Dati Philippine Arena raw ang sinisiraan namin, puna ito ng mga maka-Eduardo Manalo at ng mga sunud-sunuran sa kaniya. Bakit ngayon ang Templo Central naman daw ang pinag-iinitan namin at hinuhulaan pa na wawasakin? Mga mahal naming kapatid hindi ko naman hula ito? Susog lamang sa naging Paunang Pahayag, Hula o Propesiya ng ating Panginoong Jesu-Cristo patungkol sa Templo na Kaniyang hinulaan na iguguho noong unang siglo. Napakahalagang matalakay muli ito para sa lalo pang ikauunawa kailan ang tiyak na kaganapang ito?
Mateo 24:1-51 MB 1 Lumabas si Jesus sa templo. Paalis na siya nang lumapit ang mga alagad at itinuro sa kanya ang mga gusali ng templo. 2 Ngunit sinabi niya, “Nakikita ninyo ang mga gusaling iyan? Tandaan ninyo! Darating ang araw na wala riyang matitirang bato sa ibabaw ng kapwa bato. Lahat ay iguguho!” Nang sabihin ito ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa Kaniyang mga Hinirang na ang Templo ay iguguho pagdating ng araw, ay hindi nagkaroon sa kanila ng pagtatalu-talo o anumang pag-aalinlangan. Sa halip lumikha ito sa kanila ng Banal na Takot. Banal na Takot na nagbunga ng Katapatan sa DAKILANG PANGINOONG DIYOS at katapatan sa Panginoong Jesu-Cristo. Buong-buo ang pananalig ng mga Hinirang noong unang siglo sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Anuman ang Kaniyang mga Paunang ipinapahayag o mga hinuhulaan ay natitiyak nila na magaganap. Palibhasa napakalaki ng kanilang pananampalataya at paggalang sa kanilang kinikilalang mabuting Guro. Sapagka’t batid nila hindi nagsasalita ang ating Panginoong Jesu-Cristo na mula sa Kaniyang sarili lamang kundi natitiyak nila ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS ang sumasaKaniya, na nagsugo at nagbigay utos na tapat na sinusunod lamang Niya. Ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS na pinagmumulan ng Kaniyang mga naipahayag sa lahat ng tao ay buong kapakumbabaan tinanggap at kinikilala kaya hindi natinag noon ang mga tapat na Hinirang kahit may mga nang-uupat na ang Panginoong Jesu-Cristo ay huwag ng kilalanin. Likas sa ating Panginoong Jesu-Cristo ang pagkamasunurin. Tunay na kung ano ang dapat Niyang ipahayag, sabihin, gawin at kung ano ang dapat pa Niyang sasalitain sa lahat, ay yaon lamang din ang Kaniyang inihahanay na ipinahahayag sa kapulungan ng mga nakikinig.
Mga mahal kong kapatid ganun kalawak ang kanilang pang-unawa sa bawat Pahayag at Propesiya ng ating Panginoong Jesu-Cristo noong unang siglo. Subalit kaibayo sa pagkakilala ng mga mang-uusig. Kung alam lang sana nila ang buong Katotohanan ay hindi sila maglalakas loob na usigin at ipagtabuyan Siya. Ang problema nagsasalita pa lang, nagpapahayag pa lang hindi inuunawa ang mga narinig sa halip mabilis nila Siyang hinatulan. Damdaming tao ang nanaig na husgahan ang kaniyang pagkatao kaya halos ipagtulakan ang ating Panginoong Jesu-Cristo para maipagtabuyan lamang sa mga nakikinig na mga Israelitang sumasampalataya sa katuruan at aral na mula kay Propeta Moises. Lagi siyang inuumangan ng mga pagtatanong para siluin lamang. Kung napag-unawa lamang talaga sana nila na ang PANGINOONG DIYOS ay SumasaKaniya hindi Siya pagwiwikaan ng masama ng mga tao noon. Dahil wala naman talagang matinong tao ang makagagawa na tuyain Siya lalo na nga’t hindi naman Siya nagkulang na ipaunawa sa mga nakikinig na SumasaKaniya ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS. Kaya sa hanay ng mga tapat na Hinirang ay walang sinuman ang maaari na kwestyunin kung ano ang Kaniyang mga Propesiya o hinuhulaan, kung ano ang Kaniyang mga ipinapahayag. Kung bakit? Dahil lumulukob sa Kaniya ang Kapangyarihan ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS. SIYA rin ang tuwirang pinanggagalingan ng mga Propesiya at Pahayag ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kaya walang makapanunumbat sa ating Panginoong Jesu-Cristo kung hindi man nangyari noon ang nasabi na Niyang pagguho ng Templo noong unang siglo na Kaniyang ipinaunawa na nasa Lungsod ng Jerusalem. Pero kung uunawain ninyo ang sinalita ng Panginoong Jesu-Cristo na “Tandaan ninyo” ito ay salitang sinisiguro Niya na mangyayari. Bakit natitiyak ng ating Panginoong Jesu-Cristo? Sapagkat sinalita ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa Kaniyang Diwa kaya tiyak na KANIYANG papangyarihin, maantala man o isagawa na NIYA mamaya. Kaya sa mga sumasampalataya noong unang siglo panatag na naghihintay lang sila ng kaganapan. At sa panig naman ng hindi sumasampalataya sa ating Panginoong Jesu-Cristo noong unang siglo ay makikilala sila sa paraan ng kanilang mga pananalita. Bukang bibig na nila ay pawang pangungutya, pang-aalipusta, pangangantyaw, at panghahamak. Hindi nila namamalayan nakapamusong na sila sa DAKILANG PANGINOONG DIYOS natin sa walang humpay na panlalait sa mga Bagong Aral at mga Katuruang itinuturo ng ating Panginoong Jesu-Cristo noon. Ganunpaman ang Panginoong Jesu-Cristo ay hindi nila naupatan na tumigil sa Pagpapahayag sa halip nagpatuloy Siya sa matapat Niyang pagsunod sa ating Mahal na DAKILANG AMANG BANAL kahit na nagngingitngit na sa galit ang mga Punong Saserdote at mga tapat na tagasunod nila mapatigil lang nila ang ating Panginoong Jesu-Cristo sa pangangaral ng mga Bagong Pahayag at Katuruan. Sa panahong yaon hayag ang mga tapat na Hinirang at hindi Niya Hinirang. Sa hanay ng mga tapat sa Kaniya ay hindi nalupig ng mga mang-uusig na pawang bukal nga ng bibig ay pang-uuyam, pagmumura, panlalait, mga panghahamak, mga pangungutya sa ating Panginoong Jesu-Cristo na ng mga panahong yaon ay sila-sila din ang sumisigaw na ipako Siya sa krus, ipako siya sa krus. Naganap ang kagustuhan ng Punong Saserdote kasama ng mga tapat na napasunod nila na mga mapang-upat na tulad rin nila na maipapako sa krus ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Subalit hanggang ang Panginoong Jesu-Cristo ay mamatay at nasaksihan na, naramdaman na nila ang mga kakaibang palatandaan sa Langit, mga pagyanig ay hindi pa rin kinakitaan ng anumang pagsisisi ang hanay ng mga taga Jerusalem sa bansang Israel noong unang siglo sa pangunguna ng Punong Saserdote at ng kaniyang sanggunian na matagumpay nilang maibukod sa sambahayang Israel ang Panginoong Jesu-Cristo na ipinakilala nilang Hari ng mga Hudyo na nabibilang sa “Sambahayan ng Juda”.
Ngayon muling nauulit sa atas ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa inyong abang kapatid na Elias Arkanghel sa pamamagitan ng Diwa ng Panginoong Jesu-Cristo na gumagabay, ako ay napahihintulutan NILA na muling magpakilala muna sa inyong lahat. Ako ay isang pangkaraniwan lamang. Mahirap at walang anumang kapangyarihan. Hindi ako ministro, hindi rin manggagawa, hindi rin naging guro sa Pagsamba ng Kabataan. Lihitimong kaanib sa loob ng Iglesia ni Cristo. Aktibong kaanib nakatala sa Lokal na aking kinatatalaan. Subalit sa kalagitnaan ninyo mga mahal kong kapatid na mga matatalino, mga titulado, mga dalubhasa at pantas sa BIBLIA ay isang mangmang ang lumitaw para muling magpatuloy sa pagpapahayag ng Bagong Aral at Katuruan sa udyok ng Diwa ng Panginoong Jesu-Cristo at sa Atas ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS ay napahihintulutang magpahayag at maghanay ng mga ibig NILA na inyong nababasa, naririnig at nakikita sa Blog ng IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG. Mga Pahayag na Saklaw ng Hiwaga, na pawang mga Katotohanang na nalingid sa kaalaman ng marami sa mahabang panahon subalit ngayon ay inihahayag na sa lahat. Lamang ang nakalulungkot hindi rin ninyo matanggap sapagkat para sa inyo sapat na ang naituro sa Doktrina na may bilang isa hanggang dalawampu’t-limang bilang. Ang hindi ninyo nauunawaan ay napahintulutan man sa udyok ng Banal na Espiritu na yun ay kilalanin NILA ay ipinauunawa rin ng Banal na Espiritu na nalilimitahan nito ang mga iba pang Aral at Katuruan ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng Panginoong Jesu-Cristo na mababasa sa Banal na Kasulatan o BIBLIA. Dahil iminamatuwid ninyo na sapat na ang naituro ng Sugong Lider sa katauhan ng kapatid na Felix Y. Manalo na napapaloob sa doktrina na nabalangkas niya at ng Kapatid na Erano G. Manalo. Kaya nga may pagsasaayos mga mahal kong kapatid na iiral sa kagustuhan din naman NILA para maibalik sa ayos ang lahat ng bagay na tunay na kalugud-lugod sa KANILA.
Tulad ng naipaunawa sa lahat Lihitimo akong Iglesia ni Cristo. Kaya huwag ipagpilitan mga mahal kong kapatid na ako ay isang tiwalag para maipanira lamang sa iba at mapaniwala ninyo sila na ako ay ipagtabuyan at huwag din namang paniwalaan. Opisyal pang nakatala, may sarili pang tarheta, lamang wala kayong kamalayan kung bakit hindi pa ako pinahihintulutang magpakilala sa inyo sa tunay na katauhan. Bahagi ako ng Banal na Katawan ng Panginoong Jesu-Cristo sa Espiritual na paglilingkod. Bahagi ako ng Isang Taong Bago. Siya ang Ulo ang ating Panginoong Jesu-Cristo na nagdidikta sa akin, sa diwa ko, kung saan ako kabahagi ng Banal Niyang Katawan na ito ang Iglesia. Ang Iglesiang ito na kung tawagin sunod sa Kaniyang Pangalan IGLESIA NI CRISTO. Hindi sa natatakot mga mahal kong kapatid o dahil sa sariling kagustuhan ng sinumang tao kundi sa kagustuhan ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo para maingatang mainam habang tinutupad ko ang Mahalagang Misyon sa huling bahagi ng KANILANG Banal na Gawain sa mga Huling Araw. Dahil may takdang panahon na haharap ako at magtutungo mismo para harapin ang mga Punong Saserdote o Punong Sanggunian na ang pag-uutos ay mula sa DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo. Kaya ang katapatan ko ay hindi manggagaling sa ibang tao. Sapagkat ang mga bilin, mga kautusan tinatanggap ko ay mula sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS, sa ating Panginoong Jesu-Cristo na hindi mula sa ibang tao.
“Kaya ang pagiging masunurin ng inyong kapatid ay hindi para labuin ang Katotohanan, kundi ganapin ko ang KANILANG Kalooban, tuparin ko ang aking kaukulan, bigyan ko SILA ng kaluguran”. Tulad ng Pagkawasak ng Templo at ang mga hinanay na mga paunang senaryong magaganap. Ang lahat ng ito ay mga paunang pahayag na hindi man ninyo matanggap ay udyok at atas ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa akin. Kagustuhan NIYA na ilathala matapos niya akong bigyan paunawa na ako ay nasa pagsubok ng apatnaput-limang araw. Kaya sa pamamagitan na ipinauunawa ng Diwa ng Panginoong Jesu-Cristo sa akin, ang bagay na yun ay hindi kwestyunable, hindi ko itutuwid. Sapagkat para sa akin ang mga bagay na KANILANG sasabihin lahat ay tama. Lahat ng ipag-uutos NILA na iparating sa lahat, kung sa KANILA galing para sa akin yun ang matuwid. Kaya walang alinlangan at pagdududa kung loloobin man ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS ang propesiya, hula ng ating Panginoong Jesu-Cristo na ang Templo na pinatutungkulan sa mga Huling Araw ay KANIYANG wawasakin ay natitiyak ko bahagi ng kaganapan na sa atin ng panahon. Kaya ng ako ay magpahayag kamakailan kaugnay sa kawasakang darating sa Templo Central ay susog lamang sa Paunang Pahayag, hula o propesiya ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Matapos Niyang maipaunawa ang pagguho ng Templo 3 Nasa Bundok ng mga Olibo si Jesus. Samantalang siya’y nakaupo roon, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad: “KAILAN PO ba mangyayari ang mga bagay na ito? Ano po ang magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng katapusan ng mundo?” 4 Sumagot si Jesus, “Mag-ingat kayo na huwag kayong mailigaw ninuman! 5 Sapagkat maraming paririto sa aking pangalan at magsasabi, ‘Ako ang Mesias!’ At marami silang maililigaw. 6 Makaririnig kayo ng alingawngaw ng labanan at ng mga balita tungkol sa digmaan. Huwag kayong mababagabag. Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa ito ang wakas. 7 Sapagkat makikibaka ang bansa laban sa kapwa bansa at ang kaharian sa kapwa kaharian. Magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. (Sa ipinaunawa sa kapatid na Felix Y. Manalo nagsimula ito sa yugto ng kaniyang panahon sa literal na pangyayari, ang unang digmaan bansa laban sa bansa ay natala sa kasaysayan July 27, 1914 kaalinsabay ng pagbangon muli ng Iglesia ni Cristo sa mga Huling Araw, ito ang umaalingawngaw na mga labanan tungkol sa digmaan. At ang literal na ikalawang digmaan ay September 1, 1939 naganap, at ito ay sumasagisag sa kaharian laban sa kaharian. Dapat ninyong mapag-unawa mga mahal naming kapatid sa bawat yugto ng panahon ay may mga pangyayaring nagaganap. Tapos na ang panahon ng ka Felix Y. Manalo at Kapatid na Erano G. Manalo. Tayo ay nasa panibagong yugto na ng panahon. Ngayon ang katuparang higit na pinatutungkulan sa Espiritual na paglilingkod ang umaalingawngaw naman na pinatutungkulang labanan na mga balita tungkol sa digmaan ay ang mga kaganapan sa yugto ng ating panahon, panahon ng Ka Eduardo Manalo at sa panig ng kaniyang mga tagapagtanggol kung tawagin ay One with EVM at sa panig ng mga Hinirang. Umaalingawngaw na labanan na napapabalita maging sa ibang panig ng daigdig. At ang mga bansa laban sa bansa ay sumasagisag naman sa Espiritual ay tumutukoy na ito sa Lokal laban sa Lokal at ang kaharian laban sa kaharian ay sumasagisag naman sa Distrito laban sa Distrito. Magkakagutom sa pagtanggap ng mga aral dahil sa kahirapang magaganap bunga ng pamiminsala sa mga abuluyan, handugan at lagakan ay mararamdaman ang paghihirap ng mga ministrong umaasa sa kanilang tulong na matatanggap, ubos ng pondo ng mga Lokal subalit wala ng maibibigay kaya ang iba ay iiwan na ang kanilang responsibilidad dahil sa ibig din naman na mabuhay kaya babaling sa ibang kabuhayan. Dahil diyan mahahayag na ang malaking pinsala na ginawa ng Ka Eduardo Manalo at ang Kaniyang sanggunian sa Iglesia ni Cristo na magpapayanig sa kanila ng malaking kahihiyan na malalathala sa mga balitang pandaigdig) Bahagi yan sa mga ipinauunawa sa akin ng Diwa ng Panginoong Jesu-Cristo na tuwirang iniaatas sa akin ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS maipahayag at maisulat sa Blog. Ngunit may napakahalaga na dapat na makarating sa inyong pagkaunawa.
KANILANG ipinagugunita sa inyong kapatid sa tulong ng KANILANG Piling Mensahera ang patungkol sa kaganapan na naitakda na sa Templo Central. Walang pagkakaiba sa derektang nagkakaloob ng Mensahe sa ating Panginoong Jesu-Cristo ng Mensahe tinatanggap ng inyong kapatid. Higit na mabuting sipiin kuna lang ang naging Pahayag ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo sa abang lingkod NILA na naitawid ng KANILANG Mensahera. Narito: MENSAHERA NG PANGINOON : Mahal naming Ka Elias Arkanghel ang iyong ipinaglalambing na malaman ay ito po ang tugon ng Amang Banal sa pamamagitan ng Mahal na Panginoong Jesu-Cristo. Narinig ko po sinabi ng Amang Banal “Oo pakisabi sa Kaniya sa Aking Pinili na Sugong Propeta na sa tuwing magpapahayag Siya, Ako ay sumasakanya”. “Ang Banal Kong Kapangyarihan lumulukob sa Kanya”. “Kaya sa tuwing magpapahayag Siya ng Aking mga Banal na mga Salita, ay Ako ang nangungusap noon”. “Mula sa Akin ang lahat Niyang ipinapahayag”. Mahal naming Ka Elias Arkanghel iyan po ang tugon ng Amang Banal na ating Dakilang Panginoong Diyos. Kaya anuman ang inyong mga nababasang mga naipahayag ng inyong abang Kapatid na Elias Arkanghel ay hindi nagmumula sa sarili kong kaisipan, o sarili kong pananalita at sarili kong panukala. Iniuutos NIYA sa akin na isulat mo, ipahayag mo, isagawa mo, kaya dahil utos NIYA walang anumang pagtatanong pa akong ginawa sa halip ay matapat kong sinunod. Dahil diyan ano ang naging damdamin ng ating Mahal na DAKILANG AMANG BANAL sa inyong abang kapatid sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo? Muli sisipiin ko lang ang naitawid ng Mensahera ng PANGINOON sa ikauunawa at ikalilinaw. Narito: MENSAHERA NG PANGINOON : Mahal naming Ka Elias Arkanghel naipaabot ko na po sa Kanila ang taos puso po Ninyong pasasalamat at Ito ang tugon ng Dakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Mahal na Panginoong Jesu-Cristo “Aking anak, pakisabi sa Aking anak na Iyan” kayo po ang tinutukoy ng Amang Banal Mahal naming Ka Elias Arkanghel. “Pakisabi maraming salamat sa Kanyang laging pagmamalasakit sa Aking Iglesia na itinayo ng Aking anak, na Inyong Panginoong Jesu-Cristo”. “Pakisabi maraming salamat sa Kanya napakabait ng Anak KO na iyan”. “Wala Akong sinabi sa Kanya na hindi Niya sinusunod”. “Kaya pakisabi Mahal na Mahal Ko Siya” Mahal naming Ka Elias Arkanghel iyan po ang ipinaabot ng Amang Banal sa Inyo pong pasasalamat sa Kanila.
Mahalagang maunawaan ninyo ang naging Derektang Pahayag ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo. Yan ang tuwirang pagkakilala ng ating DAKILANG AMANG BANAL sa inyong kapatid na Elias Arkanghel. Kaya hindi ako nagsasariling kalooban sa mga naihahanay na Pahayag sa Blog. Tulad ng inyong napag-unawa SIYA ay sumasaakin kung paanong ang Panginoong Jesu-Cristo ay sumasaakin. Diwa NILA sa yugto ng panahong ito ang tuwirang nag-uutos sa akin ng mga dapat kung ihanay at kung ano ang dapat kong ipahayag.
Pakibalikan natin ang tampok na ating tinatalakay patungkol sa naging Paunang pahayag ng ating Panginoong Jesu-Cristo na napatutungkol sa Templong iguguho o wawasakin. Sa tindi nga ng pagkawasak walang matitirang bato sa ibabaw ng kapwa bato. Kaya gaano kalakas yun? Kung ang tinutukoy na Templo doon sa mismong literal na lungsod ng Jerusalem sa bansang Israel ang iniisip ninyo ay hindi yaon ang tuwirang pinatutungkulang Templong nasa Paunang Pahayag ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo, kundi sa Espiritual na Jerusalem na naituturo sa mga Pagsamba natin, sa ating ng kapanahunan sa mga Huling Araw kung saan ang tanggapan ng pamamahala ang tuwirang tinutukoy ay ang dako ng Templo Central kung saan naroroon ang Suwail na pinatutungkulan ang siyang tiyak na kaganapan pinatutungkulang Templo kung saan naroroon ang Suwail.
“Ang Kawasakan ng Templo Central!” Sa bahaging ito ay may tulong na ipinauunawa ang DAKILANG AMANG BANAL sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo sa udyok ng Kanilang Banal na Espiritung gumagabay sa inyong kapatid kung kanino nahahalintulad ang mga nagtatawa, nang-uuyam, na mga galit na galit na nag-aalimura, nanlalait at mga nagbabanta na sa amin. Hindi kami natatakot sa anumang pamiminsala sa amin kundi ang paulit-ulit nilang pamumusong sa DAKILANG PANGINOONG DIYOS natin at sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Narito ang Aklat ng Marcos 15: 17-35 MBB 17 Sinuutan nila si Jesus ng isang balabal na purpura. Kumuha sila ng halamang matinik, ginawang korona at ipinutong sa kanya. 18 At sila’y patuyang nagpugay at bumati sa kanya: “Mabuhay ang hari ng mga Judio!” 19 Siya’y pinaghahampas nila ng tambo sa ulo, pinaglulurhan, at palibak na niluhud-luhuran. 20 At matapos kutyain, siya’y inalisan nila ng balabal, sinuutan ng sariling damit, at inilabas upang ipako sa krus. 21 Nasalubong nila ang isang lalaking galing sa bukid, si Simon na taga-Cirene, ama nina Alejandro at Rufo. Pilit nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Jesus. 22 At kanilang dinala Si Jesus sa lugar na kung tawagi’y Golgota – ibig sabihi’y “Pook ng Bungo.” 23 Binigyan niya siya ng alak na may kahalong mira, ngunit hindi niya ininom. 24 Ipinako siya sa krus, at nagsapalaran sila upang malaman kung alin sa kanyang mga damit ang mapupunta sa bawat isa. 25 Ikasiyam ng umaga nang ipako nila sa krus si Jesus. 26 Sa itaas ng krus isinulat ang sakdal laban sa kanya, “Ang Hari ng mga Judio.” 27 Dalawang tulisan ang kasabay niyang ipinako sa krus – isa sa kanan niya at isa sa kaliwa. 28 [Sa gayo’y natupad ang nasasaad sa Kasulatan: “Ibinilang siya sa mga salarin.”] 29 Nilibak siya ng mga nagdaraan, na tatangu-tangong nagsabi, “Di ba ikaw ang gigiba ng templo at muling magtatayo nito sa loob ng tatlong araw? 30 Iligtas mo ngayon ang iyong sarili! Bumaba ka sa krus!” 31 Kinutya rin siya ng mga punong saserdote at ng mga eskriba, at ang sabi sa isa’t isa: “Iniligtas niya ang iba, ngunit di mailigtas ang sarili! 32 Makita lang nating bumaba sa krus ang Mesias na iyan na Hari ng Israel – maniniwala tayo sa kanya!” Inalipusta din siya ng mga nakapakong kasama niya. 33 At nagdilim sa buong lupain mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon. 34 Nang mag-iikatlo ng hapon, Si Jesus ay sumigaw, “Eloi, Eloi, lema sabachthani?” na ang ibig sabihi’y “Diyos ko! Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan?” 35 Narinig ito ng ilan sa mga nakatayo roon, at kanilang sinabi, “Pakinggan ninyo, tinatawag niya si Elias!”
Ang Pagdating ng ating Panginoong Jesu-Cristo bilang Sugong Propeta ay hindi kinikilala noon. Siya rin naman ang may Pagpapahayag na mababasa sa; Marcos 6 MB 1 Umalis doon si Jesus at nagtungo sa sariling bayan, kasama ang kanyang mga alagad. 2 Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, nagturo siya sa sinagoga. Nagtaka ang maraming nakarinig sa kanya at nagtanong, “Saan niya nakuha ang lahat ng iyan? Anong karunungan itong ipinagkaloob sa kanya? Paano siya nakagagawa ng mga kababalaghan? 3 Hindi ba ito ang karpinterong anak ni Maria, at kapatid nina Santiago, Jose, Judas, at Simon? Dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba?” At siya’y ayaw nilang kilanlin. 4 Kaya’t sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang propeta’y iginagalang ng lahat, liban lamang ng kanyang mga kababayan, mga kamag-anak, at mga kasambahay.” 5 Hindi siya nakagawa ng anumang kababalaghan doon, maliban sa pagpapatong ng kanyang kamay sa ilang maysakit upang pagalingin ang mga ito. 6 Nagtaka siya sapagkat hindi sila sumampalataya. At nilibot ni Jesus ang mga nayon sa paligid upang magturo. (nilibak ng mga nagdaraan na tinatanong “di ba ikaw ang gigiba sa Templo? Tinutuya na ang Panginoong Jesu-Cristo doon sa Templo na hindi pa nagigiba o nawawasak. dahil sa mga ipinahayag ng Panginoong Jesu-Cristo noon ay ibinilang Siya na isang salarin. Hinatulan nila ang walang sala nating Panginoon. Sapat ang mga patotoong mababasa ninyo kung sinu-sino ang mga nanlait, tumuya, nanlibak, nangutya, nang-alipusta sa Kaniya. Pangunahin na nga diyan sa mga kumukwestyun ng Kaniyang Kahalalan ay ang mga Punong Saserdote pati na ang mga kasa-kasama nito na maiinit na nagagalit na sa Kaniya. Mga namamahala rin sila noon sa kasamang mga na nadatnan ng Panginoong Jesu-Cristo na nagtuturo sa Templo noon at ang kanilang pinaka-tanggapan ay nasa Jerusalem. Dumating sa kanila ang Panginoong Jesu-Cristo na may Bagong mga Pahayag. Para kasi sa kanila ang bagong aral at katuruan na sinasabi ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa mga nadatnan niyang mga saserdote ay hindi katanggap-tanggap sa kanila na hindi dapat paniwalaan. Sapagkat para sa kanila ng mga panahong yun ay sapat na ang katuruang itinuturo ng Sugong Propeta Moises. Para sa kanila ay kahuli-hulihan na ang Sugong Propeta Moises na may dala ng mga aral at katuruan ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS. Kaya ang mga nagpapakilalang Propeta noon ay pinapatay ng kanilang mga nauna pa sa kanila. Kaya ng lumitaw ang isang Bagong Propeta na may dala ng Bagong Aral at Katuruan ay itinatakwil nila at ipinapalagay na sila lang ang may karapatan mangaral sapagkat sila ang nagalit sila ginawan nila ito ng mapaminsalang humantong sa pagpapako sa kaniya sa hanggang sa kaniyang kamatayan.)
(Ganiyan na ganiyan din sa yugto ng ating panahon ngayon kung ituring kami ng mga nagtatanggol sa Ka Eduardo Manalo, kami diumano mga tiwalag at kanilang mga kaaway. Tumitindi ang kanilang kasamaan ng pag-iisip. Tinatakot nila ang mga kapatid na kung hindi makikinig sa kanila sa mga bilin nila ay ang sambahayan na kinakausap nila ay pinagbabantaang maitiwalag kung kami ay patuloy na kanilang kakausapin. Ang mga pamamaraang ito ay hayagan ng ginagawa sa mga Lokal na paninikil sa karapatan ng indibidwal. Hayagang kinontrol na ng mga tagapangasiwa sa distrito ang mga ministro at manggagawa sa mga Lokal para maipakita nila ang katapatan nila sa Ka Eduardo Manalo na para sa kanila ang ginagawa nilang ito ay para sa kanila ay ikababanal din nila. Subalit ang totoo tuwiran ng pagsira nila sa Tipan ng Pakikipagkasundo. Mga mahal naming kapatid, lahat ng pahayag ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS ay patuloy na nahahayag na. Kaya nga ang bilin ay kilalanin natin ang Katotohanan nito. Mga Bagong Pahayag na ngayon ay ipinapahayag sa napahihintulutang abang lingkod lamang NILA sa Blog ng IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG. Ito ang mga bagay na hindi pa inihayag noon ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS. Mga Pahayag na saklaw ng Hiwaga, mga Katotohanang hindi masasabi ng sinuman na alam na nila sapagkat sa yugto ng panahong ito pa lamang ipinahintulot ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo ipinapaalam. Ito ay sa udyok ng Banal na Espiritu sa KANILANG abang lingkod na inyong kapatid na Elias Arkanghel. Mahirap paniwalaan at tanggapin para sa kanila na may ganito pang Bagong Katuruan at Aral na mula sa DAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Kaya nauulit lamang sa ating panahon ang mga kasipan ng mga umuusig sa ating Panginoong Jesu-Cristo noong unang siglo. Bukang bibig din ng ngayon ng mga kapatid ang mga salitang pangungutya, pang-aalipusta, pangangantyaw, at panghahamak. Derektang nakapamusong rin sa DAKILANG PANGINOONG DIYOS natin ang walang humpay na panlalait sa mga Bagong Aral at mga Katuruang itinuturo natin na mababasa sa Blog. Ganunpaman ang inyong abang lingkod at aking mga Ka Hinirang ay hindi niyo mauupatan na kami ay tumigil sa Pagpapahayag. Kundi sa halip magpapatuloy kami sa matapat na pagsunod sa ating Mahal na DAKILANG AMANG BANAL kahit na nagngingitngit na sa galit ang mga Punong Sanggunian at mga tapat na tagasunod nila para mapatigil lamang nila ang Ka Elias Arkanghel sa paghahayag at pagpapahayag sa Blog ng mga Bagong Pahayag, Katuruan at Aral. Kaya umaani ang abang lingkod NILA ng matitinding paninira para gibain lang nila ang Katotohanan ng Karunungan ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng Panginoong Jesu-Cristo ay hinding-hindi kami mawawalan ng pag-asang maagaw pa kayong lahat sa apoy ng kapahamakan. Ano’t ano ang mangyari hindi papipigil at paaawat ang hanay ng mga Ka Hinirang alang-alang sa pagmamalasakit pa rin sa inyo at sa lahat. Ibabahagi pa rin namin ang mga Bagong Pahayag na patuloy na tinatanggap ng abang lingkod NILA na napag-utusan lamang at napahihintulutan lamang NILA.
Mga mahal kong kapatid kung alam niyo lang kung paano ako gumagawa, lumalakad sa pagsunod sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS. Inuutusan NIYA ako hanapin ang mga taong binabanggit na alyas lang ang ibibigay pati na ang mga simbolikal na nakalakip sa Mensahe.. walang pangalan, walang apelyido, ni walang numero ng tirahan. Tanging nakalakip ang mga palatandaan nakakapit sa mga simbolikal lamang na ipinahanay ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa nautusang Kabataang Hinirang upang tukuyin hanapin ang pangalang ibinigay. Maaga pa lumakad akong kasama ang ilan sa mga Ka Hinirang. Tinungo namin ang mga dereksyon ipinag-uutos. Sinunod ang lahat ng ipinag-uutos ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS. Tanging mga Anghel ng PANGINOON ang sumusubaybay sa paglalakbay namin sa Kaitaasan ng Langit na hiniling ng aba NILANG lingkod. Kung saan naroroon ang Anghel ng PANGINOON na nagbigay ng dereksyon ang naging Gabay namin sa Paglalakbay. Sa Mensaheng tinanggap ipinaunawa ang mga simbolikal na kakaharapin, kakatagpuin, pati ang mga pagsubok sa daan hindi naging hadlang, masungit na panahon kung saan kami naroroon, malalakas na bugso ng ulan hindi napahadlang, lahat ng yan ay sinuong namin na nakasubaybay ang mga Ka Hinirang kaya nagtagumpay kaming lahat ng mga nakasama kong Hinirang… hindi kami nabigo lahat ng dereksyon ay aming narating pati na ang mga tahanan nila ay natagpuan namin kahit may higit sa tatlong daang kilometro ang layo mula sa pinanggalingan. Kaya ang mga taong pinatutungkulan sa Mensahe namamangha nahihiwagaan kung paano namin sila natukoy samantalang isang kapirasong papel lamang nababasa nila na aming dala-dala. Hanggang sa pag-uwi mga Anghel ng PANGINOON ang nag-iingat naman sa amin sa daan. Ang mga Hiwagang ito sa hanay ng mga ka Hinirang na nakasama sa mga Pagtatagpo ang may matibay na Patotoong kung kaya hindi kayang tinagin ang kanilang pananampalataya ng pang-uupat ng sinuman. Sila ang nakasaksi na si Arkanghel Miguel, si Arkanghel Gabriel, si Arkanghel Raphael ay nakakausap, nakakasama namin sa Pagtitipon. Ito ang magandang kapalaran ng mga Hinirang na napakalaking biyaya na maulit muli ang mga pangyayari makasama ang mga Arkanghel ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS na KANIYANG isinusugo mula pa sa panahon ng mga unang lingkod NIYA na nakasaksi sa mga tauhin mababasa sa Banal na Kasulatan o BIBLIA. Ang isa sa napakalaking Mahiwagang Patotoo na nasaksihan nila ang Kapahintulutan ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa kahilingan ng abang lingkod NILA na ang Espiritu ng kapatid na Erano G. Manalo ay makapiling namin at ito ay lumulukob sa Piling Mensahero ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa katauhan ng kapatid at magsaysay ng pagkakilala sa Banal na Gawain na aming itinataguyod. Nagpapaunawa sa nakaraan. Tinanggap ang mga bilin na naririnig ng lahat. Kaya ang ilan sa mga kapatid na nakasasaksi ay nag-iiyakan. Totoo mga mahal naming kapatid pagkamatay ng Tatay Erdy bumabalik sa ating DAKILANG PANGINOONG ang kaniyang Espiritu, alam namin yan, yan ang aming pananampalataya. Subalit ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS ang nagmamay-ari at may Kapangyarihan na gawin kung maibigan NIYA pahintulutan ang kahilingan ng KANIYANG abang lingkod na muling ibalik sa piling ng mga tao ang Espiritu na hinihiling na dumako sa aming kinaroroonan. At yun ay nangyayari at napahihintulutan NIYA kaya walang imposible kundi naging posible dahil Pinaka-Makapangyarihang DAKILANG PANGINOONG DIYOS na may hawak ng Espiritu ng lahat ng tao ang nagbigay pahintulot sa inyong kapatid na Elias Arkanghel sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo na sinuman ang hilingin sa isang iglap ay darating. Walang makatatanggi sinuman ang mahiling. Pati na ang lahat ng mga namatay na pinatay na mga kapatid ay nagsasaysay kung paano sila pininsala ng mga gumawa sa kanila kaya naidi-detalye ang lahat. Kung saan naroon ang kanilang katawan. Tanging ang Banal NILANG Gawain NILANG ito ang napahintulutan ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS na makausap ang Espiritu ng namatay na nasa KANIYANG kontrol. Ito ang nais maipaunawa sa lahat. Napahihintulutan NIYA dahil kagustuhan din NIYA. Saklaw ng Hiwaga hindi para mandaya ng kaisipan kundi patotohanan sa lahat kung gaano napakaMakapangyarihan ng DAKILANG AMANG BANAL. Pati na ang Espiritu ng mga gumawa ng pinsala ay matukoy at makilala rin sila sa Kapahintulutan din ng DAKILANG AMANG BANAL. Maging ang Espiritu ng Ka Eduardo Manalo ay tuwirang nakakausap ang lagi nga niyang tanong “Sino ka Tinig?” Nailalahad niya ang mga dapat niyang mailahad pati na ang pagkakautang at nagawa nilang pinsala sa Iglesia, yan ay dahil sa Kapahintulutan ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS. May mga nakulam na kapatid sa isang utos lang kung hinihiling ng inyong abang lingkod ay naitataboy sa katawan ng pininsalang kapatid. Ang ibang mga namiminsalang mangkukulam sa kapatid ay binibigyan ng patotoo para malikhaan ng Banal na Takot kung ano ang isipin sa kanila ay yaon ang tuwirang agad na nangyayari. Kaya natatakot silang ang kapangyarihang dilim nila ay daig ng Tinig na naririnig nila na iniiwasan nilang masambit ang ikamamatay nila kung kaya napasasaway sila. Aktual na nagpapahayag ng takot na hindi na uulitin at inuutusang itakwil na ang gawang pamiminsala at pinasusunod na pagsuko sa DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo. Sa huli hindi na namiminsala at inutusang igalang kilalanin ang lahat ng Kautusan at Aral ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng Panginoong Jesu-Cristo. Sapagkat kapag hindi sila napasunod may nakakapit na kapangyarihan ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo na nagbabantay sa kanila na kung susuway at uulit yaong ayaw nilang mangyari sa kanila kapag nagpumilit bumalik sa gawang pamiminsala ay pagpili nila sa kanilang sariling kamatayan. Wala na kong magiging pananagutan kung sila ang pumili ng kanilang kamatayan matapos mapayuhan at mapaalalahanan para piliin ang buhay. Yan ang tuntunin ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS na hindi malalabag. Napakarami pang mga Hiwagang masasaksihan ng mga aktibong Ka Hinirang sa mga pagtatagpo sa Distrito kung saan namamalaging doon kami naiingatan. Ang lahat ng nilalaman ng pahayag na inyong nabasa ay para sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa Panginoong Jesu-Cristo ang Kapurihan, Karangalan at Kaluwalhatian. – Elias Arkanghel T10302018PT0303
IPAGMALASAKIT NA IPAMAHAGI SA KAPATID, KAIBIGAN AT SA MGA MAHAL SA BUHAY
#iglesianicristo #IglesiaNiCristo #ChurchOfChrist #INCLoyaltyDay#inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM #WeareonewithGoD
#WeareonewithChrist#WeareonewithEVM#Worldwidewalkforyolandavictims