-Cristo ang nananaig para muling mapaalalahanan sila at ang buhay ang piliin huwag ang kamatayan na mag-aalis sa kanila ng karapatan sa Bayang Banal ay makapanirahan na laan lamang sa magtatapat hanggang kamatayan.
ANO ANG MARAPAT NA GAWIN NG HUWAG MAHULOG SA MASAMANG PLANO NILA SA PAGKAMKAM NG KAYAMANAN NG PANGINOONG DIYOS?
Kaya nga sa kabila ng lahat magpapatuloy at hindi na babalikwas at pinili na nilang magpakasama sa halip na magpakabuti. Mga mahal kong kapatid paki-bantayan ninyo ang lahat ng itinuturing pa ninyong mga ari-arian. Sapagkat kikilos sila ayon sa paglalarawan ng PANGINOONG DIYOS kaugnay sa mga kasalukuyang panaginip ng mga kapwa Hinirang. Alalahanin ninyo ang paggamit nila ng terminong “DONASYON” na nai-texto nila sa nakaraan. Diyan napapaloob ang kanilang masamang plano. Lalo na nagpahiwatig sila “na maaring donasyon na lupa para ipagamit sa Iglesia” “maaari ding inyong tahanan” Pati na kayo mga kapatid na humahawak ng mga maseselang dokumento ng mga kayamanang hindi mabilang-bilang na inihabilin lamang sa inyo. Huwag kayong papayag at magtitiwalang sila ang humawak niyan dahil hindi nila kaukulan yan. Tanong lang sinu-sino sa inyo ang nagtiwala na, na hawak na nila ang mga nasabing maseselang dokumento? Anong kalagayan ninyo ngayon? Itiniwalag na rin ba nila kayo para wala ng habol na makuha ang nasabing dokumento o kayo ay nasa pangangalaga pa rin nila at napangangakuan? Nagtatanong lang! Kaya mapagbantay kayo hindi na mabuti ang iniisip nila. Sino ba ang may sabi? Ang PANGINOONG DIYOS mismo na nangungusap sa panaginip. Sa pagmamalasakit NILA sa ating lahat kung kaya SILA nagpapahiwatig.
BAYAN NG PANGINOONG DIYOS ANG SINASAWAY NG PANGINOONG DIYOS NA SISINGILIN NIYA SUBALIT ANG IBANG RELIHIYON ANG PILIT NA IPINAUUNAWA NG KA EDUARDO SA KANIYANG PAGTUTURO SA KAPULUNGAN NG MGA DUMALO SA WEBEX NIYA.
Paano natin malalaman ang plano nila? Huwag kayong magpapabaya sa Pagsamba. Sa mga pag-aaral sa panahon ng pagkakatipon ay naitatawid ang mga mahahalagang Mensahe na napatutungkol sa mga ginagawa nating paglilingkod sa kasalukuyan na hindi nila namamalayan na sila na ang pinatutungkulang sinasaway ng PANGINOONG DIYOS subalit pilit ipinatutungkol nila sa ibang relihiyon para ilihis ang tuon sa kanila. Dinadaya na lang ng Ka Eduardo ang kaniyang sarili ibinabaling ang sisi sa ibang relihiyon samantalang ang binanggit na sisingilin ay magmumula sa bayan ng PANGINOONG DIYOS. Hinayag ka lang Ka Eduardo ng PANGINOONG DIYOS sa pangangasiwa mo sa WebEx kanina at kahapon na may petsang June 18, 17, 2017 na tila natataranta kung paano gagamitin ang panghalip na aayon sa sarili mong paliwanag bagama’t alam mong kayo ang pinatutungkulang sisingilin na ng PANGINOONG DIYOS.
DAPAT BANG KABUUAN NG MGA KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO ANG BUNTON NG SISI O ANG BAWAT INDIBIDWAL LANG NA NAGKAKASALA NA GUMAGAWA NITO?
Teka kapatid na Elias Arkanghel doon nga nila tayo na nanakawan! Kaya bakit pa kami magpapatuloy sa Pagsamba? Tanong sa akin ito ng isang kapatid. Subalit matatag ang ating bilin na huwag nahuwag na hindi kayo Sasamba mga mahal kong kapatid. Sapagkat hindi kasalanan ng IGLESIA NI CRISTO ang kasalanang ginagawa ng indibidwal na kaanib nito. Indibidwal lang ang may kasalanan hindi ng kabuuan. Namamalagi ang Kabanalan ng Iglesia ni Cristong ating pananampalatayang pinanininndiganan. Nakalulungkot nga lang na nasusumpungan pa sa hanay pa ng mga pangunahing dapat pakinggan. Kilala ba sila ng Panginoong Jesu-Cristo? MATEO 23 : 3 MB 3 Kaya’t gawin ninyo ang itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos. Ngunit huwag ninyong tularan ang kanilang gawa, sapagkat hindi nila isinasagawa ang kanilang ipinangangaral. Sa ngayon kinikilala pa. Kilalang-kilala sila ng Panginoong Jesu-Cristo. Tuwirang binanggit sila ang mga tagapagturo. Lamang tulad ng ipinag-uutos ay pakikinggan pa rin natin sila gagawin natin yung mga iniuutos nila na naayon sa Kalooban ng ating PANGINOONG DIYOS. Kaya hindi marapat na idinadamay ang Pagsamba na walang kinalaman sa mga katiwaliang ginagawa nila. Paano nila nagagawa ang mga katiwalian? Unawain natin ang mismong pangungusap ng PANGINOONG DIYOS kaugnay sa masama nilang plano na kanilang aagawin ang kayamanan NIYA mismo. MALAKIAS 3:8 NPV 8 “Ang Dios ba’y dapat pagnakawan ng tao? Gayunma’y pinagnanakawan ninyo ako. “Ngunit itinatanong ninyo, ‘Paano ka namin ninanakawan?’ “Sa mga ikapu at mga handog. Kaya ngayon alam natin kung paano nila nagagawang pagnakawan ang PANGINOONG DIYOS natin. Sa pamamagitan ng mga handog natin o mga iniaabuloy. Wala silang maitatago. Alam na alam ng PANGINOONG DIYOS na pinagnanakawan SIYA ng mga kumakatawan sa Octopus. Malinaw naman eh na sila ang tuwirang mananagot sa ating PANGINOONG DIYOS kung ninanakaw nila ang ating mga handog. Kaya gawin natin ang ating mga mabuting kaukulan. Dahil ang paghahandog ay tunay na kaukulan ng bawa’t isa sa atin at kaakibat na ito ng ating pagka-Iglesia ni Cristo noon pa man. Tungkulin natin yan na hindi sa utos ng tao. Ayon sa pasya ng inyong puso hindi napipilitan lamang. Kaya nga huwag na ninyong alalahanin kung naisasagawa ninyo lagi ang nakapagbibigay ng masaya at nakapag-hahandog na magaan sa inyong kalooban. Dahil diyan dapat na kayong pumanatag mga mahal kong kapatid. Lahat ng yun nakita ng PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo kaya gagantihan NILA ng pagpapala ang inyong buhay at pamumuhay kaalinsabay dadaloy ang mga biyaya sa inyong mga tahanan. Kaya magpapatuloy tayo sa mga Pagsamba natin at paghahandog. Gagawin natin yan dahil nauunawaan natin ang mga pagpapayong ito na inyong nababasa ay hindi mula sa akin kundi mula sa DAKILANG PANGINOONG DIYOS natin at sa ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo natin. Lalo na ngayon napahihintulutan tayo na maghayag ng kasuklam-suklam nilang mga gawa na ang PANGINOONG DIYOS ang may ibig na taglayin nila ang kahihiyan. EZEKIEL 44:13 NPV 13 Hindi sila maaaring lumapit sa akin para maglingkod bilang mga saserdote o lalapit sa aking mga bagay na banal o sa aking mga banal na handog. Dapat nilang taglayin ang kahihiyan ng kasuklam-suklam nilang mga gawain. Kung hindi natin ipamumukha sa kanila ang kasuklam-suklam nilang mga gawa gaya ng pag-uutos ng PANGINOONG DIYOS paano nila tataglayin ang kahihiyan? Kung ito ang KANIYANG Kaparaanan sugatan sila ng Tabak ng Katotohanan at piliin pa rin ang buhay, ay may pagkakataon pang ibinibigay ang PANGINOONG DIYOS alang-alang sa napaka-Dakilang pag-ibig NILA sa lahat ng KANIYANG nilalang.
KA EDUARDO AYAW MO NG OPINYON O SARILING KURU-KURO NG KAHIT SINUPAMAN PERO GUMAGAMIT KA NG REPERENSYA NG IBANG MANUNULAT. ANO BA TALAGA?
Sa’yong pagtuturo na lagi mong ginagamit ang mga salitang “sapagkat hindi opinyon ang ating pag-uusapan hindi sariling kuru-kuro ng kahit na sinupaman. kundi kung ano ang nakasulat sa mga Banal na Kasulatan na siyang Katotohanan na dapat sampalatayanan ng lahat ng tao. ” E bakit lagi kang gumagamit ng reperensya na mula sa ibang opinyon ng mga manunulat? Pagkatapos babasahin mo sa kapulungan ng mga Sumasamba na nagagawa mo pang kutyain sila para pagtawanan. Aminin na natin na mahalaga ang opinyon ng iba. Mahalaga rin ang kuru-kuro ng iba, sapagkat naitutuwid naman ito sa paggamit ng Katotohanan ng PANGINOONG DIYOS, mula sa KANIYANG mga Karunungan na nakasulat sa BIBLIA o sa Banal na Kasulatan para mabigyan ng kaunawaan ang lahat ng nakikinig, nagbabasa na dahil doon ay lumalapat sa Kalooban ng PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
HUWAG NG BABANGGITIN ANG IBANG RELIHIYON KUNG HINDI MAGIGING ANGKOP ANG PAGPUNA MO SA KANILA AT PAGKATAPOS GAGAWING KATATAWANAN LANG SILA
Kaya hindi mo kami mapaniniwala na hindi ka bumabatay sa mga kuru-kuro o pala-palagay ng iba. Disin sana wala kang ibang binabasa kundi BIBLIA o Banal na Kasulatan. At kung ipauunawa sayo Ka Eduardo lahat ng itinuturo mo sa Pagsamba ay sumasalamin sa mga pangyayari sa loob ng IGLESIA. Kaya huwag munang gamitin ang ibang relihiyon KUNG (uulitin ko KUNG, ibig sabihin may pasubali) hindi nagiging angkop ang pagpuna mo sa kanila. Ginagawa mo lang silang katatawanan na hindi marapat masumpungan sa isang Mangangaral ng Salita ng PANGINOONG DIYOS. Huwag mong hayaang gibain ang Iglesiang ito na Sambahayan ikaw mismo ang nagpapatibay ng pundasyon para huwag maging kalunus-lunos na pagkawasak at matulad ka sa isang mangmang na nagtayo ng bahay sa isang buhanginan.
HINDI BATAYAN NA IGLESIA NI CRISTO KA NA AY NAKATITIYAK KA NA SA KALIGTASAN. OO MALAKI NG BASEHAN SUBALIT MAY PAMANTAYAN ANG PANGINOONG DIYOS KUNG PAANO MASASABING MAHAHANAY TAYO SA KARAPAT-DAPAT NA ILILIGTAS. KAYA HUWAG PABIBIGATIN ANG SALITANG PAGHATOL NA WARING INILALAGAY NA SA KAPARUSAHAN.
Dahil malinaw na ang PANGINOONG DIYOS ang hahatol ng nasa labas o SIYA na ang magpapasya para sa kanila na kaibayo natin sa pananampalataya. Huwag ninyong pabibigatin ang salitang paghatol na waring inilalagay na ninyo sa kaparusahan. Alahanin ninyo sa magaan na termino ang paghatol ay pagpapasya. Kaya hindi marapat na sila ay kutyain sa halip ay unawain lalo na ang karamihan sa kanila wala pa talagang nalalaman sa kanilang mga ginagawa. Kaya hindi rin mabuti dahil sa Iglesia ni Cristo ka na ay parang nakatitiyak ka na sa sarili mo na ligtas ka na. May pagsusulit pang ginagawa ang PANGINOON. Kaya ikaw rin ang makauunawa kung paano ka mag-isip, kung paano ka gumawa, kung paano ka magsalita. Huwag kang makikiaayon sa magkabilang panig ng hindi nauunawaan. Kaya nga ang bilin ay KAWIKAAN 4: 27 Huwag kang liliko sa kaliwa o sa kanan; humakbang nang papalayo sa lahat ng kasamaan. KAWIKAAN 14: 12 May daang matuwid sa tingin ng tao, Ngunit kamatayan ang dulo nito. Kaya walang dapat kilingan. TITO 2: 15 Ipahayag mo ang lahat ng ito, at gamitin mo ang iyong kapangyarihan sa pagpapalakas ng loob at pagsaway sa iyong mga tagapakinig. Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman.
Ang bilin sa atin ay samantalahing makagawa ng mabuti. Tiyak namang makahihikayat tayo ng marami ng hindi naninirya sa ibang relihiyon. Sa halip tayo ang pangunahing gumawa ng mga Kalugud-lugod sa PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo na hahatak sa kanila para mahikayat na tayo ay tularan na rin.Alam naman natin ang PANGINOONG DIYOS ang maghahatid sa kanila sa atin. Kaya nga hindi mabuting inilalapit na ng PANGINOONG DIYOS ay itinutulak naman natin sila papalayo dahil sa pamamaraan ng pakikitungo natin. Kaya nga bago tayo lubusang muling manghikayat sa pagiging tapat na Iglesia ni Cristo ay masumpungan muna sa atin ang lahat ng ikatitibay ng kanilang pag-asa na tayo ang may pananampalatayang magdadala sa kanila sa kaligtasan. ang sariling bakuran natin sa loob ng Iglesia ang una nating linisin at ayusin bago ang manghikayat ng mga makakasama natin. Mag-aanyaya ka papasok pa lang sila ay punung-puno ng hinanakit ang isa’t-isa yung pag-ibig na paimbabaw ang napag-uunawa nilang ipinadarama sa kanila. Hayag na kapintasan na walang makitang mabuting dahilan para mamalagipaa siyang makapagpatuloy bilang Iglesia ni Cristo.
SA IKAUUNAWA KUNG SINO ANG NANGUNGUSAP SA PANAGINIP?
Mga mahal kong kapatid muli ipagmamalasakit natin na maipaunawa. JOB 33: 14-18 NPV 14 Pagkat ang Dios ay nagsasalita – ngayon ay sa ganitong paraan, mamaya ay sa iba naman – bagaman maaaring hindi iyon naunawaan ng tao. 15 Sa isang panaginip, sa isang pangitain sa gabi, kapag ang mga tao ay nahihimbing sa pagtulog samantalang nagpapahingalay sa kanilang higaan, 16 maaari siyang mangusap sa kanilang mga tainga at takutin sila ng mga babala, 17 upang manumbalik sila mula sa paggawa ng masama at ilayo siya sa pagpapalalo, 18 upang iligtas ang kanyang kaluluwa mula sa hukay, ang kanyang buhay mula sa pagkitil ng tabak. Walang alinlangan mga mahal kong kapatid ang PANGINOONG DIYOS ang nagsasalita sa isang panaginip at isang pangitain. Kung kailan ay sa panahong mahimbing sa pagtulog ang KANIYANG kinalulugdan. Para saan nauukol ang Mensahe ng PANGINOONG DIYOS? Para magbigay ng babala at bigyan tayo ng pagkaunawa sa maaaring maganap! Dahil ibig niyang bumalikwas at muling gumawa ng mabuti ang pinagpapaabutan NIYA ng Mensahe gaya ng sabi, sa ganitong paraan na pinatutugkulan sa mismong nakapanaginip, (paki-unawa) mamaya sa iba naman (hindi na sa mismong nanaginip) o sa totoong pinatutungkulan na bagaman hindi napag-uunawa ng mismong nakapanaginip ay isasangguni niya nga ito sa binigyan ng makaunawang makapagpaliwanag ng kaniyang panaginip…. Bakit kailangan sumangguni? Para alamin ang kahulugan ng kaniyang panaginip na hindi nauunawaan ng tao. Mga mahal kong kapatid malinaw na hindi nauunawaan ng tao kung kaya kailangan talagang sumangguni doon sa inuudyukan ng Banal na Espiritu ng PANGINOONG DIYOS na may Gabay ng Karunungang ibinigay sa Panginoong Jesu-Cristo na magpapaunawa sa kahulugan ng panaginip ng tao. Kaya napakamahalagang kilalanin natin na nangungusap ang PANGINOONG DIYOS. Para ano? Upang magligtas ng kaluluwa tulad ng inilalarawan sa panaginip ng ating mahal na kapatid patungkol sa trahedyang magaganap na maiwasan ng mga pinatutungkulang binanggit na naroroon sa panaginip, na sila ay huwag madala sa hukay, at ang kanilang buhay maiwasang makitil ng tabak o ng sandatang gagamitin na binanggit sa panaginip.
– Elias Arkanghel S06182017PT1148PM
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap #PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa #ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap
#SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM #PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa
#INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever #IamTheOneWithEVM
Magandang araw at gabi po sa inyo mahal na Ka. Elias Arkanghel.
Magandang araw at gabi po sa lahat ng mga kapatid na Ka-Hinirang.
Nawa’y bigyan ng malaking pagpapahalaga ng ating mga kapatid sa loob ng Iglesia Ni Cristo ang mga pangungusap ng ating PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng pagsasalita NIYA sa “PANAGINIP”. Ito ang kahayagan ng walang maliw NIYA na Pag-ibig sa kanyang mga lingkod na tayo’y kanyang “Babalaan”.
Maraming salamat sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa Panginoong Jesu-Cristo, at pinagkalooban NILA ng karunungan ang ating mahal na kapatid ang Ka. Elias Arkanghel na makapagpaunawa ng mga “PANAGINIP at PANGITAIN”.
Ang inyong kapatid sa Panginoon,
Gregorio Pilar
LikeLiked by 1 person
Nagkaroon din po ako ng dream na halos ganyan nuon, sa kanan ay madilim yung tinatapakan ko at sa kaliwa lang ang maliwanag. Diba’t sa mga pagsamba po sa tribuna tinatanong ng nangangasiwa kung saan ka ba? Sa kanan (one with evm) o sa kaliwa? Nung nanalangin po ako sa Ama dahil naguguluhan ako yan po pinakita NIYA sa panaginip ko kinagabihan. Madilim po sa kanan, sa kaliwa lang may daan.
LikeLiked by 1 person