PAGLILINAW AT PAGPAPAUNAWA # 0002 ANONG MAUUNA PAGLIKAS O PAGHUHUKOM? SA PAGLIKAS AY MALAPIT NA MALAPIT NA PAGKAT MAY ITAKDA NG ARAW ANG PINAKAMAMAHAL NA AMANG BANAL! KUNG PAGHUHUKOM AT ANG BIBLIA ANG SASANGGUNIIN AY PAGKALIPAS PA NG SANLIBONG TAON.
May mga pangyayari sa Banal na Kasulatan o BIBLIA na nagkaroon ng makailang ulit na Paglikas. At ang pinakatampok diyan na unang-una na alam na alam ng marami ay ang naganap sa panahon ni Noe. Bahaging natatalakay natin ang panahon ni Noe patungkol sa pagpapalikas sa kanila ng Amang Banal na Pinakamakapangyarihan sa lahat dahil din sa galit Niya sa labis ng pagsama ng mga tao. Nalalapit na ang mga araw ng Kaniyang kagalitan dahil sa pagsama na ng kalagayan ng mga tao sa daigdig na ito. Kaya may paghahanda at paggagayak ng nagaganap dahil tayo man ay aakyat sa napakabanal na kabundukan na tulad din ng mga nangaligtas sa araw na yaon. Tumanggap din sila ng Napakabanal na bilin na tulad din naman natin na inaasahan ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na ganap na sa Kaniya ang naghahangad na makasama ay ganap na makasusunod. Lalo na nga naghahangad tayo na maligtas at huwag madamay sa mga mapapahamak sa Araw ng Kagalitan ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos. Tanging ang Banal na Gawain Nilang ito ang kaparaanan na itinuturo Niya sa Banal na Kasulatan na sukat na ikaligtas ng marami sa pagkapahamak sa Pagwawasak na takdang maganap. Mga minamahal hindi na Niya hahayaan na maantala pa dahil sa iilan. Masunod na lamang ang Napakabanal Niyang kalooban ay biglang darating ang Pagkawasak subalit naipagmalasakit na Niya ang mga tapat na makasusunod.
Mangangaral 3:15 MB [15] Lahat ng nangyayari ngayon ay nangyari na noong una, gayon din ang magaganap pa. Paulit-ulit lamang ang mga pangyayari.
1. May Paglikas noon sa panahon ni Noe- may magaganap na paglikas din ngayon.
2. May naganap na pag-akyat sa kabundukan noon sa panahon ni Noe may magaganap na muling pag-akyat sa Dakong Banal na doon tayo aalagaan ng ating Amang Banal sa loob ng tatlong taon at kalahati.
3. May naganap na pagbaba ng kabundukan pagkatapos ng bahang gunaw noon muling may magaganap na pagbaba ng kabundukan pagkalipas ng kawasakang darating.
Lahat ng yan ay bibigyang daan na maipaunawa para mapag-alam ng lahat kung ano nga ba ang magaganap sa mga susunod na araw.
PAGLALARAWAN NG MGA MAGAGANAP SA HINAHARAP AY NAIHANAY DAHIL MAY MALAKING KAUGNAYAN SA ATING PAGLALAKBAY NAPAUUKOL SA PAGLIKAS.
Mateo 24: 37-39 MB [37] Ang pagdating ng Anak ng Tao ay matutulad sa pagdating ng baha noong panahon ni Noe. [38] Noon, ang mga tao’y nagsisikain, nagsisiinom at nagaasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe. [39] Dumating and baha nang di nila namalayan at tinangay silang lahat. Gayon din ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao.
[37] Ang pagdating ng Anak ng Tao ay matutulad sa pagdating ng baha noong panahon ni Noe. (Bago dumating ang baha sa panahon ni Noe ano ang hayag na nalalaman ninyo? Hindi ba nagpapatuloy sila sa paghahanda. Iginagayak noon ang Daong [sa ngayon ay yan Iglesia] habang kinakantyawan, pinagtatawanan, pinagwiwikaan sila ng mga tao ng masasamang pananalita. Hanggang sa dumating ang bahang gunaw at halos lahat sila ay nangamatay at napinsala dahil sa pagsuway di pagsunod. Ngayon sa yugto ng inyong panahon ay may magaganap na muling Paglikas. Kaya kayo man ay iginagayak ng ating Amang Banal na Pinakamamahal ay di makaiiwas na dumanas ng iba’t-ibang uri ng mga pagsubok. Pansarili at pangkalahatan na pagsubok, Mga kapwa kakapatid, kaibigan, kakilala at ang iba ay sariling sambahayan pa ang tuwirang umuusig, pinagwikaan kayo ng mga masasakit na pananalita. Pinararatangan walang bait sa sarili pati na ang ating kahalalan ibinigay Namin sa inyo ay kanilang napagdududahan sa kung sa anong karapatan kayo napahihintulutan na gawin ang mga sinasabi Namin. Subalit huwag silang kagagalitan huwag silang pagwiwikaan ng masama. Kung nagawa mo ito at kapwa kayo natukso sa inyong kahinaan ay nakahanda ang Amang Banal natin na kayo ay kapwa patawarin hingin lamang ninyo sa Kaniya na bagbag ang inyong puso at kalooban na lunasan ang mga sugatang damdamin bunga ng di pagkakaunawaan. Ipaglambing ninyo sa Kaniya sa AKing Ama na kapwa kayo na patawarin Niya! Dapat ninyong maunawaan kailangan lang subukin ang inyong mga damdamin tulad din naman sila na sinusubok ng Aking Ama. Oo kinakasangkapan lang din sila! Kaya sa halip magpatuloy sa paggawa ng mabuti sa pagpapakabanal ako at ang Ama ay Banal kaya masumpungan din naman sa kabanalan. Nalalapit na ang araw ng inyong paglikas lilisanin na ninyo ang daigdig na ito. Kaya lalo pa kayong maging maalab na pananalangin kung ang inyong kapwa kaaway man kayong itinuring kahabagan ninyo sila, isama niyo sa mga maipanalangin na kapwa malampasan ninyo ang panukat ng Aking Ama na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos natin na lubos na nagmamahal sa inyo kung kaya isinugo Niya ang Anak ng Tao. Oo Siya ngayon ay naririto na hindi ninyo namamalayan Siya ay nasa inyo ng piling. Bagama’t ipinakilala na hindi niyo lamang kinikilala pa tulad ng marapat na pagkakilala na nais Namin. Sapagkat hindi ninyo Siya matanggap na Siya ay isinugo sa pangalan Ko na siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalaala ng lahat ng sinabi ko sa inyo. Pakinggan niyo Siya Siya ay sa Amin ni Ama tumatanggap ng anumang mahahalagang bilin na nagmamalasakit nagpapaunawa ng buong pag-ibig at pagmamahal upang yakapin kayo ng Aming Kapangyarihan Kapangyarihan, Oo mula sa inyong Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos at Ako na nag-iisang Tagamagitan ninyo ang Pinakamamahal ninyo na Panginoong Jesu-Cristo ang lagi ng sasama sa kaniya sa Pamamatnubay ng inyong Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos natin.
[38] Noon, ang mga tao’y nagsisikain, nagsisiinom at nagaasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe. (Oo ganiyan na ganiyan din ang kasalukuyang kalagayan ng mga tao. Habang abala ang iba sa mga pansariling gawain, abala sa pag-aaral, abala sa paghahanap-buhay, abala sa mga kalayawan, abala sa pakikisama sa masasama, abala sa iba’t-ibang mga pansariling kasiyahan ay nalilibang sila nakalilimot sa higit na dapat mapaghandaan ng isa’t-isa. Oo ginugugol na lamang ang buong panahon sa buhay na lamang sa mundong ito. Ang daigdig na sumasama ang napakagulo ay hindi nila namamalayan wawasakin ng ganap ng ating Amang Banal. Palibhasa nalalapit na ang Paglikas kaya ang pagtungo sa itaas sa (CENTRAL) kinaroroonan ng Daong ay inaayos na ang lahat para maipaunawa na sa Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo sa ating Pinakamamahal na kapatid na Eduardo V. Manalo ang nalalapit na Paglikas na magaganap. At kung lapat na ang dalawang tungkod na pinatutungkulan ay ganap ng maituro sa lahat ang mga dapat na maituro pa at saka darating ang wakas ng pamamalagi pa sa daigdig na ito. Kaya naman iginagayak at inihahanda na ang lahat. Para huwag ng maulit ang nangyari sa nakaraan. Nang ) [39] Dumating and baha nang di nila namalayan at tinangay silang lahat. Gayon din ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. (Kaya napakapalad ng may kamalayan sa Paglikas na magaganap. Napakapalad ng nagpapahalaga at handang sumunod sa mga bilin na tinanggap ng Napahihintulutan ninyong abang Tagapaglingkod. Alam niyo kung bakit mga mahal kong kapatid? Unawain ninyo ang talatang nasa bahaging itaas at ang huling talata na ating sinipi. Matutulad anya ang kaganapan sa panahon ni Noe na hindi na nga mamamalayan ng iba na darating ang baha at tatangayin silang lahat. Dapat ninyong maunawaan tiniyak na gayon din ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. Kaya kung ganun rin ang mangyayari bago naganap ang bahang gunaw ay naghanda sila Paghahanda sa Paglikas na naganap ay gayun din naman tayo ngayon iginagayak na at inihahanda. Lahat ng mahahalaga ay isinakay na sa Daong noon. Lalong higit ngayon ang kinikilala ng Aking Ama na inyong Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na higit pa kayo sa mga isinakay sa unang Daong, sapagkat kayo na mga Piling Hinirang mga Piling Dayuhan na mga mapapalad na mga taong ibig din naman Niya na mangaligtas ay buong pagmamalasakit Niyang binibigyan ng pagkaunawa bago ang takdang araw ng Paglikas. Subalit sa akin ay kabatiran pa lamang mga mahal kong kapatid, mga kaibigan at kakilala. Ang sa akin ay pagkakaloob pa lamang ng kapahintulutan maunawaan pa lamang! Hinihingi lamang ng ating Amang Banal na kikilalanin ang Banal na Gawain Niya na ito at ang Kaniyang napahihintulutan ang abang Tagapaglingkod ninyo na naghahangad na makasama kayong lahat sa araw ng Paglikas sa pamamagitan ng Dakilang Tagapagligtas na Pinakamamahal natin na Panginoong Jesu-Cristo sa Kalooban ng ating Pinakadakilang Tagapagligtas na ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos natin. Huwag ninyong hayaan na kayo ay mapabilang sa hanay ng mga tatangayin na lamang dahil sa walang kahandaan. Manalangin kayong lagi na! At sundin ang Napakabanal na Kalooban Niya na magpakabanal pa at pawang mabubuti ang iniisip, sinasabi at sinasalita! Kaya naririto ang inyong abang Tagapaglingkod mula sa Napakabanal na Diwa ng Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na sumasaakin ang nagpapaunawa ng lahat ng ito sa Kapahintulutan ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na Siyang may ibig ng mapangyari ng lahat ang Kaniyang Napakabanal na Kalooban. Oo para maipagmalasakit kayong mapaunawaan, mapaalalahanan na napauukol sa nakatakdang Paglikas.
Ipinaunawa ni Ama na ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa inyong abang Tagapaglingkod ang araw ng PAGLIKAS?! Ano ang mapagbabatayang talata na may magaganap ngang napakabanal na paglikas? Hindi tayo lalayo dito pa rin sa napakabanal na Aklat ng Mateo.
Mateo 24:16-22 MB [16] Kapag nangyari na ito, ang mga nasa Judea ay dapat tumakas sa kabundukan. [17] Ang nasa bubungan ay huwag nang mag-abala pang bumaba upang kumuha ng kahit ano sa kanyang bahay. [18] At ang nasa bukid ay huwag nang umuwi upang kumuha ng balabal. [19] Kawawa ang nagdadalantao at ang nagpapasuso sa mga araw na iyon! [20] Ipanalangin ninyo na ang inyong pagtakas ay huwag mataon sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga. [21] Sapagkat sa panahong iyon, ang mga tao’y magdaranas ng napakalaking kapighatiang hindi pa nararanasan mula nang likhain ang sanlibutan hanggang sa ngayon, at hindi na mararanasan pa kahit kailan. [22] At kung hindi paiikliin ang panahong iyon, walang maliligtas. Ngunit alangalang sa mga hinirang, paiikliin ang panahong iyon.
ITO ANG PATOTOONG MAY MAGAGANAP NA PAGLIKAS. ANG PAGTAKAS AY KATUMBAS NG PAGLIKAS. ITO RIN ANG NAGPAPATOTOO NA MAY PAG-AKYAT SA KABUNDUKAN. KABUNDUKAN NA NAPAKATAAS MAN SUBALIT MASASAKLAWAN NG HIWAGA UPANG HINDI MAHIHIRAPAN ANG MGA MAY KAPANSANAN O MAY MGA KAIDARAN SA HANAY NG MGA MATATANDA NA MAKAKASAMA AT MGA KABATAAN.
Kapag nangyari na ito, ang mga nasa Judea ay dapat tumakas sa kabundukan. (Ang pagtakas na nabanggit ay yan ang Paglikas na pinatutungkulan. Ang pag-uutos ay sumabibig ng inyong Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na mula sa napakabanal na Atas ng Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na kailangan ng lahat ay makasunod. Ano ang pag-uutos? Kapag nangyari na ang mga binabanggit na kaganapan ang nasa Judea o [tulad ng ipinaunawa sa nakaraan na Sambahayan ng Juda] ay tumakas sa kabundukan. Unawain ninyo mga mahal kong kapatid di kuna ilalakip ang ibang talata dito na nababasa naman ninyo hindi nga talaga mamamalayan ng iba, dahil sa walang kahandaan ang iba kaya nga natitiyak na mangapapahamak sila. Kaya may pagpapasya ang Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na ipahintulot na Niya na maganap ang lahat ng pangitain pagkatapos ng ikawalong buwan ng ika-tatlumpu’t-isa ay maging handa tayo sa mga araw na darating ay masasaksihan na nating lahat ng ito. Ang tanong masasabi pa ba natin na ligtas pa ba tayo na mamalagi sa masamang daigdig na ito? Ang totoo hindi tayo makaiiwas sa mga kagimbal-gimbal na mangyayari) Sapagkat sa panahong iyon, ang mga tao’y magdaranas ng napakalaking kapighatiang hindi pa nararanasan mula nang likhain ang sanlibutan hanggang sa ngayon, at hindi na mararanasan pa kahit kailan (kaya wala ng kapayapaan na maglagi dito at walang sinuman ang nasa kaunawaan na na iibigin pa niyang maglagi dito sa napakagulo at napakasama na ng mundong ito o ng daigdig na ito.)
(Sinipi na natin ang mga talatang ito sapagkat ang inyong Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ang naghahanay ng mga ipinapahayag Niya dito. Pakaunawain mga mahal kong kapatid napag-aralan na natin ito sa nakaraan subalit yung huling bahagi ng talata ang nakatatawag ng pansin. Dumako tayo doon) Mateo 24 MB [1] Lumabas si Jesus sa templo. Paalis na siya nang lumapit ang mga alagad at itinuro sa kanya ang mga gusali ng templo. [2] Ngunit sinabi niya, “Nakikita ninyo ang mga gusaling iyan? Tandaan ninyo! Darating ang araw na wala riyang matitirang bato sa ibabaw ng kapwa bato. Lahat ay iguguho!” [3] Nasa Bundok ng mga Olibo si Jesus. Samantalang siya’y nakaupo roon, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad: “Kailan po ba mangyayari ang mga bagay na ito? Ano po ang magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng katapusan ng mundo?” (Katapusan ng mundo o katapusan ng daigdig na ito tulad na naipaunawa na natin sa nakaraang pagpapaunawa sa nakaraang Pahayag sa Blog na may Bagong Daigdig na bababa mula sa Langit sa kinaroroonan ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos . Oo ang tahanan ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Maninirahan Siyang kasama natin, at makakapiling nilang palagi. Anong palad naman ng lahat ng naroroon!
Sa gawin unahan kasamang nailakip sa pagtatanong ano ang magiging mga palatandaan ng Kaniyang pagparito? Lahat ng yan ay naipaunawa na at naganap na sa nakaraan. At pinalulubos na lamang ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos ang mga napakabanal na pinagagawa pa Niya.
Mangangaral 3:15 MB [15] Lahat ng nangyayari ngayon ay nangyari na noong una, gayon din ang magaganap pa. Paulit-ulit lamang ang mga pangyayari.
ANG NAPAUUKOL SA PAGPAPAUNAWA SANLIBONG TAON PAKIANTABAYAN MGA MAHAL KONG KAKAPATID, KAKILALA AT MGA KAIBIGAN-
Elias Arkanghel – Jesu-Cristo F083020191122