Mapagpalang araw sa inyong lahat! Mahal naming mga kapatid, mga magulang, kababayan, kaibigan at mga kakilala. Abala man tayo sa iba’t-ibang gawain subalit huwag nawang makalimot sa higit na mahalagang mapagtuunan natin ng pansin ngayon para sa ating mga Paglilingkod na ating isinasagawa para sa ating PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Huwag mabaling ang inyong pag-iisip sa iba’t-ibang mga alalahanin at kaabalahan na tila nakapagpapalibang sa inyo kaya hindi na halos ninyo namamalayan bubulagain na lamang kayo ng isang trahedya na hindi kayo handa kaugnay sa pagdating ng Anak ng Tao na naituturo na at naipaunawa na dito. Lalo na nga sa mga panahong ito higit ng napakalapit kung ikukumpara sa mga nakaraang mga taon para maganap ang mga huling bahagi ng yugto ng ating panahon sa mga Huling Araw na ito. Buhay ang ating mga kamalayan sa mga nangyayari sa pali-paligid at sa mga napapabalitang mga trahedyang nagaganap sa iba’t-ibang panig ng mundo na hindi na pangkaraniwan mga kaganapan. Nagbabadya na, nagpaparamdam na ang isang kalagim-lagim na mangyayari na ang sangkot ang buong kalupaan ng buong daigdig hindi makaiiwas na makabahagi tayo sa napakatinding kahirapan nito sa pandaigdigang suliranin na kakaharapin natin. NAKAHANDA NA BA TAYO?
Samantala panoorin ninyo muna ang bidyo na ito na maglalarawan sa pinakatampok na paksa ngayon sa mga Pagsamba sa loob ng IGLESIA NI CRISTO at lagi ng nababanggit ang patungkol sa Paghuhukom.
Paghuhukom na nga lang ba ang hinihintay natin? O kailangan pang maganap ang ikatlong pagkaaba? May PAGLIKAS pa na magaganap, makakasama ka ba? Ano nga ba ang mga dapat pang maganap at mahayag?
PAGHUHUKOM NA LANG DIUMANO ANG HINDI PA NAGAGANAP YAN ANG NAITUTURO SA MGA PAGSAMBA… PAANO ANG SANLIBONG TAON NA BINABANGGIT SA APOCALIPSIS 20:1-9 (MB) AT YUNG DAKONG BINABANGGIT DOON NA KUNG SAAN MANINIRAHAN ANG MGA HINIRANG NG ATING PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS AT NG ATING PINAKAMAMAHAL NA PANGINOONG JESU-CRISTO? KUNG KAYO ANG TATANUNGIN YAON BA AY SA LANGIT NA O DITO PA LANG SA LUPA? SUBALIT ANO BA ANG TOTOO? NGAYON PA LAMANG GANAP NA MAIPAUUNAWA SA INYO SA TULONG NG DIWA NG PANGINOONG JESU-CRISTO NA GUMAGABAY SA ABANG LINGKOD NIYO. – Elias Arkanghel
ANG KABUUANG PAHINA NG APOCALIPSIS 20:1-15 NA ATING PAG-AARALAN
Ang mga Katotohanang mahahayag ngayon ay hindi natin ganap na mauunawaan kung walang pagkasi ng Banal na Espiritu na isusugo sa atin ng ating PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Kaya nga tayo hinikayat na umugnay muna at manalangin upang bigyang kapahintulutan NILA tayo na ganap na ngang maunawaan natin ang mga Mensaheng ipinaaabot sa atin. Ang mga magaganap sa nalalapit na mga araw at sa hinaharap ay pawang Dakilang Kalooban at Kapahintulutan na ng ating PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS na KANIYA na ngang maisagawa. Kaya ang mga Paunang Pahayag sa panahon nating ito ay kasalukuyan ng hinahanay na pawang magaganap sa mga Huling Araw. At ito na nga ang huling bahagi ng yugto ng ating panahon para magpatotoo na ang mga talatang ating pinag-aaralan na nauugnay na mangyayari sa mga Huling Araw na ito. Kaya naman naitatanong na natin NAKAHANDA NA BA TAYO? Magpapasimula na tayong mag-aral.
Hindi na magluluwat itatakda na ng ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS na maisugo NIYA ang Anghel na may hawak ng susi at malaking kadena upang bumaba mula sa Langit at isagawa ang tinanggap Niyang bilin. Dahil diyan ako man na kanilang abang lingkod ay inuutusan na rin na magpatuloy sa Paghahanay ng mga Pahayag sa araw ng PAGLALAKBAY kaugnay sa Araw ng PAGLIKAS patungo doon sa Dakong Banal upang ang mga Hinirang na KANILANG minamahal ay maihanda ng lubusan. Ang takdang araw ng Paglikas ay lagi NILANG ipinagugunita sa inyong abang kapatid sa gayun maigayak ang lahat sa hanay ng mga magulang at anak ay walang maiwan isa man sa ating lahat kaya sa pamamagitan ng mga pagpapaalaala sa napahintulutang Blog ng IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG ay maririnig at mababasa ang KANILANG mga Banal na Kalooban na nais iparating sa lahat. Minamadali na ng ating AMANG BANAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS alang-alang sa mga Hinirang sa pamamagitan ng Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na maipagmalasakit ang Banal NILANG Gawain sa Iglesia bago ang takdang araw. Kaya naman sa diwa ng KANILANG napahihintulutan ay naitatawid ang marapat ko pang ihanay na Pahayag tulad ng pinag-aaralan natin ngayon upang mailatag at maipagbigay alam na sa lahat ang Paunang Pahayag sa napipintong Paglalakbay ng mga Hinirang sa Dakong Banal kung saan bago maganap ang Kawasakan ay matiyak NILA na tayong KANILANG mga Hinirang ay ligtas. Kaya naman binibigyan na NILA tayo ng pagkakataon magbasa ng magbasa ng mga Paunang Pahayag para bigyan NILA tayo ng Kaunawaan kung ano ang mga mangyayari sa paninirahan natin sa Dakong Banal na ating patutunguhan. Subalit bago maisakatuparan ang mga talatang ating pag-aaralan ngayon ay ibig din naman NILA na tayo ay lubusan ng makapaghanda para sa biglaang araw na pasyahan na NILA at ako ay maudyukan na gawin na ang KANILANG Banal na Kalooban ay agad-agad na susundin ang KANILANG mga bilin. Nakausap na ng Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ang Lingkod ng PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS si Propeta Elias para sa kasalukuyang pagsasaayos ng lahat ng bagay at pagsasaayos ng ating damdamin para sa lahat. Nakausap na rin ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ang lingkod ng ating PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS na si Propeta Moises para Gabayan ang inyong abang kapatid kung saan ang Dakong ligtas na kanilang paghahatiran sa atin habang ginagabayan tayo ng KANILANG KAPANGYARIHAN habang binabagtas ang Daan ng Kaligasan.
Mga mahal kong kapatid narito ilalarawan na sa atin ngayon ang mga nalalapit ng maganap sa ating panahon. Magpapasimula tayong bumasa ng mga Paunang Pahayag sa Aklat ng;
(APOCALIPSIS 20:1-15 MB 1 Pagkaraan ay nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit, hawak ang isang malaking kadena at ang susi ng banging walang hangganan ang lalim. 2 Sinunggaban niya ang dragon, ang ahas noong unang panahon na siya ring Diyablo at Satanas, at ginapos ito sa loob ng sanlibong taon.)
Ano ang nais ipahiwatig ng ating binasang talata ng Banal na Kasulatan o BIBLIA? May napipintong hindi pangkaraniwang magaganap. Isusugo na ang Anghel ng ating PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS na magmumula sa Langit at bababa sa lupa. Para ano? Sunggaban ng Anghel ang dragon, na ito rin ang ahas noong unang panahon, na siya ring diablo at satanas. Ano ang ginawa ng Anghel ng PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS? Ginapos Niya si satanas ng isang malaking kadena! Uulitin ko para sa pagbibigay diin lamang ng ipinauunawa ng Banal na Kasulatan patungkol sa sinunggaban at iginapos ng Anghel ng sanlibong taon si satanas. Tulad ng mababasa sa ating pamagat ng ating Pahayag ay naitanong natin kung ito bang sanlibong taon na pinag-aaralan natin, na nakatakdang ipagkaloob sa mga Hinirang na makapanirahan sa Dakong Banal ay sa Langit na ba ito o dito pa lang sa lupa?
Narito ang patotoo na masasagot na ang katanungan kung ang paninirahan ng mga Hinirang sa loob ng sanlibong taon ay nasa Langit na ba ito o dito pa sa Lupa? Ang matapat na tugon ang pinaka-Saksi mismo sa Dakilang Katotohanan ay ang Anghel na bumababa mula sa Langit. Nangangahulugan siya ay mula sa Langit na bumaba sa lupa. Ito ang matibay at matatag nating paninindiganan na ang pinatutungkulang Dako ay nasa lupa pa. Ano ang katibayan natin? Ano ang Kaniyang Misyon? Ano ang pinagawa sa Kaniya ng ating PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS natin? Magpatuloy tayong magbasa.. (3 At inihagis ito ng anghel sa banging walang hangganan ang lalim, saka sinarhan at tinatakan ang pinto nito upang hindi siya makalabas at makapandaya pa sa mga bansa hanggang di natatapos ang sanlibong taon. Pagkatapos noo’y palalayain siya sa loob ng maikling panahon.) Ang Dakilang Misyon ng Anghel na mula sa Langit na bumaba ay sinunggaban at iginapos Niya ang dragon ang ahas ng unang panahon na siya ring diablo at satanas. Matapos igapos ay inihagis Niya ito sa banging walang hangganan ang lalim. At kapag sinabing bangin ito ay nasa anyong lupa. Hanggang kailan si satanas mamamalagi doon? Tulad ng naipaunawa na, hanggang sa matapos ang sanlibong taon? Kaya sa loob ng sanlibong taon walang makapamiminsala sa mga Hinirang habang naroroon sa Dakong Banal. Napakapalad na mapabilang na makasamang makapanirahan doon. Mga mahal kong kapatid at kaibigan yan ang Dakilang Kalooban ng ating PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS na PINAKAMAKAPANGYARIHAN sa lahat. Paano pa natin matitiyak na dito pa lang sa lupa ang Dakong Banal? Katulad ng mababasa natin may mga bansa pang binanggit. Ang mga bansang ito ay nasa pangangalaga at pag-iingat pa ng ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo para maingatan ang mga Hinirang. Kaya sa paglalarawan ang paghahagisan kay satanas ay walang hangganan ang lalim ng bangin. Tiniyak talaga na hindi na makapamiminsala sa loob ng sanlibong taon. Kaya nga bukod pa sa sobrang lalim na ng kaniyang kinaroroonan, ay sinarhan pa at tinatakan ang pinto nito upang hindi siya makalabas at makapandaya.
Napakadakilang Pag-ibig at Pagmamahal sa atin ng ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na habang si satanas ay nakagapos sa loob ng sanlibong taon tayo naman ay mapapalad na mapahihintulutan sa Banal na Dako manirahan. Bunga ng tagumpay natin sa Pagtatapat at Paglilingkod sa ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ay walang makapipinsala sa atin habang Pinaghaharian NILA tayo ng KANILANG KAPANGYARIHAN habang dinadalisay naman tayong lahat doon. Payapa, maligaya ang buhay, wala ng mga alalahanin sa buhay kaya tunay na lubhang napakapalad ng mga makakasama doon sa Dakong Banal na ipinaunawa na sa inyong abang kapatid na Elias Arkanghel ang tamang dereksyon na ating tiyak na patutunguhan sa patnubay ng KANILANG isinusugong Banal na Espiritu. Kaya naman, maituturing na lubhang napakapalad ng mga Hinirang na makararating at makakasama doon. Sapagkat napakaraming magaganap doon na mahihiwagang pangyayari ang doon ay ating masasaksihan sa Kalooban at Kapahintulutan ng ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo.
Kaya habang matiyaga nating hinihintay piliin natin ang mabuti. Purihin, Sambahin at Luwalhatiin lagi na ang ating PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS at ang ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo sa Espiritu at sa Katotohanan. Maging mapagmalasakit sa lahat, maging mahinahon, maging mabait sa lahat, maging mababang-loob, puspos ng awa at habag sa lahat, maging maunawain, mapagmahal sa kapwa at taglayin ang pag-iibigang magkakapatid. At ang isa sa napakamahalagang bilin na ipinauunawa sakaling dumating na ang araw na maitakda ang Paglalakbay ay huwag ng lilingunin ang mga alalahanin at maiiwang tahanan o bagay-bagay habang binabagtas ang Daan ng Kaligtasan. Ipinauunawa rin sa gagawing Paglalakbay ay sasaklawan tayo ng napakaraming Hiwaga na walang makararamdam ng gutom, pagkauhaw at pagkapagod man ang lahat ng mga makakasamang mapahihintulutan. Gayundin sa paroroonang Banal na Dako (kaharian sa ibabaw ng lupa) magaganap ang mga Hiwaga na doon pa lamang mapahihintulutan. Anong mayroon doon na inilalarawan ng susunod na talata ng Banal na Kasulatan na ating mababasa? (4 Nakakita ako ng mga trono at ang mga nakaluklok doon ay binigyan ng karapatang humatol. Nakita ko rin ang kaluluwa ng mga pinugutan dahil sa pagpapatotoo tungkol kay Jesus at paghahayag ng salita ng Diyos. Hindi sila sumamba sa halimaw o sa larawan nito ni tumanggap man ng tatak ng halimaw sa kanilang noo o kamay. Binuhay sila upang magharing kasama ni Cristo sa loob ng sanlibong taon.) Sa Patnubay ng Banal na Espiritu ng ating PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS ipinaunawa NIYA na ang dalawang Kaharian ang masusumpungan doon na nakita. Hindi na hihigit sa dalawa ito ang KANIYANG naipaunawa sa akin. Doon din nakita ang kaluluwa ng mga pinugutan na nagpatotoo tungkol sa KANIYANG Pinakamamahal na Anak. Pakiunawa ang mga nakikita sa panahon na yaon ay mga kaluluwa ang tuwirang binanggit. Sa panahong yaon ay susog sa Aklat ng Apostol Lucas 13: 28 MB 5 Ito ang unang pagbuhay sa mga patay. Bubuhayin ang iba pang mga patay pagkaraan ng sanlibong taon. 6 Mapalad at pinagpalang lubos ang mga nakasama sa unang pagbuhay sa mga patay. Walang kapangyarihan sa kanila ang pangalawang kamatayan; sila’y magiging mga saserdote ng Diyos at ng Mesias, at maghahari silang kasama niya sa loob ng sanlibong taon. ) {{ Sinipi natin ang Aklat ni Apostol Lucas dahil maiuugnay natin ito sa Dakong Banal na makikitang mga naroroon na mabubuhay na mga binabanggit. Lucas 13:28 MB 28 Tatangis kayo at magngangalit ang inyong ngipin kapag nakita ninyong nasa kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac at Jacob, at ang lahat ng propeta, at kayo nama’y ipinagtabuyan sa labas!}} Kaya natitiyak natin na nasa lupa pa ang pinatutungkulang Banal na Dako. Sapagkat hindi pahihintulutan na sa Bayang Banal ay may ipagtatabuyan pa sa labas. Sapagkat ang naroroon sa Bayang Banal (sa Langit) ay pawang mga wala ng anumang sala, batik o kapintasan pa. Yan ang daratnan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na isa sa mga palatandaang binabanggit sa muli Niyang pagbabalik sa lupa sa Araw ng Paghuhukom. Tunay na ang daratnan Niya ang mga lingkod Niya na wala ng anumang bahid ng kasalanan o wala ng anumang kapintasan. Kaya binanggit man ng letra por letra na makakasama natin ang Panginoong Jesu-Cristo doon ay hindi ang literal na Panginoong Jesu-Cristo ang tuwirang pinatutungkulang makakasama natin doon. May nakalakip na Hiwaga kaugnay diyan ang magaganap na doon ay mahahayag sa Dakong Banal. Ibig lamang nating ipaunawa at linawin kung Paghuhukom na lang ang ating hinihintay, sinuman sa atin ay walang makatatayo at makapagsasabing dalisay na siya, wala na syang kapintasan para sabihin sa ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na Siya ay karapat-dapat ng dumating.
Kaya, hayaan ninyong patunayan ng mga Karunungan at Katotohanan ng ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na mailahad ang mga bagong Pahayag sa tulong NILA, at ng gumagabay sa abang lingkod lamang NILA na napahihintulutan ang inyong kapatid na Elias Arkanghel na mula sa Diwa ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ang nagdidikta sa bawat naihahanay na Pahayag sa Atas ng ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS natin. Abang kapatid ninyo na walang anumang kasanayan, walang kahusayan o walang anumang galing sa BIBLIA ngunit napahintulutan lamang NILA na nakapaglalahad ng mga Katotohanan na ating pinag-aaralan ngayon at inyong nababasa sa BLOG ng IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG na pawang mula rin sa Banal na Kasulatan o BIBLIA. Muli nagbibigay SILA ng unawa sa inyong abang lingkod na ( 7 Pagkatapos ng 1,000 taon palalayain si Satanas.) Sa mga nag-iisip na Bayang Banal ang pinatutungkulan ay maling-mali kung yan na ang tuwirang pagkaunawa ninyo. Sapagkat ang Bayang Banal ay nasa Langit. Samantalang kapag pinakawalan si satanas pagkaraan ng sanlibong taon hindi papayag ang ating AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS na sa Langit ay papanhik pa si satanas para dayain ang mga bansa at digmain ang mga Hinirang ng ating PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na hindi ako sasala o magkakamali sapagkat Diwa Niya mismo ang tuwirang nagsasalita ngayon sa akin. Kaya talasan pa ninyo ang inyong pagkaunawa sa talata ng Banal na Kasulatan o BIBLIA na inyong mababasa sapagkat ilalahad ang masasamang plano ni satanas matapos siyang palayain pagkaraan ng sanlibong taon. ( 8 Lalabas siya upang dayain ang mga bansa sa buong sanlibutan – ang Gog at Magog. Titipunin sila ni Satanas at isasama sa pakikidigma. Kasin dami ng buhangin sa tabing dagat ang hukbong ito. Kaya pagkaraan 9 Kumalat sila sa buong sanlibutan at pinaligiran ang kuta ng mga hinirang ng Diyos at ang pinakamamahal niyang lunsod. Ngunit bumaba ang apoy mula sa langit at tinupok sila.) Tiyak na tiyak na narito sa lupa, “BUONG SANLIBUTAN” wala ng dapat pang pagpipilit o sariling papaliwanag na dapat gawin ang iba. Kaya nga ang banggit, sa mga titipunin ni satanas kasindami ng buhangin sa tabing dagat, mga hukbong isasama niya para digmain ang kuta ng mga Hinirang. Pakiunawa mga mahal naming nakasubaybay. Yung kasin dami ng buhangin sa tabing dagat na lulusob at paliligiran ang kuta ng mga Hinirang ay hindi mangyayaring papanhik pa yan lahat sa Langit. Hindi rin Bayang Banal katulad ng inaakala na ninyo. Tinawag itong kuta ng mga Hinirang na Pinakamamahal na lunsod ng ating PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS. Kaya natitiyak narito, narito pa sa lupa kaya nga pagkatapos na hindi pinayagan si satanas at ang kaniyang mga hukbo sa masamang plano nila ay ano ang ginawa sa kanila? Bumaba ang apoy galing sa Langit at tinupok sila. Ano naman ang ginawa kay satanas na siya ring diablo na nandaya sa kaisipan ng mga napasusunod niya? BIBLIA pa rin o Banal na Kasulatan ang basahin natin sa kasunod na talata (10 At ang Diyablong nandaya sa kanila ay itinapon sa lawang apoy at asupre na pinagtapunan din sa halimaw at sa mga bulaang propeta; magkakasama silang pahihirapan, araw at gabi, magpakailanman.) Mga mahal naming mga kapatid, mga magulang, kababayan, kaibigan at mga kakilala ang talatang 9 hanggang 15 ng Apocalipsis 20 ay dito pa lang nasasaklaw ng Paghuhukom. Kaya nga inihagis napagpasyahan na, nahatulan na o nahukuman na si satanas, naitapon sa lawang apoy o asupre. Yan ang “PAGHUHUKOM” na hindi pa napapanahon maganap sapagkat may sanlibong taon pang binabanggit sa Banal na kasulatan o BIBLIA na dapat maituro sa lahat ng tao. Kaya muli, ipinauunawa sa lahat na bago dumating ang takdang Paghuhukom ay kailangan munang maganap ang sanlibong taon. at ang maikling panahon paglaya ni satanas. Matapos ang sanlibong taon paninirahan ng mga Hinirang sa Pinakamamahal na Lunsod ng ating PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS ay saka pa lang magaganap ang “PAGHUHUKOM”. Kaya napakalayo pa ng “Paghuhukom” sanlibong taon muna ang lilipas at kaalinsabay ng pagtapon kay satanas pagkaraan ng sanlibong taon ay kasamang pahihirapan sa lawang apoy ay ang mga nagpapakilala at nagsasabing mga propeta rin sila, mga nagpapakilalang sugo rin diumano sila, na nangangaral ngayon at Banal na Kasulatan din ang hawak din naman nila subalit nasisinsay ang higit na Katotohanan kaya nabibilang sa mga bulaan na pinatutungkulan ng Banal na Kasulatan o BIBLIA. Pinagpipilitan ang sariling pagkaunawa subalit lalo lamang dinadaya ang mga gusto nilang mapaniwala na sila ay sugo rin ngunit nakalulungkot araw, gabi, magpakailanman iisa ang sasapitin nila at ng itinapong si satanas sa lawang apoy at asupre na sa ibang salin ay ito ang tinatawag na dagat-dagatang apoy na lulugaran ng mga nagsasabing Panginoon, Panginoon subalit manggagawa ng katampalasanan. Kaya nga pagkaraan ng sanlibong taon (11 Pagkatapos nito’y nakita ko ang isang malaking tronong puti at ang nakaluklok doon. Naparam ang lupa’t langit sa kanyang harapan, at hindi na nakita pang muli. 12 At nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at maging hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, gaya ng nasusulat sa mga aklat. 13 Iniluwa ng dagat ang mga patay na nasa kanya. Inilabas din ng Kamatayan at ng Hades ang mga patay na nalagak sa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa. 14 Pagkatapos ay itinapon sa lawang apoy ang Kamatayan at ang Hades. Ang lawang apoy na ito ang pangalawang kamatayan. 15 Itinapon sa lawang apoy ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay. ) Yan ang “PAGHUHUKOM” inilalarawan ang nakitang pagharap sa isang malaking tronong puti at ang nakaluklok doon ay nagsimulang hinatulan ang lahat ayon sa kanilang ginawa. Iginawad ang marapat na parusa, itinapon sa lawang apoy… na ang lawang apoy na ito ay ang pangalawang kamatayan na kasamang itatapon doon ang sinumang hindi nasumpungan hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay.
ANG KABUUANG PAHINA NG APOCALIPSIS 20:1-15 NA ATING PINAG-ARALAN
APOCALIPSIS 20:1-15 MB 1 Pagkaraan ay nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit, hawak ang isang malaking kadena at ang susi ng banging walang hangganan ang lalim. 2 Sinunggaban niya ang dragon, ang ahas noong unang panahon na siya ring Diyablo at Satanas, at ginapos ito sa loob ng sanlibong taon. 3 At inihagis ito ng anghel sa banging walang hangganan ang lalim, saka sinarhan at tinatakan ang pinto nito upang hindi siya makalabas at makapandaya pa sa mga bansa hanggang di natatapos ang sanlibong taon. Pagkatapos noo’y palalayain siya sa loob ng maikling panahon. 4 Nakakita ako ng mga trono at ang mga nakaluklok doon ay binigyan ng karapatang humatol. Nakita ko rin ang kaluluwa ng mga pinugutan dahil sa pagpapatotoo tungkol kay Jesus at paghahayag ng salita ng Diyos. Hindi sila sumamba sa halimaw o sa larawan nito ni tumanggap man ng tatak ng halimaw sa kanilang noo o kamay. Binuhay sila upang magharing kasama ni Cristo sa loob ng sanlibong taon. 5 Ito ang unang pagbuhay sa mga patay. Bubuhayin ang iba pang mga patay pagkaraan ng sanlibong taon. 6 Mapalad at pinagpalang lubos ang mga nakasama sa unang pagbuhay sa mga patay. Walang kapangyarihan sa kanila ang pangalawang kamatayan; sila’y magiging mga saserdote ng Diyos at ng Mesias, at maghahari silang kasama niya sa loob ng sanlibong taon. 7 Pagkatapos ng 1,000 taon palalayain si Satanas. 8 Lalabas siya upang dayain ang mga bansa sa buong sanlibutan – ang Gog at Magog. Titipunin sila ni Satanas at isasama sa pakikidigma. Kasindami ng buhangin sa tabingdagat ang hukbong ito. 9 Kumalat sila sa buong sanlibutan at pinaligiran ang kuta ng mga hinirang ng Diyos at ang pinakamamahal niyang lunsod. Ngunit bumaba ang apoy mula sa langit at tinupok sila. 10 At ang Diyablong nandaya sa kanila ay itinapon sa lawang apoy at asupre na pinagtapunan din sa halimaw at sa mga bulaang propeta; magkakasama silang pahihirapan, araw at gabi, magpakailanman. 11 Pagkatapos nito’y nakita ko ang isang malaking tronong puti at ang nakaluklok doon. Naparam ang lupa’t langit sa kanyang harapan, at hindi na nakita pang muli. 12 At nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at maging hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, gaya ng nasusulat sa mga aklat. 13 Iniluwa ng dagat ang mga patay na nasa kanya. Inilabas din ng Kamatayan at ng Hades ang mga patay na nalagak sa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa. 14 Pagkatapos ay itinapon sa lawang apoy ang Kamatayan at ang Hades. Ang lawang apoy na ito ang pangalawang kamatayan. 15 Itinapon sa lawang apoy ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay.
KARAGDAGANG MGA TALATA NG BANAL NA KASULATAN MAUUGNAY SA KAHARIAN DARATING NA KAILANGANG NASA KALAGAYANG MATUWID AT LAPAT ANG DAMDAMIN SA LAHAT SA PAGKAKASUNDU-SUNDO NA TUNAY NA MAY PAGKASI NG BANAL NA ESPIRITU.
“Dumating nawa ang iyong kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.”—Mateo 6:10.
Roma 14:17 MB 17 Sapagkat ang pagpasok ng tao sa Kaharian ng Diyos ay hindi nababatay sa pagkain at inumin kundi sa pagiging matuwid, pagkakasundu-sundo at kagalakan na pawang kaloob ng Espiritu Santo.
Kaya muli ninyong Pasalamatan, Dakilain, Parangalan at Luwalhatiin ang ating AMANG BANAL PINAKAMAKAPANGYARIHANG PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS maging ang ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa KANILANG Kapahintulutan sa inyong kapatid muli nating tinanggap ang mga Katotohanang ito para magsilbing gabay natin sa pagtanggap ng mga Katotohanang nakasulat sa Banal na Kasulatan o BIBLIA na nasasaklawan ng mga Hiwaga, na hindi abot ng pagkaunawa ng sinumang hindi Papatnubayan ng KANILANG Banal na Espiritu. Kaya ang Panawagan mga mahal kong kapatid sa I TESALONICA 5:19 Huwag ninyong patayin ang alab ng Espiritu; 20 huwag ninyong hamakin ang pagpapahayag.
#iglesianicristo#IglesiaNiCristo#ChurchOfChrist#INCLoyaltyDay#inc100#inccentennial#centennial#inc4life#incootd#incfashion #icmedianews#inctv#net25#incmedia#increview#fymfoundation #mycountrymenmybrethren#kabayankokapatidko#incselfiechallenge #incwikileaks#sanggunian#radelcortez#gerrypurification#junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera#biensantiago#erdzcodera#ernestosuratos#mattpareja#antonioebangelista#silentnomore#iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya#Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay#PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual#MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101#DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM #WeareonewithGoD
#WeareonewithChrist#WeareonewithEVM#Worldwidewalkforyolandavictims
Marami pong salamat Mahal na ka Elias Arkanghel Jesu Cristo. Sa pamamagitan po ninyo at akin pong naunawaan at naintindihan ang mga nilalaman ng mga lihim hiwaga ng banal na kasulatan. Masasabi ko pong napakapalad ko na ikaw po at among nakasama nayakap at nakapakinig ng itong mga pahayag na may pag kasi ng BANAL NA ISPIRITO NG ATING PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILA PINAKAMAKAPANGYARIHAN PANGINOON DIYOS AT PANGINOON JESU CRISTO.. HINIHILING KO PO NA AKO PO AY TULUNGAN MO NA MAGLAMBING SA ATING BANAL NA AMA SIYA PO ANG MANGUNA SA AKING LAHAT NG GAWAIN PAG IISIP AT SALITA NA HINDI KO PO MAPAGLABANAN.. MARAMI PONG SALAMAT MAHAL NA KA ELIAS ARKANGHEL JESU CRISTO..
LikeLike