Nakakamangha na isipin na ang Kalooban ng DAKILANG AMANG BANAL ay nai-paparating sa atin sa pamamagitan ng Sugong Propeta sa Dulong Panahon na ito kaya naman ang mga Katotohanang nabunyag sa Blog ng Kapatid na Elias ay nakatakdang makapagpagising sa mga “natutulog” na mga kapatid sa Iglesia.
Kapatid na Elias, kagabi ay nanaginip ako ng isang karima-rimarim na senaryo, isang banta para sa mga kapatid o isang payo sa ating mga Hinirang NIYA.
Tinawag ako ng PANGINOONG DIYOS sa aking panaginip at ipinakita sa akin ang isang Pagsambang pinangasiwaan ng Ka Erdy. Ako ay nasa nalulukuban ng Espiritu ng AMA sa mga sandaling iyon…
PAHAYAG NG KA ERDY:
“Huwag na kayong tatalikod pa, mga kapatid. Nariyan, darating ang mga manggugulo sa Iglesia, pero hindi dapat mayanig ang pananampalataya ninyo. Akala ng mga ito ay naglilingkod sila sa DAKILANG DIYOS pero hindi naman makita sa mga gawa nila.” wika ng Ka Erdy.
PAHAYAG NG PANGINOONG DIYOS:
“Kaya KO ipinakita sayo ‘yan ay upang malaman ng lahat ang lubusang pagtalikod ng Iglesia ngayon. At ngayon nama’y ipapakita KO sayo kung sino ang nagtalikod nito…” diretsang pahayag ng DIYOS sa akin. At nakita ko sa aking panaginip si Ka Eduardo na malalim ang iniisip, nakatingin sa malayo at hindi maipinta ang itsura. At siya’y tumawag ng isa sa mga Sanggunian, ang Ka Radel upang kausapin ito kung ano ang dapat gawin sa mga …“Sa mga naniniwala sa propetang iyon. Hindi dapat siya ang maging hadlang sa aking pangunguna sa Iglesia. Tanggalin natin yung mga kakampi sa kaniya.” Ito ang matapang na pakikipag-usap ni Ka Eduardo sa isa sa mga Sanggunian.
Ipinakita rin sa akin ng DIYOS ang gagawin nila sa mga naniniwala sa Propeta Elias. Sila’y ititiwalag at papatayin (JUAN 16:2), gigipitin at sisiyasatin ang mga sambahayan, at darating ang takot sa mga puso ng mga kapatid dahil sa paglaho ng Espiritu ng DIYOS sa mga Pagsamba kaya sila nga ay kikilala na sa Banal na Gawaing ito.
“Basahin mo ang kasulatang ibibigay KO sa iyo. Ikaw na aking kinalulugdang Hinirang, ang kumakatawan sa AKING Propeta sa panaginip mong ito. Ikaw lamang ang daluyan ng mensaheng ito. Tularan ka sana nila na mapagkumbaba at tapat sa gawaing pagliligtas na ito.”
At aking binasa ang kasulatang inabot niya sa akin at ganito ang nasusulat:
PAUNANG PAHAYAG NG PANGINOONG DIYOS:
“Ipinaabot KO na ito upang kayo’y maghanda at maging listo. ‘Pumasok kayo sa inyong bahay, Bayan KONG Hinirang, isara ninyo ang mga pinto, magtago kayo hanggang humupa ang galit ni Yahweh’. Ito ang nasusulat sa libro ni Propeta Isaias sa talatang 26:20, at ito ay mensahe KO para sa mga HINIRANG. Malapit KO ng wakasan ang sanlibutan kaya magsipagmatyag kayo.”
At ito ang aking naging panaginip, Kapatid na Elias. Nawa ay maipa-abot sa lahat ang kalooban NILA na ito at lalong magpaigting sa aming pakikiugnay sayo at pakikipagkaisa sa KANILA. Ibinabalik ko lahat ng pasasalamat at Kapurihan sa KANILA.
– Kapatid na Isaias James
===================== ooo000O000ooo =====================
Salamat po mahal naming DAKILANG PANGINOONG DIYOS at mahal naming Panginoong Jesu-Cristo. Muli kayong nagbigay ng MENSAHE sa mga Piling Hinirang. Ang naunang nakasaksi sa PANGITAIN na kasalukuyang naganap sa America ay Piling Hinirang na Mensahera at ang kasalukuyan naman na binabasa ngayon ay PANAGINIP ng Piling Hinirang na Mensahero na naitawid sa abang lingkod niyo po na napahintulutang maghanay ng Pahayag. Muli maraming salamat po. DAKILANG AMANG BANAL at Panginoong Jesu-Cristo sa INYO po ang lahat-lahat ng Kapurihan at Kaluwalhatian. Kami po ay abang lingkod NIYO po lamang. – Elias Arkanghel F09142018PT1946
NAPAKAHALAGANG BILIN MGA MAHAL KONG KAPATID:
PAGHAHANDA … dito napapaloob ang bilin ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS. Mahalagang masunod ang mga bilin na ito. Nasa loob na tayo ng KANILANG Sambahayan na pinasok natin ang “Sambahayan ng Juda” na kinikilala ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Sambahayan ng KANILANG mga Hinirang. Ang pinto ng Katotohanan na dinaanan natin sa loob ng Katawan ng Panginoong Jesu-Cristo, na ating pinasukan, dito ay huwag ng lalabas pa sa matapat na pagkakilala sa KANILA at sa Banal na Gawain na ating itinataguyod ngayon. Sa halip, panghawakan nating matibay ang mga Katotohanan ating natanggap, puspos ng Karunungan at Kaalaman na ating napag-unawa mga Paunang Pahayag o Propesiya na mababasa sa Banal na Kasulatan o BIBLIA. Mga Banal na Salita ng ating PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo na may Tipan ng Kapayapaan. Kaya naman, ang manalig dito at makipagkasundo sa KANILA ay napakapalad. Ang Banal na Gawaing ito ay nasasaklawan ng KANILANG Hiwaga na napapailalim sa KANILANG Dakilang Kapangyarihan. Dito tayo lubos na manalig na ganap nating sampalatayanan upang magtamo tayo ng mga Pagpapalang Espiritual. Malapit ng wakasan ng PANGINOON ang sanlibutan, SIYA ang may Pahayag. Iba ito sa iniuugnay ng pagparito na raw ng Panginoong Jesu-Cristo at wala ng hinihinintay na palatandaan pa kundi paghuhukom na lang daw na naituturo sa mga Pagsamba. Subalit dapat na maalerto ngang lahat. Ganiyan na ganiyan din nagpapahiwatig ang PANGINOONG DIYOS sa mga unang lingkod NIYA na kinakausap sa pangitain at mga panaginip at binibilinan muna bago NIYA isinasagawa ang mga matitinding senaryo ng pagkawasak. Alang-alang sa KANIYANG pag-ibig sa mga tao na KANIYANG nilalang. Kaya hanggang may pagkakataon pa mga mahal naming kapatid piliin na natin na maging mabuti tayo sa KANILA para magtamo ng kaligtasan sa tiyak na kapahamakan na nagbabanta na. Tapat mangako ang DAKILANG PANGINOON. Kaya nga sinabi NIYA gagawin NIYA, sinalita NIYA isasakatuparan NIYA. Kaya magmatyag kayo mga mahal kong kapatid. Talasan ninyo ang pakiramdam. Nangangahulugan makikita ninyo ang mga senaryong ibig ipatungkol ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS tulad ng mga pinakamalakas na bagyo, pinakamalakas na paglindol, pinakamalakas na buhawi, pinakamatinding pagbasak ng ekonomiya, pagbagsak ng mga pinakalider ng anumang larangan patutungkulan at iba pang mga hindi pangkaraniwang senaryo. Yan ay literal at Espiritual na magaganap! Maging handa tayo sa biglaang pagdating ng mga pinatutungkulang kaganapan. Maging listo tayo sa lahat ng pagkakataon matapos ninyong mabasa ang mga Paunang Pahayag at bilin ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Mga mahal naming mga kapatid sa Iglesia ni Cristo batid namin marami na ang sa inyo ay nagigising sa mga kakaiba at sunud-sunod na mga ipinanunukalang mga aktibidad ng Ka Eduardo at ng kaniyang mga bulag na tagasunod. Kapuna-punang lagi na lang sumi-sentro sa paglikom ng salapi na kung anu-anong mga katawagan subalit ang lihim na agenda nila ay para sa pambayad utang nila sa mga kinikilalang bangko mula sa bilyun-bilyong pagkakautang na nakaprenda ang mga pagmamay-aring mga Kapilya, lupa atbp. ng Iglesia ni Cristo, na yan ang kanilang mabigat na kasalanan sa ating DAKILANG AMANG BANAL at sa ating Panginoong Jesu-Cristo Katampalasanang Walang Kapantay. Maging maingat lang kayo habang iniaaral ninyo at binabasa ang mga Pahayag sa Blog/FanPage sa Facebook ng Iglesia ni Cristo…Hinirang. Ipagmalasakit ninyo mga mahal naming kapatid Galacia 6:10 NPV 10 Kaya nga hangga’t may pagkakataon gumawa tayo ng mabuti para sa lahat ng tao, lalo na sa mga kasambahay sa pananampalataya. Lamang lakipan ninyo ng pag-iingat hangga’t may pagkakataon makagawa ng mabuti na makaakay. Huwag agad magtitiwalang ipaalam sa mga hindi nakauunawa sa ginagawa ninyong pagsisiyasat. Kilalaning mabuti kung may pagkilala na at pagsang-ayon na sa inyong ibig bigyan ng pagkaunawa. Iyan ang dapat na masiguro at matiyak ninyo upang hindi nila mapuna na isa ka na rin sa mga tuwirang nakasasaksi ng kanilang mga masasamang gawa na kung mahuli ay gagawan nila ng pinsala. Kung wala pang maakay mas mabuti pang tahimik na nag-aaral at sumusubaybay. Subalit huwag maging duwag sapagkat hindi nakalulugod sa PANGINOON ang halos ayaw ng ibalita ang Pagliligtas na ito ng ating PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo. Dumating man sa inyo ang kinakatakutan ng iba na kayo ay matiwalag, alisin nila sa talaan maging panatag lang sapagkat hindi yun kabiguan na maituturing kundi kalayaan na makalabas na sa mali at masasama nilang pangangasiwa. Kaya nililinaw natin hindi kayo aalis sa loob ng Iglesia ni Cristo hindi sa loob ng Iglesia kundi sa maling pamamahala ng Ka Eduardo Manalo. Inuulit ko paglabas sa masama nilang pangangasiwa hindi sa loob ng Iglesia ni Cristo. Habang kami naman na inaakala nilang mga tiwalag na ay napahihintulutan pa na mamalagi bilang bantay sa mga kapatid sa Iglesia upang maiparating pa sa lahat ang mga Kalapastanganang Walang Kapantay na patuloy na ginagawa nila nitong mga ganid na lobong sumisila sa buhay at kabuhayan ng mga kakapatid natin sa Iglesia ni Cristo. Huwag magtaka kung usigin man kayo ng inyong mga mahal sa buhay sapagkat nakatakda na sila ang una ninyong magiging kaaway at taga-usig sa sandaling malaman nila na kayo ay hindi na umaayon sa pamamalakad ng pamamahalang kinikilala nila na maghahatid sa kanila sa kaligtasan subalit ang katotohanan ay magdadala sila ng kapahamakan sa buhay at pamumuhay ng lahat ng mga napapaniwala nilang mga kapatid natin. Sa halip, pangunahing gawin ninyo ang maipanalangin ninyo sa ating DAKILANG AMANG BANAL at sa ating Panginoong Jesu-Cristo na KANILANG kaawaan at kahabagan din naman ang inyong mga mahal sa buhay, kaibigan at kakilala na makasama rin nating lahat sa ganitong pagkakilala. Kung paanong kayo ay pinapatnubayan, ginagabayan ng KANILANG Karunungan at Kaunawaan sa inyong mga nababasa at naririnig nawa’y matamnan din silang lahat ng mga Kaalaman at Katotohahan kung paanong nakarating kayo sa pagkaunawa habang tumitibay ang pananampalatayang nagbibigay linaw at unawa pa sa inyo ang mga kaganapan sa loob ng Iglesia ay nagpapatotoo lang na napahihintulutan lamang upang matupad na ang DAKILANG PANGAKONG KALIGTASAN na may TIPAN NG KAPAYAPAAN ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo ang ipagkakaloob sa Banal na Gawaing itinataguyod ng mga nasa loob ng IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG. – Elias Arkanghel F09142018PT1815
TALATANG NABANGGIT SA MENSAHE NG PANGINOONG DIYOS DITO NAPAPALOOB
Isaias 26 NPV 1 Sa araw na ‘yon, ang awit na ito ay aawitin sa lupain ng Juda: (ang Banal na Gawaing ito sa hanay ng mga Iglesia ni Cristo…Hinirang ang pinatutungkulang Sambahayan ng Juda) Mayroon kaming matatag na lunsod. (ito ang pag-asang hindi kayang gibain ng sinuman) Ginawa ng Dios na dako ng kaligtasan ang mga pader nito at mga tanggulan. 2 Ibukas ninyo ang mga pintuan upang makapasok ang mga bansang matuwid, ang mga bansang nananatili sa pananampalataya. (sa takdang panahon magaganap ito na ang mga taga-ibang bansa sila ay magsisiparito, iiwan nila ang sarili nilang bansa. Dahil sa sinalita nilang “nabalitaan namin sumasainyo ang PANGINOON sasama kami” ) 3 Ang isipan ng taong matatag ay pagkakalooban mo ng lubos na kapayapaan pagkat siya’y nagtitiwala sa iyo. (matatag at matibay ang pananampalataya’t pananalig ng mga Hinirang) 4 Magtiwala kayo sa PANGINOON sa habang panahon sapagkat ang PANGINOON, ang PANGINOON, ay siyang Batong walang hanggan. ( Kaya sino ang babangga sa matibay na Pader? ) 5 lbinababa niya ang namamahay sa kataasan, (Sila bang mga nasa CENTRAL sa pangunguna ng Ka Eduardo Manalo at ng mga tagasunod niya? Na pawang mga naging mayayabang at palalo na. Sila diumano ay pader na. Pinagtatawanan na lang ang mga Lider ng bawat bansa pati na ang mga ibang lider ng ahensya ng gobyerno na napasusunod na nila? Hindi! Hinding-hindi kayo kakatigan ng PANGINOONG DIYOS na ginagamit na lamang ninyo ang pangalang Iglesia ni Cristo dahil ibinaba na NILA kayo July 27, 2015 pa wala na sa inyo ang karapatang mamalagi sa Langit sa kataasan mula ng piliin ninyong magpakasama inalis na ang inyong mga pangalan sa talaan ng mga maliligtas. Ngayon ay mga naghahari-harian na lang kayo sa loob ng IGLESIA habang binubusabos ninyo, ninanakawan, kinukuha ang halos pakinabang ng mga kapatid naming mga tapat na Iglesia ni Cristo na pawang ang iba ay nasa maralita ng kalagayan. Kaya kayong nasa CENTRAL na nag-aakalang matatag na pader na hindi kayang gibain? Subalit sa DAKILANG PANGINOONG DIYOS) ibinabagsak niya ang lunsod na palalo; iginuguho niya ito sa lupa at ibinabagsak sa alabok. (Matinding lagapak at pagbagsak ang kahihinatnan ninyo na mga palalo sa CENTRAL. Dapang-dapa. Kaya ano ang nakatakdang gawin ng mga inapi ninyo, ng mga maralita?)6 Niyuyurakan ito ng mga paa – ng mga paa ng inapi – ng mga paa ng maralita. (Pahihintulutan silang lahat… na kayo naman ang kanilang yurakan. ) 7 Patag ang landas ng matuwid; O Ikaw na Banal, ikaw ang pumatag sa landas ng matuwid. 8 Oo, PANGINOON, lumalakad kami sa landas ng iyong mga utos, habang naghihintay sa iyo. Ang pangalan mo at kabantugan ang siyang mithi ng aming puso. (ang mga kapatid ninyo sa loob ng Iglesia ni Cristo…Hinirang ang pangalan ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS ang nagmimithi na mabantog at makilala na dapat na maparangalan ang pangalan ng DAKILANG AMANG BANAL at ng Panginoong Jesu-Cristo subalit inaagaw ng Ka Eduardo Manalo sapagkat sarili niyang pangalan ay itinataas at itinatanyag niya sa pagpaparangal ng mga tagasunod niya na gawin ng mga bulag na tagasunod din nila. ) 9 Sa gabi ay hinahanap-hanap ka ng aking kaluluwa; sa umaga ay pinananabikan ka ng aking espiritu. Pagdating ng mga kahatulan mo rito sa daigdig, malalaman ng tao sa mundo ang katuwiran. (narito na ang kahatulan ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS)10 Bagaman ipinakita ang pagpapala sa masama, hindi nila matutuhan ang katuwiran; kahit sa lupain ng katuwiran, patuloy sila sa paggawa ng masama, at hindi pinahahalagahan ang kadakilaan ng PANGINOON. (unawain ninyo Ka Eduardo Manalo at ng mga tagasunod mo ipinakita ang pagpapala sa inyo sa kabila na kasamaan ninyo para matutuhan ninyong piliin ang mabuti ang mga makatwirang gawa na higit na mas pinagpapala. Sa kabila na napahintulutan na lang kayo na nasa loob pa rin kayo ng Iglesia hindi ninyo pinili ang magpakabuti sa halip ginawa ninyo ang ayon pa rin sa ibig ninyo ang piliin ang masama at hindi ninyo pagpapahalaga sa Kadakilaan ng PANGINOON) 11 O PANGINOON, nakataas ang iyong kamay ngunit hindi nila ito nakikita. Bayaang makita nila ang sigasig mo para sa iyong bayan, at nang sila’y mapahiya. Bayaang sila’y tupukin ng apoy na inilaan sa iyong mga kaaway. (kaya naman nagtakda SIYA ng panahon ng inyong matinding pagkapahiya. Halos tutupukin kayo ng Apoy ng Karunungan na nakakapaso sa inyo kapag nababasa na aming hinahayag, ang masasama ninyong nagawa at ginagawa sa kasalukuyan) 12 PANGINOON, ikaw ang nagtatag ng kapayapaan para sa amin. Lahat ng aming nagampanan ay ikaw ang gumawa para sa amin. (ang mga Kapayapaang ito ay nasa hanay na lamang ng mga patuloy na nagiging tapat at naglalagak ng pag-asa sa INYO pong magagawa mahal naming DAKILANG PANGINOONG DIYOS at mahal naming Panginoong Jesu-Cristo. Sapagkat ) 13 PANGINOON naming Dios, kami ay pinagharian ng ibang mga panginoon, (ang Ka Eduardo Manalo nagsasa-panginoon na ibig makipantay sa INYO po. Subalit) ngunit ang pangalan mo lamang ang aming pinararangalan. (Hindi ang EVM)14 Sila ay patay na, (patay nasa pananampalatayang noon ang naging buhay nila) hindi na sila mabubuhay; silang mga espiritung pumanaw ay hindi na magbabangon. (patay na ang diwang Maka-PANGINOONG DIYOS at maka-Panginoong Jesu-Cristo sapagkat mas kinikilala nilang mga nabulag ang mas kilalanin ang pinakamahalagang tao para sa kanila. Hindi nila nalalaman) Pinarusahan mo sila at dinala sa pagkawasak; pinawi mong lahat ang alaala sa kanila. (Kaya tama ka po mahal naming DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo inalis MO ang kabaitan ng mga mababait at katalinuhan ng mga matatalino ng piliin nilang mas kilalaning higit pa sa IYO DAKILANG AMANG BANAL, ng Ka Eduardo Manalo na patuloy na naghahasik ng katatakutan sa mga kapatid naming Iglesia ni Cristo). 15 Pinalawak mo ang bansa, O PANGINOON; pinalawak mo ang bansa. (kinasangkapan MO po ang Sambahayan ng Juda kung saan kami ngayon nabibilang dumarami na ang nakauunawa na takot lang mga magsilantad) Nagtamo ka ng karangalan para sa iyong sarili; pinahaba mo ang mga hanggahan ng lupain. (nakatakdang palawakin MO po ang Banal na Gawaing ito kung saan ang mga tapat na Hinirang na nagtamo ng Karunungan at Kaunawaan na nalikhaan ng Banal na takot na SIYANG hinahanap MO na tunay na SAYO po na Mananamba at sa aming Panginoong Jesu-Cristo. Subalit sa hanay naman ng mga pumili na maging masama …)16 PANGINOON, dumulog sila sa iyo sa panahon ng kanilang kahirapan; nang sila’y ituwid mo, halos di sila makabulong ng dalangin. 17 Tulad ng babaing malapit nang manganak na nahihirapan at dumadaing sa sakit, gayon kami sa iyong harapan, O PANGINOON. 18 Kamiy nagdalang-tao, namilipit kami sa sakit, ngunit hangin ang aming ipinanganak. Wala kaming dinalang kaligtasan sa daigdig; hindi kami ang nagsilang sa mga tao dito sa mundo.19 Ngunit ang iyong mga patay ay mabubuhay; babangon ang kanilang mga katawan. Kayong naninirahan sa alabok, gumising kayo at sumigaw sa galak. Ang hamog ninyo ay tulad ng hamog sa umaga; iluluwal ng lupa ang kanyang mga patay. (Isang Panawagan ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS)20 Humayo kayo, aking bayan, pumasok kayo sa inyong mga silid at isara ang mga pinto niyon. Magtago kayo sandali, hanggang sa mapawi ang kanyang poot. (ang talatang ito sa aklat ng Isaias 26:21 ang Mahalagang Mensaheng ipinararating ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa mga Hinirang at sa lahat. ) 21 Tingnan ninyo, ang PANGINOON ay dumarating mula sa kanyang tirahan upang parusahan ang mga tao sa daigdig dahil sa kanilang mga kasalanan. Ilalantad ng lupa ang dugong nabubo sa kanya; hindi na niya ikukubli ang mga napatay sa kanya. (Ang talatang 21 ay napakahalaga sa mga susunod na Pahayag sa Blog ay mapag-uunawa ng lahat)
===================== ooo000O000ooo =====================
#iglesianicristo #IglesiaNiCristo #ChurchOfChrist #INCLoyaltyDay#inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM #WeareonewithGoD
#WeareonewithChrist #WeareonewithEVM #Worldwidewalkforyolandavictims