May 30, 2018
10:03 AM
Kasa-kasama ko po ang aking kapatid ng mga oras pong iyon. Nakasakay kami ng bus at tahimik lamang po kami. Payapa po ang aming paglalakbay at wala naman pong ni isang ingay kaming naririnig. Ang langit naman po ay maulap ngunit wala po kaming nakikitang mga ibon na lumilipad. Nang makarating na po kami sa aming paroroonan ay bumaba po kami ng bus at sa amin pong pagbaba ay naroon na po kami sa Distrito kung nasaan po ang lugar ng tagpuan. Nakita po namin kayo na nakaupo kasa-kasama po ang ibang Ka Hinirang. Masaya po kayong mga nag uusap habang kumakain ng mga prutas. Nakita ninyo po kami at agad ninyo kaming binati. Di katagalan ay nagsidatingan na rin po ang iba pang mga Ka Hinirang na tulad po ng kalimitang nangyayari sa ating mga pagtitipon. Naroon din po ang ibang Kabataang Hinirang na amin naman pong kasama ngunit kami po ay hindi kumpleto. Nakaupo po kami roon sa may taas malapit sa mga puno habang kami po ay naghihintay sa inyong pagpapahayag. Masaya naman po kaming magkakausap ngunit ako po ay tahimik lamang na nakasandal po roon sa may puno. Hindi ko po maipaliwanag ang aking nadarama na tila po ba ay may mangyayaring mahalaga. Bigla na lamang po namin narinig ang tinig ng isang Ka Hinirang po na nagsasabing “Halina kayo, magpapahayag na si Ka Elias” sabi po niya. Agad agad naman po kaming bumaba lahat at lumapit po kami sa inyo. May kaharap kayong isang lalaki na nakaupo sa harapan ninyo at kinakausap po kayo. Bigla na lamang po kayong nagpahayag na kinagulat po ng karamihan dahil sa inyong sinabi. “Isang ibong agila na lalapit at magpupunta roon ang magdadala ng KANIYANG mga tupa at sila’y dadalhin parito kasa-kasama ng iba pa niyang mga lingkod. Sila’y susunod at magiging isa. Kanilang maririnig ang isang tinig na magmumula sa malayo na kanila namang susundin ng walang pagtatanggi.” Sabi po ninyo. Isang malinaw na mensahe na tumatak sa aking isipan ngunit matapos po niyong sabihin iyon ay natahimik ang lahat at ang iba naman ay nagulat. Ngunit ang inyong kaharap ay nakangiti lamang na tila nauunawaan na niya ang inyong sinabi. Maya maya pa’y agad po ninyong tinapos ang inyong pagpapahayag. Gusto ko po kayong lapitan ngunit bago pa po ako magsalita ay hinawakan na ninyo ako sa kanang balikat at sinabi ninyo na “Hayaan mong mauna sila. Pagkatapos ay kayo naman ng kapatid mo ang maglakbay paroon. Umuwi na kayo pagkatapos.” Sabi po ninyo. Hindi ko man po maunawaan ngunit hindi na po ako nagtanong. Hinayaan ko po munang makauwi ang iba at pagkatapos po ay kami naman ng aking kapatid. Nakita ko po kayo na nakatayo kasama ng lalaking kausap po ninyo at tumingin po kayo sa akin na nakangiti at tila ba’y sinasabi po ng inyong mata na “Sige na, umuwi na kayo”. Habang papalayo po kami ng aking kapatid ay nagsalita po ako at kinausap ko siya “Si Ka Elias Arkanghel … Hindi makakauwi” mahinang sabi ko po. Tumingin nalang po sa akin ang aking kapatid na may pagtataka. Nang makarating po kami sa aming tirahan ay gabi na. Magkasama po kami ng aking kapatid sa silid habang nag aayos po kami sa pagtulog ng bigla na lamang pong nagliwanag ng sobra sa aking gawing kanan na tila po ay hinigop ako papasok at wala po akong ni isang makita kung hindi isang liwanag po na pagkaganda at sobrang liwanag. Nakarinig po ako ng isang tinig ng isang lalaki na nagsasabing “Sinasabi ko ito sa iyo, at ito’y sabihin mo. Siya’y kilala mo at siya’y kilala nila. Sa iyo at sa kanila ay tinatawag niyong Ka Elias Arkanghel. Siya ay hindi na muna makakauwi. Ito’y bilin na siya’y mananatili. Hindi siya makakauwi sapagkat kailangan siyang maibalik. Siya ay ibabalik sa tabi ng AMA at sa mga araw na iyon ay matyagang maghintay sapagkat ito’y utos mula sa Langit na aming ibinababa sa inyo. Siya’y kailangang maibalik sa mahalagang bilin ng AMA ngunit siya ay muling ibaba at makakauwi kasama ninyo.” Matapos po niyon ay muli po akong nakabalik sa silid na tila po ay walang nangyari. Nagsalita po ako sa aking kapatid “Tama ang sinabi ko. Hindi na muna makakauwi si Ka Elias Arkanghel kailangan na muna niyang maibalik” sabi ko po. “Bakit?” tanong po ang aking kapatid. “Bilin mula sa Langit” sagot ko naman po. At doon na po natapos ang panaginip ko. – Kabataang Hinirang “Ellis”
—————————–o000O000o———————————-
Ang mga pahayag na inyong nabasa mula sa panaginip ay hindi mula sa akin. Kailanman wala pa akong hinanay na sariling panaginip sa Blog na ito. Kaya isang malaking kamalian ang inyong ipinaparatang para pasamain lamang ang tuwiran ninyong higit na pinatutungkulan. Ako ay napahintulutan lamang at walang anumang pag-aangkin. Hindi ko sariling isip ang tumatawid sa diwa ko kundi Diwa mismo ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Wala akong alam, hindi ako marunong, hindi ako mahusay na tulad ninyo, kailaman hindi tumanggap ng anumang parangal mula sa tao katulad ng ipinaparatang ninyo. Dikta lamang ng Banal na Espiritu ang aking mga ipinapahayag sa Blog ng IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG, katulad ng kasalukuyang ipinahahayag ko. Kung ihahambing ako sa inyo ngayon, lahat kayo ay sama-samang namamayagpag sa kaitasan na halos ibig ng makipantay sa mga talang nagniningning sa kalangitan. Samantalang akong si Elias Arkanghel ay isang hamak at pangkaraniwan lamang na kayang-kaya ninyong gibain ang pagkatao maging ang buhay ko. Subalit hindi kayo magtatagumpay kung sa sariling kalooban at kagustuhan ninyo, kundi sa naitakdang panahon ng DAKILANG PANGINOON DIYOS para gawin NIYA ito sa akin. Mangyayari ang lahat ng nakasulat sa Banal na Kasulatan sa DAKILANG KALOOBAN ng PANGINOONG DIYOS para mahayag na sa KANIYA ang Banal na Gawaing itinataguyod namin na gawa ito ng KANIYANG MAKAPANGYARIHANG KAMAY. Kalooban NILA na gawin ko ang ayon sa ibig NILA hindi sa ibig ko at sa ibig niyo. – Elias Arkanghel W06132018PT1007
Kaya magpapatuloy ako sa makatwirang pamumuna sa inyo kahit pa ako ay inyong usigin at lait-laitin. Ihahayag pa rin ang kasuklam-suklam ninyong mga gawa na ipinag-uutos NILA batay lamang sa KANILANG Kalooban na mababasa sa Banal na Kasulatan. Subalit maging maingat kayo mga mahal kong kapatid sa pamumuna at pag-iisip ng masama laban sa Gawaing ito ng PANGINOON. Sapagkat marami na ang mga kumakalaban ang mga nasa kalagayang naghihirap ang kalooban. Sapagkat tiniyak sa akin na lahat ng magpapahayag ng masama, pipinsala at hahadlang sa Banal na Gawain na itinataguyod namin, ay sa PANGINOON DIYOS kayo agad-agad mananagot. Bibigat ang buhay at kalagayan ng inyong pamumuhay, sunud-sunod na kabiguan parang walang katapusan. Ayaw man ninyo ng ginagawa ko sapagkat bawat wasiwas ng Katotohanan ay sumusugat at lumalatay sa damdamin ninyo. Kalooban at kagustuhan ito ng PANGINOONG DIYOS ang Tabak na binunot ay hindi na NIYA ibabalik. EZEKIEL 21 NPV 5 Sa gayon ay malalaman ng lahat na akong PANGINOON ang bumunot ng tabak mula sa kanyang kaluban; hindi na ito ibabalik uli.” Kung kailan NIYA maibigan SIYA lamang ang nakaaalam. Sapagkat bahagi lamang ako ng Katawan kung saan naglagay ng Propeta sa Katawan, ang Panginoong Jesu-Cristo ang tinutukoy ko, ang Pangunahin.
Kaya hindi ako ang tuwiran ninyong inuusig. COLOSAS 1:18 MB 18 Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Siya ang Una, ang panganay na Anak – ang unang nabuhay na muli upang siya ang maging pinakadakila sa lahat ng bagay. Siya ang Ulo ang Panginoong Jesu-Cristo at ang Kaniyang Katawan ay ang Iglesia. Paanong ihihiwalay ninyo sa Panginoong Jesu-Cristo ang Kaniyang Karapatan? Nasa Langit man Siya ngayon sa Kanan ng AMANG BANAL subalit Siya pa rin ang gumagawa. Karapatan na ng Panginoong Jesu-Cristo mula ng Pasimula, hanggang ngayon sa mga Huling Araw na ito, at magpakailan-kailanman. Kaya huwag ninyong linlangin ang mga kapatid na Hinirang ng inyong may katusuhang pagtatanong na mga pahayag at sabihing dinaragdagan ng tao ang gampanin ng Panginoong Jesu-Cristo. Tuwirang pamumusong yan at minamaliit niyo ang Kaniyang karapatan. Mali ang inyong batayan para marinig at mapanood pa ang inyong ikinakampanya. Pakiunawa ninyo ang talatang ito. Mateo 28:18 At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin. Una Siya sa ating lahat na nabubuhay sa kasalukuyang panahon kaya huwag na ninyong ipilit yan kahiya-hiyang malaman na itinataguyod pa ninyo ang paniniwalang yan. Kaya ang Kaniyang Kapamahalaan ay panlahatan o bilang Tagapamahalang Pangkalahatan na hindi katulad ng pamamahalang sa taong pangkaraniwan lamang kaya hindi kwestyunable sa isang ganap at tunay na sumasampalataya at kumikilala sa Kaniyang Karapatan sa mga Huling Araw at anumang panahon man ikapit sa Panginoong Jesu-Cristo mamamalagi hanggang maisuko Niya ang lahat sa DAKILANG AMANG BANAL. Kayo na marurunong, magagaling at matatalino ang hinayag ng aking Panginoon sa kawalan ninyo ng pananalig at pananampalataya sa Kaniya. Sabagay, hindi kataka-taka iniwan na kayo ng Kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Mula ng pinsalain ninyo ang Kabanalan ng Ministeryo at likhaan ng kasuklam-suklam ang Templo ng Panginoon na ito ang Kaniyang Katawan, sa loob ng IGLESIA NI CRISTO. Subalit hanggang ngayon ay kasalukuyang nauupo pa rin sa Templo ang Suwail sa katawan ng Panginoong Jesu-Cristo kahit itiniwalag na sa udyok ng Banal na Espiritu sa Kapahintulutan ng AMANG BANAL at ng Panginoong Jesu-Cristo. Kaya kayo ang tuwirang inilabas na NILA sa karapatan para pamahalaan pa ang Kaniyang Katawan. Wala ng bisa ang pagtitiwalag ninyo. Kaya wala na rin sa inyo ang karapatan pang magtiwalag. Hindi kailanman naglalapat ng pagpapasya ang ating PANGINOONG DIYOS para pagtibayin, katigan at ayunan ang bawat mali at masamang pagpapasya na inyong mga maibigang sinuman ipatiwalag. Kaya hindi ninyo maipagmamalaki na nasa loob pa kayo ng IGLESIA NI CRISTO dahil ang totoo pinagtibay sa Langit ang pagkakatiwalag ninyo. Tugon ng PANGINOONG DIYOS ang napakalakas na nag-iisang kulog sa katanghaliang tapat na naganap ng ika-27 ng Hulyo, 2015 habang hinihintay ang takdang oras na yun na kayong mga nagpatuloy sa paggawa ng Kalapastanganang Walang Kapantay ay maitiwalag. Wala ng makatwiran kayong mga pagpapasya. Nililikhaan na ninyo ng katatakutan ang mga kapatid huwag lamang magiba ang pundasyong pinatitibay ninyo sa inyong kasinungalingan makalikom lang ng malalaking halaga. Puro pagpatay sa karapatan ang nagagawa ninyo sa mga hindi makasunod sa kagustuhan ninyo at mayroon pang higit diyan na kasuklam-suklam sa harap ng PANGINOONG DIYOS ang ginagawa ninyo at kayu-kayo ang may kinalaman. Subalit kakaunting panahon na lamang. Uulitin ko kakaunting panahon na lamang lubusan na kayong ihahayag ng PANGINOONG DIYOS.
Sa unang bahagi na nabasa ninyo kanina ay derektang pahayag ito ng Mahiwagang Tinig sa isang kinalulugdang Kabataang Hinirang na si Ellis. Sa kaniyang inihanay magkasama sila ng kaniyang kapatid sa silid habang nag aayos sa pagtulog ng bigla na lamang nagliwanag ng sobra sa gawing kanan niya at hinigop siya papasok at wala anya ni isang makita kung hindi isang liwanag na pagkaganda at sobrang liwanag. At ayon sa kaniya nakarinig siya ng isang tinig ng isang lalaki na nagsasabing “Sinasabi ko ito sa iyo, at ito’y sabihin mo. Siya’y kilala mo at siya’y kilala nila. Sa iyo at sa kanila ay tinatawag niyong Ka Elias Arkanghel. Siya ay hindi na muna makakauwi. Ito’y bilin na siya’y mananatili. Hindi siya makakauwi sapagkat kailangan siyang maibalik. Siya ay ibabalik sa tabi ng AMA at sa mga araw na iyon ay matyagang maghintay sapagkat ito’y utos mula sa Langit na aming ibinababa sa inyo. Siya’y kailangang maibalik sa mahalagang bilin ng AMA ngunit siya ay muling ibaba at makakauwi kasama ninyo.”
“O DAKILANG AMANG BANAL, MANGYARI PO ANG AYON SA IBIG MO, HINDI ANG AYON SA IBIG KO. “
“Noon pa man mga mahal kong kapatid, sa pasimula pa lamang ay ipinagpauna na sa inyo ng inyong abang lingkod niyo, na aalis ako at walang nakakaalam kung kailan. Kung sa paanong paraan ay hindi ko rin alam. Tanging ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo sa patnubay ng Banal na Espiritu SILA lang ang nakakaalam at tuwirang mag-aatas nito sa akin. Ganunpaman, sa muling pagbabalik ay magaganap ang isang kababalaghang hindi halos paniwalaan sa araw na yaon ng mga makakakita. Subalit dahil sa gawa ng Makapangyarihang Kamay ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo, masasaklawan ng Dakilang Hiwaga na masasaksihan ninyong lahat na sa araw na yaon na inyong pinaka-hinihintay. Tulad ng ipinauunawa matiyagang maghintay Sa Kapahintulutan ng ating PANGINOONG DIYOS tayo ay magkikitang muli at magkakasama-sama. Ang Diwa ng Panginoong Jesu-Cristo ang naririto sa akin. Bahagi lamang ng Kaniyang Banal na Katawan ang inyong abang kapatid. Sa Banal na Paglilingkod Pinaghaharian ako ng KANILANG Damdamin. Mahal na mahal NILA ang lahat ng tao. I Timoteo 2:3-4 MB 3 Ito ang mabuti at nakalulugod sa Diyos na ating Tagapagligtas 4 na ang ibig ay maligtas ang lahat ng tao at makaalam ng katotohanan. Yan ay isa lang sa mga Katotohanan na ibig pa nga ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na ang lahat ng tao ay maligtas. Kahit nasa apoy na ngang kalagayan ay pilit pa NILANG pinaaagaw. Kaya kailangang maipagmalasakit ninyo ang lahat ng mga kapatid nating Iglesia ni Cristo, ang lahat ng nalayo sa paglilingkod, anumang relihiyon na tatanggap at kikilala sa atin, anumang lahi, nasyon, bayan nabibilang, mga mahal kong kapatid ang lahat ay gawan natin ng mabuti na maipakilala natin sa kanila ang lahat ng buong Katotohanan. Hinding-hindi natin ipagkakait na maipaunawa sa kanila ang nilalaman ng Hiwagang napaloloob sa BIBLIA o Banal na Kasulatan bilang mga naatasan sa pagiging “Katiwala sa Hiwaga” at bilang mga “Katiwala sa Kaganapan ng Panahon” mula ng mapahintulutan NILA tayo alang-alang sa Banal na Gawaing ito. May mahalagang bilin na dapat na maunawaan ng lahat na pahayag mismo ng ating Panginoong Jesu-Cristo …”
APOCALIPSIS 2:25-29 NPV 25 Basta panghawakan ninyo ang mga katangiang taglay na ninyo hanggang sa pagdating ko. 26 “Sa kanya na magtatagumpay at tutupad sa aking kalooban hanggang wakas, bibigyan ko siya ng kapamahalaan sa mga bansa 27 “Mamamahala siya sa pamamagitan ng setrong bakal at dudurugin niya sila na parang palayok – tulad ng kapamahalaang tinanggap ko sa aking Ama. 28 lpagkakaloob ko rin sa kanya ang tala sa umaga. 29 Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya. Kaya anuman ang mga katangiang mayroon ang bawat isa ayon sa ipinagKaloob NILA lahat ng yan mga mahal kong kapatid ay pakaingatan. Ang ating Panginoong Jesu-Cristo ang may ibig na matupad ang Kaniyang Kalooban lalo na sa Kaniyang higit na inaasahan na pinatutungkulan na ibig magtagumpay. Ang siya at niya ay mga panghalip panao na ginamit pang-isahan. Ipagkakaloob sa kaniya ng Panginoong Jesu-Cristo ang kapamahalaang tulad ng tinanggap Niya sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS. Kaya mapalad ang magtagumpay.