Kapatid na Elias Arkanghel,
Ako po ay si Kapatid na Luiz. Nais ko pong ipagpauna ang taos-pusong pasasalamat ko sa paghirang Niya po sa akin at malaman po ang katotohanang ipinarating sa inyo ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Kaniyang Banal na Espiritu sa atas po ng Panginoong Jesucristo. Ako po ay sumasampalataya sa gawain po ng pagsusugo sa inyo. Sa kagustuhan ko pong makatuwang sa inyong gawaing pagsasaayos sa Iglesia ay taimtim po akong nanalangin sa Ama upang bigyan po Niya nawa ako ng karunungan at pagkaunawang galing sa Kaniya. Sinagot niya po ako sa pamamagitan ng panaginip. Gabi po yun ng Ika-4 po ng Agosto, mahimbing po akong nagpapahinga ay nagpakita sa akin ang isang liwanag at siya’y nangusap. Sabi Niya, “huwag kang matakot, aking lingkod. Ako nga ito. Ako nga. Ako ang Diyos ng iyong mga ninuno, Diyos na naghirang sa inyo at ako rin ang Diyos na kausap mo ngayon, walang iba liban sa akin. Sa mga huling panahon ngang ito, kayo’y magsipaghanda…”
“Bakit po?” sagot ko sa Kaniya.
“Magsipaghanda kayo na gaya ng nasusulat sa Kasulatan sapagkat matutupad ang lahat ng hula at ang isa roo’y ang pagdating ng panibagong kapahamakang binabadya laban sa aking mga Hinirang. Narito, sasabihin ko sayo ang hiwaga: may isang lalaking nagmamay-ari ng bukiran, ang mga taong humihingi sa kaniya ng tulong at nais lamang makipag-usap sa kaniya ay kaniyang tinaboy. Siya’y may hawak na tabak. Hindi siya magpapatawad sa kawan.” dagdag pa Niya.
“Ngunit, hindi ko po maunawaan. Ano po ibig nyong gawin ko?” muli kong tanong. At sinitas Niya nga ang nakasulat sa Isaias 26:20-21. Ngunit sadyang mahiwaga kaya hindi ko maunawaan.
“Huwag kang magulumihanan, sapagkat darating ang taong may hawak ng tabak, madadaya niya ang ilang mga alipin at kayo nga’y itataboy at iiwang parang mga basahang nabasa ng tubig. Subalit, ibinigay ko itong mensahe ko sayo para mabalaan ang aking mga hinirang, may kapighatiang darating at may kapalaluhang lalala” sabi pa Niya sa akin.
“Ang lalaking may hawak ng tabak ay mamatay. Hindi magluluwat ay darating sa kaniya ang kaparusahan. Mas higit pa ang kaparusahang daranasin nila kaysa sa Sodoma at Gomorra. Ako ang Diyos na makapangyarihan sa lahat, kung ano aking sinabi ay aking pangyayarihin. Nakikita ko na ang Bayan ko’y tumalikod. Hindi ko na sila nais pakinggan. Hindi ako nalulugod sa kanilang mga panalangin sa halip ay nais ko silang harapin.. Sino baga itong taong ito na itinataas nyo at pinasasalamatan kaysa sa aking Anak? Ano pa’t naglilingkod kayo na kayong mga sumuway sa akin. Ako ang Dakilang Hukom, hahatulan ko ang mga masasama. Laganap na ang kapalaluhan at hindi ako makakapayag na ang mga hinirang ko ay matamaan ng tabak, nanawagan ako sa kanila: Lumabas kayo sa Kaniya, o Bayan ko. Lahat ng ito ay sinalita ko sa iyo at sa pamamagitan mo ay nais kong sabihin mo ito sa aking mga hinirang.”
At nawala nga ang liwanag matapos Niyang sabihin ang mga iyon. Napagtanto ko na ang taong binabanggit ng Panginoong Diyos ay ang Kapatid na Eduardo V. Manalo na hindi magtatagal ay wawakasan na ng Panginoong Diyos ang kaniyang kasakiman at kabulaanan.
Ama, huwag nyo pong hayaang maparusahan ang buong bayan mo. Nawa’y ang iba ay maliwanagan rin. Maakay po ng isinugo mong propeta sa liwanag at pagkaunawa sa iyong kalooban. Huwag nyo po silang maparusahan sa kasalanan ng iilan lamang. At ako’y nagmulat ng aking mga mata, nanalangin at nagpasalamat sa aking nalaman. Totoo nga na ako ay isa sa mga tunay na hinirang ng Panginoong Dios.
Ito po ang aking panaginip, kapatid na Elias. Nawa’y ipaliwanag nyo po sa akin upang ako po ay maliwanagan sa hiwagang ito na dumarating sa akin. Maraming salamat sa Banal na Espiritung ipinagkaloob po sa iyo upang maipaalam sa lahat ang mga katotohanang nagmumula po sa Ama. – “Luiz”
===================== ooo000O000ooo =====================
Kapatid na Luiz dahil sa maalab na pagkakilala mo sa ating DAKILANG AMANG BANAL at sa ating Panginoong Jesu-Cristo, ikaw ay kinalugdan at ibinilang NILA sa hanay ng mga Hinirang na may malaking pagkakilala sa Banal na Gawain NILANG ito. Hinirang ka NILA bilang Mensahero ng PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo alang-alang sa DAKILANG pag-ibig at pagmamahal NILA sa mga Hinirang NILA na tulad mo…. Ang DAKILANG AMANG BANAL tulad ng sinabi mo may ipinararating sa kapatid na Elias Arkanghel na ipinapanaginip NIYA sayo. Ka Luiz bagama’t ikaw ang naroroon sa panaginip … ikaw ang kinakausap … ikaw ay kumakatawan lamang sayong kapatid na Elias Arkanghel na nangungusap, nagtatanong para tumanggap ka ng bilin bilang KANILANG Mensahero para maipahayag mo ang ibig naman NILA na iparating sa kinauukulang makauunawa ng ipinapanaginip NIYA sayo. Ang Mensahero ay kinakasangkapan para maging daluyan ng Mensahe para maitawid sa KANILANG Kinauukulan na kinakasangkapan na magbibigay paliwanag at unawa upang higit na maipahayag ang maingat na paghahanda na marapat na gawin ng lahat. Yan ay pagpapala na NILA sayo mahal kong kapatid na ikaw ay mahanay sa tunay NILANG Hinirang na magsasakatuparan ng KANILANG Kalooban. At sa pagpapalang yan ay mapalad maging ang iyong mga mahal sa buhay na makasamang makaunawa ng DAKILANG Katotohanan.. subalit huwag mong madaliin na maipaalam sa kanila ang mga bagay na ito kung hindi ka nila mauunawaan na magsasapanganib lang lalo sa kanila kung makapagsalita sila ng laban sa Banal na Espiritu na nag-udyok mula sa atas ng Panginoong Jesu-Cristo sa tulong ng Kapangyarihan ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS natin … Igayak mong sarili mo Kapatid na Luiz sa lalo pang kababaang-loob, mabait, mahinahon at matapat na tagasunod sa anumang bilin NILA na tatanggapin mo na ipararating ko sayo. – Elias Arkanghel – M08062018PT2229
===================== ooo000O000ooo ======================
DAKILANG PANGINOONG DIYOS maraming-maraming salamat po AMANG BANAL. At sa Iyo rin po mahal naming Panginoong Jesu-Cristo maraming-maraming salamat po. Ibinabalik po namin sa INYO ang lahat ng Kapurihan at Kaluwalhatian. Dahil sa pagsusugo NIYO po sa Banal na Espiritu sa atas Mo mahal naming Panginoong Jesu-Cristo sa Kalooban at Kapahintulutan MO po naman DAKILANG AMANG BANAL ay nagdagdag po KAYO ng mabuti naming makakatuwang at makakasama sa Banal na Gawain, ang aming kapatid sa loob ng Iglesia ni Cristo na INYO pong kinalugdan ang kapatid na Luiz ay naitawid at naipabot na sa inyong abang lingkod ang napakahalagang Mensahe MO aming DAKILANG PANGINOONG DIYOS na PinakaMakapangyarihan sa lahat upang maipagmalasakit na maiparating sa lahat. Dahil sa Pag-ibig KA po DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ito ay hayag sa pamamagitan ng aming Panginoong Jesu-Cristo na IYO pong Kalarawan sa Kabanalan ay muling nagpapatotoo sa pamamagitan ng ipinapanaginip MO po kay kapatid na Luiz (pangalang ipinahintulot upang maingatan ang tunay na pagkakakilanlan) sa awa at habag MO po aming DAKILANG AMANG BANAL bilang pagmamahal at pagmamalasakit MO sa lahat ng Hinirang NIYO sa Iglesia ni Cristo… Ang Bayang Hinirang na IKAW po ang may ibig na mapaghandaan namin ang napipintong kapighatiang darating na naitawid na po sa napahintulutang pinagpaparatingan MO ng Mensahe.
Narito ang talatang nabanggit ng kapatid na Luiz mula po sa IYO pong Pahayag. ISAIAS 26:20-21 MB 20 Pumasok kayo sa inyong bahay, bayan kong hinirang, At ang mga pinto ay inyong ipinid, Hanggang sa lumipas ang galit ni Yahweh. 21 Pagkat darating na siya mula sa kalangitan, Upang parusahan ang mga tao sa daigdig Dahil sa kanilang pagsalansang; Sa sandaling iyon, mahahayag ang mga lihim na pagpatay At malalaman pati kanilang libingan. Ang pinatutungkulang bahay o Sambahayan sa bisa ng Paunang Pahayag o Hula na nasusulat sa Banal na Kasulatan sa huling panahong ito ay ang Iglesia ni Cristo na Hinirang MO po, na Bayan MO na IYO pong Kinikilala. Sa panahon ng Pagsamba ay naitatanong ng nangangasiwa sa Pagsamba kapag natapos mabanggit ang BAYANG HINIRANG ay kung ano ba ang Bayan ng PANGINOONG DIYOS na binabanggit sa ating panahon? IGLESIA NI CRISTO tugon ng kapulungang Sumasamba kaya idinugtong kom lang po ang HINIRANG sa IGLESIA NI CRISTO kaya ito ang pinili kong pangalan IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG na INYO naman pong napahintulutan para sa pagkakakilanlan ng mga Tapat NIYO pong Hinirang na naiiba sa hanay ng mga sumusunod at kumikilala sa Ka Eduardo Manalo. Salamat po nais MO pong ipaunawa DAKILANG PANGINOONG DIYOS na Pakaingatan namin ang Pinto ng Katotohanan kung saan kami pumasok at ngayon ay nabibilang… baka nga naman may kumatok at pagbuksan namin na ang dala ay ibang pananampalataya at Katotohanan subalit magdadala pa sa amin sa kapahamakan kung kaya minabuti pang sundin namin ang bilin MO po mahal naming DAKILANG AMANG BANAL na ipinid namin ang pinto sa pag-iingat MO po sa amin. Sapagkat kaakibat ng pahiwatig MO pong ito PANGINOONG DIYOS ang paglabas ng masasamang espiritu na kakapit na sa kapatid na mahihina ang pananampalataya.. na hindi maitataboy ng mga masuwayin nagsasabing sila ay mga ministro mo subalit tahasang may nilabag kaya pati na maging ang mga gusaling sambahan ay pahihintulutan MO po DAKILANG PANGINOONG DIYOS na mapasok dahil sa Pahayag MO na “Nakikita ko na ang Bayan ko’y tumalikod. Hindi ko na sila nais pakinggan. Hindi ako nalulugod sa kanilang mga panalangin sa halip ay nais ko silang harapin.. Sino baga itong taong ito na itinataas nyo at pinasasalamatan kaysa sa aking Anak? Ano pa’t naglilingkod kayo na kayong mga sumuway sa akin.” Naghihinanakit Ka DAKILANG AMANG BANAL sa mga nagsasabing naglilingkod pa sila sa IYO subalit tuwirang sumuway sa mga Kalooban MO. Sapagkat hayag na mas itinanghal nila ang Ka Eduardo Manalo sa halip na ang itanyag ang aming Panginoong Jesu-Cristo kung kaya hindi KA na nalulugod sa kanila na kahit manalangin magpaalis ng masamang espiritu ay hindi na nila maitataboy sa halip sila ang itataboy. Kaya huwag kayong magtaka noon pa ipinagpauna na ang Mensaheng ito na papasukin ng masasamang espiritu ang mga Kapilya at Bahay Sambahan ng Iglesia ni Cristo upang magpatotoo na ang mga tumatayong Lider sa kasalukuyan ay iniwanan na ng Banal na Espiritu ng PANGINOONG DIYOS kung kaya sa ayaw nila’t sa hindi ay sasangguni sila sa tuwirang makapagpapalayas sa mga nagngangalit na masamang espiritu. Kaya ang mga Paunang Pahayag ay magaganap at masasaksihan ng lahat. At kung ito ay nagpapatotoo na sa kanilang mga Lokal tulad ng Pahayag MO mahal naming DAKILANG PANGINOONG DIYOS matapat nawa nilang sundin ang bilin MO na “nanawagan ako sa kanila: Lumabas kayo sa Kaniya, o Bayan ko. Lahat ng ito ay sinalita ko sa iyo at sa pamamagitan mo ay nais kong sabihin mo ito sa aking mga hinirang.” Kung bakit nasabi MO po ito sapagkat “Mas higit pa ang kaparusahang daranasin nila kaysa sa Sodoma at Gomorra. Ako ang Diyos na makapangyarihan sa lahat, kung ano aking sinabi ay aking pangyayarihin.”
Kami naman po na INYONG abang lingkod lamang ay hihingi ng awa at habag na patuloy na pahiramin ng INYONG Karunungan at Kaunawaan lakip ang patnubay at tulong po NIYO sa pagsusugo ng Banal na Espiritu upang patuloy na kami ay magtatagumpay na maipahayag namin ang mga nakatagong pagkain mula sa Langit na noon ay tunay na nakatago pa, dahil nakalihim pa sa Hiwaga ang mga pagkaing hindi nasisira na ito po ang Banal NIYO pong Salita na pawang lahat ay Katotohanan. Kaya naman ipinagpapasalamat ko po sa INYO lamang pong kapahintulutan ay naipaunawa NIYO po sa abang lingkod NIYO sa pamamagitan ng Diwa ng Panginoong Jesu-Cristo sa udyok naman ng Banal na Espiritu ay ibinabahagi at ipinauunawa po sa lahat na Apocalipsis 2:17 MB 17 Kung may pandinig kayo, dinggin ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! Sa magtatagumpay ay ibibigay ko ang nakatagong pagkain mula sa langit. Bibigyan ko rin ang bawat isa sa kanila ng puting bato na kinasusulatan ng isang bagong pangalan, na walang sinumang nakaaalam maliban sa tatanggap niyon.
Kaya naman po matibay ang paninindigan ng lahat ng mga Hinirang MO po na nanghahawak sa INYO pong pangako. Iyan po ang nagpapalakas, lalong nagpapatibay sa aming pananampalataya at pagkilala sa Banal MO pong nagagawa na pawang hayag sa lahat ng kapwa Hinirang ang lahat ng mahihiwagang patotoo na ipinahihintulot NIYO po na masaksihan ng lahat. Kaya naman masigla at maalab po na nagbabahagi ng mga Katotohanan dahil nariyan KA po lagi at naipaglalambing kami ng aming Panginoong Jesu-Cristo ng mga kasama kong napagkalooban NIYO po ng puting bato na doon napapaloob ang mga piniling pangalan nila na walang sinumang nakakaalam maliban sa kanila Sa halip naayon po sa ibig nila na ngayon ay nagagamit ng bawat isa para maipagtanggol at maitaguyod ang Banal na Gawaing ipinagkatiwala MO po sa amin. Sapagkat sila man din bilang mga indibidwal na kapatid namin sa Iglesia ni Cristo ay nagtagumpay na makasama sa mga Tapat na Hinirang na ngayon ay mabuting katuwang ko po sa pagpapakain sa Munting Kawan kaugnay sa Gawa 20:28. Yan ang mga patotoo po na ipinagkaloob MO po DAKILANG AMANG BANAL ang kapahintulutang gumamit kami ng bagong pangalan na hindi nauunawaan ng mga namiminsala sa amin sa paggamit ng pamagat na pangalan kung paano MO po napahintulutan ang mga unang Lingkod MO ay gayun din naman kami. Maraming-maraming salamat po sa INYO pong kapahintulutan. Nawa ay mamulat rin sila sa Katotohanang ibinabahagi ngayon upang sila man din ay huwag madamay sa nakatakdang parusa MO po sa lahat.
NARITO MGA MAHAL KONG KAPATID ANG MATINDI AT MAHALAGANG BILIN: “Ang lalaking may hawak ng tabak ay mamatay. Hindi magluluwat ay darating sa kaniya ang kaparusahan. Mas higit pa ang kaparusahang daranasin nila kaysa sa Sodoma at Gomorra. Ako ang Diyos na makapangyarihan sa lahat, kung ano aking sinabi ay aking pangyayarihin. Nakikita ko na ang Bayan ko’y tumalikod. Hindi ko na sila nais pakinggan. Hindi ako nalulugod sa kanilang mga panalangin sa halip ay nais ko silang harapin.. Sino baga itong taong ito na itinataas nyo at pinasasalamatan kaysa sa aking Anak? Ano pa’t naglilingkod kayo na kayong mga sumuway sa akin. Ako ang Dakilang Hukom, hahatulan ko ang mga masasama. Laganap na ang kapalaluhan at hindi ako makakapayag na ang mga hinirang ko ay matamaan ng tabak, nanawagan ako sa kanila: Lumabas kayo sa Kaniya, o Bayan ko. Lahat ng ito ay sinalita ko sa iyo at sa pamamagitan mo ay nais kong sabihin mo ito sa aking mga hinirang.”
KARAGDAGANG PANAGINIP KANINA LANG …
Kapatid na Elias Arkanghel,
Isang napakagandang pagsilay po ng umaga para sa abang lingkod ng Panginoong Diyos. Kauna-unahan po’y aking pinagpapasalamatan ang Amang Banal sapagkat Kaniyang niloob po ako na mapabilang sa mga tunay na Hinirang ng Panginoong Diyos. Palagi po akong susunod sa mga dalisay na aral Niya at igagayak ang aking sarili sa mataas na uri po ng pagtatalaga sa mga paglilingkod sa Kaniya. Kasama po kayo sa mga panalangin ko na nawa ay ingatan po kayo ng Amang Banal sa tuwi-tuwina at palaging bigyan ng kapangyarihan, karunungan at magandang kalusugang nagmumula sa Kaniya. Mananatili po akong tapat na kaisa sa gawaing kabanalan na ito sa mga huling araw. At kaugnay pa rin po ng biyaya at pagpapalang aking natanggap, isa pa pong panaginip ang siyang hindi ko inaasahang dumating. Kagabi po ay nababagabag ako at ngayon nga’y maaga akong nagising. Sapagkat bukas po, Agosto 8, 2018 ay tutugon ang mga kapatid na OWE muli sa inyo at sa pagkakataong ito ay sa katauhan naman ng isa pang blogger. Ito po ay maaaring si Invictus o Lahing Tapat, sila’y mga matalik na kaibigan ni Marco Tadeo/ William Levisitor o mas kilala bilang Read Me.
Kapatid, mas lalo pang nag-alab ang aking damdamin upang magpahayag ng mga katotohanan. Ninais ko na lahat sila’y pakinggan ang iyong panawagan sa tulong ng Panginoong Diyos at sa pamamagitan ng Panginoong Jesucristo. Nawa’y makarating sa kanila ang kalooban ng Amang Banal at higit po kayo Niyang pagpalain sa lahat ng panahon. Muli, ako po ay nagpapasalamat sa inyo lalo pa po ng malaman kong tatalakayin po ninyo sa inyong blog ang aking panaginip.
Ang kapatid po ninyo sa Panginoon,
Luiz
===================== ooo000O000ooo ======================
Salamat sa mapagmahal na Ka Hinirang na nagmalasakit sayo. Tunay niyang ginawa ang lahat ng nakalulugod sa PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo para maihatid ka sa hanay ng mga Ka Hinirang sa loob ng IGLESIA NI CRISTO. Kaya mahal kong kapatid na Luiz isama mo siya sayong panalangin dahil sa kagandahang-loob niya ikaw ay patuloy niyang ipagmamalasakit hanggang sa lubusan ka na naming makilala at makasama. Ngayon naman tulad ng naipagmamalasakit ng kapatid mo magpatuloy ka lang sa pakikipag-ugnayan sayong kapatid. Subalit bago mo gawin ang bilin ko na una mong gawing manalangin mahal kong kapatid, saglit na makipag-ugnayan muna sa ating DAKILANG AMANG BANAL at sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Matapos mong maisagawa at makapagpasalamat sa KANILA anumang pag-uusapan natin ay KANILA ng pagiging dapatin. Ang lahat ng ito ay muli nating ibinabalik sa ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo at higit sa lahat sa ating mahal na DAKILANG PANGINOONG DIYOS ang Kapurihan marapat at Kaluwalhatian para sa KANILA. -Elias Arkanghel T08072018PT131
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM #WeareonewithGoD
#WeareonewithChrist #WeareonewithEVM #Worldwidewalkforyolandavictims