BAKIT NAKAUGALIAN NA NG MGA KAPATID NATING MGA MINISTRO SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO KAPAG NANGANGASIWA NG PAGSAMBA PINUPUTOL ANG BAHAGI NG TALATA NG JUAN 10:9 AT COLOSAS 1:18 KAPAG ITO ANG TINATALAKAY?
JUAN 10:9 NPV 9 Ako ang pintuan. Ang sinumang pumasok sa pamamagitan ko ay maliligtas. Siya’y papasok at lalabas at makatatagpo ng pastulan.
COLOSAS 1:18 MB 18 Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Siya ang Una, ang panganay na Anak – ang unang nabuhay na muli upang siya ang maging pinakadakila sa lahat ng bagay.
Bakit mula ng pasimulang ituro ang mga talatang ito sa loob ng IGLESIA NI CRISTO sa panahon ng Kapatid na Felix Y. Manalo at Kapatid na Erano G. Manalo hanggang sa panahon ng Ka Eduardo Manalo ay nagpapatuloy na ang binabasa lang sa Juan 10:9 NPV 9 Ako ang pintuan. Ang sinumang pumasok sa pamamagitan ko ay maliligtas. Subalit ang karugtong na talata ay hindi na binabasa ang Siya’y papasok at lalabas at makatatagpo ng pastulan.? Hindi lang ang talatang ito na nauna maging ang sa COLOSAS 1:18 MB 18 Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Ang bahaging iyan lamang ng talata ang binabasa sa kapulungan ng mga Sumasamba subalit ang kabuuang bahagi na Siya ang Una, ang panganay na Anak – ang unang nabuhay na muli upang siya ang maging pinakadakila sa lahat ng bagay., ay hindi rin tinatapos na binabasa agad na pinuputol na ang bahaging gusto lamang nilang basahin.
Bakit nga ba laging ganun? Tayo ba ay laban sa kapatid na Felix Y. Manalo, sa kapatid na Erano G. Manalo at sa Ka Eduardo V. Manalo kung pag-uusapan sa bahaging yan na matagal ng itinataguyod na naituturo sa loob ng Iglesia ni Cristo? Hindi mga mahal kong kapatid! Kinikilala natin ang kanilang mga pagtuturo pati na ang Kahalalan bilang mabuting Sugong Lider sa mga Huling Araw, mabuting Tagapamahalang Pangkalahatan at sa Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan o Pamamahala. Kung ganun ano ang tinututulan natin bakit kailangan pa ng ganitong usapin? Ang Banal na Espiritung nag-uudyok sa atin ngayon mula sa Diwa ng Panginoong Jesu-Cristo sa Atas ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS ay iniuutos NILA na isaayos lamang ninyo upang huwag tayong mapulaan ng iba na tayong nagpapakilala na nagdadala ng Katotohanan ay hindi nagsasabi ng buong Katotohanan.
Huwag nating hayaan na hindi natin nabibigyang Katwiran ang Banal na Salita ng PANGINOONG DIYOS. Sapagkat ang mga katotohanang ito ang magpapabanal sa atin kaya nga ang bilin ay JUAN 17:17 NPV 17 Banalin mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo’y katotohanan. Bakit tinitiyak na ito ang magpapabanal sa atin? KAWIKAAN 30:5 MB 5 Ang lahat ng salita ng Diyos ay mapananaligan at siya ang kanlungan ng mga nananalig sa kanya. Kaya mga kapatid hindi pa lubos ang ating pananampalataya kung mahihirati pa rin kayo na kinukulangan at binabawasan ninyo lagi sa inyong mga pagtuturo ang mga Salita ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS na nakasulat sa Banal na Kasulatan o BIBLIA. Sapagkat ito ang pinakasaligan ng ating pananampalataya bilang mga HINIRANG sa loob ng IGLESIA NI CRISTO. Kaya paano natin masasabing nanganganlong tayo sa mga Salita NIYA kung ipinapahayag niyo sa mga talatang pinag-aaralan natin ay lagi na lamang ninyong binabawasan. Mga kapatid lalo na sa hanay pa ninyo na pawang mga Ministro pa man din sa IGLESIA ang tuwiran ng nakalalabag. Sinuman sa mga Ministro sa mga nakaraan man o sa pangkasalukuyan. Kailangan ninyong sumunod. Hindi sa akin kundi sa PANGINOONG DIYOS na tumutulong sa akin na maipaunawa ito sa inyo. Bata ako sa aking kalagayan kung ihahambing ang pinag-aralan ninyo. Sapagkat kayo nakatuntong sa Ministeryo ang mga matatanda na sa kaalaman sa mga nakasulat sa BIBLIA. Mahabang panahon at taon ang binilang ninyo para maging dalubhasa kayo sa BIBLIA. Samantalang ako naman ay magtatatlong taon pa lang akong hinuhubog ng Diwa ng Panginoong Jesu-Cristo sa Kaniyang Karunungang natamo mula sa ating PANGINOONG DIYOS. Iniuudyok Niya ito sa Diwa ko sa isinusugo Niyang Banal na Espiritu kung kaya naipapahayag ko ito ng buong Karunungan at Kaalaman ang mga Katotohanang nababasa ninyo sa Blog ng IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG. Wala akong sariling paliwanag, wala akong sariling husay, talino at galing. SILA ang may ibig ng mga idinidikta sa diwa ko kaya pagsunod lamang sa bilin NILA ang lahat kung kaya nagagawa ko ito. Minsan pa sa huling bahagi ng pag-aaral nating ito ay KANILANG pinahahanay ang mga talatang ibinabalik paunawa sa inyo upang magsilbing babala para sa ikapagiging dapat naman ninyo kapag nasunod ninyo ang mga Katotohanang mababasa ninyo.
APOCALIPSIS 22:18,19 MB 18 Akong si Juan ay nagbababala sa sinumang makarinig sa mga hulang nasasaad sa aklat na ito: Sa sinumang magdagdag sa nilalaman ng aklat na ito, idaragdag ng Diyos sa kanyang parusa ang mga salot na nakasulat dito. 19 At ang sinumang mag-alis ng anuman sa mga hulang nasasaad dito ay aalisan naman ng Diyos ng karapatan sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay at sa Banal na Lunsod na binabanggit dito.
Patuloy kong pinasasalamatan ang DAKILANG AMANG BANAL at ang Panginoong Jesu-Cristo sa mga pagmamalasakit NILA sa pagsusugo sa Banal na Espiritu sa kagustuhan NILA na maisaayos lamang at maitama ang mga kamalian. Sa aminin man o sa hindi. Tanggapin man o hindi ay may nasumpungang mga hayag na kamalian sa kalayaan na pagtuturo ng kinukulangang basahin ang Banal na Kasulatan o BIBLIA. Nawa dahil sa pamumuna NILA ay maituwid ang ang ilang hayag na kamalian sa hanay ninyo. – Elias Arkanghel F06222018PT1910
2 thoughts on “BAKIT NAKAUGALIAN NA NG MGA KAPATID NATING MGA MINISTRO SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO KAPAG NANGANGASIWA NG PAGSAMBA PINUPUTOL ANG BAHAGI NG TALATA NG JUAN 10:9 AT COLOSAS 1:18 KAPAG ITO ANG TINATALAKAY?”