MENSAHERA NG PANGINOON : Mahal naming Ka Elias Arkanghel ang iyong ipinaglalambing na malaman ay ito po ang tugon ng Amang Banal sa pamamagitan ng Mahal na Panginoong Jesu-Cristo. Narinig ko po sinabi ng Amang Banal “Oo pakisabi sa Kaniya sa Aking Pinili na Sugong Propeta na sa tuwing magpapahayag Siya, Ako ay sumasakanya”. “Ang Banal Kong Kapangyarihan lumulukob sa Kanya”. “Kaya sa tuwing magpapahayag Siya ng Aking mga Banal na mga Salita, ay Ako ang nangungusap noon”. “Mula sa Akin ang lahat Niyang ipinapahayag”. Mahal naming Ka Elias Arkanghel iyan po ang tugon ng Amang Banal na ating Dakilang Panginoong Diyos
Elias Arkanghel : Tapat ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS na nangako kaya panatag ako na SILA nga ang nangungusap sa akin. SIYA at ang ating Panginoong Jesu-Cristo .. Maraming-maraming salamat mahal kong kapatid.
MENSAHERA NG PANGINOON : Opo Mahal naming Ka Elias Arkanghel tama po Kayo. Noong nagsusuri pa lang po ako sa Inyong mga pahayag po, ay ito po kaagad ang nasabi ko. Hindi ito magagawa ng isang ordinaryong tao lamang kung walang gabay mula sa Panginoong Diyos at sa Panginoong Jesu-Cristo. Iyan po kaagad nasabi ko dahil ramdam na ramdam ko po ang Kapangyarihan ng Dakilang Panginoong Diyos na sumasaiyo po habang nagbabasa po ako ng Inyong mga pahayag po. At laking pasasalamat ko po sa Kanila kinahabagan po ako Mahal naming Ka Elias Arkanghel naunawaan ko po ang mga itinuro ng Kanilang Pinili na Sugong Propeta.
Elias Arkanghel : Tama lang na sa KANILA natin laging napatutungkol ang Kapurihan, Kadakilaan, Karangalan at Kaluwalhatian. Masayang-masaya tayo ay KANILANG napahihintulutan lamang. Lagi tayong maging mapagpasalamat sa ating Mahal na DAKILANG AMANG BANAL at sa ating Mahal na Panginoong Jesu-Cristo.
MENSAHERA NG PANGINOON : Mahal naming Ka Elias Arkanghel naipaabot ko na po sa Kanila ang taos puso po Ninyong pasasalamat at Ito ang tugon ng Dakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Mahal na Panginoong Jesu-Cristo “Aking anak, pakisabi sa Aking anak na Iyan” kayo po ang tinutukoy ng Amang Banal Mahal naming Ka Elias Arkanghel. “Pakisabi maraming salamat sa Kanyang laging pagmamalasakit sa Aking Iglesia na itinayo ng Aking anak, na Inyong Panginoong Jesu-Cristo”. “Pakisabi maraming salamat sa Kanya napakabait ng Anak KO na iyan”. “Wala Akong sinabi sa Kanya na hindi Niya sinusunod”. “Kaya pakisabi Mahal na Mahal Ko Siya” Mahal naming Ka Elias Arkanghel iyan po ang ipinaabot ng Amang Banal sa Inyo pong pasasalamat sa Kanila.
(Habang ginagawa ko ito 4:45 AM October 13, 2018 kasalukuyan na sanang ilalathala biglang nagbilin ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo sa KANIYANG Mensahera ganito ang pagkakasabi: Kapatid na Elias Arkanghel ipinauunawa sa akin ng Amang Mahal na DAKILANG PANGINOONG DIYOS na ikaw ang may pagsubok na 45 days … Hindi pa napapanahon na magpakilala … )
Elias Arkanghel : Salamat mahal kong kapatid naluha din ako ng sabihin NILA ito sa akin. Alam NILA na sobrang mahal na mahal ko rin SILA kaya nga ibig kong maibalik ng mga tao ang lahat ng matapat na Pagsamba, Pagkilala, Pagpupuri at Pagluwalhati sa KANILA na yun naman talaga ang nararapat. DAKILA ang Pag-ibig NILA at pagmamahal sa ating lahat, maging sa lahat ng tao kaya naman ibig din naman NILANG maligtas ang lahat ng taong umiibig sa KANILA. Matuto lang kilalanin ng mga nagkasala ang mga nagawang pinsala nila sa tao. Alam kong diringgin ang sinuman sa mga may nagawang pagkakasala, gaano man katindi ang kasamaan, kabigat man o magaan subalit marubdob at tapat ang kanilang pagsisisi. Yan ang tuwirang panalangin na gagawin nila sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Kaaawaan NILA sila! Subalit sa mga kilalang persona na tuwirang nagsalita ng pagtanggi na lumikha ng katitisuran sa mga kapatid, sa mga nagsalita na pampublikong pagpapahayag na pilit na pinasunod sa masama nilang nasa, ngunit ibig ng manumbalik sa PANGINOON ay gayundin ang kanilang gagawin na aminin nila sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa Panginoong Jesu-Cristo na pampubliko rin nilang ipapahayag sa karamihan ang nagawa nilang mga pagkakamaling nagawa. Pagkatapos ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS na ang maglalapat bilang Tapat na Hukom na SIYA ang marapat na pagpapasya matapos NIYANG makita ang kahayagan ng kanilang tapatang pagbabalik-loob at tapatang pagsisisi. – Elias Arkanghel
MENSAHERA NG PANGINOON : Opo Mahal naming Ka Elias Arkanghel iyan lang po ang hinihintay ng Mahal na Dakilang Panginoong Diyos ang kilalanin ang anumang pagkakasala po. Kahit gaano pa Ito karumi handa lagi ang Amang Banal na magpatawad po sa lahat ng mga nagkasala po. Maraming salamat po Mahal naming Ka Elias Arkanghel sa iyong binahagi po na pahayag.
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#iglesianicristo #IglesiaNiCristo #ChurchOfChrist #INCLoyaltyDay#inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya#Pagasa_#Pagibig#DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap#SolidongPananampalataya#KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual#MasaganangPagbubunga#PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101#DoblehinAngPagsisikap#INC#Maytungkulin#INC4ever#IamTheOneWithEVM#WeareonewithGoD #WeareonewithChrist#WeareonewithEVM#Worldwidewalkforyolandavictims #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #onewithevm #accessthetruth #iglesianicristoblogspot #mandirigma #spiritualwarriors #arneltumanan #babylynmanalo #jojodeguzman #TJOrosa #GPSantos #SergieSantos #AnnieSantos #incradio #angelomanalo #churchofchrist #Johncollado #orthodoxpriest #angelmanalo #lottiehemedez #36tandangsora #sirkular #circular #proudtobeINC #aidtohumanity #inc #lingappamamahayag #lingapsamamamayan #incinafrica #stampedeinafrica #venerationforevm #evmministers #felixvillocino #dannypatungan #farleydecastro #rodrigoduterte #jameswhite #joeventilacion #incfakepriest #incfakenun #nonoponce #newsanjosebuilders #joseacuzar #nureauofcustoms #teddyraval #dollytoledo #mandirigmanomore #episode2 #thepawnnameddolly #justiceforlitofruto #litofruto #incwhistleblowersreport #sherlock #thetakingofroviccanono#violieedrosalan #roviccanono #bairanfamily #australiasilentnomore #mandirigmanomore #maribelmetano #spiritualbusinessmen #rommelsanpedro #regaladodelosreyes #isaiassamsonjr