Purihin Ka Ama! Dakilain Ka! Luwalhatian Ka! Ito ang Marapat Bumukal sa Aming mga Labi na May Pagpapasalamat. Opo Ama, Sapagkat Niloob Mo Aming Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa Pamamagitan ng Iyo pong Pinaka-Makapangyarihang Kamay na Palisanin Ang Mga Mapaminsalang Masasamang Espiritu Para Maitaboy Silang Lahat Na Napahintulutan lamang po na Katuwang na Kinikilala Niyo po na Elias Arkanghel-Jesu-Cristo, At sa Pamamagitan ng Aming Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo.
Ang natunghayan ninyo na panoorin ay isang kaganapan na nangyari sa mga kabataang mag-aaral sa isang mataas na paaralan sa Mamburao Occidental Mindoro na nakatawag ng pansin sa nakararami. Sapagkat hindi isang pangkaraniwang tagpo ang nakita napanood ng karamihan na pawang mga kabataang mag-aaral ang nagpagpapalahaw habang ang mga hiningian ng tulong na manggagamot na may kasanayan sa pagpapalayas ng masasamang espiritu ay masigasig na mga nagsasagawa ng kani-kanilang iba’t-ibang kaparaanan sa pagtataboy sa masasamang espiritu na gamit ang pamamaraan nila na mga bulong, latin na dasal na mula sa mga natutuhang minanang katuruan ng mga matatanda. may nagwiwisik na tubig na may bendisyon mula sa kanilang simbahan, may mga orasyong ginagawa na anopa’t ang lahat ng atensyon ay sa mga kabataang mag-aaral na pinahihirapan ng mga masasamang espiritu. Habang patuloy na abala , mapupuna ang lahat ng mga magulang at mga mahal sa buhay na nakasasaksi ay mga natataranta rin sa pag-aasiste o pagtulong para ang mga mahal sa buhay nila na biktima ay magtamo na ng kagalingan at kagamutan. Hanggng doon na lamang ang ipinakita at nasundan ng pagpapatawag sa kinikilala diumano na eksperto o dalubhasa pa na may kakayahan sa pagtataboy ng mga masasamang espiritu. Ginawa niya ang ayon sa kaniyang magagawa at gayun din ng iba pa. At ang kasunod pa na mga pangyayari at ang kasunod ay ang pananahimik na ng nasa paaralang nabanggit na wari wala na ang mga mapaminsalang masasamang espiritu.
SUBALIT ANO ANG HIGIT NA KATOTOHANAN? NAGLALAGAY LALO SA PANGANIB ANG PANANAHIMIK NG MGA MASASAMANG ESPIRITU NA GINUGUTOM, INUUHAW DI PINATUTULOG ANG MGA KABATAANG MAG-AARAL NA KANILANG PINIPINSALA PARAAN NG KANILANG UNTI-UNTING PAGHIHIGANTI SA MGA TAO.
Walang nalilingid kahit nagkukunwari na nilisan ng mga masasamang espiritu ang mga walang kamalay-malay na mga kabataang mag-aaral. Napakamakapangyarihan ng Amang Banal para di sila mapag-unawa at mahayag ang maitim nila na mga plano na kung hindi ihahayag at kung hindi mamadaliin ay buhay ng mga kabataan ang nanganganib na kanilang kunin. Ngunit dahil sa dakilang pag-ibig at pagmamahal ng Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa kanila ay Kaniyang pinagmamalasakitan na Kami ay kapwa isugo sa mataas na paaralan ng Mamburao upang sila doon ay tulungan. Kaya boluntaryong sinadya namin sila doon sa atas ng Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos.
TINAGLAY ANG KAPANGYARIHANG IPINAGKALOOB NG AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS SA KANIYANG KAPAHINTULUTAN PARA MAIPAGTAGUMPAY ANG BANAL NA MISYON
- Subalit ang Napakabanal na Kapangyarihang tinaglay na ginamit ng inyong abang tagapaglingkod na si Elias Arkanghel – Jesu-Cristo na siyang unang nagpalisan ng masasamang espiritu sa batang lalake na nagpapalahaw sa sakit ay ang Kapangyarihang ng Amang Banal Pinakadakilang Panginoong Diyos na ipinagkaloob sa akin sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo na sumasaakin.
- At ang kasunod ay ang napakabanal na pagpalisan pagtaboy sa mga masasamang espiritu ng Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na sumasaakin habang ang ating Amang Banal Pinakadakilang Panginoong Diyos naman ay sumasakaniya. Kaya higit na mabilis ang pagtugon ng masamang espiritu na lisanin ang mga katawan na kanilang pinananahanan. Dahil di nila kinaya ang Espiritu ng Pinakamamahal na Panginoon Jesu-Cristo na sumasaakin.
ANG DAPAT NA AMING KAHANDAAN SA SANDALING TUMUTUPAD KAMI NG AMING MGA NAPAKABANAL NA GAMPANIN.
Ang mga kaganapan ito ay tila hindi tanggap ng iba. Ginagawa pa nga nilang katatawanan. Inaakala lamang nila na gawa-gawa lamang ng mga kabataan o ng mga sinasapian. Sa halip na kaawaan kahabagan ang mga nagtataglay nito ay nakatikim pa sila ng mga pang-uuyam na ang masakit nga ay hindi na pinaniniwalaan ay iniiwas-iwasan pa sila. Kaya naman ang Blog na ito ng Iglesia ni Cristo…Hinirang ang nakauunawa sa kanilang lahat. Hindi kami makaiiwas na mga naglilingkod sa inyo na kahit boluntaryo na lang kaming tumutulong ay may mga panunuligsa pa kaming naririnig binabato kami ng mga masasakit na pahayag na pag-aakusa na diumano kami ay nawawala sa aming sarili kapag kami ay nagsasagawa ng pagpapalayas ng demonyo. At ang naitatanong sa amin ay kung anong napakabanal na karapatan at ginagawa namin ito?
Dapat ninyong maunawaan sa panahon ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ay dinanas Niya ang mga malulupit na pangungutya ng marami habang ginagampanan Niya ang napakabanal Niya na Gampanin na napauukol sa pagpapalayas ng demonyo. Hinamak ang Kaniyang Napakabanal na pagkatao Nawawala diumano Siya sa sarili na katumbas ay nasisiraan o nababaliw derekta nilang sinasabi. Ngunit matapang at matalinong pakikiharap Niya sa kanila gamit ang mga matatalinhagang pananalita. Hindi Siya nawalan ng lakas ng loob sa pakikiharap sa kanila lalo na nga’t alam Niya na nasa panig Siya ng Ama, sino ang laban sa Kaniya?
Marcos 3:20-30 Ang Bagong Tipan (FSV) 20 Pagtuloy ni Jesus sa isang bahay, muling nagtipon ang maraming tao kaya’t hindi na nila makuhang kumain. 21 Nang mabalitaan iyon ng kanyang sambahayan, pumunta sila upang siya’y sawayin sapagkat sinasabi ng mga tao, “Nawawala na siya sa sarili.” 22 Ang sabi naman ng mga tagapagturo ng Kautusan na galing sa Jerusalem, “Sinasaniban siya ni Beelzebul. Nagpapalayas siya ng demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pinuno ng mga demonyo.” 23 Dahil dito’y pinalapit ni Jesus ang mga tao at sinabi ang ilang talinghaga, “Paanong mapalalayas ni Satanas si Satanas? 24 Kung hinahati ng isang kaharian ang sarili, babagsak ang kahariang iyon. 25 At kung hinahati ng isang sambahayan ang sarili, hindi rin mananatili ang sambahayang iyon. 26 Kung kinakalaban ni Satanas ang kanyang sarili, babagsak siya at darating ang kanyang wakas. 27 Walang maaaring makapasok sa bahay ng malakas na tao upang magnakaw malibang gapusin muna ang taong iyon; kung siya’y nakagapos na, saka pa lamang mananakawan ang kanyang bahay. 28 “Tinitiyak ko sa inyo na patatawarin ang lahat ng mga kasalanan ng mga anak ng tao at anumang paglapastangan na kanilang sabihin. 29 Ngunit sinumang lumapastangan sa Banal na Espiritu ay hindi mapatatawad kailanman; nakagawa siya ng isang kasalanang walang hanggan.” 30 Sinabi ito ni Jesus sapagkat sinabi nila, “Siya’y sinasaniban ng maruming espiritu.”
Kaya maging maingat sa paghatol huwag na huwag ninyong ilalagay sa inyong bibig ang agad-agarang paghatol na wari ay ipinapalagay na tama na ang inyong narinig dahil naibalita lamang sa inyo. At tinanggap na ninyo na yaon ang katotohanan. Hindi ninyo nalalaman at napag-uunawa lahat ng nangyayari lahat ng nagaganap ay Kalooban at kapahintulutan ng Amang Banal na Pinakamamahal Pinakamakapangyarihang Pinakadakilang Panginoong Diyos. Mabibigat na pag-aakusa, panlalait para mabigyan ng hapis ang Banal na Espiritu. Subalit ito ang nais naming ipaunawa sa inyo mga mahal naming kapatid, kaibigan at kakilala na ang aming mga Napakabanal na Bagong Pahayag na mababasa ninyo sa Blog na ito ng Iglesia ni Cristo…Hinirang ay di gawain ng tao kundi Napakabanal na Gawain ng Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos. Kaya kung magagawa ninyong malapastangan ang Banal na Espiritu ay hindi mapapatawad kailanman.