PAGLILINAW AT PAGPAPAUNAWA # 0001 SA NAKASULAT SA PAHAYAG 21:1-4 NA NAPAUUKOL SA Una: NAMAMALAGING LANGIT -Pinaka-Tahanan ng ating Amang Banal Ikalawa: DATING LANGIT – ang nakatakda na mawawala Ikatlo: BAGONG LANGIT – ang Bagong Daigdig na may Bagong Langit na bababang mula sa Langit na kung saan ay maninirahan na kasama ng mga tao ang Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos
May mahalaga tayong dapat na mapag-unawa. Oo, lubhang napakahalaga para mabigyan natin ng lubos na pag-aaral kung tama nga bang panghawakan na lamang ninyo na PAGHUHUKOM na lang ang pinakahinihintay-hintay nating lahat? Kailangan ko na maipagmalasakit sa inyo sa tulong ng Banal na Espiritu na lumalakip, sumasama na sumasaakin ang nag-iisang Tagapamagitan sa lahat na kinikilala ko ang ating Panginoong Jesu-Cristo sa Patnubay at Paggabay ng Amang Banal Pinakadakilang Panginoong Diyos na pinagmumulan ng aking Hiram na Karunungan na Kanilang napahihintulutan para mailapat na ang Napakabanal na mga Katotohanang maipauunawa Namin sa inyo.
Ang mga Katotohanang ito ay ngayon lang mapag-uunawa ng lahat. Oo ngayon lang maituturo sa ganap na ikauunawa ng lahat. Subalit ito ay hindi lamang para sa iisang relihiyon na kinikilala ko na yan ang Iglesia ni Cristo kung saan ako kabilang. Ito ay Kalooban at Kapahintulutan ng Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na nag-uutos sa akin sa diwa ko na sabihin para maiparating sa lahat-lahat ng sasampalataya sa Napakabanal na Katotohanang ito para sa nalalapit na Paglikas sa kaligtasan ng mga makakasama na itinakda na ng Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na magaganap subalit kinakailangan munang maipaunawa sa lahat ang Napakabanal na mga Katotohanan na aking mga inihahanay na sinipi mula sa Banal na Kasulatan o BIBLIA para mailakip sa Blog na ito sa IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG at maiparating sa kapatid na Eduardo V. Manalo na aming Pinakamamahal na Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo.
– Elias Arkanghel- Jesu-Cristo
PAGHUHUKOM NA LAMANG BA TALAGA ANG PINAKAHINIHINTAY-HINTAY NATIN? AT TULAD NG PAGKAALAM NG MARAMI AAKYAT NA SA LANGIT AT DOON NA MANINIRAHAN ANG MGA MALILIGTAS? YAN ANG AARALIN NATIN UPANG MABIGYAN KAYO NG PAGKAUNAWA SA HIGIT NA KATOTOHANAN NA DAPAT MALAMAN NG LAHAT. PAGKATAPOS NA MAPAG-UNAWA AY DAPAT NG BAGUHIN ANG ITINUTURO NA PAGHUHUKOM NA LANG ANG PINAKAHINIHINTAY-HINTAY NATIN SA HALIP AY MAIPAUNAWA SA LAHAT ANG PAGLIKAS NA MAGAGANAP.
ANG MGA TALATANG NAKIKITA NINYO AY YAN ANG KABUUANG PAG-AARALAN NATIN AT ANG NASA GAWING IBABA AY YAN PA RIN, LAMANG BAWAT BAHAGI AY IPAUUNAWA KO O NAMIN NG ATING NAG-IISANG TAGAPAMAGITAN HIGIT SA LAHAT ANG TAGAPAMATNUBAY NA GUMAGABAYAN NGAYON SA ATIN.
Pahayag 21:1-4 MB [1] Pagkatapos nito, nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong daigdig. Wala na ang dating langit at daigdig, wala na rin ang dagat. [2] At nakita ko ang Banal na Lunsod, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos, gaya ng isang babaing ikakasal. Maganda ang bihis at handa na siya sa pagsalubong sa lalaking kanyang mapapangasawa. [3] Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono, “Tingnan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Maninirahan siyang kasama nila, at sila’y magiging bayan niya. Makakapiling nilang palagi ang Diyos at siya ang magiging Diyos nila. [4] At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, dalamhati, pagtangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay.”
Pahayag 21:1-4 [1] Pagkatapos nito, nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong daigdig. Wala na ang dating langit at daigdig, wala na rin ang dagat.
Pagkatapos nito (ang kawasakang gagawin ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos ang binabanggit na pagkatapos.) Nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong daigdig (alalahanin niyo ang binabanggit ay bagong langit. iba sa dating langit at iba rin sa namamalaging Napakabanal na Langit.
- Namamalaging Langit – Pinakabanal na Dakong Tahanan ng ating Amang Banal
- Dating Langit – ang nakatakda na mawawala
- Bagong Langit – ang Bagong Daigdig na may Bagong Langit na bababang mula sa Langit na ang Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na kung saan ay maninirahan na kasama ng mga tao
Kaya kung bagong langit ang pinatutungkulan ibig sabihin hindi ang namamalaging napakabanal na Langit kung saan naroroon ang ating Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginooong Diyos, naroroon din ang Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo at ang Kanilang mga Anghel.) at isang bagong daigdig (kung bagong daigdig may lumang daigdig, Tama? dahil ang lumang daigdig ay ang wawasakin na ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos kaya nga may magaganap na Paglikas. Mga minamahal kong mga ka-pananampalataya, mga kaibigan at kakilala hindi na matatagal. Hindi na maaantala pa kapag naipaunawa na itong ganap at kinilala na ay bigla ngang darating ang napakabanal na pagpapasya ng ating Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos.
[2] At nakita ko ang Banal na Lunsod, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos, gaya ng isang babaing ikakasal. Maganda ang bihis at handa na siya sa pagsalubong sa lalaking kanyang mapapangasawa.
At nakita ko ang Banal na Lunsod (ang dakong paninirahan ng mga pinangakuang maliligtas ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na Tapat na nangako sa mga kumilala at ganap na sumampalataya sa Kaniyang panawagan na naglakip ng pagbabagumbuhay. Oo, sila ang mga mapapalad na makapaninirahan sa lunsod na Banal. Bakit tinatawag na Banal na Lunsod? Dahil sa Kalooban at Kapahintulutan ng Amang Banal na Pinakamamahal ay Kaniyang binanal o inari na Niyang ganap ang lahat ng makakasama sa Paglikas dahil sa matapat na pagsunod. Oo kung uuriin Niya ang isa’t-isa ay walang makakapasa sa Kaniyang pamantayan na uri ng taong hinahanap niya na marapat na maligtas. Pinakadakilang pag-ibig at pagmamahal Niya sa atin iiral na maghahatid sa atin sa Banal na Lunsod. Kaya Siya ang kinikilala Ko at dapat natin na kilalanin na ating Pinakadakilang Manunubos sa lahat sa Pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na Dakilang manunubos sa lahat. Oo ang ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos din ang Pinakadakilang Tagapagligtas at ang ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ang Dakilang Tagapagligtas na yan ang marapat na nababanggit sa mga panalangin) ang Bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos ( mga minamahal na bumabasa ng napakabanal na pahayag na ito may Bagong Langit ang Bagong Daigdig na kung saan tayo maninirahan pagkatapos wasakin ng Amang Banal ang dating daigdig na ito. Kaya magkaibang-magkaiba talaga. Hindi naman mahirap unawain na may bumababa mula sa Langit buhat sa Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos. Mula sa Langit nangangahulugan sa Kaniya nagbuhat! Ang alin ang bumababa mula sa Langit? Ang Bagong Langit! Tama? Yan ang nakasulat na ating nababasa. Kaya maling isipin na kung paghuhukom na lang ang magaganap at ang lahat ng maliligtas ay makapaninirahan na sa Langit ay paano yan wala doon ang Banal na Bayan na Bagong Jerusalem? Kaya hindi pa doon mga minamahal Namin. Hindi pa mapahihintulutan na agad-agad ay sa namamalaging Langit makapaninirahan ang mga maliligtas sa araw na inaakalang paghuhukom. Sa mga susunod ay bahagi yan sa mga tatalakayin natin. Uulitin ko hindi pa sa Langit na Napakabanal na pamalagiang Tahanan ng Amang Banal na ating Pinakamamahal kundi doon pa muna tayong lahat sa Bagong Langit sa Bagong Daigdig.) gaya ng isang babaing ikakasal. Maganda ang bihis at handa na siya sa pagsalubong sa lalaking kanyang mapapangasawa. (Kaya naman nakaantabay na kami sa hanay namin na tulad ng babaing makikipagkasundo sa kaniyang mapapangasawa sa panig ninyo aming Pinakamamahal na Tagapamahalang Pangkalahatan kapatid na Eduardo V. Manalo. Sapagkat sa nakaraan pawang pagmamahalan halos di matapos na kasiyahan ngunit gaya ng pagsasama ay di maiiwasan na may sigalutan, awayan di pagkakaunawaan. Kaya naman napalitan ang tuwa ng lungkot, napalitan ng hinagpis ang dating pawang kaligayahan. Ang pagsasama ay di maiiwasan na malamatan ng di pagkakaunawaan. Ito ang kahalintulad na naganap sa panig niyo sa panig namin na kailangan mangyari halos magpalitan ng masasakit na salitaan, patungo sa hiwalayan ngunit sa huli ay kailangan magkasundo at magkalapatan ng damdamin dahil doon din ang tungo ng bunga ng pagmamahalan. Oo, ang lahat ay bahagi lamang ng sukatan ng damdamin, pagsubok lamang subalit ang may Akda at may Kapahintulutan na mangyari ito ay dahil din sa Napakabanal na Kalooban pa rin ng Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos natin.
[3] Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono, “Tingnan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Maninirahan siyang kasama nila, at sila’y magiging bayan niya. Makakapiling nilang palagi ang Diyos at siya ang magiging Diyos nila.
Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono, (mga mahal kong kapatid, mga mahal naming kaibigan at mga mahal naming kakilala. Sa palagay niyo ba kung maayos ng gumaganap ang lahat at nagkasundu-sundo sa hanay ng mga magkakapatid ay di pa magpapasya ang isang malakas na tinig mula sa trono? Napakapalad ng lahat na makasusunod! Dahil diyan matapos na magkasundo-sundo ng lahat ay kaming lahat ay magkakaisang damdamin na ipagmalasakit na maipaunawa kabilang sa iba’t-ibang relihiyon para masunod ang Kalooban ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na ipagmalasakit sa lahat na maituro at maipaunawa ang Kaniyang panawagan na Paglikas upang silang lahat ay mapabatiran, maipaalam sa kanilang lahat. Oo di man namin kayo kakapatid sa loob ng Iglesia ni Cristo subalit inabot na ng Napakabanal na Paglikas kinilala ninyo ang panawagan Niya ay yaon ang inyong kaligtasan na huwag madamay sa Kawasakang darating na. At doon na sa Banal na Bayan na Bagong Jerusalem na tinatawag man kayong mga dayuhan ayon sa nakasulat sa Banal na Kasulatan na makakasama doon na sa pagmamahal ng Amang Banal Pinakadakilang Panginoong Diyos inari Niya kayong ganap na matuwid lalo na may pagsisising lubos, pagkakilala sa Banal na Gawain na aming itinataguyod at pagsunod ninyo sa Kaniya na makasama sa napakabanal na Paglikas na Kaniyang gagawin. Hindi na ninyo inisip iba ang kinabibilangan ninyong relihiyon subalit sa huli sumampalataya kayong ganap na yan din mayroon pag-iisip na tinaglay ang mga nakasama sa mga naganap na unang mga paglikas din noon. “Tingnan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Maninirahan siyang kasama nila, at sila’y magiging bayan niya. Makakapiling nilang palagi ang Diyos at siya ang magiging Diyos nila (tulad ng naipaunawa naging tahanan Niya ito mula ng maiakyat sa Langit na inilingid lamang Niya sa pinakakaaway na si satanas na palihim na pumasok doon na dumaya sa kaisipan ng mga unang napakabanal na Nilalang Niya na mga tao na sina Adan at Eva. Iniakyat Niya ang dating tinatawag na Paraiso subalit muli Niyang ibinabalik na bababa mula sa Langit para pananahanan o patirhan sa mga tao na nakabilang o nakasama sa Paglikas na naligtas na ngayon ay tinatawag na ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na Banal na Bayan na Bagong Jerusalem. Kaya napakapalad ng lahat ng makakasama doon sapagkat may kani-kaniya ng tahanan sa Bagong Daigdig. At ang higit sa lahat na napakagandang kapalaran ay ang makasama nating lahat ang ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos at makasama ang napahihintulutang Panginoong Jesu-Cristo na maghahari doon sa loob ng sanlibong taon. Sapagkat hindi pa ang literal na Panginoong Jesu-Cristo ang makakasama ninyo doon sapagkat bababa pa lamang Siya pagkalipas ng sanlibong taon at yaon na ang Paghuhukom. Dahil kailangan Niyang datnan ang Kaniyang mga Hinirang na sakdal na wala ng kapintasan na kung ngayon Siya darating ni isa walang makapagsasabi at makatatayong karapat-dapat na siya sa nasabing Paghuhukom.
[4] At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, dalamhati, pagtangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay.”
Anong palad ng lahat ng makakasamang maliligtas sa araw ng napakabanal na Paglikas. Oo inilalarawan ang buhay at magiging pamumuhay doon sa Banal na Bayan na Bagong Jerusalem. Di na ninyo mararanasan pa ang mga nagpapabigat sa inyong mga kalooban. Ang mga alalahanin na tila humahatak sa inyo para papanghinain ang inyong mga kalooban na halos ikamatay ninyo ang sobrang paghihirap na tinitiis para lang mabuhay para lang sa mga anak, sa mga magulang sa mga mahal sa buhay na mga walang tigil din na dumadaing dahil sa tindi ng kahirapan.
“Ama nalalapit na ang mga araw. Opo nagtakda ka na ng Araw ng napakabanal na Paglikas! Walang kamalay-malay ang iba.. wala Ama.. wala silang kaalam-alam na anumang sandali wawasakin muna ang daigdig na ito. Kahabagan Mo pa ang lahat “Opo nanghihinawa ka na rin sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga tao. Ibig munang magpahinga. Opo Ama nakatakda Mo na gawin yan. Subalit kaawaan Mo pa Ama makapagsising lubos na ang lahat. Makapagbalik-loob pa ang lahat. Di Mo na po iaantala pa kapag naganap pa ang dapat na maganap ay saka biglang darating ang Pagkawasak.
Manalangin kayo mga mahal naming mga kapatid, mga mahal naming mga kaibigan, mga mahal naming kakilala. Huwag kayong malibang sa mga kaabalahan sa buhay; malabis na pag-aaral, malabis na paghahanap-buhay, malabis na paglilibang, malabis na paggawa ng kasalanan, malabis na pakikisama sa mga maglalayo sa inyo sa kaligtasan. Sa halip ang gawin ninyo ay ang mga mataimtim, taos pusong pananalangin na may bagbag ang puso at kalooban na inilalapit ninyo na ipinaglalambing sa aing Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng inyong Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ang inyong kaligtasan at kaligtasan ng inyong mga mahal sa buhay.
– Elias Arkanghel – Jesu-Cristo
08282019PT733