Maraming-maraming salamat po AMANG BANAL na aming Pinakamamahal … Salamat din po sayo Pinakamamahal naming Panginoong Jesu-Cristo sa patnubay ng Banal na Espiritu umaagapay sa mga Hinirang. Kaya patuloy namin KAYO na aawitan ng mga pagpupuri.
AWIT 59:16 NPV 16 Ngunit aawit ako tungkol sa iyong kalakasan. Pagsapit ng umaga, aawitin ko ang ‘yong pagmamahal; pagkat ikaw ang aking muog, ang kanlungan ko sa panahon ng bagabag.
HABANG KAMI AY NALULUMBAY SA MGA NAGAGANAP …. AMANG BANAL … AMANG BANAL … aawitan ka po namin lagi … isasatinig po namin SAYO ang taos pusong pasasalamat … ibig rin naming isatinig ang pasasalamat po namin sa PINAKAMAMAHAL mo pong Anak, sa aming mahal na Panginoong Jesu-Cristo. Napakabuti NINYO po sa amin… napakabait NIYO po sa aming lahat. AMA …. AMANG BANAL …. napakasarap damhin ang mga himig na ito … habang umaawit kami sa aming pag-iisip … PINUPURI po namin KAYO … SINASAMBA … NILULUWALHATI … DINADAKILA.
…… IKAW po at ang Panginoong Jesu-Cristo ang aming nagugunita sa tuwing maririnig pa namin lagi ang mga himig na ito. Ibig naming yumakap po sa INYO. Pahintulutan NIYO po kami maaari po ba DAKILANG AMANG BANAL? Ayaw na naming bumitaw … ayaw na naming umalis…. gusto naming mamalagi sa INYONG piling … ibig naming manguyapit sa INYO ng mahigpit … ibig namin kasing makatiyak na maisasama MO po kami sa BAYANG BANAL … pati na ang mga mahal namin sa buhay. Kaligtasan, Kapayapaan hinahangad naming lahat … Sige na po … naglalambing lang ang IYO pong mga Hinirang… kami naman po ang yakapin NIYO … AMA … AMA … AMANG BANAL … Yakapin MO po kami isa-isa… pati na ang mga mahal namin sa buhay .. pakisama muna po… pakidalawin lagi na po ang aming Sambahayan o aming AMANG BANAL … maging ikaw Panginoong Jesu-Cristo maaari po ba? Lagi ka naman nasa tabi ng ating DAKILANG AMANG BANAL … kapag naririnig Mo po dumadalangin kami sa INYO ng ating AMANG BANAL at iniluluha na namin tulad po ngayon … ipakipaglambing Mo po ang aming mga kahilingan … ipakipamagitan Mo po ipakipagmakaawa na kami ay pasamahan NIYO … ng INYO pong isinusugong Banal na Espiritu … pakihabilin NIYO po kami sa mga Anghel na ipinapadala po NINYO sa amin, na kami ay maingatan nila, mabantayan, mapangalagaan po kaming lahat. Muli sa tuwing tinutugon NIYO po kahilingan namin.. heto po kami na naman ay napanatag… napawi ng lahat ng mga bumabagabag. Paano naramdaman ang INYONG mainit na yakap… pagmamahal NIYO po ito ang Kapangyarihan na sumaklob sa amin pagkatao. Salamat po … muli kaming lumakas, sumigla, tumibay at tumatag! Salamat po … maraming-maraming salamat po DAKILANG AMANG BANAL.. Salamat din po mahal naming Panginoong Jesu-Cristo! Mahal na mahal po namin KAYO… Mahal na mahal po namin KAYO! – Amen
AWIT 9:2 MB 2 Dahilan sa iyo, ako ay aawit na may kagalakan, Pupurihin kita, Panginoon naming Kataas-taasan.
AWIT 18:49 MB 49 Kaya, pupurihin kita’t aawitan Sa lahat ng bansa nitong daigdigan, Ako ay aawit sa iyong harapan.
AWIT 21:13 NPV 13 Sa taglay mong kalakasan, ikaw ay mataas, PANGINOON; kami ay aawit at magpupuri sa ‘yong kalakasan.
AWIT 9:2 NPV 2 Magagalak ako at magsasaya sa iyo. Aawit ako ng pagpupuri sa iyong pangalan, O Kataastaasan.
AWIT 59:17 NPV 17 O aking Kalakasan, aawit ako ng papuri sa iyo; Ikaw, O, Dios, ang aking muog, ang Dios kong mapagmahal.
AWIT 5:11 MB 11 Ang nagtitiwala sa ‘yo’y magagalak, Masayang aawit sila oras-oras; Iyong iingatan yaong mga tapat, Na dahil sa iyo’y lumigayang ganap.
Salamat mahal naming kapatid na Lovely Simone sa pagpapagal.. Napahintulutan ka ng PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo na kami ay matugtugan para ang mga Himig ng mga Pagsamba nating mga IGLESIA NI CRISTO na pawang mga HINIRANG NILA ay muling marinig, lalo na ang mga madamdaming awitin na waring yumayakap lagi ang Kapangyarihan ng PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS natin at dama maging ang pagyakap ng Panginoong Jesu-Cristo natin. Kapwa NILA tayo minamahal .. iniibig… tuwina na lang isinusugo NILA ang Banal na Espiritu na ngayon ay nananahanan na sa atin…. Kaya naman lagi natin SILANG aawitan ng buong puso, buong pagmamahal. Sapagkat kaparaanan natin ito sa lahat ng oras, pagkakataon o sandali na SILA ay Sinasamba natin. Mga mahal kong kapatid lagi na nating isasatinig o isasadiwa ang mga pag-aawitan ng Pagpupuri sa KANILA, nakatitiyak ako sa tuwing gagawin natin mararamdaman niyo nasa tabi natin SILA at tayo ay napagigitnaan ng ating DAKILANG AMANG BANAL at ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo habang minamasdan tayo isa-isa. – Elias Arkanghel
W10112017PT1143
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion#icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation#mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge#incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos#gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever #IamTheOneWithEVM
Reblogged this on IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG.
LikeLike