Mahal naming mga kapatid, tulad ng lagi naming naipagpasalamat sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo ang patuloy nila ginagawang tulong sa hanay ng mga Hinirang. Ipinagpapasalamat din namin ang pagbugso ng napakaraming bilang na nagsasaliksik at nagbabasa na ng mga naipahayag sa Blog ng IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG at ng mga gawa ng kapwa Ka Hinirang. Nakatutuwang ibalita maging ang mga kaibayo sa pananampalataya, hindi pa natin kapananampalataya subalit nagpahayag na ng pagkakilala at pagsunod ay nagkaroon ng napakalaking simpatya sa hanay ng mga Hinirang na nakikipagpalitan ng pahayag sa mga kumikilala kay Ka Eduardo Manalo na labis na nagtatanyag ng pangalang EVM. Nakita nila at nabasa ang kahinahunan kaamuan at kababaang loob ng mga Ka Hinirang habang masasakit, mahahalay na ibinabatong pananalita, mga pag-aalimura, mga panlalait, matitinding paghamak at paghatol na nagpakahayag at nagpababa ng uri ng pagkakakilanlan sa lahat ng mga nagtatanggol kay Ka Eduardo Manalo. Kapag ganito ang ibinubunga ng pagpapagal tunay na nagiging kaaliwan ng lahat na magpatuloy pa, para sa Kapurihan, Kaluwalhatian at Kadakilaan ng ating DAKILANG AMANG BANAL at ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo ihahayag namin ang mga Katotohanang nauugnay sa mga ginagawa nilang pinsala sa mga kakapatid sa Iglesia.
Kaalinsabay naman ng pag-iral ng Katarungan kaugnay sa JUAN 10:9 at pagkakakilanlan sa SUWAIL sa Ikalawang Tesalonica kabuuang talata ng bersikulo 2 na aming mga Katotohanang naihayag, ay ang panabay na pagkilos naman ng tuso na si satanas. Napupuna ba ninyo mga mahal kong kapatid na hindi ko nilalakihan ang letra ng kaniyang pangalan? Yung kapangyarihan ni satanas na sinasabi nila ay walang lulugaran sa DAKILANG KAPANGYARIHAN ng ating mahal na PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ni katiting na lugar wala… wala.. wala.
PAGKAKAKILANLAN KAY SATANAS AT SA UMAAYON SA KANIYA
Subalit sa panig ng mga gumagawa ng masama sa diwa nila namamahay nakapapamalagi si satanas, nagagawa niyang sila ay kilusin at nagagamit niya sa pamamagitan ng mga tusong pamamaraan, nakapandarayang mga salita. Nagsisitas ng mga matuwid na talata ng BIBLIA nagagamit para maitago niya ang tunay niyang layunin. Kaya hindi siya basta na lang mapaghihinalaan, mapagkakakilanlan ng pangkaraniwang kapatid lamang, dahil nagagawa niyang magkunwang anghel ng kaliwanagan. Madali siyang makapandaya sa taong pumayag na tularan siya na maging madaya. Sila yung kaya niyang pagharian ng masamang pananalita, masamang kaisipan na may masamang mga gawa kaya nagagawa niyang lukuban ng kaniyang kapangyarihan kaibayo naman sa mga tapat na Hinirang ng ating PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo na kahit pinagwiwikaan na ng masama nagagawa harapin ng may kahinahunan, kaamuan at kababaang-loob. Dahil pinili nila’ng makapagsalita ng mabuti, mag-isip ng mabuti at gumawa ng mabuti bilang Hinirang sa loob ng Iglesia ni Cristo na aming pinakamamahal.
Sa Pahayag na ito ay may ipakikilalang indibidwal na siyang napagtagumpayan ng gawain ni satanas. Siya mismo ang naghayag at nagkanulo sa kaniyang sarili. Hindi naging mahirap sa atin na kilalanin sapagkat likas kay satanas ang maging sinungaling. Ang indibidwal na aking pinatutungkulan ay si Ka William Levistor aka Marco Tadeo na buong tapang na naghahamon ng debate. Kung wawariin nagmamalaking nagpapakilala na siya ay may kasanayan sa bagay na kaniyang ginawa at inilatag. Subalit sa halip na parangalan ay nahayag lang sa kaniyang katusuhan. Kawawa naman ang walang kamalay-malay na mga kapatid na siya ang kinakampihan at hinahangaan na pawang nadamay lamang sa kaniyang mapaminsalang pamamaraan. Nakapang-akit ang Ka William Levistor sa pag-aakalang mapananaigan niya ang gumagabay na Banal na Espiritu kay kapatid na Elias Arkanghel. Hindi tuloy naiwasan ng mga kapatid na napaniwala ni Ka William Levistor na makapagbigay ng sariling komento na dahil sa kabigatan ng naipahayag ay hindi makaiiwas na datnan ng mabigat na pagsubok, suliranin ngayon sa buhay. Nawa kayanin ninyo mga mahal kong kapatid kailangan ninyong danasin yan bilang disiplina at KANILANG pagmamahal. Kailangan ding magpatotoo sa inyo na ito ay hindi laro o pangkaraniwang usapin sapagkat kaluluwa at kaligtasan ng marami ang dito ay nakasalalay. At kapag nakabalikwas ay sikapin na lamang ninyo ang makapagbagong-buhay, bumalanse, at huwag na agad-agad hahatol. Higit na mainam manahimik na sumubaybay, inaaral kung sino ang nasa panig ng mabuti at kung sino ang sa panig ng masama na inyong dapat pakisamahan at paniniwalaan.
Magpapasimula na tayong aralin ang naging pahayag ni Ka William Levistor. Kung paano siya ginamit ni satanas para gumawa ng pansilo laban sa atin subalit naipagkanulo lamang ang kaniyang sarili kaya siya ang nahulog mismo sa sariling bitag na ginawa niya.
Ngunit bago siya nahayag mayroon na muna siyang inilatag … Mababasa ninyo sa kasunod na hanay ..
William Levistor > Defender
Iniimbitahan ko si ELIAS BLOGGER ARKANGHEL sa isang Maginoong Talakayan….ONE ON ONE DISCUSSION
NARITO ANG AKING UNANG KATANUNGAN para sa iyo AUDREY:
TUGON: Sa nilatag ni Ka William Levistor tagapagtangol ng Ka Eduardo Manalo sa isang Maginoong Talakayan ay hindi mo nasunod ang mga nilatag mong tuntunin. Katunayan ikaw pa ang sumira agad nito. Kung bakit? Gaya ng pahayag mo ay ONE ON ONE DISCUSSION. Sa maikling oras pa lang 44 minutes pa lang ang nakalipas sa kabuuang 24 hours na binibigay mong palugit ay may katanungan ka na agad kay kapatid na Audrey. Samantalang ang pahinang inihanda mo ay sa hinahamon mo nilalaan. Sa bagay na yan sa bungad pa lang tila nagpakita ka na ng iyong kahinaan.
NAKATITIYAK BA KAYO AUDREY NA ANG SALIN NG MAGANDANG BALITA BIBLIA PARA 2 TESALONICA 2:3 NA GINAMIT NI ELIAS ARKANGHEL AY ANG TUMPAK NA PAGKAKASALIN NG NASABING TALATA?
YES OR NO!
Kwini-kwestyun ng Ka William Levistor ang napahintulutang gamitin naming salin ng II Tesalonica 2: 3 Magandang Balita Biblia. Tila ibig mo pang higitan Ka William Levistor ang udyok at pasya ng Banal na Espiritu at ipilit ang ibig mo. Narito ang nasa Blog na salin : II Tesalonica 2: 3 MBB 3 Sa anumang paraan, huwag kayong padadaya kaninuman. Ang Araw ng Panginoon ay hindi darating hangga’t di nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail, ang itinalaga sa walang katapusang kaparusahan.
NAKATITIYAK BA KAYO AUDREY NA ANG SALIN NG MAGANDANG BALITA BIBLIA PARA 2 TESALONICA 2:3 NA GINAMIT NI ELIAS ARKANGHEL AY ANG TUMPAK NA PAGKAKASALIN NG NASABING TALATA?
YES OR NO!
TUGON: Mapapansin sa inilatag mong gabay para sa debate ang mababasa na hinahamon mo ay ang Kapatid na Elias Arkanghel kaya lang sa ikalawang pagkakataon muli mong tinatanong ang kapatid na Audrey na naman. Subalit kung sasagutin ka namin Ka William Levistor sa katanungang nauugnay sa talata kung nakatitiyak nga ba kami? Oo dahil sa udyok ng Banal na Espiritu, 100% na tama at tumpak ang salin ng nasabing bersikulo at mga talata sapagkat higit na umaayon ito sa pinatutungkulan na paglitaw ng Suwail na tumitiyak naman sa ating kapanahunan. Ibig lang namin ipaunawa sayo kahit hindi kakapatid sa IGLESIA NI CRISTO bilang kapwa tao na mga nagpagal, anumang denominasyon nabibilang, Katoliko man at Protestante, atin naman silang pasalamatan bilang pagkilala natin sa mga nagawa nilang matiyagang pagsasalin. Napagtibay na ng PANGINOON ang kanilang salin kaya napahihintulutan, kaya nga nagagamit natin at tayo na lamang ang hinahayaang magsuri sa nasabing naisalin na mga Banal na Aklat o BIBLIA. Sapagkat noon pa man wala tayong sariling salin ng Banal na Kasulatan. Lagi lang natin pinagwawangis sa Katotohanan ang mga Kaalaman mula sa Karunungan ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo na ating pinag-aaralan mula sa iba’t-ibang salin. Dahil diyan kung ano ang mainam na salin ay yun ang tuwirang ginagamit natin. Mali naman Ka William na sini-sino mo pa ang mga nagsalin sa layunin mong hamakin ang gumawa. Kaya lang bilang bantay ng PANGINOON sa IGLESIA ang Banal na Espiritung nag-uudyok sa amin, ay hindi namin maiwasan alamin, aralin, siyasatin kung may katotohanan ba ang mga sinasabi mo sa amin. Sa aming pag-aaral, ikaw Ka William Levistor o sinuman ka man sa tunay mong pagkatao at pagkakakilanlan, base sa iyong mga naging pahayag ay napatunayan namin na nagtataglay ka ng diwang kasinungalingan at ito ay napakalaking pananagutan mo sa ating PANGINOONG DIYOS mula ng papaniwalain mo ang mga mambabasa mo na humahanga sayo. Ikaw ang may sabi na :
Ka William Levistor alyas Marco Tadeo kailan man hindi mananaig ang masama sa mabuti. Naipagkanulo mo ang sarili mo sa mga nakakikilala sayo bilang isang magiting na mandirigma na tagapagtanggol sa panig ng Ka Eduardo Manalo. Sa paghahangad mong matanyag ginawa mo ito at tinawagan ng pansin ang mga nakakikilala sayo kasama pa ang Ka Michael Marquez Sandoval dahil inaakala mo na hindi ka mapananaigan sa paghamon mo. Hindi ako tinawag para makipagdebate, ang bilin sa akin ay “MAGPAHAYAG KA” kaya sa pagsunod ko sa PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo hindi ko SILA susuwayin para mapagbigyan lamang kita. Dahil minsan na itong ginawa, ng tusong si satanas sa ating Panginoong Jesu-Cristo upang tuksuhin Siya habang nasa anyong ahas si satanas sa ilang. Kaya si satanas hindi titigil sa pandaraya. Dahil sa tusong pamamaraan ginamitan mo pa kami ng katulad na kaniyang pamamaraan. Oo ng kasinungalian kung kaya sa bitag na ikaw ang may gawa, ang siyang nasilo sa patibong na inihanda. Subalit bigung-bigo ka, laglag ang pag-asa mong maipagtatagumpay mo pa ito sapagkat lalabas na kakalabanin mo pati ang CENTRAL sa itinataguyod na salin ng talata sa II Tesalonica 2:3. Mapaninindiganan mo ba ang pinangahasan mo para itama sila? Paano mo ito malulusutan? Tulad ng ipinauunawa likas na sinungaling si satanas at ang tinig niya ang sinusundan ng mga nahirati sa kasinungalingan. Sa aminin mo man at sa hindi ikaw ay napaiilalim sa kaniyang kapangyarihan kung paano mapatutunayan ay kailangang ihayag ka upang hindi na pamarisan.
Pinatutunayan lang ikaw ka William Levistor aka Marco Tadeo ay tuwirang nagsisinungaling sa kagustuhan mong hiyain ang kapatid na Elias Arkanghel sa hanay ng mga kapatid na IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG. At dahil diyan may nagawa ka sa mga pinaniwala mong mapagtatagumpayan mo ang laban mong ito. Dinaya mo ang mga kapatid. Kaya hindi nila inibig ang Katotohanan. Anong tiyak na magiging kalagayan mo kung panghahawakan natin ang mababasa mong talata sa ibaba. Maliligas pa ba sila? Basahin mo kapatid II TESALONICA 2:10-12 MB 10 At gagamit siya ng lahat ng uri ng pandaraya sa mga mapapahamak – mga taong maliligtas sana kung kanilang tinanggap at inibig ang katotohanan. 11 Sapagkat hindi nila tinanggap ang katotohanan, ipinaubaya ng Diyos na sila’y malinlang ng espiritu ng kamalian at papaniwalain sa kasinungalingan 12 upang maparusahan ang lahat ng pumili sa kasamaan sa halip na tumanggap sa katotohanan. Kawawa ang mga kapatid na nahumaling sa pagsunod sa inyong lahat Ka William Levistor. Paniwalang-paniwala niyo sila gamit ang kapangyarihan ni satanas na umalipin na rin sa kaisipan ng mga napaniniwala niyo na sa PANGINOONG DIYOS pa rin nagmumula ang mga ipinasusunod at ipinagagawa ng Ka Eduardo Manalo sa mga kapatid. Pinipinsala na niya ang mga kakapatid sa Iglesia kasama niyang gumagawa nito ang mga katuwang niyang tiwaling sanggunian pati na ang mga ministrong napagdimlan na ng kaisipan at kasama ka na nila diyan na napagagamit. Hinding-hindi kayo mananaig kailanman sa panig ng gumagawa ng mabuti. Ihahayag at ihahayag kayong lahat lalo na sa Banal na Hapunang ito 2018, ay napapanahon malagay muli kayo sa malaking kahihiyan. At yan ay magaganap sa mismong pangangasiwa ng Ka Eduardo Manalo sa Lokal na kaniyang pagdadausan ng Banal na Hapunan. Masasaksihan yan ng maraming mga kakapatid. Mayroon na bang naganap na kamalian kung siya ang nangasiwa? Mayroon tama po ba? Kayo na mga mahal kong kapatid ang magpatotoo. Hindi lang isang Lokal kundi maging pangangasiwaan ng mga nasa tiwaling Sanggunian at ng mga Tagapangasiwang sa kanila ay sunud-sunuran. Kaya kapatid na William Levistor kung may natitira ka pang awa sa iyong sarili at sa mga mahal sa buhay ay sikapin mong bumalikwas at hikayatin mo ang lahat ng napaniwala mo na piliin ang mabuti. Kapag hindi ka nagdamdam sa mga paghahayag na ginawa sayo sa halip pinili mong itama ang lahat ng pagkakamali mo. Mararamdaman mo ang kakaibang karanasan sa buhay mo. Sagipin mo ang mga naipagkanulo mo. Suyuin mo ipaglambing mo sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS na bigyang linaw pa NILA ang kaisipan mo. At sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo maibabalik ang lahat ng pagpapala NILA sayo. – Elias Arkanghel S03102018PT2058
ANG NASA IBABANG BAHAGI NA PAHAYAG ANG PATOTOO NA LAMANG NA NAGING USAPIN ANG INIHAHAYAG NA PAHAYAG DITO LALO NA SA GINAWANG HAMON NG KA WILLIAM LEVISTOR SA LAYUNING ITANYAG ANG KANIYANG SARILI SUBALIT NABIGO
=============================================================================
PAKSA: PATUTUNAYAN NA SI KA EDUARDO V MANALO ANG SUWAIL SA 2 TESALONICA 2:3-4 sa PAMAMAGITAN ng BIBLIA at MAGAGAMIT na REFERENCIA.
APIRMATIBO : ELIAS ARKANGHEL (PROPETANG NAGTATAGO)
O kung SINO SA MGA ALIPORES NIYA AATASAN NIYA PARA IREPRESENT SIYA.
NEGATIBO: William Levistor. (ORDINARY INC MEMBER)
…pareho naman kaming hindi MINISTRO, at PAREHONG HINDI NAKAPAG-ARAL sa MINISTERYO…
TAPOS LAMANG PA SIYA KASI MAY POWERS PA SIYA SABI NG MGA ALIPORES NIYA….at HIGIT sa LAHAT ISA SIYANG PROPETA.
YOU HAVE 24 HOURS TO APPEAR ON THIS THREAD…
OH MAG-ASSIGN KA KUNG SINO ANG PUWEDE SA MGA ALIPORES MO….KUNG NADUDUWAG KA.
CLOCK STARTS NOW. 7:26PM – PHIL TIME.
KAPAG HINDI KA LUMITAW ELIAS WITHIN 24 HOURS…. TANGGAPIN NA NINYO ANG KATOTOHANAN NA SINUNGALING KAYO AT BULAANG PROPETA KA.
BAWAL NA BAWAL ANG PAGLALATAG NG LINK LANG… KAILANGANG NAKAPOSTE ANG PALIWANAG SA LATAG.
FORMAT NG DEBATE:
1. AFFIRMATIVE PRESENTATION
1.1 CROSS EXAMINATION OF AFFIRMATIVE BY NEGATIVE – 5 QUESTIONS
1.2 AFFIRMATIVE ANSWERS
2. NEGATIVE PRESENTATION
2.1 CROSS EXAMINATION OF NEGATIVE BY AFFIRMATIVE – 5 QUESTIONS
2.2 NEGATIVE ANSWERS
MGA DALAWANG ULIT PA NA GANIYAN
THEN CONCLUSION OF AFFIRMATIVE
CONCLUSION OF NEGATIVE
END OF DEBATE…
ISA ISA ANG BAGSAK NG QUESTIONS… KAPAG AYAW SAGUTIN ANG TANONG AY HINDI ILALATAG ANG SUSUNOD NA TANONG o HINDI NA UUSAD ANG DEBATE…
TALO NA ANG TINATANONG.
SiMPLE, DI BA?
— with Michael Marquez Sandoval and 31 others.
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
Nomar Chavez
Daniel Gregori
Audrey Roxas
William Levistor
Repost natin ang TANONG para malinaw:
NARITO ANG AKING UNANG KATANUNGAN para sa iyo AUDREY:
NAKATITIYAK BA KAYO AUDREY NA ANG SALIN NG MAGANDANG BALITA BIBLIA PARA 2 TESALONICA 2:3 NA GINAMIT NI ELIAS ARKANGHEL AY ANG TUMPAK NA PAGKAKASALIN NG NASABING TALATA?
YES OR NO!
A. KUNG ANG SAGOT MO AY “YES”
MAAARI MO BANG PATUNAYAN SA AKIN KUNG ANO ANG PINANGHAHAWAKAN NINYONG NAPAKATIBAY NA EBIDENSIYA NA ANG SALING MAY BANGGIT NA “HULING PAGHIHIMAGSIK” ANG SIYANG TUMPAK NA PAGKAKASALIN NG NASABING TALATA?
B. KUNG ANG SAGOT MO AY “NO”
BAKIT GUMAGAMIT SI ELIAS NG ISANG TALATA NA HINDI NAMAN PALA NIYA TIYAK NA TUMPAK O TAMA ANG PAGKAKASALIN KUNG TUNAY SIYANG SUGO NG DIYOS?
William Levistor
Ok ano ang SAGOT mo…
YES or NO!
KUNG YES MAY SASAGUTIN KANG TANONG
KUNG NO MAY SASAGUTIN KANG TANONG
HAYAN DI BA?
Tulad ng sinabi ko na kung bakit iyan ang ginamit na salin ni Ka Elias Arkanghel dahil iyan ang tompak na salin mas maunawaan ng lahat. At Kung gusto mo ng patunay kung gaano katotoo na iyan ang tompak na salin dahil nasa dulo na tayo ng panahon ng ika 6 na araw ng Panginoong Dios. At pakiwatch ang video para makita mo ang katuparan bakit iyan ang tompak na salin dahil ang nakasulat kahit noong 1905 na salin ay uupo sa templo ng Panginoong Dios.
At sa video na aking napakinggan binasa ni Ka Felix Y Manalo ang talata na iyan pero kapansin pansin na ganito lang ang sinabi niya sa kanyang pahayag na uupo sa templo hindi niya dinudugtong sa kanyang pahayag ang uupo sa templo ng Panginoong Dios gayong sa talatang kanyang ginamit nandoon ang yon. Pero sa mga pahayag niya paulit-ulit uupo sa templo Lang sa Templo hindi niya sinasabi na uupo sa Templo ng Panginoong Dios
Hindi nyo ba napapansin bakit hindi niya sinabi na uupo sa templo ng Panginoong Dios kundi uupo lang sa Templo?
Dahil alam po kasi ni Ka Felix Y Manalo na ang Templo ng Panginoong Dios ay ang Iglesia ni Cristo dahil ito ang bayan ng Panginoong Dios. Kung ilagay niya sa kanyang pahayag ang uupo sa templo ng Panginoong Dios di baga nakakalito yon? Dahil ang Papa ay wala sa tunay na Iglesia ni Cristo.
At sa mga pahayag na iyan ni Ka Felix mapapansin na may hiwaga pa po talaga na hindi ibinigay sa kanya ang tamang pagkaunawa? Sa anong dahilan bakit hindi ito ibinigay sa kanya ang lahat ng pagkaunawa sa hiwaga? Dahil hindi pa panahon na ituro ito sa atin.
Pakiwatch ang video tungkol sa Suwail na katuparan sa salin ng talata na ginamit ni Ka Elias Arkanghel https://youtu.be/CJcwey2cD68
==========================================================================
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM #WeareonewithGoD
#WeareonewithChrist #WeareonewithEVM #Worldwidewalkforyolandavictims
One thought on “KA WILLIAM LEVISTOR ISANG BLOGGER a.k.a. MARCO TADEO NAGLATAG NG PAGHAMON KAY ELIAS ARKANGHEL NAHAYAG SA KASINUNGALINGAN, KAHIHIYAN ANG NATAMO SA HALIP NA KATANYAGAN.”