Kapatid na Elias,
Nagpapasalamat ako sa AMANG BANAL sa pagpapahintulot niya sa akin na makita ang isang hiwaga na kailanma’y hindi pa nalalaman ng lahat. At ito ay pagkamatay ng Kapatid na Erano G. Manalo. Ganito ang ipinakita sa akin ng PANGINOONG DIYOS sa panaginip:
Agosto 31, 2009, Pagsapit ng ika-walo ng gabi ay nagkatipon ang buong sambahayan ng Ka Erdy upang magsalu-salo sa hapunan kasama rito ang kaniyang mabuting maybahay ang Ka Tenny, Ka Lottie, Ka Marco, Ka Angel, at ang Ka Eduardo. Kasama rin nila sa sandaling yaon ang Ka Babylyn.
Sa gabing ito ay may mahalaga anya na ipapanukala ang Ka Erdy.
“Hindi na ko bumabata upang masinop ang Iglesia. Gaya ng nasa Biblia, kinakailangan na humanap ako ng aking kahalili na papasa sa pamantayan ng DIYOS. Subalit nakakatakot magtiwala. LAHAT MARUMI, LAHAT BAYARAN, LAHAT NG MINISTRO AT MANGGAGAWA DAIG PA SI HUDAS! Paano kaya itataguyod ng papalit sa akin ang KATAMPALASANANG ito? May isa nga akong kasama rito KASANGKAPAN NG DIYABLO!” galit na sinabi ng Ka Erdy. Nagkatinginan silang lahat sa isa’t isa at nagtaka. Pagkatapos ay pinalapit ng Ka Erdy si Ka Angel sa kaniya at nagsabi, “Ikaw. Ikaw ay isang banaag sa aking isipan, maghanda ka upang pangalagaan ang kawan sapagkat ikaw ang susunod na pastol nito.”
Matapos niyang salitain ito ay uminom siya sa kaniyang baso at ilang sandali lang ay pakiramdam niya na para siyang nahilo.
“Magpapahinga na sa kwarto.” Pagkasabi niya nito ay inihatid na siya ni Ka Marc sa kwarto.
Lingid sa kaalaman nilang lahat ang lihim na pag-uusap ni Babylyn at ang Ka Eduardo bago pa ang hapunang yaon upang sadyaing lasunin ang Ka Erdy. Batid nilang matagal pa bago magpahinga ang Ka Erdy sapagkat malakas at masigla pa ito.
“Hindi niya ako maaaring hadlangan.” bulong ni Ka Eduardo.
At naganap nga ang pagkamatay ng Ka Erdy nang gabing iyon. Ang lasong ito ang nagpatigil sa tibok ng puso nito at ito ay upang palabasin na cardiac arrest ang ikinamatay nito. Nagkunwari silang walang nalalaman rito hanggang sumapit ang umaga at napagtanto ng mag-iina… na pumanaw na ang haligi ng tahanan at Namamahala ng Iglesia ay ipinabatid kaagad nito.
Noong Hulyo 22, 2015. Nang masiwalat kay Ka Angel ang ginawang planong pagpaslang ni Ka Eduardo noon kay Ka Erdy, siya ay lumapit at kinausap ang kapatid subalit sila at ng kaniyang ina ay ipina-hostage at nilapastangan sa sarili nilang bahay.
Hanggang dito na lang, pinahintulot ng PANGINOONG DIYOS sa KANIYANG Dakilang Kalooban, sa pamamagitan ng PANGINOONG JESUCRISTO sa udyok ng Banal na Espiritu.
Nawa’y sa pamamagitan nito ay magising ang mga kapatid sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng Ka Erdy.
Muli, ako po ay nagpapasalamat sa inyong pagtanggap sa akin, Kapatid na Elias. Sa AMA po ang lahat ng Kapurihan.
Ang inyong kapatid sa Panginoon,
Isaias James
===================== ooo000O000ooo =====================
August 31, 2018 may hinihintay tayong pagtalakay sa paggunita ng kamatayan ng kapatid na Erano G. Manalo kung paanong ginugunita ang kamatayan ng kapatid na Felix Y. Manalo. Ito ba ay napahihintulutan ng kapatid na Eduardo Manalo? Sa kahihintay ay ito ang Mensaheng dumating.
Mga mahal kong kapatid, nakapangingilabot ang ipinaabot na Mensahe ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na itinawid NILA sa isang Mensahero na Ka Hinirang sa kaniyang panaginip. Sinaklawan ng Hiwaga sa udyok ng Banal na Espiritu ang kapatid na Isaias James upang ipabatid sa lahat ang nakabibigla na pangyayari na lubhang gumulat sa maraming mga kapatid sa Iglesia ni Cristo at maging sa mga hindi kapatid na nakatanggap ng balitang yumanig sa damdamin ng marami. Lalung-lalo na sa panig ng mga kapatid napakalaking pagkakabigla, kalungkutan, hinagpis na hinagpis sa naging laman ng mga balita araw-araw, patungkol sa bigla niyang pagpanaw. Isang mapagmahal na Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo hinahangaan sa kaniyang pagiging matuwid na Lider na kinikilala ng iba’t-ibang kalipunan ng mga tao, nasa larangan man ng pulitika, relihiyon, media, at maraming pang iba.
Subalit ang hindi matapos-tapos na katanungan ng maraming kapatid kung bakit tila biglaan naman yata? Wala man lang abiso ang pangasiwaan ng Iglesia na nasa CENTRAL lalo na sa kaniyang Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan sa panahon yun sa katauhan ng Ka Eduardo Manalo na nagkasakit o nabalitaan na nanghihina ang mahal nating kapatid, upang hilingin ang kapulungan ng mga kapatid sa buong mundo na maipanalangin ang kapatid na Erano G. Manalo sa panahon ng mga Pagsamba kung ito man ay nasa banig ng karamdaman. Ang bagay na ito ay hindi na bago, sapagkat lagi na itong ginagawa sa tuwing siya ay dumarating sa gayung kalalagayan bilang tao ay nagkakasakit bunga ng kasipagan, at sobrang paggugol sa panahon para lamang sa kapakanan ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo sa pangkalahatan.
Kaya naman pala, gayun na lamang ang Ka Eduardo sa kaniyang pananahimik bilang Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan ay walang nagawang anumang hakbang na mararamdaman ng lahat na ipinagmalasakit niya ang Kapatid na Erano G. Manalo ay isa pala siya sa may kaugnayan ng biglaang pagkamatay ng kaniyang Tatay. Hinayag ng PANGINOONG DIYOS ang Ka Eduardo Manalo at Ka Babylyn Ventura, sa masama nilang mga plano. Subalit nakamamangha na detalyadong pahayag na isinasalarawan ang naging sanhi ng pagkamatay ng mahal nating kapatid na Erano G. Manalo. Ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS ang naghayag. Kaya hindi maitatanggi maitatago at maikakaila lalo na sa panig ng naroroon mismo sa tagpong yun na mailarawan ang lahat ng kaganapan pati na maitala ang mga huling naging Pahayag ng Kapatid na Erano G. Manalo bago ang kaniyang kamatayan. Ang mga Pahayag na kung uunawain ninyo :
“Hindi na ko bumabata upang masinop ang Iglesia. Gaya ng nasa Biblia, kinakailangan na humanap ako ng aking kahalili na papasa sa pamantayan ng DIYOS. Subalit nakakatakot magtiwala. LAHAT MARUMI, LAHAT BAYARAN, LAHAT NG MINISTRO AT MANGGAGAWA DAIG PA SI HUDAS! Paano kaya itataguyod ng papalit sa akin ang KATAMPALASANANG ito? May isa nga akong kasama rito KASANGKAPAN NG DIYABLO!“ galit na sinabi ng Ka Erdy. Nagkatinginan silang lahat sa isa’t isa at nagtaka. Pagkatapos ay pinalapit ng Ka Erdy si Ka Angel sa kaniya at nagsabi, “Ikaw. Ikaw ay isang banaag sa aking isipan, maghanda ka upang pangalagaan ang kawan sapagkat ikaw ang susunod na pastol nito.”
Ang mga pahayag na ito ng kapatid na Erano G. Manalo ay hindi maaaring mabuo para mailathala ng ganito na lamang ng kinakasangkapang Mensahero ng PANGINOON ayon sa pagkakapahayag at ayon sa pagkakahanay na halos detelyadong nabanggit ang saloobin ng kapatid na Erano G. Manalo kung walang patnubay at paggabay ng Banal na Espiritu na ayon sa KANILANG Kalooban at kapahintulutan para mailathala. Puno ng hinanakit at sama ng loob na nasabi na kaniyang pinatutungkol sa mga Ministro at Manggagawa na pawang marumi, bayaran at Hudas na kung uulit-ulitin ay maghihinanakit ang mga tuwirang gumagawa nito. Nakalulungkot nilahat ng Kapatid na Erano G. Manalo sa mga higit na tuwiran niyang pinatutungkulan at pagkatapos ay sinabi niya ang mga nabanggit na mga Katampalasanan ay itataguyod lamang ng papalit sa kaniya. Kung kaya natatakot siya na magtiwala, sapagkat wala man lang siyang kakitaan ng papasa sa pamantayang hinahanap niya. Sa pagkakataong yaon nasasaksihan ng kaniyang mga mahal sa buhay; ang Kapatid na Cristina, Kapatid na Marco, Kapatid na Lottie, Ka Eduardo at Ka Babylyn. Sa pagkakataong yaon naisip niya ang Ka Angel ay palapitin na naroroon din. Kaniya itong pinaghahanda sapagkat ang Ka Angel ay isang banaag sa kaniyang kaisipan na para sa kaniya ay siya niyang pinipili na susunod na maging pastol para pangalagaan ang kawan o ang Iglesia. Subalit hindi rin naisakatuparan ang ayon sa ibig at kagustuhan ng Kapatid na Erano G. Manalo. Kung bakit? Sapagkat may masamang kaisipan ang Ka Eduardo at Ka Babylyn para madaliin ang buhay niya bago pa ang hapunang yaon na pagsasama-sama ay plinano na nila. Nakalulungkot umiral kay Ka Eduardo ang kaniyang pagiging masuwayin at taksil na kaisipan. Gagawin niya ang maibigan para agawin ang napipintong pagpili kay Ka Angel bilang hahaliling mangangalaga sa Iglesia. Naganap ang nakapanghihilakbot na pagpapasyang lasunin ang sariling ama ng sambahayan dahil sa paghahangad na maging Tagapamahala sa Iglesia. Naganap ang maitim at masamang nilang plano upang sa araw din na yun ay malagutan ng hininga ang Kapatid na Erano G. Manalo na may petsa na August 31, 2009 subalit idiniklara sa pangkalahatan kinabukasan na September 1, 2009. Natupad ang pag-agaw at ang diablong kaisipan ang naglagay sa kaniya na tiyak na magpapahamak sa kaniya ang pinatutungkulan na SUWAIL
KILALANIN ANG PAGLALARAWAN NG BANAL NA KASULATAN SA SUWAIL NA PINATUTUNGKULAN
II TESALONICA 2:1-17 MB 1 Tungkol naman sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sa pagtitipon niya sa atin, ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, Sa pahayag na yan mga mahal kong kapatid batid kong nauunawaan na ninyo. Subalit may mga mahahalagang dapat pang malaman tayo patungkol sa kung ano pa ang mga dapat hintayin na kaganapan bago ang araw ng paghuhukom, na yan nga ang ikalawang pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tulad ng naipaunawa na sa ilang bahagi ng Pahayag sa Blog ng Iglesia ni Cristo…Hinirang, paparito lamang ang ating Panginoong Jesu-Cristo kapag ang mga Hinirang Niya ay sakdal na, wala ng batik, at wala ng anumang kapintasan. Sapagkat walang sinumang makapaglalakas ng loob na makatatayo at sabihin niya sa ating Panginoong Jesu-Cristo na siya ay sakdal na at karapat-dapat ng dalhin para manirahan sa Bayang Banal. Kaya nga matangi riyan, titipunin pa ang lahat ng Kaniyang mga Hinirang na nasa ibayong dagat. Pawang ang lahat ay magbabalik bayan. Huhudyatan ng PANGINOONG DIYOS ang mga Hari o Pangulo ng mga bansa para mapabalik ang lahat. Sa panahong yaon makikisama pang makikipamayan sa atin ang mga dayuhan na maghahangad din magtungo sa Banal na Dako na pangunahing naipangako sa mga Ka Hinirang. Kaya pakiunawa mga mahal kong kapatid ang pamanhik na ating nabasa ay sa panahon pa ng mga Apostol subalit nasasaklaw ang bilin hanggang sa panahon na natin. Ano ba ang mahalagang bilin na yun? 2 na huwag kayong magugulat agad o mababahala sa balitang dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong maniniwala kahit sabihin nilang ito’y hula o pahayag, o kaya’y sulat na galing sa amin, Noon pa man pinaiingatan na ang sinuman na huwag agad-agad maniniwala lalo na nga doon sa mga mandarayang mangangaral na hindi mo mapagkakamalan sapagkat nagtuturo rin ng pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Lamang nakapandaraya. Paano? Lumilikha ng pananakot na darating na ang Panginoong Jesu-Cristo at paghuhukom na lang ang ating hinihintay na iba pa sa Tinig ng Panginoong Jesu-Cristo. Kaya ang bilin 3 Sa anumang paraan, huwag kayong padadaya kaninuman. Ang Araw ng Panginoon ay hindi darating hangga’t di nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail, ang itinalaga sa walang katapusang kaparusahan. Noon sa panahon ng mga Apostol ng sila ay mga nabubuhay pa, wala pang katiyakan na magaganap ang huling paghihimagsik at paglitaw ng nasabing Suwail. Sino ba ang tuwirang pinatutungkulan? May kakatawan sa Suwail subalit pinaghaharian siya ng kapangyarihan ng diablo na siya rin ang satanas na noon pa man ay kumikilos na sa panahon pa ng mga Apostol subalit muling gumagawa sa huling bahagi ng yugto ng ating panahon na may taong pinagkakapitan ng kaniyang kapangyarihan na ito ay nasa katauhan na ng Ka Eduardo Manalo mula ng piliin niyang siya ay maging Suwail. Masuwayin sa magulang at taksil sa Iglesia. Kaya noon pa man nagagawa na niya ang gusto ng diablo na siya rin tinatawag na satanas. Kaya 4 Kakalabanin niya ang lahat ng sinasamba ng tao at ipinalalagay na banal. Nagawa ito ng Ka Eduardo Manalo nang kaniyang kalabanin ang sinumang kinikilala ng mga kakapatid sa pagtatanggol na ipinapalagay nilang higit na banal kaysa sa kaniya na ang iba dito ay literal na’ng pininsala ang buhay at pamumuhay mula sa kanilang tuwirang tumanggap ng atas dahil naging/magiging banta sa kanilang mga maiitim na binabalak pa na magiging hadlang lamang sa kanila. Itataas niya ang kanyang sarili, Paano niya nagawang itaas ang kaniyang sarili? Siya na rin ang nagbigay pahintulot na parangalan ng mga kakapatid sa Iglesia ang kaniyang sarili na hinayaan niyang namamayagpag ang pangalan niya na EVM higit pa nga ang laki ng pagpaparangal sa pangalan niya kaysa sa pangalang IGLESIA NI CRISTO…
papasok siya sa templo ng Diyos, alam ng Ka Eduardo Manalo na ipinilit lamang niyang ipasok ang kaniyang sarili dahil hindi siya dumaan sa tamang proseso sa konseho ng paghahalal. Ang totoo inagaw niya ang titulo ng pagiging Tagapamahalang Pangkalahatan na ito ay para sa Kapatid na Erano G. Manalo lamang sapagkat siya ay Pangalawang Tagapamahala lamang noon na hindi maaaring kunin ang titulong Halal na para lamang sa Tatay Erdy. Ano pa? uupo roon at ipapahayag na siya ay Diyos. Ang pagpapahayag ba na siya ay DIYOS ay sa bibig lang? Hindi lang mga mahal kong kapatid. Nagawa ito ng Ka Eduardo Manalo ng suwayin niya ang tuntunin at Kalooban ng ating PANGINOONG DIYOS sa KANIYANG inihahalal na iuupo upang Pamahalaan ang KANIYANG Bayan. Kaya nga siya tinawag na Suwail sa Banal na Kasulatan dahil naging masuwayin ang Ka Eduardo Manalo sa magulang at taksil sa Iglesia ni Cristo na ginagawa na niya noon pa man na nabubuhay ang Kapatid na Erano G. Manalo.
Mga mahal naming kapatid, ang mga nabasa ninyo ay hindi ito hanay at gawa ng pangkaraniwang tao lamang. Kami ay kinakasangkapan lamang ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng Panginoong Jesu-Cristo para ipabatid ang DAKILA NILANG KALOOBAN. Naihahanay ang lahat ng yan dahil sa isinusugo NILA ang Banal na Espiritu na pumapatnubay at gumagabay mula sa KANILA rin Kapahintulutan. Pinahihiram lamang kami ng Karunungan at Kaalaman bawat kinakasangkapan. Subalit ang totoo halos lahat kami ay pangkaraniwang mga kapatid niyo lamang ka- Maytungkulin sa loob ng Iglesia ni Cristo na namamalaging mga lihitimong nakatala sa kani-kaniyang mga Lokal.
– Elias Arkanghel 09012018PT1936
#iglesianicristo #IglesiaNiCristo #ChurchOfChrist #INCLoyaltyDay#inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM #WeareonewithGoD
#WeareonewithChrist #WeareonewithEVM #Worldwidewalkforyolandavictims