Mapagpalang araw sa inyong lahat mga mahal kong kapatid. Nawa ang lahat ng makababasa nito ay maayos ang inyong mga kalagayan ng buhay at pamumuhay, laging panatag, nasa pagkalinga at pagmamahal ng ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Napakahalaga na tayo ay nasa panig NILA na tanging makapag-iingat sa atin para huwag tayong maagaw ng masama. Lalo na nga nalalapit na ang araw ng mga pagtanggap ng Banal na Hapunan na naitakda sa kani-kaniyang mga Lokal. Piliin natin ang mabuti at itakwil ang gawang masama para paging dapatin tayo sa pakikisalo sa Dulang ng ating Panginoon. Kaya marapat lamang piliin na natin ang mabuti upang maging kalugud-lugod tayo sa KANILA na laging nagtatapat sa paglilingkod at patuloy na nananangan sa tulong na magagawa ng ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo habang nanghahawak sa KANILANG Karunungan Kaalaman Kaunawaan at hindi nakasalig lamang sa kaalaman at kaunawaan ng tao.
Muli ang inyong abang lingkod ay napahihintulutang ng ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na sagutin at ituwid ang kapatid na may akda ng Pahayag sa Page ng ONE w/ GOD w/ Christ and w/ the Sanggunian @ One With Council na sa kaniyang mga kamalian sa pagpaparatang sa amin na hindi maitatago at maitatanggi na isa kang ministrong napagkatiwalaan para gawin ang paghahanay sa Pahinang ito sa Facebook at tuwiran mong sagutin ang mga inaakala mong kumakalaban sa pananampalatayang ating tinitindigan sa loob ng IGLESIA NI CRISTO. Lamang mahal naming kapatid nakalulungkot sapagkat sa bungad pa lang ay nababanaagan na agad sa pasimula pa lang ng iyong paghahanay sa pangungusap na derektang pagpaparatang at bahid ng pagkagalit sa amin kung saan nabasa mo ang mga inaakala mong kamalian sa pahayag namin gamit ang mga talatang inaakala mo na sariling kasipan lang namin. Subalit ito ay pagtutuwid ng PANGINOONG DIYOS na SIYANG may ibig din naman kayong maitama sa mga kamalian. Ang Katotohanang ito ay marapat lamang na maipaunawa sa lahat ang mga kamalian mo lalo na nga ay agad-agad kang paniwalaan ng one hundred sixteen thousand two hundred sixty nine (116,269) na nag-likes sa Page mo na hindi namin naipagtatangol ang Banal na Gawain na aming itinataguyod na ito ay para sa Kapurihan, Karangalan at Kaluwalhatian ng ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Sa kabuuan ng iyong pahayag ng pagpaparatang sa amin ay babahagiin ko na lamang sa tatlong bahagi para masagot ang kabuuan ng inilathala mo mahal naming kapatid.
Eto ang panggugulo ng mga rebeldeng tiwalag na LIGTAS pa din daw sila at may karapatang Tawaging mga IGLESIA NI CRISTO ….
( Unang Bahagi : TUGON NG KAPATID NA ELIAS ARKANGHEL: Unang-una hindi kami nanggugulo at hindi rin kami mga nagrerebelde sapagkat hindi naman kami mga tiwalag kaya tama lang na tawagin kaming mga IGLESIA NI CRISTO. Ito ay karapatan naming nabahagi mula ng kami ay sumampalataya, madoktrinahan at mabautismuhan na tulad ninyo. Bilang pagsunod kung kaya kami naririto.. kung sa nakaraan ay upang makipagdigma subalit hindi na ganun ngayon. Kung tumutugon naman ngayon ay bahagi na ng pagsasaayos, pagtutuwid na KANILANG iniuudyok sa akin ng Banal na Espiritu mula sa Diwa ng Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo sa Kapahintulutan naman ng ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS na SIYANG may Atas na tugunin ang mga puna ninyong hindi naaangkop na ibinabalik ninyo sa amin. Sa bahaging ito ay wala naman na tayong malalabag sapagkat bahagi ito sa nai-texto kahapon sa Pagsamba February 10 na aming dinaluhan patungkol sa Hebreo 10: 25 Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa’t isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw. )
=================================================================
HINDI DAW itinuro sa atin ang KAHULUGAN ng karugtong ng JUAN 10:9 na :
“ANG SIYA’Y PAPASOK AT LALABAS AT MAKATATAGPO NG PASTULAN”
NAPAKALAKING MGA SINUNGALING ang mga taong ito ….. HINDI ba kailan lang ay pagsamba itinuro sa pagsamba ang kahulugan nito.
( Ikalawang Bahagi : TUGON NG KAPATID NA ELIAS ARKANGHEL: Tama ka mahal naming kapatid. Sayo na rin nanggaling tulad ng naging pag-amin mo letra por letra kaya ito ang gagamitin ko at sisipiin ko para hindi kami maparatangan na naninira lamang tulad ng inaakala mong nagsisinungaling kami. Narito: ” HINDI ba kailan lang ay itinuro sa pagsamba ang kahulugan nito.” na ang tuwiran mong pinatutungkulan ay ang Juan 10:9. Malinaw na malinaw na, kailan lang. Kailan nga ba naituro na binasa ang kabuuan ng Juan 10:9? Hindi ba nito lamang January 30/31, 2019′ araw ng Mierkules at Huwebes sa mga araw ng Pagsambang isinagawa? Samantalang ang sa amin naman na pinupuna mo ay patanong ang pamamaraan ng aming pagpuna gaya ng mababasa sa larawang nasa ibabang bahagi na may petsa pang July 9, 2018 nalathala. Uulitin ko July 9, 2018 pa nailathala.
Kaya hindi mo kami mapaparatangan na nagsisinungaling mahal naming kapatid. Dahil mula ng mailathala yan, ay namamalaging ganun nga ang nakaugalian ng mga kapatid nating Ministro at mga manggagawa na rin, kapag naituturo sa mga Pagsamba at Doktrina ay laging pinuputol ang bahagi ng talata ng Juan 10:9 at Colosas 1:18 na … na nitong January 30/31 lamang taong kasalukuyan 2019 muling binasa ang kabuuan ng talata sa Juan 10:9 kaya’t buong pagmamalaki mong itinutuwid ngayon dahil binasa na ang sinasabi mong “HINDI DAW itinuro sa atin ang KAHULUGAN ng karugtong ng JUAN 10:9 ” yan ang ayon sayong paniniwala’t paninindigan kaya mo kami tinutuligsa. Pasensya na kailangan lang ituwid ang mali mong akala mahal naming kapatid hindi kita dinidigma kailangan lang natin mangag-aralan sa isa’t-isa.
May tanong akong iiwan sayo sa bahaging ito, ikaw nga mahal kong kapatid na may akda ng pahayag sa Page na ito sa Facebook na nagparatang sa amin. Mula ba ng maituro sa Pagsamba ng January 30/31 , 2019 na binasang buo ang Juan 10:9 MB 9 Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko’y maliligtas. Papasok siya’t lalabas, at makatatagpo ng pastulan. ay namamalagi na bang ganito ang pamamaraan ng pagtuturo na binabasa ng kabuuan ng talatang Juan 10:9 sa mga Pagsamba at Doktrina? Dahil kung hindi pa rin huwag mong ikasasama ng loob mahal kong kapatid na Ministro, kailangan mong tanggapin na hindi kami nagsisinungaling at aminin mong nagkamali ka sa iyong pagpaparatang sa amin. Kung hindi mo man derektang maamin dahil ikagagalit lamang ng marami sayo ng mga kapwa mo Ministro, ay hingin mong mataimtim sa panalangin ang iyong kapatawaran sa ating PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS para maalis ang galit mo sa akin o sa sinuman sa amin na mga lihitimo mong kapatid sa IGLESIA NI CRISTO.
================================================================
Ito namang puna nila sa COLOSAS 1:18
“ At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga’y ng iglesia;
HINDI DAW BINABANGGIT ANG KARUGTONG NA:
“ na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan. “
PANSININ na ang karugtong ng :
“SA MAKATUWID BAGA’Y NG IGLESIA”
ay NAPAPAGITNAAN ng “SEMICOLON” (
na ang ibig sabihin ay:
“semicolon” in English
semicolon
noun [ C ] UK /ˌsem.iˈkəʊ.lɒn/ US /ˈsem.iˌkoʊ.lən/
B2 the symbol ; used in writing between two parts of a sentence, usually when each of the two parts could form grammatical sentences on their own. A
semicolon can also separate the things in a list. (SOURCE:
https://dictionary.cambridge.org/…/dictio…/english/semicolon)
BAKIT KAILANGAN pang banggitin ang kasunod na pahayag na:
“na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan. “
KUNG WALA NAMAN itong kaugnayan sa tinatalakay na relasyon ni Cristo Sa Kaniyang Iglesia?
(Ikatlong Bahagi : TUGON NG KAPATID NA ELIAS ARKANGHEL ) Sumipi tayo ng iba’t-ibang salin na mababasa sa Colosas 1:18 na mababasa sa gawing ibaba nito. Pansinin mo ang maling pangangatwiran mo mahal kong kapatid. Gumamit ka pa ng karunungan ng tao para mabigyang katwiran ang ibig lang ninyo na basahin at kung saan nahahati na kung walang kaugnayan ay hindi na babasahin ang kabuuang talata ng BIBLIA. Subalit nakalulungkot sapagkat naisantabi mo ang napakahalagang bilin ng PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS. Alin yun? Dito ka mahal kong kapatid maiutuwid sa talata ng BIBLIA na mababasa sa. Deuteronomio 4: 2 MB 2 Huwag ninyo itong daragdagan ni babawasan. Sundin ninyo ito nang walang labis at walang kulang. Yan ang bilin ng PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS .. Subalit tama ba? Nagtatanong lang! Tama bang pangangatwiran mo sa ginawa mong pahayag .. sisipiin ko lang ang sinabi mo “BAKIT KAILANGAN pang banggitin ang kasunod na pahayag na:
“na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan. “
KUNG WALA NAMAN itong kaugnayan sa tinatalakay na relasyon ni Cristo Sa Kaniyang Iglesia?“
Mali ang naging batayan mo, maling- mali ang pangangatwiran mo mahal kong kapatid na Ministro. Kapag binasa mo ang aklat ng Colosas 1 at talatang 18 marapat lamang na masunod ang bilin na sundin na huwag babawasan, walang labis at walang kulang. Dahil kung ikaw mahal kong kapatid o kayong mga kapatid kong Ministro ang susundin ko ay derekta at tuwiran na akong nakalabag sa ating PINAKAMAMAHAL NA PANGINOONG DIYOS.
Dahil diyan, hahayaan ko ang talata na ng BIBLIA ang piliin mong magpaunawa sayo mahal kong kapatid. Muling mong hilingin ang taimtim na pasasalamat sa KANILA sa pagtutuwid NILA sayo at sa lahat na rin na nag-iisip na masama ang ipinaunawa namin subalit ngayon ay naitama. Yan ay pagmamahal at pagmamalasakit na rin NILA sa inyo. Ako ay abang lingkod lamang NILA na nagbibigay paunawa na mula rin sa KANILA ang Karunungan, Kaalaman at Kaunawaan na idinidikta lamang sa diwa ko habang nagpapahayag ng KANILANG mga Katuruang marapat na maisaayos at maitumpak. Muli maraming-maraming salamat po AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS sa Tulong, Patnubay at Paggabay NIYO po sa inyong abang alipin sa pamamagitan ng Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ay nabigyang daan na masagot ang maling paratang po nila sa amin na kami ay kanilang mga kapatid sa loob ng IGLESIA NI CRISTO na ginagamit lamang po NIYO kaming kasangkapan para maitama, maisaayos ang mga maling kaunawaang naitataguyod ng naituturo noon na napahintulutan lamang para sa takdang panahong ito ay maisaayos na tulad po ng napakahalagang bilin Isaias 43:13 Oo, mula nang magkaroon ng araw ay ako nga; at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay: ako’y gagawa, at sinong pipigil?
Colosas 1:18 Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Siya ang Una, ang panganay na Anak – ang unang nabuhay na muli upang siya ang maging pinakadakila sa lahat ng bagay.
Collonians 1:18 NKJV 18 And He is the head of the body, the church, who is the beginning, the firstborn from the dead, that in all things He may have the preeminence.
Colossians 1:18 NIV 18 And he is the head of the body, the church; he is the beginning and the firstborn from among the dead, so that in everything he might have the supremacy.
ANG BAHAGING IBABA NITO ANG KASALUKUYANG PANUNULIGSA SA AMIN BAGO NAGAWA ANG NASA ITAAS NA BAHAGI NITO NA TINUGON ANG MALING PARATANG NILA SA MGA NAIPAHAYAG NG BANAL NA GAWAING AMING ITINATAGUYOD. – ELias Arkanghel 02112019PT1500
Pielah Garcia UNAWAING MABUTI bago makagawa ng masama sa KAPATID.
Walang itinuro ang Ka Elias Arkanghel na tumigil sa Pagsamba… Hindi rin siya nagturo na bawasan at huwag ng mag-abuloy pa…
II Corinto 9 : 7 MB 7 Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa sariling pasiya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat ang ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob.
“Mga mahal kong kapatid, pagkatapos nating magawa ang kusang pagkakaloob ayon sa sariling pasya na masaya nating inihandog gaano man ang halaga niyan na hindi nabibigatan ang ating loob magalak ka sapagkat nagawa munang makasunod sa KANILANG Kalooban. At dahil diyan ano ang mabuting mensahe naman sa atin ng PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa katuruan ng mga Apostol na nakasulat sa Banal na Kasulatan? Ipagpatuloy lang natin ang pagbasa sa gayun ding aklat 8 Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay higit pa sa inyong pangangailangan upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa. 9 Gaya nga ng sinasabi ng Kasulatan: “Siya’y namudmod sa mga dukha; Walang hanggan ang kanyang kabutihan.” 10 Ang Diyos na nagbibigay ng binhing ihahasik at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi at magpapalago nito upang mamunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob. 11 Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay para lalo kayong makatulong sa marami. Sa gayo’y dadami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin ko sa kanila. 12 Ang pagtulong ninyong ito sa mga kapatid ay hindi lamang makatutugon sa kanilang pangangailangan kundi magiging dahilan pa ng walang hanggang pagpapasalamat mula sa Diyos. 13 Ang bukas-palad ninyong pagbibigay ay magpapatunay sa kanila na matapat ninyong tinatalima ang Mabuting Balita ni Cristo. Dahil diyan, magpupuri sila sa Diyos. 14 Kayat buong pagmamahal nila kayong idadalangin, dahil sa dakilang kaloob ng Diyos sa inyo. 15 Salamat sa Diyos dahil sa kaloob niyang walang kapantay!
Mga mahal kong kapatid, hayag ang kagandahang loob ng PANGINOONG DIYOS at ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo. Kung kaya walang dahilan para tigilan natin ang paghahandog. Gaano man ang halaga kung yan ang magaan sa kalooban ninyo ay gawin ninyo. Huwag kayong padadala sa simbuyo ng damdamin ninyo. Kung nagagalit man kayo sa mga kinikilala nating nangangasiwa at namamahala sa atin dahil sa kawalan na nila ng paggalang sa mga abuluyan at handugan natin ay huwag madamay ang PANGINOONG DIYOS at ang Panginoong Jesu-Cristo natin. Alalahanin ninyo nakamasid SILA sa atin at alam na alam NILA kung ano ang mga hinanakit natin. Ipaubaya na ninyo ang inyong mga damdamin sa ating AMANG BANAL at sa ating Panginoong Jesu-Cristo ang lahat. Mahal na mahal NILA kayo kung kaya hindi kawalan o kakulangan ang magawa ninyo ang inyong bahaging kaukulan sa mga abuluyan at handugan sa tuwing may takda tayong mga Pagsamba. Hindi ba’t ang sabi handa kayong pasaganain sa lahat ng bagay higit pa sa inyong pangangailangan. Kaya hindi sila hadlang para magtamo tayo ng mga pagpapala. Tuluy-tuloy ang pagkakaloob NILA ng mga biyaya. Ipagkatiwala natin sa KANILA ang anumang nakapagpapabigat sa inyong kalooban. Sa halip pumanatag kayo dahil hindi nagpapabaya ang PANGINOONG DIYOS at ang Panginoong Jesu-Cristo natin. Ang pinakamainam ay isama ninyo sila sa inyong mga pananalangin at hilingin din ang makapagpapanumbalik sa kanila ng Banal na takot at mapanauli ang pag-iibigan nating magkakapatid.” -Elias Arkanghel
Adrean Galang 😂😂😂😂😂 napakarami po ng FA na nakatago sa dummy acct nila.. mga 20-30?
napakalaking kahihiyan po kasi nun sa kanila.. nakakasulasok!
tulad mo!
Tagapagtanggol ka kasamahan mo ang mga FA.👺😥😧👎

Pielah Garcia Kaya nagpapatunay lang na walang ingat kung sino man itong mga admin para akusahan ang sariling KAPATID at naiisin pang PATAYIN. Maging maingat po ang sinuman at hindi namamalayan nakakagawa ng masama sa inyong kapatid.
1 Juan 3:10
[10]Dito natin makikilala kung sino ang mga anak ng Diyos at kung sino ang mga anak ng diyablo: ang sinumang hindi gumagawa ng matuwid at hindi umiibig sa kanyang kapatid ay hindi anak ng Diyos.

Pielah Garcia Magandang umaga po mga mahal na kapatid sa lahat po ng nagcomment. Sino mang ministro ang nasa admin pansinin po ang mga damdamin ngayon ng mga kapatid kung paano po manghawak sa katotohanang tinanggap ganitong uri po ba ang marapat na damdamin ng naghahanda sa sinasabing pag-huhukom? Nasaan ang pag-ibig na noon pa natin narinig?
1 Juan 3:11
[11]Ito ang mensaheng narinig na ninyo sa simula pa: magmahalan tayo.

Pielah Garcia Magandang umaga po uli para sa inyo ADMIN.
Sa tulong ng AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ay masasagot ang mali ninyong unawa.-Elias Arkanghel
Pamamahalang lagay ng Dios. Ang diablo man ay sumasambit din ng pangalan ng Dios at ng Panginoong Jesucristo. Ganyan din kayo.👺😥😧


Pielah Garcia May PAG-IBIG pa ba mga mahal na kapatid Ang sinumang nagsasabi sa inyo na hindi na maliligtas ang kapwa higit ang mga kapatid sa HINIRANG na halos ang lahat ay mga NAKATALA subalit inaakusahan ninyo na mga TIWALAG.
Pasensya na ADMIN ano po ang nililikha mo sa isipan ng maraming kapatid upang sabihin mo na kami ay mga tiwalag unang una na ang kapatid na Elias Arkanghel ay masiglang kapatid at nanatiling nakatala.
Nais ba ninyong tumulad kay CAIN ? Sino po si Cain?
1 Juan 3:12
[12]Huwag tayong tumulad kay Cain; siya’y kampon ng diyablo. Pinatay niya ang kanyang kapatid. Bakit? Sapagkat masama ang kanyang mga gawa, ngunit matuwid ang mga gawa ng kanyang kapatid.
NAGSASABI KAYONG KAPATID AT NAKATALA PA, KAYO ANG BINABANGGIT NG BIBLIA NA NAKAPASOK NG LIHIM. 👺😥😧

Pielah Garcia Ano po ba ang marapat na DAMDAMIN NG isang tunay na HINIRANG?
ANG PAG-IBIG NG MGA HINIRANG SA LAHAT… NA PAGIGING DAPATIN NG ATING PANGINOONG DIYOS AT NG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO.
1 Corinto 13: 1-13BMBB1 Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang umaalingawngaw o pompiyang na kumakalampag.
Adrean Galang Pielah Garcia paano mong nasabing masigla ka, eh hindi mo alam ang aral, kinikwestyon mo pa yung mga talata na kulang ang pagkaunawa mo.. ultimo itinuro ng sugo at ka erdy kwestyunable syo? At lumalabas pa, na ikaw lang ang nakaunawa?
Wag kami.. di makapagtatago ang mga mapanlinlang na tunay daw na kapatid.. ang diablo man ay sumisitas din, sinsay naman sa pagkaunawa at katotohanan..
Kung masigla ka, bakit nagkaroon ka ng alinlangan sa mga talatang inilatag mo?
Hanggang ngayon padin ba ay hindi mo alam ang sagot doon?
Naghahanap ka ng pagibig sa KAPATID?
Alam mo ba ang salitang KAPATID?
Kapatid sa pananampalataya po yun..
iba ang pananampalatayang taglay mo, mamumusong..
Nagmarunong, nangahas, at nahayag syo ang kahangalan at pagiging lapastangan mo..
Pano mo sasabihing kapatid ka namin, iba ang iyong pananampalataya.. katulad ng mga lapastangan, naghahanap ng pagibig ng tunay na kapatid, humihingi ng simpatya, ng awa, gayong ang tagapanguna, ang Pamamahala ay di nyo iniibig, ni magpasakop ay tumanggi kyo..
Kaya nga hindi nyo kayang maipakita totoong pagkatao nyo.. nagtago sa dummy acct..
Kunwari’y mababang loob, nag-aayong tupa, lobong maninila pala..
Hindi mo kami mauuto.. di ka tunay na kapatid, ni hindi mo alam saan ka nakatala, pati pang-unawa, di alam saan pinulot.. walang taglay na espiritu santo.. mga nadimlan..

Huy 😂


Maraming salamat po sa ating PINAKAMAMAHAL at PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa pamamagitan ng ating pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ay muling naibigay ang kaunawaan sa pagkakilala ng “Mabuti at masama” at kung alin ang iyang pipiliin natin na ilakip sa ating buhay espiritwal upang sa nalalapit na pagtanggap ng Banal na Hapunan sa pakikiisa sa Dulang ng Panginoon Jesu-Cristo ay maiangkop ang ating mga sarili na haing buhay sa ating PINAKMAMAHAL at DAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa katawan ng ating pinakamamahal ng Panginoong Jesu-Cristo.
Ang inyong kapatid sa Panginoong Jesu-Cristo
Ka. Gregorio Pilar
LikeLiked by 1 person