Dumating na ang takdang panahon upang bigyan daan ang kalayaan ng lahat sa pagpapasya. Ang pagpapasyang ito ay makatarungan upang takasan ang pamamaraan ng mga tiwaling Lider sa Iglesia na namamayagpag pa rin sa tanggapan ng CENTRAL sa paglikha ng iba’t-ibang ideya na pagkakakitaan na ibinababa sa Distrito na ipinapasa naman sa mga Lokal. Nakararamdam na rin ang mga ministro sa mga Lokal na ginagamit na lamang silang utusan, pati na ang kanilang mga maybahay para sa pansariling pakinabang nitong mga kinikilala nilang lider at hinahangaan. Pawang panggigipit kung hindi susunod, pati tulong nila ay babawasan, ang banta ng tiwalagan iaamba idaramay pati na ang buo nilang sambahayan. Ngayon ay pawang nangalilito. Paano na sila? Ayaw na ayaw nilang matiwalag. Sapagkat malaking kahihiyan ang idudulot nito pambuong mundo kung sila ay babasahin sa kapulungan para nga ilagay sa matinding kahihiyan at maging banta sa iba sa sinumang magbabalak mag-alsa matutulad sa mga naunang naitiwalag dahil diumano ay sumasalungat at kumakalaban sa kapatid na Eduardo Manalo na para sa kanila diumano ay tunay na halal.
Ngayon ang iba ay nasa labas na ng kanilang Pamamahala, subalit ayaw tantanan hinahabol pa rin ng mga pag-uupat, panggigipit at pagbabanta. At ang ilan nga sa mga nanindigan sa pagmamalasakit sa pamilyang naiwan ng kapatid na Erano G. Manalo ay sinawimpalad na mamatay sa malupit na pamamaraan. Sino kaya sa kanila ang may gawa? “O PANGINOON ko tiyak ko pong ihahayag mo rin sila, dahil hindi mo patatahimikin ang budhi nila.” Kaya wala mang nagawa ngayon ang batas ng tao dito sa lupa dahil ito man din ay kanilang sinaklawan gamit ang mga tusong pamamaraan dinaya lamang ang kanilang kaisipan. Subalit ang hindi nila alam nagpapahinuhod lamang ang DAKILANG AMANG BANAL nagbibigay ng panahon para makapagsisi at magsipagbagong lubusan. Subalit kung hindi ang PANGINOONG DIYOS din sa takdang panahon ang magmumulat sa kaisipan ng mga taong nasa gobyerno sa lupa upang mailapat ang makatarungang batas ng tao na iiral din at susunod lamang sa Batas ng PANGINOON.
Kaya nga habang naghihintay sa mga kaganapang nabanggit. Patuloy pa silang makararanas ng iba’t-ibang uri ng pagmamalabis. Kung anu-ano na lang ang pinahihintulot nila, pati na ang pagbebenta ng nakalalasing na inumin na gawa pa man din ng kapatid. Pati na ang paghawak ng sariling negosyo mula sa kilalang establisimiyento ay napahihintulutan na rin at ang kagulat-gulat ang nagmamay-ari ay kilalang personalidad sa Sangunian pa man din. Puro pag Unlad ng pansariling kabuhayan ang iniisip. Kung anu-anong kalakalal ang ibinibenta ipinipilit sa mga kapatid. Kahit ang mga hindi naibenta na kalendaryong gawa pa ng 2014 pati na ang makapal na Pasugo pababayaran sa kawawang kapatid, maubos lang kahit na napinsala ang kawawang kapatid. Pinasok na ang ibat-ibang industriya, pati na ang konsyerto, ang paggawa ng pelikula, kasalukuyan ang ginawang Hardin at kung anu-ano pa. Magbebenta na naman ng ticket? Pa-Raffle? Pakikipagsapalaran? Hindi ba isang uri na ito ng sugal? Pawang panggigipit, sobrang higpit ang mga tuntunin ipinaiiral nila ngayon sa CENTRAL para matalian ang lahat ng katapatan sa pagsunod lamang sa kanila sa bawat nangangasiwa sa mga Lokal, pangunahin ang mga ministro, manggagawa, at mga pamunuan sa Lokal. Walang kamalay-malay ang mga pangkaraniwang kapatid subalit nakakahalata na ang mga Maytungkulin sa Lokal dahil sa madalas na ipinagagawa sa kanila na laging may kinalaman sa pananalapi ng Iglesia. Halos sa kanila pinapapasan ang mga gugulin ng Lokal kaya naitatanong nila, saan dinadala ang mga handugan at abuluyan? Bakit kami na ang bumabalikat sa pangangailangan ng Lokal? Bakit ang mga Barangay Chapel na ipinatatayo ng Pangasiwaan ng Iglesia ay pawang donasyong lupa ng mga kapatid na kanilang kilala na hindi naman ganoon mayaman? Anong ginawa nila? Hindi ito ang pamantayan ng dating Tagapamahalang Pangkalahatan sa katauhan ng Kapatid na Erano G. Manalo. Mahigpit na bilin huwag mangagaling sa donasyong lupa ng kaninuman manggaling ang lupang pagpapatayuan ng Bahay Sambahan kaya pinasisiyasat pa bago bilhin tinitiyak na walang anumang sasagabal pagdating ng araw. Kaya batid ng mga pamunuan sa mga Lokal na may nagaganap na ngang pang-aabuso at pananamantala sa kanilang karapatan. Namumulat na sila sa kamalayan, nagtatanong kung bakit ganito na ngayon sa Iglesia? Ibang-iba na at malayung-malayo sa kinamulatang pangunguna ng kapatid na Erano G. Manalo. Marami sa kanila ang hirap na hirap na sa pakikitungo sa mga Pastor na wala ring magawa kung hindi susunod, mapipinsala ang inaasahang tulong nila kung mamalasin ay babawasan pa. Kaya kahit alam nila mali na ang kanilang ginagawa. Kagat labi na umiiling sa umiiral na tuntunin. Alam na alam nila ito. Pati na ang pag-uulat sa kagustuhan lang na umangat sa Distrito kasama ang pinagkakatiwalaang pamunuan sa Lokal minamaniobra na ang lahat.
Hindi na nila alam kung saan tatakbo kung maaari lang matakasan ang lahat ng ito. At piliin ng mamuhay ng normal gaya ng mga kapatid na malayang nakapamumuhay. Hindi na sila payapa, hindi na panatag para na silang mga robot naka-programa ang lahat ng gagawin. Kaya nga manhid na sila sa mga sigaw ng dating maamong lider na hinahangaan ngayon ay napalitan na ng mabalasik nilang mga kaanyuan kung sila ay pagwikaan. Ang pamamaraan nilang ito ay upang likhaan ng takot ang lahat ng kanilang inaakalang lalaban sa kanila at tututol sa mga anumang ipinagagawa pa nila. Walang anumang reklamo na gagawin laban sa kanila. Pilit kasing isinisiksik sa diwa nila ng bawat isa lalo na sa mga nakaaalam ng mga pinsalang nagagawa na sa Iglesia ng mga kinikilalang lider ng Iglesia pa man din nagmumula ang mga kautusan. “Obey and obey no more complain” ang mga katagang pawang pagsunod lang ang gagawin ng mga kaawa-awang kapatid na maytungkulin, manggagawa at mapa-ministro man sa loob ng CENTRAL office na pinaghaharian ng iba’t-ibang kalapastangang lingid na lingid sa kaalaman ng karamihan dahil sa mga tiwaling nangunguna sa kanila kaya nasisisi rin sila ng mga kapatid na Maytungkulin.
Bumabangon ang kalituhan sa kanilang pag-iisip. Paano makakawala sa mapaniil nilang lider. Inaakala nilang magkakasala rin sila sa ating PANGINOONG DIYOS sapagkat alam na alam nilang tanging ang kaligtasan ay tatamuhin sa loob ng Iglesia ni Cristo lamang kung lalabas sila wala ng PANGINOONG DIYOS na dirinig sa kanila, yan ang inaakala nila pati na ang mga takot matiwalag subalit pamamaraan ng PANGINOONG DIYOS na rin upang lumabas sa tuntuning Babilonia sa Espiritual sa kapanahunan natin. Ang bilin pa magsilabas kayo riyan upang huwag maramay. Tulad ng ipinauunawa, hindi sa Iglesia ni Cristo lalabas kundi sa paraan ng kanilang maling pangangasiwa sa kabuuan ng kawan. Sapagkat batid natin malinis ang Iglesia ni Cristo at hindi ito kailaman dapat sisihin sa mga nagagawang katampalasanang walang kapantay ng kasalukuyang administrasyon sa Iglesia na mga nasa CENTRAL.
JUAN 10:9
JUAN 10:9 ang talatang ito tuwina na lang na babasahin sa kapulungan partikular na sa mga pamamahayag, pagdodoktrina higit sa lahat sa mga Pagsamba ay nagiging kapuna-puna at lubhang nakatatawag ng pansin. Sapagkat hindi man tayo tulad nilang mga ministro na nagtuturo at nangangaral, ay hindi naman tayo pinagkaitan na makaunawa ng Katotohanang nakasulat sa Banal na Kasulatan na kanilang binabasa. Bakit naman kasi hindi ninyo binabasa ang kabuuan ng Juan 10:9? Anong iniiwasan ninyo sa talatang nabanggit? At kung kayo naman ay sisiyasatin kung nauunawaang ninyong ganap ang inyong itinuturo ay hindi tuwirang masagot sapagkat dumadampot kayo ng mga sagot na aayon lang sa talatang babasahin ninyo ngunit naiiwan ang ilang katanungan sapagkat hindi ganap na natugunan ang kabuuan ng talatang pinapaksa. Lagi na lang ninyo iniiwan na palaisipan ang ilang binasang talata na hindi ninyo naipaliliwanag ang kabuuan. Mga mahal kong kapatid tinawagan kayo ng pansin. Lalong-lalo na sa hanay nga mga nangangasiwa sa Ministeryo. Turuan niyo ang mga ministro at manggagawa. Napapanahon na mga mahal kong kapatid na maisayos ang bahaging ito na kabilang sa mga talata sa BIBLIA na nahirati na kayo sa paraan ng inyong pagtuturo na hindi ninyo binabasa ang kabuuan. Yan ay mahalagang bilin ng Banal na Kasulatan sa Deuteronomio 4 sa Magandang Balita Biblia talatang 2 Huwag ninyo itong daragdagan ni babawasan. Sundin ninyo ito nang walang labis at walang kulang. Hindi mahirap unawain at intindihin. Kaya nga upang hindi kami maparatangan na naninira lang, ay minarapat naming maisama ang mismong naging pagtuturo ng kapatid na Eduardo Manalo na ito ay may petsang ika-7 ng Mayo taong 2017.
KA EDUARDO: Napakatibay ng kaugnayan nila sa ating Panginoong Jesu-Cristo lalo na sa ating PANGINOONG DIYOS. Nasaan po sila? Ano ang isang katunayan ng kanilang pagsunod. Ano ang kanilang sinunod na yon? Pakinggan ninyo ang ating Panginoong Jesu-Cristo pa rin diyan sa JUAN 10: 7 at 9 KA MATT: Kaya muling nagsalita si Jesus (Si Cristo ang nagsasabi ano ang sinasabi Niya. Tuloy!) buong Katotohanang sinasabi ko sa inyo (dapat sampalatayanan, dahil higit pa sa katotohanan …. buong katotohanan. Ano ang buong katotohanang yan? Tuloy! ako ang pintuan ng kulungan ng mga tupa. (Tuloy) Ako ang pintuan (ano ang sinasabi ni Cristo na ginawa nila noong Kaniyang mga tupa yaong kinikilalala niyang sariling tupa Niya, yun ang talagang sa Kaniya, Tuloy!) ang sinumang taong pumasok sa loob ng kawan sa pamamagitan ko (Ano ang mangyayari?) ay maliligtas. Pera pa yung buhay na walang hanggan, mayroon pang maliligtas ginawa ang sinasabi ni Cristo na ano ang Kaniyang sinabi? Ang sabi niya ang sino mang taong pumasok sa loob ng kawan sa pamamagitan ko ano raw po? Maliligtas! Hayag na hayag ang taong yaon na pumasok kinikilalala ni Cristo na kaniyang sariling mga tupa sila ang hindi lang nakinig kundi ang sumunod ginawa ang kaniyang sinasabi kaya mayroon silang kaligtasan mayroon silang buhay na walang hanggan hindi sila malilipol sa araw ng paghuhukom. Hindi sila hahatulan sa araw ng paghuhukom. Elias Arkanghel : Pinutol na ng Kapatid na Eduardo ang mga kasunod nabahagi ng talata na pinangasiwaan niya bahagi ng videolink kaugnay sa pambuong daigdig na pamamahayag.
JUAN 10: 1-42 NPV 1“Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, ang pumapasok sa kulungan ng mga tupa nang hindi sa pintuan dumadaan, kundi umaakyat sa di dapat daanan, ay isang tulisan at magnanakaw. Mga mahal kong kapatid katotohanan ang ipinauunawa sa atin dito. Kaya hindi natin ito dapat na ipagwalang bahala na lang. Ang kaukulan ng pintuan diumano ay daanan. Mamaya sa talatang 9 mauunawaan ninyong ganap kung ano ang pintuan sa Espiritual na pinatutungkulan. Kaya kung sa literal na pintuan ang ginagawa ng mga taong nasa kaniyang sariling katinuan o normal na pag-iisip ay daraanan niya ang pintuan na ayon sa kaukulan nito. Dahil hindi isang normal na sa isang tao kahit na alam na alam niya na may pintuang bukas at kitang-kita niya ito na maaari namang daanan subalit magpipilit sa bintana pa rin siya dadaan. Kaya mapag-iisip ka nga sa kanila kung anong uring mga tao sila? Dahil diyan may pagpapakilala na kung dadaan anya sa bintana sa kabila na maayos namang dumaan sa pintuan ay ipinauunawang katulad anya siya ng isang ano mga mahal kong kapatid? Tulisan at magnanakaw!
Kaya marapat lang na maalarma ang lahat, lalo na nga magdadala ito sa tiyak na kapahamakan kung makasama ang mga tulad nila. Sinuman sa mga naroroon ay may makatwirang dahilan na mangilag, matakot, at mabulabog. Subalit nangyayari lang ito kung mali nga ang kaparaanan sa paggamit ng kaukulan ng pintuang marapat na daanan. 2 Datapuwat ang pumapasok sa pintuan ay siyang pastol ng mga tupa. Sa bahaging ito ang Panginoong Jesu-Cristo ang binabanggit na Pastol ng mga tupa mga mahal kong kapatid. Ginawa Niya ang tama, maayos at umaayon sa matuwid na kaparaanan. Kaya ang Panginoong Jesu-Cristo ang ginawang simbulo, ginawang mabuting halimbawa. Sapagkat hindi nasumpungan sa anumang pagkakamali. 3 Binubuksan ng bantay ang pintuan para sa kanya. Mga mahal kong kapatid, napakahalaga ng bahaging ito na nais kong ipaunawa sa inyong lahat na ginagampanan ng bantay. Ang bantay ay ipinatutungkol sa isinugo sa loob ng pintuan, na siya ring itinalaga para magbukas ng pinto sa pagdating ng Panginoong Jesu-Cristo. Siya ang may hawak ng susi sa Espiritual na paglilingkod. Tama lang, dahil pinagkakatiwalaan! Kaya nga isinugo, itinalaga na magbantay sa pinto. Siya rin ang nakakaalam ng tamang proseso. Yun ang totoo, dahil higit sa lahat ipinauunawa sa kaniya ng Panginoong Jesu-Cristo ang marapat niyang gawin lalo na kung paano mapapabuti at maliligtas ang mga tapat na sumusunod sa ating Panginoong Jesu-Cristo. at pinakikinggan ng mga tupa ang kanyang tinig. Tinatawag ang kanyang mga tupa sa pangalan at inilalabas. Sa Kaniyang pagpasok ay siya ring pinakikinggan ng mga tupa o higit na pinatutungkol sa mga hinirang na tao sa kalikasan. Kaya nga ng inutusan ng Panginoong Jesu-Cristo na magsipasok ang mga taong ito ay agad namang sumunod. Bakit? Sapagkat nalalaman nila ang tuwirang nag-utos na pumasok sa pintuan ay mismong ang Panginoong Jesu-Cristo. Tinig Niya ang narinig kaya kapag ibig ng Panginoong Jesu-Cristo na lumabas, sumusunod sa Kaniya ang mga tunay na Hinirang. Narito ang patotoo.. 4 Pag nailabas na, pinangungunahan niya ang kanyang mga tupa at sumusunod naman sa kanya pagkat nakikilala nila ang kanyang tinig. Hindi mahirap unawain mga mahal kong kapatid. Kaya talasan ninyo ang pang-unawa dahil walang kontrahan dito sa sinasabi at ipinag-uutos ng Panginoong Jesu-Cristo na pawang mababasa natin ng letra por letra sa talata ng BIBLIA na ating pinag-aaralan. Ang Panginoong Jesu-Cristo ang nag-utos na pumasok at Siya rin ang lumabas mula sa loob. Kaniya namang pinangunahan ang Kawan o mga Hinirang na lumabas sa pintuan mula sa loob. Ano ang dahilan bakit nagsisisunod na lumabas gayung nakadaan na sa pintuan at nakapasok na sa loob? Alamin natin 5 Ngunit hindi sila sumusunod sa iba, bagkus ay tumatakbong palayo sa kanya, pagkat hindi nila kilala ang tinig ng iba. Mapapansin niyo ang mababasa sa talata, tumatakbong papalayo, iwas na iwas sa mga pinatutungkulan na tinatakbuhan o katumbas na tinatakasan. Sino naman kaya ang mga taong yaon na nasa loob subalit tila pinangingilagan o kinakatakutan ng mga Hinirang. Malinaw namang binanggit dahil may ibang tinig na hindi kilala ng mga tapat na lingkod ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kaya nagdudumaling lumabas ng marinig ang tinig ng Panginoong Jesu-Cristo sa labas ng pintuan kahit may ibang tinig na nasa loob sa takot tinakasan nila. “ 6 Ginamit ni Jesus ang talinghagang ito, ngunit hindi nila naintindihan ang ibig niyang sabihin. Ang mga talinhagang yan na binabasa sa inyo ay hindi nga rin natin mauunawaan kung hindi tayo gagabayan ng Karunungan ng ating PANGINOONG DIYOS at uudyukan ng Banal na Espiritu na may dala ng Katotohanan gumagabay sa atin mula sa Diwa ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sa kapahintulutan naman ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS natin kaya lubos nating nauunawaan, naiintindihan kung ano ang nais ipahiwatig nito sa atin. May nais ipaunawa ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Kung bakit? Narito 7 Kaya muling sinabi ni Jesus, “Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, ako ang pintuan ng mga tupa. Ibig ipaunawa sa atin ng Panginoong Jesu-Cristo na may mga pintuang daang binabanggit subalit Siya ang tanging pintuan na marapat daanan na nagdadala ng higit na Katotohanan. At ang mga nakasusunod sa kaniya ay kinikilala Niya na Kaniyang mga tupa o Hinirang. Kaya lalong dumarami, nadaragdagan ang maraming bilang ng mga kaanib na kumikilala sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Kaya nababahala ang mga pinunong saserdote noon sa Jerusalem sapagkat hindi na sila ang pinaniniwalaan, hindi na sila pinakikinggan, sa halip ang tinig na ng Panginoong Jesu-Cristo ang kinikilala ng maraming tao noon. Bakit nangyayari yun sa Kaniyang kapanahunan na ang mga saserdote ay pinangingilagan na ng mga tao? 8 Ang mga naunang pumarito sa akin ay mga tulisan at magnanakaw, datapuwat hindi sila pinakinggan ng mga tupa. Matapang na tinutuligsa na sila noon ng Panginoong Jesu-Cristo. Anong pagpapakila sa kanila? Sila anya ay mga tulisan at magnanakaw. Sino ang mga pinatutungkulan? Ang mga naunang mga nangangaral na noon sa Kaniyang kapanahunan na nasa loob ng Jerusalem. Sila man din ay pawang nagdadala rin ng Katotohanan. Sapagkat nangangaral at nagtuturo rin sila ng mga salita ng ating PANGINOONG DIYOS mula rin sa mga Banal na Aklat ng mga Propeta. Lamang inabuso nila ang paggamit ng Katotohanan. Kaya dahil doon, mali na rin ang kanilang pamamaraan dahil hindi nga nila naibibigay ang wastong aral at katuruan sapagkat sila man din na nangangaral ay hindi sumusunod sa aral ng Banal na Kasulatan na noon ay nasa kanilang pag-iingat. Matuwid ang mga Banal na Salita ng ating PANGINOONG DIYOS subalit ang Panginoong Jesu-Cristo ay hindi pumupuna sa nakasulat kundi sa mga pinunong saserdote na nasa Jerusalem noon. Kung sa atin namang panahon ay mga pinunong Ministro, Sanggunian o Pamamahalang lider na nasa CENTRAL na ngayon ay matapang rin nating tinutuligsa sa Atas at pag-uutos ng PANGINOONG DIYOS na ilantad ang kasuklam-suklam nilang gawain. Sila na nga sa ating kapanahunan ang mga tiwaling lider na pinatutungkulang mga tulisan at magnanakaw. Kaya kung sa panahon ng Panginoong Jesu-Cristo ay tuwiran niyang ipinamumukha sa mga Punong Saserdote ang kasamaan nila bagamat mga Punong Saserdote sila sa kaanyuan at sa pananamit magagara ang kaayusan at sa panahong yaon ay pangkaraniwan lang din ang ating Panginoong Jesu-Cristo ay gayun din naman tayo sa paraang itinuturo sa atin. Kaya tuwiran at deretsahan na nating ipinatutungkol ang mga pagmamalabis ng mga tiwaling lider na nasa CENTRAL Office pa man din, na dakong pinaka-Jerusalem kung saan naroroon ang pamamahala ng Iglesia ngayon ay ang CENTRAL na sa ating kapanahunan ang pinatutungkulan.
Marami na kayong pagtatakip na ginagawa. Para maitago ninyo ang Kalapastanganang walang Kapantay bunga ng inyong mga pagsalangsang na inaakala ninyo hindi kayo mapaghahalata. Mga mapag-imbabaw ito ang pagkakilala sa inyo ng aking Panginoon. Ang paglilingid ninyo sa usaping pinansyal na suliranin ay pilit ninyong pinagtatakpan. Nagkukunwari kayo sa kapulungan ng mga kapatid sa Iglesia na wala kayong mabigat na suliraning pinapasan. Sa kabila ng lahat, patuloy ang inyong paglustay sa ibang mga kaukulan kaya lalong nagdidiin sa inyo para kayo ay maubusan. Hindi niyo ba napag-uunawa na ang lahat ay may hangganan sa panig ng patuloy na gumagawa ng masasama.. Dahil hinding-hindi na ninyo maitatago yan. Sa maikling panahong nakatakda ilalantad na kayo ng aking PANGINOON upang hindi lumitaw na isa lamang impostor ang dumating sa kalagitnaan ninyo ngayon. Isinugo Niya upang magpatotoo sa Kaniya. Hindi ang nagmamay-ari ng katawang ito na inaakala ninyong gumagawa at nagpapahayag ng Banal na Salita ng aking PANGINOON. Ang Espiritung isinugo ng Panginoon ang sumasakaniya upang magpatotoo sa Kaniyang Panginoon na aking Panginoon. Kaya huwag ninyong ipinalalagay at aaakalain na may sariling paghahangad o pag-aangkin ang kapatid na Elias Arkanghel. Sapagkat ang Diwa ng Panginoong Jesu-Cristo ang tuwirang nagbibigay uinawa sa kaniya sa mga nakasulat sa Banal na Kasulatan o BIBLIA. Alalahanin ninyo katumbas lamang siya ng isang batang paslit kung ihahambing sa mga nakapag-aral na kaniyang tinutuligsa na mga tiwaling matatandang ministro sa Ministeryo na nagpakadalubhasa. Subalit ang kaniyang nalalaman ay Kaloob na hihigit sa anumang natutunan ng sinuman sa inyo sapagkat mula sa PANGINOON DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristong tinig.
JUAN 10:9 Ako ang pintuan. Ang sinumang pumasok sa pamamagitan ko ay maliligtas. Siya’y papasok at lalabas at makatatagpo ng pastulan. Siya nga ang Panginoong Jesu-Cristo, na sa pamamagitan Niya daraan tayo sa pintuan ng Katotohanan. Ipinahahayag Niya sa atin ang mga Kaunawaan sa mga Lihim at Hiwaga ng Karunungan ng ating PANGINOONG DIYOS sa panulat ng mga Propeta at ng mga Apostol na ito rin ang maghahatid sa atin ng mga Katotohanan papatungo sa tiyak na Kaligtasan. Siya ang Panginoong Jesu-Cristo ang may Tinig ng Katotohanan. Kaya napaloob tayo sa isang Banal na Kasunduan ang kaugnayan ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa Iglesia na kaniyang Katawan, na ito nga ang Iglesia ni Cristo. Dama ng ating Panginoon tulad ng isang babaeng manganganak ang hirap na dinaranas ngayon sa kasalukuyan ng Iglesiang Kaniyang Katawan sa ating kapanahunan, sa yugto ng huling panahon. Kung bakit ay dahil sa Kalapastanganang Walang Kapantay ng mga tiwaling nangangasiwa sa CENTRAL sa pangunguna ng suwail na naghahari-harian sa Kaniyang Banal na Katawan. Marahil maitatanong ninyo kung ano ang marapat naming gawin? Mga mahal kong kapatid, kayong napahihintulutan pa magpatuloy kayo sa Pagsamba, Maghandog ng masaya, ihandog ang sarili na haing buhay at Banal. At sa mga napagkakaitan gawin ninyo ito sa inyong sariling mga tahanan. Kung ano ang mabubuting katuruang itinuro sa atin ng Kapatid na Erano G. Manalo na naiwan, ay ipagpatuloy lang natin. Dahil walang kasalanan ang Iglesia ni Cristo para madamay at pabayaan ang ating mga Pagsamba na ito a ating tungkulin magpakailanman sa ating PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Sapagkat habang nabubuhay tayo anuman ang nagagawang kabutihan natin yan ay kulang pa at hindi sasapat sa lahat ng kagandahang-loob NILA sa atin. Kaya pagtalagahan pa rin natin ang mga kinagisnang turo at aral ng Tatay Erdy na pawang nakabatay sa Banal na Kasulatan o BIBLIA. Kung sa panig naman ng kasalukuyang nangangasiwa sa Iglesia sa hanay ng mga tiwaling sanggunian ano ang marapat na gawin? Gawin ninyo ang itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos. Ngunit huwag lang natin tularan ang kanilang mga nakapipinsalang salita at gawa, sapagkat ang mga ipinangangaral nila ay hindi nila isinasagawa. Mga mapag-imbabaw sila kung ano ang nakikita natin sa kanila ay ibang-iba sa realidad. Kaya upang huwag madamay sa paninira nila sa ubasan ng ating Panginoon Jesu-Cristo, piliin natin ang gumawa, mag-isip, magsalita ng mabuti. Kaya lahat ng mabubuting katuruan lamang na itinuturo nila ang tuwiran nating susundin. Ang katapatan natin ay hindi na sa kanila kundi sa panig ng ating PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo habang buhay. Napakapalad nga natin sapagkat nasumpungan natin ang Mabuting Pastulan, ang may dala ng Katotohanan na ito na itinataguyod ng Iglesia ni Cristo…Hinirang.
Dahil sa matapat na pagsunod natin sa Tinig ng Panginoon na Siyang Tinig ng Katotohanan. Narito ang kapayapaan at ang kapanatagan ng buhay at pamumuhay sa piling NILA. Kaya napakahalagang bilin, patuloy tayong Sasamba sapagkat walang kinalaman ang Iglesia ni Cristo sa masasamang gawa ng mga tiwaling lider ng Iglesia. Subalit kung hindi na ninyo makayanan ang pagmamalupit nila ay isangguni ninyo sa pansariling pananalangin sa ating PANGINOONG DIYOS upang sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo tutugunin NILA kayo ipauunawa sa inyo sa udyok ng Banal na Espiritu kung ano ang marapat ninyong gawin. Kaya magagawa ninyo ang marapat at malayang paglilingkod saan man maibigan ng PANGINOONG DIYOS na kayo ay maglagi. Walang pagkakaiba sa bilin ng Anghel ng PANGINOON na nagpakita kay Jose sa panaginip na pinababangon siya upang dalhin niya agad sa Egipto ang mag-ina na si Maria at ang batang si Jesus na na noon ay ipinapapatay ni Herodes ang mga batang lalaki sa Betlehem at sa mga palibot nito, ang lahat ng may gulang na dalawang taon pababa. Kaya’t hindi pinaaalis sila doon hangga’t hindi ipinasasabi ng PANGINOON. Ang paglabas nila sa bayan na kinaroroonan nila ay pag-iwas sa pamiminsala ng pinunong lider na kinikilala noon na si Herodes. Kaya Kalooban ng PANGINOONG DIYOS ang mga pangyayari noon at nauulit lang ngayon sa ating kapanahunan. Ngunit huwag kayong mag-alala mga mahal kong kapatid ang pansamantalang paglabas ninyo ay hindi sa paglabas sa Iglesia ni Cristo. Kundi paglabas sa nagdadala ng ibang tinig, na iba sa tinig ng ating Panginoong Jesu-Cristo na hindi niya kikilanlin. Kaya nga sa huling araw, marami ang magsasabi sa kanila ng Panginoon, Panginoon, hindi sila kikilalanin ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang masakit itataboy lang sila palalayasin dahil sa paggawa nila ng katampalasanan.
Kaya tiyakin natin ang pananampalataya nating lahat na Kaniyang mga Hinirang ay marapat na lubos, at ang katapatan ng bawat isang Hinirang ay ganap. Sapagkat ibig Niyang makapagtagumpay ang lahat sa pakikipagbaka dito pa lamang sa buhay sa mundo. Hanggang matamo natin ang putong ng buhay. Kaya higit na tayo ang mapalad, dahil sa patuloy na pagdinig natin sa Kaniyang tinig o mga Salita ng Katotohanan, na iba sa tinig ng kasinungalingan, tinig ng mga mapagpaimbabaw, tinig ng mga palalo at tinig ng suwail. Ano ang ipinauunawa ng Banal na Kasulatan na kinatatakutan ng mga Hinirang kaya ng nasa loob na ay lumabas pa? 10 Ang magnanakaw ay pumaparito upang magnakaw, pumatay, at manira; Kaya pala nahihintakutan ang mga Hinirang, dahil sa may ibang tinig silang naririnig sa loob. Tinig na hindi makabubuti pa sa kanila. Kaninong tinig? Sa mga magnanakaw o gumagawa ng pinsala, na pinalalaganap ang pagpatay o pagtitiwalag katumbas ng pagpatay ngayon sa karapatan, na ang ipinauunawa sa kanilang patuloy na pamamayagpag ay para sirain lang ang ubasan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Sila ang may gusto niyon pinili nila ang magpakasama. Kaya Kalooban na at kagustuhan ng Panginoong Jesu-Cristo ang ilayo ang Kaniyang mga minamahal sa mga mapaminsalang nasa loob ng CENTRAL na kinikilala ng mga nagtatanggol sa kanila maging ng mga ipinakalat nila sa Social Media. Sa araw na ito ang lahat ng magpapahayag ng masama, manlalait kaugnay sa Mensahe NILANG ito ay may patotoong matitinding pagsubok na darating sa kanila agad-agad. Kailangan mangyari upang magunita ninyo na hindi sa tao ang Banal na Gawaing ito. Kaya nananawagan din tayo sa mga nasa loob ng CENTRAL. Magbago na kayo! Alisin na ninyo ang mga nakapipinsalang kaisipan ninyo. Sapagkat hindi Niya hahayaang ipagkatiwala pa sa inyo. Kayo na may ibang tinig o kautusang ibig pa ninyong mapangyari na iba sa Tinig ng Katotohanan na mula sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Kaya kinatatakutan ninyong basahin ang kabuuang talatang ito sapagkat kayo ang tuwirang tintukoy na namiminsala sa loob ng Iglesia ni Cristo. Kayo na mga tiwaling sanggunian at mga nangangasiwa sa CENTRAL ang sumisira sa ubasan. Mayroon lamang din akong ibig linawin sa inyo upang huwag kayong mahulog sa pagkakamali. Ang isinusugo NILA na Banal na Espiritu ang ginawang Bantay ng PANGINOONG DIYOS na isinugo ng Panginoong Jesu-Cristo na magpapatotoo sa Kaniya. Hindi ako mga mahal kong kapatid hindi si Elias Arkanghel o sinuman tao na inaakala ninyo.
Ang mga nasa CENTRAL walang pagkakaiba sa mga tinutuligsa ng Panginoong Jesu-Cristo noon. Tulad ng inilarawan sa itaas na bahagi na ating binasa at napag-aralan. Kaya kung ano ang naging pagpapasya ng ating Panginoong Jesu-Cristo noon ay yan din ang marapat nating sundin ngayon. Lalabas lang tayong lahat sa loob ng mga kanilang maling pangangasiwa sa atin dahil ang dala-dala nila ay kapahamakan ngunit naparito ako upang magkaroon sila ng buhay at ng lubos na kasaganaan nito. 11 “Ako ang mabuting pastol, Ibinibigay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa. Yan ang dakilang pag-ibig sa atin ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Yung kasaganaan na ibibigay Niya sa atin. Subalit lalong nahayag na higit pa pala riyan ang maibibigay Niya dahil sa ating mga kasalanan ipinantubos Niya para makalakip lamang tayo sa pinaghaharian Niya ng mga Banal na Salita ng ating PANGINOONG DIYOS. Subalit hindi ito napahahalagahan ng mga nasa loob na pawang pagsasamantala ang kanilang pinagkakaabalahan palibhasa mga magnanakaw at tulisan. Kung kaya gayun na lamang Niya pasaringan, punahin at paringgan ang mga Punong saserdote saan man siya pumaparoon habang nagpapahayag ng mga Katotohanan. Kaya naman dahil doon, inilabas Niya sa kanilang mga pintuan na pinangangasiwaan o pinamamahalaan upang huwag mapagharian ng mga ganid nilang mga kaisipan. Hindi Niya inilabas sa Kaniyang pintuan kundi sa mali ng pamamahala ng mga nasa loob na pawang mga naging ganid na lobong sumisila na sa kawan, palibhasa sa bintana nagsidaan. Kaya nga may pahayag sa BIBLIA na daan sa mga daan. Siya ang mabuting daan ang Panginoong Jesu-Cristo na nagdadala ng tapat na pag-ibig, pagmamahal at pagmamalasakit sa Kawan patungo sa kaligtasan. Sila naman na binanggit ding daan subalit maluwag na daan patungo sa kapahamakan sapagkat wala na sa dating katinuan ng pag-iisip dahil sa halip na sa pintuan dumaan ay sa bintana nagsidaan. Kaya maling isipin hindi sa loob ng Iglesia ni Cristo lumabas kundi sa maling pamamahala nila sa kawan. Yan ang totoo kaya mapalad na ring maituturing sa panig ng mga naitiwalag na hindi nagtamo ng anumang makatarungang pagpapasya na yan ay Kalooban ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo upang makalabas s loob ng pangangasiwang ang ibig ay pumatay ng pumatay ng karapatan. Dahil walang ibang hangad ang mga tulisan at magnanakaw noon kundi ang mapasakanila ang kahit kaliit-liitang bagay na wari para sa kanila ay kanilang pakikinabangin. Kinukuha nila ito sa pamamaraang nalalaman nila gamit ang kanilang posisyon, autoridad sa kanilang pinamamahalaan. Tawag dito kung ihahambing na sa ating kapanahunan ay korapsyon. 12 Ang upahan ay hindi ang pastol na may-ari ng mga tupa. Palibhasa ang Panginoong Jesu-Cristo ay hindi mababayaran. May nagagamit Siya noon para sa Banal na Gawain mula rin sa tulong na kusang-loob na binibigay ng mga kapatid sa paglilingkod noon. Subalit kakaiba ngayon sa ating panahon. Dadalaw-dalawin ka at yung pagdalaw ay may kalakip na inaasahan. Bago pa nga makarating sa dadalawing bansa ay kinukundisyon na ang mga kapatid na madaratnan doon. Pati ang naiipong ibabahagi sa mga mahal sa buhay ng mga kapatid nating OFW na nilalaan na sa pangangailangan ng mga mahal sa buhay sa Pilipinas ay naaagad para sa pagdalaw diumano ng Ka Eduardo at ng pangasiwaan ng Iglesia. Yan ang ikinasama ng loob ng kapatid na Erano G. Manalo noon. Kaya agad niyang sinasaway ang mga nasumpungan sa katiwalian ng mga tagapagturo noon. Palibhasa matuwid na Lider ang kapatid na Erano G. Manalo ay hindi niya mapapayagan sa Ministeryo ang mga katiwalian ng mga manggagawa o ministro noon na nasumbatan niya na pawang hinihintay na kailangan ay “sweldo” sweldo lang ang kanilang kailangan. Iba ang kanilang pananaw sa tagapagturo noon sa mga tagapagturo ngayon. Kaya nga sa ating panahon ang lahat ba ng ito ay nagaganap din noon?
SUBAYBAYAN ANG MGA KASUNOD PANG BAHAGI NA IPALILIWANAG SA UDYOK NG BANAL NA ESPIRITU AY ATING MAUUNAWAAN.
ANG KABUUAN NG JUAN 10
Juan 10 NPV
1″Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, ang pumapasok sa kulungan ng mga tupa nang hindi sa pintuan dumadaan, kundi umaakyat sa di dapat daanan, ay isang tulisan at magnanakaw. 2 Datapuwat ang pumapasok sa pintuan ay siyang pastol ng mga tupa. 3 Binubuksan ng bantay ang pintuan para sa kanya at pinakikinggan ng mga tupa ang kanyang tinig. Tinatawag ang kanyang mga tupa sa pangalan at inilalabas. 4 Pag nailabas na, pinangungunahan niya ang kanyang mga tupa at sumusunod naman sa kanya pagkat nakikilala nila ang kanyang tinig. 5 Ngunit hindi sila sumusunod sa iba, bagkus ay tumatakbong palayo sa kanya, pagkat hindi nila kilala ang tinig ng iba.” 6 Ginamit ni Jesus ang talinghagang ito, ngunit hindi nila naintindihan ang ibig niyang sabihin. 7Kaya muling sinabi ni Jesus, “Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, ako ang pintuan ng mga tupa. 8Ang mga naunang pumarito sa akin ay mga tulisan at magnanakaw, datapuwat hindi sila pinakinggan ng mga tupa. 9Ako ang pintuan. Ang sinumang pumasok sa pamamagitan ko ay maliligtas. Siya’y papasok at lalabas at makatatagpo ng pastulan. 10Ang magnanakaw ay pumaparito upang magnakaw, pumatay, at manira; ngunit naparito ako upang magkaroon sila ng buhay at ng lubos na kasaganaan nito. 11″Ako ang mabuting pastol, Ibinibigay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa. 12Ang upahan ay hindi ang pastol na may-ari ng mga tupa. Kaya pag nakita niyang dumarating ang asong-gubat, pinababayaan niya ang mga tupa at tumatakbong palayo. Sinisila ng asong-gubat ang mga tupa at pinangangalat. 13Palibhasa’y upahan, tumatakas siya pagkat walang malasakit sa mga tupa. 14″Ako ang mabuting pastol. Nakikilala ko ang aking mga tupa, at nakikilala nila ako – 15gaya ng pagkakilala sa akin ng Ama at pagkakilala ko sa kanya, at ibinibigay ko ang aking buhay para sa mga tupa. 16May iba pa akong mga tupang wala sa kulungang ito. Kailangang dalhin ko rin sila. Sila man ay makikinig sa aking tinig, at magkakaroon ng isang kawan at isang pastol. 17Dahil dito’y iniibig ako ng Ama, sapagkat ibinibigay ko ang aking buhay upang kunin uli. 18Walang sinumang makakukuha nito sa akin, ngunit ito’y kusa kong ibinibigay. May kapangyarihan akong ibigay ito at may kapangyarihan akong kunin ito uli. Ang utos na ito’y tinanggap ko mula sa aking Ama.” 19Dahil sa mga salitang ito, hindi na naman nagkaisa ang mga Judio. 20Marami sa kanila ang nagsabi, “Inaalihan siya ng demonyo at nababaliw! Bakit kayo makikinig sa kanya?” 21Ngunit sinabi ng iba, “Hindi ito mga salita ng isang inaalihan ng demonyo! Ang demonyo ba’y nakapagpapadilat ng bulag?” 22Dumating ang Pista ng Pagtatalaga sa Jerusalem, Taglamig noon, 23at naglalakad si Jesus sa patyo ng templo sa Portiko ni Solomon. 24Pinaligiran siya ng mga Judio at kanilang sinabi, “Hanggang kailan mo kami pag-aalinlanganin? Kung ikaw ang Cristo, tiyakin mo na sa amin.” 25Sumagot si Jesus, “Sinabi ko na sa inyo ngunit ayaw kayong maniwala. Ang mga himalang ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama ay nagpapatotoo tungkol sa akin, 26ngunit ayaw ninyong sumampalataya pagkat kayo’y hindi ko mga tupa. 27Ang mga tupa ko’y nakikinig sa aking tinig; nakikilala ko sila at sila’y sumusunod sa akin. 28Binibigyan ko sila ng walang hanggang buhay, at hindi na sila mapapahamak kailanman. Walang sinumang makaaagaw sa kanila sa aking kamay. 29Ang aking Ama na sa kanila’y nagbigay sa akin, ay higit na dakila kaninuman; walang sinumang makaaagaw sa kanila sa kamay ng Ama. 30Ako at ang Ama ay iisa.” 31Muling dumampot ng mga bato ang mga Judio upang siya’y batuhin. 32Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Marami na akong naipakitang himala sa inyo mula sa Ama. Alin sa mga ito ang dahilan ng inyong pagbato sa akin?” 33″Hindi dahil sa alinman sa mga ito kaya ka namin babatuhin,” sagot ng mga Judio, “kundi dahil sa pamumusong mo. Pagkat ikaw, na isang tao lamang, ay nagpapanggap na Dios!” 34Sinagot sila ni Jesus, “Hindi ba nasusulat sa inyong Kautusan, ‘Aking sinabi na kayo’y mga dios?” 35Kung tinawag niyang mga ‘dios’ ang tumanggap ng salita ng Dios – at ang Kasulatan ay hindi maaaring sirain – 36ano naman ‘yong isang ibinukod ng Ama bilang sariling kanya at sinugo sa sanlibutan? Bakit ako pinararatangang namumusong dahil sinabi kong, ‘Ako’y Anak ng Dios?’ 37Huwag kayong maniwala sa akin kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking Ama. 38Ngunit kung ginagawa ko, kahit ayaw ninyong maniwala sa akin, paniwalaan ninyo ang mga himala upang maunawaan ninyo na ang Ama ay nasa akin, at ako’y nasa Ama.” 39Muli nilang pinagtangkaang dakpin siya ngunit hindi nila nahuli. 40Nagbalik si Jesus sa ibayo ng Jordan, sa pinagbabautismuhan noon ni Juan. Tumigil siya roon, 41at maraming tao ang pumunta sa kanya. Sinabi nila, “Bagamat si Juan ay hindi gumawa ni isang himala, totoo namang lahat ang sinabi niya tungkol sa taong ito.” 42At marami ang sumampalataya kay Jesus sa dakong iyon..
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM
Magandang hapon po sa inyo mahal na ka. Elias Arkanghel,
.
Maraming salamat po sa KANILA at sa pamamagitan ninyo na isinugo at itinalaga bilang Propeta sa yugto ng ating panahon bago dumating ang kakila-kilabot na araw ng PANGINOON ay nabigyan na ng kasagutan ang matagal ng itinatanong ng mga kapatid natin sa loob ng Iglesia Ni Cristo at lalo na ang mga nasa panig ng OWE na sana itong Katotohanang ito na nakasulat sa aklat ng Juan 10:9 ay magbukas ng kanilang mga kaisipan at upang ang maling paggamit nito ay kanilang maitakwil na.
.
Ang tanging pinakananais ko bilang isang Hinirang ay kung paano ako kinahabagan at pinagkalooban ng unawa ay gayun din sana ang mga mahal ko sa buhay na ito at maging ang lahat ng mga kapatid tagos po hanggang sa hindi pa natin kapananampalataya sa loob ng Iglesia Ni Cristo.
.
Nawa’y namamalagi ang kalusugan ng inyong pangangatawan at laging ligtas sa mga nagbabadyang panganib sa kapaligiran at maging sa mga taong nagpaplano na gumawa sainyo ng mga pinsala at kasamaan na inaari naman nilang mabuti.
.
.
Ang inyong kapatid sa Panginoon,
Gregorio Pilar
LikeLike
Maraming salamat mahal kong kapatid. Ang kahilingan mo sa akin ay siya rin kahilingan ko sa DAKILANG AMANG BANAL natin at sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Pagpapala sumaganang dumating sayo.
LikeLike