(Mateo 5:24 Iwan mo roon sa harap ng dambana ang hain mo, at yumaon ka ng iyong lakad, makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyong hain.)
Mga mahal kong kapatid, dahil sa masaganang habag ng ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS natin, ay gawin nating maging kalugud-lugod ang mga paglilingkod natin sa KANYA. At para magawa lang natin yun kung (2 Huwag kayong umayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba na kayo at magbago ng isip upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyos – kung ano ang mabuti, nakalulugod sa kanya, at talagang ganap.) Ang pagsang-ayon hindi lang kasi humahanggan sa iniisip lang natin, humigit pa ngang nagkakasala kung nalakipan natin ito ng gawa kaya nakapagdulot ito ng hindi kalugud-lugod sa ating PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS natin at maging sa ating Panginoong Jesu-Cristo natin dahil nga nasa uri ngang masama na kasang-ayun sa maka-mundong gawain. Kaya nga kung ibig nating makapagdulot ng kasiyahan sa KANILA ay pinapipili sa atin ang tayo’y maging mabuti. Dahil diyan maipababatid sa atin ang KANIYANG Dakilang Kalooban saklaw ng Hiwaga na natago sa mahabang panahon na ngayon ay pinahihintulutan ng malaman sa KANILANG napahihintulutan lamang. Kaya napakabuting masumpungan tayo sa paggagawa ng mabuti. Sapagkat sa pagiging mabuti ay mapahihintulutan na NIYA tayong makaunawa at makaalam ng marami pang Hiwaga sa pamamagitan ng Pinakamamahal nating Panginoong Jesu-Cristo. Kapag nakakabahagi na nagkaroon na may tinaglay na, at napagkalooban kayo. Huwag ninyo hayaan na maagaw pa ng iba ang mga pagpapalang Espiritual na nilaan NILA sa inyo. Lagi lamang tiyakin ang matapat na pagsangguni sa PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS natin sa ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo tiyak mapapanuto kayo at hindi mapagtatagumpayan ng masama. Batid kung kakayanin ninyo at narito pa ang ibabahaging kaalaman para makapagtagumpay. (3 Dahil sa kaloob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo: huwag ninyong pahalagahan nang higit sa nararapat ang inyong sarili. Sa halip, pakalimiin ninyo ang tunay ninyong katatayuan, ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa inyo.) Kailangan natin magtanggi ng sarili para huwag nating maituring na nakahihigit tayo sa sinuman. Nangangahulugan lang ang kababang-loob ang makita nila sa atin. Alam niyo kung bakit? (4 Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi, at hindi pare-pareho ang gawain ng bawat isa. 5 Gayon din naman,tayo’y marami ngunit nabubuo sa iisang katawan ni Cristo, at isa’t isa’y bahagi ng iba. 6 Yamang mayroon tayong mga kaloob na magkakaiba ayon sa kagandahang-loob ng Diyos sa atin, gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung paghahayag ng kalooban ng Diyos ang ipinagkaloob sa atin, ipahayag natin ito ayon sa sukat ng ating pananampalataya; 7 kung paglilingkod, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng kaloob na pagtuturo 8 at mangaral ang may kaloob na pangangaral. Kung pag-aabuloy, mag-abuloy nang buong kaya; kung pamumuno, mamuno nang buong sikap. Kung nagkakawanggawa, gawin ito nang buong galak.) Biyayang Espiritual na mga Kaloob ang nakahanay na Pahayag sa mga talatang ating nabasa. Mga Kaloob na hindi pinag-aralan. Kaya nakahihigit ito sapagkat hindi mula sa mundong ito nagmula ang mga espesyal na katangian o Kaloob. Saan galing at Sino po ang nagkaloob? Sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo walang ibang nagkaloob kundi ang ating PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS natin, ang ating AMANG BANAL. Kaya laging maging mapagpasalamat tayo sa KANIYA at sa ating PInakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na namamagitan sa ating PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS natin. Lamang may dapat lang maunawaan tayo. Mga mahal kong kapatid, may kani-kaniyang Kaloob ang bawat isa sa atin. Dapat nating maigalang ang bawat Banal na kaukulan sa harap ng ating PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS. Tulad ng ipinaunawa huwag iisipin ng sinumang pinagkalooban na siya ay nakahihigit kaninuman. Sapagkat bawat isa, sangkap sa loob ng Katawan yan nga po ang IGLESIA na magkakalapat na ang PINAKAMAMAHAL na PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS ang naglagay. Alam niyo bang may mahalagang masangkap sa ating lahat. Basahin po natin ang mga kasunod na talata ng Banal na Kasulatan, saligan ng ating pananampalataya. Narito po (9 Maging tunay ang inyong pag-ibig. Kasuklaman ninyo ang masama, pakaibigin ang mabuti.) Yan ang pinakamahalagang masangkap sa atin ang tunay na pag-ibig. Kung tataglayin natin yan sa buong buhay natin, ang magagawa natin ay pawang mabubuti walang puwang ang magkamali at magkasala. “Kapag tunay na pag-ibig ang umiral, lahat ng magagawa natin, kalugud-lugod na paglilingkod natin sa ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo natin. Syempre lalong higit na kalugud-lugod sa ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS natin. Kaya (10 Mag-ibigan kayo na parang tunay na magkakapatid. Pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.) Kaya hindi natin maiiwasan ang magtanggi ng ating sarili. Kung sino ka man sa nakaraan huhubarin mo ang dating pagkatao at ibibihis mo ang mga Katangian ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na Kalarawan ng ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS sa Kabanalan. Ano pa ang dapat na makitang katangian sa atin? (11 Magpakasipag kayo at buong pusong maglingkod sa Panginoon.) Kaya ang mga pagsusumakit natin ang pagpapakasipag ipagpatuloy natin mga mahal kong kapatid, hanggang makarating tayo sa Dakong Banal at ito na ang mga masangkap na mabubuting katangian o mga Kaloob na naghahari sa ating puso at isipan para sa KANILANG Kapurihan, Karangalan at Kaluwalhatian. Sumasang-ayon ka ba sa akin mahal kong kapatid? Hayaan mong pansamantalang tumigil ka sa pagbabasa at gawing taimtim ang pananalangin. Purihin mo SILA at pasalamatan. Gawin mong madali! Bababa sayo ang Banal na Espiritu at mararamdaman mo ang KANILANG Kapangyarihan na yayakap sa buo mong pagkatao. Kung lumuluha ka sa sobrang pasasalamat hayaan mo, magpaubaya ka. Samantalahin muna rin ang paghiling sa lahat mong pangangailangan. Pati na ang kaligtasan makasama ka sa Dakong Banal pati na ang iyong mga minamahal sa buhay. Mangako kang paalipin ka sa KANILA. Dahil pinili mong yakapin ang Katotohanan na inihahanay sa mga Pahayag kong ito at sumasampalataya ka sa mga ipinahayag dito mahal kong kapatid magpapatotoo… magpapatoo SILA sayo hintayin mo ang tugon ng ating PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Ang kapatid na Elias Arkanghel niyo po ay walang alam, hindi po ako ministro o manggagawa, walang kasanayan na napag-aralan sa Ministeryal subalit biniyayaan ng Kaloob ng Pagkaunawa at Pagkaalam sa Espiritual na ngayon ay ipinaglilingkod ko po sa inyo. Dakilang Kalooban ng ating AMANG BANAL ang aking pong ibinabahagi po sa inyo. na Abang alipin lamang NILA na walang kabuluhan na napahihinulutan lamang po NILA gawin ang mga bagay na ito sa Udyok ng Banal na Espiritu. Kaya naman (12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa. Magtiyaga kayo sa inyong kapighatian, at laging manalangin.) Napakalaking pag-asa na maunawaan natin ang nakatakdang Paglalakbay kaugnay sa Paglikas sapagkat maghahatid sa atin sa tiyak na kaligatasan sa nakaambang pinaka-malaking kapighatiang darating sa lahat ng mga tao sa buong daigdig. Lamang hindi makaiiwas na nakalakip ang kapighatian kaya habang nasa gayung kalagayan ay hinihingi ang buong tatag at tibay ng ating pananalig at pananampalataya. Kaya para magawa natin ito yung paglagak ng ating pag-asa at pagtitiwala sa magagawa sa atin ng ating AMANG BANAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ay makitang nasa ganap tayong nangagbabagong buhay. At hindi nahahangganan na (13 Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatid. Ibukas ninyong lagi ang inyong pinto sa mga taga-ibang lugar.) ang pagpapalakas ng loob at pag-asa ng mga nanghihinang kakapatid ay isa ito sa mga pangangailangan nila. Kaya kung paanong naipagmamalasakit sa inyo ngayon ay ating maibahagi (share) sa mga kakapatid natin maging sa mga hindi kapananampalataya na kabilang sa mga taga-ibang lugar ay maibahagi natin ang mga Katotohanang ito. Sila man din ay nangangailangan ng pag-ibig at pagmamahal natin na magdadala sa kanilang lahat tungo sa kaligtasan. (14 Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo – idalanging pagpalain at huwag sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, makitangis sa mga tumatangis. 16 Magkaisa kayo ng loobin. Huwag kayong magmataas, kundi makisama sa mga aba. Huwag ninyong ipalagay na kayo’y napakarunong. 17 Huwag ninyong gantihin ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa lahat ng panahon. 18 Hangga’t maaari, makisama kayong mabuti sa lahat ng tao. 19 Mga minamahal, huwag kayong maghiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Kaya, “Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakanin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon, mapapahiya siya sa kanyang sarili.” 21 Huwag kang padaig sa masama, kundi daigin mo ng mabuti ang masama.
Ilapat na natin ang pag-ibig at pagmamahal sa lahat ng tao, lalong higit sa lahat ng mga kapatid natin sa loob ng IGLESIA NI CRISTO. Tulad ng bilin (ROMA 12:10 Mag-ibigan kayo na parang tunay na magkakapatid. Pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.) Pairalin na natin ang “Damdaming MakaLangit”. Tapos na ang “Digmaan sa Espiritual.” Hinubog lamang tayo para lalong tumibay tayo sa paglilingkod sapagkat higit na rito ang paparating. Pwersa ng diablo, ng matandang dragon lalaban sa PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS natin. Alam natin na kailanman walang tagumpay ang diablo na tinatawag na satanas para panaigan niya ang PINAKAMAMAHAL PINAKAMAKAPANGYARIHAN sa lahat ang ating PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS natin na ating AMANG BANAL na mangangalaga at mag-iingat sa atin doon sa Dakong Banal na sa atin ay pagdadalhan. Mangyayari ito tiyak na tiyak dahil nakasulat sa Banal na Kasulatan. at nagdudumaling mainam habang ginagayak tayong lahat sa Paglikas patungo sa Banal na Dako kung saan tayong lahat ay maiingatan sa loob ng tatlong taon at kalahati. Kaya nga gayun na lamang ang panawagan sa ating lahat na magkasundu-sundo ng lahat ay pagpili natin sa iniaalok NILA sa atin na piliin ang mabuti. Sa panig ng mga Ka Hinirang ko, at ng mga nailabas dahil sa kaguluhang nangyari ay ginampanan lamang natin ang ating mga kaukulan at ginampanan din lamang ng mga nasa Templo Central na silang mga pinupuna natin dahil sa kanilang mga kaukulan. Magkabilang panig man ay nagkabatuhan ng mga matatalim na salita. Lubhang nagkasakitan man tayo ng mga damdamin. May mga hindi nakapagpigil, nakapagmura, nakapanlait, nakapagsalita ng mga mahahalay na pananalita, sobra-sobrang pangungutya, panghamak sa pagkatao ng iba kapatid man o hindi, may mga nasaktan, may mga nawalan ng mga maituturing na mahalaga para sa kanila. Pati na ang buhay ng pinakamamahal sa buhay ng iba ay nadamay pa. Subalit mga mahal kong kapatid ipaubaya natin sa ating PINAKAMAMAHAL NA PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS ang lahat ng kahatulan, yamang SIYA naman ang PINAKAMAKATARUNGANG HUKOM na maglalapat ng pinakamainam na pagpapasya at ito ay sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo para sa ikapapayapa ng lahat maisasaayos din ang lahat.
PAGBABAGONG BUHAY NATIN AT PAGBABABALIK-LOOB …
Ang pag-uutos na ito ay mula sa Dakilang Kalooban ng ating PINAKAMAMAHAL na ating AMANG BANAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal nating Panginoong Jesu-Cristo. Sila ang may-ibig na maigayak na natin ang ating mga sarili para sa lubusang pagbabagumbuhay. Kaya napapanahon na mailapat natin ang ating mga damdamin. Nang tanggapin ko ang Banal na Mensaheng ito mula sa Tinig ng ating PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS ay agad akong nanawagan una na sa mga pangunahin kong katuwang sa Banal na Gawain. Pinagmalasakitan kong maipaalam sa mga kapatid kong Hinirang na naitiwalag sa panahon ng kaguluhan.
Narito ang kanilang naging saloobin. Pakiunawa ang kanilang matapat na pagtugon :
May pananabik naman na talagang muling mabalik sa talaan ang mga kapwa ko Hinirang na naitiwalag at sundin ang mabuting Kalooban ng ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pagbabagumbuhay na marapat na gawin ng lahat. Hindi lamang sila kundi kaming lahat tayong lahat magpapanibagong buhay para maisakatuparan na ang Dakilang Kalooban ng ating PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS natin sa pamamagitan ng Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo natin. Nariyan po sa mga larawan ang mga pahayag nila na malinis na hangarin at matapat na susunod. Ang kapatid na Ferdinand Alvarado at ang kapatid na Suzie Hernandez Ogorman na kapwa ko Ka Hinirang na may lihitimong pangalan sa social media ang may pananabik na nagpahayag na handang sumunod. At ang kapatid na Rosa naman hindi naman niya tunay na pangalan subalit nagpahayag na handa na rin sumunod. Tanging ang Ka Lina Castillo lamang po ang hindi tiwalag sapagkat lihitimong nakatala pa siya sa kaniyang Lokal na kinatatalaan na may pagtatanong lang kung gaano katotoo na nagbago na ang kapatid na Euardo V. Manalo at gusto pang manatiling magsuri. Subalit panatag po akong alang-alang sa PAMBUONG MUNDONG PANAWAGAN sa ikalalapat ng ating mga damdamin para umayon sa KANILANG Banal na Kalooban ay magiging magkakaisandiwang susunod ang lahat.
Sila ang mga mabubuti kong katuwang mula May 27, 2015 hanggang November 27, 2018. Nagpagal sa loob ng tatlong taon at kalahati kasabayan ko sa mga pagpupuyat, paghihirap magawa lamang ang Banal na Kalooban ng ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS natin sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo natin. Hangad kong mapanauli ng lahat at mabalik na lahat ng mga kapatid kong IGLESIA NI CRISTO na nagkakalapat ng damdamin sa isa’t-isa.
Kaya ang panawagang ito mga mahal kong kapatid ay mula sa ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ay isang imbitasyon para sa nalalapit na “DAKILANG ARAW NG PAGLILIGTAS” ang pagsakay sa Daong ni Noe noon sa ikaliligtas ay iiral muli sa ating panahon gamit ang IGLESIA NI CRISTO .. ang Makabagong Daong sa Espiritual na Paglilingkod …
MAY IKATLONG BAHAGI .. PAKIABANGAN MGA MAHAL KONG KAIBIGAN AT KAPATID ….
#iglesianicristo #IglesiaNiCristo #ChurchOfChrist #INCLoyaltyDay#inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM #WeareonewithGoD
#WeareonewithChrist#WeareonewithEVM#Worldwidewalkforyolandavictims