Ang Tatay Erdy ay hinding-hindi natin malilimutan. Lagi nating gugunitain ang taon ng kaniyang kaarawan tulad ngayong ika-2 ng Enero 2018, na kung nabubuhay pa sana siya ay ika-93 na niyang kaarawan. Patuloy natin na kikilalanin siya sa pagiging tunay at tapat na Lider. Nag-iisa nating pinaka-mabuting Tagapamahalang Pangkalahatan ng IGLESIA NI CRISTO na itinalaga ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo. Mamamalaging kaniya lang at kaniyang-kaniya lang ang titulo na pagiging Tagapamahalang Pangkalahatan, na kailanman ay hindi maaaring kunin, agawin ng sinuman kahit na siya ay pinagpahinga na ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS natin. Sapagkat yan ay nakalakip sa paunang Pahayag sa BIBLIA o hula na ipinagkaloob sa Espiritual na Paglilingkod para sa ating Tatay Erdy lamang. Kaya sa araw na ito ay kaalinsabay naman nating inaalaala at ginugunita rin, ang lahat ng Dakilang Tagumpay ng IGLESIA NI CRISTO sa buong panahon na pinangunahan at pinamahalaan niya tayo para sa Kapurihan, Kadakilaan at kaluwalhatian ng ating pinakamamahal na DAKILANG AMANG BANAL at ng mahal na mahal nating Panginoong Jesu-Cristo.
Ang Tatay Erdy kailanman hindi niya itinanghal ang kaniyang sarili na tulad ng pagpaparangal sa kasalukuyang namamahala ngayon. Nakakahiya! Alam ba ito ng iba? Ang Ka Eduardo kung wawariin dios na nila ito ituring kung bigyan ng pagpaparangal. Nakakaawa hindi na namamalayan ng maraming kapatid na nahuhulog na sila sa idolatiral na paglilingkod sa tao. Yaong malabis na pagpaparangal sa kaniya ipinagsisigawan ang EVM, EVM ay pag-agaw na ng Kapurihan na para sa DAKILANG PANGINOONG DIYOS lamang at sa Panginoong Jesu-Cristo na marapat iukol. Ibang-iba at napakalayo kung ihahambing kay kapatid na Erano G. Manalo na nakakikilala kung kanino lang marapat iukol ang Pagpaparangal at Kapurihan. Kaya’t buong pagmamahal ang Tatay Erdy minahal ng indibidwal na mga kaanib, dahil totoong-totoong Lider siya na may pagkasi ng Banal na Espiritu. Lubos na kinasasabikan ang bawat pagdalaw niya sa mga Lokal. Palibhasa damang-dama ang kaniyang totoong pagmamalasakit, ang pagmamahal sa lahat sapagkat nauunawaan niya ang pagpapahalaga ng Panginoong Jesu-Cristo sa Iglesia na Kaniyang Katawan. Inilapat ng Tatay Erdy ang kaniyang puso sa bawa’t kaniyang pagtuturo. Hindi hinaluan ng anumang dungis ang Ministeryo kagya’t niyang inilalapat ang disiplina sinuman ang masumpungang gumagawa ng pinsala sa Iglesia. Kahanga-hangang Lider na kinalugdan ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kaya tularan ninyo mga kapatid naming ministro at manggagawa ang paninindigan ng minamahal nating kapatid na Erano G. Manalo. Habang may nalalabi pang panahon piliin ninyo ang mabuti! Sapagkat may ilan pang matuwid at mabuting ministro na lihim na nagtataguyod ng mabubuting pamamaraan ng pangunguna ng kapatid na Felix Y. Manalo, Sugong Lider sa mga Huling Araw at ng kapatid na Erano G. Manalo Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo. Sila ang mga naluluha pa rin matatandang ministro tuwing nagugunita at sasapit ang kanilang mga kaarawan hinahanap ang kanilang matuwid at masinop na pangunguna sa mga kapatid sa loob ng Iglesia ni Cristo na hindi kailanman naging mga suwail sa PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo.
Kami sa hanay ng mga Hinirang sa loob ng Iglesia ni Cristo ay taos pusong nagpapasalamat sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa Panginoong Jesu-Cristo sa pagkakatalaga NILA kay Tatay Erdy bilang tapat na Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo. Laging nagmamahal sa kaniya at sa kaniyang Sambahayan.- IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG – Elias Arkanghel T01022018PT447
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM