ADORATION
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ancient Rome
In classical Rome, adoration was primarily an act of homage or worship, which, among the Romans, was performed by RAISING THE HAND TO THE MOUTH, KISSING IT and then waving it in the direction of the adored object.
JOB 31:27 BSP 27 naakit ba ang aking puso sa kanila at hinalikan ko ang kamay, tanda ng pagsamba? 28 Ito’y pagkakasala ring dapat na hatulan dahil sa pagtatwa sa Diyos. Ngayon mga mahal naming mga kapatid, malinaw ang nakasulat sa Banal na Kasulatan. Magpapadala pa rin ba kayo sa nakikita ng inyong mga mata para maakit pa ang inyong mga puso na kilalanin na mabuti pa ang pinagagawa sa inyo ng Ka Eduardo Manalo? Hayag-hayagang nakikita at napapanood na ninyo. Sinu-sino ang mga nakasasaksi? Hindi ba’t kayong mga nasa Banal na Tribuna, mga Mang-aawit, mga Maytungkulin, mga Sumasamba at mga nakadalo sa mga pinangangasiwaan nilang mga Pagsamba? Kaya, hindi gawa-gawa lang ng kapatid na Elias Arkanghel para sa kasiraan ng Ka Eduardo Manalo. Kinakasangkapan lamang ang inyong abang kapatid, kaming mga Hinirang na ihayag ang masasama nilang mga gawa. Napahihintulutan lamang kami at ito ay pagsunod namin sa KANILA, sa ating DAKILANG AMANG BANAL at hindi sa kagustuhan ng tao. Mula ito sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Ang mga Kautusan NILA sa amin na nakasulat sa Banal na Kasulatan, na pawang inihayag naman at itinatawid NILA ang Mensahe sa kaparaanang hindi ninyo matanggap-tanggap, sa panaginip at pangitain na batid naman ninyo mula pa sa pasimula hanggang sa huling bahagi ng Banal na Kasulatan yan ang naging kaparaanan ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS kapag kinakausap NIYA ang KANIYANG mga Lingkod.
Mga kapatid, ang Katotohanang itinatwa ng Ka Eduardo Manalo ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS para siya ang inyo ng paniwalaan na diumano para sa kaniya ay hindi na dapat paniwalaan pa ang pana-panaginip at pangitain. Malaking kalapastangan sabihin niya ito. Kinutya niya ang Aral at Turo ng ating AMANG BANAL Sa halip ginawa pa niyang katatawanan sa harap ng kapulungan ng mga Sumasambang kapatid. Dapat na maunawaan ninyo na JOB 33: 14 Magsalita man Siya sa ibat-ibang paraan, walang makikinig sa Kanyang isasaysay. (Ito nga ang nakalulungkot may isasaysay ang ating PANGINOON, magsasalita SIYA subalit walang makikinig. SIYA ang may sabi at Paunang Pahayag NIYA hindi nila pakikinggan sa halip ipipilit nila ang ayon sa pagkaunawa nila. Kailangan bang maging batayan natin ang paniniwala ng Ka Eduardo Manalo na hindi na niya ito pinaniniwalaan? Mapipigilan ba ng Ka Eduardo Manalo ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS? Kasi nga). 15 Nagsasalita Siya sa panaginip at pangitain sa kalaliman ng gabi, pag ang tao ay mahimbing. (SIya man aminin niya sa hindi may mga ipinapanaginip sa kaniya ang PANGINOON. Totoo dahil ipinagmamalasakit din naman siya yun nga lang hindi niya maunawaan kaya para sa kaniya ay hindi na niya dapat paniwalaan pa. Habang buhay kasi ang tao mga mahal naming kapatid, ang tao ay mananaginip pa rin at may mga pangitain makikita na ang tanging PINAKAMAKAPANGYARIHAN makagagawa lamang niyan at ang may Kalooban ay ang ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS ay ginagawa NIYA yan sa mga napahihintulutan. Kaya sa bahaging ito tatanungin namin kayo, kaninong panig kayo? Sa pamamahalang kinikilala ninyo na hindi naniniwala o sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS na nagsasagawa? Bakit nga ba ginagawa ito ng ating DAKILANG AMANG BANAL lalo na sa ating panahon ngayon sa pamamagitan ng ating mahal na ating Panginoong Jesu-Cristo?) 16 Ipinauunawa Niya ang Kanyang saloobin, pinaghahari Niya ang takot sa kanilang damdamin. (Kaya naman pala. Akala na ng iba ay kami ang nananakot lang sa Ka Eduardo, yun pala talaga palang Kalooban ito ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS. Ano ba ang makatwirang dahilan NIYA kaya NIYA ginagawa ito?)17 Nagsasalita ang Diyos upang sila ay pigilin sa paggawa ng masama (may sapat pala talagang dahilan. Para ano? Ang pigilin sila sa mga ginagawa nilang masasama. At ano pa?) at sa pagmamagaling. (yung kontrahin mo ang Katotohanan para papaniwalain ng Ka Eduardo Manalo ang mga kapatid na hindi na dapat kilalanin, paniwalaan ang panaginip at pangitain yan ay katumbas na ng kaniyang pagmamagaling. Subalit ano ba ang lundo nito kung bakit ipinagmamalasakit ang lahat na maunawaan ito?) 18 Hindi nais ng Diyos na sila ay mapahamak, mula sa kamatayan, sila ay Kanyang ililigtas. (Dakilang pag-ibig, napaka-dakilang pag-ibig, pagmamahal ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS na hindi NIYA ibig na mapahamak ang sinuman. Sapagkat batid NIYA na namatay sa pitak ng inyong puso ang Katotohanang itinakwil na Aral ng Ka Eduardo, kaya naman dahil sa Pagpapahayag na ito ay muling maliligtas ang lahat sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na sa atin ngayon ay tuwirang nagtatawid ng Kaniyang Katuruan, mga Katotohanan na mula sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS)
Kaya mga mahal naming mga kapatid pag-aralan ninyo ang mga pahayag na ito. Uulitin ko, hindi ito paninirang puri sa Ka Eduardo Manalo na malabis na ninyong naitatanyag ang kaniyang pangalan, sa larawan na yan na nakikita ninyo kaninong pangalan ang napupuri at naluluwalhati ninyo diyan? Saan ang Kapurihan at Kaluwalhatian ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng Kapurihan at Kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo? Sige tumugon kayo para marining ng DAKILANG AMANG BANAL ang tinig ninyo kung yan ba ay tama pang gawin ng mga kapatid natin na nahumaling para itanyag ang pangalang EVM.
Pagmasdan ninyo ang larawang inanyuan diyan. Hindi ba’t Idolatiral na paglilingkod na yan. Paglilingkod na ninyo sa Ka Eduardo Manalo bukang bibig na lang ninyo ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ang Panginoong Jesu-Cristo. Hindi ba kayo ngayon kinikilabutan? Mainam manalangin kayo hingin ninyo sa DAKILANG AMANG BANAL natin ang marapat ninyong gawin matapos mabasa makita ang mga Pahayag sa Blog na ito ng IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG.
Batid naman namin ang mga kapatid na mga Kabataan ay hindi pa nauunawaan ang pagmamalabis ng Ka Eduardo Manalo sa paggamit sa kanila ng kaniyang autoridad kaya hindi pa nabibilang na kasalanan. Mga mahal naming kapatid, ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS ay mapanibughuin. Nananawagan SIYA para kayo ay makalaya na sa maling pamamaraan ng pangangasiwa sa inyo ng Ka Eduardo Manalo at ng kaniyang mga katuwang na Sanggunian, tagapangasiwa at mga ministro’t manggagawa na labis ng kumikilala sa kaniya. Pinalalabas na NIYA kayo hindi sa pagiging Iglesia ni Cristo. Pinalalabas na NILA kayo sa maling pamamaraan ng kanilang mga ipinag-uutos. Kaming mga naatasang magbantay sa inyo ay mamamalaging magbabantay pa rin sa inyo hanggang malubos ang aming pagsunod sa DAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo kaya mamamalaging nakamasid lamang kami para mapangalagaan ang mga pinaghaharian ng masama nilang kaisipan sa inyo. Gagawin namin ito na matyagan ang ginagawa nila laban sa inyo upang maagaw namin kayo sa kanila mga mahal naming mga kapatid. Ayaw na ayaw ng DAKILANG AMANG BANAL ang halik-halikan ninyo ang kamay ng Ka Eduardo kasabay ng paninikluhod pa ng iba. Hayag naman at kitang-kita ang matibay na patotoo. Hindi mahirap na unawain ang sinasabi ng Banal na Kasulatan kaya huwag na kayong palinlang bilang mga tapat na lingkod ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS. Ayaw ng PANGINOONG DIYOS ang pinagagawa sa inyo ng Ka Eduardo Manalo sapagkat ipagkakasala lang ninyo mga mahal naming mga kapatid na magdadala pa sa inyo sa tiyak na kahatulan kung puro pagsunod kay Ka Eduardo dahil tuwiran na ninyo itinatatwa ang ating DAKILANG AMANG BANAL sa tuwing hinahalikan ninyo ang kamay ng Ka Eduardo Manalo na tanda ng pagsamba na ninyo sa kaniya.
BAKIT MAY IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG.. SA ANONG BANAL NA KAUKULAN?
Isaias 42:1-25 NPV1“Narito ang aking lingkod na itinaas ko, ang aking hinirang na kinalulugdan. (ang katuparan ay ang ating Panginoong Jesu-Cristo mismo) Ipagkakaloob ko sa kanya ang aking Espiritu, at paiiralin niya sa lahat ng bansa ang katarungan. (ginagawa na Niya sa kasalukuyan. Siya mismo ang nagdidikta sa diwa ng kapatid ninyo mula sa Kaniyang Diwa sa patnubay ng Banal Espiritu sa Kalooban ng DAKILANG AMANG BANAL kaya naihahanay ang ganitong mga Pahayag para maisakatuparan ang Kaniyang pagpapairal ng Katarungan sa lahat ng bansa)2 Hindi siya sisigaw o mambubulyaw, o magtataas ng kanyang tinig sa mga lansangan. 3 Hindi niya babaliin kahit dapok na tambo, at hindi papatayin kahit ang aandap-andap na liwanag. Sa katapatan ay paiiralin niya ang katarungan; 4 hindi siya magkakamali ni masisiraan ng loob hanggang sa mapaghari niya ang katarungan sa daigdig. Ang mga bansa ay maglalagak ng kanilang tiwala sa kanyang mga kautusan.” (mga Banal na Kautusan na napakahalaga na itinataguyod naming mga Iglesia ni Cristo…Hinirang. Mga Kautusan ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo)5 Ito ang sinasabi ng Dios na PANGINOON, Siya na lumalang ng kalangitan at naglatag niyon, Siya na nagladlad sa daigdig at sa lahat ng naroon, Siya na nagbibigay ng hininga sa kanyang bayan, (Ang Bayang Hinirang na inaari NIYANG ganap, yan ang Iglesia ni Cristo sa ating yugto ng panahon at ang Panginoong Jesu-Cristo ang pinakatampok sa pangalang tinawag ng DAKIKLANG PANGINOON na “Hinirang”. Kaya pinili kong tawagin ng ibigay NILA ang Kapahintulutan sa akin na pumili ng bagong pangalan. “IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG” Hindi ko itinanyag ang sarili kong kagustuhan na pumili ng sariling pangalan kundi ang pangalang magbibigay Karangalan, Kapurihan at Kaluwalhatian pa rin ng ating PINAKAMAKAPANGYARIHANG DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo ) at nagbibigay ng buhay sa mga lumalakad doon: (Kaya napakapalad ng kumikilala, lumalakad sa Banal NILANG Gawaing ito na aming itinataguyod na magbibigay ng buhay ng tiyak na Kaligtasan. Kaya nga ang Kahalalan ay ipinagkaloob naman NILA na nasa loob ng Katawan ng Panginoong Jesu-Cristo na Kaniyang Iglesia. Tunay na naroroon naman ang napahihintulutang naatasan naman NILA na gagawa ng KANILANG Kalooban. Ang tumanggap ng Pangako ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS na KANIYANG iingatan at hinding-hindi NIYA pababayaan kasamang magtatamo nito pati na ang mga kinalulugdan NILANG mga Piling Hinirang. Ang katunayan may bilin sa kinauukulan) 6 “Ako, ang PANGINOON, ang tumawag sa iyo sa katuwiran; hahawakan ko ang iyong kamay. Iingatan kita at gagawing isang tipan para sa mga tao, at liwanag para sa mga Gentil, (hindi na ang mga lihitimong mga Hentil na pinatutungkulan, kundi mga Hentil na sa pangako sa Espiritual na paglilingkod sa yugto na ng ating Panahon, sa mga Huling Araw. Bakit may paghahalal? Ano ang Banal na kaukulan?) 7 upang idilat ang mga mata ng bulag, palayain ang mga nabihag at ilabas sa kulungan ang mga nakaupo sa kadiliman. (Ito ang ginagawa ng Panginoong Jesu-Cristo ngayon na nasa Langit na nagdidikta sa diwa ng Piling Lingkod Niya na gumagawa ng Kaniyang Kalooban na Kalooban ng ating DAKILANG AMANG BANAL.)8 “Ako ang PANGINOON; ito ang aking pangalan! Hindi ko ibibigay sa iba ang aking kaluwalhatian o ang aking kapurihan sa mga dios-diosan. (Kaya sinasaway na dito kayong mga malabis na nagbibigay parangal kay Ka Eduardo Manalo. Hindi NIYA ibibigay ang kaluwalhatian at kapurihan na inaagaw na niya para mapangiti niyo lamang siya. Yung pagpapahalik niya sa kaniyang kamay ay tanda na ng pagsamba sa kaniya at pagtatatwa naman sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS. Kaya siya na ang pinatutungkulang dios-diosan diyan, ang Ka Eduardo Manalo. Kung susunod kayo sa ipinag-uutos ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS na hindi na ninyo siyang hahalikan pa sa kamay, hindi na rin ninyo ilalagay ang pangalan niya na may pagpaparangal ng labis at gagawan pa ng mga imahe na para sa inyo ay ikasisiya ng Ka Eduardo ngunit hindi nalulugod ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS, kung hindi na kayo makikiayon o makikisimpatya sa pinagagawa niya, ay katumbas na ng pagpapalaya sa inyong lahat, pagpapadilat ng inyong mga mata na nabulag sa maling pagkakilala pa sa Ka Eduardo Manalo.) 9 Tingnan mo, naganap na ang mga dating bagay, (Nangyari na rin noon yan at muling naulit na naman) at ipinapahayag ko ang mga bagong bagay. (Kaya naman may mga bagong ganitong Pahayag na ipinagpauna naman. Katunayan) Bago sila sumipot sa kanilang kalagayan ay ipinapahayag ko na sa inyo.” 10 umawit kayo ng bagong awitin sa PANGINOON, ng papuri sa kanya mula sa mga dulo ng daigdig, (panawagan mula sa apat na sulok ng daigdig na sumasagisag sa North East, West, South kaya binanggit “mula sa mga dulo ng daigdig”) kayo na lumulusong sa dagat, at lahat ng naroon, kayong mga pulo, at lahat ng naninirahan sa inyo.
Nagmamalasakit lamang kami sa inyo mga mahal naming mga kapatid. Sapagkat lagi ninyong inaakala na kami ay mga tiwalag, kabilang sa itinuring na ninyong kaaway subalit ang totoo lihitimo pa kaming mga kakapatid ninyo sa Iglesia ni Cristo at masisiglang ka-Maytungkulin ninyo pa ang iba sa amin. Pinili ng DAKILANG AMANG BANAL at ng Panginoong Jesu-Cristo ang hanay naming mga Iglesia ni Cristo…Hinirang, na pawang mga pangkaraniwang kapatid lamang subalit pinahiram NILA ng KANILANG Karunungan upang hiyain ang mga marurunong, ang mga nalalaman nila na nagpabago sa kaanyuan ng Katotohanan. Sapagkat pinili na nilang parangalan ang Ka Eduardo Manalo na nagligaw sa kanila sa maling pagkaunawa. Kaya bilang pagmamalasakit at pagmamahal ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa inyong lahat, sa pamamagitan naman ng Panginoong Jesu-Cristo sa patnubay ng Banal na Espiritu ay hinihikayat namin kayong lahat na lumabas na sa maling pagkilala kay Ka Eduardo Manalo. Hindi namin kayo inuutusan na lumabas sa Iglesia ni Cristo na tanging may kaligtasan kundi sa mali na nilang pangangasiwa sa Kawan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Lumabis na sila sa kalasingan sa paggamit ng kanilang kapangyarihan. Kung magpapatuloy pa siyang kilanlin sa kabila ng mga hinayag ng Katotohanan ay pinili na ninyong siya ay sambahin at itatwa ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS natin. Subalit kung pakikinggan naman ninyo ang Tinig ng Panginoong Jesu-Cristo na nag-uutos sa akin, ay pinili ninyong maingatan pa ang pananampalataya ninyo na naghahangad ng kaligtasan. Ang mabuting kapalaran naman ninyo ay makasama ang ating mahal na DAKILANG AMANG BANAL at ang ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo sa Dakong Banal na iginagayak na NILA na ating patutunguhan para panirahan ng mga Banal ang Bayan NILA na sa atin ay inilalaan kung saan paghaharian NILA tayo magpakailan-kailanman. Ang inyong abang kapatid na napag-uutusan lamang at napahintulutan na kayo’y pagmalasakitan namin mga Ka Hinirang ay magpapatuloy na maghahatid sa inyo ng mga Pahayag na iniudyok ng Banal na Espiritu para sa KANILANG Kapurihan, Kadakilaan at Kaluwalhatian ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo –
Elias Arkanghel S09232018PT1259
===================== ooo000O000ooo =====================
Huwag ninyong hayaan mga mahal naming kapatid na nagagawa ng sambahin ang Ka Eduardo ng mga pumapayag na kilalanin nila ang pagpapahalik ng Ka Eduardo Manalo sa kaniyang kamay ay tanda lang ng paggalang sa kaniya. Itinatanyag na niya ang kaniyang sarili ng hayaan niyang ang kaniyang pangalan ay makitang namamayagpag sa loob pa mismo ng Gusaling Sambahan o Kapilya na ipinagbubunyi ng mga kapatid para parangalan at luwalhatiin siya. Ipamahagi ninyo ang mga Katotohanang ito para masagip natin ang mga kapatid nating Iglesia ni Cristo. – Elias Arkanghel
#iglesianicristo #IglesiaNiCristo #ChurchOfChrist #INCLoyaltyDay#inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM #WeareonewithGoD
#WeareonewithChrist #WeareonewithEVM #Worldwidewalkforyolandavictims