
Ang IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG ay isang bukas na pahina para sa Kapurihan at Kaluwalhatian ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Isang napahihintulutang Blog na maglalarawan ng napakadakilang pag-ibig at pagmamahal NILA sa KANILANG mga Hinirang. Ginawa ito sa udyok na rin ng Banal na Espiritu. Magsisilbing tagapagpatnubay para sa kapakanan ng lahat ng mga Hinirang, upang sa pamamagitan nito, masinop pa rin na mababantayan, mapangangalagaan at magagabayan ang lahat.
Aakayin nito ang indibidwal na kapatid sa IGLESIA sa matuwid na pamumuhay. Tuturuan pa na taglayin ang pinaka-mataas na uri ng pananampalataya, patatatagin at patitibayin ang pag-asa habang hinihintay ang pangakong kaligtasan, at higit sa lahat papag-aalabin nito ang pag-ibig sa kakapatid sa IGLESIA habang gumagawa ng mabuti at ibinubuhay ang kabanalan.
Ang Blog din na ito, magsisilbing tagapag-paalaala na rin, magtuturo upang makatulong para ang indibidwal na mga kapatid natin na mga nanlulumo at nanghihina bunga ng ibat-ibang uri ng mga pagsubok, ay mapalakas at mapanumbalik ang kasiglahan sa mga Pagsamba na hindi balakid ang anumang kanyang naririnig at nauulinigang mga balita sa social media patungkol sa mga katiwalian.
Kaya nga sa pamamagitan ng Blog na ito, marami sa inyo ang mabubuksan pa ang kaisipan sa mga ilalahad at ipahahayag dito. Pagkat ang mga Katotohanan na inyong mababasa at maririnig , ngayon lang darating sa inyo ang pagkaunawa hindi napag aralan sa Ministerio. Pagkat inilihim sa mahabang panahon subalit ngayon ay ipinahihintulot ng ipabatid at ipaalam sa lahat, ang kaugnayan ng mga kaganapan sa kaukulan nito sa kasalukuyan at sa hinaharap.
Ngunit sa kabila ng lahat, ito ay may pahintulot ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS, sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo sa Patnubay ng Banal na Espiritu na pumuna at magsaway sinuman ang masumpungang nasa paglabag at nagpapatuloy sa paggawa ng masama. Lalo na sa hanay ng mga kinakaladkad at kinakalakal ang pangalan ng IGLESIA NI CRISTO para lang sa kanilang sariling kapakinabangan na lamang. Kaya ang blog na ito ay may malaking ginagampanan para sa kapakanan ng lahat sa pagtutuwid at panunumbalik ng indibidwal na kapatid, ng lahat na taglay ang matuwid na kaisipan, na kaisandiwa sa kabutihan, sa kalinisan at kabanalan patungo sa tiyak na kaligtasan.
Ang gampaning ito ay hindi ipinagkaloob kung kani-kanino lang. Sapagkat ang PANGINOONG DIYOS ang pumili at humirang para isagawa ang lahat ng KANIYANG balak. May basbas ng DAKILANG PANGINOON ang bawat sasalitain, iisipin at gagawin. Taglay nito ang Batas ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS na dapat umiiral. Kaya kung anong ipinag-uutos yun ang KANIYANG handang papangyarihin. Matapang na isasagawa, walang kinatatakutan, walang kinikilingan, walang kakampihan. Pagkat pantay ang timbangan ng Katarungan ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na gagamitin dito.
Kaya mga mahal kong kapatid, maging handa! Anuman ang mangyari kailangan manguyapit ng buong higpit sa kahalalang tinanggap. Walang bibitaw, walang uurong, hanggang matapos ang kinakaharap nating mga pagsubok habang dinadalisay ang ating pananampalataya. Kailangan munang mangyari ito para matupad ang lahat ng nakasulat sa Biblia. Kaya lalo pa tayong maging mga matatag, patuloy na makapanindigan sa aral at doktrinang tinanggap bilang mga IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG sa tapat na paglilingkod sa ating PINAKAMAKAPANGYARIHANG PANGINOONG DIYOS. Kaya pakiusap, bagaman nahayag na ang ginagawang katiwalian ng mga pinunong Ministro na nasa Sanggunian, mga naging palalong Tagangasiwa sa Distrito at hanggang sa mga sunud-sunuran nasa mga Lokal man, kung sila ay mangangasiwa ng mga Pagsamba ay huwag nating matitigan ang mga hayag na kapintasang nakita natin sa kanila. Manapa ang aral na ating pinakikinggan na kanilang itinuturo ang ating mapagtuunan ng pansin at mabigyan ng pagpapahalaga. Sapagkat yaon ang magsisilbing pagkain ng ating kaluluwa, lakas nating kailangan habang sila man din ay sinusubok pa. Pinahihintulot pa ng PANGINOONG DIYOS tumayo sila sa Banal na Tribuna, awa at habag pa rin sa kanila pagkat may ibinibigay pang takdang panahon sa kanila para lubusang magbago. Hayaan natin habang tayo ay kanilang inaaralan ay kaalinsabay na pangaralan din nila, pagsabihan, pagpayuhan ang kanilang mga sarili na waring nakaharap sila sa malaking salamin ng Katotohanan habang nangangaral sa Banal na Tribuna. Baka mamulat at maramdaman din nila ang dumi na nasa tahilan ng kanilang mga mata kung bakit pumapayag silang maging bulag na taga-sunod kahit masama na ang ibinubunga ng kanilang pananahimik. At kung hindi magbabago dahil sa karuwagan wala na silang pagkakaiba sa mga namiminsalang nakasasakop na nangunguna sa kanila. Dahil pinili nila sumunod sa malupit nilang pinapanginoon at ayunan na lang ang lahat ng sapilitang pagpapasunod sa kanila. Kung hindi magbabago, nakalulungkot na pare-pareho na sila sa nakatakdang parusa ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS na kanilang tatanggapin. NGUNIT kung babalikwas at pipiliin nila, na sila ay makabilang sa mga Ministrong may dangal na naninindigan sa panig pa rin ng mabuti ay mapalad pa rin silang maituturing pagkat di daranasin ang galit ng PANGINOON.
Kaya nga kung kayo man, kasalukuyan pang nasasakop ng mga tiwaling lider na sinasabi at patuloy na nakararanas ng pananakot at kanilang panggigipit, ay huwag na huwag kayong matakot na itiwalag nila at maalis sa kanilang maling paraan ng pamamahala. Sapagkat lalabas kayo hindi sa labas ng IGLESIA NI CRISTO kundi sa maling pangangasiwa nila. Pagkat muling magaganap ang pagpapanibagong tala, ito ay sa mabuti ng Pamamahala na binabanggit sa Biblia na aking ihahanay sa mga susunod na pagpapahayag. Kung paano naganap ang isang lihim na pagtatagpo at ugnayan sa Kinauukulan na aking babanggitin. Malalaman niyo ang kaniyang ipinahayag. Pagkat alam ng Kapatid na Erano G. Manalo na mangyayari ang lahat ng ito. Hindi siya papayag na mapariwara ang IGLESIA NI CRISTO, kaya naisagawa ang pagpapatong ng Kanyang kamay sa Kinauukulan, na nalingid sa kaalaman ng lahat sa kabatiran ng tatlo tao lamang at hindi ipinaalam sa mga naunang nakasama noon pa man. “Ako ay magpapakilala sa inyo, sa takdang panahon!” “Pagkat may nakahihigit pa sa akin.” “Siya ay ako, ngunit hindi ako Siya.” ” Ako ay sa Kanya, ngunit Siya ay hindi sa akin.” “Kung ano ang iniisip ko, yun din ang iniisip Niya!” “Pagkat hindi kami dalawa, kundi kami ay iisa!” “Iisa ang aming diwa sa pag-ibig at pagmamahal sa IGLESIA gaya rin naman ninyo tayo ay iisa sa Katawan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.” Kaya magalak kayo pagkat magaganap na ang paglilinis ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa IGLESIA. Ibabalik ang mga dating bagay na nakalulugod sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS. Muling matatanyag ito, mali sa iniisip ng iba. Pagkat kailanman walang binanggit sa Biblia na nakapagtalikod sa IGLESIA. Ngunit pansamantala itong tatagilid dahil sa mga pangyayari. Muling itong babangon, at sa panahong yun ay wala na ang mga hanay ng mga masasama. Kaya panghawakan natin ang mga aral at Katotohanan na ating tinanggap mula ng tayo’y matawag at tumanggap ng Banal na bautismo. Hinihiling na laging mananalangin sa lahat ng pagkakataon, huwag na huwag nating lulubayan upang hindi mapuputol ang ating kaugnayan sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo anuman ang mangyari sa kabuuan. Dahil ang madalas na pananalangin sa KANILA ang katumbas na rin ng araw-araw natin PAGSAMBA habang ang lahat ng kaganapan ay ipinahihintulot pa.
Sa mga pangyayaring ito marami ang matitisod. magkakabaha-bahagi dahil ipipilit ang ibat-iba mga opinyon! Kabi-kabila, mga kapatid na rin natin ang magnahanap ng mga kasagutan sa bawat katanungang babangon. Kaya nga lalo pa tayong magpakatibay, maging matatag, at tulad ng ipinauunawa laging maging mapanalanginin pagkat nakatakda itong maganap na ipinagpauna mismo ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
MATEO 24:
10 Marami ang matitisod at magkakanulo sa isa’t isa at mapopoot sa isa’t isa. 11 Maraming lilitaw na mga bulaang propeta at ililigaw ang marami.12 Dahil sa paglaganap ng hindi pagkilala sa kautusan ng Diyos, ang pag-ibig ng marami ay manlalamig. 13 Ngunit siya na makapagtitiis hanggang wakas ay maliligtas.
Mga kapatid nakalulungkot sapagkat marami silang nahihikayat para tayo ay pinsalain, ito ang nagagawa ngayon ng mga nasa tanggapan ng ACTIV, at ilang mga kapatid napagagamit sila sa kanilang pinapanginoon na nabubuhay sa gawang immoralidad at walang sawang lumulustay sa mga kusang loob na handog ng mga kapatid natin. Kanilang paulit-ulit na sinisiraan ang mga pumupuna sa kanila sa halip na sagutin ang mga katiwaliang inihahayag laban sa kanila. Hanggang ngayon nagpapatuloy ang mga tiwaling Sanggunian at mga palalong Tagapangasiwa at mga ministro para mapagtakpan ang mga masasama nilang mga gawa. Kaya pilit man nilang sirain, pigilan at alisin ang mga social media account ng mga pinahihintulutan na pakasasangkapan sa mabuti para matupad ang salita ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS na ilantad ang masasamang kasama, ay hinding-hindi titigil ang mga kapatid kong matatapang na naghahayag ng Katotohanan. Kayo ay aking ikinararangal. Lamang nakikiusap din ako sa inyo gamitan natin sila ng may kaamuang pahayag upang maagaw pa natin sila sa apoy ng pagkapahamak. Hilingin natin sa DAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo na samahan NILA tayo sa pagtutuwid sa kamaliang nagawa ng mga kapatid natin, ng mga Ministrong nabitag ng katusuhan ng diablo. Kawawa naman ang mga matuwid at tapat na Ministro at Manggagawa na naghihintay din ng may magtatanggol sa kanila. Gayun din naman, kaawa-awa rin yaong mga walang kamalay-malay na mga kapatid na nagtanong lamang sa nabasa nila sa Social Media subalit biglaan ang pasyang sila ay itiwalag. Hindi na dumaan sa tamang proseso, wala ng ginawang anumang pagpapayo sa kanila. Naalis na ang katutubong pag-ibig! Hindi na kinikilala ang aral at kautusan ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Binago at inalis nila ang mga tuntunin magpapatagal at makasasagabal sa mga mapaminsalang plano nila. Wala ng katarungang umiiral sa halip pawang panggigipit. Kaya tama ang pahayag mismo ng ating Panginoong Jesu-Cristo dahil sa kanilang mga hayag na masasamang gawa ay magbubunga ng panlalamig ng pag-ibig ng marami.
Gayunpaman, alam natin kung ano ang mga mabuti at kung alin naman ang masama. Kaya kahit may pinanghihinaan ng loob bunga ng pag-uusig, ay magmalasakitan pa rin tayo. Kaya dapat;
I TESALONICA 5: 14 Mga kapatid, ipinapakiusap din namin na inyong pagsabihan ang mga tamad, pasiglahin ang mahihinang-loob, at kalingain ang mga mahihina. Pagtiyagaan ninyo silang lahat. 15 Huwag ninyong paghigantihan ang gumawa sa inyo ng masama; sa halip, magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti sa isa’t isa at sa lahat. 16 Magalak kayong lagi, 17 palagi kayong manalangin, 18 at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
19 Huwag na ninyong hadlangan ang Espiritu Santo. 20 Huwag na ninyong bale-walain ang anumang pahayag mula sa Diyos. 21 Suriin ninyo ang lahat ng bagay at gawin ang mabuti. 22 Lumayo kayo sa lahat ng uri ng kasamaan. 23 Nawa’y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa’y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Ito ang magandang pagkakataon mga mahal kong kapatid, na pahalagahan natin na sundin ang ipinakikiusap sa atin ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Palakasin natin ang loob ng mga kapatid nating nanghihina. Magpaalalahanan! Mangag-aralan tayo sa isa’t-isa Ipagmalasakit natin ang lahat akay ng pag-ibig at pananampalataya para mapatatag natin ang pananampalataya at pag-asa ng mga kapatid nating higit na nagdaranas at naapektuhan ng mga pinsalang nilikha ng mga nasa CENTRAL sa loob ng IGLESIA. Ngayon na higit ng ipinauunawa na nalalapit na ang araw ng paghuhukom sa Espiritual ay lalo tayong maging masigasig na gawin ang mabuti. Layuan na natin ang lahat ng uri ng paggawa ng masama, mag-isip ng masama, at magsalita ng masama. Sikaping maging Banal sapagkat yan ang ating kaukulan upang walang anumang maipipintas sa buo nating katauhan, hanggang sa muling pagparito, ng ating Panginoong Jesu-Cristong mahal. Kaya nga mga mahal kong kapatid ihandog na natin ang ating abang sarili na haing buhay sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo at manatiling nasa panig NILA hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng ating buhay. Ang inyong abang lingkod – Elias Arkanghel
TWITTER ACCOUNT: @EliasArkanghel
FACEBOOK ACCOUNT: https://www.facebook.com/pages/Iglesia-ni-Cristo-Hinirang/415000295347252
Hashtags: Please copy and paste to all your messages to make sure that ACTIV will not be able to delete this message.
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #iglesianicristohinirang #iglesianicristoneverkeepsilent
Salamat po Ka Elias Arkanghel naliliwanagan po ako ngayon,na aking nababasa ang mga katutuhanan hingil sa nangyayari ngayon sa kasalukuyan,,kaya nga ibinawabal sa mga serkolar ang pagamit ng social midia,,para itago nila ang mga katotohanan na kanilang ginawa..sana tulongan tayu ng Dakilang Panginoong Diyos Na maisaayus ang mga nangyayari..
Like
Sa totoo lamang po kapatid sa Gawa 20:28 nagulat ako kung anong pangalan ng Iglesia ang tinubos sa talatang iyon, nabuksan din po isip ko at nanlulumo po ako sa mga nababasa ko sa Bibliya. At nasa INC rin ang tatak na illuminate meron din pong simbolo ang ating logo na baliktad na compass at pentagon tulad ng freemason na secret society. Sana po matulungan tayo ng Panginoong Diyos. Nakakatakot po yung mga pinost ninyo sa Youtube ninyo. Hindi gawain ng tunay na Iglesia Ng Diyos ang magrally gumawa ng anumang gulo at lalo na ang pagiging suwail na anak ni Ka Eduardo at mapoot sa kapatid. Diyos ko tulungan nawa po tayo ng Panginoong Diyos na linangin ang kaisipan sa pagbabasa ng aral Niya sa Bibliya
Like
Ako po ay isang mang aawit at bago lang po ako na naging member sa hinirang. ilan beses na rin po akong kinukumbisi ng mga kapatid ko na basahin ang blog na ito, pero nalilito po ako kaya dinaan ko muna sa panata dahil gusto kong makatiyak na totoo po kayo. nung nabasa ko po ng minsan ay naramdaman ko na parang kayo ay si Ka Erdy dahil matagal din po kasi ako sa Central na naglingkod bilang isang cook po doon. at yung pagkatapos ko pong nabasa ang blog nyo ay nanaginip po ako ng magkakasunod yung isa ay ang defender ay dapat daw magkasundo at naputol po. at ang isa naman po ay nakasakay ang mga tao sa kanya kanyang airplaine na gagamitin sa war, di ko alam kung bakit ganun ang panaginip ko, at ang katanungan ko po. may nagsabi po kasi sa akin isa sa mga friend ko na nagbabasa sya sa defender. kayo po ba ay tiniwalag po ni Ka Erdy noon? yun po ang gusto kong malaman at kung maari po ipaliwanag nyo po sa akin ang aking panaginip. Salamat po
———————————————————————————————————
Maraming salamat kapatid na Fury Manansala sa pakikibahagi mo at pagbabasa ng Iglesia ni Cristo … Hinirang. Tama yung ginawa mong kaparaanan na iniugnay mo muna sa PANGINOONG DIYOS at sa Panginoong Jesu-Cristo bago mo binasa ang mga napapaloob sa Blog na ito sa pamamagitan ng pagpapanata. Patungkol naman sa katanungan mo … Hindi totoo na ako ay itiniwalag ng Kapatid na Erano G. Manalo sapagkat walang dahilan para ako ay maitiwalag mahal kong kapatid. Anuman ang narinig mo ay isang paratang lang sa kapatid mo na inuugnay sa dating itiniwalag ng Tatay Erdy. Gaya ng iyong kahilingan na maipaliwanag sayo ang panaginip mo. Dapat na magkasundu-sundo na talaga ang mga Defenders naputol lang… ngunit ibinigay din ang karugtong para sa ikauunawa. Mahirap pa sa ngayon na magkasundu-sundo ang mga Defenders sapagkat inilalarawan pa na matataas pa ang mga lipad o matataas ang mga pride ng iba, yan ang kaugnayan na nakasakay ang mga tao sa airplane. Kung bakit sa airplane sapagkat ito ay kalipunan ng may mga bilang na nakasakay o grupu-grupo o may mga kanya-kanya pang pare-parehong paniniwala ang isa’t-isa na handang makipagdigmaan o war sa sinumang maibigan na digmain na may grupo ding kinikilala. Magandang umaga sayo mahal kong kapatid! Nawa ang tulong, basbas, biyaya’t pagpapala sayo ng AMANG BANAL at ng Panginoong Jesu-Cristo ay dumating sayo, sayong tahanan at sa mga mahal mo sa buhay. Muli maraming salamat! – Elias Arkanghel 04152016
Liked by 1 person
Kapatid na Elias, Hello po! Sorry po ngayon lang po ako makapag-comment sa mga sinusulat nyo po kasi hindi ko po alam noong umpisa ang gagawin kung papaano po mag-leave ng comment. Pinag-aralan ko po muna ng mabuti kung papaano. Konti lang po kasi nalalaman ko sa computer kahit nag-aral ako noon mga taong 1990’s pa po at kahit po nagko-computer dahil po sa facebook ay hindi pa rin po sapat mga kaalaman ko pagdating sa internet. Nag-e-expirement po tuwing may nais malaman, nagreresearch sa internet, nagbabasa at nagtatanong din po sa mga may alam na kakilala. Matagal na rin po akong nagbabasa ng mga blogs na isinusulat mo po at nais ko pong magpasalamat sa inyo dahil po ang laking tulong po ng nagagawa ng pagbabasa ng mga isinusulat mo po na nararamdaman ko rin po na nagmamalasakit at nagmamahal ka po sa bawat isa sa amin. Lalo na po sa panahong ito na nag-aapuhap po kami ng totoong makapagpapalakas sa aming nanghihina, nahahapis na mga damdamin dahil sa kasalukuyang nangyayari po sa kabuuan ng kawan ng Panginoong Jesus na kung saan po tayo ay tinipon ng Amang banal. Nararamdaman ko rin po ang paghaplos ng Ama dahil sa tuwing ako ay nakakabasa ng mga blogs mo po ay hindi ko po mapigilan ang mga luha ko sa pagpatak. Ang sarap po sa pakiramdam na parang nagbabasa pa lang po ako ay ramdam ko na ang pagkalinga ng Ama at parang nagpapayo sa akin na nandiyan lang po ang Ama at hindi nagpapabaya sa mga tunay na naghahanap ng pagkalinga at pagmamahal Niya. Kaya, salamat po ng marami sa ginagawa mo pong ito para sa amin at higit po sa lahat salamat po ng marami sa Ama at sa Panginoong Jesus at ikaw po ang iniudyukan na gawin ito at pagmalasakitan kami. Sana po magkikita-kita po tayo pagdating ng araw na itinakda ng Ama.
Nagmamahal mo pong abang kapatid,
Ka Sunshine
Liked by you and 2 other people
Ganyan din po ang pakiramdam ko kapatid. Patuloy lang po tayong manalangin.
Liked by you and 2 other people
Kinikilbutan po ako habang nagbabasa at parang may humahaplos sa puso ko…
Liked by you and 2 other people
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
Liked by you and 1 other person
I firmly and do believe, everything happen for a reason. I remembered King Saul po.
I’m proud as INC.
Sa Dios ako naglilikod hindi po sa tao.
Liked by you and 3 other people
Thank you for your introduction. Your message was clear. I would like to say that whoever Elias is in these last days, I am sure that everyone will know straightaway and accept unconditionally, as this Elias will be guided by the Holy Spirit and will be known to all. As I’m patiently waiting for Judgement day, I shall wait patiently for this Elias to come and while doing so, continue serving the Lord with more dedication. Your message was inspiring and it gives people great hope and joy.
Liked by you and 3 other people
Sis. Priscilla, whether or not you believe it, Elias is already here.
Liked by you and 2 other people
Sabi po ng Ka Erdy “bago dumating ang kakilakilabot na wakas ng mundo ay magsusugo ulit ang Diyos ng isa pang Elias” “Sa panapanahon ay isinusugo ng Diyos ang Kaniyang Espiritu at kapangyarihan sa ibat-ibang katauhan.” Ang tanong ko po ano po ang gawain ni Elias sa huling panahon na ito? At sino po ang Elias na tinutukoy bago dumating ang ikalawang pagparito ng ating Panginoong Jesucristo? https://www.youtube.com/watch?v=cFWw_-_kR08
Liked by you and 3 other people
Sis. Maria, our late and beloved Bro. Erdy was right. In fact, Elias or Elijah (mentioned in Matthew 17:11 of the Bible) is already here. And at the right time, which won’t be long now, you will know his true identity.
Liked by you and 2 other people
Gandang AM po,
Meron daw po kaming titignang malilipatan na bahay, pero parang bodega, nang pagpasok namin sa tagiliran ng pintuhan… na medyo bandang likod, maluwag po pero sa bandang unahan, meron palang pagtitipon at praktis ng mga mang-aawit. Palusong siya na parang theater ang set up dahil makikita mo sa baba yong mga nanguna at nagpeperform, at biglang nagkagulo ng may dumating, ang sabi mga leaders, nakipila narin ako kasama bunso ko at anak ng isang kapatid na kung sinong may gustong makipagkamay, yon pala ice candy ang ibibigay, kulay violet sa akin. Nang akmang ngatngatin ko ang plastik na nabalunbong bahagi ng ice candy, bigla ulit nagkagulo, lahat ay yumuko at halos lumuhod maliban ako at mga kasama ng Mataas na Katungkulan, medyo natakpan ako ng dalawang mama, parang security guard ng mga dumating. Humagulgol po ako at napapikit ng sandali at nanalangin sa Ama, sa Kanya lang ako yuyuko at sasamba. Nang ipinaling bahagya pakanan ang ulo ko upang tignan kung sino ang niluluhuran nila? Nagsalubong ang mata namin, mga mata niya ay umaninag na parang kristal? Hindi naman mukha ni EGM o si EVM pero parang mukha ng Huling Sugo, payat at bilugin ang mukha? Sinuway niya ako at bakit daw di ako gumaya mga ginawa ng karamihan? Nanatili lang po ako nakatayo at nagising na po ako.
Sent from Yahoo Mail on Android
From:”Iglesia Ni Cristo … Hinirang” Date:Wed, 24 Jun, 2015 at 10:40 PM Subject:[New comment] GINAWA SA UDYOK NG BANAL NA ESPIRITU. (PANIMULA)
Tom Johnson commented: “Sis. Maria, our late and beloved Bro. Erdy was right. In fact, Elias or Elijah (mentioned in Matthew 17:11 of the Bible) is already here. And at the right time, which won’t be long now, you will know his true identity.”
Liked by you and 1 other person
Matalinhaga po ang inyong mga pahayag kung kayat nais po sana namin maunawaan pa ang ilan sa inyong mga sinulat. Sana po ay maipaunawa po ninyo sa amin ang mga ito na hindi naabot ng aming isipan.
Ano po ang ibig sabihin ninyo na “Kung paano naganap ang isang lihim na pagtatagpo at ugnayan sa Kinauukulan”
Inaabangan po namin ang inyong blog tungkol po dito.
Ano po ang ibigsabihin po ninyo na “Kaya naisagawa ang pagpapatong ng Kaniyang kamay sa Kinauukulan”
Sino po ang tinutukoy ninyong “Kanyang”” at “kinauukulan””
“Malalaman niyo ang kaniyang ipinahayag. Pagkat alam ng Kapatid na Erano G. Manalo na mangyayari ang lahat ng ito. Hindi siya papayag na mapariwa ang IGLESIA NI CRISTO, kaya naisagawa ang pagpapatong ng Kanyang kamay sa Kinauukulan.”
—————-
Ako ay magpapakilala sa inyo sa takdang panahon! Pagkat may nakahihigit pa sa akin. “Siya ay ako, ngunit hindi ako Siya.” ” Ako ay sa Kanya, ngunit Siya ay hindi sa akin.” “Kung ano ang inisip ko, yun din ang iniisip niya!” Pagkat hindi kami dalawa, kundi kami ay iisa!” “Iisa ang aming diwa sa pag-ibig at pagmamahal sa IGLESIA NI CRISTO gaya rin naman ninyo tayo ay iisa sa Katawan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.”
Ang ibig sabihin po ba ninyo kayo po ang magpapakilala sa amin sa takdang panahon?
Ano po ang ibig sabihin nyo na “Pagkat may nakahihigit pa sa akin. “Siya ay ako, ngunit hindi ako Siya.” ” Ako ay sa Kanya, ngunit Siya ay hindi sa akin.” “Kung ano ang inisip ko, yun din ang iniisip niya!” Pagkat hindi kami dalawa, kundi kami ay iisa!” “Iisa ang aming diwa sa pag-ibig at pagmamahal sa IGLESIA NI CRISTO gaya rin naman ninyo tayo ay iisa sa Katawan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.” “”
Ito po ba ay clue na maglalarawan sa inyo?
Aabangan po namin ang inyo pang mga pahayag. Salamat po. Elias Arkanghel
Liked by you and 1 other person
Maraming salamat po sa inyo at kinapulutan ko ng aral ang mga isinulat nyo. Ako po ay hindi nagpupunta ng Kapilya. Pero ako po ay patuloy na nananalangin sa ating Diyos. Patuloy po akong sumasampalataya sa sugo at sa pamamahala sa Iglesia ang Ka Erdy. May kalituhan lang po ako. Bakit po kaya nagagawa ng ka Eduardo na hindi nya man lang kamustahin ang kanyang ina at mga kapatid, may awayan ba sila sa pamilya? Kaya nakagagawa ng katiwalian ang mga nasa hanay ng sanggunian marahil ay alam nila na may hidwaan sa pamilya. Kayat iyon ang kanilang sinasamantala.
Liked by you and 1 other person
Sana nga po ay tunay nga na sa Diyos ang inyong mga paglalahad at tunay din na magpapalakas ito sa amin. Kung ngayon lang namin malalaman ang mga isusulat ninyo… ibayong pag-iingat ang dapat gawin ng mga kapatid. Anghel man na bumaba sa langit kapag iba sa itinuro ng mga apostol… matakwil nawa!
.
Hindi nyo po kami kalaban… nag-iingat lamang po. Sa dami ng mga gustong magsamantala sa sitwasyon… mahirap nang maging padalos-dalos.
Liked by you and 1 other person
Udyuk ng Banal na Espirito, humahagulgol po ako sa pagbaybay ng inyong mga pahayag. Kadiwa Niyo po ako, na nawa, kaming mga tunay na kaanib, lalong makapanghawak sa aming di matitinag na pananampalataya anuman ang manyayari. Sana sa udyok din ng Banal na Espirito, makapanumbalik ang mga naliligaw ng landas habang may panahon pa.Sumasampalatayang lubos na sa itinakdang panahon, manumbalik ang kaningningan, katiwasayan at kaluwalhatian ng Iglesia Ni Cristo.
Purihin ang Amang DIOS!!!
Liked by you and 1 other person