Mangag-aralan tayo sa isa’t-isa na ang layunin ng pahinang ito ay maipaglingkod namin sa isang bahagi ng Social Media ang mga Katotohanang itinataguyod naming magkakapatid sa Iglesia ni Cristo sa hanay ng mga tunay na Hinirang na kumikilala sa Banal na Gawain ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kaya naman buong giting ipagmamalasakit naman namin sa lahat ang aming mga mabuting kaukulan na hindi naghahanap ng sariling kapurihan sapagkat ito ay hindi para sa amin kundi sa Kapurihan, Kaluwalhatian ng DAKILANG AMANG BANAL sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo na ating mahal.
GAWA 2:36-40 MB 39 Sapagkat ang pangako’y para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo – sa bawat tatawagin ng Panginoong Diyos.”
Ang talatang ito ang nagbangon ng katanungan sa ating kapatid na Aleli Santillan na nag-uutos sa isang Ka Hinirang na maglatag umano tayo ng talata ng BIBLIA dahil interesado siyang malaman ang magiging tugon natin dito. Kaya naman inilakip natin ang mga larawang magpapatotoo na ito ay naging paksang usapan sa pagitan ng isa nating Ka Hinirang ang kapatid na Gregorio Pilar sa pagitan ng nagtatanong na kapatid na Aleli Santillan. Kasamang hinihiling ng ating kapatid na nagtatanong na tindigan natin ang ating magiging paliwanag sapagkat ayon sa kaniya ay hindi ito itinuro ng sugo sa katauhan ng kinikilala nating Sugong Lider sa mga Huling Araw ang kapatid na Felix Y. Manalo, ang ayon sa nauunawaan natin patungkol sa salitang “malayo” sa Aklat ng mga Gawa 2:39 MB. Totoo naman hindi naituro sapagkat ngayon pa lang 2015 naipagkaloob ang mga ganap na Kaunawaan na nasasaklawan ng mga Hiwagang Patotoo na nakasulat at mababasa naman natin sa Banal na Kasulatan o BIBLIA. Kailangan ang malawak na pag-aaral hanggang lumapat sa marapat na pang-unawa na nababatay sa nakasulat sa BIBLIA. Hindi sapagkat nababasa na natin ang salitang malayo ay agad na nating tatangapin na ito ay tumutukoy na sa dako. Hindi naman kasi tuwirang pinatutungkulan ang dereksyon. Sa isang kilala ngang awitin kung uunawain, ginamit din doon ang salitang malayo; “malayo pa ang umaga, di matanaw ang pag-asa”. Kaya mapatutunayan natin na hindi lang sa dereksyon ginagamit ang salitang malayo. Paano maiuugnay ang awitin para maipaunawa ang paggamit ng salitang malayo? Kapag sinabing malayo pa ang umaga, nangangahulugan may tinatanaw na, may inaasahan sa hinaharap. Dereksyon ba mga mahal kong kapatid? Hindi! Kung ganun, kung hindi dereksyon, alin kaya yaong tinatanaw at inaasahan? Ito ay yaong sa hinaharap na pag-asa. Tanong may pag-asa ka bang tatanawin at aasahan kung walang pangako? Syempre wala! Kaya para mabigyan natin ng katwiran ang salitang malayo hayaan ninyo minsan pa muling magtanong. Ano ba ang kabaligtaran ng salitang malayo? “malapit” ang tiyak na sagot natin. Kaya pala inaawit natin sa mga Pagsamba na nakapaloob sa Himnario natin “Oh malapit ng dumating ang araw” Hindi ginamit ang salitang malapit dahil sa dereksyon. Ano ang katunayan? May tinatanaw ding pag-asa katulad din ng gamitin natin ang salitang malayo. Ngayon kapwa nagamit natin ang salitang malayo at ang kabaligtarang salita nito na malapit na nagbigay unawa sa atin na hindi tuwirang tumutukoy lang sa dereksyon. Saan kung ganun kung hindi sa dereksyon? Sa kapanahunan! May paghihintay kasi na gagawin. Una doon sa unang awitin ay maghihintay ng malayo pang umaga. Subalit sa ikalawa naman ay maghihintay ng malapit ng dumating ang araw. Nangangahulugan may nakatakdang panahon na magaganap bago makamtan ang inaasahan. Tama po ba? Teka marahil tututol ang iba at sasabihin sa atin na, kapatid huwag mong ilayo sa aklat ng mga Gawa 2: bersikulo 39 ang ating pinag-uusapan. Hayaan ninyong balikan natin ang talata ng BIBLIA na pinag-aaralan natin
GAWA 2:39 MB 39 Sapagkat ang pangako’y para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo – sa bawat tatawagin ng Panginoong Diyos.”
Muli natin itong inihanay sapagkat may ipapapansin sa inyo matapos natin mabigyang unawa ang paggamit ng salitang malayo. Pinatunayan natin na hindi lang nagagamit sa dereksyon kundi ito ay tuwirang nagagamit maging sa kapanahunan. Kaya nga minarapat pa rin nating sipiin ang talatang ito, para maunawaan ninyo ayon sa sinasabi ng talata ng BIBLIA na ang lahat ng nasa malayo ay tuwirang nauugnay sa panahon na pinangakuan. Yan ang patutunayan natin na nakasulat sa Banal na Kasulatan o BIBLIA sapagkat dito nababatay ang lahat ng ating ginagawang paglilingkod. Ang binasa natin sa unahan ay ang talatang 39 ng Gawa 2. Ngayon naman ay itataas lang natin ang pagbasa sa talatang 17 sa ganun ding Aklat para lalong maging malinaw sa inyo na ang salitang “malayo” dito ay talagang nauugnay sa panahon at hindi sa dereksyon na tulad ng inaakala ng ibang tagapagturo. Narito sa Aklat ng
GAWA 2:17 MB 17 ‘Ito ang gagawin ko sa mga huling araw, sabi ng Diyos, Pagkakalooban ko ng aking Espiritu ang lahat ng tao, At sa ngalan ko’y magpapahayag ang inyong mga anak. Ang inyong mga binata’y makakakita ng mga pangitain, At ang inyong matatandang lalaki’y magkakaroon ng mga panaginip. 18 Sa mga araw na iyon ay pagkakalooban ko rin ng aking Espiritu Ang aking mga alipin, maging lalaki at babae, At sa ngalan ko’y magpapahayag sila. 19 Magpapakita ako ng mga himala sa langit At mga kababalaghan sa lupa: Dugo, apoy at makapal na usok. 20 Magdidilim ang araw At pupulang animo’y dugo ang buwan, Bago sumapit ang Araw ng Panginoon, Ang dakila at maningning na Araw. 21 At sinumang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas sabi ng Diyos,
Sa bahaging ito tuwiran ng binanggit ang tiyak na panahon kung kailan ipagkakaloob yaong ipinangako na nabasa natin sa talatang 39. Kailan mga mahal kong mga kapatid? Sa mga Huling Araw! At sa yugto ring ito ng ating panahon higit na natutupad ang mga pangakong ipinagpauna sa atin ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo na hindi maaring tutulan ng sinuman sapagkat tuwiran na silang makalalabag sa Salita ng ating AMANG BANAL kung hahadlangan nila ang kagustuhan NIYA na pagkalooban ng Espiritu ang lahat ng tao, ang iba ay mananaginip, na ang iba na mga pinatutungkulan ay magpapahayag pa sa Pangalan ng ating PANGINOONG DIYOS. Higit sa ating kapanahunan sa mga Huling Araw ang panahon ding pinatutungkulan sapagkat kasalukuyang nagaganap ang mga palatandaang ipinagpauna ng PANGINOONG DIYOS at naipag-paunang pahayag din ng ating Panginoong Jesu-Cristo na makikita sa langit ang mga ibat-ibang kababalaghan. Magaganap ang lahat ng ito sa literal na kaganapan at sa Espiritual na mga pangyayari. Ang dalawang yan ay magkaakibat na magaganap sa ating kapanahunan. At bago sumapit ang Araw ng Panginoon ay magdidilim ang araw o magdidilim ang pag-asa ng maraming mga tao sa Espiritual na pakahulugan. At ang buwan ay literal na man na pupulang animo’y dugo at ito ay napipintong magpatotoo na naman sa July 27, 2018 sa mga nalalapit na araw https://www.youtube.com/watch?v=vrtAwfe37Nc at sa Espiritual na kalagayan naman ng mga kapatid nating Iglesia ni Cristo ang mga kasalukuyan ang mga madugong kapanlawang naganap at magaganap pa lang sa mga Huling Araw at sa Hulin Ara na ito bago dumating ang maningning na araw ng PANGINOON sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na ang pag-asa ng lahat ay makatahan doon sa Dakong Banal. Sa panahong ito lalo pang magliliwanag ang mga Katotohanang ating inihahayag na yayakap sa lahat ng tao upang sila man din sa kagustuhan at pag-ibig ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang lahat ng tao na ibig NILA na mangaligtas. Kaya ngayon seyento por syento o 100% ang malayo na pinatutungkulan sa Gawa 2:39 ay sumasagisag sa panahon sa mga Huling Araw at sa Huling Araw na ito sa yugto ng ating panahon lahat ay maisasakatuparan. Kaya yan ang tinitindigan nating Katotohanan na iba ang malayo na pinatutungkulan sa bahagi ng talata ng BIBLIA sa aklat ng I
SAIAS 46:11 ADB 11 Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.
Dito tuwirang ipinatutungkol sa tiyak na dereksyon ang malayo na mababasa natin na nasa silanganan ang lupaing malayo kung saan naroroon ang pagmumulan ng taong gumagawa ng payo ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS.
Mga mahal kong kapatid yan ang lagi nating ipinagpapasalamat na naipaunawa sa atin ng ating DAKILANGPANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo sa patnubay at paggabay ng Banal na Espiritu ang katanungan ng ating kapatid. Mula sa Kapahintulutan lamang NILA nagawang maihanay ng inyong abang kapatid ang mga Kaunawaan at Kaalaman ng Katotohanan mula sa Karunungan na nakasulat sa Banal na Kasulatan. Muli nating ipinatutungkol natin sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo ang lahat-lahat ng Kapurihan, Kadakilaan at Kaluwalhatian. – Elias Arkanghel S07082018PT757
MAHALAGANG TAGUBILIN :
Mga mahal kong kapatid, ipagmalasakit niyo rin sa iba pang mga kapatid natin na IGLESIA NI CRISTO ang Blog na ito. Kung may panghihina na sila sa kanilang pananampalataya bunga ng mga katiwalian na kaganapan sa loob ng IGLESIA NI CRISTO ay nagsisipanlamig na sa mga Pagsamba, sa pamamagitan ng blog na ito ay muli silang lalakas sa mga mababasa nilang inihahanay dito. Mabubuhay ang pag-asa nilang hindi pala dapat na ikapanghina ng loob, ikapanlupaypay ang mga kaganapan na nahahayag sa mata ng marami. Pagkat ito ay bahagi ng mga kailangan pang maganap para makarating na tayo doon sa pangakong kaligtasan, at ng mapahintulutan na tayo sa Dakong Banal na manirahan na yan ay takdang matupad dahil nakasulat sa Banal na Kasulatan. Sa mga panahong nagpapahayag pamalagiin natin ang kapayapaan ng ating damdamin at kalooban. Hayaan ninyo ang Banal na Espiritu na ating panauhin sumasama sa atin ang magpahayag. Ang inyong abang kapatid ay naglilingkod lang para sa kapakanan ng lahat! Kinakasangkapan lamang ako ngunit wala sa akin ang karapatang humahatol. Kung naihahanay man ang mga inaakala ninyong masakit na pananalita ay huwag ninyong iisipin na ang katauhang ito ang nagsasalita, at naghahanay ng mga nababasa niyo. Sapagkat ipinauubaya ko sa Panginoong Diyos, sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo sa udyok ng Banal na Espiritu ang gumagabay sa lahat ng aking paghahanay, ng walang sinumang pangingilagan na dapat patutungkulan kung ito ay atas ng Banal na Espiritu. – Elias Arkanghel