NAKA-SIYAM NA TAON KA NA KA EDUARDO MANALO. MAMAMAYAGPAG PA KAYO SA TAGUMPAY… SAMPUNG TAON ANG KATUMBAS NA IBINIBIGAY SA DIABLO, KAYA MAY ISANG TAON KA NA LANG.
APOCALIPSIS 2: 10 NPV 10 Huwag mong katakutan ang mga kahirapang malapit mo nang danasin. Sinasabi ko sa iyo, ang ilan sa inyo’y ipabibilanggo ng diyablo para subukin kayo, at sampung araw kayong uusigin. Manatili kayong tapat hanggang kamatayan, at ibibigay ko sa inyo ang korona ng buhay.
(Sa Ezekiel 4 may ipinauunawa .. ang bawat araw ay katumbas ng isang taon)
Mga mahal kong mga kapatid, maraming salamat sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo sa patuloy NILANG pagmamahal at pagmamalasakit sa atin upang muling mabahagian tayo ng KANILANG mga Karunungan at Kaalaman. Hindi nga ba’t kasalukuyang natupad at natutupad sa ating panahon ang mga paunang Pahayag na ito ng Panginoong Jesu-Cristo? Sapagkat ang mga nilalaman ng Pahayag o Apocalipsis, ay nauukol sa mga Huling Araw, sa mga Huling Yugto ng Panahon. Sa Aklat ding yan maraming mga simbolikal na inilalarawan na hindi maaaring bigyan na lamang ng sariling pakahulugan ng ayon sa pang-unawa ng tao para sang-ayunan agad. Kailangan ipaunawa ito ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo sa taong napahihintulutan na lukuban ng KANILANG Banal na Espiritu upang buong Karunungan at Kaalaman na maisaysay, maipaunawa sa lahat ang KANILANG Kalooban para sa KANILANG Kapurihan at Kaluwalhatian.
Ang Apocalipsis 2:10 NPV, nagbilin ang Panginoong Jesu-Cristo na huwag katakutan kung tayo man ay dumanas ng paghihirap. Batid Niya ang mga pinsalang ito ay darating sa loob ng Kaniyang Iglesia. At ang taong gagawa nito ay nasasaklawan din ng hula na mababasa sa Banal na Kasulatan o BIBLIA. Hindi man tuwirang binanggit ang pangalan mo subalit ang iyong mga ginagawang pinsala ang maghahayag na ikaw nga ang katuparan at tuwirang kumakatawan para matupad ang mga nakasulat sa Banal na Kasulatan. “Ang Suwail” sa katauhan mo Ka Eduardo Manalo ang derektang pinatutungkulan sa ating panahon na nagtanghal sa iyong sarili para parangalan ka sa halip na ipatungkol lamang sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Hindi mo maitatanggi Ka Eduardo Manalo nagawang maipakulong mo ang mga mahal mo sa buhay at ilan sa mga kapatid sa loob ng Iglesia ni Cristo. Ang pagpapakulong ay literal na nagawa mo sa sarili mo pang kadugo o kapamilya, dahil lamang sayong mapaghiganting kaisipan nagsanib pwersa kayo ng iyong asawa na si Ka Babylyn Ventura. Subalit sa Espiritual na pagpapakulong ang iba ay walang kalayaan makapaglingkod sa DAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo sapagkat kusa ng umiwas sapagkat ayaw na matulad sa iba na mga nabalitaan na lamang na pinapatay ng ilang mga kumakalaban sa inyo na sa takot hindi na magawang lumantad para makadalo pa sa mga Pagsamba. Ang iba naman laya subalit para na ring mga nakakulong sapagkat nadidiktahan mo kahit labag sa kanila na sumunod sa mga ipinag-uutos mo subalit sa takot na mapagbalingan ng galit mo, at ng mga nangangasiwa sa kanila kung kaya pikit mata na lamang silang mga sumusunod sa inyo. Ang iba naman ay malayang-malaya dahil tapat sayo. Subalit nililikhaan mo rin ng takot, takot sa dibdib sa malupit at pangahas mo pa ring kaisipan, kaisipan ng diablo para ang kabuuan ng Iglesia ay saklawan mo ng iyong kapangyarihang mula sa diablo na umaalipin sayo na ikaw rin ang pumili kaya ka naging suwail, masuwayin sa magulang at taksil sa Iglesia ni Cristo.
NAGBUKOD ANG DAKILANG PANGINOONG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG PANGINOONG JESU-CRISTO NG KANILANG MGA HINIRANG SA LOOB NG IGLESIA, NA KANILANG NAUUDYUKAN ANG NAPAHIHINTULUTAN NG BANAL NA ESPIRITU UPANG MAINGATAN AT MAPANGALAGAAN ANG BUONG KAWAN.
Subalit nagbukod ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo ng KANILANG mga Hinirang sa loob ng IGLESIA NI CRISTO. Ginawang Katiwala ng Banal na Espiritu upang magpakain sa Kawan ng mga aral at Katotohanan habang pinipinsala ang mga kapatid sa loob ng Iglesia ni Cristo. Sila ang pinili ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS na magmamalasakit sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo. Subalit pinag-iingat ang bawat isa, sa mga piling Hinirang habang sinusunod at ginagawa nila ang mga inihahabilin ng DAKILANG AMANG BANAL at ng Panginoong Jesu-Cristo na ipinatatawid sa mga Mensahero at Mensahera NILA. Lamang, ang mga ipinapakaing Katotohanan ay hindi matanggap at maunawaan ng mga ganid na lobong ito na mga tagapagturo pa man din sa loob ng Iglesia na nagtataglay ng mga mapaminsalang kaisipan sumisira sa ubasan ng PANGINOON. Kung bakit, sapagkat humigit na sila sa nararapat nilang maituro mula ng sila ay alipinin ng may suwail na kalooban. Pinili na rin nilang maging sunud-sunuran sa mga katampalasanang mga gawa. Subalit hindi pumayag ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS na hindi maihayag ang mga masasamang gawa nila ng mga Piling Hinirang na nagpapahayag. Kailangang mangyari ang lahat ng ito para lubos na maisakatuparan ang mga Paunang Pahayag na nakasulat sa Banal na Kasulatan o BIBLIA.
SUWAIL ANG KINIKILALANG PAMAMAHALA KAYA GAYUN NA RIN ANG MGA PINANGUNGUNAHANG SUNUD-SUNURAN SA KANIYA. WALA NA SILANG PINAGKAKAIBA SA PANININDIGAN SA PAMIMINSALA SA IGLESIA
Suwail ang kanilang kinikilalang pamamahala kaya naman nagtataglay na rin sila ng suwail na kaisipan na naipunla ng Ka Eduardo Manalo sa kaniyang pangunguna. Batid naman din nila, ang mga hindi na makatwirang ipinag-uutos naisasantabi na nila ang mabubuting bagay na kalugud-lugod sa ating PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Ang mga pinagagawa sa kanila pikit mata na lang nilang sinusunod dahil may tuntuning pinaiiral na “sumunod lang hindi pwedeng magreklamo”. Kaya naman, hindi na nga sila mga nakakikilala ng mabuti dahil nahirati na rin sila sa mga kasinungalingan, paglikha na rin ng mga maling ulatan para magtakipan sa mga umiiral na kamalian sa mga Lokal. Wala na sa matapat na pagsunod sa Kalooban ng PANGINOON, sa halip ay sinunod nila ang ayon sa ibig ng kanilang pinapanginoon, at sa kaniya ibaling ang lubos nilang pagtitiwala na dumaya na sa kanilang lahat, upang lalo pa siyang itanyag, habang kaniyang patuloy na pinasusunod para mapagtakpan ang ginawa nilang pinsala sa Iglesia ni Cristo sa kabuuan. Kawawa ang lahat ng kaniyang pinaghahari-harian. Subalit Dakila ang pag-ibig ng ating PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo sa mga tapat at mabuti NILANG mga Hinirang. Tapat SILANG nangako na hinding-hindi NILA tayo pababayaan. Pinaiiral NILA ang Katarungan sa panig natin na ipinagkait ng mga lumalapastangan sa Kabanalan ng Ministeryo. Lumabis ng lahat, silang mga may masasamang puso, na pawang naging mga palalo, na nagmamalaking nakapagtapos at kasalukuyang nakapag-aaral ngayon doon sa CENTRAL. Kaya naman, mula sa mga mahihina at mga hindi nakatuntong man lang sa Ministeryo, humirang ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo ng mga makakatuwang ng inyong kapatid sa pagtatawid ng mga Mensahe na nais NILA na makarating sa mga Hinirang.
Ang mga Katotohanan NILANG ito ay itinatawid sa KANILANG napahihintulutan abang lingkod ninyo na inyong kapatid. Upang, buong giting na maipaglingkod sa lahat ang ibig NILANG maiparating sa lahat. Hindi nalilingid sa mga Hinirang ang kanilang kalapastanganang walang kapantay na ginawa at patuloy na ginagawa. Hayag na hayag at walang sinumang makapaglilingid kahit patago ng ipinaaalam sa Ka Eduardo Manalo ang mga pansarili nilang pamiminsala. Naipauunawa NILA ito dahil sa udyok ng Banal na Espiritu sa napahihintulutan. Walang sariling kaisipan ang inyong kapatid kaya inuulit-ulit ipaunawa sa inyo na mula sa Diwa ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa aking diwa, na inaalalayan ako ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS ng pagkaunawa, mga Karunungan at Katotohanan NILA upang ang lahat ng gumagawa ng pinsala ay maihayag at mailantad ang lahat ng kanilang masasamang mga ginagawa na pawang mababasa sa Banal na Kasulatan o BIBLIA na ginawa na noon subalit muling umiiral sa ating panahon.
MAMAMAYAPAG PA ANG KA EDUARDO MANALO AT KA GLICERIO B. SANTOS, JR. SA MGA TAGUMPAY NA KAPWA NILA ITINATATAK SA KAISIPAN NG MGA KAPATID NA KANILANG DINADAYA SA KAGUSTUHANG MAKALIKOM PA NG MALAKING HALAGA .
https://www.youtube.com/watch?v=mNW9eWQASGU&w=854&h=480
UNAWAIN NINYO MGA MAHAL KONG KAPATID ANG MGA PAGSASALARAWAN SA PANAHON NI PROPETA AMOS NA MAY PAGKAKATULAD SA MGA PANGYAYARI NOON SA PANGYAYARI NAMAN SA ATIN PANAHON.
AMOS 5: 1-4 1 Dinggin ninyo ang salitang ito na aking itinataghoy sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel. 2 Ang dalaga ng Israel ay nabuwal; siya’y hindi na magbabangon pa, siya’y nahagis sa kaniyang lupain; walang magbangon sa kaniya. (Nakalulungkot sa paglalarawan ng kalagayan noon ng sambahayan ng Israel sa Espiritual na paglilingkod. Subalit kung sa ating kapanahunan ipinatutungkol sa kabuuan ng Iglesia ni Cristo ngayon ay may pangyayaring maiwawangis sa nakaraan. Tulad ng ipinauunawa kahit ano pang gawing pagsisikap hindi na makababangon sa abang kalagayan nito. Lugmok sa kaniyang kalagayan bunga ng mapaminsalang pangangasiwa ng mga nasa CENTRAL. Sunud-sunuran na lamang ang mga kapatid dahil na lamang sa takot na sila maitiwalag. Ngunit kung alam lamang nila, dumadaing na ring tulad nila ang mga kapatid na ministro, manggagawa at mga pangunahing maytungkulin sa mga Lokal sapagkat dama nila ang kabigatan na ng mga pamamaraang pinasusunod sa kanila ng mga Tagapangasiwa ng Distrito sa atas ng nasa Sanggunian subalit sa kabatiran at pagpapatibay ng Ka Eduardo Manalo. Hindi na matapos-tapos ang mga sunud-sunod na aktibidad na ang mga gugulin ay pinapapasan sa kanila at sa Lokal kahit sagad na ang pondo ng mga Lokal na sila rin ang tuwirang pumapasan.)
Ang pondo ng Lokal mula sa mga Handugan para sa Lokal ay said na said na. Halos karamihan sa mga Lokal kung papansinin ang mga Bahay Sambahan ay aba na ang anyo sa kalagayan dahil wala na ang matingkad na kulay ng pintura, nilulumot na at bitak-bitak na nagpaparumi ng tingnan ang mga Kapilya. Pati ang mga halaman sa paligid ay kulang na sa alaga hindi na tulad noon panahon ng Kapatid na Erano G. Manalo ay malulusog pagmasdan. Kahit ang mga ilaw sa kapaligiran ng mga Lokal ay mapanglaw na lalung-lalo na Templo Central napakapanglaw na pagmasdan sa daan dahil na rin sa sobrang pagtitipid ng koryente na mapaghihinuha mo na may malaking kakulangan sa pinansyal na usapin. Kung kaya iba’t-ibang kaparaanan na lamang ang naiisip nila para mapagtakpan ang ibang kakulangan nila sa pinansyal at mapagtakpan ang mga pagkakautang sa kinikilalang mga bangko na kung hindi nila maibibigay sa takdang panahong palugit ay iilitin na ang mga nakaprendang ari-arian ng Iglesia ni Cristo. Kaya naman, nagpapalapit na sa kanila para ikahayag nila sa mga katampalasanang walang kapantay. Napakalaking kahihiyan sa mga kapatid na pinagtataguan nila ng mga tunay na pangyayari na maglalagay na lalo sa kanila sa alanganin na kalagayan kapag naghimagsik ang marami at hindi na sila ang kilalanin.
(Ang mga susunod na aktibidad katulad ng World Wide Walk na pinalalabas sa lansangan o bawat bayan ay may pagsasalarawang mahahalintulad sa ipinauunawa sa talatang ito.) 3 Sapagka’t ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ang bayan na lalabas na isang libo, maiiwang isang daan, at ang lalabas na isang daan ay maiiwang sangpu, sa sangbahayan ni Israel. 4 Sapagka’t ganito ang sabi ng Panginoon sa sangbahayan ni Israel; Hanapin ninyo ako, at kayo’y mangabubuhay; (yung bilang na isang libo na lalabas darating ang araw ay magiging isandaan na lang; at sa mga susunod pa ang isang daan na lalabas ay magiging sampu na lang. Bakit kaya? Ano ang bilin ng PANGINOONG DIYOS?)
AMOS 5: 5-10 MB 5 Huwag kayong pumunta sa Beerseba upang sumamba. Huwag ninyo akong hanapin sa Betel-ito’y wawasakin. Huwag din kayong pumunta sa Gilgal; nakatakda nang bihagin ang mga tagaroon. (Kaya naman pala may bilin SIYA para maingatan din ang mga Sumasamba. Ang mga ganitong pangyayari ay nagaganap ngayon sa kontinente ng America .. ang mga magkakalapit bansa ay pinupuntahan ng mga inuubligang padaluhin para sumuporta sa Lokal na dadalawin ng Ka Eduardo at ng kaniyang mga tagasunod para doon ay Sumamba.) 6 Lumapit kayo kay Yahweh at kayo’y mabubuhay. (Habang may panahon pa gawin niyo na mga mahal kong kapatid) Kung hindi, bababa siyang parang apoy sa mga anak ni Jose. Susunugin ang Betel at walang makasusugpo sa apoy na ito. (matindi ang apoy ng KANIYANG Banal na Salita na susunog sa inyo halos nakakapaso sa sobrang sakit ng masasabi sa inyo) 7 Kahabag-habag kayo na nagkakait ng katarungan at yumuyurak sa karapatan ng mga tao! (umiiral sa mga bansang ito ang pwersahang pagpapasunod wala na sa banal na katwiran. Sinisikil sila ng mga ministro at ng mga Tagapangasiwa para lang dumalo ng paulit-ulit) 8 Nilikha ni Yahweh ang mga bituin, ang Pleyades at ang Orion. Siya ang nagtakda ng araw at ng gabi. Tinitipon niya ang tubig mula sa karagatan upang muling ibuhos sa sangkalupaan. Yahweh ang kanyang pangalan. (halos mga pagod na at puyat dahil iba sa oras na itinatakda ng mga tagasunod ng Ka Eduardo para baguhin ang takda ng PANGINOON ng kanilang mga pamamahinga) 9 Winawasak niya ang mga kuta’t mga muog. (Kaya huwag ninyong aakalain na matatag na kayo may pasya ang PANGINOONG DIYOS sa inyo ) 10 Namumuhi kayo sa naninindigan sa katarungan at nagsasabi ng katotohanan sa mga hukuman. (nagagalit kayo sa amin na pumupuna sa mga kamalian ninyong patuloy na paninikil at panggigipit sa mga kapatid)
Pakibasa na lang ninyo mga mahal naming kapatid ang mga hanay ng mga talata ng Banal na Kasulatan na wala ng paliwanag. Derekta at tuwiran ng sinasabi ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS ang KANIYANG hinanakit sa hanay ng mga sumisikil at gumigipit sa inyo mga kapatid namin dahil sa pansariling pakinabang na lamang na gawa nitong mga tiwaling pangangasiwa ng Iglesia ngayon sa pangunguna ng Ka Eduardo at ng kaniyang tagasunod na sanggunian.
AMOS 5: 11-15 MB 11 Sinisikil ninyo ang mahihirap at hinuhuthot ang kanilang ani. Kaya’t hindi ninyo matatahanan ang bahay na batong inyong itinayo ni malalasap man ang alak mula sa malalawak ninyong ubasan. (Kapag hinuhuthot ay halos sairin ang makukuha ninyong pakinabang sa mga kapatid natin sa Iglesia na sinisikil o pinahihirapan ninyo.) 12 Alam ko kung gaano karami at kabigat ang inyong mga kasalanan. (Kaya walang sinuman sa inyo ang makapaglilihim. Bakit? Ano ang pinupuna ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa hanay ninyo Ka Eduardo?) Inuusig ninyo ang mga taong walang kasalanan, (Hindi na makapagreklamo sa inyo) kayo’y humihingi ng suhol at ipinagkakait ninyo sa mga dukha ang katarungan. (sinasamantala ninyo ang lahat gamit ang mapang-abusong paggamit ng inyong kapangyarihan, Kaya naman,)13 Naghahari ang kasamaan sa panahong ito kaya’t kung ikaw’y matalino, mananahimik ka na lang. (Kaya ang hanay ng mga matatalinong kinakasangkapan ng DAKILANG AMANG BANAL at ng Panginoong Jesu-Cristo ay mga tahimik na kunwa ay matapat na sumusunod sa inyo kaya hindi ninyo mapagdudahan na laban na sa mga ginagawa ninyong mga katampalasanan, ang iba ay nasa tabi lamang ninyo. Kaya ano ang mahalagang bilin NIYA?) 14 Gawin mo ang matuwid, huwag ang liko, upang ikaw ay mabuhay. Sa gayon, sasaiyo si Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan, tulad ng sinasabi mo. 15 Kamuhian mo ang masama, ibigin ang mabuti, at pairalin sa mga hukuman ang katarungan. Baka sakaling kahabagan ni Yahweh ang matitirang buhay sa bansang ito.
AMOS 5: 16-23 NPV 16 Kaya nga, ito ang sinasabi ng Panginoon, ng PANGINOONG Dios na Makapangyarihan sa lahat: “Magkakaroon ng taghuyan sa mga lansangan, at panangis ng pagdurusa sa bawat plasa ng bayan. Ang mga magsasaka’y tatawagin upang manangis at ang mga mananaghoy upang mananambitan. 17 Magkakaroon ng mga panambitan sa lahat ng ubasan, pagkat magdaraan ako sa inyong kalagitnaan,” sabi ng PANGINOON. (Tiniyak ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa lahat ng mga Lokal na may mga pananambitan, mga taghuyan na magaganap. Ito ang KANIYANG ipinauunawa mula sa Diwa ng Panginoong Jesu-Cristo. Ang Banal na Espiritu na gumagabay sa abang lingkod ninyo para maipaunawa ang bahaging ito. Sapagkat nagtakda ang PANGINOONG DIYOS ng isang Araw na Kalagim-lagim na mangyayari at ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS ang gagawa nito.) 18 Sa aba ninyong mga naghihintay sa araw ng PANGINOON! Bakit ninyo pinananabikan ang araw ng PANGINOON? Ang araw na ‘yon ay magiging kadiliman, hindi liwanag. (Maraming umaasa sayo Ka Eduardo, sa Sanggunian mo, Tagapangasiwa, Ministro at mga Manggagawa mo, halos ihiyaw pa nila sa kanilang mga pagtuturo at pananalangin ang inyong pananabik sa pagparito ng Panginoong Jesu-Cristo, sa Araw na itinakda ng PANGINOONG DIYOS na paghuhukom. Subalit sa aba nila o mga kaawa-awang pinapahiwatig sa inyo ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS ang Araw na iyon na pinananabikan inaakala ninyo na magiging tagumpay ninyo subalit yun ang kabiguan ninyo. Nakalulungkot … Ano bang maaasahan ninyo na parang sabik na sabik na naghuhumiyaw kayo sa pagdating ng Araw ng PANGINOON? Alam niyo ba kung saan inihahalintulad?) 19 Iyon ay matutulad sa isang taong tumatakas mula sa isang leon para lamang makasalubong ng isang oso; tulad ng isang taong pumasok ng bahay at nagpahinga ng kanyang kamay sa pader para lamang matuklaw ng ahas. ( Halos walang katiyakan na sukat ikaligtas ng sinuman sa inyo kung ilalarawan. Mga simbolikal na ipinatutungkol sa leon, oso, ahas na may mga kumakatawan na gagawa ng ikapapahamak ninyo saan man kayo tatakbo o susuling.) Hindi ba’t 20 Ang araw ng PANGINOON ay magiging kadiliman, hindi kaliwanagan pusikit na karimlan, wala kahit isang silahis ng liwanag. (wala pa lang maaasahang tagumpay o pag-asa gaya ng inaasahan ninyo. Sa halip ay ano? )21 “Kinamumuhian ko, kinasusuklaman ko ang mga pista (mga takdang araw na iginagayak ninyo, World Wide Walk ) ninyong panrelihiyon; hindi ko matanggap ang inyong mga kapulungan. (sa mga araw na yan ay halos ibida ninyo ang mga nagsisidalo subalit anong damdamin ng PANGINOONG DIYOS?) 22 Kahit ninyo ako dalhan ng mga handog na susunugin at mga handog na pagkain, (saan ninyo gagamitin ang handog na yan kung ang pasya ng PANGINOON ay hindi NIYA tatanggapin) hindi ko tatanggapin ang mga iyon; wala akong pagpapahalaga sa kanila. 23 Tigilan na ninyo ang ingay ng inyong mga awit! (Hindi NIYA naiibigan ang tema ng awitan ninyo sa araw na yan ) Hindi ko pakikinggan ang tugtugin ng inyong mga alpa.
Mga mahal kong kapatid naghihinanakit ang PANGINOONG DIYOS kung bakit sa panahon ni Propeta Amos nangyari ang lahat ng yan. Nais kong ipaunawa yan din ang mga kasalukuyan ng naganap at magaganap sa ating panahon sa kasalukuyan. Nananaghoy ang mga kapatid nating hirap na hirap ang kanilang mga kalooban sa mga pagpapahirap ng Ka Eduardo Manalo at ng kaniyang mga Sanggunian, mga Tagapangasiwa, Ministro at mga Manggagawa sa panghihikayat na makiisa sa mga iba’t-ibang aktibidad tulad ng isinagawa ng buwan ng Mayo ang World Wide Walk 2018 .. mga Pamamahayag, mga Tanging Pagsamba na kasalukuyang iniikot ang bansang america kung saan dolyar na pakinabang ang makukuha nila habang ginagastusan din sila ng mga kapatid doon.
Mamayagpag pa kayo sa mga tagumpay ninyo. Kaya hindi kataka-taka makukuha pa niyo ang karangalan mula lang sa mga tao. Iniisip ninyo walang hangganan at katapusan na laging magagawa ninyo mapasunod ang mga kapatid ko. Ginagamit niyo lang ang mga kapatid at ang pangalan ng Iglesia ni Cristo para sa pansariling pakinabang na lamang. Lalo kayong nagiging palalo dahil kayo ay pawang mga abusadong lider na nagpapakalasing sa inyong mga kapangyarihan para ang mga kapatid ay alipin ng makalaman ninyong isipan. Dahil diyan hindi na kayo makagawa ng makatwiran mga pagpapasya sa mga kakapatid sa Iglesia maging sa mga hindi kapananampalataya kung kaya napakarami na ang umaalma sa mga patuloy na pananamantalang ginagawa ninyo na hindi lingid sa inyong mga kaalaman ang kanilang mga nagrerebeldeng kaisipan laban sa inyo. Subalit nagagawa ninyong sindakin sa takot para magpatuloy ang lahat na sa inyo ay sunud-sunuran.
Karamihan sa mga kapatid at mga Maytungkulin, umaalma na’t nabibigatan na sa tindi ng inyong pamimighati sa kanila. Nagrereklamo sa pagdadala ng bigat ng buhay at kanilang pamumuhay na likha ninyo dahil halos maubos na ang kanilang kakarampot na kita sa bansang kanilang pinaglilingkuran sa mga walang humpay na aktibidad na inyong pinagtitibay at sila’y ubligahin ng pagdalo kahit napakalayo ng kalapit bansa kung saan sa tutunguhan ng Ka Eduardo Manalo ay ibig din naman ninyo ay doroon din ang mga kakapatid sa Iglesia ni Cristo. Kung anu-ano ang mga hinihingi ninyo may bahagi ng naitulong sa iba, pati ba naman ang mga asawa’t anak, pamilya ninyong mga kasa-kasama ng Ka Eduardo Manalo ay ipasasalo sa mga kapatid ang mga gagastusin nila. Grabeng pagpapahirap ninyo pinapapasan sa kanilang lahat na hindi makapagreklamo ang mga mahal naming kapatid sa loob ng Iglesia na nakararanas na ng panggigipit sa pangunguna ninyo at ng mga pinakikilos ninyong mga ministro sa inyu-inyong mga lokal.
KAWAWANG MGA MINISTRO’T MANGGAGAWA NA PINAAASA LAMANG NINYO
Pati na ang mga kawawang ministro at manggagawa na nagpakatapat sa kanilang tungkulin na iulat ang masasamang kasama subalit ng kanilang gawin, hindi nila batid kasabwat ang Tagapangasiwa ng Distrito kung kaya sila ang napasama at naalisan ng karapatan. Ang iba sa kanila ay kilalang malapit sa namayapang kapatid na Erano G. Manalo tila wala ng pag-asang makabalik at ganun na nga ang plano kaya ng April 15, 2018 pinangunahan ng Ka Radel Cortez sa isang pagpupulong ng mga Ministro at Manggagawa na nawalan ng karapatan na humigit kumulang ang bilang ay nasa (500) limandaan ang nagtungo gumugol ng salapi hindi alintana ang pagod sapagkat ang boong pag-asa ng lahat ay maibabalik na sila sa karapatan. Subalit nangabigo ang lahat sa kanilang inaasahan dahil sa tagpong iyon sila ay pinagalitan at binabalaan narito ang sinabi ng Ka Radel Cortez sa kanila; “huwag na huwag na gagawin muling sumulat o makipagusap man sa ka evm o sumunod-sunod man lamang sa ka evm”.
Nagtakda ng panahon ang ating PANGINOONG DIYOS ng napakalakas ng pagbagsak naman ninyo. Naipagpauna na, sinalita NIYA kaya tiyak na matutupad. Tunay, hindi na malalaunan at ang makatwirang hatol ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS ay ilalapat na sa inyo na mga walang awang naninibasib sa mga mapapakinabangan ninyo na makukuha sa kabuuan ng Kawan o ng Iglesia.
Mga mahal kong kapatid maglambing tayo sa pamamagitan ng pananalangin natin sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo na pagkalooban pa NILA tayo ng tibay ng loob at linaw ng pag-iisip habang nagpapatuloy pa ang lahat ng mapang-aping mga lider sa ating panahon sa pangunguna ng Ka Eduardo Manalo, ng kaniyang Sanggunian, mga Tagapangasiwa sa mga Distrito at maging sa mga sunud-sunurang mga Pastor, Manggagawa at mga maytungkulin sa bawat Lokal ninyo.
SA PANAHON NI PROPETA HABACUC KANIYANG INILALARAWAN SA PANGINOONG DIYOS ANG MGA PANGYAYARING KAWANGIS NG MGA NANGYAYARI NGAYON SA KAPANAHUNAN NG KA EDUARDO MANALO.
Habakuk 1:1-17 MB 1 Ito ang pahayag ng Diyos na tinanggap ni Propeta Habacuc. 2 Yahweh, hanggang kailan ako daraing sa iyo, at di mo diringgin? Hanggang kailan mo babayaang mamayani ang karahasan? 3 Bakit ipinakikita mo sa akin ay pawang kasamaan at kahirapan? Sa magkabi-kabila’y nagaganap ang pagwasak at ang karahasan; laganap ang hidwaan at pagtatalo. 4 Kaya’t hindi sinusunod ang kautusan at hindi umiiral ang katarungan. Napapaligiran ng masasama ang mabubuti, anupat nababaluktot ang katuwiran. (Tugon ng DAKILANG PANGINOON DIYOS natin sa mga tanong at puna ni Propeta Habacuc) 5 Masdan mo ang mga bansa, (sa ating kapanahunan sumasagisag ito sa mga Lokal) at magugulat ka sa iyong makikita. Sapagkat mayroon akong ginagawa sa iyong kapanahunan na hindi mo paniniwalaan kung mababalitaan mo. (Ano yun na hindi halos paniniwalaan?) 6 Ibinabalik ko ang kapangyarihan ng Babilonia, ang bansang kilala sa kalupitan at karahasan; (Unawaing mabuti: kapangyarihan lang ng Babilonia ang ibinabalik ng ) tinatahak nila ang kalawakan ng sanlibutan upang agawin ang lupaing hindi kanila. 7 Sila’y nakatatakot at nakapangingilabot, mga palalo at walang kinikilalang batas. (dahil para sa kanila, sila ang batas kaya nilang manduhan ang mga taong gobyerno) 8 Ang mga kabayo nila’y mas mabilis kaysa leopardo, mas mabangis kaysa mga asong-gubat na gumagala sa gabi; mayayabang ang kanilang mangangabayo. Oo, buhat sa malayo’y dumarating ang kanilang mga mangangabayo, parang agilang dumadagit sa kanyang biktima. 9 Silang lahat ay handang gumawa ng karahasan at maghasik ng takot sa gitna ng mga tao. Di mabilang na parang buhangin ang kanilang mga bihag. (sa paglalarawan ngayon sila ang mga nasa hanay ng mga masasamang SCAN na gumagawa ng karahasan, naghahasik ng takot dahil sa mga nasasangkot na pagpatay)10 Hinahamak nila ang mga hari, at walang pinunong iginagalang. Pinagtatawanan lamang nila ang bawat muog, sapagka’t ito’y kanilang kinukubkob at madaling nakukuha. (ganyan nila pinagtatawanan ang mga Pangulo ng bawat bansa, at lider ng gobyerno, kaya nga kahit pa ang mga nasa muog o Himpilan ng batas ay namamandohan at ibig nilang diktahan)11 Pagkatapos ay lumalampas silang parang hangin; (ibig sabihin parang walang nangyari kahit may aberyang nangyari) malulupit sila at walang dinidiyos kundi ang sarili nilang lakas.”
HINDI DAPAT KINUKWESTYUN NG TAO ANG DAKILANG PANGINOON DIYOS. HINDI NIYA GINUSTONG MAPASAMA ANG KALAGAYAN NG TAO. KUNG ANO ANG IBIG NG DAKILANG AMANG BANAL MAGHINTAY AT YUN ANG MAPANGYARI.
12 Hindi ba’t ikaw ay walang hanggan? O Yahweh, Diyos na kabanal-banalan at walang kamatayan. Itinalaga mo ang mga taga-Babilonia, upang kami’y parusahan O Batong matibay, inilagay mo sila upang kami’y pahirapan. 13 Ikaw ay banal, ayaw mong tumingin sa kasamaan. Hindi mo matatagalang tingnan ang kalikuan. Bakit mo pinapayagan ang mga taksil? Bakit mo pinababayaang apihin ang mga taong higit na matuwid kaysa kanila? 14 Ginagawa mo ang mga tao na parang mga isda sa dagat, gaya ng mga nilikhang gumagapang na walang namamahala sa kanila. 15 Iniaahon sila sa tubig sa pamamagitan ng bingwit, hinuhuli ng lambat, at pinagsasama-sama; pagkatapos, nagdiriwang sila at nagsasaya. 16 Kaya’t nag-aalay siya ng mga handog maging sa kanyang lambat at sinusuob niya ito ng mabangong kamanyang; Sapagkat dahil dito’y nakapamumuhay siyang maginhawa, at laging masagana ang kanyang pagkain. 17 Magpapatuloy ba siyang gumamit ng tabak at walang awang papatay habang panahon?
Habakuk 2:1-14 NPV 1 Titindig ako sa aking pagbabantay at lalagay sa mga tuntungan. Titingnan ko kung ano ang sasabihin niya sa akin at kung ano ang isasagot ko sa karaingang ito. 2 Nang magkagayon, sumagot ang PANGINOON: “Isulat mo ang pahayag, at gawing malinaw sa mga sulatan para ito ay maitakbo ng isang mensahero. (Kaya malinaw kapag nangyayari ang mga kapinsalang ito sa KANIYANG Bayan ay nagsasalita at nag-uutos ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS. KANIYANG pinasusulat sa Pahayag! Ang inuutusan sa udyok ng Banal na Espiritu ay pinatatawid NIYA sa mga Mensahero na walang nababago sa proseso sa nakaraan at sa kasalukuyan) 3 Pagkat ang pahayag ay naghihintay ng takdang panahon; ang isinasaysay nito ay tungkol sa wakas at hindi magkakabula. Kahit ito mabalam, hintayin mo; tiyak na darating ito, hindi magtatagal. (Totoo ang lahat ay may takdang panahon, hindi natin maaaring madaliin ang PANGINOON na nagtakda.. kaya nga huwag ninyong inaakala na hindi na mangyayari yan. Sapagkat kahit mabalam tiniyak na darating at maisasakatuparan. Kaya nga “Tingnan MO, siya’y naging palalo. Hindi tama ang kanyang mga hangarin (sa panahong ito ikaw na ang pinatutungkulan Ka Eduardo Manalo) ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya 5 tunay, ipinagkanulo siya ng alak; (ipinagkanulo ka ng kalasingan mo sa paggamit mo ng iyong kapangyarihan) siya’y palalo at walang pahinga kahit saglit. Pagkat siya ay dayukdok na tulad ng libingan at tulad ng kamatayan ay walang kasiyahan; (nakahihiya naging dayukdok ka na.. walang kasiyahan sa nakukuha munang mga pakinabang ) ang mga bansa’y kanyang tinitipon para sa kanyang sarili at binibihag ang lahat ng tao. (ito ang lihim mong panukala ang mga kapatid sa mga bansang pinupuntahan ninyo ay bihagin ng iyong pagpapakilala na ikaw ang pamamahalang halal … subalit ano ang maaasahan ng mga bansang pupuntahan mo na iisipin ng mga kapatid na naroroon? )6 “Hindi ba siya tutuyain ng lahat, pagtatawanan at lilibakin na nagsasabi,”‘Sa aba niya na nagtatago ng mga bagay na ninakaw at nagpapayaman sa pamamagitan ng pangingikil ng salapi! Hanggang kailan ito magpapatuloy?’ (masakit Ka Eduardo nakatakdang pagtawanan ka, libakin dahil sa pagpapayaman sa pangingikil mo ng salapi, nagtatago ng mga bagay na ninakaw mo) 7 Hindi kaya biglang magtindig ang mga pinagkakautangan mo? (Ka Eduardo Manalo ito rin ang tinatanong sayo ngayon ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS kung biglang magtindigan ang mga pinagkakautangan mo) Hindi kaya sila gumising at ikaw ay panginigin? (Babala na NIYA ito sayo. Kapag hinudyatan na NIYA manginginig ka na talaga pati na ang mga kasabwat mo) Kung magkagayon, ikaw ang magiging biktima nila. (posible kasi aagarin ka nila, hahanapan ka na nila ng ipambabayad mo. Saan ka na naman kukuha? Sa mga kapatid? Una na silang magigising sayo. Tanong paano na kayo?) 8 Pagkat nanamsam ka sa maraming bansa, (katunayan kasalukuyan munang ginagawa ngayon sa mga bansang pinupuntahan mo, nananamsam ka na) kaya sasamsaman ka naman ng mga taong malalabi. Dahil nagbubo ka ng dugo ng tao, (ilan pa ang papatayin, ang mga ipatitiwalag ninyo?) winasak mo ang mga lupain, mga lunsod at lahat ng naninirahan doon. 9 “Sa aba ng taong nagtatayo ng kanyang nasasakupan sa pamamagitan ng masamang paraan upang makapagtayo ng kanyang pugad sa kataasan, (ang Iglesia ni Cristo ang kataasan na ginagamit mo. Para ano?) upang tumakas sa pagkawasak! (Takasan ang matinding pagkalagapak mo. Magaganap na nga, mula sa kaitaasan, itatapon ka ng ganap sa lupa, kasama ng mga kumikilala sayo.. kakaunting panahon na lang ang nalalabi para sa inyo .. ikaw ay nag-aanyong maningning na bituin subalit mapanglaw na babagsak sa lupa, matinding pagkalagapak, matinding kahihiyan. Ikaw ang magdadala ng matinding kahihiyan, sa sariling sambahayang Israel, sa Jerusalem o sa Espiritual na pinatutungkulan sa ating panahon, yan ang CENTRAL ngayon) 10 Ikaw ang nagplano sa pagkawasak ng maraming tao; dahil doon ay ikaw mismo ang nagdala ng kahihiyan sa sarili mong sambahayan, at nag-alis sa sarili ng karapatang mabuhay, (sa parteng ito ikaw rin ang nag-alis ng karapatang mabuhay ka sa laki ng kahihiyang aabutin mo. Ang tanong kung pasyahan ka ng Ka Glicerio B. Santos, Jr. na maitiwalag sa kaniyang pagpapasya yun kaya ay pagtibayin niya? Posible! Gusto niya yun! Kaya lang ang tanong, gusto ba ng mga kapatid sa kasalukuyan sa loob ng Iglesia ni Cristo, na ang Ka Jhune Santos ang hahalili na sayo bilang Tagapamahalang Pangkalahatan kapag pinatay na rin niya ang karapatan mo bilang namamahala ngayon sa Iglesia ni Cristo? At syempre kasabwat mo ang Ka Babylyn sa mga kaguluhang nangyayari ngayon sa loob ng Iglesia.. tiyak isasama na rin niya sa mga maititiwalag.. )11 Ang mga bato sa burol ay sisigaw at gagayahin ito ng mga tahilang kahoy. 12 “Sa aba niya na nagtatayo ng lunsod sa pamamagitan ng pagbububo ng dugo at nagtatatag ng bayan sa pamamagitan ng kasamaan! (Unawain mo, ang mga matatag at mahihina kapwa hihiyaw sa magiging kalagayan mo na kaawaawa ka, ikaw na maraming pinapatay sa karapatan … na lumikha rin ng mga kasamaan at kapinsalaan) 13 Hindi pa kaya napag-alaman ng PANGINOON na Makapangyarihan sa lahat na ang pagpapagal ng mga tao ay panggatong lamang sa apoy, na ang mga bansa ay nagpapakahirap sa walang kabuluhan? 14 Pagkat ang daigdig ay napupuno ng kaalaman sa kaluwalhatian ng PANGINOON kung paanong napupuno ng tubig ang dagat.
NAPAKAHALAGANG BILIN MGA MAHAL KONG KAPATID: Ang itinuro sa ating mga IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG ay laging maging positibo ang pananaw. Pinaaalis sa atin ang galit … gawin nating magaan ang pakikitungo sa lahat. … Ginawan man tayo ng mabigat na kasalanan …. ipaubaya natin sa DAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa Panginoong Jesu-Cristo ang lahat … Ang mahalaga sa KANILA iniuugnay ang lahat-lahat upang kamtin ang kapayapaan na hinahanap natin sa araw-araw at matapat na sumasangguni sa KANILANG Napahintulutan. Nalalapit na ang araw na naitakda ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS … kung saan mahihintakutan ang lahat kung ididetalye na sa lahat .. Hindi lang pinahihintulutan ng DAKILANG AMANG BANAL malaman pa ng iba na tiyak na mataranta ang lahat … Totoo nagtakda na ang PANGINOONG DIYOS ng panahon ..” Isang Araw na Kagimbal-gimbal”… ipinaalam NIYA sa akin upang mapaghandaan ng mga Hinirang … Unang-una na nga sa lahat ay maisaayos muna ang damdamin sa lahat …. taglayin ang Damdaming Maka-Langit… maaamo, mahinahon, mababang-loob, mabait, masiyahin, may Banal na Takot at tapat sa sumusunod sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo na tapat sa inyong kapatid na KANILANG napahihintulutan magmalasakit sa lahat. Kung naaalaala ninyo mga mahal kong kapatid, nasaksihan ninyo sa huling Pagtatagpo natin .. dumating sa katauhan na napahihintulutan ang Arkanghel ng PANGINOON ang kapatid na Miguel.. “Arkanghel Miguel” isa sa mga sinabi Niya sa atin na huwag ng lilingon… nangangahulugan huwag ng babalikan ang mga magpapabigat ng kasalanan bilang tao na sukat na ikapapahamak pa kung gagawin at babalikan. Gaya ng asawa ni Lot na ipinahayag sa Banal na Kasulatan yung kahinaan niya ang nagpahamak sa kaniya dahil sa mga alalahanin. Nilingon niya ang dating kinaroroonan ng kanilang buhay. Ang dakong may mahigpit ng bilin na huwag ng lingunin. Kaya dahil sa pagsuway, siya ay naging haliging asin … wala ng silbi, kaya naalis sa kaniya ang karapatan na dapat ikaligtas. Ganiyan din sa ating panahon kung kaya may may mga paunang bilin ang DAKILANG AMANG BANAL at ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Kaya kung may mga pagtatalo sa isipan dahil sa hindi umaayon sa sariling kagustuhan, nagpapalito, nagbibigay alalahanin. Isuko natin sa ating DAKILANG AMANG BANAL sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo upang kung yaon ang magpapabigat para makarating sa Dakong Banal na pinahahanda na, ay wala ng maging balakid pa na makahahakbang tayo na hawak-hawak ng KANILANG Dakilang Kapangyarihan kasama ng mga laksa-laksang mga Anghel na dadako na sa Ligtas na Dako na taglay ang malinis na pagkatao na may pusong busilak na sa paningin ng ating mahal na DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo na makakasama na natin magpakailan-kailanman. Laging nagmamahal nagmamalasakit sa inyo – Elias Arkanghel 09042018PT1133
#iglesianicristo #IglesiaNiCristo #ChurchOfChrist #INCLoyaltyDay#inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM #WeareonewithGoD
#WeareonewithChrist #WeareonewithEVM #Worldwidewalkforyolandavictims