Kayong mga tiwaling Sanggunian, tiwaling Distrito, at mga tiwaling nasa mga Lokal, kasama na ang lahat ng umayon sa masasamang ginagawa ng Ka Eduardo at ng mga labis na kumikilala sa kaniya ay napasyahang maitiwalag. Sa panahong yaon ay hindi na talaga kayo kakitaan ng pagbabago sa kabila ng paulit-ulit na pagpapaalaala sa inyo at pagsaway kaya naisakatuparan na kayo ay maitiwalag sa isang kamangha-manghang pangyayari. Hindi na nga na nga maiuurong pa lalo na nga ang pagpapasya ay mula na sa ating DAKILANG AMANG BANAL. Nagpapatuloy pa rin kayo sa inyong pagmamalabis at pamiminsala sa Banal na katawan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na paulit-ulit ninyong ibinilad sa kahihiyan dinungisan ninyo ang Kanyang Banal na Pangalan. Dahil dito nagkabaha-bahagi ang mga kapatid sa IGLESIA NI CRISTO. Ang iba sa panig ng katwiran at ang iba naman ay umayon sa panig ninyo kahit na may alam ng nagaganap na katampalasan sa pangiunguna ng mga lider sa Iglesia. At ang iba naman ay talagang walang alam. Napakahaba, ng ibinibigay sa inyo ng pagkakataon dahil sa awa at pag-ibig pa rin ng PANGINOONG DIYOS, may ilang araw pa ba bago mag July 27, 2015? Kaya inasahang matawagan kayo ng pansin, lalung-lalo na kayong mga kinauukulan na pinatutungkulan, subalit walang naganap na pagbabago sa inyong hanay. Sa halip patuloy na paggawa ng paglabag, paggamit ng kusang handog at abuloy ng mga kapatid sa mga pansarili ninyong kapritso at layaw ng inyong mga katawan, pagmomolestya sa mga kapatid na tila may mga patago kayong pera sa kanila, naging malabis sa kasakiman, namuhay sa mahahalay na pakinabang, mga paglalasing ng patago at lantaran, at ibang-ibang uri ng mga kasalanan. Maawa kayo sa mga mahal niyo sa buhay na nadadamay! Ang mga ganitong pagpapaalaala ay nagpapatuloy pero ano ang naging reaksyon pa ng iba?
ZACARIAS 7: 11 “Ngunit hindi nila ito pinakinggan; matigas ang kanilang ulo at sila’y nagbingi-bingihan. 12 Ipinilit nila ang sariling kagustuhan at hindi dininig ang sinabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat sa pamamagitan ng mga propeta. Dahil dito, labis siyang nagalit sa kanila.
Yan ang damdamin ngayon Panginoon sa pagmamatigas pa rin ng kanilang kalooban at lalo pa silang naghihimagsik. Wala ng makita ang mga kapatid na dating matino at magiliw na Tagapagpayo. Pinangingilagan na rin ang mga kinikilalang makapaglalapit sa kanila sa Pamamahala. Sa papaano, ang dating maamo at magiliw na lider ay parang mabalasik na leong umaatungal kung mangusap. Kaya ang sumbong nila di na mailapit sa Pamamahala. Kaya, ipinarating na nila sa Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo ang kanilang mga hinaing.
Dininig ng Panginoong Diyos ang mataimtim nilang panalangin. Isinugo Niya ang Banal na Espiritu kaya ang pagpapasya ay higit na sa kinikilalang Pamamahala. Pagkat ang pasya ng Panginoong Diyos ang pinagtitibay sa pamamagitan ng Kanyang Pagsusugo sa Banal na Espiritu. Ang pagpapasyang hindi mahihindian at matututulan pagkat pinagtibay na sa langit.
Mga Kapatid kayong mga tiwali na nasa Sanggunian, Distrito, Dibisyon at mapa Lokal, kasama na ang lahat-lahat ng mga matapat na taga-sunod ninyo na napakasasangkapan sa kapangyarihan ng diablo upang muli ninyong ibitin sa kahihiyan ang Pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo, dahil sa mga katigasan ng inyong ulo. Ipinararating sa lahat ng mga kapatid sa buong mundo! Sa July 27, 2015 . LAHAT KAYO AY ITITIWALAG SA IGLESIA NI CRISTO SA ATAS NG BANAL NA ESPIRITU NA ISINUGO NG PANGINOONG DIYOS AT NG PANGINOONG JESU-CRISTO. SA ARAW NA YAON NA ITINAKDA, HINDI NA KAYO KIKILALANING KAANIB PA NA MGA IGLESIA NI CRISTO. ITO AY UNA NG PINAGTIBAY SA LANGIT. NGUNIT SA PANIG NG MGA BABALIKWAS AT MAGBABAGONG-BUHAY AALISIN SA INYO ANG SUMPANG NABANGGIT.
ITO ANG KAPARAANAN NG PANGINOONG DIYOS SA PAGLILINIS. MAGMUMULA SA KANYANG BAYAN NA NAGTATAGLAY NG KANYANG PANGALAN UUNAHIN ANG MGA MGA PINUNO HANGGANG SA KABATAAN. NAWA NI ISA SA INYO AY HUWAG MAWALA KAYA BUMALIKWAS NA KAYONG LAHAT. MAKINIG KAYO SA PANAWAGANG ITO. KAYA BAGO MAGING HULI ANG LAHAT BAGO KAYO ABUTAN NG INDULTO. TINATAWAGAN NA KAYONG LAHAT NG PANSIN, MAGBAGO NA KAYO. PAGKAT KAPAG LUMAGPAS SA TAKDANG ARAW AT ORAS .. YUN NA ANG ARAW NG PANININGIL SA INYO.
Bilang naatasan ay patuloy na magpapahayag sa inyo.. upang magpatotoo ang Kapangyarihan ng Panginoong Diyos ang may utos nito. Sa pamamagitan sa Pagsusugo sa Banal na Espiritu. Sa lahat ng mga mangangasiwa sa Pagsamba, di mga pangkaraniwang kilos ang makikita ng lahat. Mga palatandaan kayo ay may ginagawang mga katiwalian, at paglapastangan sa Iglesia.. mauutal ang ilan sa inyo, tutubuan kayo ng ibat-ibang sakit sa balat at sa katawan na ikababaho ninyo, tatagas ang masangsang na likido sa buong bahagi ng katawan ninyo na magmumula sa ituktok ng bunbunan ninyo hanggang sa talampakan. Hanggang sa kayo ay makalbo. Unawain ninyo ang sumbat ng Panginoong Diyos at paglalarawang gagawin niya sa inyo. Ang lahat ng ito ay magaganap at magaganap!
SUMBAT SA BAYAN NG DIYOS
Isaias 1: 2 Makinig ang kalangitan gayundin ang kalupaan, sapagkat si Yahweh ay nagsasalita, “Pinalaki ko’t inalagaan ang aking mga anak, ngunit naghimagsik sila laban sa akin. 3 Nakikilala ng baka ang kanyang panginoon, at ng asno kung saan siya pinapakain ng kanyang amo;ngunit hindi ako nakikilala ng Israel, hindi ako nauunawaan ng aking bayan.” 4 Bansang makasalanan, mga taong puno ng kasamaan, mga anak ng masasamang tao, mga anak ng katiwalian! Itinakwil ninyo si Yahweh, nilait ang Banal na Diyos ng Israel at pagkatapos ay tinalikuran ninyo siya. 5 Bakit patuloy kayong naghihimagsik? Nais ba ninyong laging pinaparusahan? Ang isip ninyo’y gulung-gulo, ang damdamin ninyo’y nanlulumo. 6 Kayo’y puno ng karamdaman mula ulo hanggang paa; katawan ninyo’y tadtad ng pasa, latay, at dumudugong sugat. Ang mga ito’y nagnanaknak na at wala pang benda, at wala man lamang gamot na mailagay. 9 Kung si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay hindi nagtira ng ilan sa ating lahi, tayo sana’y natulad sa Sodoma at Gomorra. 10 Mga pinuno ng Israel, pakinggan ninyo si Yahweh! Ang inyong mga gawa ay kasinsama ng sa Sodoma at Gomorra.
Inilarawan na ng Panginoong Diyos ang Kanyang galit dahil sa paghihimagsik ng kanyang mga anak na patuloy sa paggawa ng masama at katiwalian. Ngunit ang mga pinuno ang higit ditong tinawagan ng pansin, dahil sila ay inihalintulad na kasing sama ng Sodoma at Gomorra, dahil sa walang takot nilang paggawa ng masama. Kaya sa galit ng Panginoon nilagyan sila ng karamdaman mula ulo hanggang sa talampakan, at sa dami ng sugat halos wala ng paglagyan ang gamot. Kaya kung paano pinarusahan ang mga unang lingkod bunga ng kanilang kasamaan. Ganyan na ganyan rin ang sasapitin, ng mga nasa Sangunian, mga Tagapangasiwa ng bawat Distrito at Dibisyon, maging nasa mga lokal at lahat ng mga napasusunod nila. Sa galit ng Panginoon muling igagawad ang kaparusahang ito. Wala ng dapat na tanungin kung ikaw ba o siya ba o kasama ba sila sa gumagawa ng mga katampalasanan? Dahil sa mga palatandaan at anyo ninyo… KAYO MISMO ANG MAGHAHAYAG SA INYONG SARILI NA KAYO AY KASAMANG GUMAWA NG KATAMPALASAN LABAN SA IGLESIA NI CRISTO. Hindi kayo mamatay, tatakas sa inyo ito upang maging kabayaran ng paglapastangan ninyo sa Banal na katawan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Pare-pareho kayo ng magiging kalagayan, kayo na mga gumawa ng paglapastangan sa IGLESIA NI CRISTO .
Ngunit sa panig ng mga makakasaksi huwag ninyo silang pagtatawanan, sa halip ipanalangin ninyo sila na magbago. Alalahanin ninyo kapatid pa rin sila. Walang hahatol walang magtatawa upang di kayo mahatulan. Kaawaan ninyo sila, hangga’t maaagaw natin sila sa apoy sa kapangyarihan ng diablo BAGO DUMATING ANG INDULTO, ibabalik natin sila sa katinuan ng kanilang kaisipan upang muling ibangon ang IGLESIA NI CRISTO sa malinis, banal at mapanumbalik ang dati nitong kalagayan sa maniningning at maluwalhating kalagayan. Marahil dama ninyo kahit sino pa ang mangasiwa sa mga Pagsamba ngayon, kahit dating napakahuhusay magbayubay noon, ay hindi na ninyo maapuhap ang Kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Sapagkat kasabay ng umalis sa Templo ng pumanaw ang kapatid na Erano G. Manalo upang matupad ang nakasulat sa Biblia. Ito ay nararamdaman na lang ng indibidwal na ganap na nakahanda sa Pagsamba. Ngunit sa panig ng nangasiwa ng Pagsamba kahit mag-alumpihit ang nananalangin at pilit niyang iluha ay wala na ang Kapangyarihang ito. Tumpak lang ang nakasulat sa Biblia. Ngunit huwag kayong mag-alala Siya ay kasama ng inyong abang lingkod na Gumagabay sa paghahanay ng mga ipinapahayag dito. Sa takdang panahon kapag naisaayos ng lahat ibabalik na ng Panginoon Diyos ang Banal na Espiritung inyong kinasasabikan. https://www.facebook.com/pages/Iglesia-ni-Cristo-Hinirang/415000295347252
Ngayon ko lang pong nakita ang inyong mga isinulat at ako ay nabuhayan ng loob. Kami po ng aking anak at isa naming kaibigan, kagaya na yata ng maraming mga kapatid, ay nagugulo ang aming isipan at hirap na hirap po ang puso namin dahil sa mga kasalukuyang masamang nangyayari sa loob ng mahal nating Iglesia. Nagkaroon po ng kasagutan ang marami kong tanong sa aking sarili at ako po ay napayapa. Salamat po una sa Panginoong Diyos at sa Panginoong Jesus. Pangalawa ay sa inyo….
Nagmamahal nyong kapatid.
——————————————————————————————
Salamat din sayo mahal kong kapatid!
Lalo pa ninyong pag-ibayuhin kapatid ang pakikipag-ugnayan sa ating Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo sa pamamagitan ng laging pananalangin. Maglambing ka at hingin mo kung ano ang kailangan mo. Kapag naramdaman Nila ang alab ng pagmamahal mo sa Kanila. Hintayin mo ang Kapangyarihan ng Banal na Espiritu hinihiling ko na hahaplos sayo at yan ang pagpapalang Espiritual na may kalakip na pagpapala sa iyong mga anak at kaibigan mo na patuloy na mag-uukol ng panahon sa pagsubaybay dito. Muli maraming salamat sa inyo! – Elias Arkanghel
Like
KAPAYAPAAN AT PAG ASA … yan po ang naramdaman ko nung nabasa ko lahat ng ito… Mag-iingat po kayo lagi Ka Elias sampu ng iyong pamilya.. Mabuhay po kayo.
******* “Naririnig ng Panginoong Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo ang bawat hinaing ng mga tunay Nilang hinirang. Nang sambitin mo yan kapatid ko… ganun din ang kahilingan ko lagi para sayo, at sa mga mahal mo sa buhay… pagpapala ang hatid nito sayo.” – ELias Arkanghel *******
Like
I personally know Eraño Martin Evangelista and I can emphatically deny that he is Elias Arkanghel. Kelly Ong is gravely mistaken; he/she even got Mr. Evangelista’s name and other facts all wrong. I do not personally know Elias Arkanghel, but I have an idea who he might be.
Elias, brother, may you lead your flock to righteousness.
******* Salamat kapatid ko. Ang patotoo mo at patotoo ng iba pag pinag-isa pananampalatayang bubuhay at magliligtas ng kaluluwa. – Elias Arkanghel *******
Like
Kapatid na Elias,
Kasalukuyan pong nanganganib ang aking buhay at kahalalan. Hindi ko po alam kung paano ako papanatag dahil sa nabalitaan ko na talagang nagdala sa akin ng pagkabagabag at pag-aalinlangan.
Hindi ko rin po alam kung ano ang marapat kong gawin sa mga panahong ito, bukod sa manalangin nang taimtin na hindi ako pababayaan ng Ama sa aking pakikipagbaka. Maaari po bang isama ninyo ako sa inyong mga pananalangin sa Kaniya? Na ako at aking pamilya ay laging ingatan mula sa mga kapahamakan?
Ang tanging pinanghahawakan ko na lamang po ay ang pangako ng Diyos na maisasaayos ang lahat ng ito sa tamang panahon.
Salamat po Ka Elias.
Anna
******* Kapatid na Anna naipaglambing kuna sa Panginoong Diyos sa pamamagitan ng panalangin ang iyong kahilingan. Anuman ang ipahintulot ng Panginoong Diyos natin sayo, may kaakibat na magandang kapalaran pati na sa mga mahal mo sa buhay. Sa huli makikita mo ito kaya’t ipagpapasalamat mo, pagkat alam Niya ang mas makabubuti sayo. Anna, payapain mo ang iyong pag-iisip at pumanatag. Nakabakod na sayo at sa mga mahal mo sa buhay ang Kanyang Dakilang Pag-ibig at Pagmamahal na mag-iingat sa inyo. – Elias Arkanghel *******
Like
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
Like
Ka Elias,
Nang nabasa ko po ang post ng Ka Kelly Ong na kayo si Martin Evangelista ay halos ayaw tanggapin ng puso’t isip ko.Gusto ko pa rin pong maniwala na kayo ay totoong nagpapahayag na may gabay ng Banal na Espiritu. Kaya po ako ay nagpapasalamat sa pagpapatunay ninyo at ng ibang mga kapatid sa tunay na kahalalan ninyo. Matagal na po akong sumusubay sa blog ng Iglesia Ni Cristo Hinirang sa katunayan po ako ang unang nagpahayag sa inyo ng aking panaginip. Ang mga ipinapahayag po ninyo ay lubhang malalim at matalinhaga na para sa akin ay hindi masasabi ng pangkaraniwang tao o ministro man. Nagbibigay po kayo ng napakalaking pag-asa sa akin na dumadaan sa napakatinding pagsubok ng pananampalataya na sa tamang panahon ay maisasaayos ang lahat at maibabalik sa kaluwalhatian ang Iglesia . Marami pong salamat.
******* “Maraming salamat sa pagkakilala mo kapatid na Marilyn sa Banal na Gawaing ito! Anumang pagsubok ang kinakaharap mo kayang-kaya mo kaya binigay ng Panginoong Diyos sayo. Gusto lang Niya na lagi kang naglalambing sayong mga pananalangin. Anak kong mahal, tatagan mo lang, pagkat may pagpapalang laan sa tulad mong matiyagang naghihintay!” – Elias Arkanghel *******
Like
Totoo po yan Ka Rafael! Nung oras po na yun ay kausap ko ang ate ko sa FB at nag aantay nga po kami ng balita. Tanghaling tapat biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sabi po ng ate ko sa Maynila na sobrang lakas daw po ng kulog dumadagundong. Sabi pa niya umulan ng yelo! Ako naman di ko napansin kasi nasa loob ako ng isang building. Nagbasa ako sa revelation after ng ilang weeks at mukhang may kapareho ang pangyayari tungkol sa isang Anghel tungkol sa pagkulog, pagkidlat at pag ulan ng yelo. Sa araw na iyon ni-research ko sa google ay maraming pangyayari sa buong mundo sa araw mismo ng July 27. Kaya wala akong pag-aalinlangan sa kahalalan ni Ka Elias.
******* Maraming salamat kapatid na Aiza! Tunay ang lahat ng naganap at nakatakdang magaganap pa lang ay may kapahintulutan at Kalooban ng ating Panginoong Diyos! Ngunit ikaw ay mapalad, pagkat di mo ako iniwan, kahit may lumiligalig sayong pagkilala nanalig ka ako ay ipinaglaban. Ngayon ang ganti sayo ng Dakilang Panginoong Diyos aanihin mo at ng iyong mga mahal sa buhay! – Elias Arkanghel *******
href=”https://www.facebook.com/hashtag/iglesianicristo?source=feed_text&story_id=108161546185974″>#iglesianicristo#inc100#inccentennial#centennial#inc4life#incootd#incfashion #icmedianews#inctv#net25#incmedia#increview#fymfoundation #mycountrymenmybrethren#kabayankokapatidko#incselfiechallenge #incwikileaks#sanggunian#radelcortez#gerrypurification#junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera#biensantiago#erdzcodera#ernestosuratos#mattpareja#antonioebangelista#silentnomore#iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya#Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay#PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual#MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101#DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM #PhilippineArena
#INCdefenders