WAWASAKIN NG DAKILANG PANGINOON DIYOS ANG TEMPLO CENTRAL SA NO. 1 NEW ERA, LUNGSOD NG QUEZON CITY, PHILIPPINES, 1100, SA KADAHILANANG PINAMUMUGARAN NA NG SUWAIL AT NG MGA MASASAMA NA LUMABIS NA SA PAMIMINSALA SA KABANALAN NG IGLESIA NI CRISTO AT PAGSASAMANTALA SA MGA KAANIB NITO. PARA SA IKALILIKHA NG BANAL NA TAKOT NG LAHAT. KAYA SA OCTOBER 22, 12:00 PM PAGDAGSA NG UWAK, OCTOBER 24, 12:00 PM PAGDAGSA NG BUBUYOG AT AHAS, OCTOBER 26, 12:00 PM PAGDAGSA NG BALANG, OCTOBER 27,28,29 TATLONG ARAW NA PAGDILIM NG KALANGITAN BUONG ARAW, AT SA OCTOBER 30 5:00 AM, 7:00 AM, 9:00 AM, PAGTUNOG NG TRUMPETA SA LANGIT, AT PAGSAPIT NG 12:00 PM, ANG TINIG NG DAKILANG PANGINOONG DIYOS MARIRINIG SA BUONG DAIGDIG ISANG DUMADAGUNDONG NA KULOG, KAALINSABAY NG ISANG MATALIM NA KIDLAT NA MAGBABABA NG APOY NG KAGALITAN NG DAKILANG PANGINOONG DIYOS NA TUTUPOK SA TEMPLO CENTRAL SA LOOB LAMANG NG ISANG ORAS HABANG NIYAYANIG ANG BUONG DAIGDIG. ANG MGA KAHILINGAN KONG ITO AY PINAGTIBAY AT TINUGON LAHAT NG AMANG BANAL DAKILANG PANGINOONG DIYOS, SA PAMAMAGITAN NG PANGINOONG JESU-CRISTO. – Elias Arkanghel
DAPAT NA MAUNAWAAN KUNG BAKIT NAUDYUKAN ANG KAPATID NA ELIAS ARKANGHEL NA HUMILING NG MGA KAGANAPAN PARA MAISAKATUPARAN ANG KANILANG BANAL NA KALOOBAN.
Jeremias 6: 14-19 MB 14 Hindi nila pansin ang kahirapan ng aking bayan; (sa ating panahon ito ang hindi na napag-uunawa ng mga nangangasiwa sa Templo Central. Halos ginagawa nilang laging abala ang mga kakapatid sa Iglesia ni Cristo para sa kanilang mga itinatakdang aktibidad. Mga gawaing wala ng katapusan at kapagurang ipinatutupad sa mga kapatid na hindi na makita ang anyo ng kabanalan nito. Ginagawa na lamang nila ito sa mga Lokal para mapangiti na lamang nila ang Ka Eduardo Manalo sa mga resulta ng mga ipinanunukala nilang mga aktibidad na may lihim na agenda na para na lamang sa pansariling kapakinabangan na lamang nila) anila,’Payapa na,’ (Lumikha kasi ng mga katatakutan ng mga kapatid para huwag masilip ang mga katiwaliang nagaganap na nahahayag sa social media. Kaya ganun na lamang ang kanilang mga pagbabawal sa mga kapatid na magbasa ng magbasa ng mga Pahayag na laban sa kanila. Kaya sunud-sunuran na lang ang mga kapatid sa pagmamanipula ng mga mga ministro at manggagawang nakasasakop sa kanila. Kaya napasisinungalingan na lamang nila na payapa pa ang lahat gamit ang Banal na Tribuna sa panahong nagtuturo sila sa mga Pagsamba. Subalit ang totoo) ngunit wala namang katiwasayan. (wala na talagang kapayapaan, pawang kaguluhan, pagmamalupit, pagpapalalo, paninikil at pangangamkam ang tuwirang nagagawa ng Ka Eduardo Manalo at ng mga tapat niyang ministro na nagtataguyod ng kanilang tinitindigang kautusan na Obey and Obey, No Complain kung sa kaniyang pagiging pamamahala nagmumula mga kautusan. Kaya lang ang mga kapatid ay nakakahalata na. Usap-usapan na ang mga pagbabagong hindi na maatim na sundin pa ng iba subalit hindi kabawasan sa kanila na maitiwalag pa nila dahil inaalis nga nila ang mga magiging hadlang sa kanila. Kaya lang ang tanong) 15 nahihiya baga sila sa ginawa nilang kalikuan? Hindi na sila tinatablan ng hiya, makapal na ang kanilang mukha. (Tanong na naroon na rin ang sagot ng Banal na Kasulatan. Ipinamumukha na hindi na sila nahihiya sa kanilang mga kalikuan. Kahit na pinagwiwikaan na sila ng mga nakakikilala sa kanila hindi na sila tinatablan ng hiya dahil sa kakapalan na rin ng kanilang mga mukha. Kung kaya isasangguni natin sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS na SIYANG Tapat na Hukom sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa patuloy na mga paglalapastangan sa Banal na Iglesia ni Cristo ay ano ang kahihinatnan nila? Ano ang hatol ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa kanila Ka Eduardo Manalo? Basahin natin ang karugtong na talata ng Banal na Kasulatan) Kaya’t sila’y babagsak, katulad ng iba. Ito na ang kanilang wakas, pag sila’y aking pinarusahan, akong si Yahweh ang nagsabi nito.” (tiniyak ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS ang magiging kapalaran nila. Lalo na nga nagpapakataas-taas pa ng lipad pa sa mga pamumusong nila na wari abot langit na nga ang nararating nila sa sobrang pagkapalalo nila. Kung ano ang lider ay ganun na rin ang mga nasasakupan nila. Ang hatol na ito ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa mga nanggulo sa KANIYANG ubasan, na nagpangalat ng KANILANG mga Hinirang ang may sabi na ibabagsak na sila ng ating DAKILANG AMANG BANAL. Pansinin ninyo mga mahal kong kapatid kung gaano kabait ang ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS ginawan man na SIYA ng kasamaan at kalikuan ay ipinagmamalasakit pa rin NIYA. Kahayagan lang na Tunay na pagmamahal at Pagmamalasakit ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang umiiral pa rin, kaya)16 Sinabi ni Yahweh sa kanyang bayan: “Tumayo kayo sa panulukang-daan at magmasid; hanapin ninyo ang dating landas, alamin kung nasaan ang pinakamabuting daan. Doon kayo lumakad, at magtatamo kayo ng kapayapaan.” (Hangad pa rin ng ating DAKILANG AMANG BANAL na mapabuti sila at magtamo ng kapayapaan. Batid NIYA na nangaligaw na sila mula sa Daan ng Kaligtasan at ngayon ay nasa daan na ng kapahamakan. Nililigalig na sila ng kanilang mga kalituhan dahil sa nagawang mga masasama. Kaya ipinaaalam pa rin sa kanila ang pinakamabuting daan. Nagpapahayag SIYA ng pagmamalasakit na hanapin ang dating landas na kanilang kinaroroonan) Subalit ang sabi nila, “Ayaw naming dumaan doon.” (Pinagsusumikapan ng DAKILANG AMANG BANAL sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na sila ay kumbinsihin pa rin ng panunumbalik-loob sa KANIYA at sa KANIYANG mahal na Anak na ating Panginoong Jesu-Cristo. Lamang, hayag ang katigasan ng kanilang loob.) 17 Kaya’t si Yahweh ay humirang ng mga bantay (mga itinalagang Bantay. Para saan at ano?) upang marinig ng Israel ang tunog ng kanilang trompeta. (tunog ng Trumpeta na KANILANG panawagan mula sa mga Pahayag na mababasa at maririnig ) Ngunit sabi nila, “Hindi namin iyon pakikinggan.” (Dito na dumarating ang KANIYANG Pagpapasyang malikhaan na ng Banal na Takot ang lahat.) 18 Dahil dito, sinabi ni Yahweh: “Makinig kayo, mga bansa, nang malaman ninyo ang mangyayari sa sarili kong bayan. ( Sariling Bayan hindi ibang bayan, na ang mga naghahari dito ay nasa dako ng Templo Central kung saan nagpupulong-pulong na magkakasama ang lider nila na Suwail at ang mga kumikilala sa kaniya na nagtaas ng Katampalasanang Walang Kapantay sa loob ng Iglesia ni Cristo na sumira at nagtakwil sa Banal na Kasunduan na dapat umiiral. Pansinin ninyo mga mahal kong kapatid pandaigdigang panawagan na ito sa lahat ng mga kapatid kong Iglesia ni Cristo kaya ang sabi “Makinig kayo, mga bansa. Sino pa?) 19 Makinig ang buong sanlibutan! ( pati na ang mga hindi kapananampalataya ay KANIYANG tinatawagan na ng pansin. Kaya pala kung bakit sa October 30, 2018 ang panawagan ay Pandaigdigang Pagyanig ang magaganap na tila tinatawagan ng pansin ang mga bansa. Para ano? Malaman ang mangyayari sa sarili NIYANG Bayan. Ano ang tinitiyak na mangyayari sa kanila? Sa tinatawag NIYA na sarili NIYANG bayan? ) Ang mga taong ito’y mapapahamak at iyon ang nararapat sa kanila, (Kaya mga mahal kong kapatid na nasa loob ng Templo Central nagpasya na ang ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo magsilabas na kayo diyan sa loob ng Templo Central sa araw na naitakda na. Iguguho na ang Templo Central ang makabagong dakilang Babilonia na sumasagisag sa Lupa, sa yugto ng ating panahon na kinaroroonan ng maraming patay na ang pananampalataya, na pinaghaharian ng masasamang kaisipan ng Suwail. Dati ang Central ay sumasagisag sa Jerusalem na kinaroroonan ng mga mabubuting Tagapamahala sa ating panahon, na Langit kung ituring na kinaroroonan ng mga tapat na sumasampalataya. Lamang ginulo rin ng Suwail at ng mga kasa-kasama nito ang mabuting pananampalataya ng mga kaanib sa loob ng Iglesia ni Cristo. Itinanyag ng Ka Eduardo Manalo ang kaniyang sarili na halos mamayagpag ang mga malalaki niyang larawan at pangalan sa mga Lokal na tuwirang inaagaw niya ang Kapurihan at Kaluwalhatian na para sa DAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa Panginoong Jesu-Cristo lamang. Kaya lumala na ang kanilang mga nagagawang pinsala at kasiraan hanggang pagmalabisan nila ang mga kapatid sa Iglesia ni Cristo sa halip kalituhan, kaguluhan at walang kapayapaan ang mga dumarating sa kanila. Kung bakit?) pagkat hindi nila tinalima ang mga salita ko, bagkus itinakwil nila ang aking kautusan.
KAYA IIRAL PA ANG ESPIRITUAL NA PAGHUHUKOM .. BAGO ANG LITERAL NA PAGHUHUKOM… MAGAGANAP PA ANG PAGSASAAYOS NG LAHAT NG BAGAY HANGGANG SA MAPANAULI SA KALUGUD-LUGOD SA HARAP NG ATING DAKILANG PANGINOONG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG PANGINOONG JESU-CRISTO. MAIHARAP ITO SA KANIYANG MARANGAL NA KALAGAYAN NA KUNG NGAYON ANG SINASABI NILANG PAGHUHUKOM AY HINDI PA PAPARITO ANG PANGINOONG JESU-CRISTO. SAPAGKAT WALANG MAKATATAYO SINUMAN PARA SABIHIN NIYANG KARAPAT-DAPAT NA SIYA SA KALIGTASAN NA MAKASAMA SA BAYANG BANAL.
Efeso 5: 26-27 MB 26 Ginawa niya ito upang banalin ang iglesya at linisin sa pamamagitan ng tubig at ng salita, 27 at iharap ito sa kanyang sarili na isang nagniningning na iglesya, walang batik o kulubot o anumang dungis, kundi banal at walang kapintasan.
MGA DEREKTANG KAHILINGANG PINAGTIBAY AT TINUGON NG DAKILANG PANGINOONG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG PANGINOONG JESU-CRISTO BAGO ANG TAKDANG ARAW NG OCTOBER 30, 2018 SA GANAP NA IKALABINDALAWA NG KATANGHALIANG TAPAT. MGA KAHILINGAN NA PINAGING DAPAT LAMANG SUBALIT ANG LAHAT NG KAPURIHAN, KARANGALAN, KATANYAGAN, KALUWALHATIAN AT KADAKILAAN AY PARA SA KANILA LAMANG. AKO’Y ABANG LINGKOD LAMANG NA KANILANG NAPAHINTULUTAN AT NG MENSAHERANG KANILANG KINASANGKAPAN. – Elias Arkanghel S10212018PT152
Elias Arkanghel : OCTOBER 22, 2018 (Lunes) sa oras na (12:00 PM) alas dose ng katanghaliang tapat DAKILANG AMANG BANAL sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo hinihiling ko po, sa IYO pong Kapahintulutan sa araw at oras na yan ay dagsain ng napakaraming uwak ang TEMPLO CENTRAL.
Mensahera ng PANGINOON : Mahal na Ka Elias Arkanghel ang iyong kahilingan sa araw ng October 22 sa oras na ika-labindalawa ng tanghaling tapat (12:00 PM) ay tinugon po ng ating Mahal na Dakilang Panginoong Diyos. Ipinauunawa po NIYA “sabihin mo sa aking Piniling Sugong Propeta tinugon KO ang Kaniyang kahilingan”. sa araw at oras na yan ang Templo Central ay dadagsain ng napakaraming uwak. Lahat ng makakita ay manggigilalas sa takot.
Elias Arkanghel : (Nagpahayag ng Pagpupuri , Pagdakila at Pagpapasalamat)
Elias Arkanghel : OCTOBER 24, 2018 (Mierkules) sa oras na (12:00 PM) alas dose ng katanghaliang tapat, DAKILANG AMANG BANAL sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo hinihiling ko po (unang nabanggit ang mga ahas), sa IYO pong Kapahintulutan sa araw at oras na yan ay dagsain ng napakaraming bubuyog ang TEMPLO CENTRAL.
Mensahera ng PANGINOON : Yun pong kahilingan po ninyo para po sa October 24 po tinugon po ng ating Mahal na Dakilang Panginoong Diyos. Ipinauunawa po NIYA. “Aking anak, narinig Ko ang kaniyang kahilingan noong una sinabi niya mga ahas ang dadagsa, sumunod sinabi niya ay bubuyog ito ang tugon ko sa kaniyang kahilingan sa October 24, dadagsa ang napakaraming mga ahas sa Templo Central at mga bubuyog”. Yun po ang makikita ng mga tao na ang bawat makakakita nito ay manggigilalas at matatakot sila…
Elias Arkanghel : (Nagpahayag ng Pagpupuri , Pagdakila at Pagpapasalamat)
Elias Arkanghel : OCTOBER 26, 2018 (Biernes) sa oras na (12:00 PM) alas dose ng katanghaliang tapat DAKILANG AMANG BANAL sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo hinihiling ko po sa IYO pong Kapahintulutan sa araw at oras na yan ay dagsain ng napakaraming balang ang TEMPLO CENTRAL.
Mensahera ng PANGINOON : Mahal naming Ka Elias Arkanghel, ang tugon po ng ating Mahal na Dakilang Panginoong Diyos. Ipinauunawa po NIYA ang inyong kahilingan sa October 26 po dadagsa po ang napakaraming balang po sa loob po ng Templo Central sa ganap na alas dose at ganundin po ang bawat makakakita ay manggigilalas at matatakot po.
Elias Arkanghel : (Nagpahayag ng Pagpupuri , Pagdakila at Pagpapasalamat)
Elias Arkanghel : Ang kahilingan ko po DAKILANG AMANG BANAL sa pamamagitan po ng Panginoong Jesu-Cristo sa OCTOBER 27, 28, 29 sa loob ng tatlong araw magdidilim ang buong daigdig. para maalarma ang lahat ng tao sa buong mundo upang lumikha ito ng Banal na takot sa lahat. Buong araw na magdidilim walang sisilay na sikat ng araw na natatakpan ng makapal na ulap ang buong daigdig.
Mensahera ng PANGINOON : Ka Elias Arkanghel yung kahilingan niyo po patungkol sa October 27, 28, at saka 29 muling tinugon ng Amang Mahal na Dakilang Panginoong Diyos. Ipinauunawa po sa October 27, 28 at sa 29 magdidilim ang buong daigdig. Ang pagdidilim po na yun ang magiging palatandaan na magaganap sa October 30 ang isang pandaigdigang pagyanig, paglindol po. Walang matinding mapipinsala maliban sa Templo Central.
Elias Arkanghel : (Nagpahayag ng Pagpupuri , Pagdakila at Pagpapasalamat)
Elias Arkanghel : DAKILANG AMANG BANAL ang kahilingan ko po sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo sa October 30, 2018 araw ng Martes sa oras na ika- 5:00 ng umaga pagtunog ng Trumpeta mula sa Langit na maririnig ng buong daigdig, gayun din po sa oras na ika-7:00 ng umaga pagtunog ng Trumpeta mula sa Langit na maririnig ng buong daigdig at sa oras na ika- 9:00 ng umaga pagtunog rin ng Trumpeta mula sa Langit na maririnig ng buong daigdig.
Mensahera ng PANGINOON : Mahal na Ka Elias Arkanghel ito po ang tugon sayong kahilingan ng Amang Mahal na Dakilang Panginoong Diyos “sa mga oras na yan sa ganap na alas singko ng umaga (5AM), alas siete ng umaga 7(AM at alas nueve ng umaga (9 AM), oras sa Pilipinas, tutunog ang malakas na trumpeta sa mga oras na yun.”
Elias Arkanghel : (Nagpahayag ng Pagpupuri , Pagdakila at Pagpapasalamat)
Elias Arkanghel : DAKILANG AMANG BANAL mayroon pa po akong kahilingan para po sa October 30 sa oras na alas dose ng tanghaling tapat (12:00 PM), ang IYO pong hudyat bago MO po isagawa ay marinig po sa buong daigdig ang napakalakas na Kulog na halos dumadagundong sa apat na sulok ng daigdig ang Makapangyarihan MO pong Tinig DAKILANG AMANG BANAL sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo ay maririnig ng lahat at kaalinsabay nito ang isang humahaginit na napakalakas na kidlat mula sa Langit na bumababa ang apoy na tatama po sa Templo CENTRAL na magiging sanhi ng pagliyab at pagkasunog nito habang nararamdaman naman po sa buong daigdig ang ginagawa MO pong pagyanig.
Mensahera ng PANGINOON : Mahal na Ka Elias Arkanghel Patungkol po sa inyong kahilingan po, October 30 po, bago maganap ang pagyanig sa buong daigdig ay tinugon po ng Amang Mahal na Dakilang Panginoong Diyos po ang iyo pong kahilingan. Ipinauunawa po sa October 30, “sabihin mo sa Aking Pinili na Sugong Propeta na Aking yayanigin ang buong daigdig at maririnig ang Aking Tinig bilang hudyat sa pamamagitan ng isang napakalakas na kulog at kaalinsabay ng napakalakas na kidlat tatama sa Templo Central.” Yan po ang tugon ng Amang Mahal na Dakilang Panginoong Diyos. Pinakita Niya po sa akin ang kidlat na tatama po sa harapan ng Templo Central na nagliliyab.
Elias Arkanghel : Doon na matutupad ang nasa Apocalipsis 18:1-24 mga Paunang Pahayag at ang nasa Mateo 24:1 at 2 na Paunang Pahayag ng Panginoong Jesu-Cristo ang Kaniyang Propesiya na napatutungkol sa Jerusalem sa Espiritual na paglilingkod na sa ating yugto ng panahon ang kaganapan.
(Nagpahayag ng Pagpupuri , Pagdakila at Pagpapasalamat. Isinamo sa panalangin at ipinaglambing ang kapulungan ng mga Ka Hinirang at ang mga mahal sa buhay ng lahat ng mga Ka Hinirang. Ang lahat ng kapatid sa Iglesia ni Cristo ay kaawaan pa at kahabagan. At ang lahat ng mga taong ibig pa NILANG maligtas kasamang lahat ay naging bahagi ng panalangin na maingatan, nababakuran ng mga Anghel na ipadadala sa bawat isa sa mga araw at oras ng kaganapan.)
Elias Arkanghel : Salamat po DAKILANG AMANG BANAL sa Kapahintulutan MO po sa pamamagitan ng aming mahal na Panginoong Jesu-Cristo muli NINYO pong tinugon ang kahilingan ng INYO pong abang lingkod para malikhaan ng Banal na takot ang mga tao at muling magbalik ng pagkakilala po sa IYO. Yan po ang ibig at kahilingan ng IYO pong abang lingkod na magkaroon at likhaan nga po ng Banal na takot ang lahat ng mga tao at kilalanin ang Pagsusugo MO sa aming Panginoong Jesu-Cristo na Siya MO pong Dakilang Anak na ginawa MO pong aming maging Panginoon, (Gawa 2:36 MB 36 Kaya’t dapat malaman ng buong Israel na itong si Jesus na ipinako ninyo sa krus-siya ang ginawa ng Diyos na Panginoon at Cristo! ) Tagapagligtas, ( I Juan 4 MB 14 Nakita namin at pinatotohanang sinugo ng Ama ang kanyang Anak bilang Tagapagligtas ng sanlibutan.) at ipinag-uutos na Siya ay aming Sambahin. (Hebreo 1:6 MB 6 At nang susuguin na ng Diyos ang kanyang bugtong na Anak sa sanlibutan ay sinabi niya, “Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Diyos.“) Lamang kinalimutan ng tao ang Kaniyang Dakilang nagawa na SIYA MO pong Kahalalan sa Kaniya na ipinagkaloob MO na pong lahat sa Kaniya. Kaya kinakailangan ng maganap ang lahat ng ito sapagkat ang Dakilang Pag-ibig at Pagmamahal MO Mahal naming AMANG BANAL DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng pagsusugo MO sa mahal naming Panginoong Jesu-Cristo ay mahahayag na at napapanahon ng ilingap sa lahat ng tao na IKAW po ang may ibig din na ang lahat ng tao ay mangaligtas. Nais MO lamang magpatotoo na IKAW ang PINAKAMAKAPANGYARIHAN sa lahat na dapat na sumasalahat ng nasa lahat, sa pamamagitan ng aming Panginoong Jesu-Cristo ay magagawa Niya kahit nasa Langit na sa Piling MO DAKILANG AMANG BANAL kaya narito ang abang lingkod MO. INYO lamang pong napahihintulutan, kinakasangkapan para Magpahayag ng Banal NIYO pong Kalooban.
ILANG ARAW AT ORAS NA LANG.. MAGAGANAP NA ANG LAHAT
Nalalapit na ang kaganapan, sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo ay isasagawa na ng aking AMANG BANAL na DAKILANG PANGINOONG DIYOS na PINAKA-MAKAPANGYARIHAN sa lahat, ang lahat ng mga kahilingan ng abang lingkod NIYA na si Elias Arkanghel na wawasakin ang Templo Central at ang buong daigdig ay kaalinsabay na KANIYA namang yayanigin. Ang Templo Central na pinamumugaran na, pinagpupulungan ng mga masasama kung saan naroroon ang Suwail na lider na pinatutungkulan na mababasa sa Banal na Kasulatan. Siya rin ang lumikha ng kaguluhan sa loob ng Iglesia ni Cristo para magsipangalat ang mga tunay na Hinirang ng PANGINOONG DIYOS at ng Panginoong Jesu-Cristo at gawin niya at ng mga tapat sa kaniya ang mga Katampalasanang Walang Kapantay na umiiral sa lahat ng Lokal tanda ng patuloy na pamiminsala nila sa Banal na Katawan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Ang Paunang Pahayag ng Panginoong Jesu-Cristo na may Dakilang Katangian ng isang Propeta na hindi kinilala ng nakararami ako po napahintulutan na abang lingkod NILA si Elias Arkanghel ang nagpapatotoo na Siya ay isang ganap na Propeta. Subalit higit at natatangi sa lahat ng mga Propetang naatangan at pinagkalooban ng AMANG BANAL na DAKILANG PANGINOONG DIYOS ng katangian ng pagiging Propeta. Marami sa mga naitala sa Banal na Kasulatan at hindi naitala ang magpapatotoo sa Kaniyang pagiging Banal na Propeta na may Kakayahang Hulaan ang magaganap sa Hinaharap katulad ng mabababasa sa Mateo 24:1-2 MB 1 Lumabas si Jesus sa templo. Paalis na siya nang lumapit ang mga alagad at itinuro sa kanya ang mga gusali ng templo. 2 Ngunit sinabi niya, “Nakikita ninyo ang mga gusaling iyan? Tandaan ninyo! Darating ang araw na wala riyang matitirang bato sa ibabaw ng kapwa bato.
Daniel 11:31 MB 31 Magsusugo siya ng mga kawal upang lapastanganin ang templo. Ipatitigil pa niya ang pang-araw-araw na pagsusunog ng handog, at ipapalit ang Kalapastanganang Walang Kapantay.
Lucas 13:34 MB 34 Jerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang mga propeta at binabato ang mga sinugo ko sa iyo! Makailan kong sinikap na kupkupin ang iyong mga mamamayan, gaya ng paglukob ng isang inahin sa kanyang mga sisiw, ngunit ayaw mo.
KAUGNAYAN SA PAUNANG PAHAYAG NG PANGINOONG JESU-CRISTO
Mateo 24: 1-14
Tungkol sa Pagkawasak ng Templo
1 Lumabas si Jesus sa Templo. Paalis na siya nang lumapit ang mga alagad at itinuro sa kanya ang mga gusali ng Templo. 2 Sinabi niya sa kanila, “Nakikita ba ninyo ang mga gusaling iyan? Tandaan ninyo! Darating ang araw na wala riyang matitirang bato sa ibabaw ng kapwa bato. Lahat ay iguguho!”
(Dumating na sa takdang panahon na lilisanin na ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang Templo kaya nagbibilin na. Sa panahong yaon umiiral na rin ang pagtugis sa Kanya dahil sa dala-dala Niyang Katotohanan mula sa DAKILANG PANGINOONG DIYOS na nagsugo sa Kanya.
Tinutugis siya ng mga nag-aastang makapangyarihang mga lider na nasa hanay ng mga Paresio na nakipagsabwatan na rin sa mga Saduseo (naka-ugnay sa Sanedrin o sa gobyerno) para maipapatay lamang Siya. Palibhasa matataas na rin ang pagkakilala sa kanilang sarili ng mga tumutugis sa Kaniya palibhasa pawang mga lider nga sila ng sambahayan ng Israel noon. Kinilala nila ang kanilang mga sarili na sila lang ang tuwirang may karapatan at nakakaalam sa tunay na paglilingkod patungkol sa DAKILANG PANGINOONG DIYOS kaya ang pagsusugo sa Kanya (Panginoong Jesu-Cristo) ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS ay sinasalungat at pinag-aalinlanganan pa nila. Ngunit tiniyak sa Espiritual na pahayag sa Espiritual din na paliwanag sila ang mga nag-aanyong matatag o matibay na bato na wari ay hindi matitinag. Magkakasalansan ang bato, katayuan nila o karapatan na ang pagkakahirang ay bigay at gawa ng tao lamang. Sila ay pawang mga nanghawak sa sariling kaalaman at nanalig sa magagawa nila sa pagpapasunod sa mga nasasakop ng kanilang kapangyarihan. Kaya naman, dahil doon ay tiniyak ng Panginoong Jesu-Cristo na sila ay matitinag at maibabagsak rin. Oo, halos LAHAT nga ng naroroon sa Jerusalem ay matitinag ng isang pangyayaring ikagugupo, at ikapanlulumo ng lahat ng nasa Jerusalem. Yan din ang ating ipinagpapauna ngayon, na kung paano naganap sa Jerusalem noon, ganyan na ganyan din ang pagkakatulad na magaganap ng na nga sa loob ng CENTRAL ng Iglesia ni Cristo, na pinamumunuan ng mga tiwali at pabayang lider dahil sa kasakiman nila sa mga bagay at kayamanan na panlupa lamang.
Ito ang pasya ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS na ini-uudyok ng Banal na Espiritu sa atin ngayon. Walang matibay na nasa katayuan na o karapatan, na nakaposisyon ang hindi maigigiba. Ipinagpauna at ipinauunawa, LAHAT! Walang maitatangi mula sa pangunahing lider yan ang Pamamahala, sa mga tiwaling Sangguniang lider, mga kinikilalang Tagapangasiwang lider o sinumang mahalagang tauhin na nasa loob ng ibat-ibang departamento hanggang sa kaliit-liitang bahagi basta nasa loob ng CENTRAL. LAHAT ay pawang igugupo at panghihinaan ng loob kapag naganap na ang hatol ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS na ngayon ay nakasalang na sa October 30, 2018 para sa kanilang lahat na gumawa ng kalapastanganan na nagmalabis at puminsala sa Kabanalan ng Templo at nagpabaya sa mga hinirang sa kabuuan ng Iglesia ni Cristo.)
PAUNAWA NG BANAL NA ESPIRITU NG PANGINOONG DIYOS. HINDI KO SARILING UNAWA AT KARUNUNGAN ITO MGA MAHAL KONG KAPATID…
Mga Kahirapan at Pag-uusig na Darating
3 Noon, si Jesus ay nasa Bundok ng mga Olibo. Habang siya’y nakaupo roon, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad, “Kailan po ba mangyayari ang mga sinabi ninyo? Ano po ang magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng katapusan ng mundo?”
(Ang mga katanungang ito ay palihim na ring nasasambit ng mga kapatid natin ngayon sa kanilang sariling mga panalangin sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo na waring may pananabik na sa Kanyang pagparito at kung mangyari yun ay kaalinsabay na rin ng katapusan na ng mundo. Ngunit hindi pa gayun sapagkat may mga palatandaang pang hindi nagaganap. At kung ito ay naihahanay sa kanila ayon sa mga ministro kapag itinatanong mo ang patungkol sa bagay na ito ay matatag nilang sinasabi na hindi pa itinuturo sa kanilang klase sa Ministeryo. Ngunit ngayon ay ipinahihintulot na maihanay at mabigyan ng kaukulang paliwanag sa nakaraan na may malaking kaugnayan sa kaganapang nagaganap sa pangkasalukuyan at magaganap pa lang sa hinaharap na bahagi na rin ng ating paglalakbay.)
(Kaugnay diyan ang mga kapatid natin ay hindi tumitigil sa pananalangin lalo na, ng mga nasa panig ng mga nahihirapan na dahil sa pagmamalabis ng mga salbahe at pabayang lider. Humahanap na rin ng palatandaan ang mga kapatid kung kailan nga ba matitigil ang katiwalian? kailan din magwawakas ang kasamaan ng mga abusadong lider na tumitindig sa CENTRAL. Sila na inaasahan sanang mangangalaga sa ating lahat sila pa ang nagpapahirap at nagpapabigat sa damdamin at kalooban ng mga kapatid. Kaya gayun na lang ang kanilang pananabik na sana ay may titindig at totohanang handang muling magmahal at magmamalasakit sa lahat ng Iglesia ni Cristo katulad na katulad ng pangunguna, pangangasiwa, pagmamalasakit at pangangalaga ng kapatid na Felix Y. Manalo at ng Kagalang-galang na mahal nating Kapatid na Erano G. Manalo. Kaya lang talagang kakaiba sa panahon nating ito ng ito ay nasa Pamamahala na ng Ka. Eduardo V. Manalo. Kaya ano ang bilin sa atin?)
4 Sumagot si Jesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! 5 Maraming paparito sa pangalan ko at magpapanggap na sila ang Cristo, at marami silang maililigaw.
(Ito ang paunang bilin na dapat nating mailakip ngayon ang pag-iingat! Yan ang pahayag mismo ng Panginoong Jesu-Cristo natin upang hindi tayo mailigaw ninuman. Sapagkat totoong may magpapanggap na nauunawaan nila ang nais ipaunawa ng Panginoon Jesu-Cristo. Pag-aangkin na sila ang Mesias. Kung bakit nasabing magpapanggap na Cristo ay sapagkat ang Panginoong Jesu-Cristo mismo sa hanay ng ilang talata ng Biblia ay isang Propeta. Kaya marami talaga ang magpapanggap na sila man din ay Propeta dahil ipapalagay nila sa kanilang sarili na kaya nga nilang tularan ang pagkaunawa mayron ang Panginoong Jesu-Cristo kung paano nakapagpapaliwanag ng malalalim na mga hiwaga at talinhaga. Kaya mapapansin niyo sa kanilang paglilitanya may pag-aangkin na hindi naman para sa kanila o hindi naman talaga ipinag-uutos sa kanila ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS. Kaya darating sa kanilang lahat ang pagkalito at hindi matatanggap kahit alam nilang may Katotohanan ang ating ipinapahayag na palilitawin pa nga na tayo ang tumutulad lamang sa pagbibigay kahulugan sa mga talata ng Banal na Kasulatan na kanilang binabago sa paliwanag na naibigay na sa atin sa tulong ng Banal na Espiritu. Kaya nga ipang-aakit nila ito sa iba na tila sila ang pinagmulan. Ngunit ano ang mangyayari sa mapapaniwala nila gaya ng ipinagpauna ng ating Panginoong Jesu-Cristo? MARAMI SILANG MAILILIGAW! Pagkat binago nila ang pagkaunawa ng mga nakaunawa na! Kaya mahirap mangahas ng hindi naman nila kaukulan dahil ipagsusulit nila ito sa ating Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo pagdating ng araw. Ano ang panganib? Ligtas na sana, lamang nailigaw ng sariling pagkaunawa ng nagpakilalang sa pamamagitan ng kanyang paghahanay ay maakit nilang maisang tabi ang ating ginagawa at mabaling sa kanila ang lahat.+)
(Kung nagagawa man ng inyong abang lingkod na makapaghanay at makapagpaliwanag, ang Karunungang ito at Kaalaman na ating dala-dala ay hindi mula sa akin, kundi ito ay mula sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sa pagsusugo ng Banal na Espiritu. Kaya naman, napahihintulutan lamang ako dahil sa Kanilang Patnubay at Paggabay ng Kanilang Kapangyarihan na sumasaatin ng mabantayan Nila ang aking paghahanay. Dahil kinikilala ng inyong abang lingkod, wala akong anumang kaalaman at karunungang maipagmamalaki sapagkat ako ay isang pangkaraniwang kapatid lamang. Ni hindi ako nakatuntong sa Ministeryo o anumang paaralang may kaugnayan sa Biblia. Ngunit dahil sa kaugnayan ko sa Banal na Katawan ng ating Panginoong Jesu-Cristo bilang isang ganap at tunay na Iglesia ni Cristo, awa at pag-ibig na lamang sa akin ito ng ating Panginoong Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo na pahiramin ako ng kakayahang magpaliwanag katulad ng isang mangangaral na nagtuturo ng Banal na Salita ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng Panginoong Jesu-Cristo. Napakakasangkapan lamang ako para maiparating sa lahat, kung ano ang tunay at totoong Kalooban ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS na ngayon ay ipinaglilingkod ko sa inyong lahat. Kung mayroon mang babangon para kwestyunin ang aking ginagawa, una na ninyong pinag-aalinlangan ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS na nagsugo ng Banal na Espiritu upang mapahintulutan lamang ang inyong abang lingkod na mapahiram ng Karunungan. Kaya ipinagdidiinan kong muling ipinauunawa na ang karapatang ito ay mula sa DAKILANG PANGINOONG DIYOS at hindi mula sa akin at hindi sa pangkaraniwang tao lamang. Kaya naman bahagi ng Kanilang pag-iingat sa akin kahit namamalagi ako sa Templong ito ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS. Walang makapag-aalis sa akin dito hanggat hindi pa pinahihintulot na lisanin ko ito. Mamamalagi ako sa loob, sa punong kinatataguan ko na abot tanaw ko lang ang paligid ng Templo. Nakatunghay lamang ako, nagmamasid sa lahat gaya ng bilin, upang masunod ko ang NAKAHIHIGIT SA AKIN.
6 Makakarinig kayo ng mga labanan at makakabalita ng mga digmaan sa iba’t ibang dako. Ngunit huwag kayong mababahala dahil talagang mangyayari ang mga iyon, bagama’t hindi pa iyon ang katapusan ng mundo.
Ang mga labanang ito ay bunga ng pamiminsala, pagmamalabis, panggigipit pananakot sa mga kapatid nating Iglesia ni Cristo ng mga tiwaling Sanggunian sa pamamahala ng Ka Eduardo Manalo at ng mga tapat na tagasunod niya. Sila ay matapang ng dinidigma ng mga kapatid natin na nagmamalasakit sa Iglesia ni Cristo ito ang hanay ng mga nagtatanggol gamit ang Social Media. Ngunit gaya ng bilin ay huwag mabahala sa mga tiwaling Sanggunian sapagkat tiniyak na mangyari ito ngunit hindi pa katapusan ng ating inaasahan. Ano pa ang maaaring mangyari?
7 Maglalaban-laban ang mga bansa at gayundin ang mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at lilindol sa maraming lugar. 8 Ang lahat ng mga ito’y pasimula pa lamang ng mga paghihirap na tulad sa isang babaing nanganganak.
Gaya ng kasunod na hanay ng talata sa Banal na Kasulatan. Nakatakdang maganap din sa hanay nating magkakapatid ang paglalabanan ng mga bansa, ito ay tulad ng nangyari sa pag-aaklas sa isang Lokal natin sa California,U.S.A. na sama-samang nagpahayag habang bitbit ang mga placard na puno ng hinanakit laban sa katiwalian ng mga tiwaling Sanggunian ng Iglesia na nasa pinaka-sentrong tanggapan ng Iglesia ni Cristo na nasa Quezon City, sa Pilipinas. Kabilang na sa mga umalma na mga Lokal ng Iglesia ni Cristo ay ang bansa ng Japan at Singapore na nakaranas ng pamiminsala ng mga tiwaling Sanggunian na may malaking kaugnayan sa pananalapi doon ng Iglesia ni Cristo. Ngunit ang nakatakdang mga bansa na may katulad na ring magiging pagkilos laban sa mga katiwalian sa pananalapi sa Iglesia, ang bubulabog sa kaisipan ng lahat ng mga nasa loob ng CENTRAL. Kaya dahil diyan lahat sila ay pawang magugulimihanan, mangalilito at sila-sila na ang mangaglalaban-laban.
9 “Sa mga panahong iyon, kapopootan kayong lahat dahil sa inyong pagsunod sa akin. Isasakdal kayo upang pahirapan at patayin,
Totoong nanggigil at nagngangalit na ang kanilang mga ngipin. Walang alinlangan sapagkat ipinagpauna sa atin ng Panginoong Jesu-Cristo na kapopootan talaga nila tayo dahil sinunod natin ang mga aral at doktrina na ipinagmalasakit sa ating ipangaral ng Kapatid na Felix Y. Manalo at Kapatid na Erano G. Manalo ng sila ay nabubuhay pa. Kaya totoo rin ang malupit na dinanas ng kapatid na Lowell Minorca na pahirap sa kanya. May paunang pahayag ang Panginoong Jesu-Cristo mismo. Ngayon ay plano nilang muli na makipagsabwatan sa may kaugnayan sa Sanedrin at gobyerno para paboran sila dahil kaya pa nila itong imaniobra dahil sa nalalapit na halalan pangpanguluhan, lalo na ang PNP Chief ay nagpakita sa simula pa lang ng kaamuan ng pagsunod sa kanila dahil isa ring tuta na lobo na ngayon ay nangangagat na at naninila pa. Ngunit matakot at mabahala sila. Mamaniobra nila ang batas ng tao ngunit kailanman hindi ang galit ng Panginoong Diyos natin na malapit na Niya na pairalin! Kung napahintulutan sila sa simula, ngunit hindi na masusundan sapagkat ang gapos sa kamay na mahigpit na nagpahirap sa totoong kapatid na Lowell Minorca ay sa kanila ng mga kamay igagapos pangunahin na sa mga tiwaling Sanggunian. Ito ay pasya ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa udyok ngayon ng Banal na Espiritu. Panukala Niya kaya Kanyang papangyarihin! Sinalita ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS kaya tiyak na papangyarihin.
10 at dahil dito’y marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Mapopoot sila at magtataksil sa isa’t isa. 11 Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw ang mga tao. 12 Ang kasamaa’y lalaganap, kaya’t manlalamig ang pag-ibig ng marami. 13 Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas. 14 Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos upang ang lahat ng bansa ay makarinig nito. At kung maganap na ito, darating na ang katapusan.”
Ngunit bago mangyari yan sa maikling panahon na lamang na nalalabi sa kanilang pamamayagpag sa paggawa ng masama laban sa mga kapatid ay titindi pa ang kanilang pagmamalupit at magiging malaganap pa ang kanilang kasamaan. Kaya nga sa kalabisan ng kasamaan nila marami ang manlalamig at kanilang maitatalikod sa pananampalataya gaya ng ipinagpauna ng Panginoong Jesu-Cristo natin at ang iba nga ay magkakanulo pa sa isat-isa. Ngunit huwag sanang dumating sa inyo mga mahal kong kapatid na kayo ay makabilang sa mga tatalikod. Sapagkat lalo kayong magiging kaawa-awa kapag ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS ay hindi na ninyo maapuhap dahil nanaig na rin sa inyo ang labis na galit na nauwi na sa pagkapoot, na hindi marapat taglayin ng isang tunay na Iglesia ni Cristo. Kaya nga inuulit ko, kakaunting panahon na lamang ang kanilang pamamayagpag kung itutumbas sa halos anim na taong lumipas, na paghahari-harian nila sa loob ng Iglesia ni Cristo.
Nagpahiwatig na ang ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS kaugnay sa October 30, 2018 . Kaya nga minamadali na NIYA alang-alang sa mga Hinirang. May inaasahan tayong kaligtasang darating mga mahal kong kapatid kaya manghawak at lalo tayong magtumibay sa pananampalataya na ating pinuhunanan sa mahabang panahon. Panahon ng pagtatapat hanggang matapos natin ang ating takbuhin! Kaya hindi marapat na magpatalo at magpadaig sa kanila na may mga mapupusok, malulupit na tusong pamamaraan ng diablo, para alisin ang liwanag ng pananampalatayang magliligtas sa atin sa araw ng paghuhukom. Kaya mga mahal kong kapatid kayanin niyo pa! May paraan para lumakas kayo. Halikayo! Narito ang Kapangyarihan ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS! Hayan at handang humaplos sa iyo! Naramdaman muna ba na tumabi sayo ang Kanyang Kapangyarihan? Pagkakataon muna mahal kong kapatid! Yan ang Banal na Espiritung hiniling ko sa panalangin kanina na sasama sa inyo ngayon, habang isinasagawa ninyo kahit ang maikling panalangin patungkol sayo, sa mga mahal mo sa buhay at sa ibig pa ninyong patungkulan. Samantalahin mo ang pagkakataon. Ipaglambing ninyo ang inyong sambahayan, na ni isa ay walang mawalay kung dumating man ang pinaka-matinding kabagabagan sa buhay ng lahat ng Iglesia ni Cristo. Ipagmakaawa ninyo sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS ang inyong kapalaran bibigat man ang pagdadala ng buhay ngunit makasama lang ninyo Siya araw-araw ay hinding-hindi magkukulang. Sapagkat sasapat ang lahat ng biyayang inyong tatanggapin mula ngayon na galing sa Kanya sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristong mahal! Lumakip na Siya sa inyong pagkatao kaya pamalagiin na ninyo ang mabuti at Banal na kaisipan na taglay ang maamo, mahinahon at mababang kaisipan na laging Sumasamba, Dumadakila sa ating PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo na yayakap sa inyong lahat, hahagod sa inyong likuran, hahaplos sa pagal na ninyong puso. Oo mga mahal kong kapatid laging maramdaman natin na Sila ay hindi lalayo sa atin pagkat tayo ay Kanilang minamahal. – Elias Arkanghel
UPDATE LANG PO OCTOBER 13/14: BAHAGI SA TEXTO SA PAGSAMBA NGAYONG OCTOBER 13,14, 2018 ANG PATUNGKOL DITO .. PAGYANIG NG DAIGDIG .. PAGSUNOD SA PROPETA SA MENSAHE NA IPINARARATING …. ANG MGA HINIRANG AY KATABI ANG ANGHEL NG PANGINOON. … KAYA HINDI NAGBIBIRO ANG PANGINOON .. SINALITA NIYA KAYA PAPANGYARIHIN NIYA….
NEWS UPDATE AS OF OCTOBER 16 FISH BEHAVIOR
Oct 16, 2018
Dagsa ang mga isdang tuna sa Malimono, Surigao del Norte. Sa dami ng tuna sa Barangay Pili, ipinamimigay na ang mga ito ng ilang mangingisda.
https://www.youtube.com/watch?v=qqFrPFE5fHY
BP: Sangkaterbang isda, napadpad sa dalampasigan sa Surigao del Norte
https://www.youtube.com/watch?v=S0k0pQ03fdI
NEWS UPDATE as of OCTOBER 18
IPAGMALASAKIT NA IPAMAHAGI SA KAPATID, KAIBIGAN AT SA MGA MAHAL SA BUHAY
#iglesianicristo #IglesiaNiCristo #ChurchOfChrist #INCLoyaltyDay#inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM #WeareonewithGoD
#WeareonewithChrist#WeareonewithEVM#Worldwidewalkforyolandavictims