Mapagpalang araw sa inyong lahat mga mahal kong kapatid at sa inyong lahat na mga kaibigan at kakilala namin na hindi man namin kapananampalataya ay nakababahagi ng unawa sa aming mga ipinapahayag mula sa Karunungan ng ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Muli maraming-maraming salamat sa ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo sa KANILANG patuloy na pagmamahal at pagmamalasakit NILA sa atin kaya namamalagi ang ating buhay at lakas dahil sa mga biyaya at pagpapala NILA sa atin, sa buhay na ito at sa ating mga pamumuhay, na lakip na nakababahagi ang ating mga mahal sa buhay. Muli narito ang inyong abang lingkod kapatid na Elias Arkanghel naatasan NILANG magpahayag sa pamamagitan ng Diwa ng Panginoong Jesu-Cristo sa udyok ng Banal na Espiritu sa Kapahintulutan at Kalooban ng AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS.
PAKIKIPAG-USAP SA TAONG PATAY NA! Alam niyo bang may napahihintulutan at may hindi napahihintulutan? Sa Banal na Kasulatan o BIBLIA ay may ilang lingkod ng AMANG BANAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS ang tuwirang nakikipag-usap sa patay. Si Haring Saul at ang Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Sila ang mga Lingkod ng AMANG BANAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS ang may mga matibay na mababasang Patotoo sa Banal na Kasulatan o BIBLIA na derektang nakipag-usap at nakipag-ugnayan sa mga espiritu ng mga taong namatay na. Ganunpaman, may mababasa rin sa Banal na Kasulatan na tuwirang ayaw ng ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS na gawin ng KANIYANG mga lingkod. Dito tayo magpapasimulang bumasa ng mga Pahayag mula sa Banal na Kasulatan o BIBLIA kung bakit may hindi napahihintulutan sa pakikipag-usap sa espiritu ng mga patay ( ISAIAS 8:19-20 NPV 19 Kapag sinabi sa inyo ng mga tao na sumangguni kayo sa mga espiritista at sa mga nakikipag-usap sa mga espiritu, sa mga bubulung-bulong, hindi ba’t ang isang bayan ay dapat sa kanyang Dios sumangguni? Bakit sasangguniin ang patay para sa kapakanan ng buhay? 20 Sa kautusan at sa patotoo! Kapag hindi sila nagpahayag ayon sa salitang ito, wala silang liwanag ng bukang-liwayway. ) Hindi tayo magpaparatang sapagkat tiniyak sa nabasang talata walang liwanag tulad ng pagsikat ng araw na wari kumakalat ang Katotohananan na nakapagbibigay ng liwanag para yumakap sa lahat ang mabuting pagkaunawa. Walang matibay na Patotoo na masasabing ang kanilang mga ginagawa ay nauugnay sa ating pinagbabatayang mga Katotohanan, Kaunawaan at mga Kautusan ng ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na nakasulat sa Banal na Kasulatan o BIBLIA. Kaya ang tanong na ating mababasa “Bakit sasangguniin ang patay? Para ba sa kapakanan ng buhay? Ang tanong na ito ay itatanong natin mga mahal naming kapatid, sa mga nakakikilala sa mga espiritista na mga nakikipag-usap sa mga espiritu. Gayundin naman sa mga gumagamot na bumubulung-bulong sa kanilang ginagamot kung ang kanilang ginagawa ba ay para lamang sa pansariling kapakanan ng buhay lamang? Kaya ba nila sinasangguni ang patay ay para matanyag at makilala lamang sila? Kasi kung yan ang pamamaraan ay hindi nga makalulugod sa ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS na angkinin nila ang Karangalan, Kadakilaan, Kaluwalhatian na marapat lang na sa KANIYA ipatungkol at sa ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo.
Halikayo mga mahal kong kapatid tayo ay mangag-aralan sa isa’t-isa. Ang mga Katotohanan inyong mga nababasa sa Blog na ito ay mga Bagong Pahayag at katuruan na dito lamang ninyo mababasa na kailanman ay hindi pa natatalakay sa ibang pagkakataon. Ngayon lamang napahihintulutan para sa ikauunawa na sa iba ay imposibleng mangyari subalit dahil saklaw ng Hiwaga na pawang mababasa sa Banal na Kasulatan o BIBLIA ay upang lalong ipakilala ang ating AMANG BANAL PINAKAMAKAPANGYARIHANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na kapag SILA ay gumawa ng ayon sa KANILANG Banal na Kalooban ay walang sinumang maaaring tumutol o humadlang kung sinuman ang ibig NILANG kasangkapanin para magpatotoo sa Banal na Gawain na SILA rin ang may Akda nito para sa KANILANG Kapurihan, Karangalan at Kaluwalhatian na itinataguyod ng KANILANG mga Piling Hinirang.
SI PROPETA MOISES NA LINGKOD NG PANGINOON AY NAMATAY
DEUTERNOMIO 34: 5-8 NPV 5At si Moises na lingkod ng PANGINOON ay namatay sa Moab, gaya ng sinabi ng PANGINOON. 6 Inilibing siya sa Moab sa lambak sa tapat ng Bet-peor ngunit hanggang sa araw na ito, walang nakaaalam kung nasaan ang kanyang libingan. 7 Si Moises ay 120 taon nang namatay, ngunit hindi lumabo ang kanyang paningin ni humina ang kanyang katawan. 8 Tatlumpung araw na nagluksa ang mga Israelita sa kapatagan ng Moab, hanggang sa matapos ang panahon ng pagtangis at pagluluksa.
PATOTOONG TALATA NA KAUSAP NG PINAKAMAMAHAL NA PANGINOONG JESU-CRISTO SINA PROPETA ELIAS AT ANG PATAY NG SI PROPETA MOISES.
Mateo 17:1-4 NPV 1 Makaraan ang anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Santiago at Juan sa isang mataas na bundok. 2 Doon ay nagbagong-anyo siyang nakikita nila. Lumiwanag na parang araw ang kanyang mukha at naging busilak sa kaputian ang kanyang damit. 3 Bigla na lang nilang nakita sina Moises at Elias na kausap ni Jesus. 4 Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Panginoon, mabuti pa’y dumito na tayo. Kung ibig n’yo, gagawa ako rito ng tatlong tabernakulo: isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias.”
==========================================================================
PAGHAHANAY NG ISANG KAPATID :
MAY PAG DUDUDA AKO SA TALATANG ITO
UNA BAKIT ANG ESPIRITU NI PROPETA SAMUEL AY UMAHON MULA SA LUPA?
di kaya isa itong panlilinlang ni satanas na gayahen si propeta samuel?
Una rin ang itim na kapangyarihan ng manghuhula ay di kaylan man diringgin ng AMANG BANAL NA PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS,
PANGALAWA ANG AMANG BANAL NA PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS ANG MAY HAWAK NG ESPIRITU NI PROPETA SAMUEL? 🙄
Kaya kong ipag papalagay ko na si propeta Samuel yong umahon MULA SA lupa para kuna ring nilabag ang mga katotohanan ng AMANG BANAL NA PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS…
1 Samuel 28:3,6-19 Patay na noon si Samuel at ipinagluksa siya ng buong Israel. Siya’y inilibing nila sa Rama, sa kanyang sariling bayan. Noon ay pinalayas na ni Saul ang mga sumasangguni sa espiritu ng mga namatay na at ang mga manghuhula. Nang sumangguni siya kay Yahweh, hindi sumagot si Yahweh kahit sa pamamagitan ng panaginip, ni sa pamamagitan man ng Urim o ng mga propeta. Dahil dito, iniutos niya sa kanyang mga tagapaglingkod na ihanap siya ng isang babaing kumakausap sa mga espiritu ng namatay na upang siya’y tanungin. Sinabi naman sa kanya ng kanyang mga lingkod na mayroong ganoong babae sa Endor. Nagbalatkayo si Saul, isinama ang dalawa niyang tagapaglingkod at sila’y lumakad. Gabi na nang dumating sila sa Endor. Sinabi niya sa babae, “Tingnan mo nga kung ano ang magiging kapalaran ko; kausapin mo ang espiritu ng sinumang sasabihin ko sa iyo.” Sinabi sa kanya ng babae, “Hindi mo ba alam na pinalayas na ni Saul sa Israel ang mga sumasangguni sa mga espiritu ng patay at ang mga manghuhula? Bakit mo inilalagay sa panganib ang aking buhay?” Kaya’t nangako si Saul sa pangalan ni Yahweh. Sinabi niya, “Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy, hindi ka mapaparusahan dahil sa gagawin mong ito.” Itinanong ng babae, “Kaninong espiritu ang gusto mong tawagin ko?” “Kay Samuel,” sagot niya. Nang makita ng babae si Samuel, napasigaw ito. Sinabi niya kay Saul, “Bakit ninyo ako nilinlang? Kayo pala si Haring Saul!” Sinabi ni Saul, “Huwag kang matakot. Ano ba ang nakita mo?” “Isang espiritu na lumilitaw mula sa lupa,” sagot ng babae. Itinanong ni Saul, “Ano ang hitsura?” “Isa siyang matandang lalaking nakabalabal,” sagot ng babae. Natiyak ni Saul na si Samuel ang tinutukoy ng babae, kaya siya’y nagpatirapa at nagbigay-galang. Itinanong ni Samuel kay Saul, “Bakit mo ginagambala ang aking pamamahinga?” Sumagot siya, “May malaki akong suliranin. Sinasalakay kami ng mga Filisteo. Tinalikuran na ako ng Diyos at ayaw na niyang magpahayag sa akin, maging sa mga propeta o sa mga panaginip. Ipinatawag nga kita upang itanong kung ano ang dapat kong gawin.” Sinabi ni Samuel, “Bakit magtatanong ka pa sa akin gayong tinalikuran ka na ni Yahweh at siya’y kaaway mo na? Iyan na ang katuparan ng ipinasabi niya sa iyo. Inalis na sa iyo ang pagiging hari, at ibinigay na kay David. Hindi mo sinunod ang kanyang utos na lipulin ang mga Amalekita, kaya ginagawa niya ito sa iyo. Ikaw at ang buong Israel ay ibibigay ni Yahweh sa kamay ng mga Filisteo. Bukas, ikaw at ang iyong mga anak ay mamamatay rin sapagkat niloob na ni Yahweh na mahulog kayo sa kamay ng mga Filisteo.”
Ang Mangangaral 9:5-6 Alam ng buháy na siya’y mamamatay ngunit ang patay ay walang anumang nalalaman. Wala na silang pag-asa, at nakakalimutan nang lubusan. Nawawala pati kanilang pag-ibig, pagkapoot, at pagkainggit; anupa’t wala silang namamalayan sa anumang nangyayari sa mundo.
Juan 17:17 Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ang katotohanan.
Kaya duda akong kinopya lang si propeta samuel ng diyablo dahil sa pag sangguni ng manghuhula…
Malawak ang banal na aklat punong puno ng karunungan at kaalaman
Kaya minabuting kong isuko ang aking buhay sa AMANG BANAL NA PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS
at Mahal na Panginoong Jesu-Cristo
Dahil mas mainam sila ang mamuhay sa puso’t diwa ko…
Tama nga naman akoy makasalanan pero hindi nangangahulogan wala na akong pag-asa kaya minarapat kong aralin ang kanyang mga katotohanan…
TUGON NA IPINAUNAWA SA INYONG ABANG LINGKOD
Bilang pagmamahal at pagmamalasakit kailangan ibigay ang tamang pagkaunawa upang huwag masumpungang may nagtatalo sa kaisipan at dumating ang pagdududa sa mga Pahayag sa mga talata ng Banal na kasulatan o BIBLIA. Hindi nararapat pagdudahan ang bahagi ng Banal na Kasulatan na mga talatang pinagdududahan na kinopya lang ng diablo si Propeta Samuel tulad ng tinuran mo mahal naming kapatid. Dahil diyan marapat lang na tulungan ka na ikaw ay bigyan ng higit na pagkaunawa para maipagmalasakit ka mahal kong kapatid. Narito ang iyong tinuran o sinabi: ” “Kaya duda akong kinopya lang si propeta samuel ng diyablo dahil sa pagsangguni ng manghuhula…” Natitiyak kong hindi! Ito ang tugon ko mahal kong kapatid galing sa KANILA. Kung bakit? Sisipiin ko ang bahagi ng talata ng BIBLIA na ginamit mo na rin mahal kong kapatid. ( I SAMUEL 28:14-19 MB 14 Sinabi ni Saul, “Huwag kang matakot. Ano ba ang nakita mo?” “Isang espiritu na lumilitaw mula sa lupa,” sagot ng babae. Itinanong ni Saul, “Ano ang hitsura?” “Isa siyang matandang lalaking nakabalabal,” sagot ng babae. Natiyak ni Saul na si Samuel ang tinutukoy ng babae, kaya siya’y nagpatirapa at nagbigay-galang. 15 Itinanong ni Samuel kay Saul, “Bakit mo ginagambala ang aking pamamahinga?” Sumagot siya, “May malaki akong suliranin. Sinasalakay kami ng mga Filisteo. Tinalikuran na ako ng Diyos at ayaw na niyang magpahayag sa akin, maging sa mga propeta o sa mga panaginip. Ipinatawag nga kita upang itanong kung ano ang dapat kong gawin.” 16 Sinabi ni Samuel, “Bakit magtatanong ka pa sa akin gayong tinalikuran ka na ni Yahweh at siya’y kaaway mo na? 17 Iyan na ang katuparan ng ipinasabi niya sa iyo. Inalis na sa iyo ang pagiging hari, at ibinigay na kay David. 18 Hindi mo sinunod ang kanyang utos na lipulin ang mga Amalekita, kaya ginagawa niya ito sa iyo. Ikaw at ang buong Israel ay ibibigay ni Yahweh sa kamay ng mga Filisteo. Bukas, 19 ikaw at ang iyong mga anak ay mamamatay rin sapagkat niloob na ni Yahweh na mahulog kayo sa kamay ng mga Filisteo.”) Tunay mahal kong kapatid na hindi kinopya lang si Propeta Samuel ng diablo sapagkat nagpapatotoo ang ipinabatid ni Propeta Samuel (na ginambala lang ni Haring Saul ang kaniyang pananahimik) na nagtawid ng Mensahe kung ano ang sanhi ng pagkagalit ng AMANG BANAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS mula sa mga Paunang Pahayag NIYA na hindi sinunod ni Haring Saul. Kaya ang kaniyang hinanay ay buong Katotohanan na umaayon sa Damdamin ng ating PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS kaya hindi masasabi na nagkukunwaring mabuting Propeta lang ang kausap ni Haring Saul sa pagkakataong yaon. Kaya kinasangkapan ng ating PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS ang babaeng manghuhula bagama’t hindi siya maituturing na lingkod ng PANGINOON subalit napahintulutan lamang dahil sa katapatan ng kaniyang pagsunod sa Haring Saul na inihalal ng ating AMANG BANAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS na nagbaba ng utos na matapat naman niyang sinunod. Ano ang patotoo? Basahin natin ang mga talatang sinipi natin na ginamit mo mahal kong kapatid na sa talatang 9 Sinabi sa kaniya ng babae “Hindi mo ba alam na pinalayas na ni Saul sa Israel ang mga sumasangguni sa mga espiritu ng patay at ang mga manghuhula? Bakit mo inilalagay sa panganib ang aking buhay?” Kaya kung napahintulutan man ng ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS ang babaing manghuhula na sa ibang salin ay espiritista na kumakausap sa espiritu ng patay na masaksihan niyang makita ang matandang lalaking nakabalabal, yun ay hindi dahil sa kalooban ng babae, kundi Kalooban ng ating AMANG BANAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS na bumangon ang espiritu ni Propeta Samuel at makipagsaysayan kay Haring Saul para magpatotoo sa KANIYANG naging Paunang pahayag na nauunawaan ni Propeta Samuel sa kabila na siya ay namatay na. Yan ang tugon sa ikauunawa para ipagtanggol natin ang Katotohanan ng Banal na Katwiran ng ating AMANG BANAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo.
Ang Mangangaral 9:5-6 Alam ng buháy na siya’y mamamatay ngunit ang patay ay walang anumang nalalaman. Wala na silang pag-asa, at nakakalimutan nang lubusan. Nawawala pati kanilang pag-ibig, pagkapoot, at pagkainggit; anupa’t wala silang namamalayan sa anumang nangyayari sa mundo. Nang isunod mong gamitin ang talatang ito may nais kang ipaunawa na ang sinumang namatay na ay wala ng anumang nalalaman pa. Wala na rin ang pag-asa. Gaya ng? Makabalik pa sa piling ng mga buhay. Anya makakalimutan na rin nang lubusan ang lahat pati na ang mga damdamin na kasunod na binanggit sa talata ng BIBLIA. Hindi natin itinutuwid ang Katotohanang ito, walang kontra dito, manapa para ipaunawa kung mangagaling ang Pagpapasya, Kagustuhan na at Kalooban na ng ating AMANG BANAL PINAKADAKILA PINAKAMAKAPANGYARIHAN SA LAHAT NA ATING PINAKAMAMAHAL na PANGINOONG DIYOS ang GAGAWA, … SINO ANG PIPIGIL? Alalahanin natin, SIYA ay nasa Langit Buhay na Buhay na nakatunghay sa atin sa araw-araw, sa bawat sandali sa lahat ng pagkakataon upang pamalagiang ipagkaloob ang ating Pagkaunawa sa Katotohanan mula sa KANIYANG Karunungan na nakasulat sa Banal na Kasulatan o BIBLIA at sa KANIYANG naibibilin sa mga Piling Mensahero at Piling Mensahera para maihatid ang Mensaheng nauukol sa ating panahon.
Kaya ang mga nangangailangan ng tulong kaugnay sa bidyong ito at sa mga pangyayaring ito na humihingi ng katarungan ay naihatid sa akin ng Piling Mensahera sa Atas ng AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo na tulungan sila. Ito ay libreng ipaglilingkod ni walang anumang hihingiin kapalit, … kundi ang Pasasalamat sa ating AMANG BANAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Makipag-ugnayan lamang sa BLOG na ito ng IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG. – Elias Arkanghel
Kaya muli ninyong Pasalamatan, Dakilain, Parangalan at Luwalhatiin ang ating AMANG BANAL PINAKAMAKAPANGYARIHANG PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS maging ang ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa KANILANG Kapahintulutan sainyong kapatid na Elias Arkanghel ay muli nating tinanggap ang mga Katotohanang ito para magsilbing gabay natin sa pagtanggap ng mga Katotohanang nakasulat sa Banal na Kasulatan o BIBLIA na nasasaklawan ng mga Hiwaga na hindi abot ng pagkaunawa ng sinumang hindi Papatnubayan ng KANILANG Banal na Espiritu. Kaya ang Panawagan mga mahal kong kapatid sa I TESALONICA 5:19 Huwag ninyong patayin ang alab ng Espiritu; 20 huwag ninyong hamakin ang pagpapahayag.
#iglesianicristo #IglesiaNiCristo #ChurchOfChrist #INCLoyaltyDay#inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM #WeareonewithGoD
#WeareonewithChrist#WeareonewithEVM#Worldwidewalkforyolandavictims
Tunay ang mga naiudyok na mga naipahayag ng kapwa Hinirang ng lahatv ay may dahilan, para ito ay sa ikakahayag at ikauunawa nating lahat sa mga hindi natin marurok o nauunawaan sa lalim ng mga laman ng mga talata ng BIBLIA. ipinahintulot para maihayag na ang Katotohanan ay sa PINILI lamang na siya ang may Kaloob dito para magpahayag, magpaunawa at magpaliwanag sa atin. Kaya magpasalamat tayong lahat mga kapwa Hinirang dahil ang ilan sa atin ay kinakasangkapan hindi para tayo ay manghina o manglupaypay man. Kaya laging ipagpasalamat natin napakakasangkapan tayo para mahayag ang mga hindi natin nauunawaan. Maraming maraming salamat sa napahintulutan na kinasangkapan ng Diwa ng ating Mahal na Panginoong Jesu-Cristo sayo Mahal na kapatid na Elias Arkanghel. Ibinabalik natin sa ating AMANG BANAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa ating Mahal na Panginoong Jesu-Cristo ang lahat lahat ng Kapurihan Kaluwalhatian Karangalan Kadakilaan magpakailanman. Amen(smiley)(angel)(prayer_hands)
LikeLike