SA IBANG BANSA MADARAKIP KA… MGA PAUNANG PAHAYAG SA MAUI HAWAII NATUPAD AT KASALUKUYANG MATUTUPAD IPINAGPAUNA NA SA BUNGAD PA LANG NG 2018 SA 3RD QUARTER NG TAON HANGGANG LAST QUARTER NG TAON 2018 MAGKUKUMAHOG NA MAKALIKOM NG MALALAKING HALAGA SA MGA MAYTUNGKULIN AT MGA KAPATID ANG PANGANGASIWA NG IGLESIA … TUTULARAN ANG ISINAGAWA SA NANGYARI SA IGLESIA SA MACEDONIA – Elias Arkanghel
Mga mahal kong kapatid, batid namin marami ang sa inyo ay nabigla, nagugulumihanan na sa mga kaganapan at mga pangyayaring laging nasasangkot at laman ng mga balita ang mga kapatid natin sa Iglesia. Hindi na kayang pagtakpan ng pangangasiwa ng Iglesia paano nga hayag na sa loob pa ng Gusaling Sambahan nakikitang nagtatago ang mga tampalasan. Patunay na nagaganap sa ating panahon ang Kalapastanganang Walang kapantay na ipinagpauna ng ating Panginoong Jesu-Cristo na kaugnay din sa nakasulat sa Banal na Kasulatan sa aklat ng Daniel. Hindi na kayang diktahan ang mga may ari ng telebisyon, sumusulat ng mga balita, sapagkat sila man ay nakaramdam na rin na masyado ng dinodominahan ang kalayaan nila para mapagtakpan lang ang mga pamiminsala na kung hindi naman sinusunod ay inuutusan ang kapatirang walang kamalay-malay na pinipilit pinasusunod na huwag tangkilikin ang mga istasyon ng telebisyon at himpilan ng radyo kung kaya naman naglakas na ng loob na gawin ang maibigan nilang gawin kahit nalalagay sa panganib ang buhay nila makapaghatid lang ng balita ng katotohanan walang kinikilingan.
Nasasaktan tayo sa mga pangyayari at ito ay nadarama ng lahat ng mga kapatid sapagkat hindi natin nais na makabalita ng mga nakabibiglang mga pangyayari, na totoong nakakabagabag sapagkat ang pinuprotektahan natin dito ang pangalang IGLESIA NI CRISTO. Ayaw na ayaw natin naisasangkot at nakakaladkad sa mga balita lalo na nga hindi naman na dapat na mangyari yaon kung panloob na suliranin lang talaga. Maaari namang isaayos lalo na nga kapwa kapatid pa man din natin sa Iglesia ang nag-aakusahan. Kaya nga nais kong ipagpauna at ipaunawa sa lahat, kaanib man kayo o hindi kapananampalataya ay tahasan kong ipinararating sa lahat na walang kinalaman ang pangalang IGLESIA NI CRISTO, kaya hindi marapat na ito ang napupukulan ng sisi. Kung may mga pangyayari na ang indibidual na kapatid namin ang nasasangkot, indibidual na kaanib lamang ang dapat ninyong tuwirang inuusig. Sapagkat kapag IGLESIA NI CRISTO ang tuwirang binabanggit, tila ang lahat ng mga kapatid sa IGLESIA NI CRISTO ang isinasangkot na nila sa mga pangyayaring wala naman kinalaman ang kabuuan. Lalo na ang Panginoong Jesu-Cristo walang kinalaman ang kanyang pangalan. Ano kung gayun ang marapat na sabihin? Kung magpapahayag ang sinuman, derektang tukuyin ang pangalan ng tao at pangalanan ang dapat na naroroon ang nababasa o ipinapahayag sinuman siya at hindi ang IGLESIA NI CRISTO. Kailanman walang kasalanan ang pangalang IGLESIA NI CRISTO. Lalo na nga kung ang mga myembro ang nasasangkot at may nagagawang pagkakasala ay hindi IGLESIA NI CRISTO ang nagturo na sila ay magpakasama. Kaya nga ako si Elias Arkanghel ang nagsasabing mananatiling Banal ang IGLESIA NI CRISTO sa anupamang argumento ninyo ito ilagay.
Subalit matapos ang pagtutuwid na pagpapaunawa sa lahat.. ay mayroong personalidad ang naku-kwestyun ngayon. Ang kapatid na Eduardo V. Manalo, Sanggunian at ang kaniyang mga tauhan na kasamang nagtataguyod ng kanilang mga buwan-buwan na pagtatanging handugan. Nag-iisip kung saan na naman nila ipatutungkol para mapagtibay at maihingi na naman nila ito sa mga kapatid. Dumarami ang kanilang nasasamsam sa mga dukha o mahihirap na mga kapatid pa man din. Mamaya ipaliliwanag ng talata ng BIBLIA kung paano nila nagagawa yun. Ang nais lang natin maitanong muna ngayon ay kung bakit tila walang kapayapaan sa hanay nila Ka Eduardo at ng kanilang mga tauhan na nasa Sanggunian? Ano nga ba ang kanilang kinalaman sa mga pangkasalukuyang kaganapan? Magbasa tayo mag-aaral ng mga patotoong nakasulat sa BIBLIA at ito ang gagamitin nating pinakabatayan para huwag nilang maisumbat sa atin na tayo ay naninira lamang at maakusahan pa ng libelo sa batas ng tao dito sa lupa. Sapagkat kung iniisip nila yun sa PANGINOONG DIYOS na sila mananagot at sa Panginoong Jesu-Cristo, hindi na sa abang lingkod ng PANGINOONG DIYOS at ng Panginoong Jesu-Cristo na napahintulutan lamang na magpahayag upang ihayag ang Ka Eduardo at ang mga kasama niya. Tulad ng ating itinatanong Bakit tila walang kapayapaan sa hanay ng Ka Eduardo at ng kaniyang mga tauhan na nasa Sanggunian? Ano nga ba ang kanilang kinalaman sa mga pangkasalukuyang kaganapan na ipinagpauna na sa Banal na Kasulatan sa aklat ng Isaias na magaganap sa hinaharap? ISAIAS 3 : 14-15 NPV 14 Ang PANGINOON ay nagsisimula na sa paghatol laban sa matatanda at mga pinuno ng kanyang bayan: “Kayo ang sumira sa aking ubasan; ang mga sinamsam mula sa mga dukha ay nasa inyong mga bahay. 15 Ano ba ang ibig ninyong sabihin sa pagdurog sa aking bayan at sa pagluray sa mukha ng mga maralita?” pahayag ng Panginoon, ng PANGINOON na Makapangyarihan sa lahat. Mga kapatid, batay sa nakasulat sa BIBLIA bahagi na ito ng pagsisimula ng KANIYANG paghatol laban sa mga matatanda at mga pinuno na kabilang sa KANIYANG bayan. Kaya hindi pwedeng sabihin na napatutungkol sa ibang relihiyon para ilihis sa Katotohanan upang iiwas nila ang kanilang mga sarili na madiin sa pinagbabatayan nating talata ng BIBLIA. Kaya hindi na sila makaiiwas at makatatanggi dahil tunay na sila ang tuwirang pinatutungkulan ng mga talata ng BIBLIA na ating sinipi. Inyong dili-dilihin mga mahal kong kapatid ang sabi “KANYANG Bayan”. At batid na ang kinikilalang Bayan ng PANGINOONG DIYOS sa mga huling araw ay itong relihiyon na ating kinaaaniban, ang IGLESIA NI CRISTO na isinasangkot na nila sa ibat-ibang kalapastanganan sila ang may gawa, palibhasa kinilala na niya ang kaniyang sarili na wala ng makapapantay dahil sa pagkaunawa niya wala ng makahihigit sa kanyang kapangyarihang tinataglay dito sa lupa sapagkat ang mga ibat-ibang Leader . Ano bang dahilan para magalit sa kanila ang PANGINOONG DIYOS? Kasi mga kapatid kung mapapansin niyo sa talata nagtatanong ang PANGINOONG DIYOS na Makapangyarihan sa lahat kung ano ang ibig nilang sabihin sa pagdurog sa KANIYANG Bayan. Kapuna-puna na ito sa PANGINOONG DIYOS inyo ng niluluray-luray ang mga mararalitang kaanib ng Iglesia na ating kinaaaniban. May pinsala silang nagawa at nagpapatuloy pa ito kaya napapanahon naman na ang ihayag na nga silang lahat! Na Ano? Na Sila ang dahilan ng pagkakasira ng ubasan ng Panginoong Jesu-Cristo, ang ubasang siya mismo ang Puno na katuparan sa Kaniyang sarili itinanim, na ang nagmamay-ari ay ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS natin kaya nasabi na AKING ubasan, na SIYA rin ang sinasabi ng Panginoong Jesu-Cristo na magsasaka. Subalit lingid sa kaalaman ng iba ang pangalang IGLESIA NI CRISTO ay isinasangkalan na lamang nila para makasamsam, makapagsamantala at makapandaya na ang mga dukha o mahihirap sa paglalararawan ng Banal na kasulatan ang nagawan ng pinsala. Teka nagpaparatang ba tayo? Hindi mga kapatid malinaw na binabasa lang natin ang mga talata at ipinaliliwanag ang talatang ating pinag-aaralan. Kaya totoong mababasa nakasulat sa Banal na Kasulatan. At ang lahat ng kanilang mga kinuha ay saan naroroon? Nagtatanong lang tayo tulad ng sinasabi sa Banal na Kasulatan ay nasa kanilang mga bahay o tahanan. Kung babasahin natin sa ibang salin ganito ang inyong matutunghayan. Paki- unawa ninyong mabuti sapagkat may ipapapansin ako sa inyo. ISAIAS 3 : 12 BSP 12 Bayan ko, ninakawan ka ng mga naghari sa iyo, at sinikil ng mga nagpautang sa iyo! Bayan ko, nilinlang ka ng iyong mga pinuno, iniligaw sa iyong mga daan. Ayun malinaw na malinaw hindi na nila tayo masisilipan na sinisiraan natin sila. Bakit? Mismo ang PANGINOONG DIYOS ang nagpaparatang ng katotohanan sa kanila at tayo naman ang kanilang mga ninakawan at mga nilinlang. Hayag sa PANGINOONG DIYOS! Ano ang KANIYANG nakita at napupuna? Itong mga pinatutungkulang naghari sa atin ay ano uli? Ninanakawan tayo! Sa halip na sa Tamang Daan tayo inihahakbang… Ay ano? Inilihis nila tayo! Tanong ang kapatid na Elias Arkanghel ba ang may sabi niyan? Hindi! Mismo ang PANGINOONG DIYOS na! Kaya KANIYA ng inihayag ang mga nanlilinlang sa atin at sila ang tuwiran ng pinararatangan ng PANGINOONG DIYOS na mga pinuno na mga naghari na sa KANIYANG Bayan. Tuwiran talaga ang terminong ginamit ng PANGINOONG DIYOS na ninanakawan nila tayo na KANIYANG Bayan na ito nga ang IGLESIA NI CRISTO na kanilang mga pinipinsala ngayon. May ilan sa mga malalakas ang loob na matatanda sa Iglesia ang nakapupuna na nagbibigay payo at paalaala sa kanila subalit parang mga batang itinutuwid at pinagsasabihan lamang nila. Hindi na iginagalang ang mga matatandang ministro. Marami na tuloy sa mga kapatid nabuksan na ang kamalayan sa mga nangyayari. Napag-uunawa ng marami hindi nga isang paninira lamang sa pamamahala ng Ka Eduardo kundi hayag na may katotohanan na may mga katiwaliang nagaganap sa hanay nila kung pagbabasihan ang mga paunang pahayag na nakasulat sa Banal na Kasulatan.
Kapatid na Eduardo malinaw ang mga pinunong binabanggit na nanlilinlang na lamang sa amin ngayon ay kayo!. Hindi ba sabi mo wala namang katiwalian?! Nasaan ang katiwalian ito ang tahasang itinatanong mo kapatid sa kapulungan ng mga Sumasamba sa iyong mga pangangasiwa sa Webex. Walang ebedensya! Pero Ka Eduardo V. Manalo at Ka Glicerio “Jhun” Santos, Jr. sa PANGINOONG DIYOS wala kayong maipagkakaila. Hindi ninyo maitatago ang lahat ng inyong pinaka-iniingat-ingatang pakalihim-lihim ninyong mga kasuklam-suklam na gawain na gustong ipamukha sa inyo ng PANGINOONG DIYOS natin ngayon. Bakit namin nasabi? Kaya inihayag na kayo ng PANGINOONG DIYOS natin. Na Ano? Na totoong may pagkakautang talaga kayo! Bilyun-bilyong pisong halaga! Ano ito na nasa gawing ibaba.. Isang halimbawa lang ng dokumento ng pagkakautang ….
Kaya nga kailangan na ninyo talaga itong mabayaran. Bakit naman? Sinisikil na kayo ng mga napag-utangan ninyo. Hintayin ninyo kakasangkapanin ng PANGINOONG DIYOS silang mga darating na abugado na magpapaunang paniningil sa inyo. Ang nakalulungkot lang at nakapangingilabot pawang mga ari-arian ng IGLESIA NI CRISTO ang totoong nanganganib ng mailit at mawala dahil sa ginawa ninyong pangungutang na kabilin-bilinan ni Tatay Erdy kapatid na Erano G. Manalo na huwag mangungutang. ISAIAS 3 : 11-13 NPV 11 Sa aba ng masama! Darating sa kanila ang kapahamakan! Pagbabayarin sila sa gawa ng kanilang mga kamay. Nakalulungkot hindi ba Ka Eduardo ayaw mong mangyari sayo yan, at ayaw din namang mangyari sayo yan. Lamang ikaw ang pumili sampu ng iyong mga katuwang at iyong mga kinikilalang mga lider sa mga Distrito at mga Lokal kasamang nadamay ang mga nagsipaniwalang mabuti ang ginagawa mo. Kaya sa abangmasama na pagkakilala sayo ng PANGINOONG DIYOS darating na sa inyo ang sunud-sunod na kapahamakan na ang darating na sa inyo. Kaya hindi na kayo makaiiwas pa sa galit ng PANGINOONG DIYOS. Malinaw na nababasa ninyo na pagbabayarin na kayo ng PANGINOONG DIYOS sa mga ginawa ninyong pamiminsala sa loob ng IGLESIA NI CRISTO.
MGA KAPATID SA INYO NA MGA NAGSASABING KAYO ANG NASA KALIWANAGAN SUBALIT NAKAPIRING ANG MGA MATA. NAGSASABING NARINIG NA NINYONG LAHAT ANG ARAL KAYA SINARHAN NA ANG TENGANG MAGBUBUKAS PA NG UNAWA SA IPINAPAHAYAG, AY WALA NG PAG-ASANG MAKAUNAWA NG KATOTOHANAN, NA KAHIT ALISIN ANG PIRING NG MATA PIKIT MATA PA RIN NA SUSUNOD SA NAMAMAHALANG NAKATAKDA NG PARUSAHAN NG PANGINOONG DIYOS. KAYO NA NAPAPAGAMIT AT LAGING BUKANG BIBIG ANG MAHALAY NA PANANALITA, PAGPAPALALO, PANGUNGUTYA AT PAMUMUSONG. TANDAAN NINYO ITO SA ARAW NA ITO MARSO 12, 2017 KUNG AKO AY HINDI SINUGO NG PANGINOONG DIYOS, LAHAT NG SINABI NIYO AY MANGYARI NAWA SA AKIN. SUBALIT KUNG TUNAY NGANG SINUGO AKO NG PANGINOONG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG PANGINOONG JESU-CRISTO, MGA KAPATID LAHAT NG INYONG IISIPIN, SASABIHIN AT PINAPLANO PA LANG NA GAGAWIN SA AKIN, LAHAT NG YUN AY MAGIGING LABAN SA INYO. MAGPAPATOTOO AT MAPAPABALITA NA NANGYARI NGANG LAHAT SA INYO. – Elias Arkanghel
(Paki-unawa ang kulay bughaw o blue ay hanay na mga talata. Samantalang ang malalaking letra na itim ay hindi bahagi ng talata kundi pagpapaunawa sa Espiritual na kahulugan)
Ezekiel 22 MB
1 Sinabi pa sa akin ni Yahweh, 2 Tao, ikaw na ang humatol sa lunsod na itong puno ng mamamatay-tao. Ipamukha mo sa kanila ang kasuklam-suklam nilang gawain. MGA MAHAL KONG KAPATID HINDI MAHIRAP SUMUNOD KUNG ANG PANGINOONG DIYOS NA ANG PINANGGAGALINGAN NG PAG-UUTOS! NA ANO? ANG IPAUBAYA SA PAGHATOL AY INIATANG NA! KAYA PINAGTIBAY NA ITO SA LANGIT AT HINDI NA MAARING IURONG PA. PARA ANO? HATULAN ANG CENTRAL ANG PINATUTUNGKULAN NA LUNSOD NA PUNO NG MAMAMATAY TAO O MAMAMATAY KARAPATAN NA MAY BILIN NA IPAMUKHA SA KANILA ANG KASUKLAM-SUKLAM NILANG MGA GAWA. KAYA ALANG-ALANG SA PAGSUNOD SINUMAN ANG MAHAGIP, ANG MABANGGIT AY HINDI MAGTATANGI SAPAGKAT ANG PANGHALIP NA GINAMIT AY SA KANILA. KAYA KAPATID NA EDUARDO V. MANALO ALALAHANIN NIYO NG KAPATID NA GLICERIO ‘JHUN’ SANTOS, JR. MGA KASAMA MO SA SANGGUNIAN AT SA LAHAT NG MGA KUMIKILALA AT TUWIRANG SUMUSUNOD SAYO, MAPA-CENTRAL, MAPA-DISTRITO, MAPA-LOKAL, SAAN MANG PANIG NG DAIGDIG ANG PINASASABI NG PANGINOONG DIYOS AY IPAMUKHA ANG LAHAT NG KASUKLAM-SUKLAM NA MGA GAWAIN NINYONG LAHAT. 3 Sabihin mong ito ang ipinasasabi ko sa kanila: Darating na ang iyong wakas dahil sa pagpatay mo sa maraming tao at pagsamba sa mga diyus-diyusan. KAYA KA EDUARDO DARATING NA ANG IYONG WAKAS DAHIL IKAW ANG TUMATAYONG NANGUNGUNA BILANG NAMAMAHALA AT IKAW RIN ANG PANGUNAHING MANANANAGOT SA LAHAT SA ATING PANGINOONG DIYOS KUNG KAYA HINDI KA NA MAKAIIWAS SA ITINAKDA NA NIYA PARA SAYO. KUNG BAKIT? DAHIL 4 Malaki ang pagkakasala mo dahil sa pagbububo ng dugo at sa pagkahumaling sa pagsamba sa diyus-diyusang ikaw na rin ang gumawa. Dumating na ang iyong wakas. Ikaw ay dudustain at kukutyain ng lahat ng bansa. SA KAGAGAWAN MO MARAMI KANG NAPATAY! ANONG URING PAGPATAY? LITERAL BA? HINDI! PINATAY MO ANG PANANAMPALATAYA NG MARAMING KAPATID AT PINALITAN MO NG KASUKLAM-SUKLAM MONG MGA GAWA. KATUMBAS NG PAGSAMBA SA MGA DIYUS-DIYUSAN TINAGLAY NG PUSO MO NA IKAW ANG MAY GAWA PARA IKAW AY SUKDULANG SUNDIN NG MGA KUMIKILALA SAYO AT SA LAHAT NG ANUMANG SABIHIN MO SA KANILA. KA EDUARDO HUMIGIT KA SA IPINAG-UUTOS NG PANGINOONG DIYOS AT NG PANGINOONG JESU-CRISTO AT PUMAYAG KANG KILALANIN KA NG LAHAT NG HIGIT SA DAPAT NA KAUKULAN MO LAMANG. KAYA NAKATAKDA KA NG USIGIN NG BAWAT BANSA O MGA LOKAL SAPAGKAT PAHIHINTULOT NA NG PANGINOONG DIYOS NA MAPUNA NA ANG LAHAT NG MASASAMA NINYONG MGA GAWA. 5 Aalipustain ka ng lahat ng bansa, maging malayo, maging malapit, dahil sa labis mong kasamaan. SA HARAP NG PANGINOONG DIYOS LABIS KA NG MASAMA KA EDUARDO 6 Ang mga pinuno ng Israel ay nagtiwala sa kanilang lakas at walang habas na pumatay. PATI NA MGA NASA SANGGUNIAN AT TAGAPANGASIWA NA KATULAD NA KATULAD MO NA RIN SA MGA PAGPAPASYA PINUPUNA NA KAYO NG PANGINOONG DIYOS 7 Nawala na ang paggalang sa mga magulang. KA EDUARDO ANG NANAY TENNY ANG BALO NA HINDI MUNA IGINALANG AT MGA KAPATID MONG ULILA NA, NA INAAPI NINYONG LAHAT PANGUNAHING MAY SAMA NG LOOB ANG KAPATID NA BABYLYN VENTURA MANALO NA IYONG MAYBAHAY ANG LANTARANG NAGHAHASIK NG PINSALA SA LOOB NG IGLESIA SA PAMAMAGITAN NG KANIYANG TUWIRANG PAKIKIALAM SA MGA DESISYON MARAPAT NA IKAW LAMANG ANG MAGPAPATIBAY. PAMILYA MO KAPATID NA EDUARDO BUONG ANGKAN NINYO NILAGAY MO SA NAPAKATINDING KAHIHIYAN. KAHALINTULAD MO SI CAIN SA PAGKILALALA MO SAYONG MGA KAPATID. ANG KAPATID NA ANGEL, KAPATID NA LOTTIE, MGA MAHAL MO RIN SA BUHAY AT MGA KASAMAHANG NAGMAMALASAKIT SA KANILA AY ANO ANG PINAGGAGAWA MO? TILA WALA KA NG PLANONG PALAYAIN SILA SA KASONG NAPAG-UUNAWA MO. Inapi ninyo ang mga dayuhan, gayon din ang mga ulila at balo. ANG MGA DAYUHAN ANG MGA NASA AFRICA NA HIHINGI NG KATARUNGAN ALALAHANIN NINYO ANG LAHAT NG NAGING BIKTIMA! HUWAG NINYONG TAKASAN HARAPIN NINYO NG BUONG TAPANG. KA EDUARDO , KA JHUN SANTOS SA KAGUSTUHAN NINYONG IPAGMALASAKIT ANG MGA TAONG NAROROON SA ZAMBIA SUBALIT DAHIL SA IBA ANG TUNAY NA LAYUNIN NINYO AY INIHAYAG KAYO NG PANGINOONG DIYOS. ALAM NINYONG MAHIRAP ANG BANSANG AFRICA WALA KAYONG MALAKING SALAPING MAKUKUHA SA KANILA. SUBALIT GINAMIT NIYO LAMANG SILA. DAHIL ANG TOTOO ANG MGA BANSANG LABAS SA AFRICA AY DOON NAKATUON, NAKASENTRO ANG LAMAN NG INYONG ISIP KUNG PAANO AT SAAN KAYO MAKALILIKOM NG MARAMING MASASAMSAM 8 Winalang-halaga ninyo ang mga bagay na itinalaga para sa akin, pati ang Araw ng Pamamahinga. PATI ANG TEMPLO CENTRAL NA TAMPOK SA PINAGDADAUSAN NG MGA NATATANGING AKTIBIDAD ANO NA LANG SA INYO ITO NGAYON? ANG PHILIPPINE ARENA ANG PANGUNAHING IPINAKIKILALA NINYO NA PAGKALAYU-LAYO SA MGA KAPATID, INUUBLIGA NINYO ANG MGA KAPATID NA DUMALO AT SOBRANG AGA KUNG MAGTAKDA KAYO NG PAGTUNGO DOON NG MGA KAWAWANG KAPATID AT MGA PANAUHIN. SUBALIT INYO NAMANG PINAGBABAWALAN NA MAGDALA NG SARILING INUMIN AT MAGBAON NG SARILING MGA PAGKAIN AT SA TAGAL NG PAGHIHINTAY AY MAGUGUTOM AT MAUUHAW ANG INYONG MGA SAPILITANG PINADALO. KAYA MAUUBLIGA ANG MGA PAGKAIN AT INUMIN NA MULA SA INYO NA PAGKAMAHAL-MAHAL AY BIBILHIN NG MGA KAPATID. HINDI BA’T PANG-AAPI NA YAN SA MGA DUKHA PA NATING MGA KAPATID?
ANG IBA PANG MASAMA NINYONG GAWA 9 Nagsinungaling ang ilan upang maipapatay ang kanilang magustuhan. May mga kasamahan kayong kumain ng handog sa mga diyus-diyusan. Ang iba nama’y gumagawa ng mahahalay na gawain. TOTOONG-TOTOO SA MAIBIGANG MAIPATIWALAG IDADAAN SA PANDARAYA NG ULATAN, SABWATAN NG MGA MAYTUNGKULING NAATASAN GAGAWA NG MGA ULATANG PAGDIDIIN SA KAKAPATID NA PAWANG MGA KASINUNGALINGAN ANG LAMAN. ANONG URING KAISIPAN NA ITO? ANG MAISAGAWA ANG HINDI NA MAKATWIRAN NINYONG MGA GAWA AY INAKALA NA NINYONG SA PANGINOONG DIYOS PA KAYO NAKAPAGLILINGKOD. SUBALIT ANG TOTOO, KUNG HINDI NA SA KANYA AY MALINAW NA SA KINIKILALA NA NINYONG DIYUS-DIYUSAN NA NAMAHAY NA SA INYONG PUSO. ANG NAKAKAHIYA ANG IBA AY NAHUMALING PA SA GAWANG MAHAHALAY. 10 Sa kapulungan ninyo’y may sumisiping sa asawa ng kanilang ama. Ang iba nama’y sumisiping sa babaing pinapanahon. 11 Mayroon namang humahalay sa asawa ng kanyang kapwa. May biyenang lalaki na sumisiping sa kanyang manugang at ang iba nama’y sa kanilang kapatid sa ina o sa ama. SINO ANG GUMAGAWA NITO SA INYO? MAY ALAM KAYO HINDI NINYO MAIPAGKAKAILA SA PANGINOONG DIYOS ANG LAHAT NG YAN! MATANGI RIYAN ANO PA? 12 May nagpapaupa naman upang pumatay ng kapwa, at mayroon pang nagpapatubo nang malaki kung magpautang. Ako’y lubusan na ninyong kinalimutan. HINDI NA BA TATABLAN NG BANAL NA TAKOT PARA PANGUNAHAN ANG PANGINOONG DIYOS KUMITIL NG BUHAY NG WALANG KALABAN-LABAN. AT GAWIN ANG MGA KABAWAL-BAWALAN NA GAWIN SA INYONG HANAY NASUSUMPUNGAN. NAGHIHINANAKIT NA SA INYO ANG PANGINOONG DIYOS SA IBANG MGA PINAGKAKAABALAHAN NINYO HINDI NA NINYO SIYA MAALAALA 13 Ngayon, parurusahan ko kayo dahil sa inyong pagnanakaw at pagpatay. MGA KAPATID NA TUWIRAN NG PINATUTUNGKULAN NG PANGINOONG DIYOS NASA INYONG HANAY ANG MGA PUMAPATAY AT NAGNANAKAW NA KANIYA NG PARURUSAHAN. 14 Tingnan ko lang kung matatagalan ninyo ang gagawin ko sa inyo. Akong si Yahweh ang may sabi nito at ito’y gagawin ko. MATAGALAN AT KAYANIN NIYO KAYA? ANG PANGINOONG DIYOS KASI SA PAMAMAGITAN NG PANGINONG JESU-CRISTO ANG MAGSASAGAWA NA NITO. PARA ANO? 15 Ipatatapon ko kayo sa lahat ng dako, pangangalatin sa iba’t ibang bayan. Sa gayon ko puputulin ang inyong kasamaan. 16 Lalapastanganin kayo ng ibang bansa. NANGYAYARI NA AT MANGYAYARI PA. PAANO KAYONG MGA NGANGATWIRANG SA PAMAMAHALA PA RIN KAYO SUSUNOD? Sa Aayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.” 17 Sinabi sa akin ni Yahweh: 18 Tao, mababa na ang tingin ko sa Israel. NAPAKALIIT, NAPAKABABA NA NG PAGTINGIN AT PAGKAKILALA SA INYO NG PANGINOONG DIYOS KA EDUARDO. SAAN NA LANG BA KAYO ITINUTULAD? Siya’y tulad ng latak ng pinagtunawan ng metal – tanso, lata, bakal, at tingga – matapos dalisayin sa pugon ang pilak. 19 Kaya nga, sabihin mong ito ang ipinasasabi ko: Kayo ay nahaluan, kaya titipunin ko kayo sa Jerusalem. 20 Kung paanong ang pilak, tanso, bakal, tingga, at lata ay inilalagay sa tunawan upang dalisayin, gayon ang gagawin ko sa inyo. HALOS SA LATAK NA LANG PALA! KATUMBAS AY DUMI NA LANG! KUNG NANGANGAHULUGAN KAILANGAN ALISIN SA KATAWAN KASI MAKALALASON AT PINSALA ANG MAGAGAWA NITO SA MALINIS NA KATAWAN! KAYA NGA NAISAGAWA ANG PAGTITIWALAG SA UDYOK NG BANAL NA ESPIRITU KAPATID NA EDUARDO. ANG MGA MASASAKIT NA KATOTOHANAN NA SALITA NG PANGINOONG DIYOS AY APOY NA PAPASO SA INYONG LAHAT. Tutunawin ko kayo sa init ng nag-aalab kong poot. UNAWAIN MO NAG-AALAB ANG KANIYANG POOT SA INYO 21 Titipunin ko kayo para ibuhos sa inyo ang aking matinding poot, hanggang sa kayo’y matunaw. NAKATAKDA NG GAWIN NG PANGINOONG DIYOS. 22 Kung paanong ang pilak ay tinutunaw sa pugon, gayon ang gagawin ko sa inyo sa Jerusalem. SENTRONG DAKO O CENTRAL KUNG SAAN KAYO NAROROON ANG TALAGANG TUWIRAN KANIYANG PINATUTUNGKULAN Kapag naibuhos ko na sa inyo ang matindi kong poot, makikilala ninyong ako si Yahweh.” 23 Muling nagsalita sa akin si Yahweh, 24 Tao, sabihin mo sa mga Israelita na marumi KAPATID NA EDUARDO IKAW AT SAYONG MGA TAGASUNOD PINARARATING NG PANGINOONG DIYOS NA KAYO AY MARUMI NA AT DAHIL SA KAGAGAWAN NINYO MADARAMAY ANG SANKALUPAAN dahil sa kasalanan ang lupain kaya parurusahan’ko ito dahil sa pagkapoot ko. 25 Ang mga pinuno niya ay parang leong umuungal habang nilalapa ang kanyang biktima. KAYA PALA GAYUN NA LAMANG ANG GALIT NINYO ITINULAD KAYO SA LEONG UMAATUNGAL HABANG NAMIMINSALA KAYO. Pumapatay sila ng maraming tao, nananamsam ng mga kayamanan. At maraming babae ang nabalo dahil sa kanila. 26 Ang mga utos ko’y hindi pinakundanganan ng kanilang mga saserdote. SA INYONG HANAY TALAGA KA EDUARDO NA MGA SASERDOTE O MINISTRO NA WALANG PAKIALAM ANG TAHASAN LUMABAG O SUMUWAY SA PAG-UUTOS NG ATING PANGINOONG DIYOS. Winawalang-halaga nila ang mga bagay na itinalaga para sa akin. Pinagsama-sama na nila ang tangi at ang karaniwang mga bagay. Hindi na rin nila itinuro kung alin ang malinis at kung alin ang marumi. ISA PA NGA YAN SA KAPUNA-PUNA SABI NGA SA DAKONG PIPILIIN NG PANGINOONG DIYOS… TEKA NGA ANG PHILIPPINE ARENA BA DAKONG PINILI NG PANGINOONG DIYOS O PINILI NIYO? Winalang-halaga nila ang Araw ng Pamamahinga. Dahil dito, hindi na rin nila ako iginagalang. 27 Ang mga pinuno nila’y parang hayok na asong-gubat kung lumapa ng kanilang biktima. Sila’y walang awang pumapatay upang yumaman. MASAKIT AT NAKAKAPASO ANG KATOTOHANANG INIHAHAYAG NG PANGINOONG DIYOS SA KAGUSTUHAN NINYONG YUMAMAN PUMAPATAY KAYO NG KARAPATAN. SA LOOB NG CENTRAL MAY MGA SARILI DIN KAYONG MENSAHERO AT MENSAHERA MGA PROPETA KUNG INYONG TAWAGIN AT SA KANILA KAYO SUMASANGGUNI KASI NAMAMANGHA RIN KAYO SA MGA HINUHULAAN NILA AT MGA SINASABI. YUN NGA LANG UMAAYON AT SUNUD-SUNURAN LANG DIN SILA SA INYO. KAYA LAHAT NG SASABIHIN AY PAPABOR LANG SA INYO. 28 Pinagtatakpan pa ng mga propeta ang ganitong kasamaan, tulad ng maruming pader na pinipintahan ng puti. MAHILIG KAYONG MAGTAKIP, MAG-IMBENTO, MAGTAHI NG KASINUNGALINGAN NA ANG ITIM NA BUDHI MAPALALABAS NINYONG MATUWID PURO PAGKUKUNWARI Mga huwad ang kanilang pangitain at pawang kasinungalingan ang kanilang ipinapahayag. KAYA HUWAG NINYO SILANG PANINIWALAAN BAKIT NAMAN? Sinasabi nilang, ‘Ito ang ipinasasabi ni Yahweh,’ kahit hindi ko ipinasasabi. INGAT KAYO SA KANILA SA KASAYSAYAN NA NAKAPALOOB SA BANAL NA KASULATAN HINDI NILA KAYA TALAGANG MAKATUGON SA KAUKULAN NILA 29 Ang mayayaman ay nandadaya at nagnanakaw. Inaapi nila ang mahihirap, at walang tigil ang panghuhuthot sa mga taga-ibang bayan. IPINAUUNAWA NG PANGINOONG DIYOS NA WALANG TIGIL NA ANG PAGHINGI NINYO NG MGA TANGING HANDUGAN. ANO NGA PALANG TAWAG NG PANGINOONG DIYOS.. PANGHUHUTHOT. PATI WEBEX NA WALA NG KAAYUSAN.. UMAAWIT HINDI MAINTINDIHAN… NANANALANGIN WALA NA RING MAINTINDIHAN.. AT KAPUNA-PUNA ANG BASBAS SA ABULUYAN AY NAPATUTUNGKOL LANG SA DAKONG PINAGDAUSAN NG IYONG PINANGASIWAAN. TANONG ANO ANG INIISIP NINYONG GAWIN SA MGA ABULOY AT HANDUGAN NG MGA KAPATID NA ALAM NAMAN NINYO NA HINDI NABASBASAN SA KANIYANG KAUKULAN NG ISAGAWA ANG WEBEX SA BAWAT LOKAL? 30 Humanap ako ng isang taong makapaglalagay ng pader upang ipagsanggalang ang lunsod sa araw na ibuhos ko ang aking poot, ngunit wala akong makita. 31 Kaya, ibubuhos ko na sa kanila ang nag-aalab kong poot at sila’y aking lilipulin. Sisingilin ko na sila sa masasama nilang gawain.”
KAPATID NA EDUARDO V. MANALO NAKATAKDA NG MANINGIL ANG PANGINOONG DIYOS … HANDA KA NA BA? HANDA NA BA ANG SANGGUNIAN AT MGA TAPAT MONG TAGASUNOD? NAWA ANG MGA IPINAHAYAG NA MGA MAGAGANAP SA INYO NA NAKATAKDA NA SA 2018 AY MAGPAGISING SA INYO PARA MAGPANAULI SA KABUTIHAN AT KABANALAN ANG MGA GINAGAWA NINYO. SAPAGKAT KUNG HINDI PA RIN ANG MGA HANAY NG MGA TALATANG ITO NA INILARAWAN KUNG ANU-ANO MGA PINAKALIHIM-LIHIM NINYO AY IHAHAYAG NA KAYO NG PANGINOONG DIYOS UPANG MATUPAD SAYO SAYO AT SA MGA KASAMA MONG GUMAGAWA NG LAHAT NG INILALARAWAN SA MGA NAKAHANAY NA TALATA NA MULA SA BANAL NA KASULATAN AY MALAPATAN NA NG ANGKOP NA PARUSANG NAGHIHINTAY NA SA INYO. BAGO MAGING HULI ANG LAHAT HUWAG NA NINYONG PAPAGMATIGASIN ANG MGA KALOOBAN NINYO. SIYA NA ANG NAGHIHINTAY NG INYONG PANUNUMBALIK. SUBALIT KUNG HINDI KAYO MAGSISISI. KUNG ANO ANG INIISIP KO PINAGTITIBAY NG PANGINOONG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG PANGINOONG JESU-CRISTO AY MANGYAYARI NGANG LAHAT PARA MAGPATOTOO NA KALOOBAN NILA ANG SINUSUNOD KO. – Elias Arkanghel
Hashtags: Please copy and paste to all your messages ..
#accessthetruth #inc101 #onewithevm #1withevm #net25 #eduardomanalo #gliceriosantosjr #jojodeguzman #antoniodeguzman#antonioebangelista #radelcortez#arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #iglesianicristo #1with25 #inc100#inccentennial#centennial #inc4life #incootd#incfashion #incmedianews #inctv #incmedia #AMONEWITHEVM #PASAKOPAKOSAPAMAMAHALA
#FIGHTFORMYFAITH #SOLIDINCFOREVER