MATEO 6:1-4 SND 1 Mag-ingat kayo na huwag gawing pakitang-tao lamang (mahalagang bilin ito na huwag maging pakitang tao lamang. Alam kasi ng Panginoong Jesu-Cristo na ito ang tinataglay sa puso ng iba kaya nagbibilin) ang inyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. (Bakit nasasabi ito sa atin? Sapagkat kung pakitang tao lamang ang pagtulong at paglingap ay tiyak na may pakay, ibang layunin o hangarin kaya tumutulong. Kaya naman). Kung magkagayon ay hindi kayo tatanggap ng gantimpala sa inyong Ama sa langit.(kaya huwag maipagmamalaki ng sinuman na; at ito ang mauulinigan natin, “pagtulong na nga yan sa kapwa ay minamasama pa ninyo” Hindi tayo laban sa paggawa ng mabuti dahil batid ng PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo kung bakit naisasagawa ang mga ganitong gawain na isinasabay ang Pamamahayag sa Paglingap sa Mamamayan. Banal pa ba ang layunin? Sa kagustuhang dumami ang dadalo, dumami ang magiging kaanib kahit hilaw ang pananampalataya ay minamadali na ang proseso ng pagpapatala sa iba. Kapwa nakikinabang ang isa’t-isa; na ang panig ng umakay ay makapagbunga agad siya na maipatatalang doktrina na agad at ito ang gustung-gusto ng mga nakatalagang Pastor na hinahanapan ng mga Tagapangasiwa nila na makapagbunga ng higit sa bilang na inaasahan sa kanila. At sa panig naman ng naakay nakababahagi siya ng mga biyayang paulit-ulit nilang tinatanggap habang dumadalo sila ng mga ganitong aktibidad na ikinakampanya namang libre para sa lahat. Mga mahal kong kapatid, maraming-maraming salamat sa mga boluntaryong nakipagkaisa na mabubuting kinakasangkapan sa ganitong mga aktibidad na ang puso’y tapat na makatulong sa ating mga kapatid at kapwa. Ikinararangal natin kayo sa matapat na layunin ninyo pati na ang karamihan sa mga kapatid na nakipagkaisa. Lamang hindi nila alam yung pinakapakay ng mga lider na nag-organisa ng mga aktibidad na tulad nito. Kaya hindi mabibilang na masama sila) 2 Kaya nga, kapag ikaw ay namamahagi sa mga kahabag-habag, huwag mong hipan ang trumpeta na nasa harap mo, gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan. (Ang trumpeta ay lumilikha ng ingay sa kapanahunan ng Panginoong Jesu-Cristo hudyat ito para makatawag ng pansin. Ngayon naman sa ating kapanahunan ay naihahalintulad na ito sa mikropono sa kagustuhang makatawag ng pansin ay magsasalita ang pinaka-tumatayong lider na nag-organisa ng aktibidad ng ubod lakas para ang atensyon ay nasa kaniya. Sa anong kadahilanan?) Ginagawa nila ito upang sila ay luwalhatiin ng mga tao. ( Ibig na ibig nila na pinupuri sila ng tao) Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. (Kaya tama ang Panginoong Jesu-Cristo tinanggap na nila .. yung mga pagpaparangal ng tao para sa kanila na nauugnay sa lagi nilang gustung-gusto na mapasakanila ang Guinness Book of World Records. Kapaimbabawaw na lang pala at hindi nagiging kalugud-lugod sa ating DAKILANG AMANG BANAL at sa ating Panginoong Jesu-Cristo) 3 Kung mamahagi ka sa mga kahabag-habag, huwag mo nang ipaalam sa iyong kaliwang kamay kung ano ang ginagawa ng iyong kanang kamay. Kaya nga kung matapat lang natin na susundin at uunawain ang ipinahayag na huwag ng malaman ng iba ay ipauubaya na nating lihim ang lahat 4 Sa gayon, maililihim ang iyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. Ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ay magbibigay ng gantimpala sa iyo nang hayagan. Kung magagawa natin na mailihim ay ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS na natin ang magkakaloob sa atin ng gantimpalang mahahayag at yan ang Tagumpay ng Banal NILANG Gawain. – Elias Arkanghel M07162018PT1725
PAHABOL TANONG LANG: KAMUSTA ANG NATIPON SA WORLD WIDE WALK PARA SA MAHIHIRAP SA AFRICA?
IDINAGDAG NGAYONG JULY 17, 2018 ANG PATOTOO NA NASA IBABANG LARAWAN