Mga mahal kong kapatid, narito akong muli nagbabalik dahil sa mga mahahalagang Tagubilin, na akin tinanggap sa Atas sa akin ng ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS, sa pamamagitan ng Diwa ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo, na nais Nila na maiparating sa inyong lahat.
Ang KANILANG “PAMBUONG MUNDONG PANAWAGAN” para sa lahat ng mga kapatid nating IGLESIA NI CRISTO ay akin inihanay ngayon dito dahil sa pag-ibig at pagmamahal NILA sa inyo, sa ating lahat at sa lahat ng tao na nag-iibig din namang mangaligtas. Narito ang KANILANG ipinananawagan sa ating lahat. Unang-una sa hanay ng mga mahal nating kapatid na tapat na kumikilala sa kapatid na Eduardo V. Manalo sa kaniyang Pamamahala sa IGLESIA NI CRISTO. Gayundin sa hanay ng mga mahal din nating mga kapatid na tapat na kumikilala sa Kapatid na Rolando Dizon na nangunguna sa IGLESIA NI CRISTO “Small Remnant”, sa lahat mahal ko pong mga kapatid sa IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG at sa lahat mga umalis ng walang paalam at mga natiwalag sa anumang iba’t-ibang kadahilanan. Mapagpalang Araw sa ating lahat.
Napapanahon na mga mahal kong kapatid, na talakayin dito ang Pagdating ng Anak ng Tao. “Ang Pagbabalik-loob ng Lahat”. “Ang Ganap na Pagbabagumbuhay”. “Ang Paglalakbay sa Araw ng Paglikas”, “Ang Pagtungo sa Dakong Banal” Ang mga nabanggit na yan mga mahal kong kapatid ang tatalakayin natin sa kabuuan ng Bagong Pahayag sa muling pagbabalik ng inyong abang lingkod habang naririto ang Banal na Espiritung nag-uudyok na maipahayag ang “Magandang Balita” na nalihim sa mahabang panahon na dala-dala ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo sa Kaniyang mga Aral at Katuruan. Halika at inyong unawaing mabuti ang mga talatang inyong mababasa.
(“MARCOS 13: 15-22 15 “Unawain ninyo itong mabuti: Makikita ninyong nagaganap sa Banal na Lugar ang KALAPASTANGANANG WALANG KAPANTAY. na tinutukoy ni Propeta Daniel, 16 ang mga nasa Judea ay dapat tumakas papunta sa kabundukan,
Senaryo ito na ating aagapan. Kaya nga pilit na ipinauunawa sa ating mabuti. Bago gawin ng diablo ang kaniyang masamang plano sa mga Hinirang ng ating PINAKAMAMAHAL NA PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS sa yugto ng ating panahon sa mga Huling Araw na ito ay kinakailangan natin na laging maging handa, gising tayo o dilat sa Katotohanan. Lalong kailangan natin ngayon ang mapalapit pa sa ating PINAKAMAMAHAL NA PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Gawin natin ang ibinibilin na laging mananalangin sa KANILA. Kaya nga magmalasakitan tayo na laging magpaalalahanan
HEBREO 10:25 MB 25 At huwag kaligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon gaya ng ginawa ng ilan, kundi palakasin ang loob ng isa’t isa, lalo na ngayong nakikita nating nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.)
Napakahalaga ng Pagsamba sa ikalalakas at ikatitibay ng ating mga pananampalataya lalo na nga nalalapit na ang pagdating ng Panginoon. Kaya huwag ng magpapabaya sa pagdalo sa pagtitipon mga mahal kong kapatid. Dito iniuudyok sa Tagapagturo sa loob ng IGLESIA NI CRISTO ang mga napapanahon na dapat ng mga talakayin sa panahon ng mga Pagsamba, ang mga Mensahe na nauugnay sa takdang Araw ng Paglikas. Kaya huwag makilos ng masama, kundi madaig natin ng mabubuting mga gawa. Yan ang lagi nating samantalahin ngayon ang makagawa ng mabuti. Ipagmalasakit ninyong ibahagi ito sa mga kapatid natin upang mabigyan sila ng pag-asa. Pag-ibayuhin ninyo ang kasiglahan ninyo. Pawang mabubuting gawa ang makita sa atin, sapagkat ito ang ating magiging bentaha habang nagpapatuloy tayo sa katapatan sa paglilingkod. Dagdagan natin ng kasipagan natin sa pananalangin, upang walang anumang pagkakataon na makasisingit pa ang diablong kaaway. Kilalanin natin awa at habag na sa atin ito ng ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS natin sinasamahan na NIYA ang napahihintulutan NILA na abang lingkod pati na ang mga mabubuting katuwang, na mga Piling Mensahero at Mensahera. Kaya mga mahal kong Ka Hinirang huwag na huwag kayong magsasariling kalooban at tatakas sapagkat isang dako lamang ang ibinigay na ligtas na hindi kakayanin ng kapangyarihan ni satanas na marating. Kaya nga, sa kabiguan niya ay babaling sila sa mga natitirang buhay at sila ang matagumpay na mapipinsala niya ayon sa ipinahahayag ng Banal na Kasulatan na kasasapitan nila na bumukod sa hanay ng mga Hinirang.
Totoo, may itinatanging isang dako. Sa patuloy ninyong pagbabasa ay mauunawaan niyo rin mga mahal kong kapatid. Kaya ang hudyat ay hindi natin alam, walang nakakaalam, tanging ang PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS lamang ang nakakaalam. Kapag sinabi na NIYA ito sa inyong abang kapatid saka pa lamang tayong lahat mapapakilos tunguhin ang tamang dereksyon. Kaya ang PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS ang magkakaloob ng hudyat sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo natin na ipaaalam NILA sa akin at ipababatid naman sa kapatid na Eduardo V. Manalo alang-alang sa kaligtasan ng maraming susunod sa bilin. Kaya ang inyong abang kapatid panatag lamang na maghihintay na KANILANG maipaunawa ang tamang takdang panahon at tamang takdang oras para sa tamang dereksyon na patutunguhan natin. Lahat tayo magsasama-sama magtatagpu-tagpo sa isang dereksyon na magkakasama-sama tayo. Huhudyatan pati na ang mga kapatid natin sa iba’t-ibang bansa pauuwiin sa Pilipinas ang lahat sa isang kasunduang hindi mahihindian ng mga Lider ng bawat bansa dahil sa udyok ng DAKILANG KAPANGYARIHAN ng ating PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS natin. At kung magaganap na yan, pakatandaan sa biglang ng pasya ng Anak ng Tao ay lalo tayong maging handa at ano ang mahalagang bilin na dapat na masunod?
(Mateo 24:17 RTPV 17 ang nasa bubungan ay huwag nang mag-abala pang kumuha ng kahit ano sa loob ng bahay, 18 at ang nasa bukid ay huwag nang umuwi upang kumuha ng balabal. 19 Sa mga araw na iyon, kawawa ang mga nagdadalang-tao at mga nagpapasuso! 20 Ipanalangin ninyo na ang inyong pagtakas ay huwag mapataon sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga. 21 Sapagkat sa panahong iyon, ang mga tao’y magdaranas ng matinding kapighatiang hindi pa nararanasan mula nang likhain ang sanlibutan hanggang sa ngayon, at hindi na mararanasan pa kahit kailan.)
Sa panahong iyon matinding kapighatian ang nakatakdang mararanasan. Ito’y hindi pa nangyari mula ng likhain ang sanlibutan. Kaya gaano kasaklap na buhay ang darating na kapahamakan doon sa mga hindi makakasama at sasabay sa lahat ng isasagawang Paglalakbay, tiyak na ngang madaramay, mamamatay sa matinding Kawasakang Darating, na luluray-lurayin na parang basahan ang daigdig. Kaya malagim na kamatayan sa lahat ng mga magpapaiwan sa kapatagan. Lamang, kung mamatay namang tapat na IGLESIA NI CRISTO sa panahong yaon, ay yun garantiya naman nila para maligas at makakasamang bubuhayin sa hanay ng mga Hinirang NILA na makakasama na makapaninirahan doon sa BAYANG BANAL. Ang kaibahan nga lang daratnang buhay ng ating pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ang mga Hinirang na mga kapatid natin sa loob ng IGLESIA NI CRISTO na makakasama doon sa Paglalakbay patungong Dakong Banal na hindi makararanas ng matinding kapighatiang darating sa mga nasa kapatagan. Dapat ding maunawaan ng mga makakasama sa Paglalakbay wala tayong anumang bibitbitin pati na ang mga alalahanin sa buhay at pamumuhay hinding-hindi na ninyo lilingunin habang tinatakasan ang matinding delubyong darating sa buhay ng tao na maiiwan doon sa kapatagan. Huwag ng mainip
(22 Sa katunayan, kung hindi paiikliin ng Diyos ang panahong iyon, walang taong maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang ng Diyos, paiikliin ang panahong iyon.) Napakapalad ang maging Hinirang ng ating PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo natin. Dahil sa kagustuhan NILA na tayo ay maligtas KANILANG paiikliin ang panahon para hindi na nga magtagal. Naganap na ang unang umiral ang sa TAO (Adan), at sa Kasalukuyang nagaganap ang sa ikalawang pag-iral ang sa ESPIRITUAL (Panginoong Jesu-Cristo) at sa hinaharap ang pinakahuling iiral ay ang KANIYANG DAKILANG KALOOBAN (AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS) na hindi pa nalalaman ng sinuman ang mga kaparaanan ng PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS kaugnay sa Parada ng Tagumpay na pinabatid na sa inyong abang kapatid na alipin din NILA na walang kabuluhan na pinaging dapat lang para maipahayag ang KANILANG Dakilang Kalooban. Kaya nga mula ng ipag-utos sa akin ng ating PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS na muling magpahayag ay naririto na ang magandang kapalarang naghihintay sa mga tapat na susunod.
SINONG HINIRANG NG ATING AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG ATING PINAKAMAMAHAL NA PANGINOONG JESU-CRISTO ANG MAY MAGANDANG KAPALARAN MAKAKALAKAD SA DAAN NG KABANALAN PATUNGO SA DAKONG BANAL?
Kaya dadako na tayo sa Daan ng Kabanalan mga mahal kong kapatid. Muling pagtuunan natin ng mahalagang pansin ang mga talatang ito
ISAIAS 35:8 NPV 8 At magkakaroon doon ng isang lansangan, na tatawaging Daan ng Kabanalan. Ang marumi ay hindi maglalakbay roon; ito ay para lamang sa mga lumalakad sa nasabing Daan; ang masasama’t mga mangmang ay di maglalakad doon. 9 Walang leong magpupunta roon ni anumang mabangis na hayop na lalapit doon; hindi sila makikita roon. Ang mga tinubos lamang ang lalakad doon, 10 at ang mga tinubos ng PANGINOON ay magbabalik. Papasok sila sa Sion na may awitan; walang hanggang kagalakan ang magiging putong ng kanilang ulo. Sila’y paghaharian ng katuwaan at kagalakan; mawawala ang kalungkutan at buntung-hininga.
Nawa matapos ninyong mabasa nauunawaan niyo may paghaharian talaga ng katuwaan at kagalakan. At ang kalungkutan anya doon ay wala na rin pati na ang buntung-hininga. Sinu-sino sila na maituturing na mapapalad? Yung pumasok sa Sion na ito ay sumasagisag sa ating panahon sa loob ng IGLESIA NI CRISTO. Teka po tiyak na may magbibigay ng kaniyang sariling saloobin ng mabasa agad ito. Nakikiusap ang inyong abang kapatid bigyan daan natin na basahin munang maigi. Pumanatag lang o kaya saglit na manalangin para huwag matuksong magkamali na may masabi tayong hindi makabubuti sa inyo sa halip hilingin ng sinuman sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS ang kapayapaan sa inyong puso at bulay-bulayin ang mga mababasa. Ngunit bigyan daan na rin natin na masagot ang babangon katanungan sa puna ng ilang mga kapatid natin na “malinaw kapatid na Elias Arkanghel malinaw na malinaw hindi na saklaw diyan ang mga natiwalag o yung kusang lumabas sa Katotohanan sa loob ng IGLESIA NI CRISTO?” Huwag po, huwag natin pabayaan silang lahat.. kapatid pa rin natin sila ng maging bahagi sa Banal na katawan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo nasasaklawan pa rin sila. Kaya nga naririto tayo. Alam naman natin ang pagkakatiwalag ng iba ay bunga lamang ng kanilang kahinaan, bunga lang ng hinanakit, bunga lang ng kulang sa pagkaunawa at pananampalataya at ano pa mang mga kadahilanan. Anong kailangan? PAG-IBIG! Pag-ibig na masangkap sa ating lahat para maipagmalasakit din naman natin sila maibahagi din naman sa kanila ang mga mahalagang Tagubilin na aking tinanggap. Kaya nga bago ko inupuan ito
(Filipos 1:9 MB 9 Idinadalangin ko sa Diyos na mag-ibayo ang inyong pag-ibig at masangkapan ng malinaw na pagkakilala at malawak na pagkaunawa) Sapagkat (I Timoteo 1:5 MB 5 Ang layunin ng tagubiling ito ay pabukalin ang pag-ibig buhat sa pusong dalisay, malinis na budhi, at tapat na pananampalataya.) Alam naman natin na (Hebreo 6:10 MB 10 Makatarungan ang Diyos. Hindi niya lilimutin ang inyong ginawa at ang pag-ibig na inyong ipinakita at hanggang ngayo’y ipinakikita sa paglilingkod ninyo sa inyong mga kapwa Cristiano.)
May nais ipabatid sa ating lahat na dapat nating kilalaning lahat. (ROMA 3:23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos. 12 Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama; Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.”)
Ano ang nais na ipabatid at ipahiwatig sa atin ng mga Katotohanang ito? Walang makapaglilihim. Kahit pa ipakatanggi-tanggi natin ito. Alam na alam NIYA ang lahat ng ating nagawa na at kasalukuyang nagagawang mga kasalanan pa. Sa paningin ng ating PINAKAMAMAHAL na PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS tayong lahat ay nagkasala, kaya walang sinumang makapagmamalaki at makapagsasabing tayo ay malinis at karapat-dapat na sa KANILA. Walang gumawa sa atin ng mabuti tayong lahat ay lumihis ng landas yan ang tinitiyak na nabasa natin sa Banal na Kasulatan. Kaya naman, napapanahon na ang lubusang pagbabagumbuhay.
EFESO 4:22 MBBTAG 22 Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa
Hindi na nga natin dapat pang ipagpaliban mga mahal kong kapatid ang panawagang ito. Kaya nga ngayon pa lang ay hinihiling ang “PAMBUONG MUNDONG PAGKAKASUNDO NG MAGKAKAPATID SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO” Ito ang derektang pag-uutos sa atin ng ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS natin sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo upang ang kaaway na diablo ay alisan ng bahagi sa ating buhay na nagpipilit pang palawigin ang kaniyang paghahari sa tao at ang kaniyang ibig linlangin ay tayong lahat na mga Hinirang ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo at ng ating PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS.
Sa Banal na Kasulatan ang lahat ng mga pangyayari ay napapaloob sa bawat pana-panahon.
MANGANGARAL 3:8 MB 8 Ang panahon ng pagmamahal at panahon ng pagkapoot; Ang panahon ng digmaan at panahon ng kapayapaan.
Ang apat na panahong nabanggit, dalawa dito ang atin ng aalisin, ang panahon ng pagkapoot at ang panahon ng digmaan. Sa halip, paiiralin na natin sa yugto ng ating panahon ang panahon ng Pagmamahal at panahon ng Kapayapaan. Mga mahal kong kapatid, dito tayo magkakaisandiwang lahat para maisagawa natin ang “Damdaming MakaLangit.” Kaya kung totoong ibig nating makasunod ng lubusan bilang IGLESIA NI CRISTO ay matapat na sundin ang mahalagang bilin ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Kaya
(Mateo 5:24 Iwan mo roon sa harap ng dambana ang hain mo, at yumaon ka ng iyong lakad, makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyong hain.)
ang mga talatang ito na pahayag mismo ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ang magiging saligan ng ating matapat na pagsunod para ang kaguluhang naganap sa hanay ng mga magkakapatid ay wakasan na at muling pairalin ang pag-iibigang magkakapatid. Wala ng ibang pinakamabuting kaparaanan kundi ang magtanggi ng sarili at huwag ng hayaang manaig ang damdaming tao na mahuhulog pang magkasalang muli sa isang iglap na masagi muli ang kahinaan na magpigil sa pagkagalit sa tuwing may mababasa at maririnig na iba sa kaniyang pananaw na tinitindigan. Sapagkat paano tayo pagiging dapatin kung lalakad na tayo at papasok na tayo sa Banal na Dako na kung tayo para sa KANIYA ay hindi pa kalugud-lugod? Wala tayong ibang bitbit na anumang mahahalagang bagay kundi ang ating mga sarili na haing buhay. Kaya maisasagawa natin makapaghandog sa pagbungad natin doon sa ating Katampatang Pagsamba sa ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa ating Pinakamamahal na ating Panginoong Jesu-Cristo kundi ang ating sarili ang ihahandog natin na haing buhay. Tulad ng bilin
(Roma 12:1 MB 1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako’y namamanhik sa inyo: ialay ninyo ang inyong sarili bilang handog na buhay, banal at kalugud-lugod sa kanya. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos)
Masaganang habag ng ating PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS ang tayo ay makabahagi sa KANIYANG Paunang Pahayag. Bigyan naman natin SILA ng kaluguran. Sa ating pag-aaral ay hinihingi sa atin ang totohanang pag-ibigang magkakapatid sa IGLESIA na mailakip na rin natin ang lubusang pagbabagumbuhay nating lahat bago pa ang takdang “Araw ng Paglikas” upang dito pa lang ay makapagsisi ng lubusan.
MAY IKALAWANG BAHAGI … PAKIABANGAN NA LAMANG PO ….
as of December 24, 2018 1:11PM
#iglesianicristo #IglesiaNiCristo #ChurchOfChrist #INCLoyaltyDay#inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM #WeareonewithGoD
#WeareonewithChrist#WeareonewithEVM#Worldwidewalkforyolandavictims